Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4.1K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 15

71 5 0
By zieeerendipity

"Aleighna, if you are on our places, maiintindihan mo kami," ani Chastity at kitang-kita ko sa mga mata niya ang halos pagmamakaawa, "I have been here for quiet some time. I have seen a lot, Aleighna. I have met a lot of people along the way and that's what making me want to save them more."

Tila wala na akong mainitindihan sa mga sinasabi ni Chastity. Halos-pigil hininga ko siyang tinitingnan. 

"If only I could run again as the vice president, Aleighna, I would surely do. But I can't. Hindi nila hahayaan iyon. Mawawalan ako ng kapit sa academy. Magiging isang normal na estudyante na lamang ako. Itong blue badge na to?" she said out of frustration and pointed her chest, "After my term, magiging itim na to. Ngayong nasa posisyon kami wala kaming nagawa, Leigh. What more kung mapapalitan ng black badge 'to? We'll lose it."

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat na sabihin sa kanila! Damn it! Wala na akong makapa na kahit na anong salita! Hindi ba ito ang hinihintay ko? Ang unti-unting malamang kung ano ang nangyayari rito sa Heartfilia Academy? Pero bakit ngayong nasa harapan ko na ang katotohanan ay tila gusto ko na itong ipagtabuyan? Na para bang hindi ko kailanman hinangad ito? Just damn it. 

Kuminang ang lumandas na butil ng tubig sa pisngi ni Chastity at kaagad niya naman itong pinunasan. 

"Ga-graduate na rin naman kayo, hindi ba? Iiwan niyo na rin naman to in two years," halos gusto kong kainin ang aking dila dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling.

"You are right, Leigh. We should be happy for that. But I, myself, cannot. Not even a little, Aleighna. Not even a little," sagot ni Joseph at pinahiga nito ang sarili sa upuan. 

"They are holing us Leigh that even if we leave and go far from here we still cannot loosen," dagdag niya pa na tila lalong nagpagulo sa akin.

"We need saving, Aleighna. At wala na kaming nakikitang pag-asa. But you came, Leigh," pahayag ni Chastity habang namumula ang mga mata.

Bahagya nitong kinurot ang aking puso. She was holding back from crying.

"Aleighna," pagbagsag ni Joseph sa katahimikang bumabalot sa loob ng silid, "If my theory is right, among all of us here, it is Nazaire who needs to be saved, a lot. Because they are using and holding him too tight on the neck."

Mas lalong umurong ang dila ko dahil sa sinabi ni Joseph at tila bumalik ako sa detention office.

Sa unang beses na nakita ko sa Kylan. At narinig ko mismo kung bakit hindi niya magawang patayin si Nazaire dahil masyado itong mahalaga sa mga Heartfilia. At kanina... nang sabihin niya kung gaanong dapat na maging alerto si Nazaire sa lahat ng oras.

"Aleighna, please do not tell Louise anything about this," paalala ni Joseph sa akin nang wala na ni isa sa amin ang nagsalita at nagpaalam na rin ako sa kanila. 

Bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang mga sinabi ni Chastity. 

"Please give yourself a time to think about this, Aleighna. We will help you out. Promise. Just... please, Leigh. Please..."

Hindi ko na siya nilingon at kaagad nang lumabas doon. Agad akong napakapit sa railings ng hagdan ng nang makalabas mula roon. Pakiramdam ko ay wala nang mapagsidlan ang kirot na nasa puso ko. Unti-unti kong naramdaman ang namamalisbis na init ng tubig sa aking pisngi.

Kaagad akong napaayos sa pagtayo at tila binalot ng kaba ang buong katawan ko nang makarinig ng tunog ng metal at mga yabag malapit sa akin. 

"You cannot get away now, Bernards," kaagad na naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo sa aking katawan, "You have no one know here to help you. Look at yourself, bleeding. Helpless."

Hi-his voice. Iyon ang lalaking nagbanta sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan nang marinig ko ang ilang pagdaing ni Nazaire. 

"Now, I want you to beg. Gusto kong marinig ang pagmamakaawa mo!" sigaw ng lalake.

"I don't do fucking begs," rinig kong saad ni Nazaire na may diin sa bawat salitang binibitawan niya. 

Kinakabahan man ay dahan-dahan akong naglakad palapit upang makita ang nangyayari at halos mapasinghap ako sa bumungad sa akin. Nakahawak si Nazaire sa pader bilang suporta at ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa duguan niyang tiyan. 

"Now, bid goodbye to your beloved academy," ani ng lalaki at kaagad itinaas ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo.

"WAG!" buong lakas kong sigaw at lumabas ako mula sa kinaroroonan ko at sa aking na nakatuon ang pareho nilang atensyon.

Narinig ko ang ilang mura galing kay Nazaire nang maaninag ako. I could not bear seeing him that way. I could bear seeing anyone that way!

"Aleighna Lowrie," aniya at kasabay nito ay ang pagkinang ng hawak niyang kutsilyo. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil katulad nang una ko siyang makita ay natatakpan ito ng kanyang hoodie.

"Stay away from her," ani Nazaire na kaagad nagpatigil sa lalaki mula sa paglalakad papalapit sa akin.

"Get out of here, Lowrie. Now!" kasabay ng pagsigaw ni Nazaire ay nakita ko ang pagbaon ng kutsilyo sa kanya at sakto namang paglabas nina Joseph at Chastity.

"Nazaire!" kitang-kita ko ang mabilis na pagtakbo ng dalawa upang makita kung ano man ang nangyayari at napahawak sa Chastity sa kanyang bibig nang dahil sa gulat.

Kaagad namang tumakbo si Joseph palapit sa dalawa at napigilan niya ang muling pagkakasaksak nito kay Nazaire.

"Chastity, hanapin mo si Axel at Justine. Bilisan mo. Hanapin mo sila," gulat man sa pangyayari ay kaagad siyang tumakbo. 

Kaagad akong humanap ng maaaring ipanlaban sa lalake at naalala ko ang tubo na nakita ko sa silid. 

"Don't you fucking lay a hand on them," rinig kong banta ni Nazaire ngunit sa bawat salita niya ang pagdaing dahil sa mga natamong saksak.

"You cannot threaten me now,  Nazaire. You are nothing now but a helpless individual."

Kaagad akong tumakbo at pinalo siya ng tubo nang nag-amba itong sasaksakin si Joseph. Dahil sa magkahalong takot at kaba ay agad ko itong nabitawan matapos na dumapo sa kanyang likuran at kaagad niyang hinawakan ang bahaging iyon ng kanyang katawan at nilingon ko. Kaagad akong napaatras nang lumingon siya sakin at kitang kita ko ang paglandas ng galit sa kanyang mga mata.

"I told you to fucking get out of here, Lowrie! Stay away from her, you bastard!" rinig kong sigaw ni Nazaire. 

Joseph was already unconscious at lalo itong nagpalakas ng kalabog sa aking dibdib. Nazaire is badly bleeding. Ni hindi na siya makatayo. Ngayon, sa bawat pag-atras ko ay siya namang paghakbang ng lalaki palapit sa akin.

"Binalaan na kita, Aleighna Lowrie. Ngunit hindi ka nakinig sa akin," aniya at nakita ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa kutsilyo. 

Bigla ko na lamang naramdaman ang pader sa aking likuran. I knew that time, that it was the dead end for me.Pumikit na lamang ako dahil sa kawalan ng pag-asa nang itinaas niya ang kanyang kamay at handa na akong saksakin. Sa halip na kirot sa katawan ang maramdaman ko ay narinig ko ang nakakabinging tunog ng tubo na bumagsak. 

Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang namumutlang si Nazaire at ang lalaki ay nakahiga na sa sahig habang iniinda ang sakit ng bahagi ng katawan niyang tinamaan.

"Stay out of danger for once," ani Nazaire at kasabay nito ay ang pagbagsak ng katawan niya sa akin at kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakatayo sa likod ni Nazaire ngunit bago pa man niya muling masaksak si Nazaire at isang putok na ng baril ang pumailanlang at agad siyang bumagsak sa sahig.

Nang marinig ang boses nina Justine at Axel ay doon ko lamang naramdaman ang bigat ng katawan ni Nazaire. Bagsak ang buo niyang katawan. At tila maghuramentado na ang aking dibdib sa lakas ng kalabog nito.

"Jax, tumawag ka ng ambulansya. Bilis!" rinig kong utas ni Weiss at nakita ko kung paano niya pinagsusuntok ang lalaki kasabay ng pagmumura.

Napaupo dahil sa bigat ng katawan ni Nazaire na nakahilig sa akin.

"Nazaire. Nazaire." Paulit-ulit na saad ko sa kanya at agad na dumalo si Warnell at Axel habang inaawat nina Jax at Justine si Weiss.

"Nazaire," kabadong saad ko sa kanya habang paulit-ulit na tinatapik at inaalog siya. 

I knew what I was doing was useless. Be he needed to wake up! He was losing too much blood.

Hindi ko naintindihan ang mga sumunod na nangyayari hanggang sa dumating ang dalawang ambulansya. Nasa kabilang ambulansya si Joseph at parehong mabilis ang mga takbo nito. Justine was trying to calm me down. Muntik na akong hindi papasukin kanina rito sa ambulansya dahil bawal di umano ngunit nagpumilit ako at salamat na lamang kay Justine. 

Ang dami nilang itinurok sa katawan ni Nazaire. Nilalagyan ng paunang lunas ang kanyang mga sugat. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko ay binalot ng luha ang aking mukha. Hindi na ako nakasama sa hospital ni Dr. Zaiede dahil hindi raw ako pwede roon. Noong una ay nagpumilit ako ngunit maging si Justine ay sinabihan na akong hindi talaga pwede. Kung kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang tingnan ang papalayong ambulansya.

It has been two weeks and three days since that incident. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng aking dorm habang hinihintay na magbukas ang katapat ko. But for more than two weeks of doing this, nothing ever happened. Walang Nazaire na lumalabas o pumapasok sa silid sa aking harapan.

Naglakad na ako palabas at nang madaan ko Miss Gryzel ay malungkot niya agad akong nginitian.

"Wala pa rin siya Aleighna," aniya kahit wala pa akong sinasabi.

Sa loob ng dalawang linggo ay palagi kong tinitanong si Miss Gryzel kung dumating ba si Nazaire. Ngunit iisang lang ang sagot na palagi niyang ibinibigay sa akin. Wala pa rin siya... Wala na naman siya. 

Marahil ay nagtataka na si Miss Gryzel kung bakit palagi kong hinahanap si Nazaire. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Agad kong nilanghap ang hangin na sumalubong sa akin nang makalabas ako ng building.

Isang normal na araw ito para sa lahat. Ngunit sa akin ay hindi. Walang nakaalam sa mga nangyari nang gabing iyon. Tanging kami lang na mga naroroon. Madalang ko na lang din na makita sina Joseph at Axel dito, kaya hindi ko rin sila matanong kung kamusta na nga ba si Nazaire. Palagi rin akong pumupunta sa Circle. Nagbabakasakali na  makita si Warnell doon at matanong kung nasaan si Nazaire. Pero wala. Ilang beses din akong naghintay sa labas ng atriu extension. Nagbabakasakali na magbukas iyon at makikita ko si Nazaire. Ngunit wala rin.

Nang matapos ang morning classes ko ay napagpasyahan kong pumunta na muna sa Student Affairs Service Office. 

"Ang haba ng bakasyon ni President Nazaire, ano? Nakapag-take kaya siya ng midterms?" 

Kaagad akong napalingon sa mga nakasalubong ko nang marinig ko iyon at mapait akong napangiti. That is the story that is circulating around the campus, that Nazaire is on vacation. I wonder kung kamusta na siya. Hindi mabuti ang lagay niya noong huling beses kaming nagkita. Madami ang dugong nawala sa kanya kaya hindi ko mapigilang mag-aalala.

Tinahak ko ang kabilang bahagi ng academy kung nasaan ang SAS Office. Napapalingon ako sa ilang mga sasakyan na nagsisidatingan. Marahil ay galing sila sa family outing o ano. Tapos na rin kasi ang midterms namin kaya maaari na kaming lumabas ng campus. Ibinalik na rin ang signal ng mga telepono at maging ng internet ngunit hindi ko pa rin natitingnan ang aking cellphone. 

Muli kong nagpatuloy sa paglalakad. Payapa. Payapang tingnan ang Heartfilia Academy, ngunit ang isang pader nito ay tila nawawala. Si Nazaire. 

Minsan ay nakikita ko si Kylan at ang ilan sa mga kasamahan niyang nakakahibalubilo sa alon ng mga estudyante. Isang beses ay tinawag niya ako ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin. Kung titingnan si Kylan ay mukha namang hindi nalalayo ang kanyang edad sa mga estudyanteng nandito. Malaya silang nakakaapak dito dahil wala si Nazaire.

Napabuntong-hininga ako bago ko silipin ang langit. Bakit ko nga ba hinahanap ang presensya nila rito sa loob? Kung tutuusin ay wala naman dapat akong pakialam eh. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Dahan-dahan kong binuksan ang double door papasok sa SAS Office at ang limang taong nadadatnan ko noon noong nagco-community service ako ay dalawa na lamang.

"Gosh! Aleighna Lowrie! Ayusin mo nga yang mukha mo. You look so damn devastated!" bungad sa akin ni Chastity nang makita niya ako at narinig ko pa ang pagtikhim ni Joseph.

Nakabalik si Joseph, isang linggo matapos ang insidenteng nangyari. Mabuti na lamang ay daplis lang sa kutsilyo sa kanyang braso ang kanyang natamo. Pagbalik niya ay may maliit na bandage sa kanyang ulo at ito marahil ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Nang magpang-agaw sila ay aksidentend tumama ang kanyang ulo pader.

"Wala pa rin ba kayong balita?" tanong ko sa kanila at parehong pag-iling lamang ang sinagot nila.

"Si Louise, Seph?" tanongko rito dahil madalang ko na lang ding makita si Louise rito sa campus. Madalas din siyang wala kapag pumupunta ako sa dorm niya.

"I don't have news about her. Same as Xyrielle, hindi niya na rin daw nakakausap si Louise."

"It's time for you to cool down, Aleighna Lowrie," ani Chastity at hinila na ako palabas ng SAS Office.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang hindi niya pa rin ako tinitigilan sa panghihila. Nakikita kong pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante.

"Mall. Wala akong afternoon class and I checked yours at wala ka rin," sagot niya at napairap na lamang ako sa kawalan.

Sinusundan pa rin kami ng tingin ng ilang mga estudyanteng nakakasalubong namin ni Chastity. Marahil ay hindi pa rin sila sanay sa aming dalawa na magkasama.

Since that incident, hindi na ako nilubayan pa ni Chastity. At dahil hindi ko alam kung nasaan si Louise ay kami na ang palaging magkasabay sa lunch. Marahil ay isa na rin sa dahilan na pareho naming alam ang nangyari kung kaya't magkasama. Hindi namin ito maaaring ikwento sa iba.  It is Nazaire Bernard's rule.

Kaagad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan palabas sa Heartfilia Academy. Tahimik kaming pareho buong byahe hanggang sa tumigil kami sa isang mall hindi kalayuan sa academy. 

Simula noong pumasok ako sa Heartfilia Academy, ngayon lamang ako muling nakalabas, at sobrang gaan nito sa pakiramdam.

"You know what Leigh, I had always been that girl who ruins everything along her way," nagulat ako nang biglang nagsalita si Chastity habang kumakain kami ng ice cream.

"My previous school could no longer tolerate me that was why my parents, particulary my dad, decided to send me in Heartfilia Academy," aniya at tahimik lang akong nakinig sa kanya.

"Ang sabi ni daddy, madidisiplina raw ako roon. First year ko roon, I was still the same girl. Hanggang sa unti-unti akong binago ng mga tao roon. At first I thought I was just running as vice president because of the fame. Because I want to control them. I want to control everyone. That was why I did everything to win. I owned the triumph. Afterwards, reality slapped me real hard. Something happened. And it changed me. It was Nazaire. He was my game-changer."

Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanya. I could not imagine her previous life and I did not want to.

"I kept on sabotaging all his projects that aim to protect everyone in the premises. Until I saw him at the couch inside the SAS Office. He was so depressed Aleighna. Ilang estudyante ang muntik nang mapahamak dahil sa akin. That moment I saw him was also the same moment that my walls collapsed. It made me realize na hindi lang ako ang tao rito sa mundo. Sobrang dami pa."

Nakita ko ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata at kasabay ng paghinga niya ay ang pagbagsak nito.

"I was so distanced with other people. Ni hindi ko inisip ang kapakanan ng iba. It had always been all about my self. How selfish I was! Simula noon sinabi ko sa sarili ko na tutulong ako sa kahit anong paraan para maprotektahan kayong lahat. I told that night, na hindi ko alam kung kalaban din ba si Nazaire but after what happened during that same night? I don't think he is. Everything then hit me back. Nazaire had been sacrificing his own self for the sake of the academy."

Naramdaman ko kung gaano kumirot ang aking puso sa mga salitang binitiwan niya.

"Restless days. Tireless nights. That is Nazaire's life inside the academy."

I told Chastity to just drop me as soon as we arrived at the campus and good thing na agad naman siyang pumayag. Naglakad-lakad lang ako at pinagmasdan ko ang first floor ng main building kung saan sinaksak si Nazaire.

Mariin akong napapikit nang maalala ang mga daing niya nang gabing iyon. Kahit na may saksak siya at duguan ay inisip niya pa rin ang kapakanan ng iba. Is he obliged to serve here?

Kaagad na naagaw ng pansin ko ang ilang aninong maingat na naglalakad sa ground floor. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinuntahan ito. Hindi ko mawari kung ano ang kanilang ginagawa rito. 

"Move fast, turltle!" utas ng isa at pamilyar ang boses na iyon sa akin.

"Turtle your fucking your ass! Shut the hell up!" si Jax ba iyon?

"Tangina naman kasi bakit ba tayo dito dumaan? May sarili tayong daanan man!" It was Warnell.

Nang bahagya kong silipin ang dalawa ay nakita kong papalapit na sila akin. 

"Aleighna?"

"Shit!"  Kaagad akong napalabas sa pinagtataguan ko nang mapapitlag ko dahil sa naramdaman kong kamay na dumampi sa aking balikat.

"I'm sorry, Leigh. Ano ba kasing ginagawa mo rito?" 

Kaagad na nawala ang kaba ko nang mapagtantong si Axel iyon. Nang mapalingon ako sa direksyon nina Jax ay nanlaki ang mga mata nito na tila hindi alam kung anong ang gagawin kaya't agad na napakunot ang aking noo.

"Sinong andyan?" ani Axel nang marinig ang mga yabag ni Warnell ngunit huli na ang dalawa sa pagtatago dahil nakita na sila nito.

"What the hell are you two doing here?" kunot-noong tanong nito sa dalawa.

"This crazy friend of yours got sick of dealing with Nazaire kaya naisipang maghanap ng thrilll. Fuck Jax! I fucking look like a fucking thief!" mariin akong napapikit nang marinig ang malulutong na mura ni Warnell.

"Damn people. Kaya ni Nazaire ang sarili niya. Pwede ba?" 

Agad akong napamulat nang muling marinig ang pangalan ni Nazaire. Hindi ko man sila natitingnan ay kaagad na silang nag-iwas ng mga tingin and that frustrated me even more.

"Guys please. I know I am not in the place to ask but I need to at least know how is he doing."

Wala ni isa sa kanila ang sumagot. Nanatiling tahimik ang paligid at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Guy? Please. I am begging. Tell me," saad ko sa mahinang boses.

Ngayon ko lang muling nakausap si Axel matapos ang nangyaring iyon kaya umakyat muli ang pag-asa kong malaman kung kamusta na ba si Nazaire ngayon.

"I saw it with my goddamn eyes how that person stabbed him multiple times. That even if he was hurting so bad, he remained the Nazaire Bernards that everyone looked up to. I was there when he loses blood and do you think I am having a peaceful sleep at night after seeing that? Damn people! I saw how helpless he was. So please. Just tell me. Gusto ko lang malaman ang kalagayan niya ngayon."

Pumiyok ako sa gitna ng pananalita ko but screw it! Tuwing naaalala ko ang mukha ni Nazaire nang gabing iyon ay paulit-ulit akong hinahabol ng aking konsensya. And that I should have done something to stop it! To save him! But I just stood at the corner and watch him suffer! 

"Girlfriend ka ba niya?" 

"Jax!"

Kaagad kong narinig ang sabay na pagsaway nina Warnell at Axel ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin. Ang gusto ko lang ngayon ay malamang kung kamusta na si Nazaire.

"What? I'm just asking because she's too worried. Miss, to be honest with you, Nazaire's still unstable. Nakaratay pa rin siya..."

Hindi ko na nasundan ang iba niya pang mga sinabi matapos ang tatlong salitang binitiwan niya.

"Nazaire's still unstable." 

Continue Reading

You'll Also Like

55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
48.8K 1.8K 36
In which flora mikaelson is reborn in to Harry Potter older twin sister Kol mikaelson x fempotter Please leave a comment Love y'all-rose No mine
225K 4.8K 18
حسابي الوحيد واتباد 🩶 - حسابي انستا : renad2315
249K 48.3K 128
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...