I'm Arranged with my... ex...

By MissteriousGirl_13

113K 3.3K 237

Cover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang ma... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Author's Note
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
PROMOTION
PROMOTION 2

CHAPTER 15

3K 89 1
By MissteriousGirl_13

Geyle's POV

Nandito na kami ngayon sa clinic ng resort at nagpapagamot. Yung kay Wane, mild lang daw ang nangyari sa kanya pero kailangan parin daw nyang magpahinga. Nagulat ako ng biglang pumasok sila Abi at hinila ako papuntang room nila Kathleen.

"Ouch! Di naman siguro mamamaga yung mga sugat ko noh" sarkastiko kong sabi.

"Ay sorry!!" Sabi nya at nag peace sign. Pero bumalik ang mapanuring tingin nya.

"Hoy babae anong ginagawa nyo kanina ha??" Mapanuring tanong ni Abi.

"Bakit ano bang nangyari??" Takang tanong ni Kathleen. May binulong si Sam sa kanya. Pulang pula sya habang may binubulong sa kanya si Sam.

"Oohh" yan nalang ang nasabi nya para mabawasan siguro ang kilig nya. Halata naman eh -_-

"Oh my goshness totoo??" Gulat na tanong nya. Ay day late mag react??

"Nagkakamali kayo ng ini--" di na ako pinatapos ni Kathleen.

"Geyle! Anong nagkakamali kami?! Ano bang iisipin namin ha?! Madilim na tapos kayo lang dalawa tapos magkalapit pa ang mga mukha nyo na parang maghahalikan kayo tapos sasabihin mo mali ang iniisip namin ha?!" Sigaw na tanong nya. Hay nako may sapak na naman toh sa utak. Nakalimutan nyang uminom ng gamot para mawala ang kagagahan nya.

"Oo nga girl akala namin nadisgrasya na kayo yun pala gumagawa na kayo ng grasya!" Amaze na sabi ni Sam. Gaga talaga. Napakamalawak ng isip nila. Sa sobrang lawak nawawala na -_-

"Kingina naman! Kita nyo ng nasaktan kami tapos yung pa ang iisipin nyo??" Atsaka di namin magagawa yun kasi ma--- teka Geyle yung utak mo nadudumihan na!! (May utak ka pala)

"Sorry naman" sabi nya at inirapan ako. Putek dapat ako iirap sa baklang toh naunahan lang ako tsk. Kanina pa ako naiinis sa pang iinis nya about sa pagkadapa ko eh.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo ha? Bakit GANUN ang posisyon nyo??" Kalmadong tanong ni Abi. At yun nga kinwento ko sa kanila yung nangyari saamin. Syempre di ko sinabing hinalikan ako ni Wane kasi para saakin lang yun haha.

"Oh em jhey! So kasalanan pala namin" malungkot na sabi ni Kathleen.

"Hoy dapat magpasalamat sya saatin kasi kung di dahil saatin baka nasa langit na sila ngayon" mapang asar na sabi ni Sam.

"Hoy anong pinagsasabi mong bakla ka?!" Inis kong tanong.

"Oh bakit ka namumula??" Nang-iinis nyang tanong.

"Hoy! Di kaya. Mainit lang chaka naiinis ako dito sa mukhang baklang pwet dito" paliwanag ko.

"Hoy--" di na natapos ni Sam ang sinasabi nya ng may sumigaw sa labas. Mabilis kaming lumabas para makita kung anong nangyayari. Nakita ko ang babaeng schoolmate namin na umiiyak habang yakap yakap ang babaeng nakahiga ngayon sa lupa.

"Janela!! Anong nangyari sayo?!!" Umiiyak na sabi nya.

"Nico bro! Sinong may gawa sa sayo nito?!!" Galit na tanong ng lalaking schoolmate din namin. Di ko maintindihan ang nangyayari basta ang alam ko lang ay nakikita ko sa harapan ang isang lalaki at babaeng nakahiga sa lupa at wala ng buhay. Natakot tuloy ako. Biglang dumating si ma'am.

"Ma'am ano long nangyari??" Alalang tanong ko.

"Yung kaninang hinahanap ka namin, akala namin, kayo yung nabalitaang patay. Hinanap namin kayo nun pero nalaman namin na hindi pala kayo yun. Si Janela Salvacion at ang kanyang nobyo na si Nico Flores. Ang pagkakaalam ko ay nagpaalam sila na aalis para makapag usap ng mag isa. Pero ilang oras ang nakakalipas may narinig ang mga tao sa gubat na sumisigaw. Pinuntahan daw nila ito at nakita na silang ganyan. Sabi ng mga tao baka daw nahulog sila sa bangin kaya ganun at dahil na rin madilim, di nila namalayan na bangin na yun." Mahabang paliwanag ni ma'am. Ano kayang nangyari sa kanila??

• Kinabukasan •

Di ko namalayang nasa harap na pala ako ng bangkay ng magnobyo. Nandito kami sa clinic. Dahil wala pa ang mag susundo sa kanila, dito muna sila. Pinagbantay muna nila ako dahil mahina pa daw ako. Naglilibot lang sila. Mamaya namin gagawin ang performance task namin sa pe. Si Wane?? Ayun nasa kwarto nila. Pinuntahan ko kanina ang lakas ng hilik pero pogi parin-- aisshhh anong pinagsasabi ko.

Nakaramdam ako ng kaba. Ang totoo di pa ako makatulog. Kagabi pa ako naatasan pero di ako makatulog dito kasi kakaiba ang nararamadaman ko. Ngayong malapit ako sa Jamela kuno ang name. Nilapit ko ang tenga ko sa ilong nya. Malay mo humihinga pa diba. Di ko maramdaman. Hinawakan ko na ang batok para mas madama ko kung humihinga sya ng halos mapatili ako ng may mapansin. May naramdaman akong kakaiba sa batok nya. Tinignan ko kung ano. Halos masuka ako sa nakita ko. Apoy ang nakaukit sa balat nya. Kitang kita ko ang laman na nangingitim na. Tinignan ko naman ang batok ng nobyo nya at nakita ko rin iyon sa batok nun. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang mga yun. May bumuong conclusions sa utak ko pero di pa ako sigurado.

"Geyle" sabi ng mung sino. Sa sobrang gulat ko napasigaw ako.

"WAHHH" sigaw ko. Tinignan ko ng masama kung sinong paepal na yun. Nagulat ako ng makita ko si Wane.

"Bakit ka ba sumisigaw" takang tanong ni Wane.

"Eh ikaw kasi bakit ka nanggugulat?" Inis kong tanong.

"Sorry. Tinatawag na kasi tayo ni ma'am. Sabi nya gagawin na daw natin ang performance task natin ang ang price mo dahil nakita mo ang pinakamagandang bracelet" sagot nya.

"Kaya mo bang maglaro??" Alala kong tanong.

"Oo naman syempre ako pa" sabi nya. Tsk yabang talaga.

"Sige una ka na aayusin ko lang toh" sabi ko. Medyo nagulo ko kasi yung higaan ni boy sa gulat ko kay Wane.

"Sige basta sunod ka na ahh" sabi nya. Ngumiti at tumango nalang ako bilang sagot.

Inayos ko ang higaan ni boy pero dahil makulit ako, nangalkal ako ng bulsa nya. May nakita akong papel. Tinignan ko rin yung kay girl at meron ding papel.

Binuksan ko yun para malaman ang nakasulat at-----ANO TOH?!

"Geyle ano pang ginagawa mo jan?" May piglang nagtanong na ikinagulat ko.

"Ahh sh*t" bigla kong sabi at naitago ko ang mga papel na hawak ko.

"Ay sorry nagulat ba kita??" Tanong ni Chesca.

"Medyo hehe" naiilang kong sabi. Di parin nawawala ang tibok ng puso ko.

"Ano ba yang hawak mo??" Tanong nya saakin at lumapit. Nataranta ako ng sobra kaya pinasok ko nalang sa bulsa ko ng pantalon.

"Ahh wala lang ito hehe. By the way bakit ka pala nandito??" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya at nagsalita.

"Tinatawag na kasi tayo ni ma'am ang tagal mo daw kasi eh" sabi nya.

"Ahh ganun ba nakakahiya naman kay ma'am pala" hiya kong sabi.

"Ayus lang yan. Alikana??" Tanong nya saakin at tumango naman ako. Buti pala dala dala ko yung bracelet. Di pa kasi ako nakapagbihis simula kagabi eh.

Naglakad kami papuntang beach. Nag usap usap lang kami sa mga bagay bagay. Pagkadating namin kumaway sila Sam saakin at lumapit.

"Geyle! Bakit kayo nag uusap ng isang yun! Sinasabi ko sayo lumayo layo ka sa Chesca na yun masama ang kutob ko dun" sabi ni Kathleen.

"Wag ka namang judgmental dyan" sabi ko namang sa kanya.

"Ay basta! Ayaw ko sa kanya" sabi nya na naka pout. Tsk ang panget nya to be honest haha.

"Pinalapit kami ni ma'am at binigyan kami ng pe na susuotin namin. Color light blue at violet ang pe na binigay nya. Ang cute ng combination na napili nila. Nilagay ko muna yung damit ko sa bag ko at yung bracelet ay sa pantalon ko. Baka mawala sayang yung price diba??

Ang laro pala namin is volleyball. Ang totoo dapat outing namin ngayon pero dahil tatama ang sched namin sa paparating na event next month at preparations ay naisipan nalang namin na gawin ang performance task namin dito para hindi kami sobrang mapagod atsaka fit na fit naman ang gagawin namin dahil volleyball lang naman. Mahahati ang section namin sa apat na grupo at ang mananalo ang makakakuha ng perfect score plus perfect narin sa exam sa pe plus lalaban kami sa ibang section. Gusto ko talagang manalo dahil sa ayaw kong mag exam. Di naman sa tinatamad ako pero parang ganon na nga hahaha.

"Girls magkakagrupo tayooo" masayang sabi ni Kathleen.

"Sayang di ko kayo kagrupo" malungkot na sabi ni Sam.

"Bakla ka kasi kaya ganun. Bakit girl ka ba ha?!" Mataray na sabi ni Kathleen. Teka? Akala ko ba may gusto sya kay Sam eh bakit ang sungit nya? Sabagay ako nga masungit din kay Wane eh.

"Teka? Speaking of Wane, nasaan ba ang lalaking yun??" Tanong ko sa isip ko. Nilibot ko ang paningin ko. 5 minutes pa bago kami maglaro kaya pwede pa akong maghanap sa kanya.

Nang makita ko si Wane biglang nagliyab ang mga mata ko.

"Bakit nandyan ang babaeng yan?!" Inis kong sabi na narinig nila Sam.

"Teka Geyle ano bang tiniti--haa!!! Sino yang kengkerengkeng na babaeng yan??!" Inis na sabi ni Kathleen.

"Teka Geyle kilala mo yun??" Takang tanong ni Abi.

"Kilala ko yang babaeng yan kasi pinakilala saakin ni Wane yan nung sinet up nyo ko!" Inis kong sabi. Bwiset kang Sasha ka paano mo kami natunton?! Totohanin mo bang ang sinabi mo noon??

"Humanda ka na. Aagawin ko sayo si kuya Wane"

No! Hindi ako papayag. Di mo sya maaagaw saakin!!

Nakita kong nag uuaap sila tapos hahalikan sana ni Sasha si Wane sa lips kaso hinarang ni Wane.

"Good boy Wane! Mapapabilis ang pagsagot ko sayo" sabi ko sa isip ko ng... Puntangineshhh ka Wane!!! Gaga ka Sasha!! Pinagbawalan ka na ngang pahalik sa labi sa pisngi naman!!! Sa sobrang inis ko nilapitan ko silang dalawa.

"Geyle" gulat na sabi ni Wane. Nagulat kang Futangna ka ha!! Binigyan ko sya ng Paano-kaya-kung-wala-ako-eh-di-makikipag-harutan-ka-ganun look.

"Oh hello po ate Geyle" mala anghel na sabi ni Sasha at kumapit sa braso ni Wane. PLASTIKKKKK. Grrr ano ba ang nakakapagpaalis sa higad.

"Hello" pekeng ngiti ko sa kanya.

"Kamusta kana??" tanong ko sa kanya.

"Ayus lang po. Susunod bisita ka sa amin kuya Wane. Namiss na talaga kita eh" naka pout na sabi ni Sasha. Pabebe!! Bigla syang tumingin saakin at ngumisi. Nakita mo yun Wane?!! Syempre hindi dahil di naman sya nakatingin kay Sasha kundi saakin. Okay lang yun atleast di sya nakatingin sa kanya hehe.

"Oo naman. Di ka parin nagbabago" sabi ni Wane na nakatingin sa kanya. Napangisi ako. OO DI KA PARIN NAGBABAGO MALANDI KA PARIN!!! Kaso nainis ako ng ituloy ni Wane ang sinasabi nya.

"Malambing ka parin" WOW as in wow nakaka--- ugghhhh. Oo malambing sya parang pusang MAY RABIS kaya wag kang lalapit dyan BAKA MARABIS KA WANE. Nakita kong ginulo ni Wane ang buhok ni Sasha at ngumiti naman si Sasha sakanya. Argghhhh nakakainis sya.

"Parang asong naglalaway sa atensyon" pagpaparinig ko.

"Ano Geyle?" Tanong ni Wane.

" Kuya ang kyut nun ohhh" sabi ni Sasha at hinila papalayo saakin si Wane. Tsk dapat ako nalang nilapitan nya tutal mas malapit ako sa kanila *smirk*.

"Ikwento mo saamin kung anong nangyari nun ha?" Sabi ni Abi at tumango nalang ako.

"Sarap buhusan ng tubig alat yung babaeng yun para lumayas layas na sya dito" inis na sabi ni Sam.

"Eh diba sa uod lang yun??" Takang sabi ni Kathleen. Tumawa nalang kami sa pinagsasabi nila.

"Class lumapit muna kayo dito" sabi ni ma'am at sinunod naman namin. Syempre masunurin kami.

"Bago natin simulan ang peta (performance task) ninyo, palakpakan naman natin si Geyle na nakakuha ng bracelet." Nagpalakpakan sila. Ang daming "woah galing mo" "idol" "kaya crush kita eh" nashook ako sa huling salita. Tinignan ko si Wane na parang papatayin nya si Gab na nagsabi nun. Napatahimik nalang si Gab at yumuko. Kawawa naman napagbuntungan ng sirang lalaking toh. Tsk buti naman nawala na yung higad. Hinanap ko sya at nakita ko sya sa may tabi nakaupo sa buhanginan. Lunukin ka sana ng lupa!!

"So Geyle pwedeng pakita mo sa mga kaklase mo kung anong itsura ng nakuha mo" sabi nya saakin. Kinuha ko yun. Actually parang mamahalin at totoo nga yung bracelet. Parang gawa sa ginto at may heart heart na nakakabit dun tapos may nakaukit na di ko maintindihan dun sa bracelet. Nabigla ako sa itsura ni ma'am.

"Geyle yan ba ang nakitamo kagabi??" Tanong ni ma'am saakin na ikinataka ko. Nakita na nya toh pero nagtataka pa sya?

"Yes po ma'am bakit po?" Tanong ko sa kanya.

"I'm sorry Geyle pero di yan ang pinapahanap ko. Akala ko yan yun kasi gabi na kagabi. Hindi ginto ang bracelet na itinago namin kundi blue cystal. Hindi totoo yun pero mukhang totoo. Yang napulot mo is pure gold. Mamahalin yan" mahabang paliwanag ni ma'am na ikina nganga ko. So totoo palang ginto ito??

"Kung hindi ito kay ma'am kanino ito??" Bulong ko sa aking sarili.

"That's mine" sabay sabay kaming tumingin sa nagsalita.

Sa... kanya?

Continue Reading

You'll Also Like

211K 4.6K 51
Nanahimik ang buhay mo. Masaya ka. Pano nalang kung isang araw may sumulpot na isang tao at naka-kasundo na pakakasalanan mo.
1.3M 91.6K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
568K 6.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024
576K 4.9K 28
Written by: 4reuminct Gwy Saludes.