That Cold Guy Is Mine

By erzaaa78

349K 4.6K 299

Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate... More

That Cold Guy Is Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Note

Chapter 15

7.6K 207 18
By erzaaa78

"Why are you smiling like that?" Hindi ko maiwasan ang pagnguso ko nang magtanong. His smile made me feel uneasy. I don't know why, I just find it weird and... it was also bothering me.

Way back time, I never had a chance to see him like this... close enough that it could mix my emotions.

I looked away as the long sigh escaped my lips. I envy his smiles. It's way brighter than my future, seriously.

"You like me, too." Hindi pa ako tapos makipagtalo sa sarili ko pero bumalik na ulit ang tingin ko sa kanya kasama ng nakakunot kong noo at ilong. He stopped from smiling and now, his eyes were full of confident.

"You're so full of yourself," sinungitan ko ang pagkakasabi pero parang mas nagmukhang pabebe 'yong boses ko. E, kasi nakakainis siya! Hindi pa ako umaamin sa kanya pero heto na siya at sobrang confident na gusto ko rin siya – though, gusto ko naman talaga siya.

Pero, pero! Nahihiya pa rin ako.

Crush ko lang siya at hindi ko pinangarap umamin ng diretso sa kanya. Sure ako na alam niyang crush ko talaga siya dahil ikaw ba naman 'yong laging asarin ng mga kaklase mo sa kanya, 'di ba? But still! Hindi ko pa nililinaw 'yon sa kanya. I rejected him twice. Hindi pa kasama iyong sinabihan niya ako ng liligawan o liligawan na may kasamang sweetheart pa dahil hindi ko naman sinagot 'yon. Wala, e, rumupok bigla ako no'ng gumawa siya ng endearment namin.

Jusko. Pakiramdam ko nasa parallel world ako kung saan opposite daw ang characteristics no'ng mga tao sa Earth.

"E, bakit sumama ka sa'kin?" Litong-lito na ako tuwing ngingisi siya. Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o ano – rati lang kasi, wala siyang karea-reaction sa buhay tapos – argh! Did he change himself just for me? Malabo. Asa pa ako.

"Uhm, ano... ayoko lang i-turn down 'yong pag-aya mo sa akin saka mahangin din dito," pagpapalusot ko. Though, the turn down part was partially right. Gusto kong makasama siya ulit ng ganito kalapit. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi naman gano'n kadali 'yon.

"You were worried about my feelings?" Medyo nabago na 'yong pagka-cold type niya pero pwede bang baguhin niya rin kahit kaunti 'yong pagka-straight forward niya? Jeez. It made me use my brain just to think a proper answer!

"Oo..." My gaze turned to him. "It's just normal kasi classmate kita, 'di ba?" I casually said.

"Hindi mo talaga ako gusto?" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Really! Bakit parang ang dali lang sa kanyang itanong 'yong mga bagay na nasa isip niya? He's so blunt! But... it made me happy seeing him like that. "Did I mistakenly say funny words?" I quickly waived my hand and stopped from laughing but I maintained a little smile on my face.

"No..."

"Is that so?" Ipinatong niya ang siko niya sa railings at pumangalumbaba.

I've realized that he doesn't like arguments. He easily gave up when he was facing one. I wonder why? Nasanay lang ako na kapag matatalino, parang malabong manalo ka sa kanila. Si Leigh, hindi lang siya matalino. He's also mature – inside and outside. Really, just how to be him?! Or... just how to be his?

"I wonder..." Tumingala ako at pinakawalan ang isang mapait na tawa. "Bakit mo ginagawa 'to?"

"I like you," he simply said. It was plain... I couldn't see any colors. "Isn't it enough?" What was the actual reason kung bakit ganito? Paano niya ako nagustuhan? Bakit niya ako nagustuhan?

Damn it.

Malakas akong tumawa at pasimpleng tumalikod sa kanya. Binatukan ko ang sarili ko at sinampal nang mahina ang pisngi ko. Tanginis! Ano bang iniisip ko at sinabi ko 'yon? Sobrang nakakahiya at ang sarap talagang itakwil ng sarili ko ngayon!

"Ang seryoso naman natin!" Tumatawa ako nang humarap ulit sa kanya. "Kalimutan mo na lang 'yong tinanong ko, medyo bangag pa kasi ako dahil hindi kinulang ng tulog kagabi." Kinamot ko ang batok ko at patuloy pa rin sa pagbungisngis.

Sana 'wag niyang pansinin ang pagkaweirdo ko ngayon kung hindi patay na! Inipit ko ang takas na buhok sa tainga ko at pasimpleng ibinuga ang buntong-hininga ko.

"I was serious," he said out of the blue.

"H-Ha?" Ito na ang sinasabi ko! Shems. I have to think of a good topic na makakapag-alis ng awkward na feeling ngayon. And sad to say, my brain wasn't functioning properly. Damn this life and brain. I was completely worthless! Hindi lang keneme 'to dahil talagang wala ng pumasok na maganda sa utak ko, jusko.

"I was serious when I told you I like you," Okay, shit. How could he say that? I mean, it was so plain and lifeless. Parang ang easy-easy lang na lumabas sa bibig niya 'yon. In fact, umaamin siya sa'kin. Hindi niya ba narealize iyon?

"Uhm... I see,"

"May gusto kang itanong, 'di ba?" I quickly glanced at him as I nodded. Good, he just changed the topic.

"Kaano-ano mo iyong tumawag sa'kin ng mortal enemy? Naalala mo no'ng dala ko 'yong project natin sa Math tapos may tumawag sa'yo?" I hope na hindi niya kaibigan o kamag-anak 'yong libag na 'yon dahil talaga naman! Masusumpa ko ang lahi nila.

"Si Rhyzhen ba?" Pati pangalan, amoy libag.

"Ah, Rhyzhen pala," I mumbled to myself. "Kaano-ano mo?" I asked again.

"Kaibigan ko, bakit?" He looked at me with his wrinkled nose. "Type mo?" I could sense the bitterness in his voice.

Selos siya?

Umiling ako. "Natanong ko lang." Balak ko talagang ipakulam o kaya naman isulat ang pangalan niya sa Death Note. Isusunod ko na lang 'yong surname niya.

Hindi na siya sumagot at buong oras ay tahimik lang. I tried to open some topics pero mukhang nawala siya sa mood at bumalik na naman 'yong pagkayelo niya. Really, what's wrong with him?

Nagdesisyon na lang ako na bumalik na sa classroom dahil baka naroon na rin si Prof. Vacant lang naman 'yong isa naming subject kaya nakalabas kami ta's saktong kasunod no'n ay lunch kaya medyo matagal.

Mabilis na lumipas ang araw at Science na ngayon. Last subject namin. Busy ako sa pagsusulat ng lecture dahil nakalimutan ni Prof na i-print 'yong mga reviewers. May long quiz pa naman kami bukas.

Automatic ang pagtaas ng kilay ko nang may kumalabit sa akin. Sinong kulang na naman sa aruga ang bwisit na kakalabit sa'kin?

"What?" I frustratedly asked as I gave a glance at him.

"Tawag ka." Sinundan ko ang daliri niya na itinuturo si Leigh. What now?

"Okay." Bumalik na ito sa pagsusulat habang si Leigh naman ay pasimpleng itinaas ang cellphone niya dahilan para kumunot ang noo ko.

Tinuro niya iyong cellphone niya at ako. Ako? Tiningnan ko 'yong phone ko at binuksan. May text niya. Pasimple akong tumingin kay Prof at nang masigurado kong hindi ako nito mapapansin ay saka ko binasa ang message ni Leigh.

Teka. Paano niya nakuha ang number ko?!

From: 0934126110*

Parking lot, sweetheart.

What? My forehead creased as I sent my reply to him.

To: 0934126110*

Ano?

Itinago ko sa ilalim ng table 'yong cellphone ko bago tumingin sa harapan at magsulat ulit. Nang maramdaman kong nagvibrate ito, palihim kong binuksan muli ang cellphone ko at binasa ang message niya.

From: 0934126110*

Meet me later.

Bakit?

To: 0934126110*

Okiiieee

Bakit niya ako imi-meet mamaya sa parking lot? Ita-try niya na naman bang ligawan ako or what? Shit. 'Wag na sana kasi kaunti na lang din at bibigay na ako. Tao lang, marupok din.

"Class dismissed." Nagsilabasan na 'yung mga kaklase ko habang ako naman na nandito pa rin dahil hinihintay 'tong si bruha. Inuna pa kasi ang pagcha-chat kay Daen kanina kaysa magsulat. Nakakabilib lang dahil nasa harapan pa siya nito pero ang lakas ng loob niya.

Napaawang na lang ang labi ko nang magvibrate ulit ang cellphone ko.

From: 0934126110*

Sweetheart, where are you?

Ah, shit! Hinihintay nga rin pala ako ni Leigh. Bago ko siya reply-an ay sinave ko muna ang number niya sa contact ko.

To: Leigh

Wait lang, hinihintay ko pa si Elise.

Ilang minuto ang nakakalipas at hindi pa rin siya nagre-reply. Nangangati na ang kamay ko. Reply-able naman ang message ko, ah?

To: Leigh

Ano bang gagawin natin?

Hindi ko na matiis, e! Mukhang wala na siyang balak magreply kaya gumawa ulit ako ng topic – pero syempre dapat hindi halata na mas gusto mo pa siyang makausap. Lowkey lang.

From: Leigh

It's a secret.

What?! Kadugaan ng yelong 'to!

Isinara ko ang cellphone ko at nang tingnan ko si Elise, napangiwi na lang ako dahil nasa likod ko na at nakatingin sa cellphone ko.

"Chismosa." Bahagya pa siyang nagulat nang tingnan niya ako. Ngumisi ito at mahina akong siniko.

"Sweetheart pala, ah..." Hinayaan ko na lang siya sa pang-aasar sa'kin hanggang makarating kami sa parking lot. Nandoon na si kuya at ang daming babae na naman ang nakapaligid at nakatingin sa kanya kaya itong katabi ko, sobra kung manggigil. Buti na lang at nasanay na ako, ginawa ko agad ang 2-meter social distancing.

Pinagbuksan ni Daen si Elise ng pinto, nang makapasok na ito ay ako naman ang tiningnan niya. Seryoso talaga siya kay Elise, ah. Nakakapanibago lang.

"'Di ako sasabay," I said.

"Bakit?"

"Basta," tumalikod ako at kinawayan sila. Nakakamiss iyong away namin ni kuya dahil sa ngayon, medyo naglie low iyon.

Dumiretso ako kung saan usual na nakapark 'yong motor niya. Nang maabutan ko siya ay hindi na 'to nakapolo, tanging white t-shirt at 'yong pants ng school namin ang suot niya. Gulo-gulo rin ang buhok nito.

Ang hot, tanginis.

"Saan tayo pupunta?" Lumapit ako sa kanya. Hindi ko masyadong makita ang mata niya dahil natatakpan ng buhok.

"I'll introduce you to someone," it was his plain voice again.

"Uhm... Ha?" Introduce as in ipapakilala? Saan niya ako ipapakilala?

Inabot niya sa'kin iyong helmet imbis na sagutin ako. Sumakay na siya sa motor kaya sumakay na rin ako saka sinuot 'yung helmet. Napalunok na lang ako nang hawakan niya ang dalawa kong wrist at ilagay ang kamay ko sa baywang niya.

Magkasunod na tumulo ang pawis ko sa noo pero hinayaan ko lang. Letse, nakakatense kasi 'yong presence niya tapos ang hangin-hangin naman pero bakit parang sobrang init?!

Pigil na pigil ko ang hininga ko hanggang sa huminto siya sa isang malaking bahay. Bahay? Kumunot ang noo na humarap sa kanya.

"I'll introduce you to my family," aniya nang makitang nagtataka ako.

Legit 'yong pagkatulala ko kasabay nang malakas na pagtibok ng puso ko. Ju... jusme? Nabalik na lang ako sa wisyo ko nang hawakan niya ang kamay ko. He intertwined our fingers and gave me a smile.

"It's fine," his fucking signature line again! What's fine in here?! I just couldn't breath properly because of this intense feeling!

"Bahay niyo 'to?" I asked nang makapasok kami.

"No," he simply replied.

"What?! E, ba't tayo pumasok? Hoy, Leigh, akala ko ba ipapakilala mo 'ko?" Nagpa-panic na ako pero mahigpit niya pa ring hawak-hawak ang kamay ko. "Ipapakilala mo 'ko bilang trespasser, 'no?!" Halos lumabas ang litid ko sa sigaw.

"This is my step father's house," Mahinahon niyang wika. Kumalma naman agad ang mga cells ko nang marinig iyon. Bwisit na yelo talaga.

Hay! Ba't nga ba naman kasi ako nag-iisip ng gano'n? Siguro, sa sobrang pagpipigil ko ng hininga kanina, napunta na 'yong carbon dioxide sa utak ko.

"Ang gulo mo." Ngumuso ako at nauna sa kanya sa paglalakad habang pinagmamasdan 'yong mga bulaklak na nakatanim sa gilid ng bahay nila.

"I'm not really close at my step father so I didn't consider this as my home..." Mukhang may sasabihin pa siya pero umiling na lang siya. "Nevermind," hindi ko na naman siya kinulit. Personal life niya na 'yon pero alam kong mahirap 'yong kind ng family na mayroon siya.

Ang ganda ng bahay nila. Ang simple lang ng interior design pero bongga. Halatang may class 'yong nagpagawa ng bahay.

Nagpadala lang ako sa hila sa akin ni Leigh sa 2nd floor. Nakasalubong namin doon si Mae na pababa ng hagdan. Tinaasan ako nito kilay kaya sumimangot lang ako.

"Step sister ko si Mae." Tumango lang ako. Nabanggit nga 'yon sa'kin ni Mae no'ng nakaraan... medyo nagulat ako kasi akala ko talaga buong magkapatid sila.

Huminto kami sa isang pinto bago siya kumatok.

"Come in. Bukas 'yan." Base sa boses, tingin ko ay nasa 30-40 years old 'yong tatay ni Leigh – step father, I mean.

"Hi," hawak-hawak pa rin ni Leigh ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng kwarto na para opisina. Bumaba ang tingin nito sa kamay namin kaya medyo nailang ako. "Where's mom?"

Bubuka pa lang ang bibig nito nang may narinig na kaming yabag ng paa dahilan para mapalingon kami sa likod. Nandoon ang isang babae. Ito siguro 'yong nanay ni Leigh. Maganda siya at... hindi halatang may anak na. Parang si Tita Elainne lang.

"This is Coleen..." My gaze quickly turned at Leigh when he started speaking. "My future wife,"

Okay.

Checking... humihinga pa ba ako nang maayos? Buhay pa ba talaga ako o nasa kabilang buhay na?

Shit, shit. Leigh's making me crazy!

"I just went here to introduce her to you." Halos takasan ako ng dugo nang ngumiti iyong nanay niya sa'kin, ang tatay niya naman ay simpleng nakatingin lang sa'kin.

"Nice to meet you, hija." Hinugot ko ang hininga ko nang hawakan bigla ng nanay ni Leigh ang kamay ko at muling ngumiti sa'kin.

Gago, hindi pa ako ready!

"Uhm, nice to meet you din po," I politely said. Lumingon ako sa tatay ni Leigh at ngumiti. "Sa inyo rin po, sir." Tinanguan ako nito at tipid na ngumiti.

"Aalis na kami." My eyes went to Leigh. Grabe, agad-agad? I mean, 'di niya man lang ba kakamustahin 'yong parents niya?

"Okay, ingat kayo..." Binitawan no'ng babae 'yong kamay ko. "Salamat, hija." Makahulugang aniya.

Yumuko ako at palihim na kinurot ang hita ko. "Welcome po, ma'am."

"Just call me tita, okay?" Mabilis akong tumango kasama ng ngiti.

Shit talaga!

Nang makaalis na kami ni Leigh, medyo humupa na ang mabilis na tibok ng puso ko. Nakahinga na ako nang maayos at normal. Bakit gano'n 'yong pamilya nila? Parang mga gods and goddesses, e! Ta's heto lang kami – hindi, charot. Kahit mga pabigat lang kami sa lipunan, mahal ko pa rin ang pamilya ko.

"Saan tayo pupunta, Leigh?" Tanong ko nang mapansin na hindi ito 'yong daan pauwi sa bahay.

"Sa puso ko," he plainly said.

Tanginis, kahit na ang plain no'ng pagkakasabi niya, kilig na kilig pa rin ang mga tissues ko. Jusko, ano bang nangyayari sa world at nasanay siyang gumanito?

"I just read that somewhere on internet... paano magpakilig was the topic if I am not mistaken," muntik pa akong matawa sa accent niya roon sa tagalog na salita.

But he's so blunt, damn! Talagang sinabi niya pa kung paano niya nalaman 'yon, e, 'no?

"I see." Hindi ko maiwasang matawa kaya kumunot ang noo niya. "Where are we going again?" Pag-iiba ko sa topic.

"Barbeque... I'll treat you some,"

Shems... sabi nang 'wag siyang gan'yan kasi marupok ako, e!

Continue Reading

You'll Also Like

441 114 17
Isang unibersidad na binabalot ng misteryo, maraming istudyante ang namamatay karamihan sakanila ay ang bumabagsak sakanilang pag-aaral. Akala ng iba...
567K 6.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024
5.2K 199 15
The Story is inspired by the Film John Denver Trending. All Rights Reserved 2020
1.3M 91.6K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...