Crosswalk

By peachxvision

52.9K 3.8K 1.4K

'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa... More

Chapter 1: Give Way
Chapter 2: No Entry
Chapter 3: Hump Ahead
Chapter 4: No Right Turn on Red Signal
Chapter 5: Stop
Chapter 6: No Overtaking
Chapter 7: Reduce Speed
Chapter 9: Two Way
Chapter 10: Pedestrian Crossing

Chapter 8: No U-Turn

4.1K 350 215
By peachxvision

Pagpasok ko ng office ng Monday, lahat kami, may sticky note na nakadikit sa computer namin.

Team, won't be in the office for four days. I'll be here just to log in at 5 a.m. I asked Sir Jose to take in charge. Kaya niyo yan! See you on Friyay! —Aion

Pero ang napansin ko, sa akin, may nakalagay na extra.

PS. Text mo ko if you want to see Alpha. :) I'm just a ped lane away.

Napangiti ako pero inalis ko kaagad. Bakit may paganito pa sa akin? Ano ba to? Ano ba! Na-cha-challenge ba siya sa 'kin dahil hindi ako katulad ng ibang mga babae sa office?

Tuesday, may rosas sa may cabinet ko. Buti nasa loob ng cabinet to, kundi issue 'yon panigurado.

Magtetext sana ako ng Aion, ikaw ba naglagay ng rose sa cabinet ko? pero parang ang assuming. Isa pa, hindi naman siya nagtetext kung may nilagay ba siya. Malay ko bang may nangtitrip lang sa kin.

Tiniklop ko yung rosas at nilagay lang sa bag ko.

Pagdating ng Wednesday, may kape na sa desk ko.

"Sinong naglagay dito?" tanong ko kay Joyce na mas nauna sa kin.

"Huh? Ewan ko. Si kuya sekyu lang na dumating tapos dinala yan. Akala ko naman sa 'yo. Hindi ba sa 'yo?"

Nakaisip naman ako kaagad para iwas issue. "I mean, sa akin nga. Tinanong ko lang kung sinong naglagay."

"Para kang ewan."

Hindi ko gets yung mga nangyayari. Bakit may pa-rosas at may pa-kape 'tong taong to? Naiinis ako dahil kinikilig ako. Kailangan ko kalmahin yung puso ko. Hindi 'to puwede. Teka, bakit kung maka-assume naman ako, parang si Aion may gawa nito? Eh paano kung hindi? Paano kung ibang department pala?

Ininom ko yung kape dahil sayang naman. Nagkaroon ako ng plano kung saka-sakaling mag-iwan ng kung ano man yung taong naglalagay ng mga to.

Nag-iwan ako ng note.

Whoever you are, stop wasting your money on me. I am not interested.

Pagdating ko noong sumunod na araw, may key chain na husky.

Tama ata ang hinala ko.

Pagbukas ko ng desk ko, may note siyang iniwan.

Alam ko naman. I'm just doing this to put a smile on your face. I hope I was able to. :) You look pretty when you smile. :) –Aion

"Umamin din ang gago. Pretty when you smile mo lolo mo," sabi ko, kinikilig na naiinis.

"Huy, problema mo?" komento ni Joyce. "Aga-aga may kaaway ka dyan."

"W-wala. Si . . . Aion ba bumalik na?"

"Huh? Di ba sabi niya one week daw siyang wala?"

"Ay . . . oo nga pala." Eh bakit nakakapagpadala siya ng mga ganito sa akin? Alam ko namang siya to.

"Bakit? Miss mo na?" tukso ni Joyce.

"Loko-loko. May ipapapirma lang akong leave."

Pumunta ako ng banyo para huminga. Hindi ko kaya lahat ng feelings ko. Alam ba 'to ng girlfriend niya? Shit siya. Ayoko sa mga tulad niya . . . flirtatious freak!

"Please stop being sweet to me," napabulong na lang ako sa sarili ko.

Pagpunta ulit sa cubicle ko, buhay na naman yung group chat namin.

Marian: MAJOR CHISMAX!!!!!!!!!

Sharlene: spill!

Marian: wala talagang gf si Aion OMG ATTACCCCC

Roxanne: HAHAHA baliw attack agad

Joyce: glai attack

Pauline: pano mo naknowsline

Pauline: gaano kareliable?

Sharlene: eh bakit ganon fb non? naka in a relationship pa rin tapos featured photo diba ngaaa

Marian: iyon nga eh! pero kasi nakasabay ko sa elevator sec ng high ups

Marian: Tapos one mtg tinanong daw siya if ok lang daw siya i-send sa Cebu ganern

Joyce: bat cebu?

Marian: ewan ko gurl

Marian: then tinanong siya kung ok lang daw sa gf

Marian: sagot ni koya wala daw siyang gf!!!!!!

Roxanne: seryoso ba. guys away-away muna hahahahhaa

Pauline: guuuurrrlll taken na by heart si sir aion. kitang kita kaya na na kay glai na pus niya

Roxanne: anong pus hahahahha ituloy mo wag ganon naiiba meaning pag kulang isang lettter hhahaha

Sharlene: nasobrahan ka ng t hahaha

Roxanne: para mahaba ano daaaaaaaaw hahahah

Marian: hahaha gaga bastos

Sharlene: ayan na naseen na ni glai

Sharlene: so glai

Joyce: wow hot seat agad hahaha

Roxanne: game knb

Glai: chismax lang yon hanggat walang ebidensiya

Marian: ay strong and cold heart si ateng

Sinara ko yung group chat. Pinipiglan ko yung curiosity ko. Ayokong tumalon sa mga desisyon hanggat hindi ko nalalaman talaga yung totoo.

Huminga ako nang malalim.

Pero hindi ko naman itatanggi na sumaya ako.

Kailangan ko lang makasigurado.

Nag-iwan ako ng note sa desk ko. Sana makita niya tutal binubuksan naman niya desk ko eh.

Gusto ko lang makasigurado, Aion. Weird kasi na ginagawa mo to. I'll be frank. Do you like me?

"Wow, way to go, girl," sabi ko sa sarili ko.

Iniwan ko yung sticky note sa desk. Natatawa ako dahil puwede ko namang i-text, pero siguro ginawa ko na lang din para lang sa "thrill" para sa susunod na araw.

Thursday, ang laki ng ngiti ko. May kape sa desk ko at rosas sa loob ng cabinet ko. May nakasulat rin na note.

Sinong hindi? :)

Sobrang kilig na kilig ako. Kailangan ko muna huminga nang malalim. Bukas, babalik na siya. Bukas, magkikita na kami ulit. Kinakabahan ako na kinikilig, at di ko alam gagawin ko.

Pagdating sa umaga, pinag-isipan ko kung mag-aayos ako. Pero ano ba? Bakit bigla akong mag-aayos ngayong nalaman ko na gusto niya ako? Make it simple, self.

Tiningnan ko kaagad ang drawer ko pagdating sa opisina. Wala naman na nakalagay. Binuksan ko yung computer ko at nag-umpisang magtrabaho. Mamaya, nag-open yung chat box doon sa messaging app na gamit namin sa office.

Aion: Dinner later? :)

Glai: Sure.

Glai: I'm just not sure about your intentions, sir.

Wow. Biglang sumusunod ako sa grammar rules ngayong si Aion ang ka-chat ko. Pero kapag yung mga girls, kahit ano lang.

Aion: I said I like you. That's clear as water.

Glai: Depende kung saang water. Water ba ng Ilog Pasig o sa El Nido, Palawan?

Aion: Haha. You make my day, Glamor Izabelle.

Glai: Nako. Could you please stop calling me by my whole name?

Aion: I like it. And I like you too.

Hindi ko na alam ang isasagot ko. Type ako nang type pero binubura ko lang din lahat. Siya na mismo nag-type.

Aion: Na-tameme ka? Haha.

Glai: Well, ano bang isasagot ko dapat doon? I like you too, too?

Napangiti ako sa ginawa ko. Napakagat din ako ng labi. Siya naman ang type nang type, at walang lumabas sa kanya.

Glai: O, ikaw naman ang na-tameme.

Aion: Oo e. If you can just see my face right now. Haha. See you dinner. Lunch sana, but I have a meeting outside.

Glai: No prob. Mamamasyal-masyal na lang ako later while waiting for you. I don't know your number though.

Aion: Why you didn't save it?

Aion: I know your number. Hehe.

Glai: No hahaha

Aion: Natural, supervisor nga pala kita.

Aion: Yes, and I've been battling with myself if I should text you or not.

Glai: Never mo naman ako tinext.

Glai: Once pala, but you never texted again

Aion: Yeah, torpe ako. Haha. Isa pa, you seem to avoid me nowadays.

Di ko na siya sinagot dahil nakita ko si Boss Denise na umiikot. Pinili ko na lang din ang hindi magreply. Excited na ako matapos ang araw, at this time, hindi na ako dumiretso pauwi. Sa mall ako pumunta para mamasyal—asyal. Maya-maya, nakatanggap ako ng text mula sa isang unknown number.

Hey, nasa baba ako ng building. Saan ka? —Aion

Naglakad ako nang mabilis papunta sa building namin ulit. Habang papalapit-ako nang papalapit, lalong bumabagal yung lakad ko. Pagkarating ko, andoon na siya, dala-dala si Alpha.

"Ganyan tayo eh," pagbati ko sa kanya. "Alam mo na agad weakness ko."

"I'd rather bring you a dog than some bunch of flowers that would wither."

"Wala namang masama sa flowers. Pero tama ka sa desisyon mo." Umupo ako para i-pet si Alpha. "Puwede bang ako maghawak ng tali niya? Saan pala tayo?"

"Sige. Kukunin ko lang sasakyan ko sa parking."

"May sasakyan ka? E bakit ka naglalakad?"

"Office car. Dinala ko ngayon kasi may meeting nga, di ba? Naglalakad lang ako. Sa traffic dito, hindi ko gugustuhin mag-drive. Mas mabilis pa maglakad."

Natuwa naman ako sa sagot niya. Siguro mga limang minuto, nasa harap na ulit siya ng building. Pinasakay ko si Alpha sa harap.

"Uy, palit kayo ni Alpha," sabi niya sa 'kin. "Bakit si Alpha 'tong katabi ko?" natatawa niyang sabi.

"Aba malay ko ba," sagot ko.

"Alpha, go there," sabi ni Aion kay Alpha. Itong si Alpha, pumunta naman siya sa likod, at ako, bumaba ako para pumunta sa harap.

Nagkuwentuhan lang kami ni Aion sa sasakyan tungkol sa nangyari ngayong araw. Ayoko talaga ng small talk, pero ito lang talaga ang paraan para hindi ako mailang. At totoo, yung dapat na limang minuto lang sana na lakad, naging trenta. Doon ko lang napagtanto na sa condo niya kami papunta. Inisip ko, baka naman may nakalimutan siya.

"Sasama ako?" tanong ko sa kanya nang nakababa na kami sa parking lot.

"Siyempre."

"Teka, first date, sa condo mo?"

Ngumiti siya. Hindi siya sumagot. Medyo kinakabahan ako. Paano kung . . . paano kung may balak pala siya? Dahil ba nalaman niya na gusto ko rin siya?

Tumigil ako.

"Sir, saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.

"Sa condo."

"A-ayaw ko. S-sorry, hindi naman sa wala akong tiwala sa 'yo, pero gusto ko lang makasigurado."

"I just like you to meet someone," sagot niya. "Promise, I won't do anything that will harm you."

Hinawakan ko yung mga sinabi niya. Sinundan ko siya sa condo at tiningnan habang binubuksan ang pinto. Hindi ko alam kung sino yung gusto niya ipakilala sa 'kin, sana hindi yung mga magulang niya, pero huminga lang ako nang malalim.

Pagkabukas niya, nakarinig ako ng tahol. Nakakita ako ng isang dambuhalang Alaskan malamute, nakaupo habang tumatahol. Mas mabalahibo siya kaysa kay Alpha.

"Meet Beta."

Napaluhod ako kay Beta at napayakap. "OMG! Greatest first date sa buong mundo ever!"

"Yes, and greatest first date gift."

"W-wait . . . what?"

Halos maiyak ako sa sinabi niya. Sobrang pangarap ko magkaroon ng isang aso na may breed. Iyong huling aso na meron ako, namatay three years ago dahil sa old age. Na-miss ko na rin magkaroon ng aso, pero siyempre kailangan ko unahin mga pangangailangan namin ni Mama.

"T-teka, wala kasi kaming lugar sa kuwarto namin. Ano . . . kasi . . . rent lang yung amin. Maliit lang and then—"

"Puwede dito si Beta. I'm just saying na sa 'yo 'yan."

Hindi ako makapagsalita. Sa sobrang saya ko, napayakap ako sa kanya. Medyo huli na nang na-realize ko na ang awkward ng ginawa ko.

"S-sorry, nadala lang ng emosyon," sabi ko.

Ngumiti lang siya sa 'kin. Nag-order kami ngpizza at kumain sa condo niya. Sobrang weird dahil ang kumportable lang.Nanonood kami ng dalawang episode ng Buzzfeed Unsolved habang kumakain atpagkatapos, umuwi na rin ako.    

Umulit ulit 'yon. Halos araw-araw na akong andoon bago umuwi. Doon ko lang nalaman na hindi na pala niya ginagamit yung Facebook niya. Nakalimutan na raw niya password niya doon. At oo, si Sheena, yung ex niya, yung nasa picture na 'yon. Wala na raw siyang social media accounts. Too good to be true, pero heto siya, patunay na totoo 'yon.

Ako na rin ang bumibili ng pagkain ni Beta. May oras na, napa-overnight ako noong sinabi ni Mama na may outing sila sa office nila, pero walang nangyayari—walang kiss, walang hug, walang sex. Puro sandal lang sa balikat. Magkatext na kami, pero walang "I love you" o "I miss you." Puro "I like seeing you happy" at "See you tomorrow here again?"

Good genes, check. Tumatawid sa pedestrian kapag green light lang, check. Mahilig sa aso, check. Mapapakain namin together ang future family namin three times a day, check. At ngayon, hindi siya taken, check. Ang pinakaimportante sa lahat, nirerespeto ako, one big bold check.

"Ano bang gusto mo sa 'kin?" sabi ko isang araw, nagtataka. Nakasandal ako sa balikat niya noon at napaangat ako para lang itanong 'yon. Hindi ko kasi gets na sa lahat ng magandang characteristics niya, ako ang pinili niya.

"So many things," sabi niya.

"Huh?" tanong ko. "Sigurado kang ako 'yang tinutukoy mo, ha."

"You're smart, responsible, masipag. Naghihintay mag-green light bago tumawid, hindi ka allergic sa aso, sigurista . . ."

Napangiti ako. Halos parehas pala kami. "Wala talagang maganda doon, ano?"

Natawa naman siya. "Di ko na kailangan sabihin 'yon kasi baka alam mo na."

"Weh," sabi ko habang hinihimas yung ulo ni Beta na nakasandal sa hita ko. "Never in my life ako nasabihan ng maganda ako."

Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa 'kin. Bumilis yung tibok ng puso ko nang kinuha niya yung pisngi ko at hinarap yung mukha ko sa mukha niya.

"Maganda ka, Glai, sa loob at sa labas, and I'm so lucky that you like me back."

Tumulo yung luha ko dahil sa saya sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ginawa ko bago ko siya makilala. Nagbunga na ba yung pagdaan ko sa pedestrian lane sa tamang oras all this time? Good karma ba 'to? O baka naman babawiin din 'to ng universe?

Pinunsan niya yung luha ko. Napatingin ako sa kanya. Parang minamagnet ako ng mga mata niya. At bigla-bigla, lumapit siya sa 'kin at ganoon din ako sa kanya. Nagtagpo yung mga labi namin. Yung puso ko, parang any moment, lalabas sa katawan ko.

Bumitaw ako saglit. "First kiss kita."

Ngumiti siya. "I'm sorry kung hindi ikaw yung first kiss ko," sabi niya. "But I'll make sure na ikaw ang huli. I'm really sure of you, Glai. Never in my life I've felt this connection with someone."

"Siguraduhin mo yan, Sir Aion," tukso ko sa kanya.

Bumalik ako sa mga labi niya. Umiinit na sana nang biglang tumahol si Alpha at Beta, parang nahihiwagaan sa mga nangyari. Natawa kaming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo at sinandal ko ulit yung ulo ko sa balikat niya.

"Hindi ako magmamadali," sabi ko.

"Di naman kailangan," sabi ni Aion. "I'll wait for you until you are ready."

Continue Reading

You'll Also Like

135K 9.9K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.
203K 7.3K 35
Sometimes, endings happen first. You have been warned.
184K 11.8K 133
#YChronicles #WabiSabiMM Mayonaka Messages 1 of Y Chronicles, a series collaboration by MNR | cappuchienooo x nayinK x pilosopotasya *** Dahil sa re...
963K 16.2K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...