Dayo

By helliza

1.1M 46K 9.4K

Dayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masak... More

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanta 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

kabanata 5

25K 1K 147
By helliza

     Pamilihang bayan.

     Parang palengke/mall pala dito. Ang dami tao at ang dami pwede mabili.

     Palingon-lingon ako habang nakasakay sa kariton na hinihila ng kabayo.

     Pagkatapos ako tanongin ni Drigo kung ayaw ko ba sya maging asawa tila sinisilihan ang pwet na nauna pa ako sumakay sa kariton nila.

     Sagrado pala ang pag-angkas sa kabayo dito. Kung hindi lang emergency (meaning kapag may sakit o sugatan isang tao) hindi ka pwede mag-angkas o umangkas na lang basta, dahil tulad ng sabi nila dapat kasintahan o asawa lang ang nakaangkas sayo.

     Kapag nakita ka nakaangkas sa kabayo ng tao hindi mo naman kaano-ano ipapadala ka sa bahay-aliwan. Mababansagan na bayarang babae o gigolo.

     Isa ito sa pagpapatunay na nasa iba mundo yata talaga ako.

     Isinakay lang sa kabayo kailangan ng magpakasal o pakasalan. At kapag hindi kayo nagpakasal sa mga bahay-aliwan kayo babagsak? Saan lupalop ng Pilipinas o mundo may ganito kultura?

     Baka naman meron girl ang laki kaya ng planet Earth. Katwiran ni sensible side.

     Kaya ang resulta dito ako naupo. Kahit na nga gustong-gusto ko sumakay sa kabayo.

     Ang lutong naman kasi ng tanong ni Drigo muntik na ako sumigaw ng "I do"

     Humalinghing ang kabayo ni Drigo kaya napatingin ako sa kanya. Ang binata nakatingin sa akin.

     Bakit ba kung makatitig sya para may binabasa sya sa akin.

     It's okay na tumitig sya. Nakakakilig para ako natutunaw.

     Si sensible side na inaanalize ang titig ng binata habang si flirty side gusto ng tumalon papunta sa kabayo ng binata.

     Ano ba sya. Its rude to stare . Kung ang batas nila ay ipapakasal ka sa lalaki tumititig sayo malamang nasa simbahan na kami.

     Kahit sa nakasakay sa kabayo ramdam mo hindi sya basta-basta. Buong kilos nya para sumisigaw ng kapangyarihan.

     Isang hamak na pinuno lang naman sya. Bakit iyong aura nya tila higit pa sya  doon.

     Isang malaki misteryo sya para sa akin.

■■■■■

     Halos mabali ang leeg ko sa kakatingin ng bumaba kami.

     Nagkalat ang ibat-ibang tindahan sa paligid.

     May mga damit. Katulad ng mga suot namin pero magaganda klase. At may sapatos din naman pala. Style canvass shoes sya, kapag panlalaki. Habang flat sandals naman sa babae. Mas kakaiba lang ang desenyo at mukha matibay. I think pang may kaya lang ang mga ganito klase damit at sapatos.

     Ngayon nakakita na ako ng marami tao. Kita ko na ang pagkakaiba at status ng bawat isa sa buhay.

     Ginto at pilak ang palitan nila dito. At nakita ko binabayaran ng ginto o napakarami pilak ang ganito klase damit at sapatos. 

     Iyong damit naman at sapatos na tulad ng suot ko ay ang pangmasa, to put it bluntly is pangmahirap.

     Nakita ko bumili si Nanay Geneva ng   kulay asul na bestida na binayaran nya tatlo  pilak. May isa pa ale bumili at nakita ko naman na pinagpalit nya ang tatlo malalaki pakwan para sa dalawa damit na panlalaki.

     Amazed na amazed talaga ako sa mga nasasaksihan ko. Buhay na buhay ang pamilihang bayan. Marami tao at maingay.

     Naagaw ang pansin ko ng isang tindahan na mga punyal. Wala sa loob na lumapit ako doon. Hindi katulad ng iba tindahan wala ito sarili pwesto. Nakasabit lang sa leeg ng tindero ang isang kahon. 

     Isang punyal ang tinitigan ko. Maliit lang ito siguro mga seven inches ang haba. Ang desenyo nakaukit sa hawakan ay isang leon na tila hari sa pakakaupo habang bahagya nababalutan ng buntot ng isa phoenix na lumilipad sa ulunan nito. Hanga ako sa umukit niyon dahil talaga detalyado. Kahit ang sheath nito ay ganon din ang desenyo.

     Tri-edge dagger iyon na kung marunong ka gumamit mapapatay mo talaga ang kalaban mo.

      Ang ganda.

     "Gusto mo ba iyan binibini? Dalawampu pilak lang ang halaga niyan." Napatingin ako sa tindero na isa tindera pala. Nakasuot kasi siya ng sumbrero buri na may kalakihan na halos tumakip na sa mukha niya.  I noticed na uso ang buri hat dito. Halos lahat may suot. Kahit si Drigo. May nadaan pa ako tatlo store na nagbebenta niyon. Iba-iba ang design, may panlalaki, pambabae. Malaki at maliit. Lahat may tali para kahit lipadin ay nasa likod mo lang. Naalala ko nga napatitig pa ako sa isa na may desenyo rosas.

     Napakurap-kurap ako isang teenager na babae pala iyon. "P-pasensya na wala kasi ako pera."

     "Pwede mo palitan ng kahit ano meron ka binibini. Sayang maganda ang punyal na ito. Nagmula pa sa isang kilala pamilya."

     Napakamot ako sa ulo. Wala rin ako pampalit dahil ang tanging laman ng bulsa ko ay ang led watch ko, na hindi ko naman pwede ibigay dahil hindi nila kilala ang gamit na ganito. Patunay ang panlalaki ng mga mata nina Pedro at Benito. Wall clock lang ang uso dito. Gulat na gulat pa sila paano ko daw napaliit ang orasan.

     "Wala kasi ako kahit ano dito." Sabi ko nalang.

     "Why not give me your watch?"

     Nanlaki ang mga mata ko nang mag-english sya. "T-teka marunong ka mag-english?" Gulat na sabi ko kasabay ng kasiyahan. Dahil para ako nakakita ng kakampi, nang kapareho dito sa estranghero lugar na ito.

     "Oo naman Miss." Tinanggal nya ang suot na buri. Bumagsak ang itim at kulutan nya buhok. Malinaw ko din nakita ang ang dimple nya sa kaliwa pisngi. "Kung saan ka nanggaling doon din ako galing Rayette."

     Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng banggitin nya ang pangalan ko.

     "You know me? Sino ka? Bakit ako naandito? Paano ako napunta dito?" Humawak ako sa braso nya, mahigpit.

    "I'm Mariya. At pasensya na hindi ko alam kung bakit nandito ka." Tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya at inilagay ang punyal na nasa saha sa aking kamay.

     "Hindi pa ito ang oras para masagot ang mga tanong mo." Ngumiti ulit sya. Humangin kaya itinaas nya ang kamay para hawiin ang buhok na tumabing sa mukha nya. Tinamaan ng sikat ng araw ang silver bracelet nya na may palawit na singsing na lumitaw sa mahabang manggas ng bestida nya suot.

     Wala sa loob na inilagay ko ang punyal sa bulsa ng bestida ko.

     "Hindi mo ba ako pwede bigyan ng kahit paliwana--,"

     "Mary Rayette." Napahinto ako sa pagsasalita nang tawagin ako ni Drigo. nilingon ko sya at nakita ko sya nakatayo. Nasa likod nya ang mga kasama namin.

     Ibinalik ko ang tingin ko kay Mariya ngunit wala na sya sa pwesto nya. Nagpalingon-lingon ako. Nahagip ng mga mata ko ang buri hat nya na papalayo na sa kinatatayuan ko. Hahabol sana ako ngunit napigilan ako ni Drigo nang hawak nya ako sa braso.

     "W-wait lang." Pumalag ako at pilit na kumakawala pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin. "Sa-sandali lang."

     "Sabi ko na sayo Drigo, kaya nagpupumilit sya sumama tatakas sya." Sabi ni Sena na nagpatigil sa pagpupumiglas ko, napatingin ako kay Drigo. Saka muli inilipat ang tingin sa paligid. Nanlumo ako ng hindi ko na matanaw ang sumbrero ni Mariya.  "N-never mind." Naiiyak ako. Iyong iisa tao na maaari magpaliwanag sa akin kung bakit naandito ako at kung sino ako ay nawala na lang para bula. Kawalan ng pag-asa at takot. Iyan ang nararamdaman ko. Ikaw kaya na wala maalala tungkol sa sarili mo at napunta sa lugar no scratch it sa mundo banyagan at ang turing ng lahat sayo  isang dayo hindi kaba matatakot.

     "Mary rayette." Glassy eyes na tinignan ko si Drigo  unaware ako sa mga luha namimintana at nagpapakislap sa mga mata ko. Natigilan sya. Hindi ko napansin ang pagbakas ng tenderness sa mukha nya habang nakatingin sa akin.

     Nag-iwas ako ng tingin. Kinamot ang tungki ng ilong ko. "S-sorry. A-akala ko lang may nakita ako..." tumikhim ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko. "ka...kakilala ko." Napakagat-labi ako. Shit ayaw ko umiyak sa harap nila.

     "Nagsisinungalingan talaga sya Drigo sabi niya hindi siya taga-rito. Pagkatapos may nakita sya kakilala baka tatakas sya." Giit ni Sena.

     Matabang ako ngumiti. Kung tatakas ako kagabi pa. Hindi na ako magtatagal sa poder nyo. Ingos ni badass side.

     Totoo naman kung hindi lang panatag ang loob ko sa poder nila baka nga tumakas ako.

     "Hindi naman ako tatakas." Mahina sabi ko. Bumuntung-hininga na lang ako.

     "Tama na ipagpatuloy nalang natin ang pamimili." Out of the blue na sabi Drigo  hindi ko alam kung napansin nya ang pagod at kamiserablehan sa mukha ko.

     "Pero Drigo--,"

     "Sige na Sena."

     Walang nagawa ang babae kundi sumunod sa pinuno nila. Bago sya tumalikod inirapan nya muna ako.

     "Binibini." Iminuwestra naman ni Drigo ang kamay nya pinapauna ako maglakad. Wala imik na sumunod ako.

     Tahimik lang ako at walang kibo sa nakalipas na minuto. Bitbit ang isang bayong na may lamang mga gulay at prutas. Tinangka pa kunin iyon ni Benito na tinanggihan ko. Marami narin kasi sila bitbit ni Drigo. Mamimilit pa sana sya kung hindi lang umiling si Drigo na ang ibig sabihin ay hayaan na.

     Hindi ko alam kung pansin ng binata o nila na wala ako sa mood. Wala na talaga kasi ako imik. Sumusunod lang ako sa kanila. Hindi katulad kanina na daig ko pa ang bata pinasyal ng magulang na tuwang-tuwa at mangha-mangha sa nakikita.

     Ngayon stress talaga ako. Iyong pakiramdam na inabandona pagkatapos ay naliligaw iyan ang eksakto nararamdaman ko.

     "Drigo pwede ba tayo dumaan dito sandali." Napahinto at napatingin ako sa tindahan  na itinuro ni Sena. Huminto din ang mga kasama namin. Naramdaman ko ang presensya ni Drigo sa likod ko na huminto isang hakbang mula sa pwesto ko. Mula pa kanina doon na sya nakapwesto. Hindi sya lumalayo sa tabi ko. 

     Hindi naman ako tatakas.

     Siguro tumango si Drigo dahil ngumiti ng matamis si Sena at inaya si Winona pumasok sa loob. Sumunod din si Namay Geneva sa kanila.

     "Lakad na binibini." Sabi ni Drigo.

     From sulking my flirty side stirred. Nabuhay nanaman ang dugo niya ng lumapat ang kamay ni Drigo sa likod ko.

     Tumango ako at mabilis na naglakad papasok.

     Parang kikay store ito pinasukan namin.

     May mga ipit, pantali na nakadisplay sa loob. May mga hikaw, bracelet at kwintas din. May mga mga make up pa. At iyong pang make-up nila  sama-sama ang lipstick, blush-on, eye shadow sa isang kwadrado lagayan. Iyong para ice cube tray
Liquid lahat iyon. May nakasulat lang na 'labi' 'mata' 'pisngi' 'kilay' at iba parte ng mukha sa bawat ilalalim ng bawat grid, may brush din. Aba para water color lang. Iba-iba iyon at marami. May mga pabango rin ako nakita. Nakalagay iyon sa maliliit na bote ibaba ang kulay.

     Sa may ipitan at panali ng buhok pumunta sina Sena.

      Tumabi na lang ako. Wala naman ako pambili.

     "Hindi ka ba pipili ng gusto mo binibini? Baka may maibigan ka." Wika ni Benito na nasa tabi ko .

     Tipid lang ako ngumiti at umiling.  Umalis sya sa tabi ko kaya naiwan ako doon. May mga costumer pa pumasok kaya mas tumabi pa ako.

     Napansin ko ang grupo ng kababaihan na dumating. Naghahagikhikan sila habang tinitignan si Drigo.

     "Ang kisig nya diba." Narinig ko sabi ng isa.

     "Ang gwapo din."

     Lumipat ang tingin ko kay Drigo na nasa tabi ni Sena at may tinitignan na kung ano.

     Ang kisig at ang kwapo nga. Kahit  simple t-shirt at pantalon lang ang suot malakas pa din ang dating nya.

     Nakita ko ngumiti sya kay Sena at umiling naman ang babae.

     Siguro binibilhan nya si Sena ng pang-ipit. Kumirot ang dibdib ko. Si Flirty side humikbi. Gusto nya rin magpabili sa binata.

     Talaga may oras ka pa magselos. At bakit ka magseselos. Hello kakakilala nyo pa lang di ba.

     Inalis ko ang tingin sa dalawa at tumingin sa may bintana. Tama hindi ko dapat sinasayang ang oras sa mga ganito bagay.

     Ang dapat ko isipin ay kung sino ba ako? Kung wala ako dito, ano ginagawa ko sa mga ganito oras? Sino ang mga kasama ko?

     Naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman ko si Drigo sa tabi ko, lumingon ako.

     Nagulat ako ng tumaas ang kamay nya papunta sa buhok ko at may nilagay doon.

     Sa lapit nya naamoy ko na naman sya iyong amoy na gustong-gusto ko.

     Sa lapit nya gusto tumalon ni flirty side at   sunggaban sya.

     Nang matapos sya sa kung ano man ginagawa nya sa aking buhok bahagya sya lumayo at pinagmasdan ako.

     "Bagay sayo binibini." He said habang nakangiti.

     Tumaas naman ang kamay ko papunta sa buhok ko.

     May nakapa ako doon.

     Teka inipitan nya ba ako?

     Nang tumingin ako sa salamin na nasa di kalayuan nakita ko ang clip na nakaipit sa buhok ko. Sa may kaliwa bahagi sa taas ng akin tenga.

     Lion iyon na nakaapak sa stem ng isang rosas. Two inches ang haba. Sa una tingin para naglalakad ang lion sa stem ng rosas patungo sa rosebud.

     Lion na naman. Ano ba ang sinisimbolo ng lion dito?

      Pero ang kung ano man na naiisip ko ay naputol ng muli lumapit sa akin si Drigo. Sa pagkakataong iyong labi nya ang lumapat sa buhok.

     Bumulong sya malapit sa akin tenga na nagpangatal sa akin at nagpahina sa aking mga tuhod.

     "Bagay na bagay talaga sayo Binibini Mary Rayette."

...itutuloy (sept 11 tues)

🦁⚘🦁⚘🦁⚘🦁

H/n

What can you say guys? 🤓🤓🤓.

Salamat🤓

Helliza Sabida
1072019Uiv 12:56

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 798K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
72.9K 2.3K 88
Si Lauranie ay nag-iisang anak ng mag-asawa na sina Joseph at Estilla. She lived a luxury life dahil parehong mayaman ang angkan ng kaniyang mga magu...
158K 8.3K 70
Since her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until o...
90.3K 2.4K 49
A female Alpha, that is what Crimson Yolanda Heroishi is. She does not believe in love nor she wants to feel such treacherous feelings. She was doin...