CHAIEL
Kung sa araw araw na pag pasok ko sa school ay PARUSA dahil palagi kong nakikita si Kaicer Klein--
(Author:Ay--kunware pa sya..lagi nga nyang hinahanap)
Shut up otor!!singit ka ng singit sa story ko!!tsupi nga!!
(Author:Ahh--ganon?..)
Hindi ganon otor--hindi talaga!!
So back to the topic--papansin lang talaga yan si otor kaya wag na nateng pansinin--hakhak!!
Ayun nga--para saken kakaiba ang araw na toh..
Nang makita ko ang halos nagkukumpulang estudyante pagpasok ko palang ng gate ng school..
Bigla akong kinabahan..sa hindi malamang dahilan..
"CHA!!" biglang sumulpot si Tessa sa gilid ko..ewan ko ba pero mas lalo akong kinabahan..
Feeling ko kapag ganto si Tessa may masama syang balita..
Huhu..wag naman sana..
"B-baket?..ikaw babaita ka ah--kung saan saan ka nag lulusot--halos hindi na tayo nagkikita--" napahinto ako ng magsalita sya..
"Kanina pa kita hinihintay!!may papakita ako sayo!!" kinaladkad nya ako sa kung saan kaya naman mas lalo akong kinabahan..
Otor naman eh--tama na this..
Halos lumabas ang eyeballs ko ng makita na kung sino ang pinagkukumpulan ngayon rito sa gitna..
May tatlong babae ang naka luhod sa harapan ni..
KAICER KLEIN at ng mga ngayon lang nagpakita nyang mga kaibigan..
"A-anong meron?.." gulat na tanong ko..
Napalakas yata ang pagka sabi ko kase napalingon sila lahat saken eh..
"Look who's here!!ang pinaka inaantay ng lahat!!" parang nagtatanghal na sambit ng kumag sabay ngiti ng malapad saken..kaya naman kunot noo ko syang tinignan..
"Tara pandak!!" Whuut?..
lalapit na sana ako kaso nag bago na isip ko--sinamaan ko nalang sya ng tingin..
"Jokeee!!tara nga dito BABE!!" nanlaki ang mga mata ko..
"BEEEEYB?.." halos sabay sabay na react nila..
"Biro lang ulet!!bwahaha!! anu bayan Cha--hindi ka marunong makisakay ng trip.." hinila nya ako palapit sa kanya paharap sa tatlong
babae..
Napasimangot ako ng makita kung sino ang tatlong yon..
"Pamilyar sila diba?.." hindi ko sya sinagot sa halip sinamaan ko ng tingin yung tatlong yon..
Sila yung nagchichismisan na nakikipagdate DAW ako kay Kaicer Klein..
Habang yung isa naman yung babaeng nanampal AT sinabihan pa akong malandi..WOW naman sa lumuluwa na nyang dibdib noh?..
"Here.." inabutan nya ako ng dalawang baso ng juice..
"Ano namang gagawin ko ritong abno ka?.." pabulong na tanong ko kaya naman bahagya pa syang lumapit para marinig ako..
"Ganto.." hinawakan nya isang kamay kong may hawak na baso ng juice..
Atsaka tinulak ang kamay ko para isaboy sa isa sa tatlong babae..
"Oooooh!!" pagrereact ng lahat habang nanlaki naman ang mga mata ko..
"Ganon lang kadali..eto isa pa.." sa pagkakataon na toh inabutan na naman nya ako ng isa pang basong juice..
Tinitigan ko sya na para bang hindi ako maka paniwala..
Nilingon ko naman ang umiiyak ng mga nakaluhod na babae sa harapan namin..
S*iraulo talaga toh..at dahil sa pagkabadtrip nilagok ko nalang ang grapes na juice na toh at inubos..
Natahimik naman sila..
Maging si Kaicer napakunot ang noo..
"Hoy baliw!!" duro ko kay Kaicer dahilan para mag react na naman ang lahat..
"Yeees miss?.." baling nya saken kaya naman isang napakalakas na sampal ang isinagot ko sa kanya..
*PAAAAK!!*(Author:Ganern!!)
Napanganga ang mga chismosa't chismoso sa harapan namin..habang ako tong napalunok nalang dahil sa ginawa ko..
"Nakakadisappoint kang s*raulo ka--wala ka talagang kasing sama!!" matapos kong sabihin yon ay napawalk out nalang ako..
Haaay Cha..baket ba kase lahat ng nagiging crush mo--hindi matino?..
Una--gwapo nga ubod naman ng manyak..
Pangalawa naman--sobrang gwapo nga di naman maspell sa kaabnohan..
Napaling iling nalang ako at napatungo sa CR..
Matapos magCR ay saglit akong napatingin sa salamin na nasa sink..
Nubayaaan Cha--haggard mo na..
Ay--kelan pa ako pumansin sa mukha ko?..
Ngayon lang syempre..
Naghilamos nalang ako ng mukha at muling tumitig sa diwatang nasa salamin--chos syempre yung repleksyon ko yun..
Nagkalkal ako sa bag ko..
Ganon nalang ang paglapad ng ngiti ko ng makita ang pinatagong lipgloss saken ni Tessa..ang tagal na nitong nakatengga sa bag ko ah..
Kinuha ko yon at mabilis na itinry..
WOAAAAH!!
Chaiel Cuervas?..is dat yu?..
Napaflip hair muna ako bago lumingon sa likuran--
"Woaah.." gulat na react ni Tessa habang cross arm na nakatingin saken..nginitian ko naman sya ng parang natatae..
"Chaiel Cuervas?..is that you?.." gaya nga ng saad ko kanina ayun din ang nasabi ng aking kaibigan..
"Yah.." pag iinarte ko atsaka sinara ang bag at isinukbit sa kanang balikat..
"Kelan ka pa natutong mag paganda?.." parang detective na tanong nya habang sabay kaming nag lalakad patungong room..
"Hmm..n-ngayon lang.." kibit balikat na sagot ko..
"Hmm..I smell someone.." napaamoy ako sa sarili ko..
"Oy hindi ako yon Tess ah--lagi akong nagrerexona noh!!" pagtatanggol ko sa sarili..kase baka--mamaya sabihin nyang amoy putok ako nakow!!
"Pffft..inlove.." sambit nya atsaka patakbong nauna saken..
I-inlove?..
Hahayaan ko pa bang humantong sa second level ang nararamdaman ko sa barabas na yon?..
Hmm..pagiisipan ko..