Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 22K 839

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

036

22.4K 338 7
By Kass-iopeia

036


K A T H


Nakatanggap ako ng message galing kay Callum, gusto niyang magkita kami. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang huli kaming mag kita. Hindi ko pa pwedeng iwan ang anak ko dahil palala ng palala ang lagay niya. Mas kailangan ako ng anak ko ngayon. Pinayuhan ako ng doktor na paoperahan ko na ang anak ko hanggat maari dahil palala na ng palala ang lagay niya. Ang bata lang daw ang nahihirapan habang patagal ng patagal. Pero pagka panganak ko pa makukuha ang pinangakong pera ni Callum at hindi ko pa sigurado kung buntis na ba ako. Kaya nag desisyon akong makipag kita ulit kay Callum. Kung kinakailangan kong mag makaawa sa kanya gagawin ko. Mapagamot ko lang ang anak ko.

Sa opisina ni Callum niya ako pinadiretsyo. Pag pasok ko pa lang ng building ay agad akong namukhaan ng ilang mga guard na nag babantay duon.

"Oh Katharina, walang kupas ang iyong kagandahan."

Ngumiti ako.

"Kayo talaga manong, buti naman po at nakikilala niyo pa ako."

"Siyempre naman ikaw kaya ang pinaka maganda dito kaya naalala pa kita."

"Puro biro pa din po kayo ano? Sige po, manong."

Dumiretsyo ako sa floor kung saan ang opisina ni Callum nang makasakay ko sa elevator ang babaeng minsan na ding nag paghirap sa akin.

"Tignan mo nga naman oh. Pag tapos bigla na lang mawala ng di nag papaalam nandito ka ulit. Mag aapply ka ba ulit? Siguro nabuntis ka kaya ka nawala ano?" May halong pang aasar ni Gema. Ngumiti ako sa kanya.

"Kamusta Gemma?" Nakangiting sabi ko. Nag bago ang hilatsa ng mukha niya.

"Don't worry hindi ako nandito para mag janitress. Ako ang bagong sekretarya ng boss mo." Sabi ko ng ngiti.

Inalok ako ni Callum na maging sekretarya niya para daw palagi niya akong makikita at mababantayan. Gusto daw niyang makasiguradong kanya ang ipapanganak kong bata.

"Ilang taon ka na dito Gemma? Hanggang ngayon hindi ka pa din napopromote? Kung sabagay may natapos kasi ako." Nag yayabang na sabi ko. Hindi na lang ikaw ang pwedeng mang maliit ngayon Gemma. Hindi na ako ang Katharina na nakilala mo nuon. Hinding hindi ako papaapi sayo.

"Ang kapap ng mukha mo!" Nagulat ako nang hilahin niya ang buhok ko at pinag sasabunutan ako nang biglang bumukas ang elevator na kinalalagyan namin.

"Let her go!" bigla kaming nakarinig ng sigaw. Agad akong binitawan ni Gemma habang pumapasok ng elevator si Callum na may galit na ekspresyon. Hinila niya ako palayo kay Gemma at tinignan niya ito ng masama.

"Sinong nag bigay sayo ng karapatang saktan si Kath?" Galit na galit na tanong niya kay Gemma. Halata naman sa mukha ni Gemma ang labis na takot kay Callum kaya nag salita na agad ako.

"Callum hindi naman ako nasaktan. Hayaan mo na siya." Awat ko kay Callum. Tinignan ako ni Callum at chineck kung may galos ako nang makasigurong wala akong nakuhang kahit anong galos ay humarap siya ulit kay Gemma.

"You're fired!" Aniya sabay hila sa akin palabas ng elevator. Hinila niya ako papasok ng opisina niya.

"Bakit mo naman ginawa yun Callum?" Agad na tanong ko sa kanya pag pasok ng opisina ngunit imbis na sagutin ako ay bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at hinalikan sa labi. Automatic namang pumulupot ang mga braso ko sa batok niya na para bang may sariling utak ang mga ito.

"I've missed you." Aniya nang mag hiwalay kami. Hindi ako sumagot. Naalala ko yung naging pag tatalo namin nuong huli kaming nagkita.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Why the hell do you keep ignoring me?" Tanong niya na muli hindi ko sinagot.

"Is it because of Nicholas?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan. Alam na ba niya ang tungkol sa anak namin?

"Sino ba siya? Is he your boyfriend? Your husband? Niloloko mo ba ako Katharina?"

"Anong sinasabi mo Callum? Niloloko ba kita? Callum, wala tayong relasyon at kung may niloloko man tayo yun ay walang iba kundi si Pauline. Kliyente lang ang tingin ko sayo. Trabaho lang Callum." Ngumisi siya at naupo sa desk niya.

"Kung ganun ano pang ginagawa mo? Do your fvcking job." Aniya na seryosong seryoso ang mukha. Tinapangan ko ang loob ko kahit gustong gusto ko ng umiyak.

Hinubad ko ang suot ko nang hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya. Pinanuod lang niya ako nang may pag nanasa sa kanyang mukha. Nang mahubad ko na ang lahat ng saplot sa katawan ko ay nag salita siya.

"Dance." Utos niya na agad kong ginawa. Sige lang Callum. Lulunukin ko lahat ng kahihiyan para sa anak natin.

"Hawakan mo ang sarili mo." Utos niyang muli. Sandali akong natigilan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko parang biglang gusto ko nang mag backout pero naisip ko ang anak ko. Kailangan ako ni Nicholas. Kailangan ako ng anak ko. Pumikit ako para pigilan ang pag patak ng luha sa mga mata ko.

Ginawa ko ang inutos niya. Hinawakan ko ang sarili ko kagaya ng ginagawa niya sa akin habang pinapanuod niya lang ako nang may pag nanasa. Nilunok ko na lahat ng pride na natitira sa akin. Wala akong magagawa eh. Para din naman 'to sa anak namin kaya bahala na.

Nakahiga kami pareho ni Callum sa couch sa loob ng opisina niya. Parehong walang saplot sa katawan at parehong hinihingal. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya habang nakapulupot naman ang mga braso niya sa bewang ko. Nag iwan ako ng ilang halik sa kanyang dibdib.

"Kath stop it!" Nakikiliting sita niya. Ang angat ako ng tingin sa kanya at hinalikan siya sa labi. Bakit kahit anong gawin sa akun ni Callum ay mahal na mahal ko pa din siya. Kahit babuyin o bastusin niya pa ako ay hindi ko magawang magalit sa kanya. Mahal na mahal ko pa din siya. Hindi naman na mababago pa yun.

"Callum kailangan ko ng pera.." hindi na ako nag dalawang isip pang sabihin iyon. Naramdaman kong bigla siyang natigilan pero agad ding nakabawi at sumagot.

"Sure. Magkano ba ang kailangan mo?"

"Limang daang libo." Sagot ko.

Naramdaman kong tumango siya habang nakayakap pa din siya sa akin.

"Okay." Wala lang na sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat Callum. Sobrang salamat."

"Why do you love him so much, Kath?" Nag angat ako muli ng tingin sa kanya.

"I'm sorry Kath. Nag hire ako ng private investigator para alamin kung sino si Nicholas sa buhay mo. Nalaman ko na mayroon kang dinadalaw na pasyenteng nag ngangalang Nicholas. Sino siya Kath? Siya ba ang dahilan kung bakit kailangan mo ng pera?"

Napakagat ako sa labi ko. Hindi. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Nicholas.

"Ano pang alam mo Callum? Bakit mo nagawa yun?"

"Dahil gusto kong makasigurong akin ang magiging anak mo. Wag kang mag alala pinahinto ko na kaagad ang private investigator ko nang malaman ko yun. Gusto ko kasi sayo ko mismo malaman ang tungkol sa kanya."

Nahinto ako sandali at umisip ng sasabihin. Hinding hindi ko aaminin sa'yo ang tungkol sa anak natin. Hinding hindi mo siya maaring kunin sa akin Callum. Hindi pwede.

"Tama ka.. Asawa ko sya.." Sabi na hindi makatingin sa mga mata niya.

"Alam ko.." Sagot niya.

"Hindi ka naman siguro mag papakababa ng ganito at hindi mo naman siguro ibebenta ang sarili mo kung hindi mo mahal ang taong iyon. Napaka swerte niya Kath. Napaka swerte niya. Alam niya ba iyon?"

Napakagat ako sa labi ko para iwasang mapahikbi. Patawarin mo ako Callum. Sorry pero hindi mo pwedeng kunin sa akin ang anak ko. Siya lang ang mayroon ako. Hinding hindi mo siya mailalayo sa akin.

"Minahal mo din ba ako tulad ng pag mamahal mo sa kanya Kath?" Tanong niya na maluha-luha. Hinaplos ko ang mukha niya.

"Kung alam mo lang kung gaano kita minahal Callum.. Mahal na mahal kita. Minahal kita ng sobra pa sa sobra kaya nang bawiin ka sa akin halos gumuho yung mundo ko pero alam mo kung paano ako nakabangon ulit? Dahil kay Nicholas.. Mula nang dumating siya sa buhay ko, nag karuon ako ng bagong pag asa. Binigyang kahulugan niya ulit yung buhay ko.. Nang dahil sa kanya nakalimutan ko lahat.. Nakalimutan ko yung sakit. Binuo niya ulit ako Callum. Sobrang saya ko na dumating siya sa buhay ko dahil sa wakas hindi na ako nag iisa. Si Nicholas ang nag pabago sa buhay ko. At oo Callum, tama ka. Mahal na mahal ko siya.."

Mapait na ngumiti siya. Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata niya. Hindi ko siya gustong saktan. Mahal na mahal ko siya. Pareho silang dalawa ng anak ko.

"Naiintindihan ko." Sagot niya lang.

"Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ulit ng pera. Handa akong tumulong Kath.." Aniya. Duon na ako napahagulgol. Hindi ko akalain na gagawin niya iyon. Hindi ko akalaing tutulungan niya pa din ako sa kabila ng sinabi ko. Alam kong nasaktan ko siya pero heto siya tinutulungan niya pa din ako. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang umiiyak sa dibdib niya.

"Salamat Callum. Maraming salamat." Sabi ko.

"Anything for you... Angel.." aniya. Hinila ko ang mukha niya palapit sa akin at siniil iyon ng halik na agad naman niyang tinugunan.

Limang daang libo lang ang hiningi ko kay Callum pero sobra pa dun ang binigay niya. Sobrang laking tulong nun para mapagamot ko na si Nicholas. Agad akong dumiretsyo sa hospital kung saan naka admit si Nicholas at pina schedule ko na ang operation ni Nicholas. Ang sabi ng doktor kailangan daw muna naming ihanda ang bata para hindi mabigla ang katawan niya. Sumang ayon naman ako duon. Nakaschedule siyang operahan pagkatapos ng dalawang linggo kaya dapat mabantayan daw siya ng maigi. Sinabi ko iyon kay Callum at pinayagan niya naman akong wag muna makipag kita sa kanya. Napaka bait niya sa akin kahit na nasaktan ko siya at pinapangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng operasyon ni Nicholas babawi ako kay Callum. Babawi ako sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.

Babawi ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa kanya.

"Anak kumain kang mabuti ah." Hinalikan ko ang tuktok ng ulo ni Nicholas habang tumatango tango ito. Mahina pa din siya hanggang ngayon.

"Girl pwede ba kitang makausap?"

Tumango ako at medyo lumayo kami ni Meg kay Nicholas.

"Saan ka kukuha ng pera? Eh hindi ka pa nga buntis?"

"Si Callum. Binigyan niya ako ng dalawang milyon para maipagamot si Nicholas."

"Ay bongga! Ang bait naman pala niyang Callum na yan."

Tumango ako at ngumiti.

"Kaya nga hindi ko mapigilang makonsensiya."

"Hmm bakit?" Tumaas ang kilay niya.

"Meg may gusto kong sabihin... Pero sana sa ating dalawa lang ito."

"No problem girl ano ba yun?"

"Si Callum ang ama ni Nicholas." Sandaling natigilan si Meg bago napatili.

"Oh my gooooshhh! Seryoso ka ba dyan girl?" Gulat na gulat na tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

"Paano? Alam niya ba?" Tanong niya na hindi makapag antay sa sagot ko.

"Hindi niya alam dahil alam kong pag nalaman niya kukunin niya sa akin si Nicholas dahil anak lang naman ang kailangan niya di ba? Hindi ko kayang mawala sa akin si Nicholas. Kilala ko si Callum kapag may ginusto siya, nakukuha niya. Ayokong kunin niya sa akin pati ang anak namin."

"Nakakaloka girl! Akalain mong may relasyon na pala kayo nuon pa man ng lalaking yun? Kaya pala parang may something sa tinginan niyo nung pinakilala ko kayo sa isat isa. Jusko girl ang swerte mo naman! Nalahian ka ng isang napakagwapong nilalang. Saan mo ba nabingwit yun at tatambay nga ako dun mag damag." Biro niya. Napangiti ako at napailing iling.

"Ayan ngumiti ka din sa wakas! Dapat ganyan ka palagi. Ang ganda ganda mo kaya kapag nakangiti. Naku malamang yan ang naging sanhi kung paano mo nabingwit yung ganun kagwapong nilalang."

"Ikaw talaga Meg puro ka kalokohan."

"Eh paano mo naman kasi naakit yung lalaking yun. Ikwento mo! Tyka bakit hindi kayo nagkatuluyan?"

Tumahimik ako sandali bago sumagot.

"Hindi lang siguro kami ang para sa isat isa."

"Jusko day! Dami mong alam ha! Eh kung di kayo para sa isat isa bakit pinag tagpo pa ulit kayo? Siya pa ang magiging daan para mapagamot mo ang anak mo. Hindi kaya kayo talaga ang destined para sa isat isa? Tingin mo?"

Umiling iling ako habang hindi maiwasang mapangiti.

"Imposible yan. Kasal na siya ngayon 'no." Sabi ko.

"Eh bakit siya lapit ng lapit pa din sayo? Naku duda ako dyan sa ang pakay niya lang sayo ay mag kaanak. Duda talaga ako dyan girl. For sure may nararamdaman pa din yang tatay ng anak mo sayo."

"Ang alam niya may asawa na din ako."

Napahawak sa bibig niya si Meg sa sinabi ko.

"Ano?! Alam niyang may asawa ka bakit ikaw pa ang kinuha niyang maging ina ng magiging anak niya?"

"Dahil hindi pa naman niya alam nuon na may asawa ako. Dahilan ko lang iyon para maitago si Nicholas."

"Jusko nakakaloka ka talaga girl! Ikaw na! Ikaw na ang pang pelikula ang buhay! Buti kinakaya mo pa 'no? Jusko!"

"Syempre naman."

"Pero ikaw nga bruha ka umamin ka sa akin.. Yung totoo ha! Mahal mo pa ba?"

Natigilan ako sandali bago sumagot.

"Hindi naman mawawala yun dahil kahit pag balibaliktarin ko pa ang mundo siya pa din ang ama ng anak ko." Sagot ko.

"Sus. Landi mo girl! Pero di kita masisisi kung ganun ba naman kagwapo yung ex ko ano. Hindi talaga ako makaka move-on." Aniya.

Continue Reading

You'll Also Like

284K 5.3K 29
Duke & Izza
287K 3.8K 43
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Royve Wilson is one of Wilson Twins. he is the best detective and hacker in town, he works infront of computer t...
1.3M 34K 43
Seducing Mr. Esteban Isang simpleng babae lang si Abby Salazar na nagkagusto sa lalaking minsan nang sumagip sa buhay niya. Luke Esteban ang lalaking...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...