Magisch Academy: The Heartles...

Galing kay neverbeeninlove17

2.1M 56.5K 6.9K

WARNING: Mature Content / R-18 / SPG Akisha Raven Scott a heartless woman who found herself entering a school... Higit pa

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER (Part 1)

CHAPTER 24

31.7K 832 72
Galing kay neverbeeninlove17

LIA'S POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Hays. Wala man lang bang magandang mangyayari? Ang daming nangyari nitong mga nakaraang buwan at gusto ko ng magrelax.

Napabalikwas ako ng may kumatok sa kwarto ko ng malakas. Nalinis na din pala ito ng mga fairy keepers dito. Ang fairy keepers ay ang mga fairy na may kakayahing pagandahin, linisin at ayusin ang mga bagay-bagay. Some of they serve in the academy while the others are in the castles. All castles here have some fairy keepers.

Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin si chloe. Nakakunot ang noo niya at tila naiinip na.

"Bakit ang tagal mo naman buksan yung pinto ha? Grabe ba kalayo yung kwarto mo mula dito sa pinto at inabot ka ng siyam-siyam sa pagbukas?" inis na sabi ni chloe

"Anong siyam-siyam sinasabi mo chloe? Oa ka ha! Eh 1 minuto pa lang ang lumipas simula ng kumatok ka" sabi ko sabay irap sa kanya

"Whatever! Tara na! Kanina pa tayo pinapatawag ni headmistress ria. Kanina pa kami tumatawag sayo pero di ka sumasagot" sabi niya

"Sorry naman. Diba pwedeng nalowbat yung cellphone ko?" sabi ko

"Whatever! Magbihis kana nga ng makapunta na tayo doon sa HM office" sabi niya

Mabilis akong kumilos para magpalit at mag-ayos. Naabutan ko naman si chloe na prenteng nakaupo sa sofa at naglalaro sa cellphone niya.

"Lets go" sabi ko saka siya tumayo

Pagkadating namin sa HM office nakita namin sila raven na nakaupo at mukhang nababagot na.

"Tsk. Pa VIP" inis na sabi ni brent kaya sinamaan ko lang siya ng tingin saka inirapan. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya ngayon.

Umupo si chloe sa tabi ni troy at ako naman sa tabi ni raven. Yun na lang kasi ang bakante eh. Sa kaliwa ako ni raven habang nasa kanan niya si zach. Mukhang kami lang ni zach ang naglakas loob ng tumabi kay raven. Pano kaba naman di matatakot eh naglalabas si raven ng nakakatakot at malakas na aura. Sabi ni Mira natural na daw yan, ganyan na daw talaga ang aura ni raven kahit dati pa. Kaya nga lagi siyang napapasabak sa gulo at kinatatakutan sa kanila eh. Yun yung sabi ni Mira. Tama kayo ng basa si Mira. Well nagiging close na din kaming lahat sa kanya. Mabait at sweet naman siyang bata yun nga lang overprotective at mapanganib pag si raven na ang pinag-uusapan. Mahal na mahal niya talaga si raven.

"Okay. Didiretsuhin ko na kayo. Magkakaroon ang academy ng isang palabas at kayo ang napili ng councils na gumanap na mga bida sa palabas na iyon. Ipapalabas iyon sa buong avalor para sa darating na gods and goddesses feast" sabi ng headmistress na kinalaki ng mga mata namin

Oo nga pala! Malapit na ang gods and goddesses feast! Ito ay isang pista para sa mga diyos at diyosa kung saan baba sila mula sa olympus para magtungo dito at dumalo sa pista sa avalor. Isa itong malaki at mahalagang pagdiriwang dahil isang beses sa isang dekada lang sila bumababa dito.

"Headmistress hindi ba masyadong malaking responsibilidad ang inaatang niyo sa amin? Di lang karangalan ng academy ang nakasalalay sa gagawin namin kundi ang buong avalor" nag-aalalang sabi ni Chloe

"Malaki ang tiwala ko na hindi niyo ipapahiya ang academy at ang buong avalor. Nalaman ko rin kasi na napatay niyo ang isang miyembro ng cerberus. Ang tagal na naming hinahanap ang babaeng iyon pero masyado siyang mailap at malakas. Saka parang premyo niyo na din sa pagpatay niyo sa miyembro ng cerberus yung lugar kung saan kayo magprapraktis" sabi ni headmistress

"Saan po bang lugar yung sinasabi niyo?" tanong ko

"Sa forbidden paradise" sabi ni headmistress na kinalaglag ng panga namin

"Nagbibiro po ba kayo headmistress? Sa forbidden paradise?" tanong ni brent

I know you're curious how it is called paradise if its forbidden. Tinawag itong forbidden paradise dahil ito ang tagpuan ng forbidden couple na sila astrid at aizen. Doon sila laging nagkikita. Pero ni minsan walang nakakita kung saan sila mismo doon nagkikita. Malaki kasi ang forbidden paradise. Isa itong isla. Wala talagang pumupunta doon dahil pagmamay-ari iyon ni astrid. Walang sinuman ang nakapasok doon na nakalabas ulit. Kaya pinagbawalan ang lahat na pumunta roon. Pero noong namatay si astrid at aizen nanghina ang barrier nito kaya may mga nakapasok na. Pero may isang lugar doon na di magawang pasukin dahil sobrang lakas ng barrier na nandoon. Ang sabi si astrid at aizen lang ang maaaring makapasok doon. Ang hinala nga ng iba ay baka yun ang lugar kung saan mismo laging nagkikita ang magkasintahan. Pero kahit may mga nakakapasok na roon hindi ka parin pwedeng pumunta doon ng basta-basta. Makakapunta ka lang doon kung may permiso ka ng mga royal councils. Di pa kami nakapunta doon kahit minsan kaya nga pangarap namin noon na makapunta doon. Kasi biruin mo makakapasok ka sa isla na pagmamay-ari ng isang diyosa. Sino ba namang pangangarapin na makatapak doon o kahit masulyapan man lang diba?

"Totoo iyon. Pumayag ang mga royal counsils na pumunta kayo doon para sa pagprapraktis niyo para sa pagtatanghal sa gods and goddesses feast at bilang gantimpala sa pagpatay sa isa sa mga miyembro ng cerberus. Pero kung ayaw niyo talaga pwede ko naman itong ibigay sa iba" sabi ni headmistress habang hawak ang sobre na naglalaman na pinahihintulutan kami ng royal counsils na pumunta sa forbidden paradise

Mabilis ko iyong hinablot sa kamay ni headmistress

"Kayo talaga headmistress masyadong mapagbiro. Siyempre tatanggapin namin ang pinapagawa niyo sa amin. Right guys?" tanong ko kila chloe

"Oo nga! Saka wala naman kaming sinabing di namin tinatanggap ang pinapagawa niyo samin. Masyado kang advance mag-isip headmistress" sabi ni chloe na sinang-ayunan ni brent at troy habang ang dalawang yelo ay tahimik lang at mukha hindi interesado sa pinag-uusapan.

"Good decision kids. Now you need to packed your things right now because you'll already leave later before the sun goes down. You may go now" sabi ni headmistress magsasalita pa sana kami ng biglang sa isang iglap nasa labas na kami ng HM office.

"Alam niyo may pagkabastos talaga si headmistress eh noh?" sabi ko

"Tama ka lia. Biruin mo yun di man lang tayo pinagsalita. Pinalabas agad tayo?" sang-ayon ni chloe

"Siguro ganyan talaga kapag matandang dalaga?" sabi ko

"Siguro. Saka siguro kaya laging masungit si Headmistress rei ay dahil wala siyang lovelife at sex life. Poor headmistress" sabi ni chloe na sinang-ayunan

"Aba! Di naman tama iyon! Di porket tigang siya dahil zero ang sexlife at lovelife niya ay ibubunton niya satin ang galit niya. Di yun makatarungan" sabi ko

"Ang balita ko nga eh. Nagkaroon daw ng dating kasintahan si headmistress rei kaso lang di nag work. Naghiwalay din sila. Di ko lang alam ang exact reason at kung sino iyon" sabi ni chloe magsasalita pa sana ako ng humangin ng malakas at bumukas ang pinto ng hm office. Bumungad samin ang madilim na mukha ni headmistress.

"Bago niyo ako pag-usapan siguraduhin niyo na wala kayo sa tapat ng office ko!! At wala kayong pakialam kung zero ang lovelife at sexlife ko! Wala din kayong karapatan na panghimasukan at pagchismisan ang lovelife ko! Now Go! or else di na talaga kayo makakaalis diyan sa kinatatayuan niyo dahil sisiguraduhin kong magyeyelo ang buong katawan niyo lalo na yang mga madadaldal niyong dila!!!" galit na sigaw ni headmistress kaya tumakbo kami ng mabilis ni chloe. Napansin namin na kami na lang pala ang nandito. Iniwan siguro nila kami ng biglang sumulpot si headmistress. Napakadaya!! Sabihin niyo nga pano ba namin sila naging kaibigan? Mang-iiwan sila sa ere! Pano nila nagawa iwanan ang isang diyosa na katulad ko? How could they?

Pagtingin ko sa likod wala na si chloe. Mukhang nagkahiwalay kami sa sobrang pagpapanik namin kanina. Sino ba namang hindi magpapanik sa itsura kanina ni headmistress? Eh kulang na lang pagpira-pirasuhin niya kami sa tingin niya eh. Nakakatakot talaga si heamistress pag yung ex niya yung pinag-uusapan.

Dumiretso na ako sa dorm ko matapos ng mahaba-habang takbuhan na ginawa ko makatakas lang mula kay headmistress. Hingal na hingal pa ako pagkapasok ko sa dorm ko. Nag-impake na ako ng mga dadalhin ko para sa pagpunta namin sa forbidden paradise.

Umidlip muna ako saka ako naligo at nag-ayos ng sarili ko. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko saka ako lumabas papunta sa may gubat. Doon kasi sa may gubat kami magkikita-kita nila chloe. Pagkadating ko doon ay nandun na silang lahat kasama si headmistress.

"Kahit kailan napakabagal mo talagang kumilos Lilianna Roxell" inis na sabi ni chloe

"Sorry naman napasarap ang pagbababad ko sa bath tub eh" sabi ko saka nagpeace sign at awkward na ngumiti. Kasalanan ko bang late pala yung orasan ko.

Sumakay na kami sa mga pegasus at pinalipad ng mabilis ang mga sakay naming pegasus namin papunta doon sa forbidden paradise. Maya-maya ay nakarating agad kami doon. Napanganga kami sa sobrang ganda ng isla.


Nilapag agad namin ang mga pegasus saka bumaba. Excited kaming bumaba kami sa pegasus.

"Wow!!" bulalas naming lahat maliban lang kay zach at raven. Si zach di man halata pero makikita mo ang pagkamangha sa mga mata niya habang si raven ay wala talagang kahit anong reaksyon.

"Dalian niyo na diyan. Mas mamangha kayo sa loob" sabi ni headmistress saka naunang naglakad pagkakita namin sa kanya ay malayo na siya kaya agad namin siyang sinundan.

"Wait headmistress!! Wait for us!" sigaw namin

Tumakbo na kami papunta sa kanya. Nakita naming huminto si headmistress kaya napahinto din kami.

"Headmistress?" nakita namin siyang nakatulala kaya tinignan namin yung tinitignan niya at halos malaglag ang panga namin sa nakita namin. Wow! As in wow!! I'm really speechless!!


Napakaganda talaga ng isla na ito! Parang ayaw ko ng umalis dito! Parang gusto ko ng tumira dito! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar! May mga diwata at mga sirena pa dito! Ngayon lang ako nakakita ng lugar na halos lahat ng mga nymphs ay nasa iisang lugar lang. Nymphs ang tawag sa mga diwata, sirena, fairies at ibang pang mga mythological spirits.

"Hanggang dito ko na lang kayo masasamahan. Yan ang portal papasok sa pinaka loob ng paraiso. Mag-iingat kayo at galingan niyo sa pag-eensayo. Wag niyong bibiguin ang mga mamamayan ng avalor" sabi ni headmistress tumango na lang kami at pumunta na roon sa portal.

Habang naglalakad kami papuntang portal ay ngumingiti ang mga nymphs pero biglang nag-iba ang ngiti nila ng makita si zach. Yung ngiti nila kanina ay parang pagbati lamang sa pagdating namin doon pero noong nakita nila si zach parang may iba sa ngiti nila na di ko matukoy. At ng makarating kami sa dulo ay napansin naming wala si raven kaya lumingon kami sa likod. Nakita namin siya na nandoon parin sa dulo at di gumagalaw.

"Raven? May problema ba?" sigaw ko sa kanya dahil malayo siya siyempre di niya ako maririnig. Bigla naman siyang napailing. Ano bang problema ni raven? Ang wierd niya. Well dati pa naman talaga siyang wierd. Mas lalo lang siyang naging wierd ngayon.

Nagsimula na siyang maglakad. Nakita naming natigilan ang mga nymphs ng makita si raven. Biglang nagsiluhudan at yumuko ang mga nymphs.

What the heck is happening here? Bakit yumuyuko at lumuluhod ang mga nymphs kay raven? Hindi kaya dahil sa aura niya? Alam niyo namang nakakatakot at sobrang lakas ng aura na nilalabas ni raven diba? Ang mga nymphs ay kilala sa pagiging mabait, sweet ngunit mapagmataas nilang ugali.

Nang makalapit si raven sa amin ay agad namin siyang inusisa.

"Bakit lumuhod at yumuko ang mga nymphs sa iyo Raven? Did you hypnotize them?" tanong ko

"No. I didn't do anything. Don't ask me why they are acting like this because I also don't know the answer. I'm confuse just like you" sabi ni raven

Nagkibit balikat na lang kami at humarap sa portal at pumasok sa loob. Naramdaman naming para kaming hinihigop papunta sa kawalan. Minulat namin ang mga mata namin ng makaramdam kami ng lupa.

Sa ikatlong pagkakataon ay nalaglag ang panga namin pero sa pagkakataong ito pati mata namin nalaglag sa sobrang ganda. Maraming beses na akong nakapunta sa mga magagandang lugar dito sa avalor. Pati nga ang pinakamagandang lugar sa avalor ay napuntahan ko na. Pero walang iyong lahat at hindi makokompara sa sobrang ganda ng lugar na ito. Hindi nakakapagtaka na ganito ito kaganda dahil likha ito ng isang diyosa.

Nagulat kami ng biglang sumulpot ang isang magandang fairy elf sa harap namin. Meroon siyang green na buhok, mata, damit at pakpak. She's gorgeous! Meroon itong kasamang lalaki na elf mas matangkad siya doon sa babae. Meroon itong white na buhok green na mata, damit at pakpak. He's so damn hot!

Nakangiti ang babae ng matamis pero hindi yung lalaki mukha siyang masungit. Ni hindi man lang ngumingiti. Hays. Mukhang madagdagan na naman ang emotionless na kilala namin ah.

Isa-isa nila kaming tinignan ngunit natigil iyon ng makita nila si zach. Ano bang problema ng mga nymphs dito at nagiging wierd sila pagnakikita si zach lalo na si raven? Nakita kong kuminang ang mata ng babae ganun din ang lalaki ngunit agad rin iyong nawala.

Inalis nila ang tingin kay zach pero natigilan ulit sila ng makita si raven. Mababakasan ng pagkagulat ang mga mata nila. Yung kaninang walang ekspresyon ng lalaki ay kababakasan din ng pagkagulat.

"Is there any problem?" malamig na tanong ni raven dahilan para mabalik sa reyalidad ang dalawa. Nagulat kami ng bigla siyang yakapin ng dalawa.

"If you don't get off me I will bring you two to hell" malamig na sabi ni raven kaya naman napakalas ang dalawa at umatras.

"Totoo nga" sabi ng babae

"Anong totoo nga?" tanong ni chloe kaya napalingon siya samin tas napatigil ulit ang tingin niya kay zach. Umiling siya tas ngumiti ng matamis mas matamis pa sa ngiti niya kanina. Kahit yung lalaking fairy na kaninang walang ekspresyon ay nakangiti na din ng matamis. Tumikhim naman ang babaeng diwata.

"Ipagpaumanhin niyo di pa pala kami nakakapagpakilala. Ako si Zyrene at siya naman ang kakambal ko si Klein" sabi ni zyrene at ngumiti siya na ang nagpakilala sa kapatid niya dahil busy ito sa kakatitig kay raven. Mukhang may nabihag na naman sa kamandag ni raven ah.

"I'm Chloe"

"I'm Troy"

"I'm Brent"

"Ako naman si Liliana but you can call me Lia sila naman si Zach at Raven" sabi ko ng makitang parang walang interes magpakilala si raven at zach

"Ikinagagalak naming makilala kayo" sabi ni zyrene

"It's my pleasure to meet you Raven" sabi ni klein saka hinawakan ang kamay ni raven at hinalikan ang likod ng palad nito

Nakita ko namang napalibutan ng maitim na aura si zach at brent. Nakakuyom na ang kamao ni zach habang nakatingin ng masama ganun din si brent. Parang anytime susugudin na nila si klein.

Bakit ba lahat ng gwapo kay raven napupunta? Maganda din naman ako ah! Di nga lang kasing ganda ni raven. Ano nga bang laban ko sa kanya? Genius at meroong ganda na pinagsamang aphrodite at helen of troy o baka nga mas maganda pa siya sa kanila eh. Ang problema nga lang kay raven masama ang ugali. She's mean, harsh and blunt.

Napailing naman si zyrene sa inasal ng kakambal.

"Tama na iyan Klein kung gusto mo pang mabuhay. Alam mo naman na dati pa lang mainit na ang dugo niya sayo kaya di na ako magtataka if anytime ay lumabas na siya para patayin ka" sabi ni Zyrene at binigyan ng knowing look si klein

Winiksi ni raven ang pagkakahawak ni Klein sa kamay niya. Binigyan niya ng cold look si klein. Yun pa nga lang normal look niya nakakatakot na at napakalamig na yun pa kayang cold look? This guy really wanted to die.

"Touch me again. I assure you, you'll turn to ash without you knowing it" sabi ni raven saka nilabas ang katana niya

Namutla naman si klein sa sobrang takot. Kahit din naman ako pag ginanyan ni raven baka mamutla din naman ako o di naman kaya ay mahimatay ako sa sobrang takot. Napangisi naman sila zach at brent. Tsk. Mga lalaki nga naman talaga oh oh.

"Raven ipagpaumanhin mo na ang nagawang kalapastanganan ng aking kakambal. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa kanya" sabi ni zyrene at yumuko pero di naman siya pinansin ni raven

Pero imbis na magalit si zyrene sa inasta ni raven ay ngumiti pa ito. Ang wiwierd talaga ng mga nilalang dito sa forbidden paradise.

"Hali na kayo. Ihahatid namin kayo sa mga kwarto niyo" sabi ni Zyrene at saka naunang naglakad kaya naman sinundan namin siya agad. Mahirap na noh. Mawala pa kami dito kahit na napakaganda ng lugar na ito di parin kami makakasigurado kung safe ba dito sa lugar na ito.

Huminto kami sa isang malaking mansion. Oo mansion talaga. Pwede na nga siyang ikumpara sa isang palasyo sa laki. Ito lang yung nakita naming nag-iisang bahay dito sa isla. Pumwesto siya sa tapat ng bahay at binuksan ang pinto para sa amin.

"Pasok kayo" sabi niya

"Salamat" sabi namin bukod kila zach at raven ngumiti lang si zyrene sa amin.

Pagkapasok namin ay namangha na naman kami sa sobrang ganda. Grabe! Lagi na lang ba kaming mamangha sa mga makikita namin ngayong araw? It's just simple but it is full of elegance! It's homely.

Ito ay may 4 na palapag. Ang mga kwarto namin ay nasa 2nd floor. Habang ang kwarto ni zach at raven ay nasa 3rd floor. Marami pa namang kwarto dito sa 2nd floor ah. Bakit kailangan ihiwalay pa silang dalawa? Tingin ko mukhang may special treatment na nagaganap dito.

"Just feel at home okay? Don't hesitate to call us if you need something. There's only one rule that you need to follow if you wanted to stay here longer" sabi ni Zyrene nag-iba naman ang aura nilang dalawa ni klein.

"What is it?" tanong ni zach habang nakakunot ang noong nakatingin kay klein

"Don't ever come up on the 4th floor" nagbabantang sabi ni klein at nakatingin din ng masama kay zach

"And why is that? Is there anything that you're hiding from us?" mapanuring tanong ni zach

"Yes and that's none of your concern, Prince Ash. We let you all inside but it doesn't mean that you can go anywhere you wanted. You should know where you stand. You're just a visitor here" sabi ni klein at pinagdiinan ang Prince Ash kaya mas lalong tumalim ang tingin sa kanya zach.

Nagulat kami ng piningot ni zyrene si klein.

"Aray! It hurts! Damn it! Let go off me!!" daing ni klein at kami naman ay pinipigilan naming matawa dahil mukhang sasabog na si zyrene

"You should respect THEM! Sa oras na makalabas siya siguradong mananagot ka!" sabi ni zyrene

Ako lang ba o talagang parang may iba pa silang tinutukoy doon sa them na sinabi nila?

"Fine! Let me go!" sabi ni klein kaya naman binitawan na siya ni zyrene

"I deeply apologize for my twin's behavior. Sadya lang talagang noong pinanganak siya ng mga magulang namin ay nalaglag siya at una ang ulo kaya ganyan ang ugali niya" sabi ni Zyrene tututol pa sana si klein ng takpan ni zyrene ang bibig niya

"Okay lang. Pero ano ba talagang meroon sa 4th floor at bawal kaming umakyat doon?" tanong ko.
Tumingin muna si Zyrene kay raven at zach bago napabuntong hininga

"Doon kasi ang dating kwarto ni Goddess Astrid at Prince Aizen at pinagbabawal ang kung sino man na pumasok doon maliban sa kanilang dalawa" sabi niya

Naspeechless naman kami doon. So dito tumutuloy noon ang forbidden couple.

"We understand" sabi ni zach ngumiti lang si zyrene pero masama parin ang tingin ni klein kay zach

"Sige maiwan na namin kayo" sabi ni zyrene pero mukhang ayaw pa ni klein na umalis dahil nakatitig parin siya kay raven. Napairap naman si zyrene at kinaladkad ang kakambal niya.

"Sige. Salamat" sabi namin at ng tuluyan na silang makalabas ay humarap ako sa kanila.

"Magpahinga muna tayo ngayong araw. Bukas na tayo magsimula magpraktis" sabi ko na sinang-ayunan agad naman nila.

Pumunta na kami sa mga kwarto namin at nagpahinga. Naghalf bath ako para makapagpalit ng pantulog. Tumalon naman ako pahiga sa kama ko. This day was really exhausting.

I hope everything will be fine tommorrow. Hopefully there will be no trouble happens during our stay here.

----------

To be continued....

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

208K 7.9K 52
BLUE SERIES #3 I am a Princess but never live in a fairytale. My eyes were wakened up by how cruel our world is. I'm different from others. Others on...
6K 606 65
One day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took...
460K 13.3K 70
Book 1: The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED) She has the Legendary Curse yet have a Legendary Powerful magic. She can make a person into stone...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...