Natapos ang kasiyahan ng hindi niya nakikita si Aiden. Mabuti na rin iyon dahil hindi niya kinakaya ang mga salitang binibitawan ng kanilang mga ama.
"Zafira, tulog ka na. Mahaba pa ang araw mo bukas." Saglit siyang sinamahan ni Isabella sa kaniyang kwarto.
Bukas daw ay kailangan niyang simulan ang kaniyang training para sa mas mahihirap na spells kaya naman mas maganda kung makakapagpahinga na siya.
"Isabella, gusto ko sanang pumunta sa mundo ng mga tao. Gusto kong bisitahin sila mama at papa."
Dahil sa potion na binigay ni Master Haurvat ay bumalik ang lahat ng alaala niya simula pagkabata. Doon niya lang din naalala ang kaniyang mga magulang na dalawang taon na niyang hindi nakakausap.
"Sa susunod na lang natin pag-usapan para magawan ng paraan. Sa ngayon kailangan mo muna makondisyon ang sarili mo para sa training mo bukas."
Tumango lang siya pagkatapos ay nginitian ito. Nagpaalam na ito para bumalik sa sariling silid.
Gustong magsisi ni Zafira na pumayag siya na magpatraining kay Jennicah. Kailangan niya daw muna kasing mapag-aralan ang apat na elemento na bumubuo sa Light Clan. Bilang prinsesa ng mga Bright si Jennicah ang inatasan na magturo sa kaniya.
"Jennicah saglit lang!" Natatarantang aniya habang nagtatago sa likod ng malaking bato. "Bakit ang laki niyan?! Kaunting spells lang ang alam ko!" Bumubuo kasi ito ng bola gawa sa hangin at palaki iyon ng palaki.
"Ano ka ba Zafira, maliit lang 'tong airball! Gawa ka lang ng shield na gawa sa hangin!"
"Hindi mo naman tinuro e!" Hindi na siya dapat magtaka. Malaki ang galit sa kaniya ni Jennicah.
Naturuan na siya sa academy kung paano gumawa ng shield pero mahina daw iyon. Mas lumalakas daw kapag may kasamang elemento. Ang problema ay hindi siya marunong.
"Isipin mo kasing magagawa mo! bahala ka! Eto na!"
Itnira nito ang air ball papunta sa direksyon niya, napatili siya ng masira ang batong pinagtataguan niya. Ganun na lamang ang gulat niya ng makitang may isa na naman na papunta sa direksyon niya at wala na siyang pwedeng pagtaguan pa kaya naipikit na lang niya ang mga mata habang hinihintay ang impact ng pagtama sa kaniya.
Ilang segundo ang lumipas pero walang nangyari. Iminulat niya ang isang mata. Anyare?
Tumatalon sa tuwa na lumapit siya kay Aiden. "Thank you, Aiden!" Dahil sa tuwa ay nayakap niya ito. Naramdaman niya ang paninigas ng binata.
"S-s-sorry." Naiilang na aniya. "T-thank you nga pala." Hindi niya pa ito nakakausap simula kagabi kaya medyo awkward pa para sa kaniya.
Humarap siya kay Jennicah para maitago ang namumulang mukha. "Hoy! May balak ka bang patayin ako?"
"Wala!"
"Eh bakit mo tinira iyon?"
"Alam ko kasing may magliligtas sa'yo!" Naiinis na turan ni Jennicah. "Diyan ka na nga!"
Hindi na siya nakaalma ng biglang mawala si Jennicah. Saan na pumunta 'yon? Tapos na ba ang training nila?
"Mahal na Prinsesa?"
"Ay gwapong kalabaw!"
Hawak niya ang kaliwang dibdib dahil sa gulat. May kasama pa pala siya.
"Alam kong gwapo ako mahal na prinsesa pero hindi ako kalabaw."
Pinigilan niya ang sariling mapangiwi. Ayos na sana, ang yabang lang.
"Bakit?"
"Tara? May pupuntahan tayo." Aya ni Aiden. Saan sila pupunta?
"Tapos naman na ata kayo sa training."
"Ha?" Nagpatiuna na lang siya ng hilahin siya nito. Napatitig siya sa kamay nilang magkahawak. Naramdaman niya na naman ang pag-init ng mukha niya.
Tumigil siya at kinalas ang kamay niya. Hindi siya komportable doon.
"Bakit?" Inosenteng tanong ng binata.
"W-wala."
Nagkibit balikat na lang ito at pinagpatuloy ang paglalakad. Sa pagkakataong iyon ay hindi na muling hinawaka ni Aiden ang kamay niya. Parang gusto niyang manghinayang bigla.
Ang lambot pa naman ng kamay niya ang sarap hawakan. Napapailing na lang siya sa naiisip. Hindi maganda iyon.
"Wag mo kong pagpantasyahan."
"Huh?"
Nagtatakang tinignan niya si Aiden. Mind-reader ba 'to?
"Hindi ako mind reader."
Hala, mind reader nga.
"Teka! Bakit mo nalalaman ung nasa utak ko?"
Ngumisi muna ito sa kaniya, "Sinasabi mo kaya." Naramdaman niya ang pag-init ng magkabilang pisngi niya.
Nakakahiya! Lupa kainin mo na ko!
"Akin na yang kamay mo?"
Hindi siya gumalaw kaya ito na ang kumuha ng kamay niya at pinagsiklop iyon. Patago siyang napahawak sa dibdib dahil sa kakaibang tibok niyaon.
Maglalakad na sana ulit sila ng may pamilyar na boses na tumawag sa kaniya.
"Zafira!"
Inilibot niya ang tingin at nasalubong nyon ang isang pares ng tsokolateng mga mata.
"Flint!"
Masaya itong lumapit sa direksyon niya nguit agad nawala ang ngiti nito ng mapadako ang tingin sa baba. Tinignan niya rin ang tinitignan nito. Nakatingin ito sa magkahawak nilang kamay ni Aiden.
Agad niyang binawi ang kamay mula kay Aiden.
"Busy ka ata." Walang emosyong sabi ni Flint.
Inakbayan siya ni Aiden. " Oo, pre. Akin muna siya pwede ba?"
Akin muna siya pwede ba?
Akin muna siya pwede ba?
"Zafira?" Nagising siya sa pagkatulala ng marinig ang boses ni Aiden.
"Huh?" Naguguluhang tumingin siya sa paligid nang silang dalawa na lng ni Aiden ang naroon. "A-ah nasan si Flint?"
"Naka-alis na. Masyado mo kasi akong iniisip." Nakangising sabi nito.
Kapal talaga! Paanong hindi siya mapapaisip sa mga sinasabi nito?
"Alam mo---" Pinutol nito ang sasabihin niya.
"Hindi. Hindi ko alam."
"Arrgh! Ewan ko sa'yo ang kapal ng muka mo!"
"Gwapo naman!"
Nakapaskil pa rin ang ngisi sa labi nito. Hindi niya akalain na ganito ito kayabang. Crush niya pa naman ito noon.
"Yabang!" Nagdadabog na nagwalk-out siya dito.
"Hoy! Zafira!"
"Wag mo kong tawagin, di tayo close!" Diretso lang ang lakad niya palayo dito. Hanggang sa naramdaman niyang nasa likod niya na ito.
"Hoy! Ito naman." Marahas siyang pinihitn ni Aiden paharap dito.n "Huwag ka namang magalit nagbibiro lang. Tsaka totoo naman sinasabi ko." Puno pa rin na kapreskuhang anito.
"TOTOO?! SERIOUSLY! HINDI KITA INIISIP KAHIT NA BIGLA MO NA LANG HINAWAKAN ANG KAMAY KO NA PARA AKONG NAKUKURYENTE SA SOBRANG LAMBOT NG KAMAY MO TAPOS KINALADKAD MO PA AKO. NGAYAYABANG KA PA NA GWAPO KA! KAHIT TOTOO NAMAN.TAPOS SASABIHAN MO KAY FLINT NA 'PARE AKIN MUNA SIYA' PERO NAMAN KASI ANG YABANG MO. OO NGA'T GWAPO AT SIKAT PUNONG-PUNO NAMAN NG KAYABANGAN!!"
Napatigil si Zafira at unti-unting nagloading sa kaniya ang naibulalas niya dahil sa inis.
"Talaga, gwapo ako? Sabi ko na nga ba may gusto ka sakin eh."
Sa lahat ng sinabi niya iyon lang ang narinig nito?
"Ang kapal mo! Ang kapal kapal mo!"
Magwawalk-out na ulit sana siya ng bigla nitong higitin ang kamay niya at hinapit siya sa bewang.
Hanggang sa unit-unting nilapit ng binata ang mukha nito sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan ay napapikit na lang siya na parang may hinihintay.
ariathatsme