*Princess Selena's POV
Dumating na ang royalties sobrang ingay nila akala mo nasa palengke si Crystal naman nasa taas pa ewan ko ba ang gaan ng loob ko sa babaeng yon parehas sila ng kilos ni princess yuri.
Ano ba tong naiisip ko tsk namimiss ko lang kapatid ko kaya naalala ko sa kanya.
"Selena ano niluto mo ? Ang bango ahh" sabi naman ni Yuki
"For sure masarap yan si selena pa ba" sabi nman ni Bea
"Tama na nga pambobola niyo nakaluto na ako hindi niyo na kelangan mambola pa" sabi ko sa kanila at napakamot naman sila ng ulo
Tuloy pa din sila magdaldalan away dito away doon
Hanggang sa nagbatuhan na sila ng mga unan
May narinig kaming nagbukas ng pinto sa kwarto at nakarinig sila ng yabag
Nakita ko ang takot sa mukha nila hahaha
"I KENNET MAY MULTO" sigaw ni Arianne
Pinilit kong matawa pero pinipigalan ko lang
Napayakap naman si yumi kay railey sa takot
"Guys alis na tayo may multo dito sa dorm natin" sabi naman ni lorie na nangangantog ang paa
Hahaha multo lang pala kinakatakutan nila
Oo nga pala si crystal yon hindi ko pala nasabi sa kanila may bagong roommate kami.
Natameme sila parang nakakita ng anghel bumaba sa langit este sa hagdan
Napansin ko na naging cold siya bat ganon? Minsan hindi minsan cold medyo weird siya ha parang may yelong dumaan sa amin huminto siya sa harap namin emotionless hindi mo mababasa ang mukha niya.
"Guys nakalimutan ko sabihin sa inyo na may bago tayong roomie"
Ayon nakanganga kay crystal hindi ko naman sila masisisi maganda talaga siya maganda pa sa amin dito.
Binasag ni laira ang katahimikan
"Hi I'm Princess Laira Zen - 19y/o- Light manipulator mag kambal kami ni Selena Zen"
"Ako naman si Prince Aldrin Zen 20 y/o- Light manipulator"
"I'm Princess Ariana Zumi from Aces Kingdom - 17 years of age - Water Manipulator"
"I'm Princess Yumi Seto from Aero Kingdom - 17 years of age - Air Manipulator
"I'm Princess Bea Morris From Hor Kingdom - 18 years of age - Earth Manipulator
"I'm Lorie Reago from Lux Kingdom- 17 years of age - Fire Manipulator
"I'm Prince Railey Raego from Lux Kingdom - 18 years of age - Fire Manipulator
"I'm Prince Yuki from Aero Kingdom - 18 years of age - Air Manipulator
"I'm prince Drei Morris from Hor Kingdom - 19 years of age - Earth Manipulator
"I'm Ken Zumi from Aces Kingdom 18 years of age - Water Manipulator
Napansin ko naman na si aki na lang ang hindi nagpapakilala kaya siniko ko siya
"Tsk" rinig kong sabi niya
"Prince Aki Raego,Fire" cold na sabi niya
Nag iba na si Aki naging malamig na siya at hindi na namin siya nakita na ngumiti o tumawa mula ng mamatay si yuri.
"I'm Crystal Leather, 18 years old" sabi niya sa amin
"Anong charm mo crystal?" Tanong naman ni yumi
Nagkibit balikat naman si crystal "hindi ko pa alam eh" sagot naman niya
Napailing na lang sila. "Kain na tayo lalamig na ang pagkain" yaya ko sa kanila
"Yon oh kakain na" sabi naman ni drei
"Wow mukhang masarap favorite ko to menudo at adobo mapaparami ako nito" sabi naman ni railey at nauna ng nagsandok
Habang kumakain kami napansin ko naman na Hinihiwalay ni crystal ang green peas
"Hindi ka kumakain ng green peas crystal?" Tanong ko sa kanya at umiling siya
"Mamamaga ang lalamunan ko pag kumain ako ng green peas" sagot naman niya
"Parehas pala kayo ni princess yuri ganon din siya eh may allergy siya sa green peas" sabi naman ni yumi
Napahinto naman kami ng biglang tumayo si Aki
"San ka pupunta aki? Hindi ka nagsisimula kumain oh" sabi naman ni Railey
"Busog pa ako kumain na kayo wag niyo na ako pansinin" sabi niya at umalis na ng dorm
Basta pag kay yuri talaga apektado siya. Umiling na lang kami at nakita namin si crsytal na parang nalilito.
"Ganon talaga si aki pag si yuri ang napapagusapan wag mo na lang pansinin" sabi naman ni lorie at sumubo na.
*Princess Yuri/Crystal's POV
Nandito ako sa room ko bakit ganon ng makita ko si aki bat parang matagal ko na siyang kilala? Bakit parang ang saya ko?
Curious ako kung sino ba si princess yuri? Bakit parang familiar siya sa akin? Ano ba tong nangyayari sa akin makatulog na nga lang.
Princess Princess Princess tawag sa akin ng boses ng babae
Sino ka? San ka? Magpakita ka - sabi ko naman
At bigla siyang lumitaw sa harap ko
"Anak ng tinapa" sigaw ko sa gulat at tumawa naman siya sinamaan ko siya ng tingin
"Papatayin mo ba ako sa gulat?magkakaroon ako ng sakit sa puso nito eh. Sino ka ba?" Inis kong sabi sa kanya
"Hindi pa ito ang panahon para makilala mo ako" sabi niyang nakangiti
"Adik kaya to? Tinawag tawag ako ayaw naman magpakilala. Ka imbyerna ha" - sa isip ko
"Nababasa ko ang iniisip mo princess" sabi niya na nakangiti pa din
Napatakip naman ako ng bibig dahil sa sinabi niya
"Ang daya naman oh tsk" sabi ko na naiinis
At bigla siyang naglaho "hey wag kang umalis may itatanong pa ako" sigaw ko
"Hoy crystal gising may pasok pa tayo malelate ka na" sabi ni Princess Selena habang tinatapik niya ako
Kinusot kusot ko naman ang mata ko tinignan ko ang alarm clock 6:45 am na pala 8:00 ang first subject namin
"Okay bababa na ako salamat sa pag gising" sabi ko sa kanya at umalis na siya sa kwarto
After ko maligo at nagsusuklay na ako ng buhok napansin ko na biglang naging pink na may halong silver ang buhok ko
"Ano to? Totoo ba tong nakikita ko?"sabi ko sa sarili ko at kinusot ko naman ang mata ko baka kasi namamalik mata lang ako
After ko kinusot ang mata ko nakita ko naman na black ang hair ko at hindi nagbago
Hay namamalikmata na naman ako- bulong ko sa sarili ko at umiling bumaba naman ako niyaya nila ako sumabay sa kanila kaya kumain na din ako
Masarap magluto si Princess Selena para ngang familiar sa akin mga lasa ng luto niya weird noh? Parang lAhat familiar ako kahit first time ko lang pumunta dito sa Mizo World
"Oo nga pala crystal sumabay ka na sa amin pumasok same lang schedule natin" sabi sa akin ni Princess Laira ngumiti naman ako sa kanya at tumango
Nasa hallway na kami at binasa ko ang mga nasa isip ng mga estudyante na nadadaanan namin
"Kapal sumabay sa royalties" G1
"Tsk feelingera"G2
"Maganda siya ha kahit black hair at eyes" G3
"Ang sexy at hot naman ng transferee"B1
"Kakainlove"B2
Napapailing na lang ako nagulat na lang ako ng nagsalita si princess Laira
"Mind reader ka?" Tanong niya at tumango naman ako
"Sabi ko na nga ba" sabi niya at nakatingin lang sa dinadaanan namin
"Ha?"sabi ko naman
"Wala tara na pasok na tayo dito ang classroom natin" sabi niya at binuksan ang pintuan
Pina upo nila ako sa tabi nila may vacant seat pa kasi sa tabi ni princess laira yun ang dating upuan ni princess yuri sabi nila.