Split Again

By JellOfAllTrades

1.5M 42.3K 9.5K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... More

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 28

19.8K 906 335
By JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 28

"Hey, we need to talk."

Napalingon ako kay Hail. Tapos na kami magsulat ng research paper ko at marami siyang naitulong sa akin. Inabot na kami ng gabi and Hail is planning to stay the night.

"About?"

"Your dad."

Nagpakawala ako ng buntong hininga at umupo sa tabi niya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"I can take you to the Familia compound if you like. Member pa rin naman ako."

"Tapos ano?"

"We can talk to this uncle Howard that Alexa mentioned."

"And then what?"

Nagkibit balikat si Hail. "I don't know. We'll find out from there."

Tiningnan ko siyang mabuti. "Hail, pag pumunta tayo doon that means I'm accepting the possibility na anak nga ako ng isang Familia Olympia member. Pag napatunayan nating anak nga ako ni Henry, anong susunod? Magiging miyembro na rin ba ako ng Familia?"

"Genesis, you're already part of the Familia Olympia, whether everybody else knows it or not." Paliwanag ni Hail. "Members aren't indoctrinated there or what. They get accepted into the family by blood or by marriage. And you have it by blood."

"Eh pano kung ayoko?"

"Then don't participate." Agad na sagot ni Hail. "They'll probably pester you with invitations but they'll eventually get tired of it after a while."

"Ano yung sinasabi ni Alexa about the Rayleighs being one of the first families? Ano yung pure blood na sinasabi niya? Parang Harry Potter lang eh."

Natawa si Hail sa sinabi ko. "I don't really remember much about the Familia Olympia history. But Alexa did mention four families di ba?"

"Imperial saka Castor lang naaalala ko."

"Chauvin ata yung isa."

"Ano, four houses of Hogwarts?"

Natawa ulit si Hail sa paghalintulad ko sa Familia Olympia sa Harry Potter. "So, anong house ka?"

"Ravenclaw ako. Wag ka nga."

Natawa si Hail sa sagot ko. "Niiiiice. Ravenclaw din ako!"

Humiga ako sa kama. "Ano daw house ng mga Rayleigh?"

"Chronos daw."

"Sino ulit si Chronos sa myths?"

Umayos ng upo si Hail sa kama para makaharap siya sa akin. "Tatay nila Zeus, Poseidon at Hades. Siya yung hari before Zeus overthrew him."

"Siya ba yung kumain sa mga anak niya?"

"Yep. That's him." 

"Ang pangit naman ng house ng mga Rayleigh." Kinuha ko si Capt. Barry at niyakap.

"Well, I think it's fitting considering na may ari daw ng isang watch brand ang pamilya mo." Sabi naman ni Hail. "Kronos watches di ba?"

"Pano naging fit yun?"

"He's the Titan of Time. Also, his rule was called the Golden Age." Paliwanag ni Hail.

Naalala ko si Raegan. House Zeus siya at Imperial ang mga ninuno niya. Kabilang ang pamilya niya sa first families ng Familia Olympia.

"Si Raegan," panimula ko, "Imperial ang middle name niya."

"Oh, so pure blood din siya?" 

"What is it about pure bloods?"

"Genesis, the Familia is all about family and tradition. Kung ang pamilya mo ay isa sa first families, then your family has one hell of a history. "

Napapikit ako, nararamdaman ang pagod sa pagsusulat ng ilang oras. "So kung pure blood Rayleigh ako at pure blood Imperial si Raegan, then we both have a long family history?"

"Yes."

"Familia Olympia din si Katarina."

"Anong house niya?"

"Apollo ata."

"Oh." Napatigil si Hail. "Kamag anak ko?"

Napatingin agad ako kay Hail. "Oo nga noh?! Apollo ka nga rin pala!"

"For the record, hindi lahat ng taga-Apollo ay katulad niya."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Of course, I know that. Kaibigan ko sila Dan at Roland Miraber."

"Oh yeah, right. I remember you asking me about them when we first met."

"Pang ilang house ka sa Apollo?"

"Third House. Si Katarina ba?"

"I'm not sure. Sixth ata or eighth." Sagot ko. "Di ko maalala kung napagusapan ba namin ni Raegan yun. Basta ang alam ko nasa lower house na siya."

"Mataas pa naman yung sixth or eighth house. Basta pasok ka sa first ten houses. If you're lower than ten, minor house ka na."

"Pang ilang house kaya si Henry?"

"Malamang first house yun. Rayleigh siya eh."

"So, first house ako?"

"Yes." Ngumiti si Hail sa akin. "Mas mataas pa pala posisyon mo kesa sa akin, Lady Genesis."

"Shut up." Tinakip ko si Capt. Barry sa mukha ko. Naalala ko yung mga kasambahay ni Raegan. Lady Genesis din ang tawag nila sa akin noon. Nung nagpatawag akong Gene, Lady Gene or Ma'am Gene naman ang sunod na tinawag nila sa akin.

Natawa si Hail. "You know, if you want Raegan back, tama si Alexa. You have a better chance of getting the Order of the Kings' approval than Katarina."

Ibinaba ko si Capt. Barry mula sa pagkakatakip sa mukha ko. "Dahil sa house ko?"

"Yes." Sagot ni Hail. "Also, the fact na Rayleigh ka and Imperial si Raegan is a big plus. If the two of you have kids, macocontinue yung blood line niyo."

"Baka yung blood line ko lang. Raegan doesn't want to get pregnant."

"True. Name lang makukuha ng bata from Raegan."

Natigilan ako. Naalala ko bigla yung plano ni Raegan. "Except may naka-store na sperm yung kuya ni Raegan sa ibang bansa. She told me she wants to use that to get me pregnant."

"Ohhh, then that would make her related to your child." Manghang sabi ni Hail. "That's smart."

"But that plan was made a long time ago." Umupo ako. "Raegan is with Katarina now. Engaged na nga sila eh."

"Talaga?" Tanong ni Hail. "Nagpropose na si Raegan kay Katarina?"

"Well, not really. Plano lang ng Order of the Kings."

"Inannounce na ba?"

"Hindi pa. Sa 21 daw iaannounce sabi ni Alexa."

"Yun ba pinagusapan niyo ni Alexa?" 

Tumango ako. "Alexa wants me to go back to Raegan before iannounce yung engagement. Kasi pag inannounce na daw, wala nang makakapigil sa Familia from making it happen."

Natahimik si Hail. "So, babalikan mo ba?"

Napakunot ang noo ko. "Seryoso ka ba?"

"I'm just asking." Tinaas ni Hail ang parehong kamay niya to tell me she doesn't mean anything else.

"Of course not."

"Sure ka?"

Umiwas ako ng tingin. "Oo naman."

Hindi nagsalita si Hail at siya naman ang humiga sa kama. "Genesis?"

"Yeah?"

"Mahal mo pa ba siya?"

Hindi agad ako nakasagot.

"Just a yes or no, Genesis." Sabi ni Hail. "You don't have to explain yourself if you don't want to."

"It's been months," mahinang sabi ko.

"Yes or no?" Pilit ni Hail.

Bumuntong hininga ako. "Yes."

Ngumiti si Hail. "Knew it."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pano mo naman nalaman?"

"It's easy, really." Sagot ni Hail. "Ang game mo kasi pag usapan yung Familia Olympia at yung possibility with Raegan and Katarina. Nawala na sa isip mo na yung tatay mo yung pinaguusapan natin."

"Hindi ba pwedeng sinusundan ko lang yung line of thought? Kung Familia Olympia ang tatay ko, who else can we talk about na member din ng Familia? Di ba si Raegan lang?"

"Ummm, I'm right here?"

"Inactive ka naman."

"Good point. But don't stray away from the topic. Mahal mo pa si Raegan."

"Bakit ikaw, mahal mo pa rin si Amatheia."

Umayos ng upo si Hail. "My story is very much different from yours, Genesis."

"Magkaiba nga, pero pareho naman tayong broken hearted dito?"

Sinamaan ako ng tingin ni Hail, yung brown at green eyes niya lalong nagmumukhang mata ng pusa. "At least ako alam ko pag pwede na kaming magkita gagawin ko ang lahat para maging kami. Eh ikaw?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Genesis, pag bumalik ba si Raegan sayo babalikan mo siya?"

"Don't ask for the impossible."

"Hey, it's possible." Balik ni Hail. "C'mon, humor me."

"Honestly?"

"Honestly."

"Hindi ko alam."

"Hindi mo ba talaga alam o umiiwas ka lang sa tanong ko?"

Niyakap ko ng mas mahigpit si Capt. Barry. "Hindi ko nga alam."

"So, 50-50?"

"Kinda?"

"Bakit naman?"

"Mahal ko pa siya pero hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya."

"You know, we never really got to talk about what she did to you." Sabi ni Hail. "How exactly did she cheat on you? What's the story?"

"Hindi ko pa ba naikukwento sayo?" Napakunot ang noo ko. Ang tagal na namin magkakilala, akala ko nasabi ko na sa kanya.

"Nope. You just told me you broke up with her because she cheated on you with her ex who happens to be your boss." Kwento ni Hail. "I never asked for details kasi you're still obviously hurt about it. Fresh pa kasi."

"Nag away kami. Someone sent her pictures of me with a friend tapos sabi niya nagchicheat daw ako. Umalis ako tapos pinuntahan niya yung ex niya. Hinanap namin siya ni Alexa kasi she's not exactly safe on her own, you know, suicidal siya because of her depression." Kwento ko. "Nakita namin siya sa condo niya sa La Salle."

"And?"

"She's having sex with Katarina."

"Oh." Natameme si Hail sa kwento ko.

"I left the scene. After a whole day of thinking about it, nakipagkita ako sa kanya and broke up with her for good."

"Well, that explains a lot."

"She never really said sorry about it."

"If she said sorry, would you take her back?"

"I don't know. But it would make me feel a lot better."

Muling humiga si Hail sa kama at humiga na rin ako. Pagod na ako. Ang daming nangyari ngayong araw.

"You know, sometimes I wish I just fell in love with someone else." Mahinang sabi ni Hail. "Someone who would love me back the way I want to."

"We can't have everything, Hail. Alam mo yan."

"Bakit ikaw, di mo ba naisip yun?"

"Not really." Sagot ko at humarap sa kanya. Maliit lang ang kama ko kaya magkalapit kami pero nakapagitna sa amin si Capt. Barry. "My thoughts were mostly 'bakit nangyari sakin to?' and 'pano niya nagawa yun?'"

"Pano kaya nila nasisikmura yun?"

"Ang alin?"

"Mag-cheat."

Naisip ko si Raegan. I didn't really think kaya niyang gawin sa akin yung nagawa niya. But then again, si Oli kasi yung personality niya noong mga oras na iyon. But at the same time, kung loyal talaga si Raegan sa akin, gagawin niya ang lahat para labanan si Oli at para hindi matuloy yung nangyari sa kanila ni Katarina.

Oo, nagdugo yung ilong niya at nawalan siya ng malay nung nakita niya kami meaning nag-lalaban na sila ni Oli sa ulo niya. Ganoon kasi sila nila Rae at Gan dati. Pero hindi pa rin kasi sapat na late na lumaban si Raegan. Dapat noong simula pa lang ay lumalaban na siya.

"Hindi lang ba talaga sila marunong makuntento or there's something else?" Tanong ni Hail.

"Ego."

Lumingon sa akin si Hail. "Ha?"

"It's just my theory. But I think cheaters cheat because of their own insecurity. They boost their  self esteem by having multiple partners."

"Or makati lang talaga sila."

"Pwede rin. Pero think about it. Di ba ang sarap sa pakiramdam na gusto ka ng gusto mo?"

"Don't ask me, I have no experience on that."

Natawa ako sa sagot ni Hail. "Imagine mo na lang tulad ng pag imagine mong mahal ka ni Amatheia."

"Ang sama mo sakin."

"Joke lang po. Anyway, ayun. If you feel good na gusto ka ng gusto mo, wouldn't you feel even better at yourself kung maraming magkakagusto sayo?"

"Again, no experience, no comment."

"You're not getting the point."

"I get your point." Sagot ni Hail. "Pinapatawa lang kita."

"Hindi ako natatawa."

"No shit, Sherlock!" Sarkastikong sagot ni Hail.

"Elementary, dear Watson." Kinindatan ko siya.

Kumunot ang noo ni Hail. "Don't do that again. Hindi bagay sayo."

Hinampas ko si Capt. Barry sa kanya. "Wow ha!"

"Aray ko ah!" Inagaw ni Hail si Capt. Barry at niyakap niya ito.

"Give him back!" Sinubukan kong agawin pabalik si Capt. Barry pero mahigpit ang yakap ni Hail dito.

"No!"

"Pareho kayo ng pinsan mo." Humalukipkip ako. "Mang-aagaw."

Tinulak ni Hail si Capt. Barry sa akin. "Wow lang ah! Wow lang talaga, Genesis!"

Natawa ako sa offended na itsura niya. "Joke lang."

"Magtotoothbrush na nga ako. Bahala ka jan."

Tumayo na si Hail at kinuha yung gamit niya sa bag. Tumayo na rin ako para kunin yung banig at extra pillows na nakatabi sa cabinet ko.

Habang nasa CR si Hail ay inaayos ko yung hihigaan niya sa paahan ng kama ko. Ganito na ang set up namin every time magoovernight siya dito sa amin. 

Kakalapag ko lang ng kumot sa unan na gagamitin niya nang bumalik si Hail sa kwarto. 

"Hey, I had an idea sa CR." Panimula ni Hail.

"Ano yun?"

"Why don't I take Dra. Beltran to Lucena to meet this uncle Howard?" Suhestiyon niya. "Tapos sila ang mag-usap?"

Pinag-isipan ko yun saglit. "Won't work. He'll still want to meet me."

"Figured. But what if si Doktora na yung umasikaso sa issue na to? You'll just be a prop?" Patuloy ni Hail. "Not that you're an item, but more like a proof na totoo yung sinasabi ni doktora?"

"And then what?"

"Well, you'll get the attention that you so rightfully deserve as a Rayleigh."

"Hail, I'm not asking for attention."

"Then what do you want?"

Pinagisipan ko yung tanong niya. "I don't know."

Walang sinabi si Hail sa sagot ko kaya kinuha ko na yung towel ko at yung damit na susuotin ko pang-tulog. Dumiretso na ako sa CR at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Ano nga bang gusto kong mangyari now that I know the truth about my father?

Never naman ako naghanap ng father figure. I have Papa's name and for ten years before kinwento ni Mama sa akin si Henry, I was contented with just the two of us. Mabait sa akin si tito Ramir and he told me dati na if I ever needed a dad to attend school activities with, I can always call him.

Pag tinatanong ako ng mga kaklase ko dati kung asan ang tatay ko, proud akong sabihin na sundalo siya at namatay siya serving the country. Never ako nalungkot na hindi ko siya nakilala kasi binigay sa akin ni Mama at ni tito Ramir lahat ng kailangan ko.

Oo, sampung taon akong galit kay Henry kasi akala ko iniwan niya kami. I can forgive him na kasi hindi naman niya ginustong mamatay at di kami mabalikan, pero si Howard. Bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Mama na namatay na si Henry? Bakit siya nagsinungaling? 

Well, I can find out if we talk to him.

And then what? Tatanggapin niya ako? Ipapa-DNA test niya ako? Tapos ano? Magpapalit akong apelyido? 

Genesis Rayleigh.

Napailing ako sa naisip ko. Hindi bagay ang Rayleigh sa akin. Masyadong foreign pakinggan. 

Genesis Luces?

"Gaga ka talaga," bulong ko sa repleksyon ko sa salamin. As if naman magiging Luces ako.

Naghubad na akong damit at tumapat sa shower. 

=============

"Ingat ka sa pagdidrive!" 

"Yes po." Ngiti ni Hail. "Bye!"

Sumakay na siya sa kotse niya at pinanuod kong umandar ito at umalis. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa bahay. Sa sala ay naabutan ko si Mama na hinihintay ako. I guess she wants to talk to me about everything we learned about Henry.

Pinaupo niya ako sa tabi niya. Ilang minuto ang lumipas pero walang nagsalita sa amin.

"Ano nang plano mo?" Panimula ni Mama.

"Hindi ko po alam."

"Ayaw mo bang bisitahin siya?" 

Huminga akong malalim. "Gusto."

"San ba siya nakalibing?"

"Sa Lucena po."

Tumango si Mama. "Puntahan natin siya?"

Napatingin ako kay Mama, naluluha siya. Kakaisip ko sa nararamdaman ko hindi ko na naisip kung anong nararamdaman ni Mama. Minahal niya si Henry and after all these years, ang alam niya ay iniwan siya nito. Hindi niya alam na namatay pala ito kaya hindi na nakabalik. Niyakap ko siya.

"I'm sorry kung hindi ko agad binuksan yung envelope." Naiiyak na rin ako. Nasasaktan ako para kay Mama. Never ko pa siya nakikitang umiyak. She's always been so strong hindi ko na naisip na nahihirapan at nasasaktan rin pala siya.

"Okay lang, anak." Hinalikan ako ni Mama sa noo at naramdaman kong may tumulong luha sa sentido ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. 

Twenty years old na ako. Isama mo pa yung ilang buwan na pinagbuntis niya ako. Pinagpatuloy ni Mama ang buhay niya for almost twenty-one years thinking na iniwan siya ng totoong ama ko. Masakit yun. But now we know na namatay si Henry, mapapaisip siya kung ano nang buhay namin ngayon kung hindi siya namatay.

Malamang Rayleigh ang apelyido naming dalawa.

Isabelle Maya Ramos-Rayleigh at Genesis Ramos-Rayleigh sana ang pangalan namin ngayon. Siguro mas maaga ko nakilala si Raegan at ang mga kaibigan niya. Siguro mayaman kami. Hindi siguro kami dito nakatira sa Taguig. Baka may sarili kaming mansyon sa kung saan.

"May pasok ka ba sa Sabado?" Pinunasan ni Mama yung mga luha ko. Pakiramdam ko bata ulit ako na nadapa at nasugatan sa tuhod.

Umiling ako.

"Puntahan natin si daddy mo?"

Daddy. It sounds weird but fitting all at the same time.

Binigyan ko si Mama ng isang maliit na ngiti. "Okay po."

============

To Dr. Hailey Cadwell:
Call me pag hindi ka na busy. May sasabihin ako.

Sinend ko na yung text at nahiga sa kama ko. It's been a really long day. Matapos ang paguusap namin ni Mama ay nag ayos na ako para sa trabaho. After ko naman magtrabaho ay diretso ako sa Assumption College para sa Masters class ko. Gabi na ako nakauwi at alam kong may trabaho pa si Hail. Malamang bukas na siya makakatawag sa akin.

Dr. Hailey Cadwell calling...

"Hello?" Agad na sagot ko sa tawag niya.

"Hey, Genesis."

"Akala ko may shift ka?"

"Kakatapos ko lang mag-operate." Sagot ni Hail. "I'm done for the day."

"Kumusta?"

"It went well. Stable condition na si patient. For recovery na lang."

"Congratulations on another successful operation, Dr. Hail."

Naramdaman ko ang pag-ngiti ni Hail sa kabilang linya. "Thank you, Dr. Genesis."

Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi pa ako doctor, wag kang excited jan."

"But you have plans di ba? Tanggapin mo na lang. Magiging doctor ka rin in the future."

"Fiiiiine," sagot ko sa sinabi niya. Nahawa na ako sa habit niya na paghaba ng words.

"What did you want to talk about pala?"

"Gusto ni Mama pumunta ng Lucena."

"Talaga? Kelan daw?"

"Sa Sabado."

"Gusto mo bang samahan ko kayo?"

"Kahit hindi na. Bibisitahin lang naman namin yung puntod ni daddy."

"Daddy," pansin ni Hail sa tawag ko kay Henry, "you're calling him daddy now?"

"Sabi ni Mama daddy ko daw si Henry so I'm gonna call him that. May problema ba?" Depensa ko sa sarili ko.

"Nope." Agad na sagot ni Hail sa kabilang linya. "Anyway, sasama ako. Whether you like it or not."

"Wala ka bang trabaho?"

"I'll figure something out."

"You don't have to come, Hail. I know busy ka rin."

"Genesis, I want to come with you and doktora." Sabi ni Hail. "Isn't that why you wanted me to call? You need me?"

"No," tanggi ko. "I texted you kasi I need your advice."

"Advice on what?"

"I kind of want to take Mama kay Howard."

"Really?"

Bumuntong hininga ako. "If there's anyone in the world that wants answers more than I do, si Mama yun. I was too selfish nung hindi ko agad binuksan yung envelope ni daddy. I owe this to Mama."

"Umm, I don't think you need my advice, Genesis. You sound like you've made up your mind about it na."

"Weh?" Napatigil ako at inalala yung sinabi ko. "Shet, oo nga noh?"

Natawa si Hail sa kabilang linya. "Then that settles it. I'm going with you to Lucena para makapasok ka sa Familia Olympia compound."

"You don't have to, Hail." Sagot ko. "I can figure out a way to get inside without your help."

"Okay, how are you gonna do it then?"

Nagisip ako saglit. Pwede ko tawagan si Alexa for help. Pero alam ko ipupush niya yung issue to get me back together with Raegan. Pwede ko rin naman tawagan sila Dan or Leah. Pero for sure magtatanong sila and if that happens, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Si Hail lang ang best chance ko para makapasok sa compound.

"Wala kang maisip noh?"

"Meron naman, pero medyo complicated."

"Admit it, Genesis. You need me."

"Pfft, fine. I need you, Hail."

Tumawa si Hail sa kabilang linya. "Okay then. I'll fix my schedule and then we can talk about this Lucena trip afterwards. Update kita before Thursday about sa schedule ko."

Napangiti ako sa eagerness tumulong ni Hail. "Thank you."

"Saka ka na magpasalamat pag andun na tayo."

"Teka, pano ka pala papapasukin dun kung inactive ka naman?"

Natawa ulit si Hail sa kabilang linya. "Eh di mas lalo nila akong papapasukin dun. They'll think I'm going to be active again."

"Oh, okay."

"Anyway, don't worry about it, Genesis. Ako bahala dun."

"Okay."

"Sige na, I gotta go. Matulog ka na rin. Late na. Bawal ka magpuyat." Paalala ni Hail.

"Yes po."

"I'm serious, Genesis. Anemic ka na. Are you eating properly?" Naging seryoso ang tono ng boses ni Hail. 

"Opo, doc." Napangiti ako.

"Don't forget to eat healthy foods and to eat on time. Like I said before, bawal magpuyat." Paalala ni Hail. "Doctor's orders."

Natawa ako sa sinabi niya. "Okay po, okay."

"Wag mo akong tinatawanan, Genesis. Pag nalaman kong di mo sinusunod yung utos ko isusumbong kita sa nanay mo."

"Ano ka, six years old? Sumbongera?"

"Seryoso kasi ako?!"

"Oo na. Sinusunod ko naman yung utos mo eh." Sagot ko sa kanya. "Wag ka na maistress sa akin."

"Good."

"Sige na, inaantok na rin ako." Pagpapaalam ko. "Itext mo na lang ako."

"Okay, good night, Genesis." 

"Good night, Dr. Hail."

Nang matapos ang call namin ni Hail ay naalala ko si Alexa. Nagpromise ako sa kanya na tatawagan ko siya pag nakapagdesisyon na ako sa susunod kong hakbang. Pero nag aalangan ako kasi maeexcite siya masyado at ipupush niya ulit sa akin si Raegan.

Buti pa si Alexa, kinakausap ako. Si Raegan nagtago na lang sa katauhan ni Oli. Ni hindi niya ako maharap after ng nangyari. Duwag.

Bukas ko na lang siguro tatawagan si Alexa. Pagiisipan ko muna kung anong sasabihin ko sa kanya.

Kinabukasan, nagpatuloy ako sa araw ko na iniisip si Alexa at si Raegan. Pero lumipas ang mga araw at hindi ko pa rin tinatawagan si Alexa. Napagdesisyunan kong ayoko muna siya kausapin. This business about me being a Rayleigh is not about Raegan. Hindi ko to ginagawa para makipagbalikan sa kanya kundi para sa ikatatahimik ng mga loob namin ni Mama.

Nang dumating ang madaling araw ng Sabado ay maaga akong bumangon para maghanda sa biyahe namin papuntang Lucena. Nagluluto akong agahan nang magising si Mama at pumasok sa kusina. Matapos namin batiin ang isa't isa ng magandang umaga ay nagtimpla siyang kape at naupo sa lamesa, naghihintay ng makakain.

Tumunog ang cellphone ko at napatingin ako sa text na natanggap ko.

From Dr. Hailey Cadwell:
Done with my shift. Direcho na ako diyan sa inyo.

Reply to Dr. Hailey Cadwell:
Ingat ka.

Nilapag ko na yung sinangag kong kanin, pritong itlog at tocino sa lamesa. 

"Papunta na po si Hail." Anunsyo ko kay Mama.

"Hintayin na ba natin siya kumain?"

"Mauna na po tayo. Mamaya pa yun. Pakainin ko na lang siya mamaya pagdating niya."

Tumango si Mama at kumuha na ng kanin at ulam. Ako nama'y nagtimpla muna ng kape.

Hindi ko alam kung pareho ba kaming nakakaramdam ng kaba para sa mga posibleng mangyari sa Lucena pero walang nagsalita sa aming dalawa. Inalala ko yung mga papeles ni daddy na nakatago sa bag ko. Katulad ng suhestiyon ni Hail ay pina-photocopy ko ang mga ito para may kopya kami kung sakaling humingi si Howard ng kopya.

Tapos na kami mag-agahan ni Mama at naliligo na siya nang dumating si Hail. Suot pa niya ang white coat niya at ang damit niya kaninang shift niya kaya medyo natigilan ako. Nagpakulay na ulit siya ng buhok niya at pinashave ang undercut niya kaya mukha na naman siyang gangster pero dahil sa damit niya ay ang linis niya tingnan. Hindi ko alam na posible pala siya magmukhang nakakatakot, mabait at malinis all at the same time.

"I'll change later," mahinang sabi ni Hail. Halata ang pagod sa brown at green na mga mata niya. 

"You know, you can sleep muna bago tayo bumiyahe."

Ngumiti si Hail. "I do plan to take a two hour nap bago tayo umalis."

"Is that enough?"

Tinapik ni Hail ang balikat ko. "Two hours is more than enough. You should have seen me in med school. I can run for almost three days straight with only fifteen minute naps."

"You're not in med school any more."

"Exactly. That means sanay na ako sa sleep deprivation."

"That's not what I mean."

"Genesis, I'm fine. Don't worry about me."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinagbabawalan mo ako magpuyat kasi anemic ako tapos ikaw ilang oras lang palagi tulog mo. Asan ang hustisya?"

"Nasa Department of Justice." Agad na sagot ni Hail. "Are we gonna argue here all day?"

"Kain ka muna. Kakatapos lang namin."

"Okay."

Dinala ko si Hail sa kusina at pinaghanda ng agahan. Habang kumakain siya ay nagbabasa ako ng balita sa cellphone ko. Hindi kami masyado naguusap at nang matapos maligo si Mama ay ako naman ang sumunod. Pakiramdam ko para akong elementary student na naghahanda para sa field trip niya. Kinakabahan ako na baka malate ako't maiwan ng bus and at the same time, naeexcite ako sa pupuntahan namin. 

Malamig ang tubig at nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Kung may parte pa ako ng katawan na inaantok dahil sa aga ng gising ko ay wala na, gising na gising na ako.

Pagkatapos ko maligo ay naabutan ko si Hail na natutulog sa sala. Ginising ko siya at pinalipat sa kwarto ko para dun muna siya sa kama ko matulog. Hindi siya nagsalita at sumunod na lang sa akin.

Habang natutulog si Hail sa kama ko ay nagbasa muna ako ng ilang articles para sa school. 

"Genesis."

Nagitla ako sa pagtawag sa akin ni Hail at agad na napalingon sa kanya. She's only been asleep for one hour. May isang oras pa siya.

"Come here."

Binaba ko yung journal na binabasa ko at umupo sa kama, sa tabi niya.

"I've been thinking about the Familia." Nagkamot siya ng mata, nilalabanan ang antok.

"What about it?"

"You're a Rayleigh. A pure blood. I asked my parents about your family and they told me Howard is the last of your line."

"Okay?"

"That puts you in a dangerous position."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Dangerous?"

"You're in the first house of Chronos. Your family is near extinction. If word gets out that you're a Rayleigh and we can prove it, you're going to be dragged into a world where arranged marriages are a thing and the preservation of a blood line is important."

"How is that dangerous?"

"We never talked about why I was inactive from the Familia." Mahinang sabi ni Hail.

"Sabi mo busy ka sa med school?"

Umiling si Hail. "That's just what I tell everybody."

Naalala ko yung sinabi ni Alexa last Sunday, noong nalaman namin na si Henry Rayleigh ay miyembro ng Familia Olympia. Percy's parents wanted Hail for their son. Hindi si Alexa ang first choice nila para pakasalan si Percy kundi si Hail.

"My parents wanted me to leave the Familia Olympia because of the arranged marriage thing. They were approached by several people offering their sons for me. I was a prized member of the Familia not because I'm in the third house of Apollo but also because I'm unnaturally smart and have the Order of the Kings' attention as early as ten years old."

"I'm not unnaturally smart, Hail. I only have the Rayleigh blood." Simula ko. "That's not enough to get all their attention, right?"

"You don't get it, Genesis. Your blood is ancient. It can be traced back to the first four families of the Familia. That alone is enough to get everyone's eyes on you."

"So anong gusto mong gawin ko?"

"Let's talk to Howard, but as soon as you get all your answers, we leave and never go back."

"What if he doesn't want that?"

Kumunot ang noo ni Hail. "What do you mean?"

"What if," huminga akong malalim, "he wants me to be part of the family?"

Parang hindi makapaniwala si Hail sa sinabi ko. "You'll consider staying?"

"No," umiling ako, hindi rin makapaniwala sa sinabi ko. "I just..."

"You just what?"

"Hail, hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip ko ever since I found out na Familia Olympia si daddy."

"Then tell me, para maintindihan kita."

"I've been thinking about what kind of life we could be living right now kung hindi namatay si dad bago ako pinanganak. We should have been Rayleighs, Hail. Hindi lang ako kundi pati si Mama."

"So you want to take the name if Howard offers it?"

"If that's what Mama wants."

Iniwasan ako ng tingin ni Hail. 

"Binigay ni Mama lahat ng pwede niyang ibigay sa akin. Pinakasalan niya si Papa kasi gusto niyang lumaki ako na may kinikilalang ama. When he died, she tried her best to raise me on her own. She always asked me what I want and respected all my decisions." Pagpapaliwanag ko. "I appreciate all of those and I tried my best to study well. Hindi ako nagrebelde and I made sure wala akong gagawing ikasasama ng loob niya. I was a good daughter to her."

Tiningnan ako ni Hail. Hindi ko maintindihan yung ekspresyon niya.

"I know Beltran ang apelyido ko kasi yun ang naibigay ni Mama na pangalan ko. But if she can turn back the time, I know deep within her heart na she'll want me to take on my real father's name."

"Have you talked to doktora?"

Tumango ako. A few days ago, nagusap kami ni Mama at pinaliwanag ko sa kanya ang Familia Olympia, ang Orders, at ano ang kinalaman ng lahat ng ito sa tatay ko. Ang sabi niya, nabanggit na ni daddy ang Familia Olympia sa kanya noon pero hindi nito pinaliwanag kung ano ito other than isa itong malaking organisasyon.

"And she told you she wants you take on the Rayleigh name?"

Umiling ako.

"Then what if your thoughts about her wanting you to be a Rayleigh is not true? Pano kung kuntento na siya sa buhay niyo ngayon? Sa pagiging Beltran mo?"

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. "Then we'll leave and continue on with our lives. My point is, I'm not gonna make any decision without Mama's honest opinion."

Napailing na lang si Hail. "If that's what you want, Genesis."

Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa sinabi ni Hail. Pinanuod ko na lang siyang tumayo at kumuha ng damit sa bag niya. 

"I'm gonna go shower. We'll leave for Lucena as soon as I'm done."

=============================

A/N:

Wews! 3 updates in one week? Masyado naman ata akong sumisipag?! Hahhahaha
Special thanks ulit kay Vii kasi nasa akin pa rin ang netbook niya. Kung hindi niya ito iniwan sa akin, wala tayong update.

Also, I want to dedicate this chapter to Majestyy Ferrer who, for months after adding me on Facebook, has consistently greeted me good mornings, afternoons and evenings. She never failed to tell me to be safe even when I ignored most of her messages. Actually, noong first month na minemessage niya ako, meron pa siyang daily quotes of encouragement for me.

It was just a simple everyday greeting. A small thing. But back when I was in my darkest time, those little things matter a lot. And I want to tell you, Majestyy, thank you. For all those messages. Because no matter how insignificant it may seem, it helped me realize a lot of things. 

Anywaaaaaaaaay, sa lahat ng silent readers ko. Magparamdam naman kayo! Comment kayo! Sabihin niyo sakin kung sinong kinaiinisan niyong character or sino yung pinaka-love niyo! Tell me whether you like where the story is going or not. Tell me what's running in that beautiful mind of yours!

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 42.3K 44
Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis pa...
39.6K 838 25
Aleister Bryce Quintos, matalino, mabait, gentleman, mapagmahal, gwapo, macho at perpekto. Sa t'wing mababanggit ang pangalan ni Aleister ay 'yon na...
25.8K 1.5K 8
Breakfree: Igniting passion, Chasing freedom Simply, one writes to be heard. Whether it be by a person you most dear, people you bear grudge agains...