The Badboy's Rule (ON-HOLD)

By ObraMarca

9.2K 542 116

Clyde Lewis Samson. A fourt year student. Tall, handsome and the dream guy of all. He's popular in their scho... More

The Badboy Rule
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 23

113 10 1
By ObraMarca

*Day 1*

"Sky. Bitawan mo ako" inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa akin.

"How many times do I have to tell you that it's Kean?" Bugnot na tanong nya.

"Eh sa ayokong gamitin, pakialam mo ba? Tsaka ibigay mo nga sa akin ang bag ko, uuwi na ako" naurong ang inis na nararamdaman ko nang makitang tumalim ang tingin nya sakin.

Akala ko ay pagsasalitain nya ako nang hindi maganda pero sa halip ay walang imik nyang ibinigay ang gamit ko at umalis. Nakaramdam ako ng kaunting guilt, agad kong iwinaksi ang pakiramdam na iyon.

No. Hindi dapat.

Kaagad akong umalis at naglakad palabas ng school. Nasa may gate na ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Yes?" Pambungad na sagot ko kay Arra.

"Hello bianx. Nasa school ka pa ba? Can you do me a favor please?"

"Oo, palabas pa lang ako nang gate. Bakit?"

"Great! Pwede bang ikaw na lang ang makipag meet kay Garry? Nandyan kasi sya sa cafeteria ngayon, pakipuntahan nalang sya. Pasensya na, nagkaproblema kasi sa mga gamit na kakailanganin natin kaya nauna na ako dito sa resort"

"Okay lang. No prob."

"Okay then, thanks again. Ingat kayo pagpunta rito. Isabay mo narin sya papunta dito, kasama ko na sila Stephen"

"Okay"

So kailangan ko pa syang isama sa bahay namin?

"Okay, bye. Thanks again" pinutol na nya ang tawag. Tinungo ko na ang cafeteria.

Kaagad kong nakita si Gabby pagkapunta roon. Kinawayan ko rin sya ng kumaway sya sa akin. Glass wall kasi ang dingding kaya kita ang mga kumakain sa loob.

"I'm a bit surprise ng malaman kong ikaw ang im-meet ko ngayon. How are you?" Tanong nya nang makaupo ako sa upuang nasa harap nya.

"Okay lang. Ikaw? Kamusta naman sa school nyo?"

"Im okay too. Medyo pagod but still, kaya parin"

"Buti naman" I smile a little.

"Ano nga pala ang pag uusapan nyo dapat ni Arra ngayon? May problema ba?"

"About that. Wala namang problema. I was about to update her about the plan. May nakausap na kaming DJ for the party. Kinuha na namin yung ka-same age lang natin para masigurong alam nila yung mga tipo nating kanta"

"That's nice. Hindi na ako magtatanong kung professional ba iyang kinuha mo. I know na magaling kang pumili when it comes to those things" napakamot sya sa batok nya na para bang nahihiya.

"Is that a compliment? Thanks. Actually kaibigan namin sya from states, he knows how to play with musics"

"That's good. Sana nga lang ay musics lang ang pinaglalaruan nya at hindi ang feelings ng mga babae" pabirong sabi ko.

"Uhh. Change topic?" Sabay kaming tumawa sa sagot nya.

"By the way, kumain ka na ba?" Right after he said that. Kaagad na nagreact ang tiyan nya.

Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kanya.

"Hindi ka pa kumain?" Nahihiya syang tumango.

"Pwede bang kumain muna tayo bago umalis?" Natatawa akong tumango.

"Basta ba libre mo"

"Deal" masaya nyang sabi at agarang pumunta sa counter.

Nagtext ako kay Arra habang nasa counter si Garry.

To; Zaffy /heart emoji;
Baka ma-late kami ng dating dyan. Kakain muna kami. Hindi pa pala kumain si Garry.

Pinindot ko ang 'send' button. Ibinalik ko na rin kaagad sa bag ng makitang nakabalik na si Garry.

"Thanks" sambit ko pagkabigay nya ng pagkain sa akin.

"No problem. Isipin mo nalang na suhol iyan dahil sinayang ko ang oras mo"

"Okay lang, ano ba. Hindi ka na rin naman iba sa akin" nginitian nya ako.

Nagpasalamat ulit ako sa kanya at sinimulan na naming kumain. Kita talaga na gutom sya sa sobrang bilis ng pagsubo nya nang pagkain.

"Daan muna tayo sa amin bago tayo pumunta sa resort. Iiwan ko lang ang gamit ko at magpapalit na rin ng damit" tumango lang sya at itinuon ang buong atensyon sa pagkain.

Binilisan ko ang pagkain ng makitang paubos na ang kanya. Natigil ako sa pagsubo ng biglaan syang tumayo at iniwan ako. Nagkibit balikat ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Naiangat ko ang ulo ko ng makita syang palapit at may hawak na tray na puno nang pagkain.

"Ano iyan? Part two?" Natatawang tanong ko sa kanya. Namula ang pisngi nya at nagkamot ng batok.

"Gutom pa ako" mahinang sabi nya.

"Okay sige. Take your time" pigil ang tawang sabi ko.

Hinintay ko nalang syang matapos sa pagkain.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng maramdaman ko na parang may nagmamasid sa amin. Huminto ang tingin ko sa labas ng cafeteria kung saan nakatayo si Sky. May bumundol na kaba sa dibdib ko nang makita kung paano nya kami tignan.

Salubong ang kilay at matatalim na mata ang ipinukol nya sa amin. Palipat lipat ang tingin nya sa akin at kay Garry. Pinakunot ko ang noo ko at pasimpleng umiwas ng tingin.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Garry ng makita ang ekspresyon ko. Tumingin din sya sa lugar kung nasaan si Sky.

Tinanguan ko sya at nginitian.

"Tapos ka na ba?"

"Oo. Tara na?" Kaagad syang tumayo ng tumango ako.

Hindi kaagad ako nakaangal ng kinuha nya ang bag ko at siya na ang nagsuot noon.

"Ako na" mabilis ang lakad nya kaya lakad takbo ang ginawa ko para maabutan sya.

"It's okay, I insist. Pasasalamat ko ito dahil tinulungan mo akong kumain" ngiting sabi nya habang patuloy na naglalakad papunta sa parking lot.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit feeling ko may ginagawa akong masama? Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!

Napatingin tingin ako sa paligid. Naginhawaan ang pakiramdam ko nang hindi ko sya nakita.

"Asan yung susi mo? Ako na ang magddrive"

Hindi na ako nagsalita, ibinigay ko na sa kanya ang susi at mabilis na naglakad, medyo naiiwanan narin kasi nya ako.

Pinatunog na nya kaagad ang sasakyan ng makarating kami sa parking area. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa front seat. Tumingin ako sa kanya para sana magpasalamat pero hindi naman sya sa akin nakatingin.

"Is that Clyde?" Kunot ang noong tanong nya na mukhang para sa sarili nya pero hindi sinasadyang napalakas.

Kaagad akong napatingin sa lugar na tinitignan nya. He's right. Nandoon nga si Clyde... kasama sila Sean at Skyler. Tumalikod kaagad ako. Balak kong pumasok na sa loob ng sasakyan at magtago nang malakas na sumigaw si Garry.

"Clyde! Pare!" Masayang sabi nya at kumaway sa mga nasa likuran ko.

"Garry?" Gulat na tawag nya sa pangalan ni Garry.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang mga yapak nila palapit sa amin.

"Ikaw nga, kamusta? Akala ko namamalikmata lang ako" tuwang tuwa na sabi ni Clyde, kita ko sa may gilid ko ang pagffist bump nilang dalawa.

"Sino iyang kasama mo? Girlfriend... teka"

Napakagat labi ako ng bumagal ang pagsasalita ni Clyde. Paniguradong namukhaan nya ang likod ko.

Napasunod ako kay Garry ng biglaan nya akong iniharap sa kanila at inakbayan.

"This is Bianca Smith. A friend of mine" pagpapakilala nya sa akin sabay kindat kay Clyde.

"Bianca, this is Clyde, my friend slash my co-model"

"Wow. What a coincidence. We know her"

Halata ang amusement sa boses nya. Hindi ko makita kung anong reaksiyon nya, nakatingin lang ako sa sahig.

Ayokong iangat ang paningin ko dahil nararamdaman ko ang nakakamatay na tingin ni Sky mula sa kinatatayuan ko. I can feel his eyes on me.

"Woah really? How come?"

"She's our friend"

"And Skyler's girlfriend" dugtong ni Sean na nakapag angat ng tingin ko.

Nanlalaki ang matang nilingon ko sya, pero sa kasamaang palad, ang mga mata ni Sky ang natagpuan ko. Tama ako. Nakatingin nga sya sa akin ng masama.

"T-that... that's not true" pag angal ko sa sinabi ni Sean.

"Uhh okay?" Litong sabi ni Garry at tumingin sa aming dalawa ni Sky.

"Akala ko ba tutulungan mo ang kaibigan mo? Saan ka pupunta sa ganitong oras, kasama nang lalaking iyan?" Nangungutyang sabi nya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko inaasahang magtatanong sya sa akin.

Napagtaasan ko sya ng kilay ng hindi ko magustuhan ang tonong ginamit nya. Para syang nanghuhusga.

"Are you talking about Zafarra?" Tanong ni Garry kay Sky

Hindi sya sinagot ni Sky, ni tinapunan ng tingin ay hindi nya ginawa. Nakatingin lang sya sa akin ng masama.

"Yes" sagot ni Clyde

"Tutulong kami. Hindi lang kami nakasunod kaagad dahil nagpasama pa ako kay Bianca na kumain muna. Pupunta rin kami sa resort pagkatapos naming dumaan sa bahay nila. Right, Bianca?" Ginawa kong excuse iyon para maiwas ko ang tingin ko kay Sky.

"Yeah. Tara na, para mabilis tayong makarating doon" sabi ko bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Ako na mismo ang nagsara sa pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko ng tuluyang nakapasok sa loob. Tumingin ako sa kanila, malakas ang loob ko ngayon dahil alam kong hindi nila ako nakikita mula sa labas. Kaagad din akong nagduda sa isipang iyon ng mapatingin kay Sky na nakatingin diretso sa mga mata ko.

Kaagad kong iniwas ang mata ko sa pag aakalang nakikita nya ako. Ilang minuto pa silang nagtagal bago ko nakitang nag high five si Garry at Clyde.

Sumakay na si Garry at pinaandar ang sasakyan. Naiwang nakatayo sa pwesto namin kanina sina Clyde.

Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone ni Garry.

"Hello?"

Tinignan ko sya na parang nagtatanong ng tumingin sa sa akin.

"Oo Bakit?----- Sabihin ko muna------- okay----" mas nagtaka ako sa sunod nyang sinabi bago patayin ang tawag.

"Sino iyon? Bakit mo sinabi ang address ko?"

"Si Clyde"

"Oh. Bakit daw?" Hinintay ko syang sumagot.

"Sigurado ka bang hindi mo boyfriend yung Skyler?"

"Hindi... bakit mo natanong?" Kuryosong tanong ko sa kanya.

Ngumisi sya.

"Ramdam ko kasi yung galit nya sakin kanina. I saw him glaring at me while Im talking with Clyde. Tas ngayon ngayon lang, minura nya ako ng tinanong ko kung bakit nila kinukuha iyong address mo. Sinabi nya pa na wala akong pakialam " napanganga ako sa sinabi nya.

"M-minura ka nya? Teka. Akala ko ba si Clyde ang kausap mo?"

"Si Clyde nga. Sumingit lang yung Skyler ng marinig ang tanong ko. Mukhang magkakasama sila sa iisang sasakyan" hindi ako nakaimik sa sinabi nya.

"We're here" aniya, hindi kalaunan.

"Dito nalang ako maghihintay" sabi nya pagkapatay ng makina.

"Sure ka? Pwede namang sa loob ka nalang maghintay"

"Dito nalang. Paniguradong papunta na rito sina Clyde. Baka kung anong isipin ng manliligaw mo pag nakitang pumasok ako" pinamulahanan ako ng pisngi ng nanunukso nya akong kinindatan.

"Hindi ko manliligaw iyon" parang walang narinig na sumipol sya at nagtipa sa cellphone nya.

"Una na ako. Saglit lang" dugtong ko nang hindi nya pinansin ang sinabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...