Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4.1K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 43

51 1 0
By zieeerendipity

I felt how my entire body trembled.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang hinahabol ang aking hininga. 

"What's wrong, Ate?" 

It was Allen. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin ngunit ang atensyon ko ay nakatuon sa nabasag na frame sa sahig.

"What's this?" tanong niya at kaagad na yumuko.

Dinampot niya ang frame at napapikit ako nang muling masilayan ng malapitan ang litrato.

It was a picture of Nazaire entering his car while someone is pointing his gun on him.

"Is this Tito Niccolai's son?" tanong ni Allen at tila roon lang ako bumalik sa ulirat.

"Allen..." buo ang boses ko na tinawag ang kapatid ko at agad naman siyang lumingon sa akin, "If you and mom won't tell me, then I'd better go back now. I can't risk any second here while he's in danger."

Naging madilim ang mga mata ni Allen nang muli siyang tumingin sa akin.

"I did a research to everyone who is close to you back in the Philippines and Tito Niccolai's son is not an ordinary person, Ate. He might have killed whoever this person is already."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng kapatid ko.

"What do you mean?"

Mataman niya lang akong tiningnan.

"I know what you have with this person and that is one of the reason why I do not want to tell you what really happened to our father. I know what Tito Niccolai had done for our family but I will not let you use our father's case for his son."

Seryoso lang akong napatingin kay Allen habang sinasalubong ang madilim niyang tingin at mabibigat na ang paghinga ko.

"What more are you keeping from me, Allen?" tanong ko sa kanya sa mabigat na boses.

"Everything that I found out on my own," sagot niya ng nakatiim-bagang.

Tila napaatras ako sa kintatayuan ko dahil sa ekspresyong ipinapakita ni Allen. I have never seen him this dark. Pakiramdam ko ay hindi ko kapatid ang nasa harapan ko.

"Look, Ate.I know that you left because of him and I know that you are doing this because of him. And I also know that this is no longer about our father. You just want to know what happened because you want to use it for him. To get him out. Am I saying it right, my dear sister?"

Naramdaman ko ang muling panginginig ng aking katawan dahil sa mga sinabi ni Allen. Hindi ko alam kung galit ba itong nararamdaman ko para sa kanya.

"Let me tell you this," aniya pa at diretso akong tiningnan sa mga mata, "You can't get him out and neither mom can get us out. Now, if you are still that eager to find out dad's death, then you better ask mom. And if you want to save him, you better go back."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang magsimulang magmartsa si Allen palabas ng aking kwarto. Narinig kong nagbukas ang pinto ngunit ramdam ko pa rin ang presensya niya sa aking likod.

"If that box reach here, then the traitor is just near. I hope this time, mom will not lose a family member again."

Saka lang ako binalikan ng lakas nang marinig kong magsara ang pinto. 

Ilang beses akong huminga ng malalim. Bakit ibang Allen ang nasa harapan ko kanina? But I admit it, he gave me another puzzle.

Ilang araw akong hindi lumabas ng aking kwarto matapos ang naging engkwentro namin ni Allen. Hindi ko na rin siya nagawang kausapin dahil matapos kong makita ang dilim sa mga mata niya ay tila nawalan na ako ng lakas.

Ito ang unang beses na nakita kong ganoon ang reaksyon ni Allen. Did something happen here while I'm away?

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Agad akong bumangon habang kinukusot ang mga mata ko.

"Mabuti naman at nagising ka nang bata ka," bungad sa akin ni Yaya Celine. 

Nilingon ko ang wall clock sa loob ng silid ko at nakitang alas siete pa lamang.

"May... problema po ba? Ang aga pa yaya," ani ko sa boses na nagtataka.

"Kanina pa ako kumakatok dito. Oh siya, maligo ka na at magbihis. Pagkatapos mong mag-almusal ay dumiretso ka na sa opisina ni Letizia."

Kaagad na nanalaytay ang kaba sa aking sistema. The last time that my mother called me in her office, hindi maganda ang nangyari. 

That was when my lolo died three years ago.

What is it this time?

Sinunod ko ang sinabi ni Yaya Celine at matapos kong kumain nang mag-isa ay dumiretso na ako sa opisina ni Mommy sa ikatlong palapag ng bahay.

I know something is not right again this time. Nakahanay ang ilan naming kasambahay at body guards sa labas ng opisina niya. Natuon din ang atensyon ko sa ilang body guards na hindi ko na namumukhaan.

Tumango ako sa isa naming body guard nang binuksan niya ang pintuan. Dahan-dahan akong naglakad papasok at kaagad na bumungad sa akin si Mommy na nakaupo sa kanyang swivel chair at sa harapan niya ay ang dalawang lalaki na nakatalikod sa akin.

"Good thing that you are here, Aleighna," saad ni Mommy.

Saka ko lang nalaman na isa sa dalawang lalaki na nasa harapan ni Mommy ay si Allen. Lumingon ako sa gawing kanan at may ilang body guards na nakatayo roon. Two are my mom's and the other one... he is not familiar.

Bumalik ang tingin ko kila mommy nang tumikhim ang isang lalaki at kaagad ko siyang namukhaan. Siya iyong pamilyar na lalaki sa silid nang ipinitawag ako ni Retired Lieutenant Sebastian. Nazaire's father.

What is he doing here?

Bago pa man ako makapagtanong ay iginiya na ako ng isang body guard papunta sa upuan, ilang hakbang lamang ang layo mula kay Allen.

Bumuntong-hininga ang aking ina bago nagsalita.

"Let's start this Niccolai," saad niya na para bang hindi sigurado sa ginagawa o gagawin niya.

Hindi ko magawang maging komportable sa kinauupuan ko. Kakaibang tensyon ang nararamdaman ko sa buong silid.

Nang sulyapan ko si Allen ay diretso lang ang mga tingin nito sa aming harapan.

Tumikhim muli ang lalaking tinawag ni Mommy na Niccolai.

"As what I was saying, Letizia, the highest, Sebastian Heartfilia is asking for your daughter..."

Napalingon ako sa matandang Bernards nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Bumaling ang tingin ko kay mommy nang gumalaw siya sa kinauupuan ngunit taas noo lang ito habang sinasalubong ang mga tingin ni Mr. Bernards.

"My son is no longer doing his responsibility and I found out that your daughter leaving the country has something to do with his behavior," Mr. Bernards continued.

Tumikhim lamang si Allen bago ako lingunin na para bang may gustong sabihin.

Kumunot ang aking noo. Dahil sa sinabi ni Mr. Bernards ay nabuhay ang pag-aalala ko para kay Nazaire.

"Letizia, Allen, Aleighna," ani Mr. Bernards at tiningnan kami ni Allen bago muling ibinalik ang atensyon kay Mommy, "I am not asking this for the West Imperium. I am asking this as a father for my eldest, Nazaire. His guards are down right now and he is vulnerable."

"You want my daughter..." saad ni Mommy habang pinipigilan ang pagkawala ng emosyon.

"I know that you do not want them to be part of the mafia, Letizia, after..." sandaling tumigil si Mr. Bernards, "After Emilio's death..."

Naramdaman kong nanigas si mommy sa kinuupuan niya at napaayos naman ng upo si Allen habang ako ay papalit-palit lamang ang mga matang nakatingin sa kanila.

My mom is obviously trying her best to stop her tears. Tuwing babanggitin sa kanya ang pagkamatay ni Daddy ay ganito lagi ang reaksyon niya. It may have been years but she is still hurt, like it just happened yesterday.  Nararamdaman kong sariwa pa rin sa kanya ang mga nangyari.

"I cannot assure you of anything here, Letizia, but as a parent, I do not want to lose my child. We both know how dangerous it is but I am begging you Letizia, not a friend, but a father..."

Tila may naramdaman akong kirot sa aking puso. Noong unang beses kong nakita si Mr. Bernards sa loob ng silid kung nasaan si Mr. Sebastian ay hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong maaari niyang katakutan.

But he is here now, in our house, in front of us, begging for me... for his son... for Nazaire.

"Niccolai..." my mom uttered, "I do not and will not forget what you've done for my family. You have been with us ever since, even before Emilio died, you and Nathalie stayed with us. But I do hope also, Niccolai, that you will understand me now if I refuse to give you my daughter or any of my children."

Even if my mom still wears her fierceness, I can feel that she is hurting at sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita siyang ganito.

"They are all what I have Niccolai. Kapag isa pa sa kanila ang nawala, hindi ko na alam ang gagawin ko," my mom added. 

Hindi na nagpumilit pa si Mr. Bernards at umalis na rin kaagad si Mommy. Naiwan kami nina Allen at Mr. Bernards sa loob.

"I told my mother just three days ago, after she found out that I know about West Imperium, that if she will give my sister, then she must give me, too."

Pareho kaming napalingon ni Mr. Bernards sa kapatid ko nang magsalita ito.

"The moment that I learned what is happening in the Philippines, I saw this coming. That you will come here and ask for her. I'm sorry Tito Niccolai," ani Allen at bumaling ito kay Mr. Bernards, "I made this hard for my mother. I made this hard for not letting her decide."

Nakita kong tumango-tango si Mr. Bernards. Naiintindihan niya ang kung ano mang ibig sabihin ng kapatid ko.

"I understand, Allen. Nagawa ko na kung ano ang pakay ko sa inyo. I need to respect Letizia's decision. I just hope now that my son will find his will to continue the fight. I'll go now."

Bumagsak ang likuran ko sa sandalan ng kinauupuan ko nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Tanging kami na lamang ni Allen ang naiwan sa loob at siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Forgive me, ate..." aniya at ipinikit ang mga mata.

Nawala ang takot at galit na naramdaman ko sa kanya noong huling beses kaming mag-usap dahil sa boses niya ngayon na para bang ang bigat ng dinadala niya.

"I became I selfish I know. Pero si Mommy lang din ang iniisip ko. You were away for three years and you did not see how bad she was still suffering. Dad's death is still painful for her. Noong unang buwan na wala ka, hindi siya lumabas sa kwarto niya. No one among us could go near her, not even Yaya Celine."

Napasinghap ako dahil sa naririnig ko. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.

Did I become that kind of daughter? Na mas inuna ko ang sarili ko kaysa sa pamilya ko? I chose to pursue what I want in life without even knowing how bad my mother was suffering every damn day and night that I was away.

"She once caught me holding a gun and she broke down just by that. That was the time that Yaya Celine told me that our father died in a bullet and not by car accident. Matagal ko nang alam, ate. But that was it. Wala na akong narinig pa na kahit na ano at wala na ring sinabi si Yaya Celine."

He paused and heaved out a deep sigh. He kept his eyes close.

"I knew that you had an amnesia because of the trauma you've gotten. At noong hindi mo pa rin maalala si Tito Niccolai nang umuwi kami sa Pilipinas, I realized that you are still behind the truth. But it was Tito Niccolai and Tita Nathalie who helped her up."

Pinanatili ko lamang ang sarili kong nakikinig sa kapatid ko. Mom never asked me to come back pero ito pala ang nangyayari. 

"Palagi silang nandito noon. Kahit may mga anak na iniwan sa Los Angeles ay nanatili pa rin sila sa tabi ni Mommy. But the thing ate is that..." iminulat niya ang mga mata at diretsong itong tumingin sa akin.

"Takot akong makita ulit si mommy na ganoon. You were not there and I had nothing with me but Yaya Celine. I got mad at you but when I saw you, again, I just realized what is it with grudges? You are my sister..."

His eyes slowly turned red.

"Allen..." saad ko at hindi ko na napigilan ang pamamalisbis ng aking luha.

Is this the reason? Kung bakit ganito siya ngayon? He was just fifteen and dealt with all of those? I let him deal with everything when it was supposed to be us. I let him down.

"If I would hold to my grudges, mom would definitely lose either the two of us and that is the last thing that I want to happen."

"I'm sorry, Allen. I did not know," I said and pulled him for a hug.

But he ended up comforting me instead of I, comforting him. He was gently caressing my back when it was supposed to be me doing that to him. My brother was too young to handle those alone.

"Damn. I have never been this emotional!" aniya nang inihiwalay niya ako sa kanya at ang kunot-noong mukha niya lamang ang sumalubong sa akin. 

"But I was serious, Ate," aniya nang humarap sa akin, "Do not use dad's case for that Nazaire. Now you better talk to mom before it gets too late."

Iniwan akong mag-isa ni Allen sa loob ng opisina ni Mommy. 

Hindi ko lubos maisip na hinayaan ko ang kapatid kong harapin ng mag-isa ang problema ng pamilya namin na dapat ay kaming dalawa ang magkasangga. It felt like I took a part of him when I left. 

Na para bang tinanggalan ko siya ng karapatang sumaya. At ibinigay ko kay mommy ang sakit ng pangungulila sa asawa at anak.

Alam kong bawat segundo na nandito ako ay posibleng nasa kapahamakan si Nazaire and if I got what Tito Niccolai said that Nazaire is no longer sane for just letting everything to happen, then now I understand.

He let me go for something.  He did not let me go because he wanted but he let me go for another reason. 

Ilang araw akong nagkulong sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na muna kinausap si mommy matapos ang nangyari. Kahit gustong-gusto ko nang umuwi at pwede naman talaga akong umuwi ay mas pinili ko pa ring manatili rito.

I cannot leave my mom right now. Nazaire may need me but I already let my mom down at hindi ko na iyon kayang gawin ulit sa kanya. Unless she tells me to go... dahil alam ko sa sarili ko na kung magtatagal pa ako rito ay alam kong iiwan ko ulit si Mommy kay Allen.

Pero hindi ngayon na kaya ko pang manatili. Hindi ngayon na kontrolado ko pa ang emosyon ko. 

Sometimes I just feel like my feelings for Nazaire is too dangerous. Na kaya kong isuko ang lahat para sa kanya.

I just wish that I can still have him when I get back... at hindi katulad ng sinabi ni Allen na baka maging huli na ang lahat.

I have known Nazaire for months... at siya iyong tao na hindi basta-basta malalapitan ng kalaban niya. Besides, he has Weiss and the rest.

"Aleighna, it's confirmed! It's an inside job!" ani Iana nang minsang mag-usap ulit kami sa face time.

"It obviously was kahit walang confirmation," walang ganang sagot ko sa kanya.

Hindi ko na alam kung anong una kong iisipin ngayon. Ang pamilya ko o si Nazaire?

"They are working on it, but Leigh," aniya at tiningnan ko na lamang siya, "Hindi na maasahan si Nazaire. In fact he is making everything worse now. They are worried..."

Minsan naiisip ko kung ganoon ko ba naaapektuhan si Nazaire. I knew that he has his own reasons of letting me go but was it really necessary?

Nababalewala na ang mga pinaghirapan niya. Nababalewala na ang mga pinaghirapan niya bago pa man ako dumating. 

Or does it really have something to do with me?

Paano kung napagod na lang siya sa ginagawa niya? Na nasasakal na siya sa pagiging parte ng Mafia at sa pangangalaga sa Heartfilia Academy?

"Kakagaling ko lang sa presinto, Aleighna. Napaaway sila Weiss sa bar and Nazaire almost killed the man," saad ni Iana nang mag-usap ulit kami.

"H-how is he?" tanong ko at hindi na nakapagtago ang pag-aalala sa aking boses.

"Oh great! You have finally asked!" tugon ni Iana at matalim akong tiningnan.

"He is wasting his life for your information. Ni wala na nga siyang pakialam sa bombang sumabog na naman kahapon di kalayuan sa academy eh."

"What!? A bomb!?" gulat na tanong ko.

"Yes. Sunod-sunod na ang nangyayari sa academy, Aleighna. At hindi ko alam kung bakit hindi ito nagagawan ng paraan ng mafia. I heard from Weiss na naka-violet code na ang security. At si Dr. Zaiede na ang namamahala sa buong academy dahil sa ngayon ay wala ng kwenta si Nazaire and I mean it, Aleighna."

Oh, God. It is that worse already. 

"Okay, listen, Aleighna," ani Iana na tila ba naiinis na sa akin dahil wala man lang akong ginagawa, "Heartfilia Academy's downfall is also our downfall. Remember na kahit ayaw natin ay parte tayo ng West Imperium and I want you to at least do something."

Tahimik ko siyang pinagmamasdan sa screen ng laptop. Hindi ko na kailangan pang iproseso ang mga sinabi ni Iana dahil naiintindihan ko na ito ng buong-buo.

"It is not that I am blaming you Aleighna but it is Nazaire and you always have an impact to him. Your departure affected him a lot, Leigh. So please do something..." nanghina ang boses niya.

Bumuntong-hininga ako bago muling hinarap si Iana at nagsalita, "I'll see what I can do."

Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang na nabubuhay ang kaba sa aking dibdib. 

Right after that day, Iana called me and she told me that Tito Lambierto and Tita Savana already let her inside the mafia and she is working with Weiss now. Pinipilit nilang alamin kung sino ang tumalikod sa West Imperium at gumagawa ng lahat ng iyon.

Habang nagpapalipas ako ng oras sa garden at malalim ang iniisip ay bigla na lamang dumating ang kapatid ko at inilapag sa lamesa ang isang dyaryo.

Heartfilia Academy, one of the most elite and known school in the Philippines is suffering a great damage now; a fire almost burned the main building and a bombing nearby that killed three students.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nasa itaas ng dyaryo.

"Where did you get this, Allen?" takang tanong ko sa kapatid ko ngunit nasa dyaryo pa rin ang atensyon ko.

"It is all over and it reached the media already. The number one keeper of the academy is missing in action."

Mas lalo lang lumawak ang pagtataka ko.

Paano ito nakalabas sa mga publishing? Knowing Heartfilia Academy, they would do everything to conceal whatever is happening inside the academy. 

"It is getting worse, Ate. And the entire Mafia is aiming for you to come back for their keeper," tugon ni Allen.

Inihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Why is Nazaire doing this? And is it really on my shoulder?

"Anak..." napatigil ako sa paglalakad sa veranda nang magsalita si mommy at lumabas siya mula sa pintuan.

I will not really get tired of admiring her. Who would have thought that this beautiful woman who is walking towards me is dealing with a lot of problem? 

Si Mommy ang tipo ng tao na hindi makikitain ng kahit na anong kahinaan at dahil sa ipinakita niya sa akin buong buhay ko, ni hindi ko man lang naisip na kailangan niya ako.

I was deceived by her strength to the point that I forgot that she also has her own weakness.

Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa isang lounger na nasa veranda.

"Almost seventeen years ago when your dad fought for the Heartfilia."

Dumiretso ang tingin ko kay Mommy nang magsalita siya. I did not see her opening this thing to  me this soon.

"Luna Empire wanted to end the entire Heartfilia since Don Lennar killed their highest."

Lumingon si mommy at tipid akong nginitian. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko habang hinihintay ang kung ano mang sasabihin niya.

"Your dad spent his life for the mafia. Hindi pa man kami nagkakakilala ay nasa mafia na siya and I accepted him for that because I loved him and I will always love your dad."

Continue Reading

You'll Also Like

936K 26.6K 45
What do you give a woman who already has everything ? Find out and read !!!
54.5K 2.3K 25
Book 2 of the ๐•ฑ๐–Ž๐–Œ๐–๐–™๐–ˆ๐–‘๐–š๐–‡ series {Duology} ๐–ค“ ๐•พ๐–”๐–’๐–Š ๐–’๐–Š๐–’๐–”๐–—๐–Ž๐–Š๐–˜ ๐–“๐–Š๐–›๐–Š๐–— ๐–‘๐–Š๐–†๐–›๐–Š ๐–ž๐–”๐–š๐–— ๐–‡๐–”๐–“๐–Š๐–˜. ๐•ฟ๐–๐–Š๐–ž ๐–‡๐–Š๐–ˆ๐–”๐–’๐–Š ๐–•๐–†๏ฟฝ...
32.7K 4.5K 65
๐Ÿพ๏ธ Caractors เท€เท™เถฑ เท€เท™เถฑเถธ introduce เถšเถปเถฑเทŠเถฑเท™ เถฑเถธเทŠ เถฑเท‘.. ๐Ÿ”ž เถšเทœเถงเทƒเทŠ เทƒเท„เท’เถญ เถฑเท’เทƒเท เถšเทเถธเถญเท’ เถ…เถบ เท€เท’เถญเถปเถšเทŠ เถšเท’เถบเท€เถฑเทŠเถฑ เท„เทœเถณเทš. Daily Updates เถฑเถธเทŠ เถฏเท™เถฑเทŠเถฑ เถถเทเถปเท’ เท€เทšเท€เท’.. เถดเท”เท…เท”เท€เถฑเทŠ เถ‰เถšเทŠเถธเถฑเถง...
The Whole Truth By jaxharlow

Mystery / Thriller

448K 20.4K 52
Adele knows she witnessed a murder - what she doesn't know is just how personal it is. ...