Since You've Been Gone

By TheLadder89

96.4K 5.8K 8K

⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime I will never forget you, my love. I hope you're happy wherever you are. ... More

Snippet
Introduction
SYBG 2
SYBG 3
SYBG 4
SYBG 5
SYBG 6
SYBG 7
SYBG 8
SYBG 9
SYBG 10
SYBG 11
SYBG 12
SYBG 13
SYBG 14
SYBG 15
SYBG 16
SYBG 17
SYBG 18
SYBG 19
SYBG 20
SYBG 21
SYBG 22
SYBG 23
SYBG 24
SYBG 25
SYBG 26
SYBG 27
SYBG 28
SYBG 29
SYBG 30
SYBG 31
SYBG 32
Happy April Fool's Day
SYBG 33
SYBG 34
SYBG 35
SYBG 36
SYBG 37
SYBG 38
SYBG 39
SYBG 40
SYBG 41
SYBG 42
SYBG 43
SYBG 44
SYBG 45
SYBG 46
SYBG 47
SYBG 48
SYBG 49
SYBG 50
SYBG 51
SYBG: Epilogue

SYBG 1

3.8K 181 39
By TheLadder89



Paunawa para sa mga hindi nakakaunawa:

Sa mga pangalan, lugar, insidente at ibang pangyayari na pagkakahawig o pagkapareho, ako po ay humihingi ng paumanhin. Hindi ko po ito sinadya at nagkataon lamang. Lahat nang bahagi sa kwentong ito ay nanggaling sa aking malikot at masalimuot na isip.

Ang mga litrato, musika na ginamit dito ay credited pong lahat sa mga nagmamay-ari nito at hindi ito akin. Maliban na lang po kung ako mismo ang kumuha o gumawa.

Maraming salamat po.

~Ms. J~





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Memories"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍


"SIEGFRIED! Natawagan mo na ba ang inyong wedding coordinator?" Tanong ng mommy niya. "Baka mamaya magkaproblema pa at ma-stress si Brielle, mahirap na." Dugtong pa nitong halatang naman nag-aalala sa mamanugangin.

"Mama, ang puso mo." To the rescue naman kaagad ang ama. "Hayaan mo na silang dalawa ang umasikaso niyan at baka mamaya ikaw naman ang ma-stress, high blood ka pa naman." Hinahalik-halikan nito ang asawa sa balikat. Natatawa na lang si Siege na pinanonood ang mga magulang niya. Pilyo din kasi at maloko ang kanyang ama kaya palaging napipikon ang kanyang ina pero hindi naman talaga nagagalit.

"Aaron Daniel Scott! Ako nga ay tigil-tigilan mo, huh! Mas mataas ang presyon mo kesa sa akin 'no!" Singhal nito sa nagmamagaling na asawa.

Natawa ng malakas si Siege sa kakulitan ng mga magulang. Ni minsan ay hindi niya nakita o narinig na nag-away o nagsigawan ang mga ito. Iringan, oo, pero yung magkakagalit talaga, never.

Sila ang mga taong gustong-gusto niya gayahin. Hindi naman siguro mahirap maabot yun dahil nga sa mabait ang mapapangasawa niyang si Brielle. Maganda ang kanyang fiance, labas at loob. Napangiti siya ng malapad ng maalala ang mapapangasawa.

"Mom, don't worry about us anymore." Malumanay niyang sabi. "We got it all double checked and everything is done. Yung date na lang ng kasal ang hinihintay namin." Sabay akbay sa kanyang ina.

"Well then, ano na lang pala ang gagawin ko kung wala na?" Nakangiting tanong ng ina sa nag-iisang anak.

"Nothing, Mom." Masigla niyang sagot. "But Mama Amanda wants to take you and Brielle to a spa day on Saturday. How's that for something to do?" Hinalikan niya ang ina sa gilid ng ulo nito. Timingala siya ng ina at ngumiti ito sa kanya na parang naiiyak na naman.

"Look at you. You are all so grown up and getting married. Soon you will start your own family." Naiiyak na itong talaga. "Umakyat ka na doon sa taas dahil kanina pa naghihintay yang mapapangasawa mo. Nagtatampo pa nga yata yan sa iyo." Hnalikan siya ng ina sa pisngi.

"Timothy Siegfried, I am warning you, boy. We did not raise you to not take care of her." May himig pagbabanta sa boses ng ama.

"I got it, Dad." Pakumbaba niyang tugon sa ama sabay kindat. "She just not feeling good kaya ganyan. She wanted me to come home early kaya lang hindi lang ako nakaalis kaagad dahil hindi ko maiwanan si Mr. Go. You know how he is. He is so meticulous and nii-picking on all unnecessary things." Paliwanag niya dito bago pa siya mapagalitang tuluyan. Nailing si Aaron sa pahayag niya.

"Hayaan mo kakausapin ko yang kumpadre kong yan." Sagot naman ng ama. Hanggang ngayon ay parang bini-baby pa rin siya ng mga magulang na mas lalo niyang kinaiinisan, pero hindi naman niya tuluyang ikagalit dahil alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya.

"No dad. I took care of it already. Naawa lang ako doon sa mga designers sa opisina. Apat na beses ng inulit-ulit yun para sa kanya pero makulit pa rin. Kesyo nagbago daw ang isip ng asawa niya. Tapos sa susunod naman pinadagdagan pa ng kung anu-ano. Tapos kanina gusto daw nitong palitan ang buong slogan. Mauubusan na ng dugo ang team Miñoza sa kakapuyat para lang maipakita sa kanya the following day. Mabuti na lang at hindi pikon ang team leader nila. Kaya lang today mukhang napikon na yata." Naiiling niyang kwento sabay turo sa taas.

Sabay-sabay pa silang tumingala sa second floor ng bahay. Si Brielle ang tinutukoy ni Siege. Ito kasi ang CEO ng media advertising agency, ang kompanya na pag-aari ng mga magulang nito dati na ipinasa na ngayon kay Brielle.

"Sige na akyatin mo na at bago ipanganak yang kambal mo ng nakakanganga dahil kanina pa yata naghihintay yan ng pinabibili niya sa iyo." Sabi naman ng nakangiting ina sa kanya na ikantawa naman ng kanyang ama. Muntik ng mapaubo si Ethan sa kapilyuhang nakikita sa mukha ng ama. Eto na naman po sila sa kulitan nila. Sabi ng isip niya. Napailing na lang siya.

"Hon, naniniwala ka pa rin ba sa mga ganyan?" Natatawang tanong ng ama sa ina niya. Siniko ang asawa.

"Okay, Mom, Dad. I got to go upstairs bago pa ako bugahan ng apoy ng aking baby dragon." Napatawa ng malakas ang kanyang ama sa kanyang biro na bigla namang natahimik dahil siguro nasiko uli ng kanyang ina.

"Good night, anak. Kami na ng Daddy mo magla-lock ng pinto." Kumaway na lang siya patalikod at tuluyan ng pumaakyat.

May kadiliman na ang kwarto niya. Malamlam ang ilaw na nakalagay sa nightstand sa tabi ng kanilang higaan. Tinitigan niya ito. Wala pa ring pinagbago ang ganda ni Brielle. Mas lalong umangat ang ganda nito ngayong nagbubuntis. Nakakatuwa kasi hindi nito ikinahihiyang magmarcha sa kasal nila na may kalakihan na ang tiyan. Napangiti siya ng maalala ang simula nito.

Maloko din naman kasi itong girlfriend niya eh. Di pa naman sana ito magbubuntis pero dahil sa kakulitan nilang dalawa ay ayan, nauna pa ang honeymoon kesa sa kasal nila. Pero wala na ring nagawa ang mga magulang nila dahil naka-set na rin naman ang kanilang kasal matagal na. At nakikita naman ng mga ito na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Isang linggo na lang at ikakasal na siya sa nag-iisang babaeng pinangarap niya. Biro mo, high school pa lang, sila na. Kahit na marami ang sumubok na sirain sila ni hindi sila natinag. Maraming lalaking sumubok na siraan si Brielle sa kanya sa akung anu-anong mga kalokohan nila na kesyo naikama na raw ito ng isang varsity player ng basketball team, kesyo hindi lang siya ang kaisa-isang boyfriend ni Brielle dahil marami pa.

Meron pang nagsasabi na may sugar daddy daw ito na naghahatid-sundo sa kanya kapag wala siya. At sa tuwing ganito ang mga nangyayari ay nagkakatinginan na lang sila dalawa at bigla na lang tatawa na mas lalong ikinainis ng iba, lalo na ng mga kababaihan.

Mas lalong ikinagagalit ng mga ito ang mga reaksyon nila kaya nahuhulog na lang sa wala ang mga paninira nila. Wala na rin naman silang magawa dahil hindi nila kayang tibagin ang tambalang Ethan at Brielle.

Ang hindi alam ng lahat, iba nakapag silang dalawa na lang ni Brielle. Nagbi-breakdown at iiyak ito ng iiyak. Bilang kasintahan, wala siyang magawa kundi magpapakatapang, magpapakatatag para sa kanilang dalawa at hayaang iiyak nito ang lahat ng galit at sama ng loob at siya nasa tabi lamang nito hanggang sa makatulog na si Brielle sa pag-iyak.

Maraming ding mga schoolmates nila ng mga babae ang gumawa ng ganun pero ang nakakatawa sa lahat may question and answer portion pa si Brielle na nakahanda. Kung hindi siya nagkakamali ay meron sigurong 40 questions o minsan higit pa. At lahat ng iyon ay walang tamang sagot, panghuli lang kung totoo talaga ang sinasabi ng mga ito, ganun din naman siya. Meron din ganun pero hindi kasing dami ng katulad ng kay Brielle. At sa bandang huli, iiiyak na lang Brielle uli yun sa kanya. Matapang si Brielle kung kailangan, pero iyakin din ito.

Walang nakasira sa tibay ng relasyon nilang dalawa kahit na nung naging college na sila at hanggang sa maka-graduate. Sumuko na lang ang ibang manliligaw ni Brielle at sumuko na rin yung ibang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Sa huli, hinangaan sila ng mga ito dahil sa teamwork nila. Naging role model sila ng mga kaklase at school mates nila.

Nangarap ang mga lalaking makapag-girlfriend ng isang katulad ni Brielle na super bait, super lambing, beauty queen sa ganda kahit may kaliitan at super kalog. Nangarap din ang mga babaeng makapag-boyfriend ng isang super cool, super talino, super bait, supre gwapo at super sikat na katulad niya. Ms. Kikay at Mr. Heartthrob nga kung tawagin sila noon.

"Hi, Dadi." Inaantok na bati sa kanya ni Brielle. Nakaupo siya sa sahig habang nakatanghod dito. Nagising yata ng makaramdam na may nakatitig sa kanya. "Kanina ka pa? Nandiyan sila Mommy at Daddy sa baba." Sabi nito. Hindi yata nito alam na napahaba ang idlip na naging tulog na. Hinaplos niya ang pisngi ni Brielle. Ngumiti ito.

"Hi, Mami." Hinalikan niya ito ng banayad at ubod ng tamis sa labi. "Yeah, they left already. How are you feeling now?" Tanong niya dito. Inabot ni Brielle ang kanyang pisngi at hinaplos din ito.

Ganun pa rin sila, walang pinagbago. Parang kahapon lang sila naging magkarelasyon. Naninindig pa rin ang kanyang mga balahibo sa katawan sa tuwing madadaiti ng kahit kaunti lang ang balat ni Brielle sa balat niya.

Napatikhim siya. Dahil ang pati ang hindi dapat tumayo ay tumatayo. Napangiti siya ng lihim na hindi naman nakaalpas sa mga paningin ni Brielle kahit na may kadiliman pa ang kanilang kwarto. Palagi naman ganun. Wala eh, mahal niya kasi ng sobra si Brielle at alam niyang gann din ito sa kanya.

"Oh, for freakin' God's sake, Siege. I am already almost nine months pregnant, pwede ba, tigilan mo na yang tinatakbo ng utak mo. You are such a perv." Natatawa man ay biglang napaupo ng kama si Brielle dahil sa biglang sikdo ng puso nito diretso sa puso niya.

Kung hindi niya yun uunahan ng taray ang kahornihan ni Siege at kung hindi siya magtatapang-tapang ay siguradong bibigay na naman siya at makakahome-run na naman ito at masaklap pa at paniguradong-panigurado umaga na ang tulog nilang pareho. Mahirap din kasing magpigil lalo pa't kasama sa paglilihi niya ang katawan ni Siege na dapat sana ay tapos na siyang maglihi.

Maliban sa buntis siya, yung pregnancy hormone nilang sinasabi, napakagwapo naman kasi ng kanyang mapapangasawa kaya di niya kayang magpigil. Kaya eto, magmamarcha siyang parang mukhang balyena ibinalot sa dahon ng ibus sa susunod na linggo. Okay lang naman, better late than never. Siya lang naman ang hinintay ni Siege.

"What? I was just looking at you and adoring you, Mi." Malambing na palusot si Siege. Kung makakalusot lang naman, at kung hindi ay okay lang. Naiintindihan naman niya yun pero ang problema, hindi yun naiintindihan ni Gen. Magtulis sa tikas ng tindig nito at katulad ng isang sundalo, palaging itong nakasaludo, naninikip tuloy ang pantalon niya. Masakit, nasasakal.

"Uhuh! Sure, Dadi, ako pa ba? Kausapin mo yang si Gen. Magtulis dahil kung hindi, ako mismo ang kakausap diyan at siguradong hindi na sasaludo yan kahit kelan." Mataray na pagkakasabi ni Brielle sa kanya na ikinalaki ng ngiti niya.



ANG sarap lang nilang mag-usap na dalawa dati. Yun ang mga bagay na namimiss niya sa asawang binawi sa kanya ng sobrang aga ng dahil sa masaklap na aksidente. Hindi siya nagalit sa Diyos kahit nasasaktan siya. Ang taos niyang ipinagpapasalamat ay nailigtas pa ang isa sa kambal nilang anak, si Brynn. Ang tanging alaalang naiwan ni Brielle sa kanya,

Nailibing na si Brielle at ang anak nilang lalaki nang magising siya sa pagkaka-coma at halos mag-iisang taon na ang kanyang anak na si Brynn.

Nalulungkot man at masaya na rin siya kahit papaano dahil ang importante ay hindi ito nag-iisa sa kung saan man ito naroon ngayon. Kasama nito ang anak nilang lalaki na ayun sa kanyang mga magulang ay pinangalanan nilang Ethan Timothy. Kaya simula noon, sa anak na lang niyang babae ibinuhos ang lahat ng kanyang pansin, oras at panahon at sa pangkabuhayang maiiwan niya para sa dito pagdating ng panahon.

"Hijo, gising ka pa rin? Maaga ang field trip ng anak mo bukas." Tahimik na puna kanyang mommy.

"Yeah, Mom. I am just finishing this para wala akong maiwan na maraming trabaho. Naibilin ko na kay Dad at Ryelee ang mga gagawin sa opisina. Eto na lang mga pipirmahang ito para sa isang investment na gusto kong pasukan which is base in Japan." Magaan naman niyang sagot sa ina na hinilot pa ang kanyang sentido.

"Tapos mo na ba? Hindi naman siguro mawawala yan kung isang araw lang na hindi mo asikasuhin?" Sabi pa ng ina niya, mataray ang dating nito. Alam naman niya nag-aalala lang ito para sa kanya. Pero hindi naman niya pwedeng iwanan ang lahat ng ganun-ganun lang dahil kailangan niyang maunahan ang ibang investors na mapasok ang negosyong yun. Gusto niyang pumartner sa isang Filipino businessman na base sa Japan.

"Tapos na rin po, Mom. Napirmahan ko nang lahat, madali lang naman kasi puro autosign na lang eh." Sagot naman niya sa ina. "If there will be a problem with the signatures, I can sign it digitally." Dugtong pa niya.

"O siya, go to sleep na dahil kung hindi baka ngayon ka pa makatikim ng palo sa pwet kung kelan tumanda ka na." Seryosong banta ng kanya ina. Natawa siya sinabi nito. "Oh, anong nakakatawa doon, Timothy Siegfried?" Dugtong pa nitong magkasalubong ang kilay na humarap sa kanya. Damn! Full name.

"Good night, Mom. I love you." Sabi niya sabay halik sa noo ng ina. Inakap pa muna niya ito bago pumasok sa kwarto ng anak. Ganun din ang ginawa ng ina pagkatapos na isara ang pinto ng kanilang library.

Nakatungko siya sa harap ng kama ng anak at pinagmamasdan ito. Tumulo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Kamukhang-kamukha ni Brynn ang kanyang ina Nami-miss niya tuloy si Brielle. Sobra-sobra. Kelan mawawala ang sakit? Kaya mas lalo niyang minahal ang anak na si Brynn dahil siya ang buhay na alaala ng kanyang yumaong asawa.

He never looked nor glanced at any other girl the way he did his wife. He will never adore any woman the way he adored and worshiped his late wife. No woman will ever measure up to her. With Brynn as the living memory of her beautiful mother is enough for him. Just him and Brynn no one else.

He will never get tired nor weary of telling people how his Brynn looks like the spitting image of her mother, ang natatanging babaeng minahal niya at mamahalin niya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

"Hi, Daddy." Pupungas-pungas nitong bati sa kanya. Patuloy lang pagtulo ang kanyang mga luhaa. Ganitong-ganito ang kanyang asawa noong ito'y nabubuhay pa. Sa tuwing ganito ang eksena, ganyang-ganyan palagi ang sagot nun.

"Why is my Daddy crying? Did somebody hurt my Daddy?" Hinaplos ni Brynn ang kanyang pisngi na mas lalong nagpahapdi ng kanyang kanin pang kumikirot na puso. Kahit masakit ay ikinatuwa niya pa rin dahil buhay na buhay si Brielle sa katauhan ng anak nila. Hindi lang siya kamukha ng kanyang mommy, kaugali din siya nito. Makulit, masayahin, malambing at matapang.

"Nobody hurt Daddy. I am just remembering Mommy, baby." Tumutulo ang luhang umamin sa anak. Pinahid nito ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

"It's okay now, Daddy. Don't cry na. Mommy will be sad, too, if she sees you crying." Pagpapalubag ng loob ng anak sa ama. "I am here, di ba? I love you, Daddy." Pahabol pa nito at tuluyang bumangon para yakapin at halikan siya.

"Thank you, baby. Daddy loves you, too." Gumanti din siya ng halik dito.

"Daddy, will you sleep next to me?" Pagpapa-cute ng kanyang prinsesa.

"Why? Are you having a bad dream?" Tanong pa niya dito, kunot ang noo at nag-aalala. Umiling naman ang bata sa kanya.

"No, Daddy." Patuloy na iling nito. "But you are." Cute na ngiti nito sa kanya. Napatda siya sa sagot ng anak.

"Me? How?" Takang tanong niya dito. Eh hindi pa nga siya nakakatulog, nightmare na kaagad.

"You are crying and you are in my room." Bibong sagot nito sa kanya. "Di ba, daddy, whenever I go to your room crying, I had a nightmare?" Napahugot siya ng malalim na paghinga sa tinuran ng anak. Napahilot na lang siya ng kanyang noo at napangiti ng wala sa oras. May point nga naman ito.

"Baby, do you think Daddy will fit on your bed?" Tanong niya sabay nguso sa kama ng anak.

"Oh yeah, that's right." Bumungisngis ito. "You are big and my bed is small." Sabi pa nito. Tumayo si Brynn at mabilis na kinuha ang pink unicorn plushie. Maingat itong bumaba ng kama at hinila ang kamay ng ama.

"Where are we going?" Kunyareng tanong niya dito, nakangiti na siya ngayon dahil alam niya ang gusto nitong mangyari.

"In your room, silly Daddy." Pabungisngis na sagot nito sa kanya. "You can not fit on my bed. But I can fit on your bed." Nakangiti itong tumingala sa kanya. Napapailing na binuhat ang anak at lumabas na ng kwarto nito. Karga-kargang tinahak ang pasilyo ng second floor sa kwarto niya.

Hindi niya napansin na nakikinig pala ang kanyang ina sa pintuan ng kwarto nitong tumutulo din ang luha.

Kung may magagawa lang sana ako para sa inyo, anak. Patawarin mo kami. Ang piping dasal ni Margaret sa tuwing nakikitang nalulungkot ang kanyang anak. Awang-awa na siya dito pero wala siyang magawa. Hindi na nila pwedeng ibalik pa ang nakaraan. Hindi na nila pwedeng itama ang mga pagkakamali.

"Mama, sige na matulog na tayo. Maayos din natin ang lahat." Sabi ni Aaron sa asawang umiiyak. Isinara na nito ang pinto.



INILAPAG ni Siege ang anak sa kanyang kama. Nakangiti ito at parang excited na excited sa isang sleep over ang kanyang munting prinsesa.

"Okay, you lay down and Daddy will brush his teeth and change into his pajamas okay." Bilin niya dito. Nakangiti itong tumango-tango. Para ka talagang nanay mo, kaya hinding-hindi ko siya makakalimutan dahil sa mga ngiting yan. At wala akong balak na kalimutan siya.


_____________
End of SYBG 1: Memories

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

The story may be the writer's original idea/creation, the photo used as a cover is not owned by the writer, so please be kind and be respectful to the original owner the media used and let's enjoy the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖
12.20.17

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
November 12, 2017


Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 689 28
"Sometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises." -Lori Wilhite
283K 5.3K 29
Duke & Izza
442K 11.9K 55
Paano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanil...
5.1M 93.5K 44
Prologue Graduate si Maxine Roxas sa course na Education, pre-school. Mahilig siya sa bata dahil sa mga pinsan at pamangkin niya pero hindi niya hili...