Mr. Casanova is a daddy [LuYo...

By Lazygirl9

633K 12.6K 532

Nash Tyson Ahn ay isang sikat na casanova sa University nila. Anong mangyayari pag isang araw, nagising na la... More

NOTE NOTE NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Special chapter [Micah and Kevin]
Chapter 3
Special chapter [Kenchan and Yulie]
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.5
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30.5-31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
PLUG

Chapter 24

8K 196 19
By Lazygirl9

Micah's POV

Kinabukasan. Nagreresearch ako sa google ngayon. Oo, for the first time in my life, nagkaroon ako ng ganang bumisita sa google. Eh kasi naman, kelangan ko siya ngayon.

Tinype ko na ang gusto kong iresearch. Well, ang nireresearch ko ay ang pwde naming problemahin ni Kevin. Gusto ko talaga ng problema, alam kong ang weird pakinggan pero GUSTO KO, kaya wala kayong pake! :P Chos.

"Nak, kumain kana. Naghanda na ako ng-- Wow, gumu-google ka? Anong nireresearch mo?" tanong ni mama tapos lumapit sakin.

Agad ko namang ni-minimize ang google chrome at hinarang si mama. Mabuti na lang malabo ang mata ni mama. ^o^

"Ah wa--wala po. Hmm, nagreresearch lang po ako para sa-- sa assignment namin."

"Eh bakit ayaw mong ipakita sakin? Siguro may tinatago ka!" sabi ni mama sakin

"Wa--wala po. Ano-- ano lang.. Hmm, nagchachat kasi kami ni Kevin eh, kaya ayoko pong makita niyo. A-hehe." sabi ko na lang. Maniwala ka please!

"Ah ganun ba! Asus! Ikaw na bata ka, andami mong kaechosan ha. Magkapitbahay lang naman kayo ni Kevin, nagchachat ba. Anong kalandian to?"

"Haha, mama naman. Kasi po ayaw ko siyang papuntahin dito."

"Ah ganun ba? Ok. Lika, bumaba kana nang makakain na tayo." sabi ni mama

"Ah o--opo, bababa lang ako." sabi ko kay mama at agad kong sinarado ang pinto.

Whoo!

*text message*

Kinuha ko ang phone ko dahil may nareceive akong message. Galing kay Kevin. Binasa ko yon.

Micah, magkita tayo sa park. May sasabihin ako sayo. Wag ka nang umayos, importante lang to. Kelangan mo nang agad malaman.

Naguluhan naman ako sa text niya sakin. Bakit? Bakit parang ayokong pumunta? Kinabahan ako. Nung mabasa ko ang MAY SASABIHIN AKO SAYO, bumilis talaga ang tibok ng puso ko. Ano ba yun? Wala naman akong iba ha? Hindi naman ako nagsinongaling sakanya? O_O Baka nalaman niyang iba ang first kiss ko? Pero wala pa naman akong first kiss eh! Putapete, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

Nash POV

Nasa mall kami ngayon ni Kendra. Kung saan-saang boutique na kami pumasok, pero parang hindi pa rin siya napapagod at balak niya atang pumasok sa lahat ng boutique dito.

"Uy Nash eto, maganda ba sakin?" tanong niya pa

Nginitian ko na lang siya. "Ahm, I'll take that as a yes. Silence means yes naman eh" sabi niya tapos kumuha pa siya ng ibang damit na nagugustuhan niya.

Pagkatapos ng limang oras na pagshoshopping, nag aya na siyang kumain. Nagpapasalamat ako ng sobra!

"Nashy nakikinig ka ba?" sabi ni Kendra sakin habang kinakaway kaway ang kamay niya sa mukha ko

"A--ah, o--oo naman.." sabi ko na lang. Pero hindi naman talaga ako nakikinig sakanya eh.

"Hmp! Kung talagang nakikinig ka, anong sinabi ko, aber?" tanong niya

Napabuntong hininga na lang ako. "Ok, hindi ako nakikinig. May naalala kasi ako eh." sabi ko sakanya.

"Ah I guess sila yon. Hmm, its ok. Kung umalis siya edi umalis nga siya. Tss, isama niya pa yung bubwit na yun."

"Ah I think you should not say that infornt of me." sabi ko sakanya. Kasi parang ambastos lang

"Ow--okay, Sorry. So Nash, gusto kitang isama mamaya sa bahay namin. Magdidinner tayo with my mom and dad. Okay lang ba sayo?"

HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!

Kimeeko's POV

"Hello ma?"

[Oh anak, napatawag ka?]

"Ah kasi mama, asan po ba yung susi ng bahay natin?"

[Huh? Bakit mo naman hinahanap? Dyan ba kayo titira ni Nash?]

"Ah opo" Okay, I lied. Syempre, ayokong malaman ni mama na umalis ako sa condo ni Nash noh,  baka umabot pa sa nanay ni Nash at kay ate Aphro eh. Baka pilitin pa akong bumalik dun. So its better this way

[Ah ganun ba? Tetext ko na lang si Kathy, hintayin mo na lang siya dyan.] sabi ni mama sakin sabay end call.

So ayun, naghintay nga kami ni Meeson sa labas ng bahay, nakaupo lang kami sa may bench na malapit sa bahay namin.

"Kim?" napaangat ako ng ulo nung marinig ko ang boses na yun. At hindi nga ako nagkakamali.

"Oh Earth, anong ginagawa mo dito?"

"Well, dito ako nakatira."

"H--huh? Last time sabi mo sa condo unit mo na ikaw titira. Tapos ngayon, dito ulit? Hindi kaya parang sinusundan mo naman ako nun?"

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. "Tss, haha. Hindi ba pwdeng coincident lang? Hindi mo ba alam yun Kim? Haynako. Ikaw talaga. Tsk, sige. Una na ako ah." sabi niya sakin tapos dumiretso na sa apartment na katabi ng bahay namin.

Earth? Sino ka ba talaga? Bakit parang kung nasan ako, nandun ka rin? Okay, tama na nga to. Baka masyado lang akong assuming. Kung ano ano naman kasi ang pumapasok sa isip ko eh.

"Tsk tsk tsk. Hay! Nasa loob na ng bahay yung tao, pero nakatingin ka pa rin. Yan ba yung tinatawag nating pasulyap-sulyap lang?"

"U--uy Kathy, andyan kana pala? Kanina ka pa ba?" ako na nataranta. Si Kathy nga pala ang pinsan ko.

"Ah hindi naman, narinig ko lang ang usapan niyo. Haha. Oh-- teka, bakit kayong dalawa lang ni Meeson ang andito? Akala ko ba pati si Nash kasama?" Kathy na nagtataka

So ayun, pumasok muna kami sa bahay. Tapos habang inaayos namin ang gamit namin, sinasabi ko naman sakanya ang nangyari, napapamura nga siya kay Nash eh. Pero okay lang rin, ganun din naman ako eh, napapamura talaga ako pagka naaalala ko yung as starbucks.

Yulie's POV

"Sige na Yulie, gusto ko ng pick up line. Nakita ko sa internet, uso yun sa mga nasa stage palang ng ligawan." sabi pa ni Kenchan sabay kulbit sakin

Kanina pa kami andito at kanina niya pa ako kinukulit sa mga pick-up pick-lines na yan! Eh lecheng pasimuno naman yan! Sino ba may pakana nito? Tsk. Hindi pa ako ready, wala naman akong alam sa mga ganyan eh. Pero may nabasa ako sa twitter minsan eh

"Kenchan, wala talaga. Wala akong alam na banat. Pwde ba? Wag mo na akong kulitin. Kasi ayoko ng makulit." sabi ko sakanya

"Ay lecheng manliligaw naman oh! Gusto ko nga ng pick up line! Ano ka ba! Nililigawan mo ba talaga ako?" sabi niya na halatang iritang irita na sakin. Aba! Ako din naman noh! Iritang irita din naman ako sakanya.

"Hay! Angkulit lang eh. Sige na nga! Kahit ano?" ako

Tumango tango siya. "Kahit ano.." sabi niya pa

Nagfake muna ako ng ubo, para iclear yung throat ko. "Hmm, Kenchan.. FOOT ka ba?" tanong ko sakanya

Natuwa naman siya. "Ahmm, bakit Yulie?"

"FOOTang ina mo!" sigaw ko sakanya

Natawa naman ako sa reaksyon ni Kenchan. Parang gusto niya akong pisain, patayin, sapakin, suntukin, batukan at kung anu ano pang brutal na gawain na pwdeng gawin sakin. HAHAHAHA! Ayan! Ayan kasi, sinabi nang wala akong alam tungkol sa mga ganyan eh. Edi na footang ina mo pa sya, tss.

Tapos hindi na siya naimik. Nakatingin lang siya sa paligid. Haynako! Nagtatampo ang EYELINER! Hahaha, joke! Tsk, so kelangan ko nanaman siyang suyuin? Tss, siya naman kasi tong makulit eh. Kung anu anong kalandian ang nalalaman at nakukuha sa internet. Pick up line? Hindi bagay sakanya yun!

Kevin's POV

Nasa park na ako kanina pa. Gusto pala ni Micah ng problema ha? Okay, edi bibigyan ko siya.Kaya tinext ko na siya. Ang sabi ko: Micah, magkita tayo sa park. May sasabihin ako sayo. Wag ka nang umayos, importante lang to. Kelangan mo nang agad malaman.

Hindi nagtagal, dumating na siya. Nung lumalapit siya, nakangiti siya sakin. Pero nung nakita niyang di ako nakangiti, nawala din ang ngiti niya. Wahahaha! Be ready Micah!

"Kevin, may sasabihin ka sakin? Ano naman yun?" Pa-cool na sabi niya

Tapos napayuko ako. Syempre, kasali sa arte to! "A--ah Mi--Micah..." kunware di ko pa kayang sabihin.

"A--ano ba Kevin! Sabihin mo na nga. Ano ba to? Wag mo kong binibitin. Alam mo bang gumagawa pa ako ng assignment? Kung wala lang to, sabihin mo na agad." sabi niya sakin. Ayan na! Haha, epektib!

"Ano ba Micah! Sasabihin ko naman eh! Ano ba to? Nagmamadali ka? Alam mo bang hindi ka naman gumagawa ng assignment? Kung wala lang to edi sana hindi na ako nagtext."

Natigilan naman siya sa sinabi ko. Wahahaha! Epektib talaga!

"Micah kasi, Micah patawarin mo ako!" sabi ko sakanya sabay yakap sakanya ng mahigpit

"Ba--bakit ka naman humihingi ng tawad? Wala ka namang kasalanan, di naman tayo nag away ah?" sabi niya sakin. Wahahaha, natataranta na siya. Teka lang Micah, wag kang atat!

"Ka--kasi Micah, hindi ko naman sinasadya. Pero nakabuntis ako. Si Joyce. Sorry talaga Micah." sabi ko sakanya saka humiwalay sa pagkakayakap sakanya para makita ko ang reaksyon niya.

Pagkakita ko sa reaksyon niya, nanlaki ang mga mata niya tapos parang natulala siya at hindi nag sink in sa utak niya ang sinabi ko.

"Micah sorry talag-- MICAH!" napasigaw talaga ako.

Aba! Sino ba namang di mapapasigaw? Eh nahimatay si Micah. Nahiga siya sa sahig, agad ko naman siyang kinarga at sinakay sa taxi. Tangina! Hindi naman kasali sa plano to ah, hindi ko naman gustong himatayin si Micah. Syet! Napasobra yata.

Eh siya naman talaga ang may gusto ng problema. Eh sinubukan ko lang naman, gusto ko kasing malaman ang reaksyon niya. Ganito pala ang reaksyon niya kapag nalaman nyang nakabuntis ako?

"MANONG PAKIBILISAN PO! KASI BAKA MAMATAY TONG GIRLFRIEND KO!"

"Ah sir, traffic po eh. Ano bang nangyari sa girlfriend niyo?"

"SINABI KO KASI SAKANYA NA NAKABUNTIS AKO EH. AYUN NAHIMATAY!"

Nagulat naman si Manong. Bumusina siya ng bumusina, sabay sigaw ng tabi. Lahat naman ng kotse, tumabi. Kaya nadala namin si Micah sa ospital ng di aabot sa limang minuto.

"Sir, bakit niyo naman sinabi sakanya yun? HINDI NIYO BA ALAM KUNG ANO ANG MARARAMDAMAN NIYA AT MANGYAYARI SAKANYA KAPAG SINABI NIYO YUN?" sigaw sakin ni manong.

O_O "Aba hindi ko alam, Ikaw alam mo ba?"

"Ah-- hindi rin po eh." sabi niya

"Aba hindi naman pala eh. Kung makasigaw ka dyan!" sabi ko sakanya

"Ah sorry po sir. Sige sir, ako nang bahala sa bayad niyo sa taxi, magwi-withdraw na lang ako ng pera sa bangko, ako na ang magbabayad para sainyo." sabay alis sa harap ko.

ABA! Taxi driver ba talaga yun? Ang yaman naman ata. Magwiwithdraw pa nga eh! Nilibre pa ako.

- - - - - - - - - - -

Lazy's note: Tss. Sabaw ang update ko ngayon, kalokohan lang. Kasi ayoko munang magseryoso at magdrama, next coming chapters, drama na eh, kasi tungkol na kila Nash at Kim. Kaya kalokohan muna sa ngayon. :) Salamat pala sa mga active and voters! Mehel ke keye. <3

Continue Reading

You'll Also Like

910K 27K 101
Dalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gus...
6.8M 66.8K 76
In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy wa...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
165K 7.1K 53
To say that fate has a strange way of bringing two different lone souls together is an understatement. Ang paraan niya ay nakakapagtaka, napapatanong...