The Two Weeks Relationship

By erzaaa78

18K 542 89

Mula nang iwanan si Luan ng kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Alex, tinatak na niya sa kanyang isip na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Epilogue

Chapter 12

689 22 4
By erzaaa78

Medyo masakit.

Hindi pala, masakit talaga. Dapat talaga ay hindi muna ako naniniwala sa mga sinasabi ng iba pero kasi... Feel ko na totoo 'yung sinasabi nung babae 'tsaka parang kilalang-kilala niya talaga si Xzayvian, pero paano kaya kung hindi pala totoo? Tanungin ko kaya si Xzayvian? Kaso baka magsinungaling lang siya sa akin. At syempre, dahil... Dahil mahalaga siya sa akin, paniniwalaan ko naman.

Ganoon naman talaga, 'di ba? Kahit na nasasaktan tayo, basta mahal natin 'yung tao, maniniwala't maniniwala pa rin tayo sa mga kasinungalingan na naririnig natin.

Hay.

Sobrang nakakapagod lang. Paano kaya kung 'wag na naming ituloy 'to? Sabihin ko sa kanya na tigilan na namin ito at bumalik na sa kanya-kanya naming buhay, kahit mahirap... Kahit masakit. Kaysa naman ipagpatuloy namin ang kasinungalingang ito.

Pero... Kasinungalingan nga ba?

Kasalukuyan akong nag-i-Instagram, may load ako ngayon, e. Ang tagal ko na kayang hindi naglo-load, puro free data lang ako, Facebook lang naman kasi bisyo ko, bihira rin naman ako magpost ng status ko, puro share lang o kaya react-react.

May bagong notif na lumabas.

Xsen_Kyle started following you.

Si Xsen? Pinindot ko iyung profile niya, si Xsen nga. Nifollow ko rin siya. Sinimulan ko siyang i-stalk. Wala namang iba, puro bike lang at kotse. Grabe... Adik talaga sila sa bike at kotse? Ano kayang username ni Xzayvian sa Instagram?

E!

Ba't ba siya iyong iniisip ko?

Bigla namang may nagpop up na chat head sa screen ko.

Xsen Kyle Austria: uy, labas ka

Luan Keihl de Lara: bakit?

Xsen Kyle Austria: wala lang, labas ka lang.

Luan Keihl de Lara: Ayoko.

Xsen Kyle Austria: bakit? Labas ka na, kawawa si Xzay.

Luan Keihl de Lara: mas kawawa ako.

Xsen Kyle Austria: ano pa ako? Laging ako iyong gumagawa ng paraan para magkalapit kayo.

Nagta-type na ako ng bago kong ire-reply nang napahinto ako. Binura ko 'yung isesend ko na dapat na message. Ba't ko ba kinakausap si Xsen? Dalawa sila ni Xzayvian na nanggamit sa akin para lang makabalik sila sa kanila kasi... Malay ko ba, basta para makabalik sa kanila. Dapat lumayo na ako sa magkapatid na X na iyon.

Luan Keihl de Lara: bye naaaaa!

Pinatay ko na agad iyung data. Nahiga ako at niyakap 'yung unan na nasa tabi ko, parang kanina lang ay nandito pa si Xzayvian sa higaan ko, at tabi kaming natutulog tapos ngayon, wala na. Wala na lahat. Nakakalungkot na nakakahinayang, sayang iyung pinagsamahan namin at 'yung closeness between us.

Pero ano bang magagawa ko? Takot lang naman ako na maloko ulit. Masakit na iyung kay Alex, ayokong dagdagan pa ulit iyon ng bagong sakit na mas masakit pa. Takot ako... Ginamit niya ako. Siguro, sapat na rason na naman iyon para layuan ko na siya?

Hindi ako lumabas ng bahay hangga't hindi nagtu-two pm. Naglunch ako mag-isa sa bahay nang nakasara ang pinto at bintana, hindi ko rin tinali 'yung kurtina at binuksan ko na lang 'yung ilaw para maliwanag. Alam na naman siguro ni Xzayvian na ayaw ko siyang makita o makausap. Sapat na iyong isang linggong panggagamit niya sa akin. That's enough.

Basta, ako, ayoko lang masaktan ulit. Kaya kung ayaw kong magmahal, walang may kasalanan, ako iyon... Ako 'yung may mali kasi ako iyung takot. Takot sa mga bagay na pwedeng mangyari kapag ginawa ko ito o iyan.

"Buti hindi ka niya nakita nang lumabas ka sa bahay mo?" I let out a deep sigh.

"Mabuti nga hindi. Siguro... Nagsawa na rin siya sa'kin," I bitterly smiled. Lahat nagsasawa, may mga tao lang talaga na pinagpapatuloy 'yung nasimulan nila kaya in the end, happy ending pa rin.

"Bakit naman? Hindi ka naman kasawa-sawa, ah?" Pumangalumbaba ako sa sinabi ni Carlo.

"Wow! Gumaganiyan ka na, porket may Carla ka na..." He laughed. "Pati tawa mo, lalaking-lalaki na. Binago ka talaga ni Carla, 'no?" Nagkibit-balikat siya.

"Ganoon talaga. Kaya kang baguhin ng love, lahat tayo kayang baguhin ng love." Nagmake face lang ako sa sinabi niya. Ang dami talagang alam.

"Ang duga mo kasi, bakit ba kasi ayaw mong ikuwento sa akin iyong first meet niyo?"

"Baka mainggit ka," I pouted.

"Kainggit-inggit ba?" I said with a bitter tone.

"Anong malay natin." He smirked.

"Ewan ko sa'yo. Pasuntok kita kay Carla." He tapped my shoulder.

"Mamaya mo na ako ipasuntok, nandiyan 'yung jowabells mo sa labas." May jowa ba ako?

"Jowabells? Salitang pangkanto naman, siguro tawag mo kay Carla ay shota, 'no? Dapat girlfriend, itong bakla talaga na ito, puro pangkanto–"

He cut me off. "Mamaya na ang kuwento. Kunin mo na 'yung order nung 'boyfriend' mo."

I frowned. "Bakit ako? Ikaw na lang!" He raised his eyebrow.

"Kunin mo na, isusumbong kita kay boss."

"Isusumbong kita kay boss," I said, mimicking him. He glared at me. "Oo na po, ito na nga, e." Lumabas ako at nakita ko si Xzayvian doon na nakatingin sa mga coffees.

Mukha siyang adik.

Gulo-gulo iyong buhok tapos parang puyat na puyat. Nang nakita niya ako, sinuklay niya agad iyong buhok niya gamit 'yung daliri niya. He smiled at me, pero parang pagod na pagod siya. I just ignored his smile and walked towards him.

"What's your order, sir?" He sighed.

"Pwedeng ikaw?" I remained silent. "Kidding. Can we talk?" It took a second before I answered his question.

"Nasa trabaho ako. So, what's your order?" He let out a deep sigh.

"Yeah. You're mad at me and I didn't know what's the reason why you're mad, but I know, it's my fault. So, sorry... Sorry even though I didn't know what's the reason," I looked at him with my emotionless face.

"Pumunta ka lang dito para sabihin iyan?" Nakatingin lang siya sa akin. "Wala ka bang balak um-order kasi nasasayang 'yung oras ko sa'yo..." Nakita ko iyung sakit sa mata niya pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng maniwala sa panibagong kasinungalingan niya. Maniniwala ako tapos ako naman 'yung masasaktan? Ganoon ba?

"A... Ano, o-order ako. Espresso lang." Dami pang sinabi, iyon lang pala.

"Okay. Paki-hintay na lang." He nodded.

"Pati ikaw, hihintayin ko. Don't worry, sanay naman ako maghintay." He said with a little smile.

Yesterday was not a good day. Sobrang nakakapagod kahit wala naman akong masyadong ginawa. Siguro, pagod lang kakaisip kung ano 'yung mga mangyayari, kakaisip kung magiging okay lang kaya ako... kami... kapag nag-usap na kami ng maayos. Mamaya.

"Luan," he called me. I looked at him with my questioning face.

"What? Do you need something?"

"I need you." I faked a laughed.

"Really?" He nodded. "Okay." I said then shrugged. Naglakad na ulit ako pero hinawakan niya iyung braso ko.

"Did I do something wrong?" I shook my head. Ako nga kasi 'yung mali. "Then, why are you mad?"

"I'm not mad. Stop thinking that I'm mad 'cause I'm not." He sighed. Iyan na naman siya sa buntong-hininga niya.

"Yeah. You're not mad but seeing you like that, I know, you're mad. So, tell me, what's wrong? Is it me?" I shook my head again.

"Wala ngang mali! Ba't ba 'di mo maintindihan iyon? Walang mali. Wala. Okay na?" Hindi ko na napigilang sumigaw. Nakukulitan ako sa kanya, pagod ako sa trabaho ko, kakauwi ko lang tapos kukulitin niya ako.

"A-Ah... S-Sorry sa abala. Sige na, m-magpahinga ka na." Tumalikod agad siya. Napahinga na lang ako ng malalim at napailing. Hinawakan ko 'yung braso niya at hinila paharap.

Oh...

Bakit namumula iyong mata niya?

"W-What?" Dahan-dahan niyang tinggal 'yung kamay ko sa braso niya.

"Let's talk... But not now. Tomorrow, sa bahay. Umaga. Tayo lang." At sana tayo pa rin.

"Tayo pa naman, 'di ba?" Nagulat pa ako sa tanong niya. I slowly nodded. He smiled. "Don't worry, hindi tayo maghihiwalay hangga't hindi dumadating ang two weeks... Tayo pa rin, Luan. Tayo lang."

I'm kinda happy because of that. Dahil sa sinabi niya at... Iyon nga. Pero, hindi ko pa rin maiwasan na maghinala. Mahal niya ako... He told me about that pero ba't two weeks lang? Syempre aalis na nga ako, pero bakit... Bakit... Hindi pwedeng ipagpatuloy kahit nasa China na ako?

Mahal niya naman ako, 'di ba? Mahal ko ba siya?

Oo.

Ang duga niya, e. Nahulog na ako sa kanya kahit na ginagamit niya lang ako at ang nakakatawa lang, nahuli ko na siya, nalaman ko na 'yung ginagawa niya behind the scene pero bakit lapit pa rin ako nang lapit sa kanya? Bakit hindi ko kayang lumayo?

Kasi nga mahal ko siya.

Kung sanay lang siguro akong magmura, ilang beses kong minura iyang love na iyan pero hindi, e... masama iyon at wala namang kasalanan ang love. Ginagawa niya lang iyung trabaho niya, tao talaga ang may kasalanan. Kasi, tayo lagi 'yung magulo. Binigay na sa atin pero kinu-kwestyon pa rin natin.

Tumayo agad ako at binuksan 'yung pinto nang marinig kong may kumatok. Nakita ko siyang nandoon sa labas at pipikit-pikit pa. Mukhang bagong gising lang ito, ah.

"Kumain ka na?"

"Hindi ko kailangang kumain, ikaw 'yung kailangan ko." He seriously said. Okay.

"Sabi mo, e... pasok na." Sinarado ko iyung pinto pagpasok niya. Gusto kong kami lang ang makaalam ng pag-uusapan namin, ang dami pa naman naming chismosang kapitbahay.

"Anong pag-uusapan natin?" He asked. Kumuha ako ng tubig at pandesal, binigay ko sa kanya iyon. Wala akong kape, hot chocolate, o gatas, nagtitipid kaya ako.

"Of course, about us." I replied.

"Can I ask you?" I looked at him seriously.

"Ask me. And I will ask you, too. Just... be honest." Ang awkward ng atmosphere pero pinilit kong titigan siya ng seryoso, hindi ako pwedeng umiwas ng tingin dahil sa oras na ginawa ko iyon... Ako ang talo.

"Okay. Why are you mad?" Ang kulit! Hindi nga ako galit, 'di ba? Pero para sa ikatatahimik ng kaluluwa niya, okay! Galit na ako.

"You... Used... Me..." I said as I looked at his eyes.

His forehead creased. "What are you talking about? I don't understand you... I used you? Saan mo narinig iyan?" Hindi niya makapaniwalang sabi. Ah... So, ako 'yung mali talaga?

"Ginamit mo ako. Noong nasa park tayo at nagba-bike, nakita kita na kasama mo 'yung babae, at ang sabi niya... Ginamit mo lang ako," he scoffed.

"Naniwala ka naman?"

"Bakit naman hindi?" He bitterly smiled.

"Akala ko hindi ka naniniwala sa mga naririnig mo kasi akala ko... May tiwala ka sa'kin, na bago ka makinig sa iba, ako muna iyong pakikinggan mo. Pero bakit ganito? Anong nangyari sa expectation ko, Luan?" Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Napapikit na lang ako, parang naninikip 'yung dibdib ko.

Ngayon ko lang napatunayan na ako pala talaga iyong mali.

"Now, it's your turn to ask. So, ask me." Siguro, ako rin iyung may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Alex... Ako talaga.

"Bakit mahal mo ako?" Gusto ko sanang itanong kung ba't niya ako ginamit pero sa sinabi niya sa akin kanina... Hindi ko na dapat itanong iyan.

He smiled at me before answering my question. "I don't know. Hindi mo alam at hindi ko alam, basta, ang alam ko ay mahal kita. Masaya na ako roon, mahal kita kahit hindi mo ako mahal. Kasi alam mo... noong makilala kita? Doon ko lang nalaman 'yung salitang kuntento. Kuntento na ako sa'yo..." He stopped then laughed. I just stared at him. "'Tsaka, siguro karma ko na rin 'to kasi hindi ko pinahalagahan iyong mga babae dati. Masakit pala iyon... Masakit palang hindi pinapahalagahan."

Sa pagngiti niya, roon na tuluyang nadurog ang puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 3.3K 42
Naniniwala tayong hindi dapat para sa isa't isa ang isang student at teacher. But what if, magkaron ka ng gwapong professor and you started to like...
5.4M 208K 56
Kia likes Leonardo Saavedra, but she is stuck with the dead body of his younger brother, Dipen, who died in an incident that involves her. Is she rea...
1.2M 40.7K 43
Isa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabu...
1M 33.1K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...