ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

angelodc035 द्वारा

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... अधिक

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 52: HOTEL MORTE

398 23 3
angelodc035 द्वारा

Halos mag-ikaapat na ng hapon ng marating nina Odessa kasama ang lampas sa dalawang-daang mga tao ang bahagi ng Sta. Mesa sa Maynila. Lahat ay hapong-hapo na sa haba ng kanilang nalalakad pero tinitiis nila ang lahat ng hirap makarating lamang sila sa lugar na sa tingin nila ay mas ligtas sa paglusob ng mga anak ng buwan.

Gaya ng mga lugar na kanilang narating at nadaanan, kalunos-lunos ang tanawin na kung saan nagkalat pa rin sa kalsada ang mga parte ng nabubulok na katawan ng tao at mga hayop. Mga nagtalsikang dugo sa kalsada, mga sasakyan at pader na natuyo na at naging saksi sa kahindik-hindik na pangyayari ng biglang lumusob ang mga alagad ng kadiliman sa kalakhang Maynila. Mga nagkalat na mga sasakyan na inabandona ng mga may-ari nito na dati-rati ay naghahari sa kalsada ng lungsod, ngayon ay nagsisimula ng kainin ng kalawang.

Ang masangsang na amoy ng nabubulok na laman ng mga tao at hayop ay umaalingasaw pa rin sa buong paligid, pero hindi na katulad ng dati na halos hindi makayanan ng sikmura ng sino mang napapadako roon.

Marami sa mga gusali ang nagkabitak-bitak na ang pader. May mga iilan rin na tuluyan ng bumigay dahil sa maya't-mayang mga pagyanig at dulot ng malalakas na hangin. Araw-araw ay kapansin-pansin ang tila paglala ng sitwasyon sa paligid at batid iyon ni Odessa. Kapag nakahanap na sila ng gusaling puwede nilang magamit para pansamantalang matutuluyan at masiguro ang kaligtasan ng mga taong kanilang poprotektahan ay kakausapin ni Odessa ang mga kasama. Kailangan na niyang kumilos mag-isa bago pa mahuli ang lahat para sa nilalang ng Sanlibutan.

Makailang ulit na niyang sinubukang pagtagpi-tagpiin ang mga pangyayari mula ng maging aktibo ang mga anak ng buwan sa mundo ng mga tao, ang pagkakabihag sa kanyang ate Laurea, ang pagbuhay kay Anilaokan, ang pagkawala at sa tingin niya'y pagkamatay ni Bathala. Lahat ng ito ay mayroong pinagmulan na kailangan niyang alamin at harapin bilang ang babaeng tinutukoy sa propesiya. Masyado na siyang nagtatagal sa mundo ng mga tao at maraming oras na ang nasasayang para maisalba ang Sanlibutan.

Pero kung aalis siya para bumalik sa ikatlong mundo, paano na ang mga natitira pang mga tao? Makakaya ba silang protektahan ng kanyang mga kasama? Kung mananatili pa siya sa mundo ng mga tao baka tuluyan ng mawala sa balanse ang Sanlibutan at hindi na ito maibabalik pa sa dati. Tuluyan na rin maglalaho sa Sanlibutan ang lahi ng mga tao.

Alin ba ang pinakamainam niyang gawin? Ang manatili muna sa grupo ng mga tao at siguraduhin ang kaligtasan nila pero unti-unti ng nauubos ang oras para iligtas ang Sanlibutan o tuluyan na niyang lisanin muna ang mundo ng mga tao para tuparin na ang kanyang tungkulin para iligtas ang Sanlibutan?
Sino ang poprotekta sa mga tao kung iiwan niya ang mga ito sa ganitong sitwasyon? Makakaya ba nina Demetria, Sagaway, Caren, Father Mexo at Ceasar pati na rin ang mga kawan nitong mga taong-lobo na protektahan ang mga tao na kasa-kasama nila? Si Randy, ang pinakamamahal niyang si Randy, gusto man niya itong isama sa ikatlong mundo ay naisip niyang mas kailangan siya ng mga tao rito para iligtas ang sangkatauhan. Malaki ang maitutulong niya kina Demetria lalo na't nasa katauhan niya si Banaual.

Malalim ang ginagawang pag-iisip ni Odessa, dahilan para hindi niya namamalayan na kanina pa pala siya tinatanong ni Randy. Kung hindi pa ito pumunta sa kanyang harapan ay hindi niya mapapansin ang kasintahan na kumakausap sa kanya.

"Pa...pasensya na hindi kita napansin." ang tila nahihiyang wika ni Odessa kay Randy na nakakunot ang noo.

"May problema ba?" ang tanong ni Randy. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa kanyang kasintahan.

"Wala, may naisip lang ako." ang matipid na tugon ni Odessa sa kanya.

"Mukhang napakalalim naman yata at di mo man lang ako napansin kanina kahit na kinakalabit na kita." ang wika ni Randy at bumalik sa gawing kaliwa ni Odessa at hinawakan nito ang kamay ng kasintahan.

Pilit ang ipinakitang ngiti ni Odessa kay Randy at saka pabagsak na binitiwan ang kanyang paghinga. Alam niyang hindi papayag si Randy na hindi niya ito isasama sa pagbabalik niya sa ikatlong mundo. Hindi niya alam kung paano niya ito ipapaliwanag sa kanya at para hindi ito magpupumilit na sumama pa sa mundo ng mga elemental.

Alam niyang kailangan rin niyang sabihin ito kaagad sa mga kasama. Kailangan ng matuldukan ang kaguluhan at kasamaang nangyayari ngayon sa Sanlibutan lalo na sa kanyang mundo, ang mundo ng mga tao.

"Sa tingin ko aking mahal, kailangan natin ang pagpupulong mamaya kapag nakakita na tayo ng ligtas na lugar na paglalagian ng mga tao. Pakisabi na lang sa kanila." ang seryosong sabi ni Odessa kay Randy.

"May problema ba o panganib na paparating, mahal ko?" ang usisa ni Randy na tila nabahala sa sinabi ni Odessa.

"Panganib, sa ngayon wala akong nararamdaman. Problema, maaari kaya ako magpapatawag ng pagpupulong mamaya."

Tinitigan ni Randy ang kasintahan at saka niya ito niyakap. Damang-dama ni Odessa ang init ng katawan Randy pati na rin ang pag-aalala nito sa kanya. "Basta tandaan mo lang mahal ko, nandito lang ako palagi para sa'yo. Ako ang iyong magiging sandata at panangga sa lahat ng iyong mga laban."

"Salamat..." tumitig si Odessa sa mga mata ni Randy pero kaagad din niyang binawi iyon at kumawala sa pagkakayakap nito sa kasintahan. "...sabihan mo na sila para kaagad nating maidaos ang pagpupulong mamaya."

"Si...sige, mahal ko." ang tugon ni Randy na nagtataka sa naging tugon ni Odessa sa kanya.

Nagpatuloy na sa paglalakad si Odessa at naiwan naman si Randy sa kanyang kinatatayuan. Nakapako ang kanyang mga mata kay Odessa. Alam niyang mabigat ang pinagdadaanan ng kanyang kasintahan sa mga nakalipas na mga araw dahil na rin sa mga pangyayari. Alam niyang ito rin ang pagkakataon na ipapakita niya na nasa tabi lang niya ito at nakahandang ialay ang sarili niyang buhay alang-alang sa kanya.

Marahil noon ay napakaduwag niya, ngunit binago ito lahat mula ng umibig siya kay Odessa. Hindi na siya natatakot na mamatay ngayon dahil na rin sa tindi ng hirap na kanilang napagdaanan nila. Lahat ay itataya niya maprotektahan lang ang pinakamamahal niyang si Odessa.

Kalahating oras bago mag-alas singko ng hapon ay napagdesisyonan nilang tumuloy sa isang abandonadong hotel sa bahagi ng Roxas boulevard. Mayroon itong dalawampu't-apat na palapag at tila hindi pa ito napapasok ng mga tao at iba pang nilalang. Wala silang nakitang mga bangkay sa loob at labas ng hotel kaya nagdesisyon sila na dito muna sila mamamalagi.

Pinasok nila ang grandiosong lobby ng Orient Pearl Imperial Hotel. Mangha ang lahat sa ganda nito mula sa mga nakasabit na chandelier sa kisame, mga sofa na milyon ang halaga at mga orihinal na paintings ng mga kilalang pintor sa buong mundo na nakasabit sa bawat dingding ng pader ng hotel. Nagkalat sa maalikabik na sahig ang mga perang papel mula sa cash register ng front office desk at iilang mga bahagi ng mga nabasag na mamahaling flower vase. Marahil ay natabig ang mga ito ng magsimulang magkagulo ang mga parokyano ng hotel ng umatake ang mga anak ng buwan. Kitang-kita rin sa sahig ang mga iilang mga bag at kagamitan ng mga mayayamang kostumer ng hotel na kusa na nilang iniwan para mailigtas ang kanilang mga buhay.

May mga tao ang sabik na pumulot ng mga pera at inusisa ang mga ito, pero ng mapagtantong wala ng halaga ang pera sa kanilang kalagayan ngayon ay iniwan din ang mga ito sa sahig na kung saan nila ito pinulot. Ang ilan naman ay ang mga naiwang gamit at bag ng mga kostumer ng hotel ang kanilang pinagtuunan ng pansin at pinili ang mga gamit na puwede pa nilang mapapakinabangan. Ang iba sa kanila ay pinili na lamang maupo sa malambot na sofa at sa grand stair ng hotel na nababalutan ng pulang mamahaling carpet papunta sa second floor para ipahinga ang pagod nilang katawan at paa. Pero karamihan sa mga tao ay takot pa rin galugarin ang hotel dahil sa naranasang trauma sa mga anak ng dilim.

Ginugol ng mga kalalakihan ang paglilinis sa mga kuwarto na kanilang paglalagian samantalang pinangunahan ni Ceasar ang paghahanda ng pagkain para sa mga tao at gawing ligtas ang lahat ng papasok at palabas ng hotel. Kasama ng ibang mga taong-lobo ay ginalugad naman ni Father Mexo ang iba't-ibang lugar sa hotel para humanap ng makakain at iba pang gamit na puwede nilang mapakinabangan. Gamit ang flashlight ay maingat nilang iniilawan ang madilim na paligid. Nagkalat ang mga basag na flower vase, mga baso, kutsara't tinidor at plato sa dating makinis na sahig ng hotel. Kapansin-pansin din dito ang mga nagtumbaang mga silya at mga mesa na tumambad sa kanila at mga natuyong pagkain na nahulog sa sahig. Nasa loob sila ng Cafeteria ng hotel at amoy na amoy napakasarap na kape imbes na mga nabulok na pagkain.

Malapit sa cashier ay naroroon pa rin at nakadisplay ang nangitim na at natuyong mga iba't-ibang klase na Cake. Mga iba't-ibang kulay na likido sa bote na sa tingin ni Father Mexo ay mga iba't-ibang flavorings ng frappe coffee na isa sa mga ibinebenta dito. Lumapit ang pari sa isang maliit na pasilyo papunta sa pinaka kusina ng cafeteria. Doon ay nailawan niya ang mga cabinet na punong-puno ng mga kagamitan sa kusina at makina sa paggawa ng iba't-ibang klase ng kape at sa pagbibake ng cakes at tinapay. Sa dulo ng kusina ay ang stockroom na halos magpatakbo kay Father Mexo para mabuksan ito.

Hinawakan ni Father Mexo ang hawakan ng pintuan ng stockroom pero nakakandado ito. Napabuntong hininga ang pari dahil sa pagkadismaya. Iginala ni Father Mexo ang dala nitong flashlight para hanapin ang susi ng stockroom. Ang pagkadismaya ay kaagad namang napalitan ng tuwa ng makita sa tabi ng pintuan ng stockroom ang mismong susi nito.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang pari at kaagad na kinuha ang susi ng stockroom. Halos manginig ang kamay nito sa sobrang kagalakang mabuksan ang stockroom. Tinawag niya ang isa sa mga taong-lobo na katulong niya sa paghahanap ng pagkain. Buong pananabik na ipinasok ni Father Mexo ang susi sa lock ng pinto at naramdaman niya ang mahinang click sa loob ng lock.
Hinila niya ang ang pintuan ng stockroom at dahan-dahang binuksan naman iyon ng kanyang kasamang-taong-lobo.

Inilawan ng pari ang madilim na loob ng stockroom gamit ang dala nitong flash light. Kaagad na namilog at nanlaki ang mga mata ng pari kasabay ng pagbuka ng kanyang bibig. Hindi niya namalayang nabitawan nito ang hawak nitong flashlight.

Sa loob ng conference room sa tabi ng opisina ng General Manager ng hotel ay naroroon na sina Odessa kasama ang kanyang mga kaibigan maliban kay Sagaway na nananatili sa mga mangilang-ngilang mga naglalakihang mga puno sa labas ng hotel para magbantay.

Nakaupo sa mga malalambot na office chairs sina Demetria, Randy at Caren samantalang nakatayo naman si Odessa sa kanilang harapan. Tanging ang ilaw na nagmumula sa papalubog na araw na tumatagos sa salaming bintana ang nagbibigay ng liwanag sa conference room. Kailangan nilang bilisan ang pagpupulong dahil ilang minuto na lang ay tuluyan ng lulubog ang araw sa kanluran.

Sa una ay nangangapa si Odessa kung paano nito sisimulan ang pagpupulong. Hindi niya alam kung anong salita ang kanyang sasabihin lalo na't hindi naaayon ang magiging desisyon niya sa sitwasyon nila ngayon.

"Tungkol saan ba ang pagpupulong na 'to Odessa?" ang tanong ni Caren na tila naiinip na sa hindi pa pagsisimula ni Odessa. Halinhinang itinataas baba nito ang mga daliri sa salaming mesa.

Iniyuko ni Odessa ang kanyang ulo at pilit na ngumiti sa mga kasama. "Pasensya na mga kasama. Pasensya na." ang tugon nito kasabay ng pag-aayos nito sa sarili at saka tumingin kay Demetria. "...hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa inyo dahil wala ng oras para dito. Alam kong hindi ito ang tamang panahon para gawin ito pero, ito lamang ang solusyon para mabago ang kapalaran ng lahat ng nilalang ng Sanlibutan."

Mga mukha ng pagtataka ang nakita niya sa mga kasama niya maliban kay Demetria na nauna na niyang nasabihan ang tungkol sa magiging misyon niya sa ikatlong mundo.

"Anong ibig mong tukuyin Odessa?" ang tanong ni Caren.

Tumayo si Randy. "May problema ba mahal ko?"

"Hayaan niyo muna ako magsalita para ipaliwanag sa inyo mga kaibigan." ang seryosong wika ni Odessa.

"Kung gayon ay ipaliwanag mo sa amin kung bakit kailangan pang dalhin mo kami dito sa opisina na 'to at kailangan pang maging isang close door meeting." ang tila naiinis na wika ni Caren.

"Caren..." ang tawag ni Demetria na sinasaway ang tila nagiging bastos na tugon ni Caren kay Odessa.

Tumingin sa itaas si Caren at pinatulis ang kanyang nguso na tila hindi interesado sa kung ano mang pag-uusapan sa ipinatawag na pulong ni Odessa. Tumingin ito sa may kahabaan at maruming kuko nito at saka pumito-pito na tila walang pakialam sa nangyayari.

"Nawawalan na ng balanse ang Sanlibutan dahil sa pagkamatay ni Bathala. Ang mga pagyanig na nararanasan natin ay napapadalas at lalong lumalakas. Nagpapahiwatig ng unti-unting pagkasira ng Sanlibutan at kamatayan sa lahat ng nilalang lalo na ang mundo kung saan tayo ngayon." ang paliwanag ni Odessa.

"Ibig mong sabihin wala na ang aking amang si Bathala?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Randy na nasa katauhan ni Banaual.

"Hindi pa ako sigurado kung nangyari na nga iyon, pero noong nasa ikatlong mundo ako nabanggit sa akin ni Danum, at Quebaluan ang tungkol sa pagkawala ni Bathala at ang mga senyales ng nalalapit na kamatayan nito. Tulad ng mga nangyayaring mga pagyanig na lumalakas, ang mga bagyong namiminsala at mga bulkang halos sabay-sabay na pumuputok sa buong mundo, ito'y mga senyales ng kanyang kamatayan."

"Paano...bakit naman mamamatay ang isang diyos? Ang isang tulad ni Bathala?" ang tanong ni Demetria kay Odessa.

"Dahil tulad natin nilalang din sila ng mas makapangyarihang diyos para mangalaga sa atin. Tulad ng tao na may sariling pag-iisip, alam ang tama at mali, nalulunod din sila sa kapangyarihan. Kapangyarihang hindi nila kayang bitawan, bagkus ay lalo nilang kakapitan hanggang sila na lamang ang nag-iisang nilalang na kayang pagharihan ang Sanlibutan. Kung tutuusin ay nilalang din sila ng tunay na Diyos na ang tanging layunin ang tagapangalaga sa lahat ng naririto sa Sanlibutan. Ngunit dahil sa taglay na kapangyarihan ay sinamba sila ng mas mababang uri ng nilalang ng Diyos, tulad ng mga tao. Naramdaman nila na ang pagsamba sa kanila ng mas mabababang nilalang ay nakakapagdulot ng kakaibang kapangyarihan ang nagbunsod sa kanila para maging mapagmataas at ituring ang kanilang sarili bilang mga tunay na diyos. Naging palalo sila at inabuso ang kapangyarihan na iyon kaya pinilit na pinigilan iyon ni Bathala bilang direktang inatasan ng tunay na Diyos na itama ang pagkakamali ng mga ito. Marami ang nagalit kay Bathala dahil sa pagbabawal niyang iyon na abusuhin ang kapangyarihan. Kasama na ang kanyang mga kapatid maging ang kanyang mga anak ay lumaban na rin sa kanya." ang paliwanag ni Odessa sa mga kaibigan.

"Kahit naman siya ay umabuso at naging palalo sa kanyang kapangyarihan, kaya hindi ako magtataka kung bakit kahit sarili niyang mga anak ay kinalaban siya!" ang matigas na reaksiyon ni Randy na dahilan para lahat ng atensiyon ng mga kasama niya ay mapunta sa kanya.

Batid ni Odessa ang pinanggagalingan ng galit ni Banaual sa ama. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Bathala kay Banaual noong nakakasama pa nito ang ama sa kaharian niya sa Kalangitan.

Lumapit si Odessa kay Randy na nasa katauhan ni Banaual. Hinawakan nito ang kamay ng kasintahan.

"Hindi ito ang panahon para sa galit mo sa iyong ama, ang kaligtasan ng Sanlibutan ang dapat nating pagtuunan ng pansin dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng lahat." ang mahinahong wika ni Odessa.

"Madali para sa iyo na sabihin iyan dahil wala kang alam at hindi mo kilala ang aking ama." ang matigas na tugon ni Randy kay Odessa.

"Marahil hindi ko nga kilala ng personal si Bathala, at wala akong alam sa naging buhay mo sa iyong ama. Pero sa oras na ito, ang kaligtasan ng lahat ng nilalang ang importante sa akin at ang hindi magandang karanasan mula sa iyong ama ang pag-uukulan ko ng pansin. Marami ang umaasa sa akin, yang mga tao na kasama natin dito sa lugar na'to na wala naman kinalaman sa gulo nilikha ng mga tulad mong diyos na uhaw sa kapangyarihan ang nahihirapan ngayon, sila ang importante sa akin para iligtas sila. Silang mahihina at iba pang mga nilalang ng Sanlibutan na naging biktima ng pagigung gahaman sa kapangyarihan ng mga tulad mo, sila ang dahilan bakit kailangan kong lumisan at bumalik sa ikatlong mundo."

"So, aalis ka? Iiwan mo kami?" ang sarkastikong tanong ni Caren na matalim ang mga tingin kay Odessa.

Ibinuka ni Randy ang kanyang bibig para magsalita pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig.

"Kailangan dahil ito lamang ang paraan para matapos lahat ng kaguluhang ito, at mapigilan ang pagkagunaw ng mundo." ang tugon ni Odessa kay Caren.

"Matagal ng nagunaw ang mundo Odessa. Ano pa ba ang tawag mo sa kalagayan ng mga taong naririto? Ito ba ang mundo na pinangarap nila?" ang wika ni Caren. Mapapait ang bawat salita na kanyang binibitawan.

"Magtigil ka Caren!" ang sigaw ni Demetria na hindi na nakapagpigil sa nagiging ugali nito.

"Ano? Di ba tama ang sabi ng mga tao sa inyo? Nang dahil sa inyo naging impyerno ang mundong ito para sa aming mga tao! Nang dahil sa inyo hindi pa sana tuluyang nagunaw ang mundo namin. Sa tingin niyo ba tama lang ang nangyari na namatay na sina Jhayvee, si Adrian, napakabata pa nila para mamatay sa ganoong paraan, ang pagkamatay ni Alex, si Alex na ang tanging ginawa lang naman ay para iligtas si Adrian...namatay siya para iligtas lamang si Adrian." ang wika ni Caren na punong-puno ng galit na naipon sa kanyang dibdib. "...kasalanan ko, kasalanan ko! Hindi ko man lang sila nailigtas!"

Lumapit si Demetria kay Caren at hinagod ang likod ng humahagulgol na si Caren.

"Sige, ilabas mo lang 'yan, alam kong naipon lahat ng galit na 'yan dahil mas ninais mong magpakita ng katatagan sa mga taong umaasa sa atin lalo na ang mga mahal mo sa buhay." ang pag-aro ni Demetria.

Nilapitan naman ni Randy si Odessa na nanatiling nakatayo sa kanilang harapan at nakatingin kay Caren. Naiintindihan ni Odessa ang naging reaksiyon ni Caren lalo na sa mga sunod-sunod na pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. Alam niyang kahit na dumadaloy na sa dugo ni Caren ang pagiging taong-lobo ay hindi naman nawawala sa kanya ang pagiging tao. Dahil tulad niya ay nananalantay pa rin ang kanyang dugong tao kaya kahit buhay niya ay isinusugal maprotektahan lamang niya ang mga ito.

Tuwang-tuwa si Father Mexo sa kanyang nakita sa stockroom ng Cafeteria dahilan para mabitawan niya ang flashlight na kaagad naman niyang pinulot sa sahig. Saku-sakong mga bigas at nakahilerang mga iba't-ibang de latang pagkain ang naroroon kasama rin ang iilang mga sako ng asukal at harina na puwede nilang gawing tinapay. Napansin din niyang gumagana pa rin ang mga freezer dahil dinig na dinig niya ang mahinang pag-andar ng mga makina ng mga ito. Sa loob ng freezer ay may mga burger patties, hotdogs, at mga tocino na nababalutan ng makapal na yelo kasama ng mga karne ng manok, baboy at baka na sa tingin ng pari ay puwede pa rin at ligtas na kainin.

Pagpasok niya sa stockroom ay biglang sumindi ang ilaw kasabay ng pagpasok din ni Ceasar sa loob ng Cafeteria.

"Gumagana pa ang kuryente sa bahaging ito ng Maynila Father. Sa basement ay may mga generator kaming nakita kung saka-sakaling mawalan ng kuryente. ay magagamit natin. Tapos sina Danny ay may nakita silang restaurant sa left wing ng hotel at nakitang nakabukas ang isa ring stock room na punong-puno rin ng mga pagkain. May mga nakuha nga silang mga ice cream sa mga freezer na ibinigay sa mga bata na masaya naman nilang pinagsaluhan." ang masayang balita ni Ceasar sa pari.

"Natutuwa ako sa ibinalita mo Ceasar, sa palagay ko ay sasapat ang mga pagkaing ito sa loob ng tatlong linggo." ang tugon ni Father Mexo kay Ceasar na ipinakita rin ang stockroom na puno rin ng pagkain. "Marahil may iba pang stockroom ang hotel na puno rin ng mga pagkaing tulad nito Ceasar kaya kailangan pa nating halughugin ang lahat ng bahagi ng hotel." ang dagdag pa ni Father Mexo.

Pero tila hindi nasisiyahan si Ceasar sa sinabi sa kanya ng pari. Pakiramdam niya ay mayroong hindi tama sa hotel na kinalalagyan nila. May kakaiba sa grandiosong hotel na pinasukan nila.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

The Lost Clan tine द्वारा

काल्पनिक

404K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...
368K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
37.5K 922 45
(SHINEYA BOOK 2. For further information and details, read first the FIRST BOOK!) The SEARCH is over. When the secrets are unleashed, she is revealed...
38.9K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...