Vampire's Menu

By bleedforsilver

3.7K 396 27

Primrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself h... More

Chapter 1 Welcome
Chapter 2 Security
Chapter 3 Beauty
Chapter 4 Rules
Chapter 5 Rage
Chapter 6 Thirst
Chapter 7 Purple
Chapter 8 Prince
Chapter 9 Dance
Chapter 10 Hypnotism
Chapter 11 Doubt
Chapter 12 Death
Chapter 13 Kiss
Chapter 14 Subtle
Chapter 15 Roulette
Chapter 16 Answer
Chapter 17 Favor
Chapter 18 Feelings
Chapter 19 Tension
Chapter 20 Admirer
Chapter 21 Decision
Chapter 22 Cake
Chapter 23 Vandivic
Chapter 24 Relief
Chapter 25 Fireflies
Chapter 26 Stolen
Chapter 27 Cousin
Chapter 28 Lielow
Chapter 29 Submission
Chapter 30 Choice
Chapter 31 Pain
Chapter 32 Deal
Chapter 33 Spy
Chapter 34 Threat
Chapter 35 Lost
Chapter 36 Arena
Chapter 37 Torture
Chapter 38 Escape
Chapter 39 Fate
Chapter 40 Covenant
Chapter 41 Key
Epilogue

Prologue

549 29 10
By bleedforsilver


"TEKA lang po! Baka naman po pwedeng manatili pa ako kahit isang buwan na lang. Pangako gagawa po talaga ako ng paraan!" pagmamakaawa ni Prim sa may ari ng inuupahang bahay.

"Tapos na ang palugit na ibinigay ko sa'yo! Apat na buwan ka nang hindi nakakabayad. At hindi ko na papaabutin pa yon ng limang buwan. Papaupahan ko na lang sa iba kaysa malugi ako kakahintay sa pang upa mo!"

"Pero may pambayad naman po talaga ako eh, minalas lang po ako atㅡ

ㅡWala na akong pakialam kung mabayaran mo pa yon o hindi na! May nahanap na akong bagong mangungupahan bilang kapalit mo. Sige, na! Umalis ka na! Hindi na kita mapagbibigyan kahit magmakaawa ka pa! O baka naman gusto mo pang singilin ko sayo ngayon mismo ang kabuuan ng utang mo?!"





Prim's POV

ILANG oras na ang lumipas matapos akong mapalayas sa apartment ko. May natitira pa naman akong pera na sakto para sa pang-kain ko ng ilang araw pa. Pero wala talaga akong ibang mapupuntahan. Kusa akong dinala ng mga paa ko sa parke dahil ito ang tanging lugar kung saan gumagaan ang pakiramdam ko.

"Ano na bang dapat kong gawin?" buga ko ng hangin.

Nagambala ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang kaluskos sa makakapal na hanay ng puno sa di kalayuan. Mula ron ay nakita ko ang isang lalaki na tumilapon at bumagsak sa mismong harapan ko.

"O-okay ka lang?" tayo ko.

Napansin kung duguan ang damit niya at puno siya ng sugat at kalmot sa katawan. Alam kong mapanganib ang lapitan siya ngunit hindi 'ko matitiis na hayaan lang siya sa ganong kalagayan. Isa pa, nandon na rin naman ako at hindi tamang tumunganga lang ako.

"Argh.. lumayo ka!" Napaupo ako sa damuhan nang tabigin niya ako, "V-vampire ka?" tanong ko agad nang masulyapan ko ang pangil at mapupula niyang mata.

"Umalis ka na rito kung gusto mo pang mabuhay!" muling asik niya at tumayo na para bang walang nangyari, "Hindi ito ang tamang lugar na dapat tinatambayan mo sa ganitong oras."

Di ko na namalayan ang oras sa sobrang pag-iisip.

"Sungit.." nakanguso kung bulong, "Ikaw na ngang tutulungan ikaw pa 'tong galit!"

"Wag ka na lang sumagot pwede?! Sinabi nangㅡ

Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil natabunan na yon ng tili ko nang isa pang bampira ang lumitaw mula sa itaas ng puno at umatake sa direksyon ko. Ang akala ko katapusan ko na pero daglian niyang sinalag ang sakmal nito kaya siya ang nasugatan.

"Arggghh!!!" hiyaw niya.

Awtomatiko akong napatago sa likuran ng isang puno habang pinapanood silang dalawa. Matapos ang ilang sandaling pakikipagbuno ay nagawa niya itong patumbahin hanggang sa tuluyan na iyong mag-abo. Ngunit kasunod non ay bumagsak na rin siya sa damuhan. Taranta ko siyang dinaluhan.

"Mr. Vampire-

-Umuwi ka na.." nakapikit niyang usal.

"Siguradong ka bang ayos ka lang?" bukod sa nag-aalala ako sakanya ay nakakahiyang sabihin na wala akong mauuwian ngayong gabi, "T-tinatamad pa akong umuwi eh.." pasinungaling ko, "Sino ba yong nakalaban mo kanina?" pag-iiba ko sa usapan.

"Alam mong vampire ako pero parang hindi ka man lang nababahala dyan?" Salubong niya sa tingin ko.

Nailang ako sa ginawa niya, "B-bakit naman ako matatakot sa'yo?" Iwas ko ng tingin, "Niligtas mo ang buhay ko kanina lang at halata naman sa suot mo nasa upper class ka, pwera nalang kung pag-iinteresan mo pa ang cheap kong dugo.."

Natawa siya at itinakip ang likod ng palad sa noo saka muling pumikit.

"Sino namang mag-iinteres sa batang gaya mo?" bulong niya.

"Bata?" angal ko, "Sa tingin ko ilang taon lang naman ang tanda mo sakin para tawagin mo 'kong bata?"

"Nakalimutan mo na ba agad na vampire ako? Natural bata ka sa paningin ko. Sigurado namang alam mo, na di ka pa pinapanganak, ilang dekada na akong nabubuhay sa mundo." diin niya.

"Sabagay.." pag-sang ayon ko, "Pero kung pagbabasehan ang human age, sa itsura mo hindi ka pa rin ganon katanda."

"Di na ako makikipagtalo sayo kaya umuwi ka na at matulog.."

Sinimangutan ko lang siya. Kahit hindi yon ang unang beses na nakakita ako ng bampirang naglalaban, mahirap sanayin ang sarili sa ganong eksena. Saka kung tutuusin ngayon lang ako nagkaron ng interaction sa katulad niya. Karaniwan sa mga upper class vampires ay may sariling mundo. Nakikisalamuha lang sila sa mga kapantay nila ng social status at mga kapwa bampira. Madalang na makipag-usap sila sa mga tao tulad ng ginawa niyang pakikipag-usap sakin. Kaya mangha rin akong marinig ang mga salita niya kahit may kayabangan siyang taglay.






NAMUMUHAY na ang mga tao at bampira nang payapa sa panahong ito. Gayunman, hindi pa rin mawawala ang sigalot at mga krimen. Naging normal nalang sa mga tao ang makasalamuha sila sa araw-araw dahil ito ang Vampire Era kung saan bukas na ang sangkatauhan sa uri nila.

Makikita mo silang naglalakad sa kalye o tumatalun-talon sa mga poste. Nagtratrabaho sa covenient store o nagpapatakbo ng isang malaking kumpanya. May mga artista, may politician at may ordinaryong mamamayan lang na namumuhay ng matiwasay.

May alyansa ang gobyerno ng mga tao at mga bampira. Kaya napapasailalim sila sa batas kahit pa nga ang iba ay halimaw pa rin ang turing sa kanila, katulad ng tao ay mga alituntunin din silang sinusunod. At kasama na nga don ay ang wag pagsamantalahan ang mga mortal at mahihina.

Nandyan ang Vampire Police na siyang humuhuli at nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lumalabag. Tulad ng mga tipikal na sistema hindi lahat ay sang-ayon sa set-up na ganito ngunit masasabi kong tinanggap na ng mas nakararami ang mga pagbabago.

Pabalik na ako sa bench nang biglang may tumunog.

"Uhm, ano.. may tumatawag sayo.." subalit hindi natinag ang bampira. "Natutulog ka ba?" lapit kong muli.

Nagdalawang-isip ako kung gigisingin ko ba siya o ano.

"Bahala ka nga dyan.." bumalik na lamang ako sa bench. Ilang minuto kong inignora ang pagtunog ng cellphone niya pero sa huli di rin ako nakapagpigil.

"Hoy, hoy! may tumatawag sa'yo!" tapik ko sa balikat niya.

"Pabayaan mo siya.." mahina niyang sagot na para bang nasa bahay lang siya natutulog, "Gusto mo ikaw na sumagot..?" dagdag pa niya, "Basta sabihin mo sakanya, nagawa ko na ang inuutos niya at pagod ako kaya sunduin niya na lang ako rito sa park.."

"Huh?" maang ko, "Seryoso ka?"

"Hmm.."

Alanganin man ay dinukot ko sa bulsa ng pantalon niya ang gadget at sinagot yon. Dahil tila walang balak na humito ang kung sino mang tumatawag sakanya.

[ Call convo ]

"Uhm, hello?"

"Trojan?"-So yon pala ang pangalan niya.

"Ah, pasensiya na pero pinapasabi niya na nagawa na raw niya yong inuutos mo, na pagod siya at pakisundo raw siya sa park." direkta kong sagot.

"And you are?"

"Ako si Prim, aksidente lang na nagkita kami rito. May kalaban siya kanina at nasugatan siya ngayon kaya-

-I see." putol nito sa paliwanag ko, "Pwede mo ba siyang samahan hanggang makarating ako dyan?"

"O-oo, sige."

"Thank you, Miss Prim."

[End call.]






NAMANGHA ako nang dumating ang isang lalaki na nakasuot ng suit. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at saka binalingan si 'Trojan' na nakahilata pa rin sa damuhan.

"I'm sorry to keep you waiting miss.."

"Ah, hindi. Okay lang yon. Nagkataon lang naㅡ

Laking gulat ko nang biglang siya nitong sipain sa may tagiliran dahilan upang tumilapon siya at nagpagulung-gulong ng ilang metro.

Napatakip ako ng mukha.

"Mahirap bang sumagot sa tawag ko para iutos mo pa sa iba?" nakapamulsang tanong nito, "Kailan ka pa napagod sa iilang gasgas sa katawan?"

"Aish, ano bang problema?" sagot niyang umuubo, "Eh, ano kung hindi ako ang sumagot? Nasabi naman niya sayo ang dapat kong sabihin?" saka nakangiwing tumayo.

Napailing ang una, "Sinusubukan mo ba ang pasensiya ko?"

"Uhm, excuse me?" basag ko sa tensyon, "Baka pwedeng pag-usapan nyo nalang ng maayos ang nangyari?"

"Wag mong seryosohin ang sinabi ko miss, ganito lang talaga kami mag-usap." nakangiti nitong baling sakin, "I'm Gunther by the way." Nagbago ang expression nito at inilahad ang kamay. "I am the owner of Empire's Cafe and he's one of my butlers."

"Ahh..." Alanganin akong nakipagkamay rito.

"Wala ka bang kasama?"

Umiling ako.

"May hinihintay ka ba? It's almost midnight.. delikado ang mag-isa rito sa labas.." dagdag pa nito.

"Uhm, ang totoo nyan dito muna ako magpapalipas ng gabi.."

Natigilan si Gunther na tila naghintay ng susunod kong sasabihin.

"Napalayas kasi ako sa apartment na tinutuluyan ko.." nahihiya kong pag amin, "Pero okay lang naman ako.. bukas hahanap ako ng-

-Well as a sign of my gratitude maaari kang tumuloy sa Cafe pansamantala.." agaw nito at tinapunan ng tingin ang mga gamit ko.

"Teka, teka, Gunther. Dont tell meㅡ sabat ni Trojan pero nahinto siya nang tumango ito bago pa man siya matapos sa sasabihin.

"Yes. I'd like to exclusively invite her.."

"Wag kang papayag." biglang duro niya sakin.

"H-huh?" taka ko.

"Cafe yon ng vampires, papayag ka bang tumira don?"

"May problema baㅡ

-Tao ka, vampires kami! Hindi pa ba problema sayo yon?"

"Trojan, will you shut up? Wag mong sirain ang reputasyon ng mga butlers sa cafe. After all, sinamahan ka niya rito dahil sa pakiusap ko."

"Sinamahan niya ako dahil wala naman talaga siyang balak umalis!" diin niya rito.

Nakuha ko naman ang punto niya kaya lang nanghihinayang ako sa pagkakataon, wala akong pagpipilian! Desperada ako at aaminin kong ayoko talagang magpalipas ng gabi rito sa parke. Upper class vampires sila kaya nasisiguro kong wala silang mapapala sakin. Baka nga wala ring pumansin sa'kin kung sakali man na sumama nga ako sakanila.

"Si Miss Prim pa rin ang magdi-decide at hindi ikaw.." Gunther.

"Masyado pang bata ang isang yan. Ano namang alam niyang gawin?" balik ni Trojan.

Malakas kong tikhim, "Anong ibig mong sabihin?" Sabat ko, "Minamaliit mo ba 'ko? Sa tingin mo hindi ko kayang magtrabaho paraㅡ

ㅡBasta wag kang sasama!"

"Masyado ka namang seryoso Trojan, wag mong takutin si Miss Prim dahil baka kung ano isipin niya. Unfair yon para sa butlers ng cafe."

"Dapat naman talaga siyang matakot." Tingin niya sakin ng makahulugan, "Vampires are vampires."

"Tama na ang pakikialam mo.." Seryoso nito, "I want to invite her and that's final. If she agreed then it's her choice. Nagawa mo na ang misyon mo kaya magpahinga ka naㅡ

ㅡAachhuuuu!!?"natahimik silang pareho dahil sa pagbahing ko "S-sorry, malamig na kasi.." namula ako sa hiya.

"Wala ka bang kaibigan na pwedeng puntahan?" Trojan

"W-wala" nguso ko.

Nakita kong nag-tiim bagang siya.

"You let her answer the call. Then why are you so mad?" Gunther, "Wala bang ibang ibig sabihin yon?"

"Wala sa plano ko ang ang imbitahan siya sa cafe." Iwas niya ng tingin, "Isa pa ano namang mapapala ng mga butlers sakanya? Nakapagbotohan na kayo nong isang gabi. Kaya bakit kailangan mo pang bigyan ng privelege ang batang yan na makapasok sa cafe? Coincidence lang na nandito siya."

"Dahil sa tingin ko mas magiging interestingㅡ

ㅡInteresting ito!?" Natatawa niyang turo sakin.

"Wala naman kayong balak na ibenta ako di ba?" duda ko.

"Of course not, ang totoo nyan kailangan namin ng bagong staff and I think you fit the job. Kailangan mo rin naman ng matutuluyan, tama?"

"T-talaga?!" Excited kong sabi.

"Tss, utu-uto." bulong nong isa. "Maghahanap ako ng kapalit niya. Wag lang siya."

"I like her." Diin ni Gunther tapos bigla nalang nitong hinagip ang kamay ko at kinagat.

"Awh!"

"There, you're hired." pahid nito sa bibig at ngumisi kay Trojan.

Nagdilim ang mukha ng huli pero binalewala ko yon.

"As in, t-tanggap na ko agad? Walang interview?" ngiwi ko na tinakpan ang pulsuhan ko.

"Kung ako sayo magpapaalam na ako sa mundong 'to." sabi ni Trojan na nauna nang maglakad sa'min.

"Ang mga gamit niya?" Gunther.

"Ideya mo 'to kaya ikaw na ang tumulong sakanya!" sigaw niya pabalik at dumiretso na sa kotse.

"Ako na lang ang bubuhat, salamat." presenta ko.

"Wag mo na lang masyadong pansinin si Trojan. Pagod lang siya sa trabaho."

"A-ano bang trabaho niya?" Curious ko.

"He's a Vampire Assasin."

Nanlaki ang mata ko.

"Bakit gulat na gulat ka? Vampire lang ang mga clients at subjects niya. He's a member of an underground organization called MidKnight."

"Assasin at butler pala siya?"

"Butler sa umaga, assasin sa gabi."

"Uhm, okay lang ba na ishare mo sa'kin ang information na yan?"

He smiled, "I don't think my magagawang damage ang katulad mo kahit pa sabihin ko sa'yo lahat ng detalye tungkol sakanya."

kibit balikat ako, "Pero salamat ulit."

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo." ngisi niya.

"Huh?"

"Nevermind."

Taka akong sumunod sakanya.

Continue Reading

You'll Also Like

18.7M 594K 35
When her longtime boyfriend proposes to her, Nari does not seem happy. She rejects him, hoping he would understand. But two years, seven days, three...
707K 18.9K 63
[ πŒπ€π…πˆπ€ 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 π“π‘πˆπ‹πŽπ†π˜ : 𝟐 ] The Queen is back as the bloody war continues. Highest Ranks: #1 in Action & #1 in Mystery Language:...
2.7M 81.5K 66
#Wattys2016Winner | Monster Duology #1 A Vampire/Mystery Story β‹˜ ───────── βˆ— β‹…β—ˆβ‹… βˆ— ───────── β‹™ R18+ | Human and Vampire, what's the difference betwee...
2.1M 93.6K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...