Two Hours More

By binibininghannah

2.9M 14.9K 2.1K

Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong mins... More

Two Hours More
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Thank YOU!
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Mumunting Note
Two Hours More - Eight
Two Hours More - Eight - Day 1 - 6
Two Hours More - Eight - Day 7- 10
Two Hours More - Eight - Day 14
Two Hours More - Eight - Day 15-30
Two Hours More - Nine - Day 32 - 53
Two Hours More - Nine - Day 55-60
Two Hours More - Nine
Two Hours More - Ten - Day 64-68
Two Hours More - Eleven - Day 71-74
Two Hours More - Eleven - Day 75
Two Hours More - Twelve - Day 76 - 86
Two Hours More - Twelve - Day 90
Hiro's Letter
Two Hours More - Thirteen
Two Hours More - Thirteen
Jam's Letter
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Dad
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Best friend
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Princess
Two Hours More
Marami pong Salamat!
UNTITLED.docx
Icarus
Published book, anyone?
THM Book 2
Facebook, Twitter, Tumblr, Weebly
RED.docx

Two Hours More - Ten - Day 61 - 63

28.3K 130 17
By binibininghannah

Ten

Jam’s POV

Day 61 Wednesday

“Like, seriously girl? Hindi nagalit si Uncle?”

“Reema, nagulat nga din ako e. Pero, oo, hindi talaga. But then no’ng nag-usap kami no’ng gabi, ‘yon pa rin, sabi n’ya ‘wag na daw ako makipagkita kay Hiro.” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at kay Aira na nando’n rin habang kinekwento ‘yon sa kanila.

“Bakit daw ba? Hindi ko s’ya ma-gets.”

“Alam mo Aira, gustong-gusto ko na rin talagang malaman.” Napapailing ako sa pag-iisip ng dahilan kung bakit ba ganon magsalita si Dad.

“Tanungin mo kaya si Hiro, girl.”

“Ha? Anong itatanong ko? Bakit nagkakaganon si Dad? He’ll never know about it.” Ano naman kayang naiispan ni Reema.

“Nakaka-stress kayo!” nagkasabay na naman silang dalawa sa pagsasalita. Nagkasabay-sabay naman kami sa pagtawa. Stressed na stressed na rin sila dahil sa’min. Idinadaan na lang namin sa tawa ang mga ganito.

“E, teka, ikwento mo na nga lang ‘yong date n’yo, nang mawala ang stress ko sa inyo, dali!”

Parang mas kinikilig pa itong si Aira, na pasimuno ng story telling ko, at si Reema kesa sa akin nang ikinwento ko sa kanila ang bawat detalye ng nangyari kagabi. Sabay ring nanglaki ang mga mata nila nang mabanggit ang salitang ‘monthsary’.

“What? He actually greeted you ‘happy second monthsary’? Nakakilig!!!” Kilig na kilig talaga si Aira sa kwento ko.

“Nagulat nga ako e, pero hayaan na.”

“Ay, gustong gusto!”

“Hindi naman Reema… Konti lang.” Tuloy ang kantyawan habang inaangkin na naman namin ang sikretong garden sa school.

“Ano kayo?” Mukang gulong-gulo ang itsura ni Aira.

“Ha? Pakilinaw naman ng tanong.” Humahagikgik kami ni Reema dahil sa itsura ni Aira.

“Kayo. Ano kayo ngayon? ‘Yang inyo ni Hirong ‘yan. ‘Yan ang sinasabi ni Aira,” sabi naman ni Reema.

“Ano nga ba… Hindi ko rin alam e...” I was shaking my head.

“Baka pseudo lovers.” Hirit naman ni Aira.

“Hindi a! Totoo namang lovers kami no. He loves me, I love him. The only thing is, we’re not a couple. Right Reema? Pagtanggol mo ‘ko!” Si Aira talaga ang medyo childish sa’min.

“Oo naman. Totoong lovers ‘yang dalawang ‘yan no. Aira talaga.” At si Reema naman ang ate namin.

Naisip ko tuloy bigla kung tanungin ko nga kaya si Hiro kung baka naman may idea s’ya kung bakit nagkakaganyan si Daddy. Tamang-tama magkikita kami sa Saturday.

Day 63 Friday

“Nay Mira, nakita nyo po ba ‘yong relo ko?” Hindi na ko mapakali kakahanap ng relo ko. Ipinatong ko lang ‘yon kagabi sa table ko katabi ng gamit ko para ‘di ko makalimutan dahil papapalitan ko ng battery, pero paggising ko, wala na. Paggising na paggising ko pa lang tuloy, imbis na kumain, ang paghahanap na agad ng relo kong ‘yon ang inatupag ko. Tanghali pa naman ang pasok ko maya-maya kaya may oras pa ‘ko.

“Anak, hindi e. Halika na’t kumain ka na muna, at ako na ang maghahanap sa kwarto mo mamaya.”

“E, hindi po. Gusto ko po makita na kaagad.”

“Madison, anong nawawala?” Pababa si Daddy ng hagdan nang tanungin n’ya ako.

“Dad… Dad ‘yong relo ko po kasi.”

“Aling relo? Baka nakita ko.”

“Dad, ‘yong ---“ Hindi pa ko nakakatapos magsalita. Ide-describe ko pa sana ang itsura ng relo ko pero nagsalita na agad si Dad.

“‘Yong galing kay Hiro?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit alam n’ya? Napalunok ako ng laway.

“D-dad, opo.” Tapang-tapangan na naman ako at diretso pang nakatingin sa mga mata n’ya nang sumagot ako. Alam ko na ang sunod na mangyayari.

“Oh, that liar?”

“Dad!”

“Good morning!” Kaming dalawa ay napalingon kay Migs. Mabuti na lang at naisipan n’yang pumunta ngayon dito. Napabuntong-hininga ako. Maayos na rin ito at least gagaan ng konti ang ambiance sa bahay.

“Sinong liar, Pa?” Si Migs naman, nagtanong pa e. Imbis na tapos na sana ang usapan kasi nga dumating na s’ya.

“Si Hiro.” At naglakad na si Daddy papunta sa hapag-kainan. Napaka-casual lang ng pagkakasabi n’ya no’n.

Nasasaktan akong marinig ‘yon, sa totoo lang. Nagkatinginan kami ni Migs. S’ya naman, gulat na gulat ang itsura.

“B-bakit ganon ang sinasabi n’ya about Hiro?” ‘Yong daliri n’ya pa hindi na naiwasang mapaturo kay Daddy.

“Hindi ko rin alam.”

Sabay-sabay kaming nag-breakfast. Pero hindi mapalagay ang isip ko sa sinabi ni Dad. Dad’s not like that. Yes, he’s strict but no, he’s not mean. Never. Hindi s’ya nagsasabi ng kahit anong masama sa kahit na kanino. Pero paanong nasasabi ni Dad ‘yon? Ganon na ba talaga ang pagka-dislike n’ya kay Hiro? Nag-aalala tuloy ako. Hiro? A liar? No. He will never be a liar.

“Jam, don’t stress yourself out, okay? Baka, antok lang ‘yong si Papa.” Kahit alam naman ni Migs na hindi lang ‘yon basta antok lang, pinipilit n’ya pa ring pagaanin ang loob ko dahil sa sinabi ni Daddy.

Biglang umulan ng malakas kanina bago pa man ako makaalis ng bahay kaya nasa sasakyan n’ya kami ngayon dahil ihahatid n’ya ko sa school.

“Hindi naman gagawin ni Hiro ‘yon ‘diba?”

“Oo naman. Mahal na mahal ka kaya no’n.”

“Alam ko.”

“Alam mo naman pala e. Tama na ‘yan. Malapit na tayo sa school mo. ‘Yong relo mo pala, pakikuha na lang sa bag ko. ‘Yan, d’yan, sa likod.”

“Ano?! Bakit na sa’yo?!”

“Hindi mo alam?”

“Na?”

“Si Papa kaya nagbigay sa’kin n’yan kagabi. Dumaan ako sa inyo pero tulog ka no’n. Medyo late na nga naman kasi ‘yon. Sabi n’ya  ako na daw bahala, tapos ibalik ko daw bago ka pa makapasok ngayon. Sinunod ko lang. You really don’t know?”

“Hindi… A-ano bang problema ni Dad? Alam n’yang galing ‘yan kay Hiro, tapos, s’ya pa mismo --- teka, anong nangyayari sa kanya?”

Napatawa si Migs dahil sigurado akong ang itsura ko ngayon ay itsura ng isang taong nakakaranas ng mataas na uri ng pagtataka.

“Alam n’ya? E, sabagay kahit naman galing ‘yon kay Hiro, gamit mo pa rin ‘yon kaya ipapaayos n’ya talaga kung nakita n’yang may problema. Pero bakit n’ya kaya alam no? Well, ang dami-dami mo naman kasi talagang relo pero ‘yan ang lagi mong suot, kaya alam na nga n’ya siguro ‘yon. Si Papa pa.”

Sabagay. Siguro nga sapat na dahilan na ‘yon para maisip ni Dad na galing kay Hiro ‘yon. Pero hindi ko s’ya ma-gets. Talaga.

“Ang tagal na pala no’n sa’yo no? ‘di ba ‘yon ‘yong umamin s’ya --- uy Jam, Gising! Ano ka?!” Tawa pa rin ng tawa sa’kin si Migs. Natutulala na naman daw ako. Nakak-stress sila!

Buong maghapon akong hindi napalagay dahil don. Pagkarating ko ng bahay, agad kong tinawagan si Hiro. Hindi ko s’ya natawagan kanina, kahit na gusto ko na talaga s’yang kausapin tungkol dito, dahil hindi pa ‘ko masyadong nagtatagal sa school, nagloko na naman ang cellphone ko at ayaw mabuhay.

Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko, pero, siguro tama sila Reema. Bakit nga ba hindi ko itanong kay Hiro ang tungkol dito.

Hindi ko alam kung paano ‘to ba sisimulan. Bahala na.

Unang tawag, hindi n’ya sinagot. Pangalawa, pangatlo. Umabot ng pang-apat, hindi n’ya pa rin sinasagot. Napapaisip naman tuloy ako ngayon kung baka naman napano na s’ya. Ano ba ‘yan, kung ano ano na’ng naiisip ko!

Fifth attempt.

“Princess, why? Is there something wrong?” Mabuti naman at sinagot na n’ya. I don’t call Hiro much, really. As in. Kaya siguro nagpa-panic s’ya ngayon dahil ako ang naunang tumatawag.

Hindi ko talaga alam kung pano sisimulan ‘to, pero my emotions are getting uncontrolled and taming it means getting things settled. I mean, I want to know what’s really happening.

Bigla-biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. I never wanted to ask him this question, because I trust him, and I know he will never do what Dad is thinking he’s doing. But then I feel like doing this to prove Dad is wrong.

“Princess… Magsalita ka please.”

“Hiro…”

“Umiiyak ka ba?!” Yes I am! Please, prove to me Dad is wrong!

“Hiro… I’m going to ask you something. But please don’t get offended or what. I trust you enough, but please…” He ‘didn’t say a word, maybe because he was waiting for me to continue what I’m saying. “Hiro, have you ever lied to me?”

Hindi s’ya agad nakasagot. Limang segundo. Limang segundo ng katahimikan na para bang gusto na lang s’yang puntahan tapos tanungin ng harapan.

“Baby, anong… klaseng tanong ‘yan?” His voice was shaking. I know it hurts him to hear me asking this to him.

“I promise nothing will change if you’d say yes, and of course nothing would really change if you’d say no. But, please I just want to know. Please…”

Narinig ko ang buntong-hininga n’ya.

“Alam ko namang hindi mo ‘yan gagawin e. Pero ‘di Dad kasi. Sinasabi n’ya sa’kin na ‘wag na kong makipagkita sa’yo. Kasi iiwan mo daw ako... Tapos sasaktan mo lang daw ako. Pero ‘diba, Hiro, hindi? Hindi naman di ba?”

Bakit hindi s’ya nagsasalita?

“Di ba…?” Bumibigat ang pakiramdam sa dibdib ko. Sabihin mo namang hindi, please.

“Hiro…”

And right after my tears fell, the call was cut. And yes, it was my phone again. Cutting this conversation that was supposed to clear things up but then causing another commotion between Hiro, Dad and I. Bakit hindi s’ya nagsasalita? Please, Hiro don’t tell me Dad is right.

Hindi agad ako nakatulog. Ayoko ng ganitong klaseng pakiramdam.

Mabuti na lang at hindi busy si Migs kaya kahit papano gumaan talaga ang pakiramdam ko nang makausap ko s’ya. Pati na rin sila Reema at Aira.

Baka naman nag-o-overreact lang ako?

Ayoko ng mag-isip.

10:28pm

Tumatawag si Hiro. Medyo nagdalawang isip pa kong sagutin ‘yong tawag pero kailangan ko s’yang makausap. Akala ko palilipasin n’ya na lang ang gabi na hindi kami nagkakaayos. Hindi pala.

“Baby, I honestly don’t know why you’re thinking like that. It hurts to hear that from you, inaamin ko. But then iniintindi kita, kasi alam kong hindi ka naman magkakaganyan kung walang dahilan.

“Hiro, I’m sorry…”

“Pero bakit nga ba? ‘Yong sinabi mo ba kaninang sinasabi ng Daddy mo?” Nagsimula na namang pumatak ang luha ko.

“Hmm…” Sagot ko para sabihing “Oo.”

“Basta lagi mo lang tatandaan, lahat ng sinasabi ko sa’yo… at ginagawa ko, mula noon hanggang ngayon, totoo.”

“Alam ko…” Dahil malaki ang tiwala ko sa’yo.

“Mahal…” saglit s’yang tumigil. “Baby, mahal na mahal kita.”

“Alam ko…” My tears shows happy I am.

“May tiwala ka sa’kin ‘diba?”

“Oo…” How happy I am to know that Dad is wrong.  Hiro’s not a liar.

“Baby, kalimutan mo na ‘yong sasabihin ng ibang tao. The most important thing is us. You. I. And the love we have. Okay, baby?” Alam kong umiiyak din s’ya sa kabilang linya.

“Hmm…” Yes, Hiro.

“I love you.”

“I love you too.”

Buong puso at buong tapang kong sagot pero eksaktong banggit ko ng salitang “I” ay narinig ko na rin ang tunog na naghuhudyat na tapos na ang tawag sa pagitan namin. Nawalan na naman siguro ng signal ang cellphone ko kaya nagkaganito.

Tumulo ng marahan ang mga luha ko.

Hindi niya narinig.

Continue Reading

You'll Also Like

248K 3.6K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
4.9K 486 15
My name is Simon. I am living in a life that probably everyone will say a sinful. But come on, who will judge me? You? Pathetic. I don't believe in H...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
Limerence By Aira

Teen Fiction

3.4M 48.4K 45
"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A crush is for a short duration of time, w...