Chapter 16
dedicated sa kanya dahil mahal na mahal ko si Senri Sinclaire at ang buong Sinclaire Academy cast! More power sayo. :) *kaway kaway*
''
"Thank you, hija ah? Malaking help to sakin."
"Naku, okay lang po. Pwede ko po bang isama sa work?"
"Ayos lang. Sige, hija. Thank you talaga. I have to go. May meeting pa ko e," tumayo si tita at pinulot yung bag niya.
"Kids, behave kayo ah? Wag pasakitin ang ulo ni teacher. Aalis na si gran. Bye," hinalikan ni tita yung pisngi nina Scarlet at Crimson tapos umalis na.
Dinala ko sina Carly at Crim sa parking lot. Humingi kasi ng favor si Tita Angeli kung pwede ko ba raw bantayan yung dalawa. Syempre, pumayag ako.
"Mommy, where po tayo mag-go ngayon?" tanong ni Crim.
"Sa isang company. Tara na?"
Tumango sila kaya pinapasok ko na sa backseat at kinabitan ng seatbelt. Nung okay na sila, pumasok ako sa driver's side at nagdrive na.
***
Pinark ko yung kotse ko sa parking lot at lumabas ng kotse. Inalalayan ko yung dalawa at hand in hand na pumasok sa Views.
"Mommy, is that you?" tanong ni Carly sabay point dun sa poster ko.
"Ah, yup. That's me."
"Why po nasa poster kayo? Do you own this building?"
"No. I just work here. Let's go?" I smiled.
Pumasok kami sa elevator. Napatingin pa nga yung ibang tao kina Scarlet at Crimson e.
"Ma'am, ang cute naman ng mga batang yan. Pamangkin niyo po?"
"Hindi. Students ko pero ako muna mag-aalaga ngayon."
"Hello, kids. What's your name?"
"Scarlet."
"Crimson."
Napatingin yung iba sakin.
"Naku, ma'am. Pareho pa po kayong color ang pangalan," sabi nung isang lalaking employee.
Natawa ako, "Kaya nga 'mommy' tawag sakin e. Kasi parehas daw kaming color ang name."
"Baka nga kung magkaanak kayo, ganito ka cute!"
Echusera ka teh! Pero sige, maniniwala na lang ako. :P
*PING*
Lumabas na kaming tatlo papunta sa office ni Eri. Pinapunta niya ako dito dahil may ibibigay daw siya. Ano naman kaya yun?
"Lyn, good morning. Andyan ba si Eri?"
"Ay, opo. Pasok na po kayo."
Ngumiti ako at naglakad papunta sa pinto ng office ni Eri.
"Mommy, kaninong office po ito?"
"Sa friend ko. Pasok kayo," pinapasok ko silang dalawa at sumunod ako.
"VEEEE!!" tumakbo si Eri papalapit sakin at ihhug na ko ng napansin niya yung dalawa kong kasama.
"Oh. My. Gosh. Don't tell me anak mo?!"
Binatukan ko nga. Sa lahat ba naman ng pwedeng maisip, anak ko pa talaga?!
"Ewan ko sayo. Teka, bakit mo ko pin--" nawala ang kausap ko. Pagtingin ko sa recieving area niya, andun siya at nakikipaglaro dun sa dalawa. Mas mukha pa nga silang mag-ina e. =_=
"Ano yan, Eri? Nagppraktis ng maging mommy? :P"
"Yes. Kung ganito ba ka-cute magiging mga anak ko, go lang! Kahit ilan pa!"
"Eew. Family planning, friend! By the way kids, that's Tita Ericka. Mommy's friend," sabi ko na feel na feel ang pagsabi ng salitang 'mommy'. :P
"One day, bibisitahin kita sa school at maghahanap ng pwedeng maging anak."
"Yeah, right. Teka, ano yung pinunta ko rito?"
"Tignan mo dyan sa mesa ko. Ay teka lang, kids, dito muna kayo ah. Vee, labas muna ako. Nalimutan kong pinapapunta pala ako ni Mr. Andrei Reeds sa office niya."
"Andito na si Andrei? O.o"
"Yep. Kakabalik lang. Sige, babush muna. Wag ka munang aalis ha!" tumayo siya tapos tinapunan ako ng throw pillow. Buti nga na-catch ko.
Tinignan ko naman yung sinabi niya at nakita ko yung invitation na naka-pangalan sakin.
Invitation pala to para sa fashion show ng brand line ni Ericka. Binasa ko yun... teka. Sinong niloko nila? Baket kelangan ng partner?!
"May partner ka na dyan?"
Napatalon ako sa gulat sabay napamura wala sa oras.
"Ano ba! Baket ka nanggugulat?!" binato ko yung throw pillow sa mukha niya. Bull's eye! :D
"E kasi naman! Engross masyado dyan sa binabasa mo."
Inirapan ko nga. Namumula kasi ako. Paano ba naman! Ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko. Syett talaga. =///=
"Mommy!"
Napatingin kaming dalawa sa tumawag sakin. Si Carly pala.
"Yes, princess?"
"Who is he?" she pointed at Red.Tinignan ako ni Red with matching panlalaki ng mata. Gravy. Gusto ko matawa e pero baka ma-offend kaya... wag na lang. :P
"Don't tell me anak mo?! Bbear... nanay ka na?!"
I stifled a giggle and answered, "Yes, Red."
Napa-blink siya ng tatlong beses. This time, di ko na napigilan, napatawa na talaga ako.
"Mukha ba akong nanganak?! And haler, 4 years old po ang mga batang yan at 21 pa lang ako! Ano yun, 17 pa lang, buntis na ko?" humalukipkip ako.
"Ganun ba? Sorry naman. Mukha ka na kasing nanay. :P"
Napasinghap ako. At talaga nga namang may kontra pa siya!
"Hi kids. Anong pangalan niyo?" umupo siya sa sofa kaharap ng inuupuan ng kambal.
"Crimson po."
"Scarlet po. Ikaw po?"
"I'm Red," tapos nagsmirk siya. Parang may naiisip e.
"Really po?! Can we call you Daddy?!"
WHAAAAAAAT?!
Oh no. Wag kang pumayag, Red! Jojombagin talaga kita pag pum--
"Sure!"
"T-teka. Kids, baket naman yang si Red pa? Pwede namang si Ash dib--"
"Mommy, color din po kasi name ni Daddy. Just like you."
"But--"
"But we don't like Kuya Playboy for you and we don't like him to be our dad."
Napanganga na lang ako. May magagawa pa ba ako? Ang chaket naman nun. Nagdesisyon na ang mga bata. Haay.
"Aba, anong meron ha?" sabi ni Eri na kakapasok lang sa office niya.
"Tita Eri, we have a Daddy already! Daddy Red."
"Oooh. A family of colors. I like it! :D"
"Like yerr face. Gusto mo lang magkaanak. Dapat sabihin mo na yan kay bespren Gene at ng maka-plano na kayo."
"Awee, Vee. Don't worry, ikaw ninang ng sampung magiging anak ko. Puro puppies!"
"Mukha ka kasing inahing aso," sabat ni Red. Ayan, nabatukan tuloy ng kanyang future sister-in-law. :P Buti nga!
"Mommy, I'm hungry na po," sabay puppy eyes ni Crimson.
"Tara, let's eat dyan sa café. Sama ka, Eri?"
"Ako, di mo iinvite?" sabat ni Red.
"Wag ka ng sumama," I said.
"But I'm the Dad. Sorry," he smirked.
Di na lang ako nagsalita. Ajuju. Baket kasi si Red pa?! Pwede namang kahit sinong manong dyan sa kanto e. It herts.
"Di ako makakasama. Work, friend. Haaay. Kelangan pang i-finalize lahat for the show. I'm tiiired! Nga pala, sino partner mo dun? Jombagin kita pag di ka pupunta."
"E kasi naman, baket kelangan pa ng partner na yan!"
"Sows. Para madaming pumunta. Wahaha. Yun yung dahilan. Pero since, wala ka pang partner, bakit di na lang si Red?"
Sasagot na dapat ako ng,
"Actually, I'm fine with that. Sunduin na lang kita that day ah?"
"Per--"
"It's settled then."
Ngangabels. Yun na ba yun? Deciding without my consent?! Raaaawr!
"Oy, Mommy ng kambal na to, tara na at gutom na mga anak natin."
Mga anak NATIN?! Ah jusko! Kasing pula ko na ata ang dugo! I wanna faint!
Lumabas na silang tatlo kaya lumabas na ako with arms cross at simangot expression.
Kinarga ni Red si Scarlet. Nakatingin lang ako sa kanila ng lumingon si Red.
"Ano man, mommy? Hindi tayo mabubusog dito."
Argh! Will he stop saying that?! Tumatalbog ang puso ko e! Feeling ko nagkaka-arrythmia ako.
Naglakad ako papunta sa kanila at hinawakan ang kamay ni Crimson.
"Mommy, why ka po nakasimangot?"
"Ooh. Gusto ko lang itapon sa Pacific Ocean ang isang tao dyan sa gilid-gilid."
Tumawa si Red at pinisil yung right cheek ko. Tss. Nakuuu! Kung di lang dahil sa mga batang to, kanina ko pa talaga kinatay tong si Red!
Naglakad kami papunta sa elevator at pramis, gusto ko talagang mang-assassinate ng tao!
"Mukha po kayong pamilya! Naku, ang kyut kyut!" -Echusera no. 1
"Ay tama po. Bagay kayong maging magulang ng dalawang batang to!" -Echusera no. 2
"Pag siguro magkakaanak kayo, ganito rin ka-ganda at gwapo!" -Echusera no. 3
Naubo naman ako. Ay nako mga tao nga naman! Porket anak ng may ari tong si Red kung maka-sipsip naman oh!
*PING*
Sa wakas! Nakarating din ng ground floor! Matatapos na ang pantitrip ng mga tao saken!Magbubunyi na dapat ako ng may nakita akong dalawang pamilyar na tao.
Okay. Mamaya na lang siguro ako magbubunyi. Lord! Bakit sa lahat ng araw ngayon pa?! Juices!
Napatingin samin yung dalawang tao. May kasama silang 5 pang naka-suit talaga. Mga business partners ata.
"Hija? Violet!"
Ngumiti ako at naglakad kami papunta sa kanila. Agad akong niyakap ng taong tumawag sakin.
"Mommy Bella," I said and hugged her back. Its been 5 months na rin nung nakita ko si Mommy Bella. Last time na nagkita kami e nung tinawagan ako ni Tito Luis para nga idiscuss yung contract dito sa pagmmodel ko.
"Hi, mom. Ako ba anak mo o si Violet?"
"Hijo, naman. Matagal ko na ring di nakikita si Violet e. Teka..."
"Mommy," hila ni Crimson sakin.
"Daddy, I'm hungry na po," sabi naman ni Scarlet.
Nanlaki ang mata nina Tito Luis at Mommy Bella. Habang nakakunot noo naman yung iba.
"Kelan pa kami nagka-apo?" tanong ni Tito Luis.
"Tek--"
"Naku! Bakit di namin to alam? Nikolo, lola na pala ako?"
"Kelan pa kayo... you know?" Tito Luis asked.
Jusko. Never kong naimagine na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Gusto ko ng makalayas dito!!
"Mom, Dad, you're getting the wrong idea. Hindi po namin sila anak, okay? Yun lang tawag nila. Please don't make a big deal out of it."
Tumawa silang lahat at nag-usap doon. Wala na e. Wala na akong maisip na matino. Feeling ko nga pwede na akong ipasok sa mental.
"Mauuna na po kami ah. Gutom na ang mga bata," sabi ni Red. GOOSEBUMPS.
"Bagay kayong maging mag-asawa. May balak ba kayong magpakasal?"
Okay. Mababaliw na talaga ako. Good gracious!
--
a/n: hi, readers! kamusta? nyahaha. FC mats. class na next week! I'm scared. XD ang hirap maging transferee and shiftee lalo na pag college. </3 wahaha. la lang. XD
-Aki