Ang Buhay Ko (A Buko Love Sto...

De HoneyVilla

60.3K 1.3K 51

This is the story of Kim , David's ex girlfriend from the book " Ang Pag-ibig ni Lolita." -- "...I can't imag... Mais

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER ELEVEN

CHAPTER TEN

3.4K 86 1
De HoneyVilla


IPINATAWAG ni Senora Aurora si Jeremy kaya naman agad siyang sumunod upang punatah ito sa study. Gusto sana niyang silipin muna si Kim sa kwarto nito ngunit naisip niyang mamaya nalang niya gagawin iyon. At least, wala silang time pressure para sa kanilang mga sarili. He really couldn't wait to kiss her sweet lips again.

Napangiti siya sa naisip.

Nakaupo si Senora sa swivel chair nito pagpasok niya. Agad niyang nginitian ito at ganoon din ang ginawa nito sa kanya.

"So, hijo kalian mo balak sabihin sa'kin ang relasyon ninyo ni Kim?"

Napatitig siya sa matanda. Hindi pa siya pormal na nakakapagpaalam kay Senora tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Kim dahil madalas iyong nawawala sa isip. When he was with her, things—including time, often slips away from his mind.

Hindi galit si Senora, sigurado siya doon dahil nakangiti ito sa kanya. She just sounded like a normal grandmother accusing the boyfriend of her grand daughter for not telling her that they were already official.

"Pasensiya na po senora. Balak ko naman po talagang sabihin sa inyo ito, kaya lang..." paano niya sasabihin nakakalimutan niya?

Iwinasiwas ni Senora Aurora ang kamay nito sa kanya. "Never mind that hijo. I just want to know how much you love her."

He smiled. It was too easy to answer kaya naman inilahad niya kay Senora ng lahat mula sa simula. Kung paano niya minahal si Kim at paano niya pinagbuti ang kanyang sarili para sa dalaga. Ang mga ginawa niyang pagsunod-sunod dito sa Maynila—lahat. "She is my life Senora. She's everything to me..." aniya matapos niyang magkwento dito.

Pansamatalang natihimik ang matanda at mataman lamang na nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya ay para siyang nasa isang husgado at naghihintay ng kanyang hatol. Ngunit alam niyang hindi siya dapat kabahan. He told the truth and poured his heart out kaya bakit siya kakabahan?

"Gusto kong magpasalamat sayo sa ginawa mo para sa apo ko, Jeremy," panimula ni Senora Aurora. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi mo ginawa ang mga bagay na ginawa mo para kay Kim. She was so broken when she arrived here, yet you stayed with her and made her happy. It was something I never really expected that you would do, but you did it anyway."

She was smiling and he knew he just passed the court trial.

"At bilang pasasalamat, gusto sana kitang bigyan ng isang parte ng lupain dito sa hacienda... "

Nabigla siya sa narinig. Isang lupain? It was a very tempting deal considering that the every piece of land in Hacienda Azuela is profitable. Ngunit hindi niya iyon tatanggapin. His love for Kim was beyond any land or any amount of money. "Pasensiya na senora, hindi ko po matatanggap iyan. Ginawa ko po ang lahat ng iyon para kay Kim dahil mahal ko siya. At hindi po matatawaran ng kahit anong kapalit ang pagmamahal na iyon."

Senora Aurora stood up before him. Kahit na may edad ang ginang, alam niya kung gaano nakakaintimidate ito. "Alam mo bang tinanong din ako ng ina ng yumao kong esposo kung gusto ko ng isang bahagi ng lupain sa hacienda? Patago ang naging relasyon naming noon ni Fernando dahil natatakot akong hindi ako matatanggap ng pamilya niya. Ngunit kalaunan, natuklasan nila iyon at kinausap ako ni mama."

"Kagaya mo, tumanggi ako. Hindi pera ng pamilya ni Fernando ang gusto ko, siya. Mamahalin ko siya kahit anong mangyari, maghirap man siya. Hindi importante sa'kin ang kayamanan hangga't alam kong nagmamahalan kami." Bumaling sa kanya si Senora Auroa. "Napakasarap muling pakinggan ang mga salitang mula sa puso, Jeremy. At alam kong mahal na mahal mo ang apo ko. Maraming salamat at ibinibigay ko ang basbas ko kung gusto mong pakasalan si Kim."

It was a test! Kulang ang salitang masaya para bigyang kahulugan ang nararamdaman niya noong mga oras na iyon. Magpapasalamat palamang siya kay Senora ng sabay silang mapalingon ng marinig niya ang malakas na busina mula sa labas. Agad niyang sinilip ang komosyon sa binatana at ganoon nalang ang pagkagulat niya ng makita niya si Kim na umiiyak na bumaba ng sasakyan nito saka binuksan ang gate ng mansyon.

BINUBUKSAN ni Kim ang gate ng mansyon ng maramdaman niya ang matatag ngunit mabining paghawak sa kanyang braso. Hindi niya kailangang lingunin kung sino iyon—kilang kilala ng puso niya ang may-ari ng mga kamay na iyon.

"Saan ka pupunta, Kim?"

She didn't answer nor looked at him. Ayaw na niyang makita ito. Ayaw niyang tingnan ang mukha nito dahil baka bigla nalang bumuhos ang lahat ng emosyon niya—

"Anong problema, buko pie?"

That snapped her out of her trance. Piniksi niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya saka ito marahas na hinarap. "Huwag mo akong tawagin ng ganyan, Jeremy. At huwag na huwag mo na rin akong pipigilan, lalapitan o kung ano pa man dahil ayaw ko ng makarinig ng kahit anong kasinungalignan mo." Matatag ang kanyang boses at sa totoo lang maging siya ay nagulat doon.

Kumunot ang noo ni Jeremy at kung hindi lang siguro niya alam ang totoo, aakalain niyang hindi talaga nito alam ang dahilan ng nangyayari sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin Kim?"

"Ang ibig kong sabihin, tapusin na natin ang lahat ng kalokohang ito!" She exasperatedly said. "Nakuha mo na ang gusto mo hindi ba? Tama ang ginawa mong panloloko sa'kin, tama ang kasinungalingan dahil sa totoo lang..." She trailed off, trying to fight her tears back but of course, this time she didn't win. Just like the battle she chose to engage in, she was defeated.—awfully defeated. "...ang sakit sakit Jeremy. At hindi ko alam kung kakayanin ko ang ganitong sakit. Kaya sana, hanggat kaya ko pa, t-tapusin na natin ito."

Pakiramdam niya, naubos ang lahat ng lakas niya sa ginawa niyang pagsasalita. Ayaw sana niyang umiyak sa harap ni Jeremy, pero paano nga ba niya pipigilan ang pagluha niya? Paano niya pipigilan ang sakit?

Hindi niya alam.

Umangat ang kamay ng binata para hawakan siya ngunit umiwas siya dito. She saw pain flashed across his eyes and it hurt her too. A thousand times.

"H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Kim."

Marahas siyang bumuntong hininga. "Pwes ako, naiintindihan ko na. Sana maging masaya kayo ng pamilya mo para sa makukuha mong premyo."

Tinalikuran na niya ito ng may maalala siya. "At huwag na huwag mo na akong tatawagin ng buko pie. Mag-stick ka nalang sa sweetie pie mo!"

"What? Anong sinasabi mo Kim? bakit—"

As if on cue, they both heard a loud shriek and when she turned she saw the little girl from a while ago. Jeremy's daughter!

"Daddy!" tumakbo ito papalapit kay Jeremy na halatang nagulat ngunit lumuhod itoupang salubungin ang bata. Now she understood why Jeremy was fond of kids, it was because he already had his own.

Mapait na pinagmasdan niya ang mag-ama. They didn't quite resemble each other, pero hindi naman lahat ng mag-ama ay magkamukha.

Bago pa muling bumalisbis ang kanyang luha ay sumakay na siya sa kanyang kotse at pinaharurot iyon palabas ng hacienda. Ayaw na niyang bigyan ng pagkakataon si Jeremy na makapagprotesta. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili na muli itong lingunin dahil baka hindi na niya kayanin at bumigay nalang siya.

She drived aimlessly towards...where? Saan pa nga ba siya tatakbo kung ang puso, isip at kaluluwa niya ay naiwan sa isang lalaking minahal niya ng lubos ngunit niloko lamang siya?

Muli, hindi niya alam.

"WHAT DID you do?" Jeremy's voice was restrained but the anger inside him was boiling to its highest peak. Pilit lamang niyang pinakakalma nag kanyang sarili dahil alam niyang hindi maganda ang maidudulot nito at lalo lamang iyong makakagulo sa sitwasyon.

Celine sighed deeply and looked down. Nang makita niya kanina ang dalaga bigla siyang nagkaroon ng ideya tungkol sa mga sinabi ni Kim. Ngunit ayaw niyang bigyan ng maling hinala ang pagpunta nito sa hacienda. She was still his friend and he doesn't think she can—

"I love you Jeremy."

"What?" Mataas na boses na tanong niya. "Anong sinasabi mo, Celine? Alam mong si Kim ang mahal ko, mula noon, hanggang ngayon. You told Kim Lilay was my daughter didn't you?"

"Mahal kita Jeremy. Hindi mo rin ba nakikita iyon? Hindi mo ba alam na satuwing tatawag ka, para i-kwento si Kim ay parang—"

"That's bullshit Celine!" Tumaas baba ang kanyang didbib sa pagkontrol ng galit niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon. Celine was his friend and all this time...gusto niyang mapailing. "Si Kim ang buhay ko. She is my everything and I almost had her. Alam mo kung ano ang pinagdaan ko, Celine. How could you do this to me?"

"Hindi ka niya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo Jeremy. I'm the perfect partner for you. Kami ni Lilay ang bubuo sa buhay mo. We can be your—"

Hindi na niya kayang tagalana ng sinasabi ni Celine kaya naman hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. It was a firm grasp and he was even careful not to hurt her even every single cell of his body was screaming it. "Hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang para sa'kin Celine. Hindi moa lam kng anong meron sa'min ni Kim—iyon ang hinding hindi pwedeng maging tayo. Kaya bago ko pa makalimutang kaibigan kita, sabihin mo sa'kin ang lahat ng sinabi mo kay kim."

Tiningnan niya ito ng diretso sa mata. "Kailangan ko si Kim. Kailangan ko siya dahil mahal ko siya." 

Continue lendo

Você também vai gostar

61.5K 1K 11
Supermodel No. 5 Josh Rios, ang "Papa Dimple" ng TMA.
112K 2.4K 37
12 Gifts of Christmas Series Collaboration
74.8K 1.5K 11
Tungkol ito sa dilaw na mga ibon na nakaimbento ng time travel, cure for cancer at bagong social media site. Just kidding. This is about a girl who w...
90.3K 1.6K 10
Dahil sa pagmamahal sa mama niya, napadpad si Drei sa Lucban, Quezon para hanapin ang tahanan ng mga Moretti kung saan ay nakatira ang pintor na si P...