Two Bad Boys Beside Me (COMPL...

By Princess_Jenpaumevi

5.9M 171K 16.8K

"I'll break you, Spring. I'll fucking break you. Mark my words." *** Spring Cruz is your typical A plus stude... More

Chapter 1: Helios Bad Boys
Chapter 2: The Video.
Chapter 3: The Necklace
Chapter 4: Three Years Ago
Chapter 5: Lifeless
Chapter 6: Fate (Part 1)
Chapter 6: Fate (Part 2)
Chapter 7: Weak and Chaos
Chapter 8: I wish I never met you.
Chapter 9: She's nothing to me.
Chapter 10: The Truth 1/2.
Chapter 10: The Truth 2/2.
Chapter 11:HURTING
Chapter 12: I'll break you.
Chapter 13 (Part 1): Another Tragedy
Chapter 13 (Part 2): Another Tragedy.
Chapter 14: Destiny's Game.
Chapter 15:Light's Curiosity.
Chapter 16: Topless Cane.
Chapter 17: Heartbeat.
Chapter 18: Curiosity kills a cat.
Chapter 19: Eavesdropping.
Chapter 20: Stop blaming yourself.
Chapter 21: Start of a New Friendship.
Chapter 22: Chaos Breakfast.
Chapter 23: Touch her and you're dead.
Chapter 24: I'm sorry. I'm really sorry.
Chapter 25: Changes.
Chapter 26:The Deal Between Them.
Chapter 27: An Ugly Duckling turn into a Swan.
Chapter 28: She's still an ugly duckling.
Chapter 29: Drunkard Spring.
Chapter 30: What happened last night?!
Chapter 31: Amnesiac Spring
Chapter 32: Almost Kiss
Chapter 33: Kuya Paeng & Paupau
Chapter 34: Drag Race
Chapter 35: Stalking the Nerd.
Chapter 36: What happened that night.
Chapter 37: He's Normal but for me He's not
Chapter 38: The Reason Why.
Chapter 39: Lights' Game
Chapter 40: Different Side of Torn & Cane
Chapter 41: Things are getting better... or not?
Chapter 42: Thesis Proposal.
Chapter 43: Challenge Accepted?
Chapter 44: Savannah 'Vannie'.
Chapter 45: Papa Cane? Papa Torn?
Chapter 46: Good luck on your audition.
Chapter 47: Closer.
Chapter 48: Charm and Cane?
Chapter 49: Crying Cane plus 'Ali'?
Chapter 50: Let's be friends.
Chapter 51: Clueless.
Chapter 52: Revelations.
Chapter 53: First Kiss
Chapter 54: End of First Half.
♥SECOND HALF♥
Chapter 55: It's all my fault.
Chapter 56: I want to live.
Chapter 57: I can be your slave.
Chapter 58: Why did I save him?
Chapter 59: Don't cry.
Chapter 60: Stay by your side.
Chapter 61: I no longer hate you.
Chapter 62: Drastic Changes (Part 1)
Chapter 62: Drastic Changes (Part 2)
Chapter 63: Hurricanes' Past.
Chapter 64: Do you like him?
Chapter 65: Two truths and one lie.
Chapter 66: Tornado (Part 1).
Chapter 66: Tornado (part 2)
Chapter 67: Moving out?
Chapter 68: Tension between them.
Chapter 69: I think... what?
Chapter 70: Knowing the Truth
Chapter 71: I like you.
Chapter 72: Confused.
Chapter 73: Hurricane Thoughts.
Chapter 74: Happenings.
Chapter 75: Battle of the Twins.
Chapter 76: Talking with the Bad Boys.
Chapter 77: Cyclone Helios
Chapter 78: The Fiancée.
Chapter 79: I really did fall for him.
Chapter 80: Last Time.
Chapter 81: Don't cry.
Chapter 82: Pain.
Chapter 83: Mistaken Identity
Chapter 84: Holding Hands.
Chapter 85: Congratulations, Tornado Helios.
Chapter 86: Again.
Chapter 87: It's nothing.
Chapter 88: Treat you better.
Chapter 89: Biggest Regret.
Chapter 90: Luna.
Chapter 91: Let's runaway.
Chapter 92:Why can't we be together?
Chapter 93: One Day Happiness (Part One)
Chapter 93: One Day Happiness (Part Two)
Chapter 93: One Day Happiness (Part Three)
Chapter 93 One Day of Happiness (Last part)
Chapter 95: Bad Boys Tears
Chapter 96: Her loved ones.
Chapter 97: Closure.
Chapter 98: A date to remember.
Chapter 98: A Date to Remember (Part 2)
Final Chapter
Hurricane Helios

Chapter 94: Giving up.

35.2K 1.1K 250
By Princess_Jenpaumevi

SPRING'S POV

Nagising ako sa pamilyar na lugar. Puti ang paligid at ayon na naman ang nakasanayan ko ng kirot sa kanang kamay dahil sa nakatusok na naman doon. Mapait akong napangiti, nasa hospital na naman ako. Gusto kong isipin na ang hospital na 'to ay parehas sa pinuntahan ko nung isang araw.

Na nanatili lamang ako rito at walang nangyari kagabi. Pero malinaw pa ang alaala ko. Puso ko lang ang may problema hindi ang utak ko. Pumikit ako at muling naalala ang hitsura ni Torn kagabi. He was in pain while begging me to be with him. And if only I have a choice I would spend not just a day with him. Pero anong silbi ng pananatili ko sa kanya kung paghihirap lang din ang mararanasan niya kapiling ako. Kung sa huli iiwanan ko pa rin pala siya.

Yesterday, he made me feel so loved and happy. But I chose to hurt him. And if I will be given a chance to turn back the time. Still, pipiliin ko pa rin na saktan siya. Para mas madali para sa kanyang makalimutan ako. I know that letting go is the hardest part of loving someone. Pero hindi ko inakalang ganito pala kasakit, siguro kasi perfect na sana ang lahat. Mahal ko siya at mahal niya rin ako pero hindi kami puwede.

Mabilis kong pinahid ang naglandas na luha sa mga pisngi ko nang bumukas ang pinto at iluwa non si Trent. Nasa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

"Hey, how are you feeling? You freaking scared me princess," hinalikan niya ako sa noo at niyakap.

"I'm sorry..."

Kanina habang walang tigil ako sa pag-iyak tinawagan ko si Trent to pick me up. He was so worried about me pero kahit anong pagpigil ko na huwag umiyak dahil nakikita ko ang awa at sakit sa mga mata niya. Hindi ko mapigilan. Umiiyak ako hindi lang dahil kay Torn kung hindi dahil tinatanggap ko na baka hanggang dito na lang talaga ako. Na baka sapat na ang mahigit sampung taon na pinahiram sa akin ng Diyos. The last time I remember hindi ako makahinga at sobrang bigat ang pakiramdam ko.

"What do you want to eat?" masuyong tanong niya sa akin. Sandaling nagtagal ang tingin niya sa mga mata ko na marahil ay namumugto hanggang ngayon. Inaantay kong tanungin niya ako kung anong nangyari kagabi pero inuna niyang asikasuhin ang mga pagkain na dala niya.

"I bought your favorite pancake, there's also soup how about fruits--"

"I want to go..."

"You're going to eat first then we're going to transfer in the city hospital. You need further tests, we need second opinion, I think--"

"Kuya..."

Napahinto siya sa ginagawa niya pero hindi niya ko sinulyapan. Tumalikod siya at itago niya man hindi nakaligtas sa akin ang tumakas na luha mula sa mga mata niya.

Alam niya na.

"Are you crying?" pilit ang pagtawa kong tanong.

Umiling siya pero tuluyan na kong natawa nang marinig ang pagsinghot niya.

"Hindi pala ah? Don't cry! I'm not dying..." napapikit ako nang kumirot ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko bago mapait na dinugtungan ang sinasabi ko. "...yet."

"Spring!" galit na nilingon ako ni Trent pero nang makita kung nasaan ang kamay ko ay natataranta siyang lumapit sa akin. "Saan masakit?! Wait, I'll call the doctor--"

Bago pa siya makaalis ay mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Parang may pumipiga sa puso ko nang makita ang luhang namalisbis sa pisngi niya. Ilang tao pa ba ang luluha para sa akin? Pinalis ko ang luha sa magkabilang pisngi ni Trent pero nagpatuloy lang ang pagluha niya.

"Remember when we were young, when I heard that there's no guarantee na tatanggapin ng katawan ko ang puso na nai-transplant sa akin? Na kung tanggapin man ng katawan ko, maaaring hanggang sampung taon lang ang kaya kong itagal. Chances of surviving more than that is low...I was scared. Pero maliban kay Tatay merong isang tao na naniwalang kakayanin ko, na nagsabing matapang ako. That miracles do happen when you have faith in Him...At ikaw yon...And look at me now, I made it this far Kuya...pero baka hanggang dito na lang talaga--"

"No! Please don't leave us Princess...Kung nagawa mo noon naniniwala akong magagawa mo muli ngayon..." Niyakap ko si Trent at hindi na umimik pa.

I can't promise Trent. I'm sorry...

"She's with me Uncle Tony..." Bumuntong-hininga si Trent at nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsulyap niya sa akin. Pero inabala ko ang tingin sa labas ng kotse. Papauwi na kami ng Maynila, bagama't masama pa rin ang pakiramdam ko ay nakumbinsi ko siyang umuwi na.

Pero hindi ko na nagawang makipagtalo pa nang sabihin niya sa akin na inaasikaso niya na ang paglipat ko sa hospital nila Uncle Tony.

"Nasabi na sa akin nang tumingin sa kanya but maybe you can do further tests--Yeah I understand, Uncle. Later evening nandiyan na kami. Thanks Uncle..."

Narinig ko na naman ang buntong-hininga niya.

"Nahihirapan ka rin bang huminga? Don't tell me parehas na tayong may sakit--"

"Stop joking. It's not funny..." nakasimangot na saad ng pinsan ko.

"Come on Trent, stop acting like this..."

"Like what?"

"Like baka bukas wala na ko? I told you hindi pa--"

"I said stop saying those nonsense words. Hindi ka m-mamamatay! Hindi ito kasinglala ng sakit mo noon. You're going to undergo another surgery para ayusin ang na-damage na valves sa puso mo...And after that you're going to be fine. Just sleep Spring, malayo pa ang biyahe."

But what if hindi na lang valves ng puso ko ang may problema? What if kung puso ko na mismo? What if kung sumusuko na pala ang pusong ipinagkaloob Niya sa akin?

Pero imbes na isatinig 'yon ay nanahimik na lang ako at pinilit na makatulog pero sa haba na yata nang naitulog ko ay nanatili akong gising. Gusto ko mang pumikit ay hindi ko magawa dahil sa bawat pagpikit ko naaalala ko ang hitsura niya kagabi.

"Why did you cry like that?"

"Sabi nila Sister you were with someone named Torn..."

Hindi na muling nagsalita si Trent na tila inaabangan ang isasagot ko sa kanya.

"Trent how much do you love Light?"

Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.

"Let's not talk about her." walang emosyon niyang saad.

"Wala ka na bang balak na balikan siya?" hindi ko pagpansin sa naginf tugon niya.

"Bakit ko babalikan ang taong siyang nang-iwan? She doesn't love me anymore..."

"How sure are you na hindi ka na niya mahal?"

"She broke up with me with just a fucking text! And then the next day I saw her in a newspaper with his fianceé? Ganoon ba ang taong nagmamahal?"

Mapait akong ngumiti. "You don't have any idea how much that girl loves you...I wish that you find it in your heart to forgive her and maybe fight for her..."

Umiling-iling lang si Trent. "Let's not talk about her, ang importante ngayon gumaling ka. Kung ang lalaking 'yon man ang dahilan kung bakit ka nasasaktan at nahihirapan ngayon, please isantabi mo muna siya. Focus on your health Spring, please!"

"Can we go to my school first Trent?"

"No! You can't handle any stress right now so going to that place is a no."

Huminga ako nang malalim, "Sandali lang, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa locker at magpapaalam na rin ako kay Dean...for I know na imposibleng maipagpatuloy ko pa ang pag-aaral ko."

"Let me handle it-"

"Please Trent..."

"Fine! But I'll go with you."

Ngumiti na lang ako at hindi na kumontra pa.

PINILIT kong maglakad nang tuwid habang nakaakbay sa akin si Trent papasok ng university. Lahat ay nakatingin sa amin. Ang iba ay nagbubulungan habang may nakadidiring tingin sa amin.

"Who's that hunk?! Bagong nilalandi niya? Talagang dinala niya pa rito...what a bitch."

Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Trent dahil tinangka niyang lingunin ang nagsalita. Nauubusan ng pasensya na nilingon niya ako. Umiling ako na tila sinasabing hayaan lang sila.

Nang makarating kami sa office ng Dean ay si Trent na ang nakipag-usap dito. Alam kong nakarating na kay Dean ang kumakalat na video namin ni Torn pero wala siyang sinabi patungkol doon. Pinaliwanag niya sa amin ang magiging proseso nang pag-alis ko sa HU pero wala roon ang atensyon ko. Tumatango lamang ako sa bawat sinasabi niya.

"Let's go now..." saad ni Trent nang makalabas kami sa office ni Dean.

"Trent-"

"No, we're going home now Spring..."

"Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa locker ko, hintayin mo ko rito."

"I'll go with you."

Mariin akong umiling. "May kakausapin lang ako Trent,"

"But-"

"I'll be okay. I promise. Give me thirty minutes. Please..."

Nang makita ang pagsuko sa mga mata niya ay ngumiti ako at naglakad papunta sa locker ko. Wala naman akong kukuning gamit dahil iilan lang ang libro ko ron maliban sa isang maliit na paper bag na naglalaman ng regalo ko para sa kanya. Inilabas ko ang maliit na kahon at pinakatitigan 'yon.

Nagpapasalamat ako na oras na ng klase kaya iilan na lang ang mga taong nakakalat sa hallway. Nang makuha iyon ay napabuntong-hininga ko nang maisip na baka hindi ko rin maibigay kay Cane ang binili ko  sa kanya noong nakaraang linggo bago pa mangyari ang lahat.

"Walang mangyayari riyan kung tititigan mo lang..."

Napaigtad ako nang marinig ang boses sa gilid ko. Paglingon ko ay nakita ko si Charm na nakasandal habang nakatingin sa hawak ko.

"Charm..."

"May practice tayo bukas, mukhang hindi maganda hitsura mo kaya magpahinga ka na ngayon para maka-attend ka bukas... At kung hinahanap mo siya, pumasok ang ungas. Nandiyan lang 'yon sa tabi-tabi."

Tumalikod siya pero mabilis kong nahawakan ang braso niya. Tila napapasong napapiksi siya.

"S-Sorry... It's a good thing you're here. I'm sorry Charm pero hindi na ako makakasali pa sa inyo. I n-need to leave..."

Tinitigan niya ako at napailing. "Hindi ko inexpect that you're a coward...But wala naman akong magagawa sa gusto mo. Pero sana bago ka umalis ayusin mo muna ang gulong ginawa mo. Stop hurting him. He suffered enough. Hindi niya deserve 'to. I thought you're the who could fix him but I was wrong... Hindi mo siya binuo mas lalo mo siyang sinira."

Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya pero bago pa ako makaimik ay mabilis na siyang naglakad paalis. Sino nga ba talaga si Charm sa buhay ni Cane?

Paano niya nasabi ang mga 'yon? Anong alam niya?

Na-realize kong hindi ko pa nga talaga lubusang kilala si Cane. Hindi rin kasi ako gumawa ng bagay para kilalanin siya.

Binilisan ko ang lakad ko at isa-isang pinuntahan ang madalas na puntahan ni Cane. Napakapit ako sa handrail sa hallway nang maramdaman ang kakapusan ng hininga. I can't find him. Twenty minutes ko na siyang hinahanap. I only have ten minutes.

Please let me find him. I just want to say sorry for one last time.

I just want to see him for one last time.

Pumikit ako at saktong pagdilat ko ay nagtagpo ang tingin namin. He's in front of me. Nakita ko ang emosyong dumaan sa mga mata niya nang makita ang estado ko. Pero mabilis iyong nawala. Malamig ang tingin na umiwas siya at nilagpasan ako. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

"Cane..."

Hinawakan niya ang kamay ko at malakas na tinabig ito. Muli siyang naglakad pero mabilis ko ulit siyang hinawakan.

"Leave Spring...just fucking leave and don't bother me again."

"I will l-leave and you will never see me again. So please Cane, for one last time please let me talk to you..."

Hindi siya umimik pero hindi niya rin inalis ang kamay kong nasa braso niya.

"Ten minutes Cane. Only ten minutes."

"What are you doing, Spring?"

Niyakap ko siya mula sa likod. Humigpit ang yakap ko nang maramdaman ang panghihina ng tuhod ko.

"Thank you Cane... For everything you did for me. I won't expect you to forgive me. I won't even say I'm sorry kasi tama ka hindi ka hihingi ng sorry sa bagay na sinadya. For all those times that you were there for me, thank you. Y-You made me happy, believe me...At one point you made my heart skip a beat..."

"But not enough for you to choose me. Not enough for you to love me...I'm not enough for you and will never be."

"Cane, please don't ever think na hindi ka enough para sa akin o para kanino because you are. Ako 'tong may mali. Ako 'tong tanga at masama para saktan ka. You deserve to be loved...You deserve someone and that will never be me. Kasi ang tangi ko lang maidudulot sa isang tao ay purong sakit... Hindi ako deserve para sa pagmamahal mo. So please...find someone else who can make you happy. That will be one of my last wishes before I leave..."

Happy Birthday Hurricane...

Sa isip ko na lang iyon sinabi bago ko ihulog sa jacket niya ang maliit na kahon na hawak ko. Bumitaw ako sa yakap sa kanya at unti-unting naglakad palayo. Wala akong narinig mula sa kanya na ikipinagpasalamat ko.

Thank you Cane for becoming a part of my life...

TBC

Cheers for 2m reads for TBBBM! Shems next week three years na in the making 'tong story na 'to. Dare nga ninyo ko na tapusin 'to ngayong taon. Lol.





Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 355 41
#Plagiarism is a Crime My poem collection, Is my way showing my imperfection, That can be your inspiration, To unlock the light of your vision... #2n...
4.5M 85.6K 40
Unpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Gan...
286K 18K 11
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
72.6K 2.2K 36
Lalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled...