Spoken Word Poetry

By ZebedeeGaius

1.8K 853 7

"Ako'y tutula para sa iyo, aking sinta." --- Spoken Word Poetry is a collection book of some random poems and... More

notice
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32

07

59 28 2
By ZebedeeGaius

7th Piece Title: Pagitan.
©PMBPoemOriginal (2019)



Minsan pader, minsan edad
Minsan relasyon, minsan distansya,
Minsan yung pumapagitna
Minsan yung humahadlang
Maraming pakahulugan ang pagitan
Pero naisip mo ba kung bakit pinamagatan ko itong 'pagitan'?

---

May nais akong ikuwento
Ito'y isang kuwento ng dalawang tao
Na minsan nang nagtagpo
Pero pilit na pinagkakalayo

May isang babae na nangarap
Magkaroon ng isang simpleng regalo
Regalong kanyang pinapangarap
Isang pangarap na siyang gustong-gusto niya.
Pangarap na siya namang sobrang labo na mapasakanya.

Subalit kahit na malabo,
Mahirap at sobrang imposible
Nagawa niya pa ring umasa,
na balang araw makukuha niya rin ang pinapangarap niya.

Dumating ang hindi inaasahang pagkakataon
Sa isang 'di sinasadyang panahon
Nagkataon na nagkasalubong sila
Napatingin ang dalaga sa taong kaniyang nakabangga
At doon tuluyan siyang humanga.

Naging malapit sila sa isa't isa
Naging mabilis ang mga pangyayari sa kanilang dalawa
Kasabay ng paglipat ng araw sa kalendaryo
Ang bilis ng pagsasama ng dalawang taong ito.

Ngunit katulad ng ibang malungkot na istorya
Ang dalawang taong ito'y hindi nagtagal na masaya...
Iba talaga kapag salat at mayaman 'yung isa.

Nalaman ng pamilya ng lalaki na isang hamak na iskuwater lang ang babaeng kanyang kasa-kasama.
Kaya ang solusyon nila'y paglayuin sila sa isa't isa
Para bang sinasabi na hindi sila ang nararapat
Na kahit maging tapat ay hindi pa rin sasapat.

Minsan kahit hirap,
hindi iniinda ng babae
Dahil sa isip niya
ang kanyang ginagawa
ay para sa taong mahal na mahal niya
Na akala niya,
siya na pero hindi pa pala.

Kung ano-ano ang kuwentong kumalat
Na siyang pinaniwalaan ng lalaki
Imbis na puntahan ang kasintahan
Minabuti nalang nito na umalis ng bayan
kasama ang mga magulang nito.
Ngayon, hirap ng tumahan
Umiiyak pa rin dahil sa katangahan.

At habang lumuluha ay inulit-ulit sa sarili na, “hanggang dito lang dapat, hanggang dito lang.”

Continue Reading

You'll Also Like

105K 2.1K 21
(Montefalco) It's been a year simula noong ikasal ako kay Zeddrick Montefalco at masasabi kong tama nga ang mga naririnig ko mula sa ibang tao at si...
7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
2.1M 43.2K 46
BILLIONAIRES' LOVE SERIES II Maxwell Zamora Levine Max wanted only revenge when he found out his ex-girlfriend, Louise Rhean, who ditched him six yea...
196K 6.8K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...