SCHOOL OF DEATH

Galing kay annlovinpeach

11.1K 309 21

SCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach Higit pa

INTRODUCTION
CHAPTER 1: First Death
CHAPTER 2: TEXT MESSAGE
CHAPTER 3: BLOODY FRIDAY
Chapter 4: THE FACULTIES
CHAPTER 6: LIVING LIKE A HELL
CHAPTER 7: LETTER FOR BLAKE
CHAPTER 8: ESCAPING
CHAPTER 9: THE REVELATION
CHAPTER 10: UNKNOWN NUMBER
CHAPTER 11: GHOST
CHAPTER 12: THE REVELATION PART 2
CHAPTER 13: HER TWIN SISTER
CHAPTER 14: THE TRUTH
CHAPTER 15: PANGANIB
CHAPTER 16: TRAP
CHAPTER 17: MISSING KYLA
CHAPTER 18: THE TRAITOR
CHAPTER 19: TEARS
CHAPTER 20: THE REALIZATION OF YUHAN
CHAPTER 21: BROKEN FRIENDSHIP
CHAPTER 22: THE ANTI HYPNOTISM
CHAPTER 23: THE UNEXPECTED FRIENDSHIP
CHAPTER 24: THE REAL REASON
CHAPTER 25: BLAKE VS. YUHAN
CHAPTER 26: SANYA VS. JESSNA
CHAPTER 27: DEATH
CHAPTER 28: HINAGPIS
CHAPTER 29: HIS POINT OF VIEW
CHAPTER 30: THE HISTORY
CHAPTER 31: SAVING KYLA
CHAPTER 32: ANG PAGSABOG
THE FINAL CHAPTER

CHAPTER 5: THE BLACK BOOK

391 16 2
Galing kay annlovinpeach

Kyla's POV:

"Nasaan ako? Anong lugar to?"

Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang, napapalibutan ako ng magagandang bulaklak na humahalimuyak ang bango.

"Nasa langit na ba ako?"

Tanong ko sa aking sarili. Ngunit kung nasa langit na nga ako, bakit wala naman ata akong nakikita ni'isang tao dito?

"Kyla."

Isang pamilyar na tinig ang aking narinig mula sa aking likuran kaya hinarap ko siya.

"Ayen? Ikaw ba talaga yan?" Tanong ko sa kanya.

Kung ganun, nasa langit na nga talaga ako?

"Hindi ka pwedeng tumagal dito." Ayen

"Huh? Bakit? Patay na ako diba?"

"Hindi ka pa patay. Kailangan mong lumaban. Kailangan mong pigilan ang masamang plano nila. Lumaban ka Kyla!" Sigaw sa akin ni Ayen.

"Huh? Ano bang pinagsasab.. Teka, anong nangyayari? B..bakit h..hindi ako makahinga? Arrgh!!"

Hirap na hirap akong huminga. Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga ako makahinga.

"Lumaban ka Kyla! Lumaban ka!" Sigaw niya ulit sa akin.

Ano ba kasing nangyayari? Bakit ako nag kakaganito?

Napahiga na lamang ako sa sakit hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Blake's POV:

Ilang days na din yung nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Kyla. At ilang days narin ang nakalipas at hanggang ngayon, hindi parin macontact ang family niya.

Naburol narin si Keisha sa tulong ng teacher niya. Nakakapagtaka lang, wala bang kamag anak dito si Kyla? Bakit ni isang kamag anak eh wala manlang dumalaw sa kanya?

Kung nagtataka din kayo kung bakit kilala ko si Keisha, she was my close friend at tinuturing ko din siyang parang tunay na kapatid. Nakilala ko siya nung 1st yr high school siya at 2nd year naman ako. Hindi ko lang nasabi kay Kyla kasi nga, hindi naman kami close.

Patay na rin si Ivy Castro. Hindi ko alam na malapit palang kaibigan yun ni Kyla. Hindi ko alam kung paano sila naging magkaibigan. Ang alam ko lang eh close silang dalawa.

Nag aayos ako ng mga gamit sa kwarto ko ng may makita akong isang lumang picture.

"Huh? Si Daddy to ah! Sino naman kaya ang nasa tabi niya?"

May kasama kasi si Daddy sa Picture. Isang matangkad at mukhang mayamang tao.

Habang hawak hawak ko ang picture ay bigla na lamang itong nilipad ng hangin.

Kukunin ko na sana ito sa lapag ng may nakita akong kakaibang nakasulat sa likod ng picture.

"Barron and Yukiko 1967"

Barron? Pangalan to ng daddy ko ah! Sino naman kaya si Yukik... Yukiko? Pangalan yun ng..

"Principal? Kung ganun, ang kasama ng daddy ko sa picture ay ang aming Principal? Pero paano naman silang nagkakilala?"

Nakakalito. Maya maya lang ay biglang umihip ang napakalamig na hangin. Sumarado din bigla ang mga bintana pati na rin ang pintuan.

"Anong nangyayari?"

Tumayo ako saka lumapit sa pintuan.

"Shit!! Bakit hindi ko mabuksan??!! Arrrgh Yaya!!! Open the door!!"

Sigaw ko ngunit parang wala naman atang nakikinig sa akin.

'Booogsh!!!'

Nagulat na lamang ako ng dahan dahang umangat ang mga gamit na nililinis ko kanina.

"What the hell is going on?!!"
Sigaw ko.

This is the first time I saw these kind of situation. Sa T.V. ko lamang ito nakikita. Is it just my imagination? Or is it really happening right now?

Bigla ding pumatay ang ilaw kaya wala akong makita kundi dilim lamang.

Yes, I'm a guy! But I'm just a human being. Natatakot din ako sa mga ganito.

Napayuko nalamang ako and I closed my eyes praying to stop this.

After minutes of silence, naramdaman kong wala na yung malamig na hangin na naramdaman ko kanina. I opened my eyes and saw the windows open. The light is back too.

"W...what is that?!"

Tanong ko ng makita sa sahig ang sunod sunod na mga pictures. Nilapitan ko ito para tignan ng mabuti.

"Paanong nagkaroon ng mga pictures dito?"

Ang unang picture ay magkasama si Daddy at ang principal. Ang pangalawang picture ay ang mga teachers ng School namin. The 3rd picture ay isang litrato kung saan mayroong Red Circle na pinalilibutan ng mga nakapang hood na tao.

"Isa kaya sa mga nakapanghood ang daddy ko?" Tanong ko.

The 4th picture ay isang nakatalikod na babae. Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang babaeng ito.

The 5th picture ay yung babaeng hinahawakan sa magkabilang braso. It seems like pinipilit nilang hilahin ang babae papuntang circle.

The 6th picture ay may kutsilyong hawak yung isang nakahood palapit sa babaeng nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya nung dalawang lalaki.

"D..daddy? Si daddy ba'to?"

Kamukha kasi ng daddy ko yung lalaking may hawak ng kutsilyo.

No, this is not my Dad. No.
Pilit kung sinasabi sa aking sarili na hindi ito ang daddy ko.

The 7th picture eh yung accidentally atang nakaharap ang babae sa Camera so I saw her face. I saw her clearly.

Toneth? Toneth Alcantara? Siya yung nawawalang estudyante 3years ago ah. Naging classmate ko siya nung First year high school ako. Pinsan din siya ni Ayen kaya kilalang kilala ko siya.

Tinignan ko yung 8th picture. May isang taong dumating. Nakahood din siya gaya ng iba. Pero kakaiba siya. Parang hindi siya kalevel ng mga nakapanghood. Parang ang bata bata pa niya at may hawak hawak pa siyang Libro.

The 9th picture ay biglang zinoom ng kumukuha ng litrato yung librong hawak hawak nung kadadating palang na tao.

"Satanium Building"

Huh? Satanium Building? Kakaibang pangalan. Sa baba ng Satanium Building ay may nakasulat na "Black Book for 10 Virgin Students."

"What the hell is this? Anong ibig sabihin ng mga ito?"

I saw the last picture at doon ako nanghina. Humarap ang dalawang tao sa may Camera. Nakakatakot ang mga itsura nila. Yung isa nakamaskara, pero yung isa, kuhang kuha ang mukha niya. At doon talaga ako nanghina kasi, si daddy talaga yung may hawak nung kutsilyo.

"Anong ibig sabihin nito dad? Anong kababalaghan ang ginagawa niyo?" Sabi ko habang may luha na palang bumabagsak galing sa mga Mata ko.

"Pero sino naman kaya ang kumuha ng litrato nila? Kasapi din kaya nila? O isang ordinaryong tao lang? Kailangan kong mahanap kung sino man ang taong iyon."

Kyla's POV:

Unti unti kong naidilat ang mga mata ko. Pagkagising na pagkagising ko ay agad kong napansin na parang may kakaiba sa akin. Hindi ko alam kung ano at bakit.

Hahawakan ko na sana ang ulo ko nang mapansin kong may nakahawak din palang kamay sa kamay ko.

"Yuhan?"

Ginising ko ang lalaking nakayuko habang hawak ang kamay ko.

Tama nga ang hinala ko. Si Yuhan nga.

"Ky? Oh God thank you! Gising ka na!" Tuwang tuwa niyang sabi sabay yakap sa akin.

"T..teka Yuhan, h..hindi ako makahinga!"

Napansin niya naman agad kaya dali dali siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Ayy sorry, namiss lang kasi kita. Hihi" Yuhan

"Bakit? Ilang oras ba akong natulog?" Tanong ko sa kanya.

"Oras ka diyan! 1week ka na kayang hindi gumigising! Teka, tatawagin ko muna ang Doctor para masuri ka agad. :)" Yuhan saka mabilis na pinuntahan ang Doctor.

Tinignan ko ang mga kamay ko. Para talagang may kakaiba. Parang.. Parang feeling ko ang lakas lakas ko na ewan? Aiish siguro resulta lang ito ng mga gamot.

Maya maya, dumating na din ang mga Doctor. Okay na daw ako at pwede na daw umuwi the day after tomorrow.

"Gusto mo bang kumain? Ipag babalat kita ng ap.."

Hindi natuloy ni Yuhan ang kanyang sinasabi because I asked him a question that I really want to know a while ago.

"How about my sister?" Tanong ko sa kanya. I asked him that question even though I've already know the answer.

"Wala na siya Ky. Wala na si Keisha. Naburol na siya ng teacher niya nung hindi ka pa gumugising." Paliwanag niya.

"What do you mean ng Teacher niya? How about my parents? H..hindi ba sila yung nag asikaso kay Keisha?" Mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanya.

"Until now kasi Ky, hindi pa namin nacocontact parents mo. Out of Coverage sila and No trace kung nasaan sila." Pagpapatuloy niya pa.

"Kung ganun, nasaan naman kaya sila? Nasaan ang parents ko Yuhan? What if may nangyaring masama sa kanila? H..hindi ko kakayanin kung pati sila.. Mawawala din sa akin. Hindi ko kakayanin Yuhan." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Shhh. Don't worry. Walang masamang mangyayari sa kanila." Yuhan

Niyakap naman niya ako saka kinomfort.

"By the way Ky, ano nga pala ang nagyari sayo? Bakit nasaksak ka? At sa rooftop pa talaga? Paano ka napunta dun?" Tanong ni Yuhan

Maging ako ay nagtataka kung ano ang nangyari sa akin.

"Ewan ko Yuhan. Pero ang naalala ko lang, habang nasa loob ako ng morgue, may nag text sa akin. Kung gusto ko daw malaman kung sino ang pumatay sa kapatid ko, pumunta daw ako sa rooftop ng hospital na'to. Hanggang sa nakarating ako doon. Hinanap ko yung taong pumatay sa kapatid ko ngunit wala akong makitang ni isang tao doon. I tried to call the number pero walang sumasagot. Hanggang sa may taong biglang lumapit sa akin. Naka mask siya kaya hindi ko makita yung mukha niya. Pero alam kong babae siya, Yuhan. Alam ko dahil mahaba ang buhok niya at malambot ang mga kamay niya. Pero natakot ako sa kanya kaya pilit akong umaatras palayo sa kanya, ngunit palapit naman siya ng palapit sa akin. Hanggang sa sinaksak niya na ako ng dala dala miyang kutsilyo." Medyo nangingip pa ako habang kwenento ang pangyayari kay Yuhan.

"Wag na wag lang talaga siyang magpapakita sa akin, dahil kapag nangyari yun, mapapatay ko talaga siya. Don't worry Ky, hindi ko na hahayaang may mangyaring masama ulit sayo" Yuhan

"Salamat Yuhan" ngiti kong pagpapasalamat sa kanya.

★★★★★★★★

After 2days, nakauwi na nga ako. Walang katao tao pag dating ko sa bahay. Wala si Mom and Dad. Wala na si Keisha. Pati yung Yaya namin, wala narin. Nakakalungkot. Namimiss ko na silang lahat.

Dumeretso na ako sa kwarto ko para magpahinga sana pero laking gulat ko nang makitang sobrang kalat ng kwarto ko. Wala akong ibang makita kundi kalat na kalat na mga gamit. Yung iba basag na, yung iba naman sirang sira na.

Agad kung hinila ng malakas ang divider ko. May secret room kasi ako sa kwarto ko na tanging kami lang ni Keisha ang nakakaalam.

Binuksan ko agad ang pinto. Laking pasasalamat ko ng makita kong okay naman ang kwarto at walang bahid na may nakapasok na ibang tao.

Habang pinagmamasdan ang mga kalat na mga gamit, ay napansin ko namang may kakaiba sa mga ito. Napansin kong may paperbag malapit sa ilalim ng kama ko.

Teka, is that Ayen's paperbag?

Dali dali kong nilapitan ang paper bag saka tinignan ang laman. Ito yung mga hiniram kong libro kay Ayen bago siya namatay. Pero teka, diba nawala to sa locker ko? Bakit biglang nandito agad to? Nakapagtataka.

"Anong meron sayo at gusto nila akong patayin?" Tanong ko.

Binuklat ko ang mga libro, ngunit wala naman akong nabasang kakaiba.

Ibabalik ko na sana ito sa paper bag ng may napansin akong kakaiba sa mga ito. Halos kasi lahat, academic book maliban sa isa.

Kinuha ko yung kakaibang libro hanggang sa may napansin akong kakaiba.

"T..teka? Ano to?"

Napansin ko kasing may pinunitan na isang page.

"Nawawala ang isang page ng librong to. Nakapagtataka, malinis at maayos ang librong ito, kaya hindi ito basta basta masisira. Unless, sinadyang pinunit. Kung ganun, sino ang kumuha ng page na yun?"

Nagtataka na talaga ako. Paano nawala ang page na yun? Anong meron at nawala yun?

Nagulat ako ng bigla nalamang tumunog ang phone ko.

From: Unknown Number:
Be ready. From now on, Students will be living in your School. Be careful. Don't trust anyone.

"Whaaat? Sa School?"

Dali dali kong dinial ang number ni Jess.

"Hello Jess? Anong sa School na tayo titira? Bakit daw?!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko nga rin alam eh. Yun daw yung sabi ng Principal. Pero sa pagkaka alam ko lang yung mga 4th year lang daw tapos yung 1st yr to 3rd yr doon sila sa new school ng South." Jess

"Ano naman kaya ang pakulo ng School na yan? Sige salamat."

Binababa ko na ang phone saka muling tinignan yung unknown number na palaging nag tetext sa akin.

"Sino ka naman kaya? Kilala mo ba ako? Bakit mo ako tinutulungan?"

Pagkasabi ko nun ay saka naman umihip ang napakalamig na hangin. Feeling ko may yumayakap sa akin.

"Kung sino ka man na yumayakap ngayon, alam kong alam mong nakakarinig ako ng mga tinig, hindi ko alam kung ayaw mo lang mag salita, o may sarili kang dahilan kung bakit ayaw mong pakinggan kita. Ramdam kita kahit hindi kita nakikita. Kaya sana, dumating ang araw na handa ka nang magpakilala sa akin. Wag kang mag alala. Pipilitin kong huwag matakot." sabi ko habang umiiyak sa lungkot.

★★★★★★★★

Another Person's POV:

"Destroy the Black Book! Burn the Red Circle. Save the Lives of Students! Kill the Principal. Survive in the School."

Nasa taas ako nang puno habang binabasa ko ang pinunit kong page ng libro ni Ayen.

Oo. Ako nga ang kumuha ng isang page ng libro. At alam ko din kung saan nakatago ang phone na ginamit niya pang video sa ginagawang orasyon ng Faculties 3 years ago.

Alam ko lahat. Ngunit wala akong balak sabihin kahit kanino. Mahal ko ang Daddy ko at kahit kailan, hindi ko siya pipigilan sa gusto niyang gawin kahit alam kong, masama ito.

"I'm sorry Ayen kung kailangan kung gawin to. Sana mapatawad mo ako balang araw. Hindi pwedeng masira ang plano ng daddy ko. Kailangan nilang kumpletuhin ang orasyon. I'm sorry."

Pinunas ko nalamang ang luha na kanina pang walang tigil sa kakaagos.

★★★★★★★★

Oh my Goodness! Revelation please! Ano daw? Sa school na titira ang mga 4th year? Naku delikado! At grabe ang natuklasan ni Blake diba? Sino naman kaya yung kumuha ng page ng libro ni Ayen?

Thank you sa mga bumasa. Don't forget to vote and comment! :) anyeong! :)

★★★★★★★★

Next Chapter: Living like a Hell

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

152K 31.6K 98
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
180K 8.9K 42
After going through a number of disasters I realized that actually I am reborn as the villainess character, more of a brat, Chloe Bourgeois, in a chi...
3.8K 273 31
Charlotte, a young, sickly pianist, is sent to Walnut Grove by her father, believing fresh air will aid her. Charlotte strengthens, becoming a piano...
15.3K 776 23
They though I'm a perfect nothing to wish for, but they wrong my life is not perfect what you think!! my life is so mysterious, full of secret and da...