She's Yours

By abcd0987

23K 1.6K 348

"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type." More

1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd

26th

384 50 10
By abcd0987

< Anna Grecque's PoV >

"Ano nga yung binulong sayo ni Xyrus kagabi?"

Ika-17 na tanong na sa akin ito ni Charlotte. Ang kulit-kulit niya. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang kakaulitan niya pero sobrang kulit niya talaga.

"Anna naman, kwento!"

Pati si Laida nahawa na rin kay Charlotte. Pang-34 na niya ‘to. Ewan ko ba dito sa mga ‘to, sabik na sabik malaman ang sinabi ni Xyrus e wala namang maitutulong yun sa mga buhay nila. Hindi naman sila yayaman o ano. Tsk!

"Huy babae! Ano nga kasi yun?"

Lalo na tong isang ito. Ika-52 na tanong na sa akin ito ni Dann. At masasabi kong siya ang pinakamakulit. Buti na nga lang at busy si Jade sa pag-aaral. Kilala ko rin itong isang ‘to, alam kong kukulitin din niya ako. Kagabi nga ay ayaw na niya akong patulugin dahil hindi pa rin ako nagsasalita. Panay lang ang ngiti ko sa kanya.

Kaya naman ganun na lang din ang ginawa ko dito sa tatlo, nginitian ko na lang din sila dahil ayoko talagang magkwento. Wala akong plano. Wala akong sasabihin.

"Class dismissed." -Sabi ng huling teacher namin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit nang mabilis akong hatakin ni Dann at Laida. Nahulog pa nga ang mga notebooks ko. Nakita ko naman itong isa-isang pinupulot ni Jade at ipinapasok sa bag ko. Panay naman ang tawa ni Laida na nasa unahan ko. Kasunod na din namin si Jade.

"Ano ba? Bitiwan niyo nga ako!" -Malakas na sigaw ko dito sa dalawa.

"Hindi pwede, girl. Aayusan ka namin!" -Nakangangang sabi ni Dann.

"Oo nga. Para naman mahimatay si Xyrus pagnakita ka niya!" -Patawa-tawa namang sabi ni Jade.

"Isa pa, wala kaming tiwala sa pagpapaganda way mo! Baka nga hindi ka pa mag-make up mamaya!" -Nakangiting sabi ni Laida.

"Pagnapahiya si Xyrus diyan sayo, naku! Susulutin siya ni Danniela!" -Nakangising sabi ni Charlotte.

"Hi Anna!" -Masayang bati naman sa akin ni Jeanne na kakapasok lang dito sa kwartong pinagdalhan sa akin nitong apat.

What the hell! Stay away from me, you five!

*****

"Ang ganda mo!"

"Naku! Siguradong mapapalingon ang kahit na sinong lalaki sayo dun!"

"Uy, tandaan! Ang lahat ng ito ay para kay Xyrus! Hindi sa iba!"

"Ang ganda mo nga, Anna!"

"Papaanong naging ganyan ka kaganda? Nakakaloka! Magkano pagpapabelo mo? Everyday ka nagpapaderma noh?"

Pinabayaan ko na lang silang lima at inayos ang tayo ko. Long gown kasi itong suot ko. Free flowing din siya sa bandang baba. Sakto naman sa upper body ko yung fitting. Backless. Color brown. Four inches naman tong sapatos ko. Same color din. Tapos may black na bag. Medyo pahabang pouch yung itsura niya.

"Binubugaw niyo ba ako dito sa damit na 'to?" -Tanong ko sa kanilang lima dahil hindi talaga ako komportable sa suot ko.

"Huy! Anong bugaw! Manahimik ka nga! Mahal kaya yang gown na yan! Galing pa yang Europe, babae ka!" -Charlotte.

Sa kanya kasi galing itong damit. Kakabili lang daw ng mommy niya last week. Mahilig kasi mangolekta ng gown itong si Charlotte. E supported naman ng nanay, kaya ayan, ganyan.

"Hindi ba makapal ang make up ko?"

"Hindi a! Edi kung makapal yan, sana nagmukha ka ng clown! May maganda bang clown?" -Dann.

"E itong sapatos? Matangkad naman na ako a."

"Hindi a. Ano ba gusto mo, nakaflats ka? Gown and flats? Haler! Wala kang sense of fahion kung ganun. Four inch nga lang yan! Ako nga, 6 inch ang sinusuot ko sa mga parties e." -Jeanne

"Kelangan ba na may dala pa akong bag?"

"Oo naman. Hindi naman maganda na hawak-hawak mo yung cellphone mo! Tapos, san mo ilalagay yung pang-retouch mo? Don’t tell me si Xyrus ang pagbibitbitin mo ng foundation mo?" -Laida

Bigla namang tumawa ng malakas si Jade kaya naman sinamaan siya ng tingin nila Charlotte. Nagets naman siguro ni Jade kaya siya natawa. Hahaha. Actually, pinagtitripan ko lang naman sila. Alam kong nag-effort sila kaya naging ganito ang itsura ko. Pero sadyang masaya talaga silang inisin.

Priiiit Priiiiiiiiit Priiiiiiiiiiiiit

Narinig naming lahat ang malakas na busina na nanggagaling mula sa labas.

"OMG! Andiyan na si Xyrus!"

"Hala shockadal! Hindi pa ako nakakasuot ng gown ko!"

"Ay ang feeler mo, bakla! Hindi ka naman kasama!"

"Dali-dali. Labas ka na!"

"Excited na yung makita ka na maganda!"

Pinagtulakan nga nila ako pababa. Napailing na lang ako habang pababa ako ng hagdan. Grabe talaga tong limang 'to. Para silang napasukan ng kiti-kiti sa utak. Yung mga ngiti kasi nila, parang mangangain ng buo e.

Tumingin naman ako sa kinaroroonan ni Xyrus. Nakasandal lang siya sa kotse niya. Cool na cool. Siyang-siya.

Naka-black suit siya. Ang pinagkaiba nga lang nito dun sa suot niya kahapon ay naka-black bow tie siya ngayon. At mas lalo pa ngang bumagay sa kanya. Para siyang teenager na a-attend ng prom.

Habang pinagmamasdan ko pa siya ay bigla na lang siyang lumingon sa akin. Shvt! Pati ba naman sa gabi may mga bulaklak? May mga bulaklak na naman kasi na pumapaligid sa kanya, mga bulaklak na nanggagaling sa langit. OMG! Papaanong naging parang ulan ang bulaklak?

"A-Anna." -Nauutal na sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Sabi na nga ba. Mukhang napasobrahan talaga ng make-up yung get up ko ngayon.

"L-Let's go." -Nauutal talaga siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

“Ba yan? Lalarga pa ba kayo?” –Mataray na tanong sa akin ni Laida.

“Sandali! Papa Xyrus! Sama mo na ako. Naka-ready na rin ako!” –Maingay naman na sabi ni Dann pero mabilis din siyang naharangan nila Charlotte.

“Magsialis na kasi kayo! Gusto pang manggulo ni Danniela o!” –Charlotte

“Mga babaita! Bitiwan niyo nga ako! Matatanggal yang foundation sa shoulder ko! Sayang pagpapaganda ko noh!”

“Dann, wag na kasing makulit!”

“Huy babaeng pangit at maganda lang sa mata ni Kris! Hindi dahil may cupcake ka na ay pwede mo na akong tawaging Dann!”

“Woaaah! Anong kaguluhan ‘to?” –Tanong ni Kris nang makalapit siya sa lima. Hinarap naman niya kami pagkatapos makahalik kay Jeanne. “Huy, umalis na kayo! Basta ba pag-uwi niyo dapat dalawa pa rin kayo!”

Ewan ko ba pero bigla na lang akong natawa sa ikinikilos ng mga kaibigan namin. Tuluyan na akong pumasok sa kotse ni Xyrus matapos niya akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan niya. Habang papalayo kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa rear mirror. Kitang-kita ko kung papaanong nagwawala si Dann at mukhang tangang hinahabol ang sasakyan namin. Hahah! Nakakatawa talaga siyang tingnan. Ibang klase talaga ang saltik ni Dann. Kahit na medyo nakakahiya, nakakatuwa pa rin dahil kaibigan ko sila.

“Hindi mo kailanman malalaman kung gaano ka kasaya hanggat hindi mo pipiliing sumaya. You’ll never know unless you drive your own.”–Seryosong sabi ni Xyrus na siyang ikinatigil ng pagtawa ko. Hinawakan pa niya ang kaliwang kamay ko.

Naging sobrang tahimik ng biyahe namin papunta sa destinasyon namin. Nasa gate pa lang kami ay masasabi ko ng mayaman ang pamilyang ito. Labas pa lang, halatang sosyalin na. nang itigil ni Xyrus ang sasakyan ay may naka-abang na kaagad na valet.

“This way please.” –Sabi naman ng isang babae na mukhang isa sa mga tauhan ng organizer nitong party.

“Let’s go?” –Tanong sa akin ni Xyrus habang inaalok ang braso niya. Kumapit na din naman ako dito.

Dinala kami ng babae sa loob ng bahay kung saan gaganapin ang party proper. Ang lawak ng lugar, masyadong malaki para isipin na bahay lang ito. Mansyon ang dapat na itawag dito. Malalaki ang mga chandeliers na nakasabit sa ceiling. Maganda rin ang interior design ng buong paligid. Mapaghahalataan na mayayaman lang ang naiimbita. Puro kulay ginto ang makikita mo kapag subukan mong ilibot ang paningin mo.

“He’s a Cosimūs, right?”

“Yes. The youngest.”

“He is so tall.”

“And so handsome!”

“Is he a model?”

Sa bawat lugar na madadaanan namin ay kapansin-pansin ang presensiya ni Xyrus. Ganun ata talaga sila kayaman at kilala na siya ng halos lahat ng tao. Dagdag pa diyan ang personality niya. Pero siya, parang walang ibang tao sa paligid niya. Hindi niya ito binibigyan ng pansin. Cool na cool. Siyang-siya.

“Being so flashy in front of girls. Huh?” –Pang-aasar ko sa kanya.

“Sayo lang ako nakatingin.” –Aniya. Then he smirked.

Sa kakaibang dating ng kasama ko ay nagmistula akong hindi nag-eexist. Walang nakakapansin sa akin dahil busy silang lahat sa pagbibigay ng papuri kay Xyrus. Mapa-teenager man o hindi, bata man o matanda, lalaki man o babae. Am I invisible?

“Young master will surely be happy knowing you came.” –Sabi ng isang lalaking matangkad na nakaitim na tuxedo.

“Send my greetings to him.” –Sagot naman ni Xyrus.

“I will.”

Pagkatapos ay umalis na yung lalaki. Ganun ata talaga kagwapo si Xyrus na kahit na yung lalaki na nasa tapat lang namin ay hindi napansin na nandito ako at kasama niya ako. Pag-uwi ko talaga, sisiguraduhin kong wala ng buhok si Dann. Siguro sobrang pangit talaga ng itsura ko ngayon. Wala naman kasing malaking salamin dun sa pinag-ayusan sa akin nila Jeanne. Hindi ko tuloy nakita kung okay ba talaga ang itsura ko o sadyang tino-talk shvt lang ako nung lima.

“You look so wonderful.” –Bulong sa akin ni Xyrys mula sa likod ng tenga ko. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala siya.

“A-Ah.” –Nauutal na sagot ko. He then gave me a warm half-smile. No! Stop stammering!

“Iho!” –Tawag naman sa kanya ng isang lalaki na nasa mid-50s at naglalakad papunta sa amin.

“Good evening, Tito.” –Bati naman ni Xyrus sa lalaki.

“Lalo ka atang gumwapo! Siguro sobrang daming babae ang patay na patay sayo!”” –Sabi pa nito na tinapik pa ang balikat ni Xyrus. Sobrang close siguro ng dalawang ‘to. “So who is this gorgeous lady beside you?” Tanong niya habang nakatingin naman sa aming dalawa. May nakapansin na din sa akin. Haisst.

“This is Dr. Victor Yazawa, Laida’s father…” –Kaya pala parang may kahawig siya. So, sa kanya pala nagmana si Laida. “Tito, this is Anna. Girlfriend ko.” Seryosong-seryoso na sabi niya.

Napahawak pa ako ng mahigpit sa braso niya dahil binanggit niya ang pangalan ko. Pero! Pero bakit seryoso siya! No! Girlfriend? Kelan pa naging kami? Sinagot ko na ba siya? Hindi pa naman a! Papaanong naging girlfriend niya ako? Hindi! Wala akong matandaan!

“Mapagbiro ka talaga, iho. Halika na nga at ipapakilala kita sa mga kakilala ko sa negosyo!” ­–Sabi nito na tumatawa-tawa pa. Masayahin si Mr. Yazawa. Hindi gaya ni Laida na sa unang tingin ay mukhang masungit at mataray. “Iha, pwede ko bang hiramin muna itong boyfriend mo kuno?”

Napatango na lang ako sa tanong ng tatay ni Laida. “I’ll be back.” Alanganing sabi naman ni Xyrus sa akin.

Ganito din kaya ang mararamdaman ko oras na maging kami na talaga at opisyal na ipakilala na ako sa mga kaibigan niya? Nakakagulat pero hindi ko maikakaila na masaya ako. Pakiramdam ko, ako lang ang babae sa mga mata ni Xyrus.

Hindi ko namalayan na umabot na pala ako sa veranda ng mansyon.  Masyadong naging occupied ang utak ko kaya nakarating na ako dito. Sobrang tahimik ng kapaligiran. Tanging ang masarap na simoy lang ng hangin ang nararamdaman ko. Ang ganda ng buwan. Full moon na kasi ngayon kaya nakakagaan pagmasdan ang langit.

“Ni minsan, hindi ko pinangarap na mapansin mo ako.” –Bulong ko sa sarili ko.

Darating kaya sa puntong mahuhulog sa akin si Xyrus? May dalawang taon kami para alamin ang nararamdaman ng bawat isa, pero bakit parang nahihirapan akong isipin ang sitwasyon namin pagkatapos ng dalawang taon. Papaano kung wala ni isa man sa amin ang mahulog? Papaano kung hindi ako mahulog sa kanya? Papaano kung nahulog ako sa kanya, pero hindi naman siya?

“What are you doing here?” ­–Tanong ng isang lalaki na tumabi pa sa kinaroroonan ko. Pareho kaming nakatingin sa malaking swimming pool na tanaw mula rito. “We meet again.”

Dahil sa sinabi niyang ito ay napatingin ako sa kanya. Dun ko lang siya namukhaan. Siya yung lalaki kahapon. Inilayo ko ang sarili ko mula sa kanya. Aalis na sana ako pero muli siyang nagsalita. Hindi niya alintana ang ginawa kong pag-atras mula sa pwesto niya.

“Just like everyone else, you’re here because of this party?” –Simpleng tanong niya.

Pero ang dating ay para bang nag-uutos siya. Puno kasi ng authority yung boses niya. Hindi ako sumagot. Mukhang hindi rin naman kailangan.

“Young master, kanina pa po namin kayo hinahanap.” –Pagod na pagod na sabi ng isang lalaki na naka-black tuxedo. Actually, pito sila na nasa harap namin ngayon. Pare-parehong naka-black. May mga nakakabit din na maliit na earpiece sa kaliwang tenga nila. Uniform na ata nila ang ganyan.

Hindi naman sila pinansin nung lalaki na kumakausap sa akin. Sinenyasan lang niya ang mga ito at mabilis na umalis ang pito. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Ang tangkad nga talaga niya kaya kinailangan ko pa siyang tingalain. “You should greet the celebrant yourself. By the way, I’m Leo.”

At tuluyan na siyang bumalik sa loob.

“It’s about to start. Let’s go?” –Xyrus

“Pano mo nalaman na nandito ako?” –Nagtatakang tanong ko sa kanya habang pabalik kami sa loob.

“I just know.”

Tsk. Favorite line ata niya yan. Nang makabalik na kami ay mas lalong umingay ang paligid. Kanya-kanyang gruopo ang mga tao. May mga nagtatawanan at meron din namang panay lang ang inom ng wine na binibigay ng mga nagsi-serve dito.

“May I have your attention?” –Sabi ng isang matangkad na babae na naka-black na fitted na gown. “Well, ladies and gentlemen, let us all welcome our birthday celebrant, young master, Leo Martins!”

At mula sa hagdan ay bumaba ang isang lalaking naka-all white na suit. Hindi siya nakangiti. Hindi rin siya nakasimangot. Pero mukha siyang kagalang-galang. Siya nga ang birthday celebrant. Tsk.

“Ang gwapo niya noh?”

“Ang tangkad rin niya.”

“A very handsome guy!”

“He looks so attractive!”

“So smart yet only 19 years old.”

Patuloy pa rin ang palakpakan ng mga tao. Inalis ko naman na ang tingin ko dito at humarap kay Xyrus. Yinaya niya akong umupo. Alam din niya na nahihirapan na ako. Bakit? Well. He just know. Sa bawat oras na tumatagal ay lalong sumasakit ang paa ko. Pamatay naman ‘tong sapatos na ‘to.

“So to have the first dance of the night, let’s have our birthday celebrant to do the honor.” –Muling nagsalita yung babae pero hindi na nakatuon dun ang paningin ko. Hindi kasi talaga ako mapakali sa suot kong sapatos kaya naman ito ang pinoproblema ko.

Tumahimik naman na ang mga tao. Tanging ang tunog lang ng sweet na kanta ang maririnig. Medyo dumilim din. Siguro, para na rin bigyan ng mas magandang atmosphere yung celebrant at yung kasayaw niya.

“I’ll just get us some drinks.” ­–Pagpapaalam ni Xyrus.

“Sige.”

Sinilip ko na rin yung paa ko nang maramdaman kong nakatutok sa akin yung spotlight. Nakita ko naman ang isang kamay na nakalahad sa akin. Namula naman ako nang maisip kong si Xyrus ‘to. Is he asking me for a dance?

“Sino yan?”

“Bakit siya yung niyayang sumayaw?”

“Obvious ba? She’s undeniably pretty!”

“Kakainggit naman!”

“OMG! Kinikilig ako sa kanila!”

At nang iangat ko ang paningin ko ay nagulat ako sa lalaking nasa harap ko.

“So, young master chose this lovely woman in brown.”

Nakalahad pa rin ang kamay niya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Marami ang nakatingin sa amin. Nakita ko din si Xyrus na gaya ng lahat ay nasa amin din nakatingin habang hawak-hawak yung dalawang baso ng wine sa magkabilang kamay niya.

“Hala! Will she accept the dance?”

“Kanina pa nandiyan si Leo! Tatanggapin ba niya?”

“It will look bad if she won’t.”

Nakatayo lang si Xyrus at diretsong nakatingin sa posisyong meron ako. This is definitely wrong. Itinuon ko ang mata ko dito sa lalaking nasa harap ko. Huminga ako ng malalim at nagsalita na ang lakas ay sapat lang para marinig niya. “I’m sor…”

Hindi niya ako pinatapos dahil bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko at itinayo ako sa kinauupuan ko. Dinala niya ako sa gitna sa ilalim ng pinakamalaking chandelier. May kinuha siyang bulaklak mula sa loob ng coat niya at iniligay ito sa kanang tenga ko. Nang maramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko ay bigla akong kinabahan. Pinosisyon naman niya ang kamay ko sa balikat niya at yung kanya sa bewang ko.

“Anong ginagawa mo?” ­–Medyo naiinis na tanong ko.

“Mapapahiya ako kapag tinanggahin mo ang alok ko. As you can see, I am from a very rich family.”

“Why didn’t you tell me this is your party?”

“It’s a must to know the owner of the house you stepped your foot on.”

Hindi ko gusto yung ginawa niya pero mas naiinis ako nang makita kong tumalikod si Xyrus sa amin at naglakad palayo. No! This can’t be happening!

“I really have to go.” –Sabi ko kay Leo pero kay Xyrus pa rin ako nakatingin.

Iiwan ba niya ako? Galit ba siya? No, Xyrus. Please. Wag.

Akmang tatanggalin ko na ang kamay ko mula sa balikat niya nang muli niyang hawakan ang kamay ko at iikot ako ng bahagya. Nagmukhang parte ng sayaw ang ginawa ko. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at mas lumapit pa sa akin.

“Ang sweet nila!”

“They look good together!”

“I’m happy for them!”

Ayokong isipin but I know we look so intimate in this kind of position. Hindi kasi niya ako inikot ng tuluyan para sana ay magkaharap muli kami. I mean, nakatalikod ako sa kanya. Naka-crossed arms ako pababa habang hawak-hawak niya ang kamay ko at siya naman ay nasa likod ko. Ang init ng bawat paghinga niya mula sa likuran ko. At dahil sa backless ang gown ko, ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya. Damang-dama ng likod ko ang mga ito.

Alam kong sinadya niya ito. Lalo na nang halikan niya ang bandang gilid ng batok ko. Marahang halik na nagpataas ng balahibo ko. Nakapuson pa kasi ang buhok ko kaya naman expose na expose ang buong likod ko. Haharap na sana ako sa kanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

“What a very sweet scent.” –Bulong niya sa kaliwang tenga ko.

“Bitiwan mo ko.” –Mariin na utos ko sa kanya.

“I just can’t. Ang bango mo.”

Fvck! I would love to punch this Leo guy! Mas lalo akong nagpumiglas pero sadyang mas malakas talaga siya. Mas lalong gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya nang halikan niya akong muli sa batok ko. Sa kanang banda naman nito.

Nang matapos na ang kanta ay binitiwan na niya ako, na siya namang pinagpapasalamat ko. Humakbang na ako palayo sa kanya. Kelangan ko pang hanapin si Xyrus. Pero hinila akong muli ni Leo at hinawakan ng mahigpit sa bewang ko habang yung kaliwang kamay naman niya ay sa kamay ko nakahawak.

“Don’t lead me.” –Mahinang sabi nito habang kumakawala ako sa mahigpit na hawak niya.

“That was a very intimate dance you have there, Leo.” ­–Sabi ng isang matandang babaeng lumapit sa amin.

“Thank you, Mrs. Lim.”

“At sobrang bagay niyong dalawa.” ­–Sabi naman nung isa.

“Nice catch, Leo! Maipagmamalaki mo naman talaga kung ganyan kaganda ang babae.” –At ng isa pa.

“Thank you for coming.”

At lumayo na kami sa kumpulan ng mga tao. At nang makarating na kami sa garden, lugar kung saan malayo na sa mga bisita niya ay binitiwan na niya ako. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagsimulang maglakad palayo.

Being so desperate, nakarating ako sa hindi ko maipaliwanag na lugar pero dito rin naman sa malawak na garden. Hindi lang yung bahay ang malaki, pati na rin itong garden nila. May maze ba ‘to?

‘Thank you.’

Nakita ko sa isang sulok si Xyrus. Nakaupo siya sa isang bench na nasa pagitan din naman ng mga bushes. Kahit na malayo yung ilaw sa kinaroroonan niya ay maliwanag ko pa rin siyang napagamamasdan dahil na rin sa tulong ng buwan. Nakadekwatro siya. Wala na yung bow tie na suot niya kanina. Nakabukas na rin yung polo niya sa ilalim ng coat niya sa ikalawang butones nito. Nakatingin lang siya sa baso ng red wine na hawak niya. Ini-swirl lang niya ang laman ng basong yun.

‘Lalapitan ba kita? Galit ka ba?’

Lalapit ba ko? Dapat ba akong lumapit? Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa kanya. Nakayuko lang ako dahil hindi ko alam kung papaano ako titingin sa mga mata niya. Nagpaalam lang siya na kukuha ng maiinom namin tapos pagbalik niya ay may lalaki ng nagyaya na isayaw ako.

“Pagod ka na siguro. Ihahatid na kita.” –Nakangiting sabi niya.

Nakangiti siya. Yung mga ngiti niyang nangingintab dahil punong-puno ng sincerity. Dapat galit siya! Papaano pa niya nagagawang ngumiti ng ganyan? Bakit ganito siya?

“The flower looks good on you.” –Sabi niyang muli at humakbang na. Napahawak ako sa bulaklak na nasa bandang tenga ko. Kakasabi niya lang na hindi dapat ako tumatanggap ng bulaklak mula sa ibang lalaki pero hindi pa nga nagdadalawang araw ay meron na ako. Inalis ko ito at itinapon nang tumalikod siya sa akin. Well, hindi ako nagagandahan. “Let’s go, Anna.”

Napatulala na lang ako sa likod niyang naglalakad palayo sa pwesto ko. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Dahil ba ito sa sakit na nararamdaman ko mula sa sapatos na suot ko? O dahil sa kakaibang epekto ng pagtawag niya sa pangalan ko?

Matutumba na nga ata ako…

“You must be very tired.” –Sabi ni Xyrus na nasa gilid ko na pala. Inilagay niya ang kamay ko sa braso niya para hindi ako matumba. “Whenever you need a hold, don’t hesitate to ask me. I will always help you walk.”

This is Xyrus. He is a very good person. Sa sobrang bait niya ay hindi ko tuloy lubos na maisip na iba ang tingin ko sa kanya noon. Lalong tumatagal, lalo kong nalalaman kung ano nga ba talaga ang ugaling meron siya.

“Natatakot akong mawala ka. Pero minsan, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Takot ka rin kayang mawala ako?”–Aniya na siyang ikinagulat ko. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong para sa akin ang mga salitang iyon. Naramdaman din siguro niya ang gulat ko kaya muli siyang nagsalita. “Don’t mind me. Epekto lang ‘to ng alak.”

A/N

Must Read:

Ito na ba yun? by Itsgottabeme14

The Secret by ytiladoSgnilbbuB

BFF Boy Friend Forever by iDareGeorge

Harmony by JacobTorra

Now or Never (One Shot) by abcd0987

Lagi naman eh (One shot) by BlueGreenfinite

Seenzoned (One Shot) by AgentDreamer26

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 153K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
2.5M 103K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
61.3M 946K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
2.5M 70.3K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...