EXO: Twelve Princes ✔️

By SnowSparksJoviie

302K 7.2K 874

One tragic day. One magical world. One girl with great responsibilities. It happens in a blink of an eye. She... More

EXO: Twelve Prince [Revised]
Prologo
I.
II.
III.
IV
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
SHORT NOTE
XI.
XII
XIII
XIV
XV.
XVI.
XVII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
Twelve Prince Gallery
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
Revised Ending Teaser
XLIII
XLIV
XLV
Ending
Writer's Note

XVIII

5.5K 177 26
By SnowSparksJoviie

I

"Gusto kong maging parte ng kanilang buhay. 'yung tipong sa tuwing maalala nila ako ay mapapangiti sila. Hindi dahil mayroon akong ginawang mabuti sa kanila, kung hindi dahil isa akong kaibigan nila." Napabuntong hininga si Louise matapos itong sumagi sa kanyang isip.

Noong nasa mundo siya ng mga mortal ay nakasanayan niyang pumasok at lumabas ng mag-isa mula sa eskwelahan. Lahat ng tao ay iniiwasan siya sa pag-aakalang hindi siya maaring pagkatiwalaan.

"Napakasama naman niya. Alam naman niyang gusto mo si Kyle pero gano'n pa rin ang pakikitungo niya kay Kyle." Ani ng boses sa loob ng girls comfort room.

Napatigil si Louise sa paglalakad matapos niyang marinig ang kanyang pangalan. Hindi niya alam kung bakit napako ang kanyang paa matapos niyang marinig ang paghikbi ng kanyang kaibigan.

"N-nalaman ko nalang na may g-gusto rin si Kyle sa kanya.." paghagulgol ng boses na naririnig niya sa loob.

"Napakamanhid naman nung babaeng 'yon! Hindi ba niya alam na nakakasakit na siya sa ginagawa niya?"

"Bakit kasi nakikipag-usap pa siya kay Kyle. Baka naman kasi inaakit niya si Kyle!"

"Hindi na dapat natin pinapansin ang mga ganyang klase ng tao. Napakalandi!"

Napatigil siya sa paglalakad matapos niya itong maalala. Sa isang Segundo lang ay nawala ang pagkakaibigang iniingata niya. Hindi niya malaman sa sarili niya kung ano ang ginawa niya para magkagano'n ang galit ng mga kaibigan niya sa kanya.

Siya na mismo ang lumayo sa kanyang mga kaibigan. Kahit ano pa man din ang gawin niya'y doon din pupunta ang lahat. Matapos niyang marinig ang pag-uusap ng kanyang mga kaibigan ay hindi na siya nito pinansin pa. halos dinadaanan na lang siya ng mga ito at tinrato na parang isang hangin sa paligid.

Simula ng makapasok siya sa mundong ito ay nagbago ang kanyang buhay. Muli siyang nakakita ng mga kaibigang tanggap kung ano siya, mga kaibigang handa siyang sagipin sa oras ng pangangailangan, mga kaibigang nagkukwento sa kanya sa tuwing maglalabas sila ng sama ng loob, mga kaibigang handang dumamay sa kanya sa oras ng kalungkutan.

Nariyan sa kanya ang grupo ng Twelve prince kahit mukhang labing isa lang ang malapit sa kanya. nariyan din si Min Ae at Angelu na paminsan-minsan niya lang nakikita.

"Siguro kailangan kong ulit magsanay mamaya kapag libre ang oras ko." Wika niya sa kanyang isipan.

Halos kakatapos niya lang magsanay ng kapangyarihan ni Sehun. Masasabi niyang mayroong pagbabago sa kanya simula nang pag-aralan niya ang kapangyarihan iyon. Para sa kanya, isa lang panaginip ang lahat. Panaginip na nagawa niyang reyalidad. Parang kailan lang simula nang makapasok siya sa mundong ito. Buong pagaakala niya'y isa lang siyang ordinaryong mortal pero bigla na lang niyang malalaman na may ganito siyang kakayahan.

Isang kakayanan na kakaiba sa lahat.

"Louise,"

Kaagad siyang pumihit ng tingin sa kanyang likuran. Dito niya nakita ang binatang si Kai na papaakyat ng hagdan tulad niya. Nakapamulsa ito habang humahakbang papalapit sa kanya. tumigil ito ng ilang hakbang kay Louise. Kaagad na humarap ang dalaga sa kanya ng buong pagtataka.

"Kai?" nagtatakang wika ni Louise.

"Hindi ko alam kung ako ba ang dapat na magsabi nito sa 'yo." Napakamot ang binata dahil sa pag-aalangan. "Gusto ko kasing humingi ng pabor sa 'yo. Alam kong ikaw ang makakatulong hindi lang sa akin kung hindi sa lahat."

Marahang iginilid ni Louise ang kanyang ulo dahil sa pagtataka. Kaagad niyang inisip ang tulong na maaring hingiin sa kanya ni Kai.

"Huh?"

"Tungkol ito kay Xiumin," ani nito.

Kaagad na sumeryoso ang mukha ni Louise matapos itong marinig. Kaagad niyang iniiwas ang tingin niya kay Kai. Hindi siya sigurado kung ano pa ba ang dapat maramdaman sa binata. Hindi niya alam kung magiging masaya siya dahil humingi ng tulong si Kai patungkol kay Xiumin o dapat siyang malungkot dahil napakalayo ng loob nito sa kanya.

"As you see, may attitude si Xiumin pagdating sa 'yo. Pero, alam mo naman ang dahilan nito hindi ba?"

Marahang tumango si Louise sa kanya.

"Siguro magiging masama na nga ako kung sa 'yo pa ako hihingi ng ganitong klaseng pabor. I know he might hate you –much more."

"Maliit o Malaki, hatred is still a hatred." Marahang ngumiti si Louise. "If its worth to try. Bakit hindi natin gawin?"

"Hindi man natin pansin pero ang oras ni Xiumin ay tumigil sa oras kung saan siya iniwan ni Denise." Sumandal ang binata sa hadle stairs at pinagkrus ang kanyang braso. "Gusto kong umusad ang oras para kay Xiumin. Naging sarado ang pagkatao niya matapos ang araw na 'yon. Huminto ang lahat sa kanya at siya nalang ang nag-iisang tao na nananatili sa panahong 'yon."

"Naiintindihan ko na kung ano ang gusto mong gawin ko." Bumaba ng ilang hakbang si Louise upang makalebel ang binata.

"You want me to help him?"

Tumango ang binata bilang sagot sa kanya. Hindi malaman ni Kai kung ano pa ang maari niyang sabihin kay Louise. Isang simpleng pabor lang ang umiikot sa isipan niya at kung ano ang maaring mangyari kay Louise kung sakaling kausapin niya si Xiumin.

"I owe you one, Louise."

Marahang tumango ang dalaga sa kanya. kaagad na tinapik ng binata ang ulo ni Louise kasabay ng paghakbang niya paakyat ng hagdan. Sinundan naman ni Louise ng tingin si Kai habang patungo sa kanilang classroom.

Bahagyang napakagat ng labi si Louise habang naglalakad sa likurang bahagi ni Kai. Kahit sa sarili niya'y hindi niya alam kung papaano gagawin ang bagay na hinihingi ni Kai. Kahit hindi naman nito sabihin sa kanya ay iyon pa rin ang gagawin niya kay Xiumin. Ngunit, hindi niya lang alam kung papaano ito sisimulan.

Gusto niyang makitang ngumiti ang binata sa tuwing kaharap niya ito. Gusto niyang tingnan siya nito ng walang halong inis o galit. Nais niyang matulungan si Xiumin at nais niyang makilala't makita ang totoong si Xiumin.

"So, Luhan, do you like Louise?" isang boses ang narinig niya sa loob ng classroom.

"No,"

Pareho silang napatigil ni Kai sa paglalakad. Labis na nagulat si Louise sa narinig na sagot ni Luhan. Binalingan siya ng tingin ni Kai at nakita nito ang gulat na ekspresyon ni Louise. Marahang napaawang ang bibig ni Kai dahil sa gulat. Mas lalo siyang nataranta nang makita niyang ngumiti si Louise sa kanya kasabay ng pagtalikod.

"L-louise!" pagtawag niya.

Kaagad na bumukas ang pinto ng kanilang classroom at iniluwa no'n si Luhan at Lay na parehong gulat. Kaagad na lumingon si Kai sa kanila ng may pagkadismaya sa kanyang mukha.

"Wrong timing, bro, narinig niya ang sinabi mo." Umiling si Kai sa kanya bago tuluyang maglaho sa kanilang harapan.

Mabilis na tumakbo si Louise papalayo sa kanilang classroom. Hindi niya rin alam kung bakit kusang tumakbo ang mga paa niya papalayo sa lugar na 'yon. Marami siyang nabangga sa ginawang pagtakbo ngunit hindi niya ito nilingon at patuloy na tumakbo.

Nanlabo ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya'y unti-unting bumabalik ang masasakit na ala-alang nangyari sa kanya.

"Alam mo, inis na inis na talaga ako sa 'yo. Bakit hindi ka nalang umalis dito? Puro perwisyo nalang dinadala mo sa akin." galit na sigaw ni Xiumin.

"So, Luhan, do you like Louise?"

"No," wika ni Luhan.

"Louise!" sumulpot sa kanyang gilid si Kai gawa ng kanyang teleportasyon.

Mabilis na hinablot ng binata ang kanyang kamay. Hinawakan siya nito ng mahigpit. Ngunit, buong pwersang itinabig ni Louise ang pagkakahawak ng binata sa kanya.

Bahagyang nagulat si Kai matapos niyang makitang umiiyak si Louise. Tuloy-tuloy ang pagluha nito ngunit pinipilit pa rin niyang ngumiti.

"Please,"

Muling hinawakan ni Kai ang braso ni Louise at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nakita rin niya ang pagdating ng hingal na hingal na si Luhan at Lay sa kanilang kinaroroonan. Kaagad na umiwas ng tingin si Louise sa kanila kasabay ng pagpikit ng marinig.

"Leave me alone!" Malakas na hiyaw ni Louise.

Mabilis na tumulak ang hangin sa kinaroroonan ni Kai maging ng ilan pang mga estudyante sa hallway. Pare-pareho silang nawalan ng balanse sa kani-kanilang kinatatayuan.

Gulat na dumilat si Louise dahil sa nangyari. Pare-pareho silang gulat dahil sa nangyari. Ang lahat ng mata'y nakatingin sa kinatatayuan ni Louise. Napasinghap si Louise dahil sa nagawa. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumakbo papaalis sa hallway.

"Kung nasasaktan pala siya bakit hindi niyo siya paalisin!"malakas na sigaw ni Xiumin.

"Napakamanhid naman nung babaeng 'yon! Hindi ba niya alam na nakakasakit na siya sa ginagawa niya?"

"Bakit kasi nakikipag-usap pa siya kay Kyle. Baka naman kasi inaakit niya si Kyle!"

"Hindi na dapat natin pinapansin ang mga ganyang klase ng tao. Napakalandi!"

Kaagad na nadapa si Louise dahil sa pagkakatisod. Kaagad na nag-init ang kanyang tuhod matapos itong magasgas sa lupa. Nagsimulang lumabas ang dugo sa kanyang tuhod gawa ng matinding pagkakagasgas sa lupa.

Hindi niya magawang tumayo dahil sa sakit. Subalit, wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niyang sakit sa puso.

"B-bakit? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako natatanggap ng lahat?" paghagulgol ni Louise. "Sinubukan kong maging kaibigan sa kanila. Pero bakit ganito ang tingin nila sa akin?" tanong niya sa kanyang isipan.

Pinilit niyang umupo. Dahan-dahan niyang hinawi ang dumi sa kanyang sugat. Hindi na niya ito magawang tingnan ng maayos dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha. Pakiramdam niya'y ang mundo ay nakatingin sa kanya at sa kanya lang. lahat ng paghihirap at pagsubok, panlalait at panghuhusga ay nasa kanya nakatutok.

"Akala ko kaibigan nila ako? B-bakit g-ganito?" tanong niya sa kanyang sarili. "Bakit ganito!" paghiyaw niya.

Tumingala siya sa kalangitan kasabay ng paghagulgol. "Bakit ako? Bakit ganito?!" tanong niya sa kalangitan.

"L-lahat ba ng iyon ay isang malaking kasinungalingan? Luhan! Lahat ba ng pagngiti niyo sa akin ay isa lang kasinungalingan?!" napakuyom siya ng kamao dahil sa inis.

Kasabay ng pagdaloy ng dugo sa kanyang tuhod ay ang pagdaloy ng luha ni Louise mula sa kanyang mata. Her heart is scattered into pieces at halos hindi na niya mahawakan iyon dahil sa sobrang dami. Hindi na niya alam kung papaano pa aayusin ang basag niyang puso.

Katulad ng isang basag na salamin hindi na niya makita ang unang piraso ng kanyang puso upang ayusin ito muli.

Tanging paghiyaw na lang ang kanyang nagawa sa mga oras na 'yon. Kaagad niyang hinampas ang lupa dahil sa galit. Hindi galit na nararamdaman niya sa kanyang mga kaibigan kung hindi dahil sa galit niya sa kanyang sarili.

"Bakit hindi ba ako katanggap tanggap?" Bulong niya sa sarili kasabay ng pagluha. "Bakit iniiwan ako ng lahat?"

"Such an eyesore."

"P'wede bang lumayo ka na lang sa amin?"

"Kasalanan mo kung bakit nagkakaganito ang mga kaibigan ko sa akin!"

"Patayin niyo na lang ako! Ayoko ng maramdaman ang sakit na 'to!" nagmamakaawang sigaw ni Louise sa kalangitan.

II

"Wow, good mood ka yata ngayon?" tanong ni Angelu sa kaibigang si Min ae.

Kasalukuyang nagbabasa ng libro si Min ae sa mga oras na 'yon habang nakataas ang kanyang paa sa upuan na nasa kanyang harapan. Inilipat niya ang pahina ng kanyang binabasa at tila hindi pinakinggan ang kaibigan sa kanyang gilid.

"O-k." sarkastikong wika ni Angelu.

"Hindi masyado." Tipid na wika ni Min ae. "Wala kasing nangiistorbo sa akin ngayon maliban sa 'yo." Kaagad na isinara ni Min ae ang binabasa niyang libro.

Napasimangot naman si Angelu sa narinig. Palihim niyang inirapan si Min ae kasabay ng pagpapangalumbaba niya sa mesa.

"Bakit kaya hindi nagpakita sa atin si Louise?" napabuntong hininga si Angelu.

Ibinaling naman ni Min ae ang tingin niya sa labas. Parehas silang nakatanaw sa maaliwalas na kalangitan. Binuksan niya ang bintana sa kanyang tabi upang pumasok ang sariwang hangin sa classroom.

"Ipinagtataka ko rin ang tungkol sa bagay na 'yan."

"Narinig niyo ba ang usapan sa hallway? Inatake nung babae si Kai, hindi ako makapaniwala!"

"Pinapunta niya kasi tayo sa lugar na 'yon pero hindi siya lumabas. Hindi sa sinasabi kong masaya ang araw na 'yon. Pero, sadyang nakakapagtaka eh." Napakunot ang noo ni Min ae habang nag-iisip.

"Siya na nga yung iniligtas ni Xiumin siya pa 'tong may ganang manakit. Ang kapal lang ng mukha. Masyadong pasikat!"

Matalim ang tingin ni Min ae sa mga babaeng kanina pa nagchichismisan sa tabi ng pintuan. Kaagad na ibinaling ng tingin ni Angelu ang kanyang paningin sa kung saan nakatingin ang kaibigan niyang si Min ae.

Lumapit ito sa grupo ng mga babae bagay na kanya namang sinundan. Taglay ni Min ae ang katahimikang hindi naman maintindihan ni Angelu. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kanyang kaibigan.

"Sino ang tinutukoy niyo?" Seryosong tingin ni Min ae sa mga babae.

Bahagyang napaatras ang mga dalaga dahil sa matalim na tingin ni Min ae na para bang nais sila nitong gilitan ng leeg. Kaagad na hinawakan ni Angelu ang balikat ni Min ae upang pigilan ito sa masamang pagtingin sa kanilang mga kaklase.

"H'wag mo silang takutin lalo nilang hindi sasagutin ang tanong mo." Ibinaling ni Angelu ang tingin sa kanyang mga kaklase. "Tungkol saan ba ang pinaguusapan niyo?" tanong niya.

"Usap-usapan sa hallway kanina ang nangyaring eksena. Sinasabi nilang inatake si Kai ng dalagang iniligtas ni Xiumin noong nagkaroon ng presentasyon."

Mas lalong nagusot ang noo ni Min ae dahil sa narinig. Kaagad niyang tiningnan si Angelu na nakuha naman ang ibig sabihin ng kanyang tingin.

"S-saan ka pupunta, Min ae?" paghabol ni Angelu sa kanya.

"She didn't show up, and now there's a freaking rumor. What's next? I need to find her right now." Asik ni Min ae.

Hindi na nagsalita pa si Angelu. Parehas lang ang takbo ng kanilang iniisip. Pareho silang naguguluhan sa ikinikilos ni Louise. Tahimik silang naglalakad patungo sa labas ng building upang hanapin si Louise. Balak nilang hintayin ang pagdating ni Louise sa eskwelahan dahil maaga pa ng mga oras na 'yon.

Isang tahimik na umaga para sa kanila na napalitan ng malakas na ingay dala ng isang malakas na pagsabog.

"What the fuck? Jusmiyo! Yung buhok ko!" inis na sigaw ni Min ae matapos magulo ang kanyang buhok dahil sa lakas ng hangin.

"Seriously? Buhok pa inaatupag mo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Angelu.

Kumaripas ng takbo si Angelu kung saan naganap ang pagsabog. Maging ang mga estudyanteng maaga pumasok ay dumungaw sa bintana ng kanilang classroom upang tingnan ang nangyayaring gulo sa kaliwang bahagi ng school grounds.

Napaawang ang panga ni Angelu at napatigil sa pagtakbo matapos niyang makita ang nasusunog na mga puno't kahoy sa open field. Maging si Min ae ay nanlaki ang mata sa nakita. Mabilis na kumakalat ang apoy sa buong lugar.

Napuno ng usapan ang buong eskwelahan. Mabilis na rumesponde ang ilang estudyanteng may kapangyarihan ng tubig upang apelahin ang apoy. Subalit, hindi nila ito magawang pigilan dahil may kaakibat na kuryente ang apoy na nagpapahinto sa kanila sa pagpatay sa apoy.

"L-louise?" mas lalong nanlaki ang mata ng lahat matapos nilang maaninag ang dalagang nakaluhod sa gitnang bahagi ng apoy.

Humahalo sa malutong na tunog ng kahoy na natutupok ang paghikbi ng dalaga. Kusang humakbang si Min ae patungo sa kinaroroonan ng kanilang kaibigan ngunit pinigil siya ng isang kamay na humawak sa kanyang braso.

"Don't you dare to enter that freaking fire." Malamig na tinig ni Kris ang kanyang narinig.

"What the? Sino ka ba sa akala mo?" mabilis na tinapik ni Min ae ang pagkakahawak sa kanya ni Kris ngunit kaagad siya nitong hinila at inilapit sa kanya.

"What are you? A hero?"

"What are you? Stupid?"

Sa pangalawang pagkakataon ay bumitaw si Min ae mula sa pagkakapigil sa kanya ni Kris. Naaninag niya sa likuran ng binata ang pagdating pa ng iba pa niyang kaibigan. Lahat sila'y gulat sa nangyari –lalo na si Luhan na halos hindi maipinta ang mukha dala ng labis na pagkakagulat.

"Maybe I'm a kind of hero. But, I need to save her!" mabilis na tumalikod si Min ae sa binata.

Sa huling pagkakataon, muli siyang hinila ni Kris. Hindi tulad ng nauna ay naging mas naging malapit ang distasya nila sa isa't-isa. "Don't be so reckless!" galit na sigaw ni Kris.

Kaagad napatanga si Min ae matapos siyang sigawan ni Kris. Naging mas mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Kris na para bang hindi na siya nito nais pang bitawan.

"What is t-this?"

Parang nabingi pansamantala si Min ae. Ang tanging pumapasok sa isipan niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Kris. Bumagal ang kanyang oras habang nakatitig sa binata. Labis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam ni Min ae ay umiinit ang kanyang mukha habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Kris habang nakatanaw sa nagliliyab na paligid.

"N-nag-aalala siya sakin?"

"What are you staring at?" iritadong sambit ni Kris.

Kumalas sa pagkakahawak si Min ae at inayos ang kanyang uniporme. "He actually ruined my moment."

III

"There's someone who's willing to save you."

Kaagad na lumingon si Xiumin sa tinig na kanyang narinig. Naabutan niyang nakasandal sa may pintuan si Suho habang nakasukbit ang kanyang bag sa balikat. Ang lahat ng estudyante sa paligid ay hindi magkanda ugaga sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ng apoy.

Iniiwas naman ni Xiumin ang tingin niya kay Suho at binuksan ang libro upang magbasa.

"I think you like the pain,"

Napatigil sa paglilipat ng pahina si Xiumin matapos itong marinig mula kay Suho. Naglakad ang kanyang kaibigan patungo sa sariling pwesto nito't ibinaba ang kanyang dalang bag.

"You like it because you believe that you deserve it."

Humarap sa kanya si Suho. Pareho nilang naririnig ang sigawan at kaguluhan sa labas na bahagi ng building. Naririnig na rin nila ang anunsyo ng ilang guro upang pigilan ang kaguluhan sa labas.

"Why are you here anyway? Hindi ba dapat nasa labas ka at nakikigulo sa kanila?" tanong ni Xiumin at hindi mo makikitaan ng pagkakaroon ng pake sa nangyayari.

"I just want to clear something to you."

"Kung tungkol na naman 'yan sa babaeng 'yon, please lang, lubayan mo nalang ako." Ani niya.

"I know water might melt the ice someday. That's why i'm here."

"Minsan nagtataka ka ba kung bakit kahit sinabihan mo na ng masasamang salita si Louise ay nakukuha pa rin niyang ngumiti?" Tanong ni Suho.

Kaagad na isinara ni Xiumin ang librong binabasa at tumayo. Namulsa siya't handa ng umalis sa silid dahil sa pagkawala ng interes niya sa pakikinig kay Suho.

"And now you're running away –again?" pagpipigil ni Suho sa kanya.

"Kaya hindi nawawala ang sakit na nararamdaman mo, Xiumin. You're always running away. Hindi mo sinubukang harapin ang sakit na nararamdaman mo d'yan sa puso mo. Everything is falling to pieces kasama na ang puso mong nasira dahil lang sa iniwan ka niya."

Nanatiling tahimik si Xiumin sa kanyang kinatatayuan.

"Hind lang ikaw ang nasasaktan dito, Xiumin. Pati kami nasasaktan dahil nakikita ka naming ganyan. Para kang isang naglalakad na yelo, Xiumin!" inis na wika ni Suho. "Sa tingin mo masaya kaming ganyan ka? And also, nasasaktan din si Louise ng dahil sa 'yo."

"Bakit hindi niyo pa siya paalisin?" pabalang na sagot ni Xiumin.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Marahang humarap si Xiumin kay Suho. Mula sa kinatatayuan nila'y maririnig pa rin ang kaguluhan sa labas.

"In this story, hindi lang ikaw ang nasasaktan. Pero gano'n pa man kahit na nakaramdam siya ng sakit, hindi ka pa rin niya inisip na iwan ka sa sakit na 'yong nararamadaman." Kumunot ang noo ni Xiumin dahil sa hindi maintindihang wika ni Suho.

"Oh, hindi mo pala alam ang tungkol sa kanya noong una namin siyang iligtas. She was hurt, Physically and emotionally. Hindi niya kilala ang magulang niya, Iniwan siya ng mga kaibigan niya." Bumuntong hininga si Suho kasabay ng pag-iling. "Pero patuloy pa rin siyang ngumingiti dahil alam niya hindi pa roon nagtatapos ang buhay niya."

"Kung iniisip mo na time can heal the pain ay nagkakamali ka. You stopped your time in order to feel that pain again and again."

Kaagad na tumalikod si Xiumin sa kanya at lumabas ng silid aralan. Tumakbo't humabol si Suho upang pigilan si Xiumin ngunit kusa na itong tumigil kahit na hindi na niya ito sigawan. Muli siyang humarap sa kanya dala ang isang seryosong tingin.

"I need to see her." Ani niya.

Gumuhit ang ngiti ni Suho matapos itong marinig. Nagawa niya ang isang bagay na napakahirap gawin. He finally melt the ice. Napakaimpossible na makinig si Xiumin dahil sa isinarado na nito ang puso niya sa lahat. Ngunit, hindi niya aasahan na darating ang araw ay kusa itong bubukas.

Louise tries to fix Xiumin's heart but in the end of the day he's the one who need to fix her scattered heart.

2OnI$bL


Continue Reading

You'll Also Like

59K 2.1K 26
Matapos magulo ang dimensional clock, tuluyang nabura ang eksistensya ni Vanessa sa orihinal na mundo. In the blink of an eye, she found herself insi...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
14.8K 2K 15
A story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL AUGUST 2024
12.2K 1.1K 56
[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2...