Second Chance Book 2: Our Des...

Bởi MiarraMaeM

950K 14.9K 3.8K

(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang ta... Xem Thêm

Chapter 1: Ang pagbabalik
Chapter 2: Asar
Chapter 3: Formality
Chapter 4: Argue
Chapter 5: Despedida
Chapter 6: Meet up
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: LQ again
Chapter 10: Baboy.
Chapter 11: Next Level
Chapter 12: New home
Chapter 13: Together
Chapter 14: Night
Chapter 15: Malas!
Chapter 16: High-tempered
Chapter 17: Jealous
Chapter 18: Balik
Chapter 19: Sermon
Chapter 20: Welcome back!
Chapter 21: Bwiset >.<
Chapter 22: Time
Chapter 23: Special Day
Chapter 24: Lasing
Chapter 25: Bad day
Chapter 26: BV
Chapter 27: Pak dis layp.
Chapter 28: Bulag
Chapter 29: Unfortunate
Chapter 30: Alone
Chapter 31: Fake
Chapter 32: Mean.
Chapter 33: Karma
Chapter 34: Instant
Chapter 35: 1st day workout
Chapter 36: Truth
Chapter 37: Litrato
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Batangas
Chapter 40: Buking
Chapter 41: OMG.
Chapter 42: Honest
Chapter 43: Over
Chapter 44: Official
Chapter 45: New
Chapter 46: Happy & Satisfied
Chapter 47: Gift
Chapter 48: Parking instructor
Chapter 49: Not again
Chapter 50: Sleep
Chapter 51: Instagram
Chapter 52: John's POV
Chapter 53: Resto
Chapter 54: Paul's POV
Chapter 55: 2 years after
Chapter 56: Unready
Chapter 57: A day to remember
Chapter 58: The Wedding Ceremony
Chapter 59: The Finale

Chapter 9: Sakit sa ulo!

17.2K 262 60
Bởi MiarraMaeM

Guys! Just to inform you all.

naka-ON HOLD po itong Second Chance Book 2.

Kasi tinatapos ko pa yung Uy Mahal KIta!

Pero dahil sinisipag ako, nag-update ako.

Malay nyo kapag marami votes and comments.

Update ako kahit on-hold to :D

Sensya na guys ha?

Di ko kasi kaya pagsabayin :D

_________________________

Haaayyyyyy!

Kagigising ko lang.

Maka-punta sa dentist.

Medyo masakit ngipin ko.

Ewan ko siguro dahil sa kinain naming dessert kahapon.

Nangilo yung ngipin ko.

Tingnan ko yung phone ko.

Dalawang text.

Una galing kay Kaye, pangalawa kay John.

Binasa ko muna yung kay Kaye.

"BHEZ! Ang pagsa-ganda dine ah ah! Sana andito ka. Eto nga iyak pa rin ako ng iyak kahit ilang ara na kami dito. Ginagawa ni Paul nililibot nya na lang ako. Pero iba pa din ang polusyon talaga ng Pinas. Miss you Jam! Skype tayo kapag free na ako. Kasi naghahanap din ako ng work eh. LOVE YOU!!!!!"

Napangiti ako sa sinabi nya.

Naalala ko din talaga ang babaeng ito.

Sinong di makaka-miss sa kanya?

Eh andun lang sya sa kabilang bakod namin.

Lagi pa magkasama.

Mahirap pala talaga kapag nawalay sakin si Kaye.

Kahit pa naman ganon ka-baliw yun kay Paul at pinagpalit ako ayos lang no.

 Past is past..

Hay.

Tried to check John's text.

"Uy! Wag ka na magalit."

Wala pa ko balak replyan sya.

Kailangan ko muna pumunta ng dentist.

Talagang masakit ang ngipin ko.

Nagbihis ako.

Pumunta ako sa kusina para pasama kay Trish.

"Pssst. Samahan mo naman ako sa dentist. Kailangan ko pumunta, sakit ng ngipin ko eh."

T: "Nako te! May pupuntahan kami ni Chris eh. Gusto mo idaan na lang namin ikaw sa dentist? Kaya lang mamaya pa kami eh."

"Sige wag na lang. Punta na lang ako mag-isa."

T: "Ayaw mo isama si John?"

"Ahm Busy sya eh."

T: "Tawagan mo si Len o Anne, baka pwede sila."

"Oo nga no, sige try ko."

Tinawagan ko si Anne.

"Uy Anne, pwede ka ga ngayon?"

A: "Saan?"

"Sa Dentist sana."

A: "Nako, di ako pwede eh. Sasamahan ko Mama ko papuntang Manila."

"Ay ganun ga. Sige ingat!"

Tapos tinawagan ko naman si Len.

"Uy! May gagawin ka ngayon?"

L: "Wala naman, eto nga dapat tatawagan kita eh. Tara shopping tayo!"

"Masakit ngipin ko eh. Samahan mo muna ko sa dentist."

L: "Oh sige, san ga?"

"Dyan lang sa may Mataas na Kahoy."

L: "Eh bakit hindi si John ang isama mo?"

"Busy sya eh."

L: "Sus! Nag-away na naman kayo no?"

"Di kaya."

L: "Oh sya sige. Bihis na ako. Magkita na lang tayo sa may kanto nyo. Dadalhin ko sasakyan ko, para naman makapag-aliw din tayo sa labas."

"Wew! Buti na lang may kasama na ako. Sige intayin kita."

After 1hr.

Dumating na si Len.

Sumakay ako sa sasakyan nya.

Medyo tumindi yung sakit ng ngipin ko ah.

L: "Ano ga kinain mo?"

"Yung dessert yata kagabi."

L: "San naman kayo galing kagabi?"

"Mineet lang yung anak ng may-ari ng SeJu Furnitures."

L: "Oh, nagkasundo na?"

"Sila oo!"

L: "Oh bakit, highblood ka na naman?"

"Wala. Mahabang kwento."

L: "Sabi na eh, magkagalit na naman kayo. Kala mo perfert relationship kayo eh ano? Puro surpresa at ka-sweetan pero andalas nyo din mag-away."

"Masyadong maaga para jan Len!"

L: "Sus sus!!!"

Maya-maya ay nakarating na kami sa dentista.

Yun eh dentista nila Trish.

L: "Sige intayin na kita dito sa labas."

Pumasok ako sa loob.

Saktong dating lang.

Nag-emergency booking ako kay Dra. Estolano.

Dra: "Oh Jam. Anong nangyare?"

"Dra. Yung ngipin ko sobrang sakit."

D: "Check ko nga, upo ka dito."

Umupo ako sa may tabi nya.

Basta dun banda.

D: "HMMN. Ayun. Yung ngipin mo msyadong nabigla sa lamig. Nasobrahan ka din sa sugar. Buti pumunta ka dito, Masisira yan kung ganun. Kaso di kita mabubunutan ngayon. May pupuntahan ako after nito eh. Ikaw lang talaga inintay ko. Kaya mo pa ga? Bibigyan na lang muna kita pain reliever. Bukas pwede na. Agahan mo na lang?"

Grabe ang sakit talaga >/<

Malas naman talaga oh.

Umupo na kami sa may table.

At nag-reseta na si Dra.

Pina-inom nya din muna ako ng isa.

Para mawala pansamantala.

Dahil nga sakit na sakit na ako eh.

Medyo effective nga sya eh.

Kaso masakit pa din, yun nga lang, di na msyado.

Nagtanong ako sa kanya.

Habang nag-susulat.

"May anak na pala kayo?"

Dra: "Oo ah, dalawa na"

"Di po halata!"

Dra: "Nambola ka pa! Mana ka sa ate mo talaga!"

Napatawa naman ako dun.

Binobola din pala ni Ate si Dra.

Pero iba naman talaga eh, mukhang single pa si Dra.

Nang maya-maya may narinig akong taguktok ng sapatos.

Papasok ng clinic.

At habang nagsasalita.

 "Ate! Matagal pa ga yan?"

Sh** lang!

Dra: "Patapos na Michael, wag ka ngang istorbo jan, may pasyente ako ah."

Napalingon ako sa likod.

At si Michael Tan nga. >./<

Lecheeee!

"Ikaw?!?!?!"

Nagulat sya pero ngumiti din.

Lumapit sya.

M: "Sinusundan mo ba ako Miss Jam?"

Dra: "Magkakilala kayo?"

M: "Oo naman ate!"

"Ate?!"

M: "Kapatid ko sya! Di mo ga to nababasa?"

Tinuro nya yung nakalagay na name sa table ni Dra.

Nakalagay eh "Dra. Michelle Tan Estolano"

Puchachenes!!!

Sadya ga kaming pinag-tatagpo ng taong to!?!

Grabeeee na!!!

M: "Oh, nakasimangot ka na naman?"

Ah ah, pigil na pigil ko galit ko eh.

Kakahiya kay Dra!

Dra: "Paano inaasar mo yata"

"Dra, una na po ako!"

Dra: "Teka Jam."

"Bakit po?"

Dra: "Yung payment?"

Shetttt oo nga pala!!!

Lintek na buhay to!

Nakakahiya talaga!

Arggg! Grabeeeeee!!!

Tukmol na to, tinawanan pa ako!

Siniko sya ni Doktora.

Dra: "Pagpasensyahan mo na tong kapatid ko. Abnormal kasi to."

Namumula na talaga ako sa inis.

Kaya nung nabigay ko ang bayad.

Tumayo na ako.

"Salamat po Dra! Oo nga po! Abnormal sya, halata naman" sabay ngiti, sarcastic!

Parang nawala sakin ng ngipin ko ng dahil sa lecheng yun!

Len: "Oh, bakit ampula mo?"

"Wala tayo na!"

Tricycle lang dumadaan.

Private doctor kasi un.

Di talaga dun yung clinic nya.

Para lang sa mga kakilala ang napunta dun.

Pagkalabas namin dun.

Ginagawa ni Manong driver yug sasakyan nila Len.

L: "Manong anong nangyare?"

Manong: "Flat na pala kasi ako."

L : "Paano po yun, eh kailangan na po namin umalis?"

MA: "Pasensya na po, sumita na lang po kayo ng dadaan dyan."

L: "Paano yan Jam? Antagal pa naman ng tricycle dito."

"Mag-intay na lang tayo. Wala naman tayo magagawa eh,"

L: "Manong, pakitawag na lang nyan sa bahay. Pasabi sakay na kami sa iba. Tapos pasabi, ayusin agad yang sasakyan. Salamat Manong!"

Tumayo kami sa harapan.

Sabay may-bumusina ng malakas sa tagiliran namin.

At baba ng window shield.

Si Dra. Estolano pala.

Dra: "Sabay na kayo samin Jam! Matumal tricycle dito."

"Ay wag na po Dra. Salamat na lang po."

Dra: "I insist!"

Siniko ako ni Len.

L: "Tara na, kesa naman mag-intay dito ng matagal no!"

"Len, nakakahiya!"

Bigla syang naglakad papunta sa sasaknyan.

Sabay bulong.

L :"Bahala ka dyan."

Arrgggg!

Wala akong nagawa.

Naglalakad na ako dun sa likod ng driver's seat.

Kung saan pumasok si Len at kung san andun si Dra.

Dra: "Ay wait Jam, andito kasi mga gamit ko eh. Dun ka na lang sa harap. Okay lang?"

Puchachenessss!!!!

Pagbukas ko ng pinto.

Ngiti ng chonggo ang nakita ko.

Lecheng buhay to.

Malas nga naman.

Habang nasa daan.

Tahimik lang ako.

Pero kinukulit ako nito si Michael.

Tanong ng tanong >.<

M: "Bakit nga pala di mo kasama si John?"

"Nasa trabaho."

M: "Ah.. Eh ikaw, wala ka gang trabaho?"

"Wala."

Dra: "Okay lang kayong dalwa dyan?"

"Opo."

Nag-uusap sa likod si Len at Doktora.

Napapatingin ako kay Michael kasi nga tawa sya ng tawa.

Parang tanga lang eh!

Biglang nag-text si John.

J: "Miss! Labas naman tayo. Sorry na please."

Humirit naman si Michael.

Kulaog na to!

M: "Si John yan? Sabihin mo bonding kami isang araw."

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Mukha mo!

Nireplyan ko si John.

 "Busy ako."

Sabay patayin ang phone.

Pagsama-samahin ang ka-badtripan ah ah.

Tsk!!!

M: "San kayo baba?"

Bulong ko "Sa daan, malamang. Tanga!"

M: "Ano may sinasabi ka?"

"Wala!"

L: "Kina Jam na lang, kasi dun ko pinapunta yung isa kong driver"

M: "San ga yun?"

Tinuro ni Len yung samin.

Dra: "Along the way naman pala eh."

"Salamat po Dra!"

Dra: "Sige Jam! Balik ka bukas ha?"

"Sige po. Salamat"

Bumaba na kami.

Pa-wave-wave pang nalalaman ang Michael na to.

Pang-asar eh grrrr...

Pagkababa namin.

Dalawa yung sasakyan?

Napansin ko yung isa kay John.

Andito sya?

Kulit din ng lalaking to eh.

Bigla na lang sya lumabas ng gate.

Si Len naman sumakay na sa sasakyan nya.

Intayin na lang daw nya ako.

J: "San ka galing?"

"Sa dentist."

J: "Bakit di mo ako sinama?"

"Eh bakit andito ka?"

J: "Tapos na meeting ko kay Ms. Sy."

"Ah ok. May lakad kami ni Len. Umuwi ka na lang."

J: "Galit ka pa ga sakin?"

"Saka na tayo mag-usap kapag di na mainit ulo ko!"

J: "Ano na naman ga at mainit na naman ulo mo?"

"Wala!"

J: "Sorry na nga diga?"

"Bakit parang ikaw pa yung galit?"

J: "Ang babaw mo naman kasi Jam!"

"Ah okay, tapos?"

Hinawakan nya kamay ko.

J: "Sorry na naman oh."

"Ano sabi ko? Diga sabi ko, usap tayo kapag di na mainit ulo ko?"

Binitawan nya kamay ko.

Sabay talikod.

Pumasok na ako sa may loob ng van.

Sya naman kita kong umalis na.

L: "Bakit ga kasi ang init ng ulo mo nga?"

"Yung Michael kasi na yun ang supplier namin. Ang bastos bastos. Tapos itong si John, parang wala lang sa kanya. Parang tanga!"

L: "Bakit ga kasi?"

"Eh nung unang pagkikita, hinalikan ako sa kamay, ung pangalawa naman eh niyakap ako sa harap nya. Sino di magagalit non kay John? Eh parehas okay lang sa kanya? Diga dapat nagseselos naman sya kahit papano?"

L: "Eh paranoid ka naman masyado sistah! Ang babaw eh. Di naman kabastusan yun. natural lang yun"

"Sus! Isa ka pa eh."

L: "Oh kalma! Mag-eenjoy nga tayo diga!"

"San ga tayo pupunta?"

L: "Dun sa may Bar sa may Laguna lang!"

"Tae! Ang layo ah!"

L: "Gusto mo mag-aliw diga? Oh yun! Magsayaw ka ng bongga dun!"

"Sayaw?!? Di ako mahilig dun!"

L: "Eh di inom tayo!"

"Lalo na yun!"

L: "Eh wag na tayo umalis nyan!"

"Tsk. Sige na nga!!!"

Mga 1hr din yung byahe papunta dun.

Pagdating dun.

Medyo konti lang tao.

Di naman magulo dito eh.

Kumpara dun sa typical na bar na nakikita ko sa mga movie.

First time ko kaya.

Di naman kami nagagawi ni John sa mga ganito eh.

Umorder ng pagkain tsaka ng alak si Len.

Tae tong babae to! Di nga sabi ako na-inom.

L: "Dude! Minsan lang! Di naman malakas tama nito eh. Pampawala lng ng init ng ulo!"

Sabagay, minsan lang naman.

Nag-shot na ako.

Mapait grabeee!

Ano ga nagugustuhan nila sa alak?

Di naman masarap. tsk tsk.

Naka- 6 shots din yata ako.

Parng hilong hilo na ako grabe!

Naglasing na nga yata kami dati.

Sa Bahay nila Len ata o Anne?

Kaso nung college pa yun!

Yun eh kay Paul pa.

First and last.

Tapos ngayun ulit.

DI ko na alam lasa eh.

Tiyak na magagalit si John kapag nalaman nya andito ako.

Pero eh ano naman? Di naman nya malalaman eh.

Ayun todo enjoy kami ni Len.

Naka-rami din akong shot.

Parang di second timer kung uminom eh!

Nalasing tuloy ako >/<

______________________

-FAN, VOTE AND COMMENT :>

--AT LEAST 25-30 COMMENTS AND at least 35-40 VOTES. :)

SINIPAG AKO TODAY EH!

Malay nyo kapag marming votes and comments. Sipagin ako kahit naka-HOLD to! :D

 

 

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
81.6K 628 5
One shot: Break rules. First published under (c) 2012-2013 lalice0610 uncivilized stories. Edited version published under (c) 2015-2016 lalice0610 ci...
409K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
313K 10.7K 59
"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover...