Pagkatapos magsimba ni K at Samantha, umuwi na agad sila dahil lumalakas na ang ulan at gabi narin. Sa 'di inaasahang pangyayari nabutas ang gulong ng sasakyan ni K at nasa kalagitnaan pa sila ng daan na walang halos dumadaang sasakyan.
K: Nako! (face palm) Pano na to?!
Samantha: (looks at K) Why did we stop Mo?
K: Don't worry baby. Everything will be okie. Just trust Momo huh! (hinalikan ang noo ni Samantha at lumabas na sa sasakyan)
Paglabas ni Karylle sa kanyang sasakyan, nasaksihan nyang flat ang isang gulong ng kanyang sasakyan kaya nag-panic na siya kung ano ang gagawin nya. At malayo-layo pa ang vulcanizing shop sa kinarorounan nila. Wala din siyang resirbang gulong at malapit naring maempty ang battery ng phone nya. Kaya agad siyang naghanap sa phone book nya kung sino ang pweding mahingan ng tulong sa sitwasyon nya ngayon. Agad naman nyang napansin ang number ni Anne kaya tinawagan nya ito. Pero ilang ulit na nyang tinawagan si Anne, out of coverage area parin ito. Kaya sinubukan naman nyang tumawag kay Billy, pero ganon parin ang nangyari hindi parin ito sumasagot sa mga tawag nya. Buti nalang nakita nya ang number ni Vhong kaya sinubukan narin nyang tawagan ito.
*Calling Vhong*
Vhong: Hello? K?
K: Vhong! I need your he----- *Call Ended* Damn! Lowbat na pala tong phone ko. What should I do?!! Kainis! Pano na kami makakauwi nyan?
++++++++++++++
VHONG'S POV
Nasa kalagitnaan ako ng traffic sa EDSA ng biglang tumawag si Karylle.
*Karylle Calling*
Vhong: Hello? K?
K: Vhong! I need your he-----
Vhong: (napalakas ang boses) K! Hello, K? Hello, K?! K!
Ano kayang nangyari don? Bakit biglang na cut ang tawag namin? Parang na ngangailangan yun ng tulong ah. Tinawagan ko ulit si Karylle pero hindi parin ito sumasagot kaya nag-alala na ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kaya tinawagan ko na si Vice baka alam nya kung asan si Karylle ngayon.
*Calling Vice*
Vice: Hello?
Vhong: Vice? Alam mo ba kung asa si K ngayon? Magkasama ba kayo ngayon? May alam ka bang ibang numero nya na pwede nating tawagan? May alam ka ba kung ano ang ginagawa nya ngayon? Magkasama ba sila ni Samantha ngayon? Ka---
Vice: Hoy! Hinay-hinay lang may rayuma na ang Kabayo! Bakit ba?! Ano ba ang nangyari?
Vhong: Tumawag kasi sa akin si K. Humihingi siya ng tulong, pero naputol ang conversation namin bigla eh. Tapos sinubukan kung tawagan siya ulit, pero hindi ko na siya macontact!
Vice: Bakit ngayon mo pa sinabi?!! Magkasama ba sila ni Samantha?
Vhong: Hindi ko alam. Hindi rin kasi nya nabanggit eh.
Vice: Anak ng tokwa! Baka ano na ang nangyari sa dalawang yun ngayon!
Vhong: Ano na ang gagawin natin? Hindi ko talaga siya macontact eh. May alam ka ba kung saan si K nagpunta ngayon?
Vice: Last tweet nya, nagsimba daw siya kasama si Samantha. Kaya posibling magkasama ang mag-ina ngayon! Puntahan kaya natin sa condo unit nya.
Vhong: Sige! Don na tayo magkita.
Pero hindi parin ako makaalis agad dahil hindi parin umuusog ang mga sasakyan, dahilan din ito sa traffic at busy hours din kasi.
END OF VHONG'S POV
++++++++++++++
KARYLLE'S POV
Pano na tooooooo?! Sucks! We're stock! Wala ding dumadaan na sasakyan. Pano na kami makakauwi nito? Sino kaya ang........... bakit may humihintong sasakyan? Sino kaya to? Bumaba ang babae sa kanyang sasakyan, dala-dala ang puting payong nito. Hindi ko naman siya makita ng malinaw dahil sa ulan at basang-basa na rin ako. Kaya lumapit siya sa akin at pinayungan ako. Natameme naman siya bigla kaya kinausap ko na.
K: Miss?
Babae: Karylle po ba ang pangalan nyo?
K: Oo, bakit?
Naluluha na siya at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kaya nag-alala na ako kung bakit siya umiiyak.
K: Uy! Miss, bakit ka umiiyak? (sabay hawak sa dalawang balika't ng babae) May nagawa ba akong mali?
Babae: Pasensya na po. (sabay pahid ng luha) Hindi ko pa kasi inakala na makikita ko pa po kayo sa haba ng panahon at sa mga nangyari noon. (with a huge smile)
K: *laugh* Babies ka ba?
Babae: Hala! (face palm) Naalala nyo pa po yun?
K: Oo naman.
Babae: Hindi na po ba kayo magkagalit ni Tatay?
K: *laugh* Hindi na. Matagal na kaming bati.
Babae: (nanlaki ang mga mata) Talaga po? MAY PAG-ASA PA PO BA? *grins*
K: Teka lang iha ha. May phone ka ba? Pwede ba akong makitawag?
Babae: Opo...opo! (sabay bigay ng telepono) Ito po oh.
K: Salamat ha.
Tinawagan ko agad si Vhong at ibinigay ko ang lokasyon kung asan kami ngayon. Pagkatapos kung tumawag, agad ko nang pinasalamatan ang babae sa pagtulong nya sa akin.
K: Maramang salamat talaga ha. (sabay bigay ng telepono sa may-ari) Ano nga pala ang pangalan mo?
Jessa: Jessa po.. Jessa Marie po ang pangalan ko.
K: Jessa? Maraming salamat pala ha. Tatanawin kung utang na loob to.
Jessa: Walang ano man po.
K: Pasensya na kung na istorbo kita ha. Wala kana bang importanting lakad?
Jessa: Meron pa po eh. Pero mas mabuti kung---
K: Nako! Baka malate kana? Mauna ka nalang wag mo na kaming alalahanin pa. Paparating narin naman ang tutulong sa amin.
Jessa: Oooh sige po. Mauna na po ako. (umalis na agad)
Umalis na agad si Jessa habang kami naghihintay parin kay Vhong.
END OF KARYLLE'S POV
++++++++++++++
VICE'S POV
Litong-lito na ako kung ano na ang gagawin ko. Baka ano na ang nangyari kay Karylle. Pagdating ko sa condo ni K, nandon na pala si Vhong kaya sabay na kaming pumasok. Papasok na sana kami kaso lock ang pinto. Kaya kinatok ni Vhong ang pintuan ng ilang beses pero hindi parin kami pinagbuksan ni K.
Vhong: (lumingon kay Vice) Brad! Parang wala sila dito Brad! Ano na ang gagawin natin?
Bigla namang tumawag si Anne sa phone ko.
*Anne Calling*
Vice: Anne! Teka lang ha. May---
Anne: Vice! May nangyari ba kay Karylle?
Vice: HA?! BAKIT MO NAMAN NA SABI YAN?
Napalakas ang boses ko kaya lalong nag-alala si Vhong.
Vhong: Bakit Kuys? Anong nangyari?
Anne: Marami na kasi siyang missed calls sa phone ko. Kaya hindi ko na sagot ang mga tawag nya, nasa pictorial kasi ako ngayon.
Vice: Hindi ba siya nagtext sa'yo kung asan siya ngayon?
Anne: Hindi eh. Bakit? Bakit? Ano ba ang nagyayari?
Vice: Humihingi kasi siya ng tulong kay Vhong pero hindi namin alam kung asan siya ngayon. Hindi rin kasi namin siya macontact eh.
Anne: Jesus! Ano na ang gagawin natin?! Baka ano na ang nangyari don!
Vice: Naghahanap pa nga kami ng solusyon eh.
Anne: Maybe I should call Iza or Diana? Basta! Lahat ng friends nya na kilala ko rin. Sige, bye Vice.
*Call Ended*
Hooh! *sigh* Marami ng nataranta kung ano na nga ba ang nangyari kay Karylle. Pati kami hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Kaya nagiisip parin kami ni Vhong kung ano na ang gagawin namin. Maya-maya may tumatawag sa kanya at unknown number pa ito.
Vhong: Hello? Sino to?
K: Vhong! Si Karylle to!
Vhong: Karylle?! Karylle asan ka ba ngayon?
Si Karylle? Salamat sa diyos at tumawag din si Karylle. Naibsan ang pangamba ko noong tumawag si K. Kaya pala humihingi siya ng tulong dahil nabutas ang gulong ng kanyang sasakyan. Pinuntaha agad namin ang lokasyon kung saan sila naroon. Pagdating namin don, agad akong bumaba sa sasakyan ko. Pagbaba ko nakita ko si K na basang-basa at giniginaw na ito. Kaya lumapit ako sa kanya at... at... at niyakap ko siya. Nabigla siya sa ginawa ko, pati naman ako eh. Nadala lang siguro sa emosyon kaya napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Kumalas ako agad para hindi ako makita ni Vhong, pero na bigo ako. Nasa likuran ko na pala siya at nasaksihan nya lahat.
Vhong: Para-paraan brad ah! (teasing Vice)
Vice: Baliw! Nag-alala lang talaga ako dito. (sabay akbay kay K)
Vhong: Okie ka lang ba, K?
K: *nods* Okie lang naman ako. Pero giniginaw na ako.
Agad kung hinubad ang leather jacket ko at pinasuot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat.
Vhong: Brad namumutla na si K! Mas mabuti kung mauna na kayo. Ako na ang bahala sa sasakyan ni K. Ihatid mo nalang siya.
Vice: *nods* Sige salamat, Vhong. (humarap kay K) Asan ba si Samantha?
K: Nasa backseat. Nakatulog na nga eh.
Vice: Sige, kukunin ko. (papaalis na sana pero pinigilan ni K)
K: Teka! Kaya mo ba?
Vice: Sus! Kinaya ko nga noon, keri ko na to ngayon!
Binuksan ko agad ang car door sa may backseat ng sasakyan ni K. At kinarga si Samantha patungo sa sasakyan ko. Sumunod narin si K na sumakay sa sasakyan ko.
++++++++++++++
ABANGARRRRN...
(A/N): TY ulit sa mga readers at sa mga silent readers ng istoryang to. Vote kung BET nyo yung story ko:))