ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (...

Bởi angelbphr

48.4K 1.7K 51

Klaro ang instructions ng boss niya kay Camille. Kalilimutan muna nilang sila si Adam na may-ari ng ELEMENTS... Xem Thêm

Taming Wind Prologue
Taming Wind Chapter 1
Taming Wind Chapter 2
Taming Wind Chapter 3
Taming Wind Chapter 5
Taming Wind Chapter 6
Taming Wind Chapter 7
Taming Wind Chapter 8
Taming Wind Chapter 9
Taming Wind Chapter 10

Taming Wind Chapter 4

3.8K 147 4
Bởi angelbphr

Morning person si Camille. Maaga pa lang ay bumangon na siya para sa kayang regular na baso ng freshly squeezed orange juice at black coffee. Inisip niyang hintayin na lang na magising si Adam bago mag-breakfast ng totohanan. Siguradong tanghali iyong magigising dahil tiyak siyang gabing-gabi na ito natulog. Pero bumababa pa lang siya ng hagdanan ay naamoy na niya ang amoy ng freshly brewed coffee. Nakabukas din ang bintana kaya malamig ang loob ng vacation cabin.

"Adam," tawag niya sa pangalan nito pero walang sumagot sa kanya.

Nakiramdaman siya. Tahimik din ang buong bahay. Nasa paanan na siya ng hagdanan ng bumukas ang pintuan at pumasok ang pawis na pawis na si Adam, mukhang galing sa jogging at may hawak na isang supot ng tinapay mula sa bakery.

"Good morning!" bati nito sa kanya.

"Natutulog ka pa ba?" tanong niya.

"Yeah," tugon nito. Dumiretso ito sa kusina at kumuha ng tubig sa ref na para bang sanay na sanay na ito sa bahay na iyon. Uminom ito. Sinundan niya ng tingin ang maskuladong braso na itinaas nito sa paghawak ng baso sa bibig nito. "As a matter of fact, I slept very well. Ikaw?"

Lumapit siya sa kinaroroonan nito. "Okay lang. Pan de sal ba 'yan?"

Ibinaba nito ang baso at hinawakan ang supot para singhutin ang laman noon. "Yup. It smells so good. I miss this. Kain na tayo?"

"Sige. I'll just make orange juice. Gusto mo rin?"

"No. Okay na ako sa tubig at kape."

Nagsimula siyang mag-squeeze ng orange para sa sarili at ito naman ay naghugas ng kamay bago ihanda ang mesa. Nakatalikod siya rito pero nararamdaman niya ang pagkilos nito sa kanyang likuran. Bigla na lang niyang naisip kung gaano kasimple ang umagang ito at kung paanong puwedeng masanay sa ganito. Nang humarap siyang muli kay Adam ay nakahinto ito sa inayos na almusal at nakatingin sa kanya.

"Why?" Tanong niya.

"Good morning, Camille" ulit nito sa pagbati sa kanya at sa pagkakataong iyon ay binanggit iyon na parang na-realize nito na maganda nga ang umaga.

"Good morning, Adam" nginitian niya ito.

Ang kulang na lang sa eksena ay lalapit siya rito at ibabalot ang braso niya sa leeg nito para halikan ito ng pagbati.

Image out, sita niya sa sarili. Maaring may kasunduan sila sa normal na persona pero si Adam pa rin ang kaharap niya. Nagkatawang tao lang. Lumapit siya mesa at ibinaba roon ang juice saka umupo sa tapat ng inuupuan ni Adam. Pan de sal, orange juice, kape, butter, marmalade at ngiti ni Adam. Wala ng mas gaganda pa sa umaga.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" tanong nito sa kanya.

"Tumunganga."

"Ha?" Natatawang tanong nito.

"Alam mo underrated ang tunganga. It is actually good for the soul," paliwanag niya. "Isang araw na wala kang iisiping gawin o galawin o planuhin. Ikaw? Kailan ka huling tumunganga?

Natagalan itong mag-isip.

"See? I'm right. Isa iyon sa hindi mo ginagawa na malimit gawin ng normal na tao. Therefore, iyon ang gagawin natin ngayon."

"Okay? Ano bang rules sa pagtunganga?"

"That's the beauty of it, Adam. Walang rules. Puwede kang tumitig sa kawalan, umupo sa damuhan, manood ng tv ng hindi iniintindi ang palabas o magbasa ng libro kahit wala kang intensiyong tapusin iyon, tikman lahat ng inilalakong pagkain sa labas ng bahay, hayaan ang sarili mong makatulog... anything goes."

"Ah, so ang pagtunganga ay isang romantikong paraan ng pagsasayang ng oras."

"Poor Adam, you're quite hopeless. Pero sige na nga. Puwede mo siyang tingnan ng ganoon pero puwede mo rin siyang tingnan bilang paraan ng pagbabalik appreciation sa mga bagay na dating nagpapasaya sa iyo at baka daan sa mga hinahanap mo para maging masaya ulit."

"What makes you think I am lonely?"

"Hindi ko sinabing malungkot ka. You can't be sad being what you are. Pero masasabi mo bang masayang masaya ka?"

Muli siyang tinitigan nito. "I'm okay," kapagkuwa'y tugon nito.

"Hindi iyon ang tanong. Okay is just okay. It's neither too good nor too bad, neither heaven nor hell."

Inubos nito ang kape sa mug nito para pahabain ang oras bago ito sumagot. "Sige. Susubukan ko ang 'tunganga theory' ng isang Summa Cum Laude ng BS Archeology. Pero hindi ibig sabihin na nile-let go ko iyong kagabi."

Napakunot ang noo niya. "Kagabi?"

"Naalala mo ba ang - Adam, you have to do better than that?" ulit nito sa sinabi niya rito kagabi. "You must know. Hindi ako nagba-back down from a challenge," muling ngumisi ito tulad ng ginawa kagabi.

Siya naman ang kinailangang ubusin ang inumin. Ngunit hindi para mag-isip kundi para takpan ang pamumula ng kanyang pisngi bago pa nito makita iyon at asarin na naman siya. "At hindi ka rin pumapayag na hindi sa iyo ang huling salita, apparently," halos bulong niya sa sarili pagkatapos.

"I'll trade you one childhood secret kung bibigyan mo ako ng isa mong childhood secret," sabi niya kay Adam. Nasa garden sila 'tumutunganga'.

Nag-attempt siyang magbasa ng libro at ito naman ay nakahiga sa picnic spread. Katatapos lang ng kanilang picnic-piknikan sa hardin sa likod na bahay, malapit sa labyrinth. Ibinukas ni Adam ang isang mata para silipin siya. "Akala ko ba puwedeng hayaan ang sariling matulog?"

"Ang corny mo talaga. Come on, sige na. Sige kahit hindi childhood. One secret."

Nakapikit na ulit ito pero nakangiti sa sarili. Parang nakalatag na temptation sa harap niya. Hindi ito nagmulat pero hindi niya alam kung bakit parang nabasa pa rin ang inisip niya, ibinuka nito ang braso na parang imbitasyon sa kanya. Isang segundo lang siguro siya naghesitate. Humiga siya sa tabi nito at umunan sa braso nito.

"Noong bata ako," simula nito as soon as maka-settle siya. "I really liked this girl. She is about 5'6 tall, the longest pair of legs in the whole world, long straight brown hair and dark brown eyes that turn three shades lighter kapag tinatamaan ng araw. But what I like most about her is her smile. Because when she smiles, she becomes the most beautiful girl in the whole world.""

Hindi siya makahinga. Pumikit siya habang nare-realize na ang ibinibigay ni Adam ay eksaktong description niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?" she said almost breathlessly. Nagmulat na siya ng mga mata at ibinaling ang mukha rito. He was looking at her and it felt like someone suddenly clutched her heart.

"I didn't tell her... I can't..." mahina ang boses nito but his eyes spoke volumes.

"Why?"

"She wanted so much to become Wind."

"Tatlong araw siyang hindi si Wind, Adam... baka puwede mong sabihin sa kanya. After three days, mangangako siya na kakalimutan niya ulit ang lahat. She can be Wind again...and you can be god again."

Itinaas nito ang isang kamay para haplusin ang buhok niya. "May idea ka ba kung anong iniaalok mo sa akin, Camille?"

Inilapit niya ang mukha rito, halos kaunting distansiya na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. "Parehas lang tayo, Adam. Mas importante sa iyo ang Elements, mas importante sa aking maging si Wind. Pero mayroon tayong tatlong araw kung kailan hindi natin kailangang mamili."

"And after?"

"We forget..."

No one spoke for a few seconds. Nakatingin lang sila sa isa't isa. Nasa mata niya ang paninindigan sa sinasabi, nasa mata nito ang kawalan ng madaliang desisyon. His gaze moved to her lips.

"Adam, what do you want most at this moment?"

Bumalot sa kanya ang brasong hinihigaan niya para mahapit siya papalapit dito. "You." His lips claimed her almost violently. "I want you most," anas nito sa kanyang labi.

She returned the fervor of his kiss. Kumapit siya rito ng mahigpit. She wanted the feel of his mouth against her, wanted the taste of him, wanted the soft intrusion of his tongue parrying against hers to go on forever. Nang bahagya nitong iangat ang labi sa kanya, she protested by softly biting his lower lip. He gave a low groan.

Lalo nitong pinalalim ang halik. His other hand caressed a line from her nape down to the side of her breast. She moaned when his hand finally cupped a breast. She was burning. He shifted their position and then he was on top her. She spread her legs and raised her knees to cradle him between her thighs.

"Not here," his voice was thick with desire.

Naramdaman niya ang pagtayo nito at nagsimula siyang magprotesta. Pero agad siyang binuhat nito na para bang wala siyang timbang. Dinala siya nito sa silid na ginagamit nito at marahan siyang ibinaba sa kama. She tugged at the button of his jeans.

"Patience, sweetheart," natatawang sabi nito sa kanya bago hubarin ang t-shirt nito.

She sat down on the bed and planted a soft kiss on his stomach. Dahil sa ginawa niya, tila ito na ang nakalimot ng patience na binanggit nito sa kanya. He covered her body once more. Gumapang ang mga palad nito mula sa kanyang tiyan pataas sa kanyang dibdib. He released the front clasp of her bra and removed it along with her shirt. Sumunod ang lahat ng damit nila sa sahig kung saan ang mga iyon binitiwan ni Adam.

His kisses all over her body drove her wild. And when she can't wait anymore she touched him and guided him to her waiting warmth. His hands clasp the small of her back as slowly entered her. He seemed to hesitate a bit at her tightness.

"Am I hurting you?" mahinang tanong nito.

"Only if you stop now," sambit niya.

She then pushed her hips up to take him deeper, allowing no room for hesitation. He moved slowly at first and she followed her rhythm until she felt heat coiling and then seeming ready to burst inside her.

"Adam, please... I want..." she gasped

Hindi na niya kailangang sabihin dito kung anong gusto niya. He knew. His body seemed to know exactly what her body was craving for. He pushed hard and fast inside her, making her almost dizzy with the sensual tide he was making.

"Let it go, baby. I'm almost there..."

His urgent whisper and the more urgent movement of their bodies finally pushed them to the edge. His name mingled with hers as they both whispered each other's name and they kissed fervently one last time.

It had been so natural, the way they became lovers. Parang habang buhay na niyang ginagawang matulog sa dibdib nito. O kaya naman ay sumandal dito habang nanonood sila ng tv at maramdaman ang awtomatikong pagyakap nito sa kanya mula sa kanyang likuran. Wala ring discomfort kapag naglalakad sila ay aakbay ito sa kanya o kaya naman ay hahawak ito sa kanyang kamay at paglalaruan ang kanyang mga daliri.

Limitado ang usapan nila tungkol sa nakaraan at hindi sila nag-uusap ng tungkol sa kinabukasan pero hindi sila nauubusan ng pagkukuwentuhan o pagtatawanan. She loved arguing with him about politics and religion and culture. She loved baiting him to get little information about him without asking direct questions na alam naman niyang hindi nito sasagutin.

Pero ang pinakagusto niya rin ang maliliit na trivia na siyang gumagawang totoo sa pagkatao nito.

"Favorite food?"

"Bukod sa pandesal sa bakery sa kanto at sandwiches mo? Adobo."

"Favorite sports?"

"Soccer."

"Number of girlfriends?"

"Foul," protesta nito.

"Sige na."

"Three exes, no current."

"Hmmm. Favorite place in the Philippines?"

"La Union."

Nanlaki ang mga mata niya. Isa lang ang hilig gawin ng mga taong pumumpunta sa La Union. "You surf?"

"Yes."

"Maybe we can..." itinigil niya ang sasabihin. Untik na niyang sabihing siguro puwede silang mag-surf minsan pero naalala niya ang usapan.

Three days...

And After?

We forget...

Hindi na niya itinuloy ang ibig sabihin. Instead, she turned to face him and gently traced a finger on his lips. He smiled before catching her hand and kissing her palm. She closed her eyes right before she felt his lips moved on hers.

Nagdududa talaga siya kung makakalimutan niya ang ganitong pakiramdam.

Hindi nila ginawang big deal ang huling gabi ng kanilang tatlong araw na usapan. Walang special na dinner, walang champagne o farewell party for two. Kung paano naging natural na naging sila, ganun din magiging ka-natural ang pagiging hindi na silang dalawa.

Kaya lang, kahit pala naka-mindset ang ganoong arrangement, malungkot pa rin. When he reached for her that night, she knew it was the last time and it still hurt her. While they were making love, hindi siya pumikit kahit minsan. She watched his face.

Hindi rin pala niya gustong kalimutan ang lahat. Gusto pa rin niyang maalala na sa piling niya, minsang naging vulnerable si Adam de la Cuesta. He kissed her deeply after they made love. Matapos ay tinitigan siya nito and his eyes were deep dark in the semi-lit room.

"Are you alright?" tanong nito.

Nginitian niya lamang ito na para bang ayos lang ang lahat para sa kanya. Pero nang nakatulog na ito, habang nakayakap ito sa kanya at nararamdaman niya sa kanyang likuran ang tahimik nitong paghinga at ang tibok ng dibdib nito, pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya.

She raised a hand to her mouth para siguraduhing walang tunog na lalabas mula roon. She stilled her whole body para hindi ito maghinala. Pero hindi niya kayang pigilan ang luhang masaganang dumadaloy lang sa kanyang mga mata.

"Camille, gising ka pa ba?" mahinang tanong nito.

Hindi siya tumugon dahil baka marinig nito sa boses niya ang pag-iyak na hindi nito dapat malaman. Marahil ay inakalang tulog na siya, hinalikan nito ang kanan niyang balikat.

"Goodnight, sweetheart," bulong nito bago higpitan pa ang yakap sa kanya na para bang hindi siya nito pakakawalan sa susunod na araw.

Hindi siya nakatulog. Pumikit lamang siya sandali para kalmahin ang sarili niya at hayaan itong maidlip. Eksaktong magha-hatinggabi nang bumangon siya.

"Saan ka pupunta?"

Nagulat pa siya sa tunog ng boses nito. Akala niya nga kasi ay nakatulog na ito. Hindi siya humarap dito. She forced a smile in her voice.

"It's 12:05," sagot niya.

"Ha?"

"It's past midnight, Adam."

"So?"

"It's over. Sa room ko na lang ako matutulog."

Impressed siya sa pagiging kalmado ng boses niya. Adam would be proud of her. He had trained her well in the art of controlling her emotions in times of distress.

She heard and unfamiliar roughness in his voice nang muli itong magsalita. "Can't you stay beside me for the rest of the night?"

Pakiusap ba ang narinig niya sa boses nito?

Umiling siya, still not looking at him. Baka kapag tumingin siya ay magbago ang isip niya. "I'd rather not. For once, Adam, hayaan mo naman akong sumunod sa rules."

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

103K 2.4K 17
WG CAROLINE - The Florist Hindi niya alam ang eksaktong sagot sa tanong ng kapatid niya. Mahigit isang buwan na silang palaging magkasama ni David-a...
27.8K 1.1K 16
Nalagay sa Eskandalo ang tahimik na buhay ni Angel ng magkaroon sila ng matinding bangayan ng sikat na baguhang writer at Chickboy na si Craig, ...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
253K 9.4K 28
Five W Series 3