"Special Menu"
ALEJANDRO
Nang makarating sa presinto nila Matt ay magdamag nilang pinag-aralan ang mga lugar. Maayos namang nailagay nila Matt ang cameras, now he's sure they can monitor the whole place.
Pinag-aralan din niya ang bawat kilos galaw at inalam ang mga taong namamahala sa nasabing restau-bar. Halos wala siyang tulog at magdamag na nakatutok ang mga mata sa monitor ng computer. Hinihintay niyang masilayan si RDV, ngunit inabot na ulit siya ng umaga na hindi ito nakita sa screen. He yawned, inaantok na siya pero parang ayaw pumikit ng mga mata niya. Nagulat siya nang may biglang naglapag ng cup ng kape sa mesa niya.
"Para hindi ka antukin," ani ng boses na may ari ng kamay.
He lift up his head to look at Matt. "Thanks," he muttered and returned his gaze to the screen.
"N'ong nagpunta kayo d'on kahapon, hindi mo man lang ba nasilayan si RDV?" he asked Matt but he didn't bother to look at him. His eyes were fix on the screen.
"Nope," sagot nito at humigop din ng kape. "Pero narinig kong usapan d'on ay every saturday nights daw kung magpakita ang may-ari ng bar, which is RDV nga."
Saturday night? Ngayon ay araw ng huwebes at bukas ay biyernes pagkatapos ay sabado na. May dalawang araw pa sila para makapaghanda.
"Sinabi na ba ni Chief kung kailan ang operasyon?" tanong niya, this time ay tumingin siya sa kaharap. Gusto niyang malaman ang sagot at narinig mula dito. Alam niyang 'di basta-basta kumikilos ang chief nila pero kung hindi pa sila kikilos sa sabado, hindi niya alam kung makapag-hihintay pa siya ng isa pang linggo.
"I told him that RDV appear on the club every saturday nights. And I was shocked with his reply... sinabi niyang sa sabado na rin ang opersayon."
"Talaga?" nagtatakang tanong niya.
"Yes, I'm also shocked Alejandro knowing Chief, hindi siya agad-agad sumusugod sa giyera nang walang sapat na bala kaya nagulat din ako sa sinabi niya." Huminga nang malilim si Matt bago nagpatuloy. "Maybe he just want to be alert dahil mahirap na na matukoy ni RDV na may lead na ang mga pulis. Isa pa, ang tagal na ring naghintay si Chief."
Napatango siya at hindi nagkomento. Binalik niya ang atensyon sa computer. Kung ano man ang dahilan ng kabilang chief, it's not important. Ang importante konting araw na lang ang hihintayin niya.
"Ikaw Alejandro anong plano mo?" out of nowhere ay tanong ni Matt
"Anong ibig mong sabihin?" sagot niya at muling tumingin kay Matt. He already have an idea what he's talking about but he have to confirm it.
Matt tapped his shoulder. "Kilala kita Alejandro, alam 'kong hindi ka papayag na hindi umaksyon."
He heaved a deep breath bago ito sinagot. Sinalubong ng mata niya ang mga mata nito. "Matt listen to me... tama ka, n'ong una nainis ako kay Chief nang sabihin niyang hindi ako pwedeng sumama. Pero napag-isip-isip 'kong maiwan na lang dito."
Matt looked at him with disbelief parang hindi ito makapaniwala sa sinasabi niya. Pero nakapag-isip-isip na siya. Tama ang chief nila. Ang maling desisyon at padalos-dalos na pagkilos ang madalas magpahamak sa kanya.
"Matt, I trust you, please fill my absence. Wala man ako r'on, I will make sure na mahuhuli mo siya. I maybe not there to catch him myself but I will be your eyes and ear for the whole time Matt. Ipaparating ko sa'yo ang lahat ng kilos at galaw niya. Sisiguraduhin 'kong sa pagkakataon na ito ay 'di na siya makakataas."
"Hindi ba gusto mong ikaw mismo ang humuli sa kanya?"
"It doesn't matter who will catch him_ what matter most is to catch him and bring him to jail."
He already grew up. Kung noon ay wala siyang ibang iniisip kundi ang mahuli ito ng mismong kamay niya, ngayon ang importante at ang nasa isip niya ay mahuli ito.
"Thank you for the trust Alejandro."
"Promise me you'll bring him to me, Matt?"
"I promise," Matt swear to him.
•••
Ngayong gabi ang ang nakatakdang pagsalakay ng kapulisan sa bagong kuta ng kanilang pinakamatinik na kalaban.
Nahati sila sa dalawang team, ang team nila Matt at Tobby na susugod at ang team niya na maiiwan sa presinto.
Abala silang lahat sa paghahanda. Mga pulis sila pero ngayon ay nagmukha silang sundalo na sasabak sa giyera.
Ang kabilang team ay naghahanda sa pag-alis habang sila namang maiiwan ay naghahanda ng mga gamit. Siniguro nilang maayos ang mga computers, tapping device at ang iba pang gagamitin. Ivan set the large monitor in the center. May mga sari-sarili naman silang computer pero iyon ang magiging main-monitor na kabilang gagamitin. Siniguro naman ni Niel na maayos ang mga devices, ang mga radyo, beeper at ang mga tapping device na nakakabit sa tenga ng mga pulis. Siniguro nilang hindi mapuputol ang connections nila sa mga nasa field. Ang dalawang babae naman ay abala sa panonood sa screen naghanda rin ang mga ito ng kape na siyang panlaban nila sa puyatan mamaya.
This gonna be a long night for all of them.
ALEXIS
Kanina pa siya nag-aabang pero wala pa ring RDV na nagpapakita sa lugar. Nahirapan pa siyang makapasok sa lugar. Hindi naman niya kasi alam na may secret code palang ginagamit doon. Buti na lang at nalusutan niya iyon. Her detective skills never fail her. Lagi niya talagang maasahan ang detective instinct niya.
Napalingon siya sa pinto nang may pumasok na tatlong lalaki. Pati ang ibang customer na naroon ay napaktingin din. The three guy look so handsome with their screaming authority. Dahil madalim ang lugar ay 'di niya masyadong makita ang mga mukha nito. Kaya nagulat s'ya nang lumapit ang isa sa mga ito sa kanya.
"Ins---" she don't finish her sentence when Matt shushed her with his finger on her lips. "Insan!" nasabi na lang niya. Sinadya niyang lakasan ang boses para narinig ng mga makarinig sa kanya kanina.
"Bakit n'andito ka?" tanong nito nang makaupo. Sumunod naman ang dalawang lalaki dito. "Are you here for RDV?"
Unable to muttered her respond she nodded.
"Alexis delikado 'to, umalis ka na. Leave it to us," nagulat siya sa diin ng pag-kakabigkas nito. Matt is a soft spoken kabaligtaran ni Alejandro, kaya nagulat siya sa diin ng pananalita nito.
"I'm sorry Inspector, pero hindi ko masusunod 'yang sinasabi mo. I'm here to do my job. Do yours and I'll do mine," those words automatically came out from her mouth. Hindi niya nagustuhan ang approach nito sa kanya kaya napadiin din ang boses niya.
"But...."
"I'm sorry," sagot niya at siya na mismo ang lumipat ng upuan
"Ma'am ano pong order n'yo?" Lapit sa kanya ng isang waiter.
"Ano bang meron kayo d'yan? Just give me your today's menu."
"Oh, sige po Ma'am." Tumalikod ito at bumaling sa ibang customer.
Hindi naman nagtagal ay dumating ito dala ang order niya. Pasta iyon na hindi niya na inalam kung anong klaseng luto, after all she didt come here to eat.
"Ma'am, how about the special menu?" pabulong na tanong ng waiter. Alam na niya ang ibig nitong tukuyin sa "special menu"
She adjusted the device in her neck. Sa unang tingin ay para lang iyon headphone. But that device connected to Master George's tablet. Lahat nang galaw niya ay naririnig at nakikita nito.
"Mamaya na lang," sagot niya sa waiter at ngumiti naman ito sa kanya bago tumalikod.
Naubos niya ang pasta sa harap pero wala pa ring RDV na dumadating. Tumingin siya sa kabilang mesa kung nasaan si Matt. Humikab ang dalawang kasama nito na tila inaantok na. But Inspector Matt remained composed and calm. Ang mga mata nito ay nakatutok sa pinto ng restau-bar na tila inaabangan na may pumasok.
Lumalim ang gabi at ilang baso nang tubig na rin ang nainom niya. Naka-ilang-balik na rin ang waiter at tinatanong kung order na ba s'ya ng "special menu" nila.
Para tumahimik ito ay umorder siya. Maganda na rin para may ebidensya siyang ilalabas mamaya. But she doesn't have a plan to taste the restau-bar's "special menu".
Nakangiting bumalik ang waiter at may nilapag na plato sa mesa niya. May slice cake sa doon pero pag hiniwa mo iyon ay makikita mo ang pakete ng kanilang "special menu"
She smiled, ngumiti rin ang waiter sa pag-aakalang nasiyahan siya.
"Save that smile later," ani sa isip niya at tumingin sa waiter na nakangiti pa rin.
"May kailangan pa ba kayo Ma'am?"
"Wala naman, salamat."
Kinain niya ang cake sa harap niya. She was about to eat the last slice of the cake when someone entered the bar.
Halos tumigil ang mundo niya nang mapagsino ang lalaking pumasok. He wear his iconic mask covering his left eye.
👮👮