Lust and Found (Book II of Lu...

由 frozen_delights

6.2M 18.4K 2.2K

"I'm pregnant." Saglit na napamaang si Vincent sa sinabi ni Krista. Bagama't inaasahan na ng dalaga ang magig... 更多

The Painful Goodbye
The Scars of Your Love
Preview
Another Preview

Superwoman

217K 4.6K 651
由 frozen_delights

Chapter One

"NAY-NAY, kelan tayo pupunta ng Enchanted Kingdom?"

Napa-angat ng tingin si Krista mula sa paglilista at napatingin sa magpi-pitong taong gulang na anak na si Kristal.

"Enchanted Kingdom?" wala sa loob na pag-uulit niya sa sinabi ng anak. Nag-aapuhap ang utak niya kung nakapangako ba siya rito tungkol doon.

"Opo. Lahat ng friends namin ni Kuya sa school nakarating na ng EK. Kami na lang ang hindi," lumungkot ang mukha nito na parang nagpapaawa.

"Ano naman kung nakarating na sila ro'n?" supladong sagot ni Kristoff. Ito ang unang iniluwal sa kambal kaya ito ang maituturing na panganay. "Mamamatay ka ba kung hindi ka makakarating sa EK?"

Napasimangot ni Kristal sa panunupla ng kapatid.

"Ahm, huwag na muna ngayon, anak, ha? Marami kasi tayong bayarin, eh. Heto nga, o. Bina-budget ni Nay-nay ang mga commissions niya." Commission base lang kasi ang mga kita niya. Nag-iisip na nga siyang tanggapin ang offer ni Edward Miller na maging full-time PA nito para hindi na siya nangangapa ng sahod.

Edward Miller is an A-list actor slash singer. Nakilala niya ito sa isang hindi inaasahang pagkakataon at kinalaunan ay naging kaibigan na rin. Imagine that, siya na isang ordinaryo at pipitsuging talent scout, kaibigan ang isang sikat at pinagpipitagang actor at singer sa showbiz industry ng Pilipinas na si Edward Miller. 

Filipino-American si Edward. Nakilala ito sa isang reality tv show. Mas unang sumikat ito bilang singer. At nang pasukin na rin nito ang pag-a-artista, lalong naging popular ang pangalan nito. He's a balladeer. At bagaman may twang ito kung mag-deliver ng lines sa mga naging pelikula nito, nakakadala ito kung umarte. Mapapaiyak ka talaga. Maraming babae rin ang nahuhumaling dito. Bata, matanda, may ngipin o wala. At bakit naman hindi? Edward Miller is a complete package. Magandang pangangatawan, guwapong mukha, malakas na x-factor, at umaapaw na talents.

"Nay-nay, di ba malapit na ang birthday namin ni Kuya?" untag ni Kristal.

Lihim na napangiti si Krista. Halos nahuhulaan na niya kung saan patungo ang usapang iyon.

"Seven months pa, anak."

"Seven? Matagal pa ba 'yon, Nay-nay?"

"Medyo matagal pa." At naisip niya, may panahon pa siya para mapag-ipunan iyon. Pero siyempre ay hindi niya muna sinabi sa kambal. Mahirap ng mapasubo ganoong hindi steady ang kanyang kita.

Madalas kasi, hindi pa man niya hawak ang kikitaing pera ay may nakaabang ng bayarin. Problema pa madalas ang Mama niya. Naa-adik na yata sa tong-its. Napapabayaan na ang pag-aalaga sa kambal, nababawasan pa minsan ang pambaon ng mga bata sa school dahil sa sugal.

Hindi niya alam kung ano ang tamang itawag sa ginagawa ng kanyang ina. Para itong anak na nagrerebelde sa magulang. Siya ang ina at ito ang anak. Alam naman niya na siya ang sinisisi nito sa maagang kamatayan ng kanyang ama dahil sa pagbubuntis niya nang wala sa panahon. Ganoon pa man, mismong ang mga doktor na ang nagsabi na nabibilang na lamang talaga ang araw na itatagal ng buhay ng kanyang Papa. Her only regret ay iyong binigyan niya ito ng sama ng loob sa mga huling sandali ng buhay nito. Magsisi man siya ay wala na ring mababago. Isa pa, sa kabila ng mga sirkumstansya ay wala siyang pinagsisisihan na itinuloy niya ang pagbubuntis sa kambal. They're the greatest gift any mother would be so proud to have. Parehong bibo at matalino ang mga anak niya, bagaman pareho ring may kakulitan paminsan-minsan. Lalo na si Kristal.

"Ay, sana makapunta rin tayo sa EK."

Naaawang kinalong ni Krista ang anak. "Hayaan mo. Kahit hindi niyo birthday ni Kuya, pupunta tayo ng EK basta magkaroon lang tayo ng ekstrang pera."

"Talaga, Nay-nay?"

"Uh-hm."

Narinig ni Krista ang pagpalatak ni Kristoff. "Lagi ka na lang napakaraming hinihingi kay Nay-nay. Di ba sinabihan tayo ni Lola na magtipid?"

"E, bakit naman si Lola, laging nagbabaraha? Pagtitipid ba 'yon?"

Tinakpan ni Krista ang bibig ng anak. "Shh. Naglilibang lang si Lola. Kuya, okay lang humingi. Dahil para naman talaga sa inyo ang pagtatrabaho ni Nay-nay."

"Pero nahihirapan na po kasi kayo, Nay-nay. Sana nga lumaki na ako para matulungan ko na kayong magtrabaho."

Naluluhang nakabig ni Krista ang panganay sa kambal.

"May sikreto akong sasabihin sa inyo," aniya sa mga anak.

"Ano po 'yon?"

"Lahat ng nanay ay may secret powers. Para sa aming mga anak ay hindi kami nakakaramdam ng hirap at pagod para maibigay ang lahat ng inyong pangangailangan. Kami kasi ay tulad ni Superwoman. Mayroon kaming secret powers para manatiling malakas at matatag. Alam niyo ba kung ano ang secret powers namin?"

"Ano po?" halos sabay pang tanong ng kambal.

"Super power kiss at super power hug mula sa aming mga anak."

Natigilan ang dalawang bata.

"Binibiro niyo naman po kami, eh," ani Kristal.

"Hindi, ah. Kapag binibigyan niyo si Nay-nay ng kiss at hug pagdating galing sa work, nawawala ang lahat ng aking hirap at pagod. Kaya tig-isang super power kiss at super power hug naman d'yan, o."

Mabilis na nagbigay ang dalawang bata. Nangingilid ang luhang mahigpit na nayakap ni Krista ang kanyang kambal.

"Nay-nay?" si Kristal.

"O?"

"Nasaan po si Tay-tay?"

Tila nabitin ang paghinga ni Krista sa tanong. Hindi siya kaagad nakasagot.

"Patay na," sukat biglang sumingit ang boses ng kanyang ina.

"Ma...?" sa kauna-unahang pagkakataon ay gustong magalit ni Krista sa ina.

"O, bakit? Itutulad mo pa ba sa'yo ang mga anak mo na umaasang isang araw ay susulpot na lamang basta ang lalaking nakadisgrasya sa'yo at pananagutan ang iniwan niyang responsibilidad?"

"Mama, please?" matiim na tiningnan ni Krista ang ina upang sawayin ito. "Kristal, Kristoff, maghugas na kayo ng kamay, kakain na tayo ng hapunan."

Tahimik na sumunod ang naguguluhang mga bata. Nang makaalis ang mga ito ay hinarap ni Krista ang ina.

"Ma, matagal ng burado sa isipan ko ang pag-asang sinasabi niyo. Hindi pa man ganap na nabubuo ang kambal ay itinakwil na sila ng kanilang tatay. At matagal ko ng natanggap 'yon. Pero sana naman hindi niyo ako pinangungunahan sa pagsasabi ng mga ganoon kaselang bagay sa mga anak ko. Bata pa po sila. Hindi pa masyadong hinog ang isipan nila para maunawaan ang mga ganitong bagay."

"Mas mabuti na 'yong habang bata pa sila ay malaman na nila kung anong klase ng ama ang mayroon sila. Dahil kahit na sa anong paraan mo pa sabihin sa mga bata ang totoo, isa pa rin ang suma-total. Wala siyang kuwentang tao."

Lingid sa kaalaman nila ay napakinggan ni Kristoff ang lahat. Tahimik itong tumalikod at sinundan ang kapatid upang maghugas ng kamay gaya ng utos ng ina.


"KUNG iisiping mabuti, tama naman ang Mama mo. Kahit balutin mo pa ng matatamis na salita kung anong klase ng tao ang tatay ng mga anak mo, iisa pa rin ang lalabas na resulta. He's an asshole, a fuckboy. Kahit pa sabihing nobenta porsiyento ng pagkakamali ay nasa iyo, pagbali-baliktarin man ang sitwasyon--his dick is still responsible for getting you pregnant." 

Naitirik ni Krista ang mga mata sa mahaba-habang litanya ni Edward. Sinabi niya rito ang naging pag-uusap nilang mag-ina bago niya ito sinamahan sa isang biglaang photoshoot.

"Wow, ha? Nagsalita ang isang santo."

"Santo talaga ako compare sa babaerong 'yon," dagdag pa nito.

"Naku, hiyang-hiya naman siya sa'yo."

"Ipinagtatanggol mo? Siguro in-love ka pa sa gagong 'yon, 'no?"

"In-love? Hah! Isuot mo na ito, ang dami mo pang sinasabi," inihagis niya rito ang branded jeans na isusuot ni Edward sa photoshoot. "Bilisan mo."

"Yes, boss."

Nang magsimula itong maghubad ay tumalikod lang siya at inabala na ang sarili sa pagliligpit ng mga gamit nito. Ganoon siya kakomportable rito. At ganoon din naman ito sa kanya.

"So, napag-isipan mo na ba?"

"Ang alin?"

"'Yong offer ko sa'yong trabaho. Sa akin ka na lang kasi magtrabaho para hindi ka na mahirapang maghanap ng kung anu-anong raket."

"At paano si Mahal?" pinaikli iyong pangalan ng personal assistant nitong si Majalia. "Ayaw kong magkatrabaho nang may naaapakang ibang tao."

"It's a dog eat dog world, sweetheart."

"Well, hangga't magagawa ko ay ayaw kong may matapakang ibang tao para sa sarili kong kapakanan."

"You're so impractical. Tsk. Kapag ganyan nang ganyan ang magiging patakaran mo sa buhay ay ano na lang ang mangyayari sa mga inaanak ko?" inaanak nito sa binyag ang kambal niyang anak. Pero dahil nagkakapangalan na rin ito ng time na iyon, nagpa-proxy na lamang ito sa driver nitong si Mang Edmund.

"Impractical na kung impractical. Pero hangga't kumakain at nakakapag-aral nang maayos ang mga anak ko, at meron kaming bubong na masisilungan, hindi ko babaliin ang prinsipyong pinaniniwalaan ko."

"Yeah, yeah, sure. I hear you--oh, damn."

"Ano ang nangyari?"

"'Yong zipper, naipit. Hindi ko maitaas."

"Ano ka ba naman? Tingnan ko nga," bahagya siyang yumuko at sinipat ang harapan ng pundilyo nito. "Naipit 'yong laylayan ng shirt mo. Teka, aayusin ko."

Lumuhod siya para mas maayos niyang maisara ang zipper nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room ni Edward.

"What the...!"

Nakatalikod si Edward sa pinto kaya awtomatikong si Krista ang sumilip sa taong nakatayo roon sa pag-aakalang isa iyon sa mga staff. Ngunit saglit siyang napatigalgal nang mapagsino ang taong 'yon.

"Vincent," pag-acknowledge ni Edward sa modelo nang lumingon ito. 

"Well, well. Napakaganda naman ng eksena. Pasensya na, mukhang nakaistorbo ako."

Bago pa man nakasagot ang isa sa kanila ni Edward ay tumalikod na ito at malakas na kinabig ang pinto.

"Serves you right, bastard," mahinang sabi ni Edward na hindi nakaligtas sa pandinig ni Krista. 

Bagama't biglang-bigla sa nangyari ay mabilis pa ring pinagana ni Krista ang isip kung paano maaayos ang problema ni Edward sa zipper. Kinuha niya ang kamay nito at inutusan itong itulak palabas ang pundilyo. Alangan naman kasing siya ang dumukot sa harapan nito at gawin ang ipinapagawa rito. Pawisan na siya nang maresolba nila iyon.

"Are you okay?" tanong nito.

"O-oo naman. Nabigla lang ako."

Bigla itong natawa.

Nagtatakang tiningnan ito ni Krista. "Alam kong hindi ako kagandahan, Edward. Pero no'ng huling tingin ko sa salamin hindi naman ako mukhang payaso."

Muli itong natawa sa sinabi niya. "Ang dami pang sinabi. But for the record, maganda ka. Kaya ka nga natipuhan ni Vincent, di ba?"

Inirapan niya ito. "So, nakakatawa na pala ngayon ang maging maganda?"

"Sira. Natatawa ako sa misconception na posibleng iniisip ngayon ni Vincent."

"Ano namang misconception 'yon?"

"My God, are you for real? Kunsabagay. Ilang taon ka na ngang walang sex life--seven years? Wow, parang virgin ka na ulit no'n."

"Ang bibig mo, Edward Miller Katigbak!"

Tawa ito nang tawa sa sarili nitong kabaliwan.

Si Krista ay namula nang husto ang mukha nang maisip ang ibig nitong sabihin. Vincent saw them in a very compromising position that anyone would thought they were doing something obscene.

Sa kabilang banda, wala siyang kiber sa iniisip nito. Matagal ng putol ang anumang ugnayan sa pagitan nilang dalawa. Sure, nagulat siya nang makita ito. Pero normal na reaksyon lamang iyon para sa isang dating kakilala. Dahil sa loob ng pitong taon, kahit halos nasa iisang sirkulo lamang ang mundong ginagalawan nila ay hindi pa sila kailanman nagkatagpo. Ngayon pa lang.

"I'm all set. You really are an angel."

"Tse, nambola pa ito. Puwede na kaya akong mauna sa'yong umuwi?"

"Umiiwas ka?"

"Umiiwas? Bakit naman ako iiwas?"

"I don't know. Siguro dahil may dating pa rin."

"Fine. Hindi na lang ako aalis."

"That's my girl."

Nang magsimula ang photo shoot ay saka lamang nalaman ni Krista na magkasama pala sa project sina Vincent at Edward. Napaisip tuloy siya. Sinadya kaya ni Edward ang lahat para magkita silang dalawa ni Vincent? Pero siya na rin ang sumansala sa naiisip. Ano naman ang mapupurbetso ng kaibigan niya sakali nga at ginawa nito iyon?

-

and so they meet again...

until Sunday, darlings :)

frozen_delights







繼續閱讀

You'll Also Like

366K 27.7K 6
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.5K 52 30
"I have no reason to not love you more each day, Hon. You proved to me how lucky I am for having you. I will promise that my love will never fade awa...
1.4M 31.7K 34
Hindi lahat ng mahal kita ay sinasagot ng parehong linya. Hindi lahat ng maganda ay kapareha ng kung ano talaga siya. Hindi lahat ng pag-ibig ay ka...
25.9M 515K 43
Past is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1