Kismet (Completed)

By skycharm24

143K 4K 332

Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangas... More

1.Perfect Life?
2.Maid from Heaven
3. Payback
4. Talon
5. Fondness
6. Visitors
7. Marry Me
8. Reckless
9. Lablab
10. Happiness
11. Unexpected
12. His Past
13. Lies
14. Home
15. Anger
16. Miguel
17. Danger
18. Hurt
19. Safety
20. My Wife
21. Secured
22. Hope
23. Welcome Back
24. Forever

25. Epilogue

8K 244 35
By skycharm24


" Miggy, Leon..nasaan ang kapatid ninyo?, saan na naman kayo nagsuot?" iniwan ko lang silang tatlo saglit dito sala, pagbalik ko wala na ang mga ito.

Natupad ang birthday wish ni Gab, baby girl ang pangatlong anak namin, our Princess Gabi.

Si Miggy ang nagpangalan sa kapatid ng Princess, ito daw kasi ang prinsesa nilang tatlo, ako naman ang nagdagdag ng Gabi, galing sa pangalan ng ama.

" Mom! " buhat ng panganay ko ang 8 month old niyang kapatid. Sanay naman na itong buhatin si Princess, madalas pa nga itong magvolunteer na magbantay.

" Miggy, nasaan si Leon? " kinuha ko sa kanya si Princess.

" He's outside Mom. Babalikan ko na po siya. Baka maisipan na naman po niyang pumunta sa kwadra, masipa pa siya ni Mighty." nagtatakbo ito palabas.  Ang alagang kabayo ang tinatawag nitong Mighty.

" Sundan natin sila Kuya mo, Baby.." kausap ko sa bunso ko, bakasyon kaya nandito kami sa Hacienda.

Palabas na sana kami ng pumatak naman ang ulan.

" Lina! Ate Icel, pahingi po ng payong!" nagpanic ako dahil siguradong mababasa ng ulan ang dalawa.

" Anong nangyari? " humahangos na tanong ni Mama sakin.

" Ma, kunin n'yo po muna si Princess, si Miggy at Leon nasa labas, siguradong mababasa ng ulan ang mga yon." agad naman nitong kinuha si bunso.

" Ito na ang payong Mariel.." agad kong kinuha ang payong, bago paman ako tuluyang makalabas ay nakita ko ang dalawa na tuwang tuwang naliligo sa ulan.

" Miguel Bryle! Leon Martin! Baka magkasakit kayo!" saway ko sa mga ito.

Mabuti nalang babae ang naging bunso ko, kay Miggy at Leon palang nadadrain na ang enerhiya ko, lalo na kapag umaandar ang kakulitan nila.

" Hayaan mo na anak, mukhang nag eenjoy ang dalawa, minsan lang naman." halata namang nag eenjoy talaga sila, naghahabulan ang mga ito.

" Bakit Wifey!? Takot ka ba sa ulan?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Gab sa harap ko. Kinuha nito ang payong at binigay kay Ate Icel, saka niya ako binuhat palabas.

" Gab, ano ba! Mababasa tayo!" saka lang niya ako binaba malapit sa dalawang anak namin.

" Mommy! We love the rain!" tili ni Miggy.

" Yeheyy! Ligo kami sa rain!" sigaw naman ni Leon. Tuwang nagpaikot ikot silang dalawa sa amin ni Gab.

" Ano Wifey? Takot ka parin ba mabasa?" nakangiting tanong nito. Ano pang magagawa ko, nabasa na ako.

Tumingala ako saka dinama ang patak ng ulan sa balat ko. Saka ko narealized na never pa akong naligo sa ulan.

" It feels good, Hubby." at nag enjoy kaming apat sa pagtampisaw sa ulan.  Raining is not that bad after all.

Naghabulan silang magaama. Nagtatakbo sakin si Leon at nagtago sa likod ko.

Binuhat ko siya at pinupog ng halik. Pagkatapos ng ilang sandali ay sinaway ko na sila.

" Miggy, tama na, baka magkasakit kayo, pasok na sa loob." wala namang nagawa si Leon dahil binuhat ko siya. Kinuha naman ito ni Gab sakin.

" Mabigat ka anak, si Daddy nalang ang bubuhat sayo." Inabutan kami ng towel ni Lina at Ate Icel.

" Ano, na enjoy n'yo ba ang ulan? Nakakatuwa kayong tignan. Mamaya tignan n'yo ang pictures ninyo sa cellphone ko. Tapos post n'yo sa IG, #FamilyGoals. Sayang at baby pa si Princess, di nakasali." hirit ni Ate Icel.

Ito na ang nagpaligo kay Leon. Si Miggy naman, alam na nitang asikasuhin ang sarili at natutuwa akong lumalaki siyang responsable. Sa edad nitong dose ay naasahan na sa pagaalaga sa mga kapatid.

Pumanhik narin kami ni Gab sa kwarto.

" Sabay na tayong maligo, Wifey." may pagkindat pa itong nalalaman.

" Luke Gabriel umayos ka! Hindi pa marunong maglakad si Princess, mamaya masundan na naman yon." pero wala parin akong nagawa. Sabay parin kaming naligo.

Mabilis naman kaming natapos, dinig namin ang iyak ni Princess at hindi iyon tatahanan hangga't hindi ako nakikita.

Tama ang hula ko, dahil kakatapos ko lang magbihis ng kumatok si Mama, hawak nito si Princess na namumula na sa kakaiyak..

" Ayan na ang Mommy mo, tahan na apo. " automatic naman itong tumigil sa pagiyak pag abot sakin ni Mama. Iniwan na niya kami at bumaba.

" Bakit umiiyak ang Baby na yan? Hinahanap mo ba si Mommy?" umupo ako sa kama namin at pinatayo siya sa mga hita ko.

Tila wala namang nangyari dahil nakangiti na ito sa'kin at nagtatalon talon. " Ang cute cute mo anak, pero napaka iyakin mo, paano babalik si Mommy sa trabaho niyan?" tiwala naman sana ako kay Ate Icel, naiiwan ko din naman sa kanya si Leon noon. Pero iba itong Prinsesa namin.

" Nagtaka ka pa, Wifey, lahat naman sila hindi mapakali kapag hindi ka nakikita lalo na itong Prinsesa ni Daddy." kinuha niya sakin ang anak saka pinupog ng halik.

" Daadaa! "

Nagkatinginan kami ni Gab.

" Tama Baby, I'm your Daddy and I love you so much, kayo ng mga Kuya mo at siyempre si Mommy n'yo." kausap nito sa bunso, na tila ba nakakaintindi na.

Hinalikan niya ako sa labi na agad ko namang tinugon. I love him. Nakabuti ang panloloko ni Dave sa'kin noon, sa paglalayas ko, napadpad ako sa Hacienda at nakilala ko si Gab.

" Daddy no! " dinamba siya ni Leon, mabuti nalang nailayo niya si Princess.

" Son, bakit ba ayaw mo na kinikiss ko si Mommy? I have all the right to kiss her, ako ang Daddy." naniyakap ako ng bunso namin. Kung si Miggy maka Daddy, itong si Leon Mama's Boy.

" Bakit wala kang damit anak?" saka naman dumating si Ate Icel na bitbit ang tshirt ni Leon.

" Tinakasan mo na naman ako Leon, bakit ba gustong gusto mong naka topless bata ka." ibinigay sakin ni Ate Icel ang damit niya saka lumabas.

Pinaupo ko siya sa lap ko saka siya sinuotan ng damit. Hinalikan ko siya sa leeg. " Ang bango naman ng Baby Leon ko."

" Mommy no! " inilalayo niya ang mukha ko sa leeg niya. Panay ang hagikhik niya.

" Mom, Dad, kakain na daw po tayo ng dinner sabi ni Mamita." Agad namang bumaba si Leon sa lap ko, pagkarinig sa sinabi ng Kuya saka tumakbo palabas.

" Leon! Be careful, baka mahulog ka sa hagdan." sinundan ni Miggy ang kapatid.

" Lalaking responsable iyang panganay natin, maalaga sa mga kapatid niya." tama si Gab. Mahal ni Miggy ang mga kapatid niya at alam kong magiging mabuti siyang Kuya sa mga ito.

" Kanino pa ba magmamana si Miggy..," binitin ko ang kasunod. Itinaas niya ang libreng kamay. " kundi sakin." dugtong ko. Ngumuso siya.

" Joke lang, alam mo namang idol na idol ka ni Miggy. Minime mo daw siya.  Thank you Gab, thank you for loving us. I am blessed and happy to have you. Thank you so much for not giving up on me." hindi ko alam kung ganito ako kasaya ngayon kung sakaling  hindi niya kami hinanap at pinili niya nalang si Ella.

" Ako dapat ang magpasalamat, Wifey. You gave me three wonderful children. Thank you so much sa pagdating sa buhay ko, binalik mo ang  tiwala ko sa sarili ko, na nawala noong iniwan ako ni Ella. Dahil sayo naniwala ulit ako sa pagibig, na karapat dapat din akong mahalin. I love you so much." ako na mismo ang yumakap sa kanya.

" I love you too, mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin."  Alam ko na marami pa kaming kakaharapin na pagsubok sa buhay bilang mag asawa at bilang mga magulang sa mga anak namin pero tiwala akong malalampasan namin ang lahat ng iyon ng magkasama at may pananampalataya sa Diyos.

 Allow people to come back in your life, those that deserves a second chance, people who are genuine and makes a positive impact on your life.

There are some people whom we should part from for the sake of our happiness and well-being and there are that deserve to be in our life for a reason.

The people that matter the most are the people who come through for you when they say that they will.

The choice is completely yours. So whenever you let someone come into your life or let someone go, make sure that you don't regret it later.

Choose to love no matter how many times love broke you, for the reason that with the love of your life by your side that’s all you need to make it through everything. 

                  --- ♡♡ END ♡♡---

Salamat sa mga nagtiyagang magbasa nitong Kismet. Godbless.

Skycharm24

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson
44.2M 403K 112
Arranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?
248K 3.6K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
15.6K 1K 22
Hindi pinangarap ni Francesca ang maging bida. She's a Hufflepuff. She doesn't like adventure in her own life, she likes to keep everything peaceful...