Revenge of the Gangster's Twin

By ceikret

914K 17.7K 390

Winter is my name. Killing is my game. Known as Poison in Mafia and gangster world. Kinatatakutang assassin... More

Revenge of Gangster's Twin
one**
two**
three**
four**
five**
six**
seven**
eight**
nine**
ten**
eleven**
twelve**
thirteen **
fourteen **
fifteen**
sixteen **
seventeen**
eighteen **
nineteen **
twenty **
twenty one**
twenty two**
twenty three **
twenty four**
twenty five**
twenty six**
twenty seven**
twenty eight**
twenty nine**
thirty **
thirty one**
thirty two**
thirty three**
thirty four**
thirty five**
thirty six**
thirty seven**
thirty eight **
thirty nine**
fourty**
fourty one**
fourty two**
fourty three**
fourty four**
not an update**
fourty five**
fourty six**
fourty seven**
fourty eight**
fourty nine**
fifty**
annyeong!!
fifty one**
fifty two**
fifty three**
fifty four**
fifty five**
fifty six**
fifty seven**
fifty eight**
fifty nine** Part 1
fifty nine** Part 2
annyeong!!^___^
sixty**
sixty one**
sixty two**
Ceikret's note..
sixty three**
sixty four**
What If God's Like One of Us**
last chapter** part one
last chapter** part two
EPILOGUE **part one
EPILOGUE **last part
When a Gangster Fall**
Yiiieeeey
an::
special chapter 1.1**
special chapter 1.2**
special chapter request **
notice**
Special Chapter 1
Book two^___^
happy anniversary **
My Almost Happy Ending

EPILOGUE **part two

9.5K 190 12
By ceikret

after one month**

Sa wakas nakumpleto na ni Raikoo ang formula para sa panlunas kay Winter. Nakuha niya kasi yung list kung paano ginawa ni Winter ang Autumn's Heal. Kabaligtaran sa ginawa ni Winter ang ginawa niya kaya sa wakas nahanap na din niya ang gamot na maaaring magpawala ng lason sa katawan nito.

Isang buong araw siyang nagfocus para makuha ang right amount ng mga chemicals pati na din ang right procedure. Mabusisi ang ginawa niya hanggang sa maisagawa niya ng perpekto ang gamot. Pinagamit sa kanya ni Thunder ang hideout nila para dito. Ito din ang tumulong sa kanya para maisaayos ang lahat.

Kinabukasan maagang pumunta si Raikoo sa hospital para maiturok niya ang gamot sa katawan ni Winter. Naghihintay naman ang lahat sa labas ng kwarto nito at umaasang sa pagkakataong ito tumama na ang panlunas dito.

isang minuto.....limang minuto.....sampung minuto.....tatlumpong minuto....isang oras ang lumipas ngunit walang pagbabago sa kalagayan ni Winter. Katulad pa din ito ng dati na maputla ang balat at mukhang walang buhay.

Malungkot na lumabas si Raikoo ng pinto. Ang puno ng pag asang mga mukha ng mga kasamahan ay napalitan din ng lungkot. Tila ba hindi na nila alam kung aasa paba o susuko na. Tatlong buwan na itong nakaratay sa kama ng hospital. Hindi gumagalaw at hindi nakikitaan ng magandang improvement.

Tinap ni Thunder ang balikat ni Raikoo at akmang papasok na ng kwarto ni Winter ng sabayan siya ng Shadow.

"San kayo pupunta?" takang tanong nito sa mga kasamahang nakasunod sa kanya.

"Papasok sa loob. Hindi ba obvious, anong gusto mo lumabas kami sa loob?" sagot sa kanya ni Kai.

"Pwede ba wag muna kayo bumuntot. Give me time to talk to her baka nagpapanggap lang yung tulog. Kilala niyo naman yun idol ako sa pagtulog. One by one ang pasok pwede? ako muna ha. Una ang pinakamatanda." sabi nito at tuluyang pumasok sa loob.

"Geh una ka mukha ka namang gurang hahahahaha." sabi ni Glen kaya napatawa na din ang lahat.

Sa kabilang banda naupo si Thunder sa tabi ng kama ng kapatid. Ayaw man niyang aminin sa sarili niya pero maging siya nawawalan na ng pag asa.

(Thunder POV)

"Winter naaalala mo ba nung dumating ako sa bahay niyo noong 5 years old pa lang ako. 3 years old pa lang kayo noon ni Autumn. Ang sabi mo pa noon ayaw mo ng ibang kapatid dahil si Autumn lang ang gusto mo. Si Autumn naman tahimik lang na nakatingin satin habang nag aaway tayo." napahawak na lang ako sa pisngi ko. Taena umiiyak na naman ako. Bakit ba hindi nauubusan ng tubig ang mga mata ko?

"Sumagot ka naman ng Oo oh." pero wala pa din. Hindi pa din siya sumagot.

"Sige iimaginin ko na lang na sumagot ka ha. Noong time na yun feeling ko wala ng tatanggap pa sakin. Ang bata bata ko pa pero hindi ko alam kung sino ba talaga ako. Hanggang sa nakita ako nila Umma at Appa sa ampunan. Inampon nila ako. Akala ko noon may pamilya na ulit ako pero ang sabi mo hindi mo ako tanggap."

"Noong napunta tayo sa Korea at pumasok ako sa RBC hindi ka noon pumasok kasi sabi mo ayaw mo akong kasama. Kaya tinrain ka ni Appa mag isa. Minsan naman kasama mo si Autumn. Alam mo ba feeling ko noon sampid lang ako sa pamilya niyo. Yung nang aagaw lang ako ng atensyon na para sa inyo."

"Ginawa ko naman ang lahat. Naging mabait akong kuya sayo. Kahit nga ayaw mo pilit pa din akong lumalapit sayo. Kahit harap harapan na sinasabi mo saking ayaw mo sakin bilang kapatid sige pa din ako. Pero alam mo ba Winter yung mga time na yun ang di ko makakalimutan sa buhay ko. Kasi doon tayo naging close. Nagising na lang ako isang araw sumasabay kana sakin kumain sa mahabang mesa ng bahay. Kinakausap mo na din ako kahit tungkol sa anime lang. Kinukulit mo na din ako kapag bored ka."

"Pero alam mo ba ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ay 12 years ago. 10th bday ko noon tapos yung gift mo sakin ang pinakadabest gift sa buong mundo."

Kahit napipiyok na ako tuloy ko pa din ang pagsasalita ko. Gusto ko lang malaman ni Winter kung anong naramdaman ko. Kung gaano ako kasaya na naging kapatid ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat habang nandito pa siya. Habang nahahawakan ko pa siya. Habang buhay pa siya.

"Todo ngiti ka nga noon nung bday ko. Ang laki laki pa ng gift mo sakin. Nag aasaran pa nga kayo ni Autumn kung kaninong gift ang mas mahal tapos pinipilit mo yung iyo ang pinakamahal. Natatawa na lang ako kasi nakikita ko kayong nag aasaran tapos mag kamukha kayo. Alam mo yung feeling ng parang iisa lang kayo. Pati kasi facial expression niyo pareho."

"Tapos noong binuksan ko gift mo tumambad sakin isang gift ulit. Naka20 gift wrap na yata nasira ko sa gift mo. Paliit ng paliit pero hindi pa din ako nagsawa. Ang sabi ko sa sarili ko kahit candy lang yun masaya na ako. Pero noong binuksan ko ang last gift isang papel ang tumambad sakin."

"Yung nakasulat. Welcome to the family Oppa ...love Winter. Alam mo ba kung gaano ako kasaya noong oras na yun? Para na akong nakajackpot sa lotto. Ibig sabihin tanggap mo na ako. Tinanggap mo na ako sa pamilya niyo. Ibig sabihin welcome na ako. Na tinuturing mo na akong kuya. Alam mo bang yung sulat mo na yun hanggang ngayon nandito pa din sa loob ng pendat ng kwintas ko. Ito namang kwintas na to si Autumn ang nagbigay. Alam mo bang lagi ko itong binabasa dahil makita ko lang ito sumasaya na ako. Pero Winter sa tuwing titingnan ko ito ngayon nalulungkot na ako. Kasi nasan na yung family na sinasabi mo. Iniwan na tayo no Autumn tapos iiwan mo na din ako. Ang unfair nun Winter. Please Winter gumising kana nahihirapan na si Oppa eh. Namimiss kana ng hyung mo." sabi ko bago tuluyang sumubsob sa kamay niya at humagulgol. Ang sakit kasing makita yung taong mahal mo na nasa harap mo at naghihirap. Hindi mo sigurado kung bukas buhay pa ba siya o ano. Mahirap umasa pero mas mahirap mag give up.

end**

Hindi alam ni Thunder na nakikinig pala ang lahat sa labas sa mga sinabi niya. Maging sila nagsipag iyakan na ng marinig nila ang garalgal na boses ni Thunder.

"Taena ni Hyung. Gusto lang umiyak nagsolo pa. Pwede namang damay damay na diba." umiiyak na sabi ni Kevin.

Noong lumabas si Thunder naabutan niyang umiiyak ang mga kasama sa labas ng kwarto.

"Oh nagkamali yata kayo ng pinuntahan walang lamay dito bakit kayo umiiyak." pagbibiro nito habang patuloy pa din ang pag iyak.

"Satsat pa eh. Alis ka nga dyan ako naman." sabi sa kanya ni Sean bago pumasok sa loob.

Pagkasarang pagkasara pa lang ng pinto agad na nilang narinig ang iyak nito.

"WAAAHHHH WINTER BAKIT MO KAMI INIWAN. PAANO NALANG KAPAG BINUBULLY NA NILA AKO. SINO NA ANG SAVIOR KO WAAAAHHHH HUHUHUHU WINTER BUMANGON KA DYAN." malakas na pag iyak nito.

Hindi nakatiis si Sian at pinasok ang kakambal sa loob.

"Alam mo Sean kung hindi kita kamukha di ko aakalain na kakambal kita. Hindi pa patay si Winter kaya wag kang ngumawa ng ganyan. Sinisira mo yung senti moment ng atmosphere. TSAKA PWEDE BA WAG MONG YUGYUGIN SI WINTER DAHIL BAKA MATULUYAN YAN KAKAYUGYOG MO." kasunod noon ng pagkaladkad niya sa kakambal palabas ng room ni Winter.

"Winter binubully nila ako heeellllppp." sigaw ni Sean bago tuluyang nakalabas.

Pumasok na din si Sian at umupo sa inupuan ni Thunder kanina.

"Winter sabihin mo nga sakin kakambal ko ba talaga yun? Ikaw lang kasi nagsasabing ampon yun eh tapos pinaplastic surgery lang para makamukha ko." bungad nito.

"Hoy natural to di to plastic surgery." sigaw ni Sean mula sa labas.

"Itali niyo nga yan di na naman nakainom ng gamot." narinig pa ni Sian na sigaw ni Thunder mula sa labas.

"Bayaan mo na sila Winter. Kunwari wala kang naririnig okay. Anyway. Alam mo bang sa panahon na nakasama kita minahal talaga kita pero siguro nga noon palang destined kana para kay Raikoo. Pero thankful ako sa mga words of wisdom mo. Dahil doon namulat ako. Nakita ko yung babaeng gusto kong makasama hanggang pagtanda. Natutunan kong mahalin yung babaeng dati'y binabaliwala ko. Invited kapa sa kasal namin kaya gumaling kana ha. Tutulungan mo pa akong itanan yun eh. Kaya gising na ha." sabi ni Sian bago halikan sa noo si Winter at tuluyang lumabas.

Paglabas niya bumungad sa kanya ang nakataling kakambal na pinagtitinginan na ng ibang pasyenteng dumadaan. Napailing na lang siya sa kabaliwan ng tropa nila.

Sunod na pumasok si Ryuu.

"Winter kailangan mo ng bumangon dyan. Tutulungan mo pa akong magpapansin kay Yeolum diba. Diba nga sabi mo yun na next mission natin. Kaya aasahan ko yan ha. Hindi ka pwedeng mamatay tandaan mo yan. Dahil pag namatay ka magpapakamatay na din ako. Kilala ko ako seryoso ako lagi. Pero syempre joke lang mahal ko buhay ko eh haha. Kaya sana mahalin mo din buhay mo." gaya ng ginawa ni Sian hinalikan din niya si Winter sa noo bago tuluyang lumabas.

Sunod na pumasok si Kevin na pacool effect pa pero pagkakita kay Winter nag umpisa ng lumabas ang mga luha niya.

"Winter Taena weak kana pala. Di ko maimagine na gagawin mong kolateral buhay mo para samin. Weak yung ganun Winter. Alam mo bang miss na kita Winter. Sa loob ng tatlong buwan wala ng nagbabawal saking magmura. Naging unli nga ang p*ta. Kaya bumangon kana dyan ha ibibitin pa natin si Glen nagsasawa na kong murahin eh. Naimmune ata sa mura ang putek."ani Kevin habang pinipindot ang daliri ni Winter.

Sumunod si Nathan sa kanya na tahimik lang.

"Winter gising na. Alam mo namang hindi ako vocal pero gising na ha. Bridesmaid kapa sa kasal namin ni Mimi." maikling sabi nito. Well what do you expect to Nathan. Konting words lang talaga lumalabas sa bibig nyan.

Sumunod sa kanya si Kai.

"Yow Winter. Gumising kana. Tatlong buwan ka ng nagfeeling sleeping beauty. Ano yang inaachieve mo hundred years?? Deads na kami nun. Tsaka Bridesmaid ka din sa kasal namin ni Iki. Madami ka pang kasal na pupuntahan kaya bangon na ha. Di mo bagay maging sleeping beauty. Tandaan mo walang assassin na sleeping beauty kaya wag kang assuming." sabi nito bago tuluyang lumabas.

"Winter may bago akong gadget " oh kilala niyo na kung sino ang sunod na pumasok?? Malamang ang adik sa gadgets na si Rhon."Alam mo Winter wala ng taga sira ng gadgets ko. Kaya gising na ha hinihintay kana ng mga gadgets ko. Gusto na nilang magretired. Gising na ha wala akong ifaflashback sayo kasi baka maiyak ako. Ayaw ko ng ipaalala sayo yung nakaraan kasi alam kong di mo yun makakalimutan. Ilang timba na naiyak ko kaya gising na ha maawa ka sa mata ko." sabi nito sabay halik din sa noo ni Winter.

"Winter Kain tayo." oh yan kilala niyo na sigurado. Si Leo wala ng iba."Kawawa ka naman tatlong buwan ka ng di kumakain. Ako naman tatlong buwan ng kain ng kain. Wala na ngang ganang magluto si Tim dahil tulog ka eh. Gumising kana kasi oh luto ni Tim yung kinakain ko.Oh ano paubos na gising na. Bahala ka nga ubos na wala na basta paggising mo tapos madaming pagkain sama mo ako ha." sabi nito sabay tuluyang umalis.

Sunod na pumasok si Glen.

"Yow Winter gumising kana dyan. Nakakasawa ng asarin si Kevin. Kailangan ko ng kakampi kaya Gising na ha. Madami pa tayong pranks na gagawin. Diba pakners in crime tayo kaya gising na ha. Hihintayin ko ang paggising mo. Alam mo bang ang dami ng luha ang lumabas sa mga mata namin. Kulang na nga lang pag pinagsama sama mo makakapagswimming kana. Kaya bumalik kana ha gumising kana bago pa maging dagat ang mga luha namin." sabi sa kanya nito bago tuluyang lumabas.

"Winter gumising kana kahit na ubusin mo pa ang laman ng black card ko kakashopping mo ayos lang. Hindi na ako magiging kuripot promise yan. Kahit na araw arawin mo pa Winter hindi ako magrereklamo. Hindi na ako magiging kuripot swear kaya gising kana ha." sabi ni Sky kay Winter.

"Winter nandito na favorite hyung mo. Madami akong nilutong pagkain kaya lang nilantakan na ni Leo hyung. Gumising kana dyan at pakisapak nga. Kain ng kain kaya nananaba. By the way. Winter gusto mo pustahan tayo. Once na magising ka i will pursue my dream to become a kpop idol. Magkakaroon ng Cheon Tim sa kpop industry. Pero kapag sumuko ka isusuko ko na din ang lahat. Wala na no.1 fan ko eh. Kaya sana gumising ka ha. Gagawa ka pa ng fansclub ko." sabi ni Tim bago tuluyang lumabas.

Ngunit bago pa siya makalabas bigla na lang tumunog ang aparato na nakakabit sa katawan ni Winter. Nanginig ang katawan nito at tumunog ang alarm ng emergency.

"Hyung Thunder Hyung si Winter." sigaw ni Tim habang hindi umaalis sa tabi ni Winter.

Mabilis nagsipasukan ang mga doctor kasama na din si Thunder. Pinalabas muna ng nurse sila Tim at sinugod sa ER sa Winter.

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa din lumalabas sila Thunder. Puno na naman ang mukha ng mga taong naghihintay sa paggising niya.

"Sabi ko kay Winter tama na eh. Komokota na siya ha. Araw araw na lang napapaiyak niya tayo. Ganun ba siya kagalit satin at mata natin pinuruhan niya. Mukha ng pinakpak ng pisting ipis mga mata natin. Paano na ang gwapo nating mga mukha pag nagkataon." sabi ni Glen pero nakatikim siya ng batok kay Rhon.

"Manahimik ka na nga lang Glen. Nakita mo ng serious atmosphere tapos eentra ka. Lagay tuloy namin umiiyak na natatawa baka kami ipa ospital dahil sayo eh. Pagkamalan pa kaming baliw gaya mo." sita nito sa kanya.

Matapos ang ilang minuto lumabas si Thunder sa loob ng ER. Hindi mo mawari ang mukha nito. Patuloy ang pagtagas ng luha sa mga mata nito.

"Hyung anong nangyari ayos naba siya?" sabay sabay sabi sa kanya ng lahat.

"Pwede ba wag sabaysabay sakit sa tenga ha." sabi nito habang hawak ang tenga.

"Ano nga hyung?" tanong ulit ni Raikoo na hindi mo mawari kung naiihi ba o ano.

"Doctor lang ako pero hindi ako diyos." sabi ni Thunder habang patuloy ang pag iyak.

Napaiyak na din ang lahat ng biglang magsalita ulit ito.

"Pero..."

"PERO???"silang lahat

"Taena sabi ng wag kayong sabay sabay." sigaw ni Thunder sa kanila.

"Pabitin effect ka kasi eh. Ikaw kaya ibitin ko. Sabihin mo na Oppa we're craving to know." -Iki.

"Pero may himala. Buhay ang kapatid ko. Nabuhay ang kapatid ko. Sa wakas nagising na siya. Gumana yung gamot na ginawa mo Raikoo. Naligtas mo yung kapatid ko." tuwang tuwa na sabi ni Thunder.

Biglang natahimik ang lahat. Nakatingin lang sila kay Thunder na para bang hindi nagprocess mga utak nila.

"You mean hindi siya patay?" naguguluhang tanong ni Sean.

"Gusto mo ba talaga siyang mamatay ha. Ikaw kaya patayin ko. Buhay nga diba buhay unli lang. o ano tatanga na lang kayo dyan?? Bahala kayo dyan ako pupuntahan ko na siya." sabi ni Thunder at mabilis na naglakad.

"TEKA HYUNG HINTAY." sigaw sa kanya ng mga kasama kaya napailing na lang siya.

Pero pagpasok nila sa room ni Winter isang balita ang di nila lahat inaasahan. Dahil pagpasok nilang lahat nakipagtitigan lang sa kanila si Winter sabay sabing....

"sino kayo??"

_____________________________________

ceikret

Yung last part po update ko after kong itry ulit mag log in sa website ng exo-l.. Puro kasi errorTT__TT waaaahhhh gusto kong maging official member ng exo-l.. please help me kung paano ang easy way... please please.. kamsahamnida.

**edited**

ai wo

Continue Reading

You'll Also Like

237K 6.1K 38
She was betrayed and lost until she met these 12 boys
572K 12.6K 50
[COMPLETED BOOK 1] Highest rank achieve #11 in Action Book cover by: @Jin_NyeLla Thanks😊 ******************* I am a Perfect daughter to my family...
229K 4.9K 44
Highest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will co...
899K 23.6K 82
Anong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagm...