The Ugly Nerd of Section 3 (...

By venayarihn

1.3M 45.1K 7.2K

STORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wa... More

PROLOGUE
Chapter 1: First Day
Chapter 2: Beastmode
Chapter 3: The Bullies
Chapter 4: The Fight
Chapter 5: Jealous
Chapter 6: Responsibility
Chapter 8: Trouble
Chapter 9: Gonna Transfer
Chapter 10: Student-Teacher
Author's Note
Chapter 11: Ynari
Chapter 12: Suitor
Chapter 13: Unique Lotus Flower
Chapter 14: Disappointed
Chapter 15: 'Panliligaw Kuno'
Chapter 16: Bad Vibes
Chapter 17: Faking It
Chapter 18: Nerd with Inarah
Chapter 19: Hurt
Chapter 20: Swording with Nadz
Chapter 21: Draft Examination
Chapter 22: The Result
Chapter 23: The Deal
Chapter 24: Mathematics
Chapter 25: Confession
Chapter 26: Their Moment
Chapter 27: In a Relationship
Chapter 28: The Retake
Chapter 29: Revealed to Friends
Chapter 30: Celebration
Chapter 31: The Rules
Chapter 32: Girls' Night Out
Chapter 33: Aftermath of the Night
Chapter 34: Internship
Chapter 35: Internship Part 2
Chapter 36: Internship Certificate
Chapter 37: Sana
Chapter 38: Before the Examination
Chapter 39: After Examination
Chapter 40: One is Jailed, One is Threaten
Chapter 41: Graduation
Chapter 42: After Six Years
Chapter 43: Hours Before the Wedding
Chapter 44: Story Behind Part 1
Chapter 45: Story Behind Part 2
Chapter 46: Minutes Before the Wedding
Chapter 47: The Wedding
Chapter 48: The Reunion
Chapter 49: Finale
AUTHOR'S NOTE:

Chapter 7:Jealous Again

30.4K 1.1K 135
By venayarihn



ALONA'S POV

"Nerdy!"

Napalingon naman ako sa tumawag nun kase curious lang.

Sumigaw ba naman.

Nandito na nga pala ko sa parking lot, kararating ko lang.

Today is the celebration of the foundation day of Asuncion-del Prado University.

It's already 10 am kaya alam kong nagsisimula na ang event.

Gate pa lang kitang-kitang na ang magagandang gayak na hinanda ng mga estudyante hanggang dito sa parking lot may mga designs din.

Sa grounds kahapon pa lang, nagkalat na ang mga nakatayong booth ng bawat section from grade 7 to grade 12.

Naririnig ko na nga rin dito ang tugtugan na naset up sa iba't-ibang part ng campus eh.

Pero ang pinakabongga ang gayak ay ang gym. Formal occasion kase ang andun pero mamaya pang gabi.

Ngayong umaga dito muna sa palibot ng grounds ang mga dapat abangan.

Sa lawak nitong school, nagmukha pa ring carnival ang gayak ng lahat, lalo na at may mga nakatayong rides sa center ng napakalawak na soccer field sa likod.

Bahala na silang magtanim ng bermuda pag tinanggal na yung mga rides na yun.

"Nerdy to Earth!",kaway-kaway ni Steff ng kamay sa mukha ko.

Sya nga pala yung tumawag.

"Ang baho, layo",masungit kong taboy sa kamay nito.

"Ang arte di ka naman maganda ngayon. Haha!"

"Ano bang kailangan mo?",sabi ko tas nagsimula nang maglakad samantalang sumasabay naman ito.

"Di ka daw sumagot sa pag-invite sayo ni Yna sa pagsama samin next week sa out of town? Ayaw mo ba talagang sumama?"

Yan na naman tayo sa outing chuchu nila.

"I'm not interested"

Lalo kung wala naman si Ynari.

"Eeh? Bakit? Edi apat lang kami nyan? Sumama ka na kase para sumama din si Yna!",pagpupumilit nito na hinila-hila pa yung damit ko.

Ang arte ayaw man lang madikitan ng balat ko.

Psh.

"Wala akong kinalaman sa desisyon nya, si Aval ang ayain mo at nang sumama sya"

Totoo naman eh.

May hinihintay pa kuno.

"Ala nerdy, di mo kase gets!",maktol nito kase binabalewala ko kang sya.

"Panget lang ako pero hindi ako slow!",singhal ko dito.

Ang kulit nya ha, in fairness.

"Ala hindi kase! Pag hindi ka sumama hindi rin sya sasama!"

"Wag mo kaseng ipilit na gusto akong makasama nun. Saka ano bang kinalaman ko sa inyo ha? Nasisiraan na ba ng bait ang Section 3 tas ikaw yung naunang naapektuhan?"

"Di nga kase. Ang totoo kase nyan gu---"

"STEFFANIE!",sigaw mula sa bandang unahan namin na may hindi maipaliwanag na ekspresyon ang mukha.

Nakasimangot ito nang bongga kay Steff at nagsimulang maglakad palapit sa amin.

"A-Ano kase Yna, hmm, ah"

"Naghihintay na sina Rhea, tayo na",pagkuwan ay aya nito kay Steff tas hinila ito paalis.

"Sasama ko",pagkuwan ay volunteer ko dahil Ynari looks so dazzling in her dress.

Panigurado maraming mata ang susunod dito.

Wala akong pakialam kung hindi na ako makaamin basta ang alam ko I am so drawn into her.

Di naman ako nakarinig ng sagot sa mga ito kaya sumabay na rin ako.

Kahit saan silang magpuntang lima nakasunod lang ako.

Nililibot namin ngayon ang mga booths at sila naman ay sumusubok sa bawat games na mapupuntahan namin.

Naggagala na kami ngayon kase katatapos lang pala ng talks and such nang dumating ako kanina kaya di ko na naabutan.

Kung itatanong nyo kung anong nangyari na sa booth namin, ayun pinapabantayan ko sa mga kaklase namin.

Wala naman silang mairereklamo kase takot na lang nilang makatikim ng dahas saken.

"Girls, gutom na ko",maya-maya ay reklamo ni Ynari sa apat habang ako nama'y nagtitingin-tingin sa accessories na nasa harapan ko.

"Ahh ganun ba? Haha! Pero ano kase kumain na kami kanina bago mo kami nakita, right girls?",sabi ni Farah.

"Oo nga Yna! Alam ko na! Si nerdy di pa kumakain yan, di ba Nerdy?",baling naman saken ni Steff tas may ngising nakakaloko pa.

Kung anong trip nila hindi ko rin alam.

Ang nasa isip ko lang, shete, gusto ko kumain kasabay nya.

"Mukha namang ayaw nya, sige girls kakain na lang ako mag-isa. See you na lang mamaya",ani Ynari tas pasimple pa kong inirapan bago umalis.

Problema nya?

"Grabe si nerdy, ang haba ng hair. Hahaha!",sabi ni Donna nang makaalis yung isa.

"Bakit?",bored kong tanong kase di ko naman talaga gets.

"Gaga! Ang alam ko panget ka lang pero hindi ka tanga! Go habulin mo na, tampo na sayo yun! Hala ka",pantataboy ni Steff saken na may kasama pang tulak.

Ramdam kong ipine-pair nila ko sa kaibigan nila, pero di naman magsink in sa isip ko kung ano bang meron.

Malay ko bang trip nila kong asarin.

Pero dahil iniwan na nga nila ko, sumunod na lang ako kay Ynari na malapit na sa pwesto ng may mini carenderia booth.

"Kumakain ka pala sa ganyan?",biglang tanong ko nang makalapit sa kanya.

Naitulak naman nito ang aking mukha kase sa tenga nya ako bumulong.

Shete ang bango.

"Wala kang pake. Bakit ba andito ka?",anito at umupo na sa isang round table.

"Kakain din, bawal ba?"

"Bakit dito ka nakaupo sa tabi ko?"

"May nakalagay bang bawal makishare?"

"Marami pa namang bakante dun di ba"

"Bakit ba ang sungit mo?"

Ang sungit nya kase, lahat na lang may kontra.

Di porke't maganda sya ah.

Ang cute kase mainis.

Tang-ina, ako lang ata ang panget na ang corny corny pag nagkakagusto sa babae.

Eew di bagay.

"Bakit ang panget mo?",ganti nito sa sinabi ko.

"Mas maganda pa ko sayo baka kala mo",mayabang kong tugon kahit alam kong para saken mas maganda sya.

"Yuck! Sang banda? Dyan sa bulutong mong peke? O dyan sa kilay mong mahina ang kapit?"

"Aba namemersonal ka na ah, maghintay ka dito. I'll be back",sabi ko at mabilisang iniwan sya at nagtungo ako sa banyo.

Magpapakadyosa muna siguro ako.

Nakakahiya naman kase sa maganda kong kasama eh.

Matapos ang total removal ko sa mga peke kong disguise, lumabas na ulit ako ng cr at bumalik kung nasaan si Ynari.

"Kita mo? Mas maganda ako sayo",nagmamalaki kong sabi kahit alam kong di naman na sya nagulat.

"Wala pa rin akong pake!",masungit pa nitong balik na parang hindi naman naappreciate yung pagbabalik loob ko sa kagandahan.

"Nakakadown ka na ng confidence ah. Bakit ba galit na galit ka saken?",nakasimangot kong tugon tas matuwid itong tinitigan.

"Di ako galit!"

"Eh bakit nakasigaw ka?"

"Panget mo kase!"

Aba't panget pa din?

"Bahala ka nga, basta kakain ako. Wag kang aalis dyan",pinal kong saad tas tumayo para umorder ng pangdalawahang tao.

Di ko alam kung pagkakamali bang nagbagong anyo ako ngayong oras kase naririnig ko na naman ang walang humpay na bulungan ng mga nakakakita saken.

Hutaena, bakit ba kase ang ganda ko.

Sorry guys pero hindi po talaga ako nagbibiro.

Kahit sinong makaharap ko at makakita saken ay napapasecond look at napapatitig pa.

Wala naman kaso saken yun, wag lang akong guguluhin, kaso maiingay talaga sila.

Di ko na lang pinansin ang pagpapantasya nila saken at nagbalik rin kaagad sa pwesto ni Ynari, na mas lumala pa ata ang pagkasimangot.

"Gutom ka na talaga siguro",wika ko tas binigay na yung pagkain na para sa kanya.

Ewan ko kung pihikan sya pero hindi naman ako pumili ng exotic food eh, mga ordinary lang.

Nagsimula kaming kumain nang wala man lang umiimik kaya parang wala rin akong kasama.

Natapos kaming kumain nang hindi pa rin sya nagsasalita pero di na ko nakatiis kaya hinarap ko sya.

Nakaalis na nga pala kami sa mini carenderia.

Naglalakad na kami patungo sa iba pang mga booths na di namin nadaanan kanina.

"Bakit ba ang sungit mo saken? May nagawa ba ko?",mahinahon kong tanong tas hinawakan sya sa braso kaya napahinto din ito.

Shete, ang puso ko nagtutumalon sa rib cage ko.

Iba talaga pag sobrang lapit nya saken.

Oops may karapatan akong magmaarte at magdrama ngayon, you know maganda ako ngayon di ba.

"W-Wala",sagot nito pero nag-iwas ng tingin saken at naglakad na ulit.

"Wait lang, bakit nga?",pangungulit ko kase ewan, apektado kase ako sa hindi nya pagkibo.

"Don't mind me"

Wala na pumutok na ang pisi ng aking pasensya.

Hinayaan ko syang maglakad palayo saken pero hindi pa sya nawawala sa paningin ko ng sumigaw ako bigla.

"Tatawagin ko si Aval para sayo! Sya naman gusto mong kasama di ba?",inis kong sigaw dito.

Wala akong pakialam kung magmukha akong baliw, nasasaktan kase ako.

Bakit pag kasama nya ko, parang ang laki ng galit nya?

Di naman ako panget ngayon di ba?

Kala ko ba madali akong makaattract?

Pero bakit naman pagdating sa kanya, parang ang panget ko pa din kahit wala na yung disguise?

Kung kelang yung crush ko ang gusto kong makapansin sa akin, sya namang hindi.

Psh.

Letseng pagkakataon naman yan.

Padabog akong naglalakad palayo sa grounds at nagtungo sa parking lot matapos kong iutos sa isa kong kaklase na hanapin si Jez Aval at papuntahin kay Ynari.

Di pa kase inaming ayaw akong kasama eh.

Uuwi na lang ako!

Mamaya na lang siguro ako babalik sa party.

Yung pag-aasikaso sa booth namin naibilin ko na rin kaya I'm so free to go now.

Naiinis na pinasibad ko na paalis ng school ang aking motorbike at nag-isip kung paanong magpapapansin kay Ynari mamaya.

Di pwedeng malaos ang kagandahan kong taglay.

Kailangang mapansin nya rin ako at makuha ko ang atensyon nya.

Walang sukuan Alona Zandra!

Papalamig lang ako ng ulo.

Continue Reading

You'll Also Like

122K 5.4K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...
2.7M 70.2K 59
Si Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasam...
38.7K 784 11
The f*ck! Napakapaki-alamera ng babaeng ito! Pati ang gusto kong suotin sa sarili KONG pamamahay ay hindi ko magawa dahil sa mga pinagsasabi niya. Ke...
477K 10.3K 61
REACHED #27 IN TEEN FICTION Sobrang close si Kat sa kuya niya. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi sila katulad ng ibang mag'kapatid na nagsisig...