MAXINE'S POV
"Good morning" bulong ko at hinalikan ang labi ni kyle
Lumapit ako sa kanya at sukiksik sa katawan niya " Hmmm " mahinang ungol niya at hinawakan ang bewang ko
Napatingin ako sa kanya. Damn! Ang hot niyang tignan kapag ang kalat ng buhok niya habang nakapikit ang mga mata niya
"Inaantok pa ako" bulong niya
"May pasok pa tayo"
"Mamaya na ako babangon, can we stay like this for 5 minutes? "
Ang tigas talaga ng ulo ni kyle "Mala-late na tayo "
"Tinatamad pa ako" sagot niya
"Ayaw mo ba talagang gumising?"
Hindi niya ako pinansin at nakapikit parin ang mga mata niya. Napangisi ako nang maka isip ako nang kalokohan. Pumatong ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay at inilagay ito sa itaas ang ulo niya
Hakatang nagulat si kyle sa ginawa ko" What do you think your doing?"
Nginisihan ko lang siya at hinubad ang tshirt ko "Kapag hindi ka babangon ay gagahasain talaga kita"
"Sige na nga, babangon na ako" sabi niya at umiwas ng tingin
Hinalikan ko ang kabi niya "Buti naman"
Umalis na ako sa ibabaw niya . Napangisi ako nang makita ko siyang nagmamadaling pumunta sa banyo. Mas maganda sana kung hindi bumangon si kyle para magahasa ko siya. Kung iniisip nyo kung bakit kami magkatabi matulog kagabi, ganito kasi yun
—Flashback—
Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko. Nakaramdam ako ng takot nang mabasa ang text ni sebastian
'magiging akin karin maxine'
"Anong nangyari sayo?" seryosong tanong ni kyle
"Wala" sagot ko at nahiga sa kama niya "Dito na ako matutulog"
"Doon nalang ako matutulog sa living room" sabi ni kyle
Bigla akong nabahala. Hindi niya ako pwedeng iwan baka kasi balikan ako ni sebastian. Natatakot ako. Akmang tatayo na siya pero hinawakan ko ang braso niya at pinigilan siya
"Dito ka lang kyle" sabi ko at niyakap siya
"Ano bang problema?" nag aalalang tanong ni kyle "Kanina ka pa balisa"
"Baka kasi balikan ako ni sebastian. Natatakot ako kyle. Huwag mo akong iwan, please"
Hinimas niya ang likod ko para paklamahin ako "Nandito lang ako wag kang matakot"
"Thank you" sagot ko at nginitian siya
Napansin kong napalunok siya at umiwas ng tingin "Ma-matulog na tayo"
Humiga na siya sa kama kaya agad akong tumabi sa kanya "Wag mo akong iwan ha" sabi ko sa kanya at niyakap siya
"Kailangan ba talagang nakayakap ka saakin?" halatang naiilang si kyle sa akin
Napanguso ako "Hindi ba pwedeng na miss lang kita?"
"Iwan ko sayo" sabi niya habang hindi parin makatingin sa akin
Mas lalo akong lumapit sa kanya at hinalikan ang labi niya "Good night, babe"
—End of Flashback—
Papunta na kami sa classroom namin nang makita namin si drake na nakatayo sa hallway. Agad naman akong kinabahan nang makita ko siyang nakatitig sa akin
Nagulat ako nang hinawakan ni kyle nang mahigpit ang kamay ko "Wag kang matakot" bulong niya habang patuloy na naglalakad
Nakahinga ako nang maluwag nang malampasan namin si drake at naka pasok na kami ng classroom namin. Nakakatakot talaga siya.
"Thank you" nakangiting sabi ko kay kyle
Bigla siyang napa iwas ng tingin at binitiwan ang kamay ko "Wala na si sebastian" sabi niya at umupo na sa upuan niya
Wala pa ang prof namin at kunti pa lang ang tao sa classroom. Tahimik lang si kyle at nag-umpisa na akong mabagot. Tsk, boring ba talaga akong kasama? Ilang minuto pa ay nararamdaman kong naiihi ako
"Pupunta lang ako nang comfort room" sabi ko kay kyle at iniwan siya
"Maxine" nagulat ako nang may humila sa braso ko
Natakot ako nang makita kung sino ang humila sa braso ko " Bitawan mo ako drake" kinakabahang sabi ko
"Bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong niya
Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya saakin. Walang masyadong tao dito kaya walang nakakakita sa kanila
"Please bitawan mo na ako drake" pagmamakaawa ko sa kanya pero parang wala siyang narinig
"Pwede ba tayong mag date?" tanong niya at binitawan ang kamay ko
Bigla akong natakot dahil sa sinabi niya. No way! Ayaw kong makipag sa isang manyakis. Si kyle lang ang gusto kong maka-date
"Hind—"
Nagulat ako nang biglang may humawak sa bewang ko at inilapit ako sa kanya. Bigla akong nakahinga ng maluwag ng makita si kyle
"Kyle"
Napalunok ako nang makita ko si kyle na seryosong nakatingin saakin "Nandito ka lang pala, babe"
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Damn! Ang hot niyang tignan ngayon. Imbes na makaramdam ako ng kaba dahil nandito si drake ay kabaliktaran ang naramdaman ko. I feel hot because of kyle
"Na miss kita babe" sabi niya at hinalikan ang labi ko