The Temporary Girlfriend Book...

By tearscream

340K 7.5K 471

More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
When It All Started [Red's POV]

Chapter 27

5K 108 1
By tearscream

Chapter 27

Lumabas ako sa kotse ko at napatingala. Ang ganda ng panahon. Hindi masyadong mainit at malakas ang simoy ng hangin. Parang ang sarap mag sun bathing. What if wag na lang akong pumasok ngayon at magpa-tan na lang ako dito sa labas? :P

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Gustuhin ko mang magsun bathing ngayon, wala akong dalang bikinis and sunblock at baka maka-attract ako ng atensyon at mabansagang may tililing.

Pumasok ako sa Essence. Alas 2 pasado palang kaya medyo marami-rami pa ang tao. Naglakad ako papunta sa bar. Andun kasi si Ed at nagpupunas ng wine bottle.

"Pakwan, wag masyadong magconcentrate sa pagpunas ng bottle. Masyado mong kinakarir ah," sabi ko sa kanya habang umuupo sa stool. Hindi man lang ako pinansin.

"Oy, pakwan."

"Oh?" sagot niya habang binabalik yung bottle ng Grenache sa cellar.

"Bakit ang sunget mo? Uuuy!"

"Bakit ang kulet mo? Ano ba kelangan mo? Busy ako."

"Psh," humalumbaba ako at tumingin sa paligid to make sure walang makakarinig sa akin. "Nga pala, may sasabihin ako."

"Ano?" hindi man lang niya ako tinignan at kumuha ng bottle ng Madeira.

"Nakita ko si Kath." pagkasabi ko nun, napatigil siya at tinignan ako.

"Tapos?"

"She's... she's engaged--"

"I know."

Magsasalita pa sana ako pero nagregister sa utak ko yung sinabi niya.

"Alam mo? Alam mo tapos di mo sinabi sa akin?!"

Ibinalik niya yung bottle sa cellar and leaned dun sa counter. Akala ko kung anong gagawin sa akin eh, pinitik ba naman ang noo ko?!

"Kahapon ko lang nalaman. At nasaan ka ba kahapon? Diba nagpaka-kartero ka?"

"Kahit na! Sana tinawagan o text mo ako! Nagmukha tuloy akong tanga kanina!"

"Sorry, nalimutan ko," bumalik na siya ulit dun sa ginagawa niya. Kahit di niya sabihin, obvious naman na malungkot siya sa nangyari. "Anong sinabi mo nung nagkita kayo?"

"Wala."

"Wala?" ulit niya dun sa sinabi ko.

"Wala. Nagulantang ang buong pagkatao ko pagkarealize kong yung Kath na hinahanap naten eh fiancée ng kaibigan ko. Buti na lang nga at na-rescue ako ni Pula kanina kundi napagkamalan na akong tumakas ng mental," sabi ko ng nakasimangot.

"Talaga lang ah?"

Tumingala ako at nakita ko siyang may plastered na grin sa mukha.

*sigh* Totoo naman eh. Nung pinakilala ni Chris si Kath, walang nagregister sa utak ko. Kinakausap nga nila ako pero nakatulala lang ako at walang masabi. Dumating din si Red at nung makita akong nawalan ng kaluluwa, hinila na niya ako para sumakay sa elevator. Nag-offer pa nga na dalhin daw ako sa clinic pero natauhan din agad ako at bumalik ang kaluluwa ko sa katawan. Feeling ko nga, napagkamalan na nila akong sinapian. Kakahiya. =__=

"So, anong plano mo?" tanong ko kay Ed pagkatapos.

"Plano? About what?"

"About Kath. Gusto mo bang kausapin siya or what?"

"Nah. Ayoko ng abalahin siya. Ayokong maging sagabal."

Tinitigan ko lang si Ed. Ang small naman kasi ng world, diba? Si Kath na hinahanap ko, nakita ko nga, engaged naman. At kanino? Sa kaibigan ko pa! Kay Christian! Wawa naman tong si Ed. Yung taong matagal na niyang mahal, may iba na palang mahal. Ang sad ng life!

"Ang unfair ng world! Bakit ganyan? Paano na lang yung kwentong pag-ibig mo? Hay. Wag kang mag-alala, Ed. Marami pang crabs sa dagat. Mahahanap mo rin yung crab na karapat dapat sayo."

Binigyan niya ako ng what-the-heck? look, "Ano ba yang sinasabi mo? High ka ba? Nilalagnat?" pinakiramdam niya yung noo ko using his palm. Tinanggal ko rin naman agad ang kamay niya.

"Anubey! Gasgas na kasi yung fish na ginagamit noh! Tsaka masarap kaya ang crabs!"

"Ewan ko sayo. Para kang lechon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw?!

"A-ako? Lechon?! Ang seksi ko na lang nga! Grabe ka talaga, Ed!" naglean ako para sana mabatukan siya pero... ang ikli ng braso ko. Di ko siya maabot.

-__-

"Umalis ka na nga dito, talong. Storbo ka."

Light bulb. "Ed, gusto mo bang hanapan kita ng date? Pwedeng isa sa mga kaibigan ko o baka..." napahinto ako sa pagsasalita upon seeing his face. Mukha talagang may balak siyang lechunin ako.

"Ayokong makipagdate sa isa sa mga kaibigan mo. Malay ko ba kung gaya mo, may sapi din sila."

"Grabe ka. Kapag talagang nakipagdate ka sa isa sa mga kaibigan ko, ililibre mo ako ng isang dosenang cake!"

He rolled his eyes and threw his hand in the air before answering me. "Fine. Matahimik lang kaluluwa mo. So kung wala ka man lang gagawin kundi ang guluhin ako, pumunta ka na sa office mo at may bisita ka."

Napataas ang kilay ko. Bisita? Sino naman? Tumayo na ako at hindi na tinanong kay Edward kung sino yung tinutukoy niya. PMSing ata yun eh.

Naglakad ako papunta sa office ko. Pagkabukas ko ng pinto, may nakita akong nakahiga dun sa couch. Di ko makita yung mukha ng taong yun kaya lumapit ako dun at...

"Giezel?"

Umupo siya ng maayos. "Vee!"

Inilapag ko yung bag ko sa coffee table at umupo across from her.

"Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho?"

"Nag half day lang ako. Si Henry kasi! Kinukulit ako na magplano para sa date nila ni Riri! Hanggang sa office di pa rin ako tinitigilan! Kaya andito ako, para mag-unwind."

"Mag-unwind sa office ko? Ibang klase din ang pag-unwind mo ah?" tumayo ako at pumunta sa mini kitchen ko. Kumuha ako ng tubig sa fridge at naglagay sa baso.

"Tinawagan ko nga sina Danna at Lili pero hindi man lang sila nakisimpatya. Porke't may mga boyfriend sila, di na nila ako pinapansin!" pinagsusuntok niya yung throw pillows ko.

Nilagok ko yung laman ng baso ko bago tumingin sa kanya. "May boyfriend din ako."

"Ay, talaga? Nasaan? Ah, ayun oh. Nasa picture frame. Yeah, right, Vee. Wala naman yung lalaking yun dito!"

I sighed. "Ano bang gusto mong gawin ngayon?"

She smiled wickedly, "Outletting."

"Oooh, me likes. Pero bago yan, kumain muna tayo't nagugutom na ako. Libre mo nga ako, Gi."

"Tara. Masyado akong nairita kay Henry, nalimutan ko ng gutom pala ako."

Lumabas kami ng office ko at naglakad papuntang main dining. Umupo kami sa isa sa mga vacant tables.

"Saan ka pala galing at wala ka kanina dito pagdating ko?"

"Sa Views. May nadagdagan akong trabaho eh."

"Ooooh. Nakita mo si Red?"

"Unfortunately, yes. Kasama siya sa isa sa mga nadagdagang trabaho ko."

"Kung maka-'unfortunately' ka naman noh. Kung ako lang nabigyan ng chance, matagal ko ng nilandi si Red--" binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin, "--pero siyempre di ko ginawa at never kong gagawin. Ahe-he-he."

Dumating naman si Kuya Al para kunin yung order namin. Narinig ko pang nag-'wooh' si Gi na parang super relieved siyang dumating si Kuya Al. Deep inside, nagbubunyi ako kasi nagawa kong takutin si Gi. XD

"Chiken-fried steak with maraming kanin po kuya tsaka choco mousse, tubig at cola. Salamat," sabi ni Gi.

"Pareho lang kami kuya pero one cup rice lang sakin. Pagpasensyahan mo na yan, Kuya Al. Broken eh."

Naramdaman kong sinipa ako ni Gi kaya sinipa ko rin siya. Kala niya, siya lang marunong? Nyaha.

Inulit ni Kuya Al yung order namin saka umalis na.

***

Nasa isang shoe shop kami ni Gi. Last stop bago bumalik ng Essence. Naglalakad kami sa isang aisle na puro platform shoes ang display.

"Ano pala ang nadagdagan na sa projects mo?" tanong ni Gi habang tumitingin dun sa mga sapatos.

"Cosmetic. Bellarina."

Napaangat naman agad ang ulo niya pagkarinig nun. "Really?! Gosh. Wow. As in WOW! Mula sa mukha ng ibang artista eh mukha mo na ang makikita ko sa next issue ng magazine?!"

"Yeah. Malapit na nga ang shoot eh. Pero gravy, ang mukha ko ay makikita na sa mag ng Bellarina!"

"Aabangan ko yan. May free products ka, diba? Bigyan mo ako ah. Alam mo naman, kuripot tayo. Umaasa sa freebies!"

Tumawa lang kaming dalawa at pinagpatuloy yung pagtingin sa mga platform shoes dun. Kinuha ni Gi yung isang pink suede platform shoe with gold ribbon as main design nun. Ang cute nung sapatos! Sinuot niya yun.

"Bagay ba?" tanong niya habang tinitignan dun sa mirror na nasa harap namin yung sapatos na nasa left foot niya.

"Very much. Tingin ko nga babagay yan sa kahit anong damit na susuotin mo e."

"May tiwala ako sayo since pareho tayo ng taste," tinanggal niya na yung sapatos mula sa paa niya at magsasalita na sana ng,

"Gigi?"

Napatingin kami ni Gi sa nagsalita. At tadhana nga naman oh, si Rianne pala.

Magsasalita na sana si Gi ng may dumating ulit. At kapag nang-aasar ang Fate, si Henry pa ang kasama.

"Oh? Giezel, andito ka pala kaya di ka ma-reach sa office," Henry turned to me, "Hi, Violet."

"Hi," sagot ko.

Rianne eyed the shoe na nasa kamay ni Gi. "Ang cute naman niyan, can I try it? Can I try it?"

"Uhmm... sure," Gi handed the shoe to Rianne and she immediately tried it on.

"Oh, bagay sa paa ko. Bibilhin mo ba, Gigi? Can I have it?"

Napatingin kaming tatlo kay Gi. Oh gosh. I know na anong sagot niya.

"Sure."

Napailing ako. Napatingin ako dun sa isang isle at kinuha ko yung isang white suede platform shoe with gold accents. Nagandahan agad ako dun kaya tinignan ko yung size. Size 5 lang to e 6 kami ni Giezel.

Tinawag ni Rianne yung isang sales assistant. Tinawag ko rin yung isa pang agent para humingi ng size 6 at dumiretso na sa counter.

Pagkatapos magbayad ni Rianne, sinunod naman yung akin. Inabot ko yung card ko dun sa babae at hinintay na ibalot nila yung binili ko.

"Thank you, ma'am," inabot sa akin yung card ko at yung cardboard bag.

Inilagay ko muna yung card sa wallet ko at inabot yung carboard bag kay Gi.

"Baket? Ako papakargahin mo niyan?"

I rolled my eyes. Minsan talaga, may pagka-slow ang babaeng to.

"I'm giving it to you. Nagandahan ako dito kaya I know magugustuhan mo rin. Regalo ko sayo."

Binitawan ni Giezel lahat nung hawak niyang mga bags at tumalon sa akin. Muntik pa kaming matumba!

"Wee, I love you na talaga, Vee!"

"Geez, get off! I know na you love me but, please, di tayo talo!"

Binitawan niya ako at natawa kaming dalawa.

"Hmmm. Ayoko na nitong binili ko."

Napatigil kami sa pagtawa ni Gi. Nalimutan kong andito pa pala ang dalawang to.

"Bakit naman? Bagay naman yan sayo ah? Saka maganda naman yan," sabi ko kay Rianne.

"Pero mas maganda yung binigay mo kay Gigi. Model ka kaya alam mo mga magaganda sa hindi."

"Alam mo, Rianne, minsan, yung pagdedesisyon sa mga bagay, dapat base sa iniisip mo o nararamdaman mong makakabuti sayo. Minsan dapat ikaw yung gumawa ng desisyon para sa sarili mo. Buhay mo kasi yan eh. Hindi sa akin. Hindi kay Henry at lalong lalo na, hindi kay Giezel," pinulot ko yung mga bags ko at tinignan si Rianne,

"Gaya ng sapatos. May mga sapatos na bagay sa paa ko, may mga sapatos na babagay sa paa mo. Pero merong mga sapatos na pwedeng bagay sa paa mo pero di babagay sa paa ko. Magkaiba kasi yung mga tao. Pero kung di naman pala bagay sa paa ko at di ko naman talaga gusto, bakit ko pa ba bibilhin? Bakit ko pa ba kukunin kung meron naman mas deserving na kunin ang sapatos na yun. Do I make sense? Ang akin lang naman, kung di mo talaga gusto, wag mo ng ipilit. Kasi, nasasaktan ka na nga, pati yung mga nasa paligid mo, nasasaktan pa. Sige pala, mauuna na kami."

Nagslight bow ako tsaka hinila si Giezel at lumabas na sa shop na yun. Walang umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Alam mo, medyo magulo yung explanation mo pero nakuha ko. Bakit sinabi mo yun?"

Inilagay ko sa trunk yung mga bags namin at pumasok sa driver's seat. I started the engine at nilingon si Gi.

"She's being unfair."

"Unfair? Kanino naman siya unfair?"

"Sa mga tao sa paligid niya." nagsimula na akong magdrive paalis ng mall.

"Hindi kita ma-gets! Explain further!"

"Sa tingin ko, hindi naman talaga niya gusto si Henry. Gusto niya lang si Henry kasi gusto mo si Henry. Parang dun sa sapatos kanina. Gusto niya lang yung sapatos na binili niya kasi gusto mo yun pero nung binigay ko na yung shoes sayo at alam kong magugustuhan mo yun, ayaw niya na dun sa binili niya at mas prefer niya yung binigay ko sayo. Make sense?"

For a minute, natahimik si Gi. Parang nagccontemplate tapos biglang sinabi niya,

"I think it has something to do with our past. You know, once, she fell for this guy. Pero nalaman niya na ako yung gusto ng lalaking yun. Maybe, yun yung rason ng lahat ng to. Kasi iniisip niya, lahat ng lalaking gusto niya, yung gaya ko ang gusto. Kaya ginagawa niya to... para maging ako. Funny turn of events. Pero... di naman kasi porket gusto mo, makukuha mo na agad diba? Maybe... you deserve better."

Maybe you deserve better. Nagpaulit ulit na nagpplay sa utak ko ang sinabi ni Gi. Pero, paano nga ba ako maniniwala dyan kung I know who's BEST for me pero hindi naman magiging akin?


 --

Vincent Alessandro Wee at the right side. Handsome, eh? :D

Continue Reading

You'll Also Like

407K 6.3K 84
BREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka n...
1.4M 48.9K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
735K 22.4K 44
Love plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.
1.9K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...