ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.7K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Kalaban sa dilim I

482 13 0
By ClaraSaejo

***

Isang babae ang naka upo sa isang waiting shed malapit sa isang  terminal ng mga sasakyan, matao ang lugar at napapaligiran ng mga sasakyan, mausok at maingay na nagbibigay irita sa babaeng kasalukuyang tila ba nagmamanman at parang may hinihintay.

Matangkad ang nasabing babae at maganda ang kanyang postura, ang kanyang buhok ay purong itim na sumasalungat sa kanyang kasuotang puti ,naka upo sa upuan ng waiting shed, ang kanyang balat ay kasing puti ng nuebe at ang kanyang buhok naman ay kasing itim ng gabi, may itsura siya na masasabing isa na sa pinaka magandang babae na iyong makikita, ngunit kahit ganun pa man ay tila hindi alintana ng mga tao sa kanyang paligid ang kanyang kagandahan, tila ba wala sa paningin nila ay parang hindi nila nakikita ang babae na naka upo.

"Oh pano ba yan tol....mauuna na ako"
Wika ng isang lalaki sa kanyang dalawang kasamahan.

Naagaw ang atensyon ng babae sa tatlong lalaking nag uusap di kalayuan sa kanyang pwesto.

"Ate, koya! Mag ingat kayo, di nagbabayad yan!"
Pabirong wika ng isa sa kasamahan ng lalaki na sumakay ng jeep.

Napatingin ang mga tao sa tinutukoy ng lalaki na kasalukuyang naka sakay sa jeep.

"H..hindi po! Nagbibiro lang siya hehe~ Walang hiya ka rhodney! Malalagutan ka sa akin sa lunes humanda k-"
Patuloy sa pagsasalita ang lalaking nakasakay sa jeep ng umandar na ito paalis.

"Grabe ka naman kay dante haha!, Siya na nga naglibre sa atin doon sa karaoke eh"
Natatawang wika ng isa pang lalaki na kasamahan ng dalawa.

"Haha!, Anyway jonathan...sige mukang mauuna na ako..eto na yung jeep oh"
Wika ng isa at naghanda na siya sa pagsakay sa isa pang jeep.

"Sige ingat ah....sa lunes pasok ka ng maaga tayo ang cleaners haha!"

"Kaya mo na yan, magpapalate ako"
Wika ng lalaki sabay sakay sa jeep.

"Hahhaa adik...o sha~, ingat rhodney ah"
Wika ng kasamahan niya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang mapuno ang jeep ay umandar na ito, kasabay ng pag alis ng jeep sa terminal ay saka nawala din ang babaeng naka upo sa bench.

************************************

Sa isang madilim at hindi pa alam na lugar ay kasalukuyang may babae at lakaki, walang malay ang lalaki at kasalukuyan siyang ginigising ng babae.

"Kuya.....kuya gising...kuya gising!"
Pasigaw na wika ng babae sa lalaki na tinawag niyang kuya.

" Oy kuya gising! Ukinana!"
Naiinis ang babae dahil sa wala pa ding kibo ng lalaki ay napamura siya at ihinanda niya ang kanyang palad.

*K..kapangyarihan ng kalikasan, magtipon tipon kayo sa aking palad at bumuo ng isang enerhiya*

Wika ng babae at biglang tila ba kumislap ang suot suot niyang kwintas na gawa sa ginto at may kakaibang bato sa gitna, kasabay ng pagkislap nito ay ang tila ba pagliwanag ng kanyang palad.

"SAAAAABING GISIIIING NAAA EHHH!!"
Buong lakas isipampal ng babae ang nagliliwanag niyang palad sa pisngi ng lalaking kasalukuyan pa ding walang malay.

*Pak*

Pak~

Pak~

Pak~

Nag echo sa kapaligiran ang tila ba tunog ng laman na naghampasan, sa tindi ng lakas ng pagkakasampal sa lalaki ay nakailang ulit tumunog ang echo sa magkakaibang direksyon.

"P..p..prim? H..uh? A..b..bakit andilim?...gabi pa ba?"
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay dahan dahan napatingin ang lalaki sa kanyang kapaligiran habang bumabangon sa pagkakahiga.

"Prim?, Bakit parang mahapdi yung pisngi ko?"
Pagtataka ng lalaki sa babaeng tinawag niyang prim.

Kasalukuyang parang isang hamon o longanisang katatalos lamang prinito ang pisngi ng lalaki dahil sa namumula nitong balat.

"B...baka napulikat ka lang haha"
Agad inilayo ng babae ang kanyang tingin bago nagsalita.

"Pulikat?..ganun b-? Heh?"
Pagtataka ng lalaki ng mapatingin siya sa palad ng babae na kasalukuyan pa ding nagliliwanag.

"Prim"
Wika ng lalaki na may seryosong tono habang nakatitig sa babae.

"Yllis"
Wika naman ng babae na hindi pa din makalingon sa lalaki.

"Bakit nagliliwanag yang palad mo?"

"Oo nga no? Bakit kaya?"
Wika ni prim habang sumisipol sipol at nakalayo ang tingin sa kanyang kuya.

************************************

************************************
Isang walang hangang blankong lugar, ayan ang kasalukuyang kinalalagyan nila prim at yllis, hindi nila alam kung paano sila napunta sa kasalukuyan nilang kinalalagyan ngunit ginagawa nila ang lahat ng kaya nila para naka alis.

Matapos magising ni prim ay nalaman niya agad na wala siya kanilang kuwarto kung saan dapat ay natutulog silang dalawa ni yllis, pagkagising na pagkagising ni prim ay agad siya kinikabutan sa kasalukuyang kapaligiran na kanyang nakikita, isang blankong lugar, ang kalangitan ay wala, ang kapaligiran ay wala at maging ang kanyang tinatapakan ay wala din, ang tangi niya lamang nakikita ay ang kanyang kuya na kasalukuyang walang malay sa kanyang tabi.

Hindi nag aksaya ng panahon si prim ay agad niya pinilit gisingin ang kanyang kuya at matapos ang maka ilang beses na paggising ay nagising na ito, ipinaliwanag ni prim ang kahat ng kanyang napansin at nang mahimasmasan na si yllis ay sabay silang nag isip ng hakbang upang maka alis.
.
.
.
.
.

Matapos makatangap ng anting anting galing kay elena ang dalawa ay nagpasyang humiwalay muna sina yllis at prim at hindi sumama sa pag uwi ng grupo,nagpaalam sila para bisitahin ang kanilang mga kamag anak di kalayuan sa lugar na pinaganapan ng kanilang training kasama sina jonathan at maia, nagpa iwan ang magkakambal ay nauna naman na sina maia jonathan at lee pabalik sa capital para makapaghanda na sa ilang araw na lamang na pagbabalik eskwela ang pagtatapos ng christmas vacation nila.

Parang isang normal na pagbisita sa mga kamag anak sa probinsya ay ganun ang ginawa ng magkakambal hangang makuntento sila, at nang makapamili na ng maipapasalubong sa mga kaibigan nila sa TiMog foundation , ang paaralang pinagtratrabahuhan nila ay naghanda na sila para sa pagbalik.

Pagpapahinga ng maaga para makapaghanda sa byahe kinabukasan ay agad nagpasyang matulog ang dalawa ng maaga, ngunit bigla na lamang nabago ang schedule nila ng magising si prim mula sa pagkakatulog at nalamang nasa ibang lugar na pala sila.

Sinubukan maglakad lakad ng dalawa sa kasalukuyan nilang lugar ngunit tila ba hindi sila nakaka alis kahit gaano katagal nilang ipadyak ang kanilang paa ay hindi sila nakaka alis sa kanilang kinatatayuan.

Gamit ang anting anting na binigay ni elena ay ginamit ito ni yllis para magsagawa ng isang salamangka.

Ang natangap na anting anting ng dalawang magkakambal ay nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang hiramin ang enerhiya ng kalikasan at gamitin it bilang kanila.

Sa madaling salita ay nagbibigay ito ng kakayahang gayahin ang mga aswang at mangangaso na kayang humigop ng enerhiya sa paligid at gamitin para makapag sagawa ng isang salamangka.

*Kapangyarihan ng kalikasan magtipon tipon sa aking palad at humulma sa naayon sa aking kaisipan*

Wika ni yllis at mula sa isip niya ay humulma siya ng isang bilog na bagay, kasabay ng pag iimahe niya ay nabuonang isang bilog na liwanag sa kanyang palad, isang nagliliwanag na bola ng enerhiya.

Hawak hawak ang bolang liwanag ay kumuha ng bwelo si yllis at ibinato ito sa itaas.

"Tignan natin kung saan aabot"
Wika niya habang nakatitig sa bola na kasalukuyan pa umaakyat sa himpapawid.

Patuloy ang bolang liwanag sa himpapawid hangang ito ay maglaho na ipinagtaka ng dalawa.

"Huh?...nawala?, Ibig sabihin ba walang hangan ang lugar na ito?"
Pagtataka ni prim.

"......"
Hindi nagsalita si yllis at tinitigan lamang ang kanyang kakambal.

"....."

"....."

"....."

"...."

Nagkaroon ng katahimikan sa dalawa, walang kibo na naganap at tanging titigan lamang ang kasalukuyang nangyayari.

Isang dimensyong walang hanganan, tahimik at walang ingay, kung saan ka nakadungaw ay hangang doon lamang ang iyong makikita, parehas ang tanawin sa harap sa likod taas at baba.

"Hindi....hindi maari"
Wika ni prim na bumasag sa katahimikan.

"Mukang ganun na nga...."
Wika ni yllis at inilayo niya ang tingin niya kay prim.

"Hindi... Ayaw ko...., Patay na ba talaga tayo? Ito na ba ang huling hantungan?"
Wika ni prim habang nakatingin sa kanyang kuyang si yllis.

Kasalukuyang mangiyak ngiyak si prim at hindi alam ang gagawin.

"Magsalita ka naman!"

"...."

" Ano to? Afterlife?, Langit?, Purgatoryo?, Impyerno?"
Pasigaw na wika ni prim.

Walang makikita sa paligid kaya nakatitig lamang ang dalawa sa isa
Isa habang nag uusap.

Maya maya pa ay dumapa si prim habang tumakbo sa kanyang isipan ang kasalukuyan nilang lagay ngayon, hindi na alam ang gagawin ay yumuko nalang si prim habang nakadapa.

"Wala sa nabangit....napaka booring dito! As in walang makikita!,kung afterlife ito... So dito na tayo for like? Ethernity?, Ayaw ko naman pag ganon?, Kung patay na tayo mas mainam pa na sa impyerno na lang atleast may makikita pa akong mga sira ulong may sungay!"
Pagbibiro ni yllis kay prim para hindi ito kabahan mas lalo.

Dahan dahan ay hinila niya si prim patayo at muling humarap sa kanya.

"Hindi nakakatawa...baka nga patay na tayo...yllis"
Wika ni prim na muling nagsalita at hundi kumbinsido sa biro ng kanyang kuya.

"Nagpapatawa ka prim my dear little sister, Mamamatay tayo ng sabay? Haah! Sabay tayo pinanganak, mas nauna nga lang ako ng ilang segundo...pero..sabay din tayo mamamatay?! Hahaha! Ano kaya yun, ang OA"

"...a..ang OA?"

"yup! Ang OA"

"Y...yllis...ayaw mo ako kasabay mamatay?"
Wika ni prim sa isang mahinang tono at kumunot naman ang noo ni yllis.

"H...hindi sa ganun...i mean.., prim....think positive, hindi pa tayo patay, baka pinagtritripan lang tayo ni elena or something"
Biglang wika ni yllis ngunit hindi pa din kumbinsido o hindi nagawang pakalmahin ng biro ni yllis si prim.

Nanatiling bagsak ang titig nito sa ibaba habang humihinga ng malalim.

"Prim"

"....."

"....."

" Prim makinig ka"

Hindi pa din lumingon si prim ng biglang kunin ni yllis ang atensyon nito, dahan dahan ay hinawakan ni yllis ang pisngi ni prim gamit ang kanyang palad at iginalaw ni yllis ang kanyang kamay para haplos haplusin ang pisngi ni prim at itungo ang buong titig ni prim sa kanya.

"Ayos lang naman sa akin kung ito na nga ang huli nating hantungan...magkasama naman tayo eh.....ikaw lang sapat na sa akin"
Nakangiting wika ni yllis at dahan dahan niya inilapit ang mukha niya kay prim.

"Yllis..."
Wika naman ni prim at unti unting ngumiti.

Dahan dahan ay naglapit ang dalawa, magkahawak ang kamay at nakatayo sa lugar kung saan ay sila lamang ang naroroon ay unti-unting naglapit ang kaning labi.

*CrAaack!!*

Sa kapaligiran ay tila ba maririnig ang nababasag na salamin.

Sa itaas ng dalawa ay bigla na lamang nakaroon ng lamat ang dimensyon at unti unti itong nabasag hangang pumasok ang liwanag na tila ba galing sa labas ng lugar kung nasan sila nakatayo.

Isang nagrereklamong boses ang nadinig mula sa itaas kung saan puno na ng lamat ang naturang lugar.

"Hi..hindi! Ang aking salamangka nawalan nang bisa?!"
Biglang wika ng isang misteryosong nilalang sa himpapawid.

Tarantang taranta ang misteryosong nilalang ay hindi niya namalayan ang sumunod na naging kilos ng dalawang magkakambal.

*Kapangyarihan ng kalikasan, ipagkaloob niyo sa aming dalawa ang enerhiya para makabuo ng isang pwersa!*

Magkahawak ang kamay ng dalawa ay may nabuong tila ba isang malaking bilog na enerhiya na agad bumala sa itaas, naka asinta sa kung saan nila nadinig ang boses ay nagpakawala pa sila nang dalawa pang magkakasunod na bolang enerhiya.

Ilang segundo ang lumipas sa lugar kung saan bumala ang enerhiyang bola ah may bigla na lamang nalaglag na nilalang mula sa itaas.

Isang babaeng walang suot na kung ano ano, maputi ang kanyang kutis at kasing itim ng gabi ang kanyang buhok.

Dirediretso siya sa pagbagsak hangang lumagapak siya sa blankong lebel na tinatapakan nang magkakambal.

"H..hindi m..maari, paano?"

Nakadapa ang nilalang habang namimilipit sa sakit na nakahawak sa kanyang sikmura ay unti-unting nabura ang ilusyon sa paligid, nalaman ng magkakambal na hindi sila umalis sa bahay at nanatili lamang nakatayo sa kanilang higaan habang sa tabi nila ay ang nilalang na may pakana ng lahat.

"Kha..kayong dalawa...to..totoo ba na masaya kayo sa lugar na nakita niyo kanina?! Sa isang masalimuot at madilim na lugar...sa isang bangungot"
Wika ng nilalang habang inaalala ang mga tagpo na gawa gawa lamang ng magkakambal.

"Hahahaha! Kami ang mag dedesisyon kung ano ang itsura ng isang bangungot para sa amin...hindi ikaw....."
Natatawang wika ni yllis.

"Tama nga ang nakasaad tungkol sa kanya galing sa journal....buti na lamang at nabasa mo ang tungkol dito"
Wika ni prim sabay turo sa halimaw sa kanilang harapan.

*Bangungot*

Isang halimaw sa makalumang panahon, ayon sa sabi sabi ng mga matatanda ay ito ang mismong manifestasyon ng takot ng mga tao tuwing sila ay natutulog, nagkaroon ng sariling katauhan ang emosyong takot at naging isang halimaw na kung tawagin ay bangungot, amg halimaw na ito ay paminsan minsang lumalabas sa panaginip ng mga taong hindi kuntento sa buhay, huhulma sa itsurang bungo, isang matandang babae, o isang nilalang na hindi maipaliwanag, sinasabing ang mga tao kasalukuyang inaatake ng halimaw ba ito ay bigla na lamang magigising sa pagkakatulog ,hindi makagalaw kahit gaano nila pilitin habang sa tabi nila ay may papalapit na papalapit na nilalang.

Sa ganoong paraan kumakain at nagpapalakas ang mga bangungot, enerhiya ng tao ang nagsisilbi nilang nutrisyon.

Pangunahing elemento nila ay ang kadiliman at may kakayahan silang kumuntrol ng panaginip.

Para kontrahin ang mga nilalang na ito ay kailangang huwag na huwag magpapatalo sa kanyang kagustuhang sirain ang iyong magandang panaginip, mababasag ang kanyang ginawang bangungot kapag iyong nalagpasan o natalo ang iyong sariling manifestasyon ng takot at hindi magkakuntento sa iyong buhay.

"Masyadong nakakatakot at mapaminsala ang kakayahan o salamangka ng mga tulad mo ngunit, madali din ito ma kontra...!"
Pagmamayabang ni yllis sabay tawa.

"Hampaslupang tao! Akala niyo nanalo na kayo ah!,nagkataon lang na kulang ang impormasyon na naibigay sa akin!"
Naiinis ay dahan dahang tumayo ang bangungot at tinangkang atakihin si prim gamit ang matatalim niyang kuko.

Nakatutok kay prim ang matalim na kuko ng bigla siyang pumatalikod sa nilalang at hinablot ang braso nito sabay tinisod ang kanang paa ng nilalang na nagresulta sa pagkadapa nito sa sahig, bukod sa malakas na tunog ng pagbagsak ng nilalang sa sahig ay nadinig din ang pagkabali ng buto ng halimaw at ang kanyang sigaw.

" aArGggHhhhh!!"

"OpsssSssss.., teka lang marami kaming katanungan sayo pero, mas mainam na patahimikin ka na namin ngayon....baka magtawag ka pa ng iba eh"
Wika ni yllis at mula sa kanyang kamay ay may hawak hawak siyang tila ba injection na may lamang kulay itim na likido.

"A...ano yan?!, A..ano yan!!"
Wika ng bangungot habang nakatitig sa nilalaman ng injection.

"Dugo lang naman ...blood sample ng aking kaibigan haha"
Wika ni yllis at habang hawak hawak ni prim ang hindi makagalaw na bangungot ay itinusok ni yllis ang injection sa balat ng halimaw.

Injection na may lamang dugo ni jonathan.

"A..ang init..a....A...a...A.ng init! A..A..ano to Arrhagg! Blugggrhjfkuuym?!"
Hindi naituloy ng halimaw ang pagsasalita pa ng biglang humandusay siya sa sahig at nag umpisang malapnos ang kanyang mga balat.

Dahan dahan binitiwan ni prim ang halimaw at sabay tinitigan ng magkakambal kung paano matunaw sa loob ang halimaw.

Tila ba kumulo ang mga balat ay kumulubot ito at unti unting natunaw at di kalaunan ay naging abo.

Mula sa naabong katawan ay isang itim na bagay ang lumabas at nagpalutang lutang sa ere.

"Hindi pa tayo tapos! Babalikan ko kayong dalawa! Hinding hindi kayo makakatulog ng gising!"
Tila ba isang kakaibang boses ang nadinig sa lumulutang na itim na bagay bago ito nawala sa ere na parang bula.

"Hinding hindi daw tayo makakatulog ng gising? pffft! Bwahhaha narinig mo yun yllis?"
Natatawang wika ni prim.

"..a..ano to!"
Wika ni yllis at sinuri ang abo abo sa kanyang harapan.

 
************************************

Sa taas ng isang gusali kung saan ay halos tanaw ang nangyayari sa maingay na syudad ay kasalukuyang nakatayo ang isang nilalang na may buhat buhat na katawan.

Katawan ng isang tao

Umiihip ng malakas ang hangin na nagpapasayaw sa buhok ng nilalang na isang babae, maputi ang kanyang kutis at kasing itim ng gabi ang kanyang buhok, sa kanyang mga bisig ay buhat buhat niya ang isang lalaking binata na walang malay.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang dalawang iyon!, Hindi lamang nila ako naisahan! Napahiya pa ako!,..magbabayad kayo! Amaryllis at primrose!, Magbabayad kayo!, Hinding hindi natutulog ang bangungot!"

Nangingigil sa galit na wika ng babae na halos sumira sa kanyang nakaka akit na itsura.

Mula sa likod ng babae ay may sumulpot na anino at nag anyong tao.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo!, Ang utos ng prinsipe ay buwagin ang binuong grupo ng prinsesa, bakit nangdamay ka ng inosenteng tao"
Wika ng anino sabay tingin sa binatang buhat buhat ng babae.

"Alam ko ang ginagawa ko, wag mo ako pangunahan mababang uri!, Kailangan ko gawing sakripisyo ang taong eto para maisakatuparan ang nais ng inyong prinsipe"
Wika ng babae sabay tingin sa buhat buhat niyang lalaki.

"Ngunit ang binatang iyan ay walang kinalam-"

"Hindi na mahalaga ang iyong iniisip, isa o dalawang buhay ng tao ay bale wala lamang sa atin diba?,normal lamang na gawin ko ang ganitong bagay...halimaw ang tawag nila sa atin....hindi ba at tama lang na umasta akong halimaw?"

"P..pero...hindi porke ganun na nga ay magkakaroon ka pa ng collateral damage "

" Kolerar? Ano?..magsalita ka sa lengwaheng naiintindihan ko!,"
Naiinis na wika ng babae.

"...."
Nanahimik ang anino dahil hindi niya alam kung paano mag r-react sa sinabi ng babae.

"Hindi na bale...ipapa alam ko sa mahal na prinsipe ang iyong ginagawa, wag mo ako sisihin sa maaring gawin sayo ng prinsipe kung nagkataon"
Wika ng anino at dahan dahan siya nawala sa harapan ng babae.

"Mismong ang prinsipe mo ang nagbigay ng utos sa akin na malaya ko nagagawa ang gusto ko gawin basta't maisakatuparan ang kanyang utos"

Naiwan sa kasalukuyang lugar ay nagpasyang lumipat ang babae sa ibang lugar, lumulutang sa ere ay tumalon talon siya sa kalangitan na parang naglalakad lamang sa ulap, nakadungaw sa kanyang ibaba ay kita ang mga nakakasilaw na liwanag ng mga naglalakihang gusali at ang ingay ng mga sasakyan na nagmamadali ng umuwi para makapag pahinga ang mga lulan nito.

"Ano nang nangyari sa mundo..ito ba ang sinasabi nilang moderno?, Walang mga puno at marumi ang kapaligiran, nakakasuka......ilang daang taon na akong nakakulong ngunit mukang nagsisisi ako na makalabas sa aking kulungan.....sa ganitong sitwasyon ay gugustuhin ko pa ba lumaya?"
Wika ng babae na tila ba kinakausap ang kanyang sarili na puno ng kontradikayon.

Huminto siya nang saglit at nanatiling nakatayo, mula sa kanyang orihinal na katawan ay tila ba may humiwalay na usok at nag anyong tao hangang maging isang ganap na kopya niya.

Tila ba magkakambal ay kasalukuyang nakatayo ang babaeng may hawak ng binata at ang isang kopya niya na walang kasuotan.

Parang may sariling diwa ay biglang nagkaroon ng pakpak ang kopya ng babae at lumipad sa kabilang direksyon paalis sa kanilang kasalukuyang lugar.

Nagpatuloy ang babae sa paglalakad sa ere hangang makakita siya ng maayos na pwe-pwestohan, isang patag na talampas, lugar na malayo sa maingay na syudad na kanyang kinamumuhian.

Dahan dahan ay umapak siya sa lupa at sinuri ang kanyang kapaligiran.

"Mukang sapat na ang lugar na ito, nagkalat ang enerhiya ng kalikasan...magagamit ko ito"
Wika ng babae.

Huminga siya ng malalim at may isinagawang kilos, mula sa pagkakabuhat sa binata ay dahan dahang umungat ang katawan ng binata sa ere at lumutang.

Habang lumulutang ang binatang walang malay ay nagsalita ang babae na tila ba may binibigkas na lengwaheng hindi pamilyar sa pandinig ng mga tao, isnag lengwaheng makaluma, nagsasalita ang babae na tila ba bumibigkas ng ingkantasyon.

Dahan dahan ay nagliwanag ang walang malay na binata at nagliwanag din ang babae.

* Mula sa aking katawan ay unti unting mawala, ang kanyang kaluluwa at ang akin ay magiging iisa *

Wika ng babae at nagliwanag ng todo ang dalawa.

Kita ang liwanag na nangagaling sa babae na pumapasok sa katawan ng binata, ani mo ay tulad ng sinabi niya ay nagsasama ang kaluluwa nila at nagiging iisa.

"Ikaw, ikaw ang magsisilbi kong panibagong katawan taong may namumukod tanging katangian.."
Nagpatuloy sa pagsasalita ang babae

"Para sa aking kalayaan ay gagawin ko ang lahat, pasensya na tao pero kailangan mo maging sakripisyo para sa aking tagumpay"
Wika ng babae.

Patuloy ang nangyayaring paglilipat ng katauhan ng babae sa binata ng biglang may kumislap na liwanag mula sa kawalan, kasunod ay ang pagbagsak ng tila ba isang kulay kahel na bagay sa lupa kung saan nakatayo ang babae .

Ilang metro na lamang ay muntikan ng sa mismong tumama sa ulo ng babae ang bagay.

"M..mangangaso!"
Naalerto ay agad nahinto ang ginagawang inkantasyon ng babae, ang binata ay bumagsak sa lupa ngunit nanatiling walang malay.

Mula sa nagliliyab na bagay na kulay kahel ay biglang sumulpot ang isang babae , maikli ang kanyang buhok may katangkaran,matatalim ang kanyang mata at tila ba parang lalaki kung magsuot ng damit.

"H...Haaa...nahabol din kita! .......Sa wakas, Nagpangap ka pang lalaki ah!...... Para kidnapin ang batang iyan!,...... Mahilig ka ba sa bata?!"
Wika ng sumulpot na babaeng mangangaso.

Hinihingal ay halos mamuti na siya sa pagod habang pilit hinahabol ang kanyang hininga.

Isang mangangaso ang sumulpot sa lugar, ang kanyang sandata ay nagliliyab na pananga, isang pabilog na bagay na may kakaibang disenyo sa gitna.

"Gah!, Te....ka....usap muna tayo okie?!"
Nakangiting wika ng mangangaso habang dahan dahang nakakahabol na sa kanyang hininga.

Dahan dahan nawala ang pagliyab ng pananga at lumabas ang totoong itsura nito, isang ginintuang sagradong armas, senyales na hindi pangkaraniwang mangangaso ang nasa harapan ng babae.

"I..ikaw! Ikaw ang katabi ng nagmamaniobra ng sasakyan!, H..hindi kita naramdaman!"

"Correct ako nga! Pauwi na sana ako walang hiya ka!, Ginamitan mo pa ng salamangka ang driver ng jeep para madisgradya kami!, Buti na lamang at nagawa kong iligtas lahat ng mga lulan ng jeep!, Nagsitalsikan pa naman ang mga tao sa lakas ng impact! Haa..buti na lang geniues ako!"
Wika ng mangangaso na tila ba enganyong enganyo sa pakikipag usap sa babae.

Kumunot ang noo ng babae sa kung gaano kadaldal at kapalakaibiganin ang kasalukuyang kaharap niyang mangangaso, ibang iba sa mga manganagsong kilala niya na agad pumapatay ng halimaw.

"Nakaligtas ang lahat sa sasakyang bakal?"
Pagtataka ng babae.

"Sasakyang bakal?..ah! Jeep! Teka saang panahon ka ba nabuhay...sasakyang bak- h~ "
Matatawa sana ang mangangaso ng biglang umatake ang nasa harapan niya.

Hindi nag aksaya ng oras ay inatake ng babae ang mangangaso, mula sa palad ng babae ay tumubo ang matatalim na kuko at siya'y sumugod patungo sa bagong dating na mangangaso.

"T..t.t.t.teka! Nagbibiro lamang ako! Magpakilala muna tayo! A..ako si .yu..yu..yu..yu..,..yu.....yu
Yu.......yu....yu...yu...-"
Pilit kinakausap ng mangangaso ang umaatake sa kanyang babae habang pilit iniilagan ang mga matatalim na kuko nito.

"ANO BA! ..."
Nainis ay biglang ihinampas ng mangangaso ang hawak niyang pananga at sumapul ito sa mukha ng umaatakeng babae na nagpatalsik sa kanya ilang metro sa kanyang tinatapakan.

"gaHhh!"
Nagsilabasan ang mga ugat sa ulo ng babae matapos niya dahan dahan tumayo mula sa pagkakatalsik.

Kasalukuyang sunog ang mukha ng babae na natamaan ng sagradong armas ng mangangaso ang mismong nagliliyab na kahel na pananga na hawak hawak niya.

"Ako si yunica, isang mangangaso, ranko~ captain"
Nakangiting wika ng mangangaso na nagpakilalang si yunica .

"Kapteyn-? Anong antas ka? Binago na ba ang ngalan ng mga antas niyong mangangaso?,........wala na akong maintindihan sa mundong ginagalawan ko!"
Tila ba lumabas ang tinatagong galit ay biglang nagsilabasan ang kulay itim na abo sa kapaligiran na nangaling sa babae.

Agad naghanda si yunica sa maaring gawin ng babae.

"He?"
Wika ni yunica ng may mapansin siyang kakaiba.

"T...tumakas siya"

Kasabay ng pagkawala ng mga abong kumalat sa kapaligiran ay nawala din ang babae sa kanyang harapan.

"Y..yung binata!"
Agad na wika ni yunica at agad siya tumakbo papalapit sa lalaking kanina pa dala dala ng babae.

Dahan dahan naglaho ang nagliliyab na armas ng mangangaso sa kanyang kamay at nang makalapit na si yunica sa binata ay dumapa siya at inalam ang pagkakakilanlan ng binata.

Wala pa din malay ang lalaki ngunit humihinga siya, nalaman ito ni yunica matapos niya pulsuhan ang binata.

*Rhodney prado*
* Timog foundation*

Isang school ID ang nakita ni yunica sa bulsa ng binata.

Hawak hawak ang walang malay na lalaki ay may naramdamang kakaiba ang mangangaso sa katawan ng lalaki.

"Kaya pala....nais niya gamitin ang malaking kapasidad ng binatang ito..."
Naniningkit na wika ng mangangaso habang nakatitig sa binata.

"Hmmmp....., O'well ang hustle naman...hindi ko na irereport ang tungkol dito, bahala sila jan, ibabalik ko nalang tong batang ito malapit sa pinangyarihan ng disgrasya"
Wika ni yunica .

************************************

Sa lugar kung saan naroroon ang kastilyo ng angkang silangan, kung saan naroroon nakatira ang pamilya ng kasalukuyang pinuno, ang sentro ng pamumuno ng buong silangang angkan.

Bukod sa isang dambuhalang kastilyo ay naroroon din ang tinaguruang talalibrohan ng kasaysayan, isang napakalawak na library kung saan nakatala lahat ng halos pangyayari sa mundo at mga kaalaman sa mundo, ito ay binabantayan ng mga piling nilalang para ingatan.

Sa pinaka likod ng kastilo ay makikita ang isang hardin na puno ng halaman, isang hardin na kung titignan sa malayuan ay isang paraiso ngunit sa mga nilalang na nasa loob ng harding ito ay tila ba isa itong nagsisilbing hawla para di sila makawala.

Isang lugar na napapalibutan ng napakalakas na salamangka na maging ang tulad nila maia at elena ay hindi magawang makontra kung saan ang pagbuo ng salamangka sa kapaligiran ay mawawalan ng bisa bago pa man ito magamit.

Isang hindi nakikitang harang ang nakabalot sa hardin na tanging ang nagmamay ari lamang na tagapagbantay ng hardin ang makakapagpawalang bisa.

"Kakapal ng mga mukha! Mananagot sila kapag nakawala na ako dito!"
Wika ni elena habang naka upo sa isang malaking tipak ng bato na napapaligiran ng mga halamang gumagapang at namumulaklak.

Hindi mapakali ay panay ang padyak ng kanyang paa sa lupa.

"Sila?, Kilala na ba natin kung sino ang dapat managot sa nangyayari?"

"Hindi pa pero malamang, hindi ang aking ama ang may idea ng lahat...malakas ang kutob ko na parang may mali sa nangyayari..."

"Kung ganun na nga...balak ba nila tayong ikulong dito habambuhay?"
Wika naman ni maia sa isang makalmang tono habang pinagmamasdan ang mga bulaklaking halaman sa kanilang paligid.

Pumitas ng bulaklak si maia sa isa sa mga halaman at inilagay niya ito sa kanyang buhok.

" Kung mapunta man tayo sa pinaka malalang sitwasyon ay mas nanaisin ko na lamang makulong dito kesa ipakasal sa isa sa mga prinsipe ng angkang timog"
Wika ni elena at Siya'y tumayo sa inuupuang bato at nag umpisang maglakad lakad sa hardin.

" Nagiging sarkastiko ka lang ba o talagang seryoso ka?"
Wika ni maia ng may seryosong tono at mataas na boses kumpara sa nung kanina ay makalma lamang.

Nanlaki ang mata ni elena sa biglaang naging reaction ni maia at saglit na natawa ang kanina pang naiiritang si elena.

Saglit na sumulyap si elena kay maia at nakita ang kakaibang expresyon ng kanyang kaibigan na madalang lamang makita, isang matang mabangis habang suot suot ang nakakasindak na mukha.

"Mukang na-i-impluwensyahan na kita ah, na saan na ang iyong sobrang kalmang ugali aking kanang kamay..maia"
Wika ni elena at Siya'y huminto sa paglalakad at tinitigan si maia.

".....siguro nga.."
Nanumbalik sa isang blankong expresyon ang kanyang mukha at ang kanyang malamig at makalmang mata ay nanumbalik sa kanya.

Habang nag uusap ang dalawa sa loob ng hardin ay may naramdaman silang mga yapak papunta sa kanilang kinalalagyan.

Isang pamilyar na prisensya ang agad naramdaman ni elena at agad agaran niyang nakilala kung kanino ito nangagaling.

"Ang kanang kamay ng aking ama...ang mandirigma ng tubig na si tiali"

Sa isang tulad niyang nobilidad sa kanilang pamilya na may kapangyarihan na kayang tumapat sa kanya, isa sa kanyang kamag anak sa mababang nobilidad na siyang direktang kanang kamay ng kasalukuyang hari.

"Biglang tumaas ang aking dugo elena"

"Ah..naalala ko pala..hindi kayo madalas magkasundo ni ate tiali...."

Nagkaroon ng maliit na butas ang nakapaligid na barrier para doon pumasok ang paparating na nilalang, hindi nag aksaya ng oras si elena ay sinubukan niya sumugal at ginamit ang napakaliit na chansa para makatakas.

Mula sa maliit na butas na kasya lamang ang isang tao ay agad niya ito tinungo ngunit bago pa man siya makalapit ay tila ba huminto ang oras sa kanyang kapaligiran at siya'y hindi nakagalaw, nanigas na parang estatwa ay nanatili lamang siya sa kanyang kinalalagyan.

Binalot na pala siya ng tubig sa kanyang kinatatayuan, habang iniiwang hindi natatakpan ang kanyang mukha para siya'y makahinga.

Mula sa maliit na lagusang nabuo ay pumasok doon si tiali na may kasamang mga alagad, ang dalawa ay ang nilalang na siyang kumukontrol ng naturang harang sa paligid ng hardin.

"Ikaw!, ano sa tingin mo ang iyong ginagawa kay elena"
Agad na wika ni maia.

"Manahimik ka,alagad ka lamang"
Wika ni tiali at tinitigan ng masama si maia ngunit hindi nagpasindak ay naghanda si maia at pumusisyon.

Agad pumaharap ang mga kasama ni tiali sa kanya para siya'y bigyan ng proteksyon.

"At ano ang balak mong gawin? Munting ibon?"
Taas noong wika ni tiali habang minamata at nakataas pa ang kanang kilay nito kay maia.

"Gagawin ang normal na ginagawa ng isang ALAGAD"
Wika ni maia at agad siya sumugod palusob kay tiali.

Dire diretso si maia patungo sa kanyang kalaban ng bigla na lamang siya nakaramdam ng mabigat na pwersa sa kanyang likoran, isang malakas na bugso na pala ng hangin ang tumama sa likod niya na agad nagpabagsak sa kanya sa lupa.

"Hangin?"
Pagtataka ni maia.

"Wala kayong magagawa, kahit magsabay pa kayong dalawa ay hindi niyo ako mahihigitan....kaya ko gumamit ng salamangka sa loob ng hardin at kayo ay hindi"
Aroganteng wika ni tiali sa isang malakas na boses.

Nagliliwanag ang kanang kamay ay napansin ni maia na may nakasuot na kagamitan ang kanang kamay ng hari na nagbibigay sakanya ng kakayahang gumamit ng salamangka kahit nasa loob ng hardin.

"Kayong dalawa! Iwanan niyo na kami dito...nakita niyo naman na wala silang binatbat sa akin"
Wika ni tiali sa dalawa niyang kasama.

"Pe..pero ...a..ang lagusan? Ang harang paano?-"

"Iwanan niyong nakabukas, tatawagin ko na lamang kayo kapag ako'y lalabas na"
Utos niya sa dalawang alagad.

"M..masusunod po kung ganun!"
halos sabay na wika ng dalawa at sila'y lumisan habang iniiwang nakabukas ang lagusan palabas ng hardin.

"...."

"...."

"...."

Lumipas ang mga segundo hangang maging minuto, nanatiling walang bukambibig ang mga nilalang sa loob ng hardin.

Nakatayo ang kanang kamay ng hari sa kanyang pwesto ng bigla niya itaas ang kanyang kaliwang kamay, mula sa kanyang kamay ay pinihit niya ang isa sa mga singsing na nakasuot sa kanyang hintuturo.

Biglang nagliwanag ay binalot nito ang kanyang katawan at nang mawala ang liwanag ay lumitaw ang isang babae sa dating kinatatayuan ni tiali, isang babae na mas maliit sa kanya.

"Surprise!"

Isang maliit na babae na may nakakaakit na boses at maamong mukha, maputing kutis at abot balikat lamang ang buhok.

"Pasensya na kung ngayon lang ako dumating elyhenia, nagdadalawang isip ako kumilos dahil maraming kakaibang nangyayari sa angkan magmula nung mawala ang punong mandirigma"
Agad niyang wika at agad siya tumakbo para lapitan si maia na kasalukuyan pang nakadapa sa damuha dahil sa nangyari sa kanya.

"Kailangan mo pa ba talaga akong  pabagsakin sa lupa samantalang si elena ay nagkunwari lamang na hindi makagalaw?"
Pagrereklamo ni maia matapos hilain ng babae patayo.

"P..pasensya na, pasensya na...baka kasi hindi makumbinsi yung mga bantay kanina eh"
Pagrarason ng babae.

"Gumamit ka pa ng elementong hangin?, Hindi kayang magtawag ng hangin si tiali"

"Pasensya na talaga maia, wala ako maisip eh"

"Yfhana, ayon sa sinabi mo ay it's best to assume na wala si ama sa kaharian ngayon?...at tanging ang kanang kamay niya lamang ang naririto"
Wika ni elena.

"Ou, hindi ko alam ang rason ngunit maging ang ibang mabababang uri na may katungkulan sa kaharian at ang iba pang matataas na nobilidad, except kay papa na palaging wala,...lahat sila ay wala sa kaharian..maging ang mga mandirigma ng angkan ay sumama sa kanila kaya ang mga mabababang uri na lamang na tagasunod ang nananatiling nasa palasyo ngayon"
Wika ng babae na nagngangalang yfhana.

"Kung ganun..wala na akong dapat aksayahing oras pa, kailangan ko na tumakas dahil may nangyayari na"
Wika ni elena.

"May plano na kayo ni maia?"

"Aba syempre...inaasahan ko ang iyong pagdating....dalawang hakbang ako mas lamang sa iniisip ng kung sino mang may pakana ng lahat"
Pagmamalaki ni elena.

"Hmmm...kung ganun..kailangan niyo ng maiiwan dito at magpapangap na ikaw..."
Wika naman ni yfhana.

"Hindi ka sasama?"
Tanong ni maia sa babae.

"Hindi..."

"Paano si jonathan?"
Nagpatuloy sa pagtatanong si maia.

"Ayaw ko pa isiwalat sa kanya kung sino talaga ako ,hindi pa ako handa..."
Wika ng babae sa isang nahihiyang tono at sa mahinang boses.

"Hindi iyon ang ibig niyang sabihin...nasa panganib din ang buhay niya ngayon..."
Agad namang wika ni elena.

"Alam ko!...ngunit, may tiwala ako sayo elyhenia, ......uunahin kita elyhenia, dahil alam ko na ikaw ang pag asa ng ating angkan, may tiwala rin ako na hindi mo siya ipapahamak..kaya...bilisan mo na"
Wika ng babae at mula sa kanyang kaliwang kamay ay may pinihit nanaman siya, sa kanyang bandang gitnang daliri ay may singsing na biglang nagliwanag at kasunod niyon ay nabalot din siya ng nasabing liwanag at namg mawala ang liwanang na iyon ay nagpalit siya ng anyo at ginaya ang kasalukuyang itsura ni elena mula sa ayos ng buhod kasuotan at sa mga suot sa katawan.

"..malaki na ang pinagbago mo yfhana.....salamat na din siguro sa kanya"
Nakangiting wika ni elena.

"A...anong sinasabi mo!, U..umalis kana baka bumalik na ang mga bantay ng lagusan!"
Biglang namula si yfhana habang nasa kaanyohan ni elena ay biglang natawa si maia sa kanyang nakita.

Hinawakan sina maia at elena sa kamay ay hinila ni yfhana ang dalawa palabas ng hardin, may ikinuha si yfhana mula sa kanyang bulsa at ibinigay sa palad ni elena.

Isang cellphone, cellphone na kanyang pagmamay-ari.

"Humingi ka ng tulong hindi sa mga myembro ng angkan kundi sa mga naging kaibigan mo sa labas ng angkan,  mapagkakatiwalaan mo sila"
Seryosong wika ng babae kay elena.

"Alam ko.."
Wika naman ni elena at inilagay sa bulsa ang ibinigay ni yfhana.

*Kapangyarihan ng kalikasan, tubig dalhin mo sila sa lugar na nais nilang puntahan*

Nag umpisang gumamit ng salamangka si yfhana at nagliwanag ang buong paligid.

"Sige...mag ingat ka yfhana..."
Wika ni maia

"Mag iingat ako.....salamat"
Wika ni yfhana at Siya'y naiwan sa loob ng harding nababalot ng harang.

Nabalot ng malaking bula ang dalawa at nang pumutok ang bula ay bigla din silang nawala.

Nakangiting bumalik si yfhana sa loob ng hardin habang nasa kaanyohan ni elena.

"Wag ka mag alala elyhenia, panatag ang aking kalooban dahil may isa pa akong inaasahan na pro-protekta sa kanya.....at maging sa inyo"

***********************************

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 189K 211
Online Game# 2: MILAN X DION
14.4K 2K 15
A story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL AUGUST 2024
15.5K 855 48
"Kasal lang tayo sa papel" he coldly said Nasa hapag kasi kaming dalawa "So" walang pake kong sabi Silent...... "At sana pinunit mo yung papel nayo...
74.4K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...