IV OF SPADES Imagines

Por astridleys

17.6K 434 575

a collection of imagines made by yours truly para pakiligin kayo hehez // I DO TAKE REQUESTS, message niyo la... Más

intro
+ tahanan
+ takipsilim
+ can't take my eyes off you
+ boy friend
+ fangirl
+ para sa'tin (SEQUEL)
+ zild's birthday tragedy
+ apoy ng kandila

+ para sa'yo

2.3K 56 71
Por astridleys





  ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬  


0 2

p a r a  s a ' y o

b l a s t e r  s i l o n g a


  ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬  





"So, saan mo gusting kumain ngayon?"

Inikot mo ang iyong mata sa paligid na punong-puno ng puwedeng makakainan. Mayroong Chinese food, Korean food, Filipino, Japanese, Italian at iba pa. Nagkalat ang mga makukulay na mga ilaw sa daan kaya naman ay kitang-kita mo ang mga putahe na inihahanda nila.

"Napakahirap naman pumili." Sabi mo sa iyong isipan at sumimangot.

Tila naman nabasa ng kasama mo ang nasa isipan mo dahil hinigpitan niya ang pagkahawak niya sa kamay mo na naging dahilan upang mapatingin ka sa malalalim niyang mga mata. Nakangiti siya sa iyo.

"Wala kang mapili? Alam mo, gusto kong tikman 'yung Korean food ngayon. Masarap daw kasi sabi nila, eh tapos hindi ko pa natitikman. Sana ikaw din."

Tumango ka. "Sige, okay lang sa'kin ang Korean food. Nalula ako sa dami ng kainan eh!" tumawa ka at sabay kayong naglakad papunta sa pinakamalapit na Korean restaurant.

Andito kayo ngayon sa isang parang Food Park kung saan iba't ibang putahe ng iba't ibang bansa ang pupuwede niyong kainan. Ikaw naman, hindi ka naman masyadong gala kaya hindi mo alam kung ano ang masarap at sa hindi. Hindi ka rin naman maarte sa pagkain kaya kahit ano, okay lang sa'yo. At isa pa, gusto mo ring tumikim ng ibang pagkain kaso hindi mo lang alam kung ano.

Buti nalang din pala, kasama mo ang kasintahan mong si Blaster. Mahilig 'tong kumain ng iba't ibang pagkain, eh. Halos lahat na ata ng cuisine natikman nito sa buong mundo.

Pumasok kayo doon sa Korean restaurant at naupo sa pwesto niyo. May lumapit naman sa inyo at kinuha ang order niyo. At dahil wala ka ring kaalam-alam sa mga kinakain ng mga Koreano, hinayaan mo na lang din na si Blaster ang umorder. Nang maka-alis naman 'yung tao, nabalot kayong dalawa sa katahimikan.

"Sigurado ka 'bang wala kang gig o rehearsal ngayon?" tanong mo.

Hinawakan niya ang kamay mo na nakapatong sa mesa. "Sabi ko naman sa'yo, wala."

"Talaga?"

"Oo nga."

"Sure ka?"

Umiling siya. "Meron naman pero hindi naman importante –"

"Blaster, sabi mo huling beses na 'yun mangyayari? Alam mo naming ayokong hindi ka umaattend ng mga rehearsals niyo para lang sa'kin."

"Pero... ayoko naman mawalan ng oras para sa'yo."

Ngumiti ka sa kanya. "Naiintindihan ko naman. Okay lang sa'kin."

Nag-pout siya. "Eh kung okay sa'yo, sa'kin hindi. Mas importante ka 'no."

Naramdaman mong namula ang mga pisngi mo. Alam na alam niya talaga ang mga salitang dapat sabihin para pakiligin ka.

"Kahit kalian ka talaga," nangigigil mong sabi sabay kurot sa kanyang pisngi.

"Aray! Sino nagsabing puwede mong gawin 'yun ah?" gaganti na sana siya sa'yo kaso bigla naming dumating 'yung inorder niyo kaya naman napabalik siya sa kinauupan niya. Isang samgyeopsal para sa kanya at pork bulgogi para naman sa'yo.

Tinignan mo lang ito at iniisip mo kung masarap ba ito o hindi. Mukha naman. Pero 'yun nga. Malay mo hindi.

Kukuha ka na sana kaso bigla niyang pinitik 'yung kamay mo.

"Sandali! Pipicturan ko muna! Pang-instagram at pang-my day!" sabi niya saka naman inanggulo ang kanyang cellphone. Nakangiti ka lang sa kanya habang inaantay mong matapos ang kanyang ritwal. Hindi mo na kukuhanan ng litrato 'to kasi hindi ka rin naman mahilig sa mga social media na 'yan.

"Tapos ka na?" sarkastiko mong tanong at ipinatong ang pisngi mo sa iyong palad.

"Konti nalang..."

"Okay na 'yan! Nagugutom na ako eh."

Sumimangot siya. "Sige na nga. Kung andito siguro si Unique, unang kuha pa lang, maganda na."

"Hindi katulad sa'yo, nagpapraktis siya ngayon."

"Kumain na nga lang tayo."

Kinain niyo 'yung mga inorder niyo sa katahimikan – pero hindi 'yung tipong dahil hindi kayo komportable sa isa't isa. Sa katunayan nga, mas natutuwa ka pa dahil walang nagsasalita sa inyong dalawa. Pawang mga boses lamang ng mga taong nasa paligid mo at mga tunog ng kaldero at ng pagpiprito ang naririnig mo. Kahit sa ilang minute, nakalimutan mong marami ka pang gagawin sa eskwelahan niyo.

Para sa'yo kasi, makasama mo lang si Blaster, ay masaya ka na agad lalo na sa napaka-higpit nilang schedule na pati silang magkakabanda ay halos hindi na rin nakatutulog para lamang makapag-ensayo para sa sunod-sunod na mga gig nila. Paminsan nga, iniisip mo nalang kung nakakakain pa ba ang mga ito dahil kung lumamon si Blaster ng kanyang samgyeopsal ay parang hindi na siya makakakain bukas.

"Huy, hinay, hinay lang," natatawa mong sabi at inilabas ang iyong cellphone para kuhanan siya ng litrato. Sakto naman sa pagpindot mo ay iniangat niya ang kanyang ulo. Tawang-tawa ka sa kinalabasan ng litrato na para bang nasira ang poging imahe ng isang Blaster Silonga. Para naman makabawi, kinuhanan ka rin niya ng litrato habang pinagtitripan mo 'yung picture niya kaso nga lang mukha ka pa ring diyosa 'dun.

"'Bayan, tawa ka na nga ng tawa, ang ganda mo pa rin," sabi niya. "Ba't ba ang ganda mo?"

"Nasa genes 'yan."

"Hay nako, ang swerte ko talaga sa'yo."

"Mas ma-swerte ako sa'yo," bulong mo sa sarili mo. Pinili mong ibahin ang daloy ng usapan.

"Hindi ka ba napapagalitan dahil hindi ka nagpapraktis?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi. Mas mahal kita kaysa sa musika, ano ka ba."





Pero alam mo.

Alam mo 'yung katotohanan.

Alam mong hindi niya lang sinasabi sa'yo.

Kaya imbis na matuwa ka at kiligin sa mga sinabi niya, ay naawa ka pa sa kanya. Hindi mo mapigilang makonsensiya dahil habang ikaw ay kasalukuyang nagsasaya kasama siya, maya-maya naman o kinabukasan ay bubulyawan siya ng kanyang mga ka-banda dahil hindi nanaman siya nag-ensayo. Mas lalo pang tumindi ang nararamdaman mo nang mapagtanto mong ikaw ang dahilan.

Ikaw ang dahilan kung bakit siya mapapagalitan.

Dahil ayaw niya lang maisip mong wala na siyang oras para sa inyong dalawa. Minsan nga, naiisip mo na lang na gumagawa nalang si Blaster ng isang maskara kung saan masaya siya para lang sa iyo. Ayaw na ayaw niya kasing nag-aalala ka para sa kanya.

"Tikman mo 'to, ang sarap." Binigyan ka niya ng kaunti sa kinakain niya tapos kumuha rin siya sa'yo.

Natapos ang gabi na 'yon nang magkahawak lang ang kamay ninyong dalawa ni Blaster. Halos mapuno na rin ang espasyo ng cellphone mo dahil hindi siya tumigil kaka-selfie dito. Kahit sa isang araw, naramdaman mong masaya talaga si Blaster. Minsan kasi, tumatawag nalang siya sa'yo na namimiss ka na raw niya at gusto ka niyang makita. Naaawa ka na nga sa kanya, e. Siyempre, busog rin kayong dalawa.

Ngunit sa kabila nang lahat, alam mong mapapagalitan si Blaster kinabukasan. Mabubulyawan. Pilit mo 'tong kinakalimutan pero tila ayaw ka nitong tantanan.

Matapos kang ihatid sa dorm mo ni Blaster at nagpalitan ng mga salitang "Mahal kita", ay pumunta ka agad sa iyong kwarto. Buti nalang wala 'yung kasama mo sa dorm, kundi sinigawan ka nito kung bakit ka late nanaman umuwi.

Sakto naman, tumawag si Unique.

"Sinamahan ka nanaman ni Blaster, no?" tanong niya agad nang sagutin mo ang tawag niya.

"Good evening, ah." Sarkastiko mong sagot.

"Bakit ko pa pala tinanong? Bobo mo Unique, alam na alam mo naman ang sagot. Anong bago."

Natawa ka. "Kinakausap mo nanaman sarili mo."

"Ang tanong, alam mo bang pinapagalitan siya pag tumatakas siya para lang samahan ka tapos pupunta siya ng late sa mga rehearsals?"

Hindi ka umimik.

Tinignan mo ang mga litrato niyong dalawa ni Blaster na nakapaskil sa dingding ng dorm mo. Sa sobrang saya niyong tignan, nakakaramdam ka ng kirot sa puso mo.

"Anong gusto mong gawin ko?"

Narinig mong may bumukas na pinto sa kabilang linya at isang pamilyar na boses. "Ikaw, ano nga ba ang plano mo?"

"Makasarili ba ako, Unique? Makasarili ba ako kung hinahayaan ko lang siya? Makasarili ba ako kung pinipili kong huwag sabihin sa kanya na alam ko kung anong nangyayari kapag nalalate siya sa mga rehearsals niya dahil sa'kin? Choice naman niya 'yun e, sabi ko nga sa kanya naiintindihan ko siya. Pinili niya 'yan."

Bumigat ang mga mata mo pati ang puso mo. Naninikip nanaman ang dibdib mo at parang walang hangin na gusting pumasok sa baga mo.

"Kasalanan ko, e.... Kasalanan ko."

May narinig kang nagsisigawan sa kabilang linya. Nanatiling tahimik si Unique, at hindi mo alam kung dahil ba gusto niyang marinig mo ang nangyayari o dahil talagang may iniisip lang siya. Alam mo kasing kasalukuyang pinapagalitan si Blaster, at kahit anong kagustuhan mong yakapin siya para hindi siya masaktan, nanatiling nakadikit ang iyong mga paa sa lapag ng dorm mo.

Sinisigawan siya para sa'yo ngunit wala kang magawa.

Kasalanan mo ito ngunit hindi ka manlang makahingi ng paumanhin sa kanya. Patawad dahil nagmamahalan tayo. Patawad kasi dahil sa'kin ay napapagalitan ka. Patawad dahil masyadong mahina ang loob ko na sabihing alam ko ang katotohanan. Patawad dahil ako'y nagiging isang balakid sa kanyang pangarap na makapag-gitara sa maraming tao. Patawad dahil ikaw ang lagi niyang inaasikaso.

Sa lahat nalang ba ng bagay ay wala kang kuwenta?

Pakiramdam mo talaga ikaw ang puno't dulo ng lahat na ito.

Kasabay ng pagpatak ng luha mo ang pagbuntong hininga ni Unique. "Hindi yata kita masasagot sa mga katanungan mo. Paalam na muna dahil makikisali pa ako sa pakikipag-away kay Blaster," akala mo pinatay niya na ang linya pero may sinabi pa siya. "Ang sakit lang isipin na mahal na mahal ka ni Ter. Siguradong mas mahal ka pa nun kaysa sa gitara niya. Pero wala eh, love requires sacrifice, ika nga nila. Paalam na talaga dahil makikisigaw pa ako dito."

Natawa ka, parang parehas kayo ng iniisip ni Unique.

Nang ibinaba na ni Unique ang linya sa kabila, nakaramdam ka ng kakaibang pakiramdam na parang ika'y nag-iisa sa buong mundo. Tumalikod ka mula sa bintana kung saan sumisilip ang ilaw na nanggagaling mula sa buwan at humiga sa iyong kama. Hindi mo mapigilan ang sarili mong isipin si Blaster. Kung anong ginagawa ni Blaster. Kung nasasaktan ba si Blaster. Kung kaya pa ba ni Blaster. Kung bakit ba patuloy pa rin itong ginagawa ni Blaster.

Dahil hindi ka makatulog, tinignan mo muna ang Twitter account mo at nakita ang sandamakmak na mga tweet ng mga fan accs ng IV OF SPADES kung saan ka nakatag. Puro ito mga appreciation tweets para sa'yo dahil ikaw ay madalas na laman ng kanyang Twitter at Instagram. Napangiti ka nalang ng mapait. Talagang sumisikat na sila. Kung hindi lang siguro tumatakas si Blaster, paniguradong wala na itong masyadong oras para sa iyo.

Nagulat ka naman sa is among nakitang tweet na kakaiba.

"I heard lagi raw napapagalitan si Blaster dahil late siya kung dumating sa practice kasi kasama niya 'yung jowa niya. I feel bad for him."

Pumikit ka at nakita mo ang mala-anghel na mukha ni Blaster. Ang kanyang mga ngiti na nagpapa-init ng iyong puso. Ang kanyang mata na kung tumingin sa'yo ay parang ikaw ang pinakamagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya. Ang kanyang makapal na buhok na lagi niyang hinahawi paalis sa kanyang magandang mukha kapag kayo'y magkasama dahil alam niyang gusting-gusto mo ito.

Si Blaster... na walang ginawa kundi ang hindi maging makasarili.

Si Blaster... na handang gawin ang lahat para sa iyo.

Si Blaster... na handang masaktan para lang makasama ka at hindi mo maramdaman na wala na siyang oras para sa'yo kahit sila'y unti-unti nang nararating ang pangarap nila.

At napagtanto mo nga...

Napagtanto mo na kahit isang beses man lang ay gusto mo naming may gawin para sa kanya. Minsan naman ay gusto mong may isakripisyo para sa kanya. Minsan naman ay gusto mong hind imaging makasarili para sa kanya.

Halos mapaiyak ka habang iniisip ang plano mo. Masakit isipin pero mukhang ito na lang ata ang pupuwede mong gawin.

Alam mong hindi mo ito kaya pero para sa kanya, kakayanin mo.

Hindi mo na kasi kaya, e. Hindi mo na kayang isipin na sa bawat oras na ginugugol para sa'yo ni Blaster, ang kapalit naman nito ay maraming sigaw mula sa mga taong nagmamanage sa kanila. Hindi mo kayang isipin na nasasaktan na siya habang ikaw naman ay tuwang-tuwa sa presensya niya. Hindi mo na kayang isipin na ikaw ang nagiging hadlang sa lahat ng bagay. Lagi ka niyang iniisip. Bakit nga ba hinayaan mo pa ang sarili mong maging makasarili bago mo pa ito maisip?

Ikaw naman.

Ikaw naman ang magsasakripisyo.

Natulog ka nang gabing iyon ng may ngiti sa iyong labi pero ang iyong pisngi at unan ay basing-basa.





Makalipas ang ilang araw, tumanggi ka sa lahat ng pag-aanyaya ni Blaster na pumunta kayo sa bagong food park na kakabukas lang sa bandang Marikina. Abala ka rin kasi nagsabayan lahat ng pinapagawa sa inyo ng mga prof mo. Malapit na kasi mag-pasahan ng requirements, at kaunti nalang ay matatapos mo na rin ang kurso mong Political Science. Hindi naman siya nagtampo dahil sinabi mo naman na marami ka pang gagawin. Alam mo rin kasing may tatlo pa silang gig para sa darating na Sabado na lahat ay talagang engrande.

Biyernes na ngayon ng gabi at ikaw ay kasalukuyang gumagawa ng research paper mo na kanina mo pa sinusulat nang marinig mong tumunog ang cellphone mo. Dahil busy ka nga, hindi mo na tinignan ang pangalan ng tumatawag at inisip nalang na kaklase mo itong ginugulo ka kung anong gagawin sa isang parte ng thesis niyo.

Binagsak mo ang bolpen mo at mahigpit ang hawak mo sa cellphone mo nang sinagot mo ito. "Puwede ba, 'wag mo nga muna akong guluhin ngayon, kanina pa ako naiistress sa research paper na 'to dadagdag mo pa 'yang thesis na 'yan --"

"Babe..."

Nagulat ka sa narinig mo. Tinanggal mo ang cellphone mula sa tainga mo at tinignan ang tumatawag.

Si Blaster.

"U-uy, Blaster! Hindi ko kasi nabasa 'yung caller ID, sorry ah? Pinagbuntungan pa kita ng galit ko," napatingin ka sa orasan sa tabi ng mesa mo na kanina ka pa tinatawag para magpahinga. "Gabi na, ah. Ba't gising ka pa? 'Di ba may tatlo pa kayong gig bukas? Baka mawalan ka ng lakas."

Narinig mo ang mahihinang hikbi mula sa kabilang linya. Napatayo ka tuloy ng diretso sa iyong upuan at naalarma ang buong diwa mo.

"Babe... miss na kita. Nalulungkot ako kasi wala ka sa tabi ko..."

Noong hindi pa kasi sila masyadong sikat, halos matulog na kayo ng magkatabi dahil hindi kayo mapaghiwalay ng inyong mga magulang. Lagi niya kasing sinasabi na komportable raw siya matulog kapag kasama ka. Walang nangyayari sa inyo, no.

"Hindi ako sanay na matulog ng mag-isa..."

Inikot mo sa kamay mo ang litrato niyong dalawa ni Blaster. "Isipin mo na lang na andiyan ako sa tabi mo ngayon... Kinakantahan ka para makatulog ka."

Narinig mo siyang ngumiti. "Hindi ko ma-imagine, e. Gusto ko andito ka talaga."

"Alam mo naming hindi pwede, babe. Marami akong ginagawa at marami kayong gig bukas. Matulog ka na at galingan mo bukas dahil manonood ako." Pinilit mo siyang patawanin pero hindi siya tumawa.

Tumawa siya. "Tangina, babe. Ang hirap pala ng ganito, 'no? Napakalapit mo pero tila hindi kita maabot. May nakaharang kasi sa gitna nating dalawa. Gusto ko itong tanggalin para lang makasama ka pero alam kong hindi puwede dahil ginusto ko ito. Alam mo kanina, halos hindi ako makatugtog dahil sobrang nanghihina na ako. Hindi ko ba alam."

Hindi ka na sumagot.

"Hindi ko pala talaga kaya nang wala ka," sabi niya.

"Blaster..."

"Gusto kitang makita pero ayaw nila akong palabasin ng studio dito sa bahay. Tangina, kating-kati na akong makita kita. Gusto kong maramdaman 'yung mga yakap mo na nagsisilbing lakas ko para tumugtog."

"Hindi lang kasi sapat ang kagustuhan mong tumugtog, dapat may tao ring nagsisilbing inspirasyon mo para ipagpatuloy ang paggawa ng musika kahit mahirap," pagpapatuloy niya.

"Blaster... matulog ka na."

"Ayaw ako patulugin ng diwa ko. Puwede ba kita makita? Kailangan na kailangan na kita, hindi ko na ata ito kakayanin," rinig na rinig mo ang pagkadesperado sa likod ng kanyang tono na halos magmakaawa na sa iyo.

"Bawal nga 'di ba, ikaw na ang nagsabi."

"Hindi naman bawal kung ikaw ang pupunta rito. Please. Kahit ngayon lang."

Pumikit ka at kinurot ang sarili mo. "Hindi puwede..."

May narinig kang katok mula sa labas ng pinto mo. "Alam ko naman eh. Kaya ako nalang ang pumunta."

Naputol ang kabilang linya.

"Babe! Buksan mo!"

Dahil nga sa biglaang pagdating ni Blaster ay napabili ka nalang ng pizza. Pagdating na pagdating niya ay niyakap ka niya agad at ramdam na ramdam mo na parang ayaw ka na niyang pakawalan. Napuna mo rin ang malalalim na itim sa ilalim ng kanyang mga matang halos pumikit na. Ang putla niya na rin – halatang hindi na siya masyadong nakakapagpahinga.

Pero noong nakita ka niya ay literal na lumiwanag ang kanyang mukha. Nakangiti siya.

"Wala ka bang rehearsal ngayon?" tanong mo at kumuha ng isang pizza.

"Meron, pero okay lang 'yun."

Nag-usap kayo ng tungkol sa iba't ibang bagay at naka-yakap lang si Blaster sa'yo habang ang kanyang ulo ay nasa pagitan ng iyong leeg at balikat. Gusto mong sumaya sa mga nangyayari pero wala kang maramdaman kundi ang sakit.

Pero pinikit mo ang iyong mga mata at pinilit mong tandaan ang init ng katawan ni Blaster. Pinilit mong tandaan ang kanyang amoy, ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya para mapasaya ka. Piniliit mong itatak sa iyong puso kung paano magmahal ang isang Blaster Silonga dahil malapit nang matapos ang gabi.

Niyaya mo na siya na bumalik na sa rehearsal niya dahil nalaman mong tumakas pala siya sa kalagitnaan. Kahit medyo alanganin, pumayag siya. Sinabi mo rin na sasama ka at kahit ayaw niya noong una, ay napilit mo naman siya.

"Dito ka lang ah? Antayin mo 'ko at lalabas rin ako para kunin ka." Sabi niya nang kayo'y nakarating na sa studio nila. Um-oo ka naman kahit gusto mo na siyang pabalikin sa iyong dorm at pinanood mo siyang huminga ng malalim at pumasok sa panibago nanamang giyera nang dahil sa iyo.

Inaantay mo na.

"Hoy Blaster! Pang-ilang beses ka na bang sinabihan na huwag ka ngang tatakas tuwing practice?! Dahil nanaman ba sa kanya 'yun?"

"Hindi ba puwedeng gusto ko lang siya makasama dahil hindi na ako makahinga dito?" sagot naman ni Blaster.

"Ano bang mas importante sa'yo, Blaster? Ang babae na iyon o musika?"

Napatingin ka sa ibaba at ibinaling ang bigat mo sa kabilang paa mo. Wala kang narinig na salita galing kay Blaster.

"Kasi kung ipagpapatuloy mo itong ginagawa mo, siguro mas maganda nalang na hindi ka na magbanda. 'Yan naman ang gusto mo, 'di ba? Ang makasama 'yung babae na iyon? Pumili ka lang ng isa, Blaster. Banda o siya."

"Banda," kahit mahina ay narinig mo.

Nanahimik nang sandali. "'Yun naman pala eh. Edi gawin mo 'yang parte mo at panindigan mo 'yan. Kung kalian naman kaunti nalang ay nasa itaas na kayo saka ka magkakaganyan."

Nag-antay ka sa labas nang halos isang oras sa katahimikan at nagmuni-muni ka tungkol sa mga bagay-bagay.

Iniisip mo ang kalagayan ninyong dalawa ni Blaster ngayon. Siya, na nasa isang bandang sumisikat na sa Pilipinas at ikaw na gagraduate na sa iyong kurso at malapit na makapasok sa Law School. Naramdaman mong tumulo ang luha mo nang humantong ka sa dulo ng iyong pagmumuni-muni.

Iisa at iisa lang kasi ang paghahantungan ng kuwento niyo.

Kaunti na lang kasi at siya ay nasa tuktok na ng kanyang career ngunit andito ka, ikaw ang taong nagpupumigil sa kanya upang makamit niya ang kanyang mga pangarap. Hindi ka naman ganoon na makasarili para ipagkait pa sa kanya na maabot ang kanyang pangarap na kahit dati pa ay napag-uusapan niyo na. Natatandaan mo pa ang mga araw na lagi ka niyang kinekwentuhan na balang araw ay mas maraming tao ang makakaalam ng kanilang musika.

At gusto mo, bilang kanyang kasintahan, ay suportahan siya. Maging lakas niya upang ipagpatuloy ang pag-abot sa kanyang pangarap. Ayaw mong maging pabigat.

Kaya kahit na masakit, ay kailangan mong gawin.

"Love requires sacrifice." Natandaan mo ang sinabi sa'yo ni Unique.

Napangiti ka nalang ng mapait ng malaman mo na ang tinutukoy ni Unique.

At dahil mahal mo si Blaster Silonga, handa kang isakripisyo ang lahat para sa kanya. Gaano man ito kalaki, at gaano man kahirap.

Mahal mo, e.

Nang lumabas ang isang Blaster na may magulong buhok at mukha na parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ngunit tila napawi ang kanyang kalungkutan nang makita ka niya at agad siyang ngumiti.

Pinilit mong ngumiti ngunit hindi mo mapigilan na hindi tumulo ang luha mo. Mabilis mo itong pinunasan bago pa niya napansin.

"Tara?" sabi niya at saka ngumiti.

Nag-buntong hininga ka. Pinilit mong linisin ang utak mo. Pinilit mong ipapaniwala sa sarili mo na tama ang ginagawa mo. Na tama ang magiging desisyon mo.

Pero mahirap, e. Mahirap magsakripisyo lalo na kung ito ang isa sa mga mahahalagang bagay sa buhay mo. Lalo na kung ito ang isa sa mga bagay na takot ka mawala.

Lalo na kung siya.

Sa kabila nang lahat, naisip mo ang magandang dulot nito.

"Babe, anong meron..." tanong niya nang makalapit na sa iyo.

Hinarap mo siya. Mata sa mata. Kitang-kita mo ang pagtataka sa kanyang mga mukha. Kahit alam mong hindi mo kakayanin ang kanyang reaksiyon ay pinilit mo pa rin.

"Blaster, maghiwalay na tayo." Sinabi mo na pumiyok pa sa dulo kahit ilang beses mong sinabi sa sarili mo na dapat matatag ka.

Walang umimik sa inyo. Ang nakangiting mukha ni Blaster ay unti-unting nawalan ng emosyon. Napansin mo na kinuyom niya ang kanyang mga kamay. Napansin mo na sinarado niya ng mahigpit ang kanyang bibig. Napansin mo ang kanyang mga matang naghahanap ng sagot. Hindi mo maipinta ang sakit na halatang-halata sa mukha ni Blaster.

Hindi mo alam kung saan ka mas masasaktan, e – sa katotohanang sinaktan mo lang naman ang taong walang ginawa kundi ibigay sa'yo ang lahat at mahalin ka o sa katotohanan na kailangan mo itong gawin para rin sa kanya. Alam mong mukha kang masama ngayon sa mga mata niya, pero alam mo rin sa sarili mo na pasasalamatan ka niya pagdating ng panahon.

Pagkatapos siguro ng halos limang minuto na parang isang dekada ay bumuka ang bibig niya ngunit walang tunog na lumabas. Napansin mo rin na nahulog niya ang tsokolateng hawak niya na ngayo'y nasa lapag niya. Sinarado niya ito. Pumikit siya at dumilat rin naman.

"...B-Bakit?"

Kahit gusto mo nang umiyak dahil sa sakit na dinudulot mo sa kanya, nanatili kang matigas. Pinilit mong huwag magpakita ng emosyon kahit na kanina pa naninikip ang baga mo. Kahit kanina mo pa siya gusting yakapin.

Kailangan. Kailangan ito mangyari.

Tumakbo siya sa iyo na pagalit. "Bakit? Sabihin mo nga sa'kin, bakit? Dahil ba sa banda? Dahil ba sa'kin? Ano pa ba ang pagkukulang ko sa iyo? Dahil ba wala na akong oras sa iyo? Sabihin mo!"

Pumikit ka. Hindi mo na kaya.

"Sabihin mo... Kaya kong isakripisyo ang lahat...para sa'yo..."

"Blaster..."

Dumilat ka at halos gusto mo nang magpakamatay nang nakita mo siyang umiiyak at mahigpit ang pagkakahawak sa iyong kamay. Pero wala ka nang maramdaman. Manhid ka na.

"Please... 'wag ka lang mawawala... please. 'Wag mo akong iwan, babe. Gagawin ko ang lahat..." sa sobrang hagulgol niya ay napaluhod na lamang siya sa harapan mo.

Gusto mo siyang patayuin pero hindi mo magawa. Tila ba hindi mo na kayang maibalik pa ang mga nasambit mong salita.

"Please... Don't fucking leave me."

Ang mga mata niyang namumula at namumugto ay tumama sa iyong mga matang tila dalawang balde nalang. Walang nararamdaman.

Kinagat mo ang labi mo.

Hinawakan niya ulit ang iyong mga kamay at niyugyog ito. "Sabihin mo, ano ang dahilan? 'Wag mo akong iwan... Hindi ko kaya nang mag-isa. Sino nalang ang magpapatulog sa akin? Sino na lang ang tutugtugan ko? Sino na lang--"

Pwersahan mong tinanggal ang kamay niya kahit pilit pa itong kumakapit.

Hindi puwede. Kailangan mong magparaya.

"May iba na akong nahanap. May iba na akong mahal."

Iyon ang mga salitang huli niyang narinig mula sa iyo nang ika'y tumalikod na at naglakad papalayo.

Pinanonood lang ni Blaster ang anino mong unti-unting nawala sa gitna ng gabi kasama ang mga ilaw sa daan.





  ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬  


a/n: THE SEQUEL OF THIS IS ALREADY AVAILABLE. tignan niyo nalang sa mga chapters, thank you!

henlo!!! i decided na this chapter ay para sa minamahal nating barbero dahil kakagraduate lang niya at sana magpakain siya ng burger na basa!! hindi ko po kayo balak na saktan, btw.

don't forget to vote / comment kung umiyak kayo / share / follow / add to ur library for further updates and all that chenes kung na-enjoy niyo ang chapter na ito!! 

labyu ol

// jmc xx


I TAKE REQUESTS. message niyo lang ako hehez ok bye


Seguir leyendo

También te gustarán

120K 4.2K 95
'How I obsessively adore you' ˏˋ°•*⁀➷ started➛30/03/2024 finished➛ ˏˋ°•*⁀➷ cover by me x
440K 30.1K 45
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
664K 24.2K 99
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
988K 61.2K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...