Take A Chance (Under Revision)

By mykeychan

19.6K 1.2K 375

Shamina Imperial broke up with her boyfriend two years ago and finally decided to focus on finishing her stud... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3: Tristan, The Bwisitor
Chapter 4: Girlfriend For A Cause?
Chapter 5: FACE OFF
Chapter 6: Homecoming
Chapter 8: Homecoming Party
Chapter 9: Relationship Agreement
Chapter 10: It's Official!
Chapter 11: Legal
Chapter 12: The Twins
Chapter 13: Drunk
Chapter 14: His Manly Side
Chapter 15: Jealous
Chapter 16: Tristan's Condition Part I

Chapter 7: Finally, we meet again

623 75 9
By mykeychan

Chapter 7







                           ⬆️
On Photo: Clarke & Tristan









SHAMINA'S POV














Nagkayayaan kami ni kuya na mag-bike ride somewhere since pareho rin kaming bored at alam ko naman na wala kaming ibang gagawin kung hindi manood sa netflix maghapon kung mag-stay lang kami sa bahay. Wala rin naman daw syang dapat tapusin na work within the day dahil mamayang gabi pa ang shift nya. Pumayag naman ako, matagal na rin kasi akong hindi nakapag-bike kasama si kuya at syempre bonding na rin namin 'to na magkapatid.






Saglit ko munang nilinis ang bike ko, puno na kasi sya ng alikabok at agiw halatang matagal nang hindi nagamit. Gumora na rin kami agad pagkatapos kong maglinis.






Ngayon na lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin, hay. Dumaan kami sa eco park na malapit lang sa subdivision namin at doon muna kami nag-stay para magrelax dahil ang presko ng simoy ng hangin at ang lakas maka-nature vibe ng paligid. We took some pictures as well para remembrance na rin.




"I gotchu something." naglalakad si kuya Shaughn papalapit sa akin na parang may hawak sya sa left hand nya na tinatago nya pa sa likuran. "Ta-da!!!!!"






He got my favorite french fries and ice cream kaya naman etong si bakla tuwang-tuwa na parang bata aba. Hehehe




"Wala naman akong bibilhan nyan kung hindi ikaw lang, wala naman akong girlfriend." biro nya. "Bakit kasi hindi ka maghanap! Sa gwapo mong 'yan imposible naman na walang girl na magkagusto sayo. Sa sobrang workaholic mo ayan tuloy." nagtawanan lang kami pareho. Totoo naman sinasabi ko ah. Malapit na syang mawala sa kalendaryo pero hindi pa rin sya nagkakagirfriend. Kung hindi lang ako kapatid nito matagal ko na syang pinatos hahahahahahahaha.




"Porke maraming nanliligaw sayo ganyan ka na sa kuya mo ha." he pat my hair as if para akong aso ganern grabeee. "Hoy wala akong manliligaw no. Focus ako sa pag-aaral ngayon kaya please mabilib ka naman sa kapatid mo, Kuya." mabilis kong tinanggal yung kamay nya mula sa buhok ko kasi naman hindi ko kayang ma-feel na magmukhang aso sis. Sa ganda kong 'to pagmumukhain lang akong aso? Tsk. Tsk. Tsk.






"The guy last time, sino 'yon? I thought he's your suitor."




Isa pang mapang-asar 'tong si Kuya Shaughn eh. "Kuya ang kulit nyo ni mommy no. Classmate ko nga lang sya." tinaasan ko sya ng kilay. "Really? Bakit parang ibang kwento yata ang nakarating sa amin?" he took a sip sa hawak nyang iced coffee bago tumawa nang malakas. Alam ko na agad kung sinong nagbuking sa sikreto ko. Mukhang road to FO na yata kami nina Prince at Andrea.










-__________-






"I think I've seen his face before pero hindi ko na maalala kung saan at kailan. Matagal na ba kayong magkakilala?"








"Hmm? Ang alam ko galing sya sa Japan but we're not that close dahil kailan ko lang din sya nakilala kaya wala akong infos gano na alam about sa kanya."






"So hindi mo nga sya classmate? Sabi ko na nga ba mahuhuli rin kita eh. So tama nga ang kwento nila Prince at Andrea sa amin? He's your suitor or he's your boyfriend?"




"What?! Suitor? Boyfriend? Kuya naman you know me, maganda lang ako pero hindi ako basta pumapatol sa ibang guys diba. Ikaw lang papatulan ko dahil nakakaasar ka!"




"I'm telling you sis, it's not the right time to have your new relationship. Alam mo naman gaano kita pinoprotektahan ngayon from other guys dahil ayaw ko nang maulit kung anong ginawa sayo ni Justine."




"Kuya ang serious mo naman. Nata----




Hindi ako natapos magsalita dahil biglang nag-ring ang phone ni kuya. Mukhang importante naman dahil agad nyang sinagot 'yon so ako naman eto at naiwan mag-isa habang pinag-iisipan ang mga sinabi nya. Anyways, sanay naman na ako kay kuya dahil lagi syang ganyan but I don't want to blame him for that, instead thankful pa nga ako dahil may kapatid akong protective. For sure kung sinabi kong hindi ko classmate si Tristan that day nung pumunta sya sa bahay, hindi sya hahayaang makapasok ni kuya.




Teka maiba tayo, looking for girlfriend po pala sya yung willing sya pakasalan ha. Grab nyo na pls.




"Is there everthing okay, kuya? Sinong tumawag sayo?" agad kong bungad sa kanya after nung call. Parang nagmamadali nyang inubos yung iced coffee na hawak nya tapos ay nilapitan ang bike nya para ayusin. "I have something to take care of, let's go home."




"Wait, agad agad?"




At ang ending eto at mag-isa na naman ako. Pinauna ko na si kuya na umuwi dahil gusto ko pang mag-stay kahit saglit dito tutal gaya na rin naman ng sinabi ko kanina wala rin naman akong gagawin sa bahay. For sure naman about na naman sa work ni kuya 'yon no as if naman may someone special na tatawag sa kanya eh wala nga syang girlfriend diba. Either ako or si mom lang naman ang nakakatawag sa kanya, takot na 'yon pag nakita nyang si mommy na ang tumatawag. Mama's boy kasi ang kuya ko, charot.






Naglakad-lakad muna ako habang bitbit ang bike ko dahil hindi ko naman sya pwedeng kung saan lang iwan dito sa park. Medyo nasa mood din naman kasi akong maglakad, gusto kong i-feel masyado yung ambience ng lugar at wala rin naman ganong tao sa park kahit na weekend.




Sa paglalakad-lakad ko narating ko yung dulong part nung park na malapit sa lake. Parang may mini Bermuda grass park dito na ang perfect pagganapan ng mga picnics ganern. Sinandal ko muna saglit yung bike ko sa gilid ng sink na malapit lang din sa inupuan kong part ng grass.




Nakakatamad, wala akong magawa kundi tumunganga sa view dahil saktong nakatapat ako sa lake. Gusto kong mag-picnic at i-enjoy ang view with kuya Shaughn kaso ang ending iniwan naman nya 'ko dito mag-isa. Naisipan kong magtake ng picture at ilagay 'yon sa story ko sa instagram, tamang parinig sa mga friends para naman magmadali silang pumunta dito at samahan ako.




Wala pang 1 minute nag-seen na agad sa story ko si Tristan. As in seen lang. Famous 'to eh. As if naman malalaman nya kung nasaan ako diba? For sure hindi naman nya alam kung saan 'to located and duhhh ayoko syang makasama sa picnic baka maasar lang ako.




I decided to buy some snacks, magpipicnic na lang akong mag-isa dahil confirmed wala pong gusto mag-join sa akin dito kundi ang sarili ko lang. Anyways, it's okay parang me time ko na 'rin naman 'to.




Sa loob mismo ng park meron naman ding nagtitinda ng iba't ibang klase ng food so doon na ako bumili. Balak ko sanang lumabas pa ng park para sa convenience store na lang bumili kaso medyo malayo-layo pa ang ipapadyak ko siguro bago makarating doon unlike dito sa mga stalls na nasa loob na mismo ng park pwede ko lang lakarin and there's a variety of food to choose from.




Dahil single naman ako, single order lang din ako binili ko. Hugot sis? Hahahahha.




I bought a single order of takoyaki squid partnered with lemon flavored soda.




"Miss, ready na po order nyo." eto at inabot na ni manang yung order ko.






Wait, yung wallet ko hindi ko makapa sa bulsa.












0_0










Patay tayo dyan sis.






"Uhm, wait lang po ha." feeling ko pilit na yung ngiti ko this time dahil wala talaga yung wallet ko hindi ko sya makalkal sa bulsa. Wala naman akong dalang bag so probably nalaglag 'yon kanina habang nakaupo ako sa damuhan.






Ang eng eng mo naman Shamina. Tinitingnan na ako nang masama nung tindera dahil napapansin nyang nagpapanic na ako at wala akong maiabot na pera sa kanya.






T_____T






"Manang, pw------






Natigil ako sa pagsasalita kasi naman may isang customer na guy ang biglang nag-abot ng pera doon sa tindera "Here's the money, keep the change." hindi ako nakalingon agad sa kanya dahil sa hiya. Ano ba yan 75 pesos na lang pinabayad mo pa sa iba Shamina, hay nakakahiya ka. Napapansin siguro nya na kanina pa ako kalkal nang kalkal sa bulsa ko pero wala naman akong nahuhugot na pera.






"Woahhh look who's here." bulong nung guy. Dahan-dahan ko syang nilingon.






0 o 0






OMG.






A familiar guy wearing a cap and a biker outfit.






"Ikaw?!"








Tingnan mo nga naman ang tadhana, parang nung nakaraan lang sabi ko sana magkita pa kami ulit dahil super interested ako sa personality nya and look what happened, nagkita kami ulit accidentally at nagmumukha akong kahiya-hiyang tao sa harap nya ngayon dahil sya pa ang nagbayad ng binili kong food.








"Hi! Clarke here, naalala mo?" medyo nakataas pa ng konti ang right hand nya while speaking, parang ganun yung itsura ng kamay nya when you do non-verbal communication with your friends when you see each other again, parang a way of saying hi to them ganern. Tuwang-tuwa yata sya na makita ako for the second time dahil abot tenga ngiti nya, syempre ganda ko eh.










Syempre speechless ako hindi ako nakapagsalita agad no. Hiya mode pa rin dahil naiisip ko pa rin yung nangyari kanina grabe baka akala nito sinadya ko 'yon ha.








"Okay ka lang? Oh teka pinagpapawisan ka." kumuha sya ng hanky sa bulsa tapos dahan-dahang dinampi 'yon sa bandang noo ko, kinuha ko na lang din agad yung hanky at ako na lang mismo ang nagpunas sa pawis ko kasi naman baka may makakita sa amin dito tapos sabihin pa na boyfriend ko sya. Tahimik pa rin ako at hindi nagsasalita.








"It's a small world, I wasn't expecting na magkikita ulit tayo. But anyways, gusto rin naman kitang makita ulit."








Wearing his smile while saying it grabe parang matutunaw ako teka lang naman! charottt.








Ang dami nyang tinatanong pero hindi pa rin talaga ako nagsasalita, napipi ang lola nyo. Hindi ko alam kung OA lang ba ako or mababaw lang talaga ang kaligayahan ko pero the way na magsalita sya parang nakakatawa. Napapansin nya rin siguro na pinipilit kong hindi tumawa pero hindi ko talaga mapigilan. "Ayan ang hinihintay ko, sa wakas tumawa ka rin. Ang dali mo lang palang patawanin."








Out of nowhere bigla nyang tinanong kung saan ko raw ba naiwan ang wallet ko. I told him na nalaglag lang siguro sya sa place kung saan ako nakaupo kanina. Niyaya nya akong pumunta dun sa place at tutulungan daw nya akong maghanap, nag-agree naman ako dahil gusto ko ring hanapin yung wallet ko. Ang dami kong important personal things din dun at hindi ako makakapayag na hindi ko sya mahanap within this day.






The good thing is that pagdating namin doon hindi na namin kinailangang maghanap dahil may nakaabang na agad na janitress na nakapulot daw ng wallet ko. Buti na lang at walang nawalang ID and ATM cards sa wallet ko ganun din sa cash.






"Dahil niligtas kita last time at ako ang nagbayad ng food mo kanina kailangan mo akong ilibre ng chicken and beer."




Nabigla ako grabe akala ko nagj-joke lang sya. Ako pa talaga ang manlilibre? Sya nga 'tong mukha mas mayaman pa kesa sa akin. Naalala ko yung binayad nya na 500 pesos para dun sa food ko hindi na sya nanghingi ng sukli so kaya ang expect ko galante sya, expectation vs. reality nga naman oh.




Parang nanghina ako sa sinabi nya ha. Grabe talaga.








-______-






Naupo kami pareho sa damuhan para magpahinga.






Agad kong inabot sa kanya yung pera na bayad ko para sa food ko na binayaran nya kanina. "No need. Ano ka ba barya lang 'yon, hayaan mo na." he smiled. Ang yabang nito ha. Pero hindi pa rin ako natinag dahil pinagpilitan ko pa ring ibigay sa kanya yung pera hanggang sa halos masubsob na ako sa dibdib nya.






"Ang PDA naman ng dalawang 'to."






Pinagtinginan na kami ng mga taong dumadaan. Nakakahiya dahil para nga naman kaming couple na nagkukulitan. Yung last na dumaan tinakpan pa nila yung mata ng mga anak nila grabe parang di kanais-nais yung ginagawa namin.






"Hayaan mo sila. Hindi nila dapat dinadala sa ganitong park ang mga anak nila kung alam nilang may mga couples na nagpupunta, right?"






Oo nga naman. I nodded.






Nag-order na ako online ng chicken and beer, kahit pa joke or hindi yung pagdemand nya don oorder pa rin ako para naman peace offering ko na rin dahil sa ginawa nya last time plus yung nangyari pa kanina. Hindi naman ako gaanong mahilig uminom ng alak so 3 cans ng beer lang ang in-order ko.






Ang weird ng feeling dahil pareho kaming natahimik saglit. Napatingin ako sa kanya, hawak nya ang phone nya at mukhang may ka-text or chat. Girlfriend nya siguro 'yan for sure. Lumingon-lingon ako sa paligid mahirap na baka mamaya biglang hablutin ng girlfriend ni Andy ang buhok ko kaya medyo dumistansya rin ako sa kanya habang nakaupo.






"What are you doing?" napatingin sya sa akin nung bigla akong dumistansya ng upo. "Uhm. A-a-ano, wala. Nevermind inayos ko lang yung upo ko."




Bigla nyang inabot sa akin yung jacket na nakapatong sa legs nya "Here, take this." medyo basa kasi yung damo at lupa nung inuupuan namin so baka naisip nya na hindi ako comfortable sa ganitong upuan. Tumanggi ako syempre may girlfriend yung tao baka may makakita dito na nakakakilala sa kanya tapos alam naaa baka magka-issue pa tungkol sa amin syempre ayoko naman ng ganon sis.






"You're so rude the last time na nagkita tayo, hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan mo." imbes na inis dapat yung tono ng pagsasalita nya dahil sa ginawa ko mukhang kabaligtaran pa yata dahil nakangiti lang sya habang nagsasalita. Buti pa sya laging good vibes ang itsura samantalang ako papalapit pa lang baka matakot ka na.






Sa atat kong umuwi that time hindi ko na nagawang magpakilala sa kanya at ano ba naman kase ihing-ihi na rin ako non. Mas lalo naman sigurong nakakahiya kung magpapasama pa ako sa kanya sa comfort room diba kaya tiniis ko na lang 'tong pantog ko hanggang sa bahay. Tbh natatakot din ako kay Clarke that time kasi naman hindi ko sya kilala kaya hindi ako basta nagtiwala no kahit pangalan ko ayoko agad ipaalam sa kanya.




Nakakatawa, he introduced himself again gaya ng ginawa nya noon and this time raw I will introduce myself as well. He also offered me his hand para makipagshake hands.




"So pano ba 'yan Shamina we're not strangers anymore kaya pwede 'wag ka nang matakot sa akin? Natakot ka siguro lalo dahil sa beard ko, sorry 3 weeks na kasi akong hindi nakapagshave. I have no time for it dahil ang dami kong inaasikasong requirements." gusto kong sabihin na okay lang dahil gwapo pa rin naman sya kahit may beard. Mas nakakatakot pa si Tristan kesa sa kanya eh. Teka nga, himala yata hindi ako binulabog ng kumag na yun ngayon?






"Dahil hindi na tayo strangers dapat tayong mag-celebrate! At syempre libre mo!" sigaw nya. Grabe nakakatawa, pati yung way ng pagkilos nya may something talaga eh.




"Ang kuripot mo naman, ikaw dapat yung nanlilibre no. By the way, um-order na 'ko. Hindi ako mahilig sa inuman ha kaya don't dare na pilitin akong painumin."




Tumawa sya dahil napakasimple ko naman daw compared sa mga girls na kilala nya. Kaya ko naman uminom no pero ayoko lang nung nagpapakalasing masyado at hindi ako mahilig sa mga matatapang na alak na iniinom ng mga boys, tamang wine lang ganern basta ladies drink at syempre the most important thing is kilala mo kung sino ang mga kasama mo sa pagwawalwal, okay sa akin kung mga friends ko yung kasama pero kung ibang tao hay nako teh ekis na.




"Mukha ba akong clown? Bakit parang tawang-tawa ka sa akin?" biro ni Clarke sabay bitaw sa phone nya na kanina pa nya hawak. "Ang kuripot mo kase, next time ako naman ilibre mo."




"Sure! Ang liit na bagay naman nyan. Libre lang ba talaga gusto mo? Kahit araw-araw pa kitang ilibre that's okay." pero kanina parang ang kuripot nya umasta, ako pa talaga ang gusto nyang manlibre ha ang gulo naman nito.






"Ililibre kita in one condition, you'll be treating me as your friend from now on."






"Ha?!!!"






Nagtaka ako sa sinabi nya. Hindi ba parang ang desperado nyang magkaroon ng kaibigan? Wala ba syang friends dito sa Pilipinas?






After that nag-start na syang magkwento. Parang ang gaan naman ng loob nya sa akin to the point na kahit mga things na hindi naman dapat ikwento sa akin (I guess) eh nakwento na nya. So, ayon nga raw at wala pa syang halos na kilalang tao dito sa Pilipinas dahil most of his friends and relatives nasa Canada na rin. Doon din pala sya lumaki tapos paminsan-minsan lang daw sila bumibisita dito usually for vacation lang. But this time matagal na syang mags-stay dito dahil dito na sya mag-aaral.






"You're my first ever friend here. I know its weird pero totoo 'yan."




Medyo kinilig naman ako don hahahahaha charot.




"Since then sa tuwing uuwi kami sa pinas wala akong ibang kilala kundi yung mga kasambahay lang namin sa bahay. Imagine that lumaki akong ganon." may halong pagtawa yung pagsasalita nya as if parang okay lang sa kanya lahat. Naiinitindihan ko rin naman kung bakit ganon, syempre sa ibang lugar sya lumaki so panigurado majority talaga ng friends nya nandoon.






"Nakakata------








"Is it okay if I consider you as my friend?" ang liit na bagay pero hindi ako agad nakasagot. Okay lang naman sa akin pero bakit parang hindi ko deserve magkaroon ng ganito kagwapong friend saka natatakot din ako sa girlfriend nya baka ako pa yung maging dahilan ng pag-aaway nila soon.






I only gave him a smile. "Ayaw mo ba?" bigla nyang tanong.






Naisip ko tuloy na parang ang lungkot nya sa buhay pag nandito sya, siguro halos hindi na sya lumalabas ng bahay. Pero in fairness ha may sense of humor naman si Clarke kahit papano, ang swerte siguro ng girlfriend nya hay sana all may boyfriend na gwapo na, may sense of humor pa. Naalala ko yung picture nila ng girlfriend nya na nakita ko sa facebook grabe bagay na bagay sila parang wala nang balak maghiwalay.




"H-h-h-h-haaaa? O-o-oo naman. Sure, l-let's be friends." pilit kong sagot. Sige na ngaaa. Wala naman sigurong masama sa pakikipagkaibigan sa kanya diba? Wala naman akong balak na agawin sya sa girlfriend nya no. We're friends and that's it.






*Rrrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnnggggggggggggggg*




"Hello po, Ms. Shane?"




"Shamina, I have good news for you! You'll be meeting your new band members soon. Hindi ko na sila pinag-audition dahil sinisiguro ko namang magaling sila."






Sa wakas! Makakapag-rehearse na kami nang maayos huhuhu.




"Wow!!! That's good to hear! Nasabihan nyo na po ba sila Prince regarding this?"




"Hindi pa nga that's why tinawagan na rin kita para ikaw na mismong magbalita sa kanila. I'll introduce them to all of you as soon as possible para makapag-start na rin kayo ng totoong rehearsal as a band dahil remember malapit-lapit na rin ang competition so better get ready."






Naging abot utak tuloy ang ngiti ko dahil sa balita ni Ms. Shane. May mga bago na naman kaming kampon hahahahaha! Pero sana lang talaga hindi pasaway 'yong mga 'yon no. Kakilala raw ng tita ni Ms. Shane yung nag-refer sa kanila. Buti na lang din at wala nang audition eme, pampasakit lang ng ulo namin 'yon sa totoo lang dahil sa pagkakaalam ko sobrang daming gustong mag-audition so baka abutin pa ng 3 days 'yon if ever.






After nung call agad kong binalitaan yung dalawa regarding sa sinabi ni Ms. Shane, nag-message ako agad sa groupchat namin. Oo tatlo lang kami sa groupchat na 'yon at wala kayong pake hahahaha. Hindi pa rin nag-seen yung dalawa after 10mins. Ano ba 'yan panira ng moment 'to bakit hindi pa sila nags-seen?! Ang saya-saya ko ha ayokong ma-badtrip.






Isa pang nakakabadtrip yung kasama ko kanina na nakaupo lang dito tapos paglingon ko wala na. Aba tumalikod lang ako, paglingon ko wala na sya sis saan kaya yun nagpunta? Nakakainis naman bakit ba lagi na lang akong iniiwan? Mag-isa na naman tuloy ako.




Ilang minuto pa tumawag na sa akin yung delivery boy at ako na ang nagpick-up nung order malapit sa entrance nung park tapos bumalik na lang din ako agad kung saan ako nakaupo kanina.




"Pano na 'to, sino nang iinom nitong beer? Para pa naman kay Clarke 'to bakit kasi bigla syang umalis nang hindi nagpapaalam." *sigh* sabay lapag ng dala kong dalawang box ng fried chicken at isang plastic ng beer. Hay, iuuwi ko na lang siguro 'tong beer sa bahay at kay kuya ko na lang ibibigay.




Mukhang wala na talaga si Clarke. Kanina pa ako lingon nang lingon sa paligid pero hindi ko talaga sya makita. So nagdecide na lang ako na kainin na lang mag-isa 'tong order ko, iuuwi ko na lang din yung tira dahil alam ko naman na hindi ko mauubos 'tong dalawang box ng chicken sa isang kainan lang.




"Who says na pwede kang kumain nang wala ako?" may guy na biglang sumigaw mula sa likuran ko, hindi ko na lang sana papansinin 'yon pero mukhang ako yata ang tinutukoy nya dahil wala naman ibang tao na kumakain bukod sa akin. Paglingon ko nakita ko si Clarke na papalapit at may bitbit na isang malaking plastic bag. Saan kaya nanggaling 'tong isang 'to?




Hindi na sya nagsalita ulit hanggang sa makalapit sa kinaroroonan ko. Food pala yung laman nung malaking plastic bag na bitbit nya, nagulat ako dahil sobrang daming food na laman nung plastic bag parang good to 8 to 10 persons na yata. May boodle fight ba? May bisita ba syang darating?




"Teka, saan ka galing? Anong meron?" clueless pa rin ako this time, nakatingin ako sa bawat food na nilalabas nya galing sa loob nung plastic. Tinulungan ko na rin si Clarke sa paglalabas nung food. "I told you na magc-celebrate tayo diba? Since we're friends from now on kaya eto. I don't know your favorite food kaya ayan nag-order na lang ako ng sa tingin ko magugustuhan mo." wow talaga namang ang sweet, ehem!!!! Baka ma-fall ako nyan hahahaha. Kaya pala bigla syang nawala kanina dahil siguro dito. Kulang na lang bilhin nya yung buong restaurant sa sobrang dami ng binili nya.




"Halaaa! Parang sobrang dami naman yata ng binili mo? Seryoso ka tayong dalawa lang uubos nito?" tanong ko habang pasimple nang kumukurot sa lechon kawali na hawak ko. One of my favorites kasi 'to.












"Yes, of course! Magpapakabloated tayo!" sigaw nya na may halong pagtawa pa sabay nakipag-apir sa akin. "Pwede naman nating 'tong ituloy sa bahay if you want?" dagdag nya. Haaaa? Ano raw? Grabe ang dumi ng utak ko, eto napapala ko kakanood ng mga kdrama eh! Hindi ko alam kung namisinterpret ko lang ba or what yung sinabi ni Andy or ganun talaga yung ibig nyang sabihin? Pinawisan ako nang malamig dun ha.








*gulp*






Hoy Shamina 'wag ka ngang ano dyan. Pati kaibigan mo pagnanasaan mo ha very wrong 'yan. Porke hottie at cutie si Clarke ganyan na ba dapat kong isipin pag ganun sinabi nya? Kanin na lang kulang sis hahahahaha charot.




"I mean, we can continue eating at home. Dalhin na lang natin sa bahay yung mga leftovers. Isa pa malapit na rin namang maglunch time so sabay na lang tayong kumain ng lunch sa bahay. "






"Ah-h-h-haaa? Ah, oo."








"Bakit, ano ba sa tingin mo?" parang iba yung tono ng pananalita ni Clarke this time konti na lang matatawa na sya. "Haaa? Uy wala ha." agad kong sagot. Tumawa sya at sinundan ako ng tingin na parang may paghihinala. Medyo yumuko ako pero pinilit nya rin na iyuko ang ulo nya para silipin ang itsura ko. Ano ba kase bakit ang dumi ng utak ko.






Biglang naningkit yung mga mata nya feeling ko tuloy baka may something na 'to na iniisip about sa akin. "Kumain na nga lang tayo baka lumamig pa 'tong pagkain."




Natahimik na naman ako gaya ng kanina at si Clarke na naman ang walang sawang nagsasalita. Kung sya nag-enjoy sa pagsasalita, ako eto naman enjoy na enjoy sa pagkain. Susulitin ko na today ang pagiging patay gutom syempre libre eh.




"Mahilig ka rin pala sa bike ride no? Pareho pala tayo." napatingin sya sa bike ko na nakasandal sa gilid ng bench.




I nodded while having a bite sa hawak kong chicken wings. "Ngayon ko na lang ulit nagamit 'yan, medyo busy na rin kasi ako sa school ngayon kaya hindi ko na nagagamit araw-araw saka malapit lang naman ang house namin dito sa park so keri na rin na bike lang ang gamitin papunta."




"Wow, really?! Nakatira lang din ako malapit dito. Let's have some bike ride soon." he was like being excited na makasama akong mag-bike next time. Mas okay 'to sa akin dahil hindi na ako mabuburo sa bahay maghapon during weekends no. Isa pa, mukha naman talagang mabait si Clarke so hindi ko totally iniisip na kinakaibigan nya lang ako for some purpose. Although I admit na he's super duper really handsome, hindi ko rin naman sya kinaibigan because of his looks. Ang sisiguraduhin ko na lang this time is hindi maging super clingy sa kanya dahil may girlfriend sya at ayokong maging dahilan ako para mag-away sila.














END OF SHAMINA'S POV


















THIRD PERSON'S POV














While having their food and enjoying the view of the park, naisip ni Shamina na magtanong kay Clarke about his past experiences in his music school in Canada at ganoon din si Shamina, nagkwento sya ng past experiences nya sa mga band competitions. Sa kalagitnaan ng kwentuhan nila bigla na lang narealize ni Shamina na pwede palang maging good asset ng banda nila si Clarke dahil nga may past experience ito sa music school so for sure maiaangat nito ang banda nila sa mga competitions na gaya ng pinaghahandaan nila ngayon. Kinain nya lahat ng sinabi nya noong unang magkita sila accidentally.












It's too late already.




"You can come over to our house, since magkalapit lang naman siguro tayo ng tinitirhan? Ipapakita ko lahat ng music instruments na meron ako and also I will teach you on how to play them."






Andy was very happy dahil nalaman nya na pareho pala sila ng interest and hobby ni Shamina kaya dapat lang talaga na maging magkaibigan sila. "Birds with the same feather flock together." sabi nga nila sa kasabihan which is somewhat true naman talaga.






"So vocalist ka pala ng band. Sample naman dyan oh." pabirong sabi ni Clarke kay Shamina sabay hinawakan ang phone nya at parang ginawa iyon na microphone at inabot nya kay Shamina. "Ayaw mo? Bahala ka ako kakanta dito."






Although hindi pa napanood ni Shamina yung mga song covers na uploaded sa facebook account ni Clarke, assumed naman na nya na maganda ang boses nito pero the way na kumanta sya ngayon sa harap ni Shamina para syang sintunado at may pagka-lasing ang tono ng boses.






"Uy tumigil ka nga, pinagtatawanan ka na ng mga tao." saway nya kay Clarke pero maski sya natatawa na rin sa pinapakita nito na sintunadong pagkanta with matching hand gestures pa.








"You brighten my day




Showin' me my direction


You're comin' to me


And givin' me inspiration


How can i ask for more


From you my dear


Maybe just a smile in your h----








"Shaminaaaaaa!" biglang napalingon pareho yung dalawa sa taong sumisigaw sa likuran.






O o O






Papalapit si Tristan sa kanila ni Clarke habang nakakunot ang noo. Nagtataka naman si Shamina kung paano nalaman ni Tristan kung nasaan sya. "Teka, paano mo nalaman kung nasaan ako?" tumayo si Shamina at sinalubong si Tristan sa paglalakad habang si Clarke naman naiwan na nakaupo pa rin sa damuhan at nakatingin lang sa kanilang dalawa. Parang mananapak ang itsura ni Tristan kaya biglang natakot si Shamina. Takot ka ghorl? Hahahaha. charot






"Who's this guy?" bungad agad ni Tristan nang makalapit si Shamina. Pilit nyang sinisilip si Clarke. "H-h-h-ha? U-uhm."






"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan? Who are you na bigla na lang sumusulpot dito?" tumayo na rin si Clarke at nilapitan yung dalawa na nakatayo malapit sa gilid nya. This time pareho na silang nakakunot ang noo ni Tristan. Sapakan na ba kasunod nito?






"We have to talk, I have something to tell you." Tristan suddenly grabbed Shamina's left wrist, medyo pabigla nyang hinawakan 'yon kaya naman nagulat si Shamina sa ginawa nya. "Teka nga, nasasaktan ako. Ano ba 'yon bakit hindi mo pa dito sabihin? Nakikita mo naman na may kasama ako diba?" pilit na tinatanggal ni Shamina sa pagkakahawak ang kamay ni Tristan pero consistent pa rin sa higpit ang hawak nya.




"Tristan, teka lang naman. What's wrong with you? Ano bang problema mo? Sabing nasasaktan nga ako, ano ba?!" Shamina was already shouting. Again, consistent pa rin talaga yung higpit ng hawak ni Tristan sa wrist nya parang nagpupumilit sya na isama si Shamina sa kung saan.




"Is there something wrong? Hindi ka ba nakakaintindi? Sabing nasasaktan sya diba?" naawat lang si Tristan nang biglaan nang hatakin ni Clarke si Shamina palayo sa kanya. Mas lalong uminit at naging intense ang pangyayari nang lalo pa nyang sinamaan ng tingin si Tristan hanggang sa nagkatitigan silang dalawa. "You're acting strange, bro. Parang hindi naman siguro tama na sumugod ka dito at pilitin mo yung tao na makipag-usap sayo kung ayaw naman nya. Isa pa, babae 'yan no. I'm gonna call the security guard kung hindi ka pa aalis."








------------------------














SHAMINA'S POV
















Balak pa yata talagang gumawa ng gulo ng kumag na 'to dito, sa totoo lang ako yung nakakaramdam ng hiya para sa ginagawa nya. Natakot ako bigla nung hawakan nya nang mahigpit yung wrist ko, it's like parang sapilitan nya akong sinasama para makipag-usap sa kanya. Papayag naman ako dapat na makipag-usap but the problem is hindi ko agad nagustuhan ang pinakita nyang ugali pagdating pa lang dito. Nahihiya rin ako kay Clarke dahil all of a sudden mapapasabak na naman yata sya sa gulo.






"I have no time for this. Si Shamina ang kailangan ko." aba ang yabang ni kumag at nakapamulsa pa habang nagsasalita. Lalo pang lumapit si Clarke sa kanya wearing his evil eye look, aba isa pa 'to. Parang walang gustong magpatalo sa kanila hangga't walang sapakan na nangyayari.






"Hay, sige naaa. Sige na Tristan, mag-usap na tayo para matapos lang 'to. Ano ba guys umayos naman kayo nasa public place tayo oh." pumagitna na ako dahil hindi ko na gusto ang nangyayari. I was about to also tell Tristan na medyo lumayo na lang kami ng kaunti kay Clarke dahil baka personal matters ang sasabihin nya kaya hindi nya nasabi agad kanina yung dapat nyang sabihin dahil nahihiya siguro dahil nakita nya na may kasama akong ibang tao. Pero when I was about to tell that, pinigilan naman ako ni Clarke . "Are you sure na kaya mong makipag-usap nang kayo lang dalawa?"




Tumango lang ako at saka ko na dahan-dahang tinulak si Tristan papunta sa isang bench na katapat lang ng bench na sinasandalan ng bike ko. "Oh ano na naman? Nandito ka na naman kung nasaan ako, stalker ba kita?" I rolled my eyes. Eto na naman ako sa pagtataray ko.






Nakatingin lang sya at hindi nagsasalita. Wow ha titigan challenge yata ang gusto nya, grabe makatingin parang may nagawa akong kasalanan. "Akala ko ba gusto mo akong makausap? Ngayon naman na kaharap mo na 'ko ayaw mong magsalita, ano ba talaga?"




"Hoy, ano na?! Magtititigan na lang ba tayo dito?"




Nakatingin pa rin sya at hindi nagsasalita. "Hoy!" ayan tuloy at nabatukan ko na sya nang 'di oras.




"Araaaaaaay!"






-______-






"Let's have lunch or picnic somewhere, I want to go out with you."






"Ha?" seryoso ba 'tong si Tristan? Gusto kong kiligin sa sinabi nya kaso grabe lang akala ko sobrang importante naman ng sasabihin nya kaya kung maka-asta sya kanina parang kailangan nya ng buong oras ko para makipag-usap kaya ganun na lang din sya makatingin kay Andy na parang naghahamon ng away.






"Ha? Anoooo?!"






"Ang bingi mooo I said I want to go out with you! Gusto mo tagalugin ko pa?" sigaw nya, siguro narinig ni Clarke 'yon dahil napatingin sya sa amin. "Bakit ka sumisigaw?" tinaasan ko sya ng kilay pero deep inside malapit na akong kiligin. Kalma self, bawal ka nga palang kiligin kay Tristan.






"Don't worry wala akong gagawing masama sayo kakain lang tayo. Or gusto mo na isama ko pa si Calvin para may chaperon ka?"






"Teka, tama ba narinig ko? Your taking Shamina with you kahit na alam mong kasama nya ako?" sumabat naman si Andy at lumapit sya kung nasaan kami ni Tristan. Napatingin ako sa kanya, sobrang serious ng face but still gwapo pa rin. Mukhang kailangan ko na namang pumagitna para magcool down sila pareho.






"Sino ba kasi 'to Shamina? Bakit ba sabat sya nang sabat?"




"Sino ka rin ba? Boyfriend ka ba ni Shamina?"






Nakakaloka yung tinginan ng dalawang 'to parang makukuryente ka pag pumwesto ka sa gitna nila. So, ano to pinag-aagawan ba nila ako? Naks, ganda ko rin talaga. Alam ko namang maganda ako pero please lang 'wag nyo naman akong pag-agawan enebe.






Ire-relate ko na naman 'tong nangyayari sa mga kdrama na napapanood ko, yung tipong pinag aagawan ng first and second lead guys yung leading lady ganon? Syempre yung leading lady dapat maganda, at ako 'yon! Wahahahaha.




Pabigla akong hinawakan ni Clarke sa braso at ganun din si Tristan sa kabilang side. "Let's go, Shamina." halos sabay pa nilang nasabi. Hindi ko na rin talaga alam kung anong nasa utak ng dalawang 'to hay nakakastress! Kapag nasa eksena talaga si Tristan hindi pwedeng hindi kami pagtitinginan ng ibang tao eh. Kung hatiin na lang kaya nila sa gitna 'tong katawan ko para mas masaya.






Pabalik-balik yung tingin ko sa kanilang dalawa na nasa magkabilang gilid ko, wala na namang gustong magpaawat. Hmmm, I have a brilliant idea.






"Guys kalma, ako lang 'to." sabi ko na lang sa isip ko. Wow ha ang kapal ko.








---------








"Ganito na lang, magpicnic na lang tayong tatlo dito. The more, the merrier diba?" medyo pilit ang ngiti ko pero eto lang talaga yung idea na nagpop-up sa utak ko na sa tingin ko makakasolve nitong problema. "Okay, good idea. Oorder na lang ako ng extra spicy ramen online para naman may ambag ako. Meron ba sa inyo na hindi mahilig sa spicy food?" sabi naman ni Tristan habang nakatingin pa rin kay Clarke ang mga mata nya. Parang may gusto syang palabasin kaya nya kami tinatanong ng ganon.






"Baka ikaw?" ngumisi si Clarke na parang nang-iinis. "H-haaa? Ako? Hindi no, I love spicy food at alam ni Shamina 'yan. Diba Shamina?" nauutal pa habang nagsasalita si Tristan, pati ako dinamay pa nya. Wala akong alam sa sinasabi nya no.






"Wala akong alam dyan." naupo na ako ulit sa pwesto ko kanina at naiwan yung dalawa na nakatingin pa rin nang masama sa isa't isa. Bahala sila dyan basta ako kakain dito.






Susunod naman din pala sila sa akin kapag umupo ako, dapat kanina ko pa 'to ginawa eh.








"Paano mo nalaman na nandito ako?"








"Hindi na mahalaga kung saan at kanino ko nalaman, ang importante nandito ako." tsk as if naman gusto ko na nandito sya no, nadagdagan na naman ng puting buhok yung ulo ko nung dumating sya kung alam nya lang hay. "Stalker pala 'to eh!" sabat ni Clarke.






Nagtinginan na naman sila ni Tristan kagaya ng kanina.






"Hep! Tumingin ka nga sa left side mo Tristan, ikaw naman Clarke sa right side ka tumingin. Please lang tumigil na kayo ha kundi bibigyan ko kayo ng tig-isang kutsilyo dyan." kasabay non magkasunod kong pinihit yung ulo nung dalawa para hindi na sila magkakitaan pa.






Tristan > Me < Clarke






Ganyan ang pwesto namin habang nakaupo. Nakagitna ang lola nyo syempre mahirap na baka biglaan na lang magsapakan 'to kapag pinagtabi ko sila. Hindi ko rin gets kung bakit sila ganyan, parang mortal na magkaaway na agad ang turing nila sa isa't isa kahit this is the first time pa lang na nagkita sila. Ang weird.








Few minutes passed at dumating na rin yung order na ramen ni Tristan. Busog na busog na ako kaya hindi na ako kumain pa. Dito pa lang sa biniling pagkain ni Clarke quota na tiyan ko sis may natira pa nga eh. Gusto mo? Luhhh asa ka! Hahahaha




"Anong ambag nito?" tumuro sya kay Clarke Ngumunguya pa sya habang nagsasalita, hindi nya alam na yung food na kanina pa nya kinakain eh si Clarke ang bumili tapos ang lakas ng loob magtanong kung anong ambag nya. "Nakikita mo 'yang kinakain mo? Si Clarke ang bumili nyan pati ng lahat ng 'to." natigil sya sa pagkain at napatingin sa mga nakalapag na food. Napayuko sya pagkatapos na parang hiyang-hiya sa nalaman nya. Expect ko na rin naman na ganun ang gagawin nya. Kalahating plato na nga ng carbonara ang nakain nya ngayon pa ba sya mahihiya.








"Nahiya ka pa, parang pati plato gusto mo na ring kainin eh." sabay kaming nagtawanan ni Clarke. Totoo naman eh parang gutom na gutom 'tong kumag na 'to tsk nagpunta lang yata sya para makikain "Hindi ako kumain sa bahay bago umalis, alam mo ba 'yon? I wanna go out with you pero ang ending may asungot pala na e-eksena."






"So kasalanan ko ganon?" tinaasan ko sya ng kilay pero hindi nya nakita dahil nakabaling na naman ang tingin nya kay Clarke. Again, nagkasamaan na naman sila ng tingin pero this time bahala na sila sa buhay nila magsapakan na sila kung gusto nila sigeee hindi na 'ko aawat. Charot.






Nagbukas ako saglit ng mobile data sa phone para tingnan kung nag-seen na ba yung dalawa doon sa chat ko pero wala pa rin talaga kahit isa. Ano bang plano ng dalawang 'yon today? Ang busy naman yata nila.






Nagpop-up na lang bigla yung name ni Clarke sa notifications ng phone ko. He sent me a friend request on facebook and a follow request on twitter and instagram. Napatingin tuloy ako agad sa kanya nang makita ko 'yon pero he was busy eating ramen at ganon din si Tristan, may tinginan factor pa rin na nagaganap sa kanila.






"You're not going to eat?" tanong ni Tristan. Nakatingin ako sa phone ko dahil sa busy sa pag-accept ng friend at follow request si inday pero alam ko nakatingin sa akin si Tristan habang kumakain, hindi ko sya nilingon. "Ang dami ko nang nakain kanina hindi ko na alam kung may pwesto pa 'yan sa tiyan ko pag kumain pa ako ulit."






Parang gusto ko tuloy uminom ng tea or any drink na makakapagpababa ng kinain ko, sobrang bloated ko na hindi na ako makahinga nang maayos. "Let's have some tea after. May alam akong tea house dito na malapit lang sa park." parang nabasa na naman ni Clarke kung anong iniisip ko. Ang galing nya paano nya kaya nalalaman 'yon no.






"I want to join." nakataas pa ang kamay ni Tristan na parang gustong sumagot sa recitation sa class. "Inalok ba kita?" sagot naman ni Clarke.






Ang kukulit ng dalawang 'to mas okay pa yata na nag-stay na lang ako sa bahay today. Okay na kanina eh payapa na buhay ko kaso biglang nagulo nung dumating sila. Konti na lang ang natitirang pasensya ko sa totoo lang.








Nag-decide ako na umuwi na lang sa bahay instead na sumama kay Clarke. Alam ko rin naman na magpupumilit sumama si Tristan at baka ma-stress lang ako nang tuluyan. Para kasi silang nagpapaligsahan na dalawa kahit hindi naman kailangan. Pareho naman silang gwapo so no need for that. Hay, ewan ko ba. Pati ang pag-uwi ko sa bahay pinoproblema nila, una akong inalok ni Clarke na umangkas sa motorcycle nya pero nahihiya kasi ako at isa pa first time kong aangkas sa motorcycle na hindi si kuya ang magd-drive at kung aangkas man ako etong bike ko saan ko ilalagay aber? Syempre pwede bang magpatalo si Tristan? Todo alok sya sa akin na sumabay na sa kotse nya pauwi. Nabuhayan ng loob si bakla nung narinig nyang tumanggi akong sumabay kay Clarke. Ang ending tumanggi rin ako sa kanya. Mas pinili ko na lang na sumakay sa bike ko pauwi tutal saglit lang naman ang kalbaryo ng pagpadyak dahil malapit lang naman 'to sa bahay.










-----------








Malayo pa lang ako tanaw ko na yung color white na car na nakapark sa harap ng bahay, not familiar kung kanino 'yon. Baka sa kapitbahay lang kaya hindi ko na pinansin.






Papasok na sana ako sa gate nung matigilan ako dahil may biglang bumaba doon sa car. "Mommy?" yes si mommy nga. Mukhang nakainom pa yata sya ano ba 'yan ha ang aga nyang lasing.








Agad ko syang inalalayan sa paglalakad "Mom saan ba kayo galing? Sinong naghatid sa inyo?" nagtataka ako kung kaninong car yung naghatid sa kanya dito bakit hindi man lang bumaba yung driver para tulungan syang pumasok sa loob ng bahay.










*vomits*








"Tita okay lang po kayo?" nagulat ako nang lumabas si Tristan mula sa driver's seat. "Ano na namang-------








"Ikaw na naman?" napabaling ang tingin ko sa guy na lumabas mula sa gate ng house na halos katapat lang ng bahay namin. Andy was holding 2 garbage bags in his both hands habang nakatingin kay Tristan. May pagtanggal pa ng sunglasses si kumag aba ang angas. Mukhang may part 2 pa yata na magaganap.








Pero wait, dito rin pala nakatira si Clarke? Halos katapat lang pala ng bahay namin. So sya siguro yung matagal nang kinukwento lagi ng kasambahay dito na anak ng may-ari na laking Canada na sobrang dalang lang umuwi dito sa Pilipinas dahil busy daw sa studies kaya hindi na rin sya nakakasama sa parents nya minsan kapag umuuwi dito. Sobrang yaman siguro nila? Balita ko kasi may fastfood business sila na marami na raw branch sa iba't- ibang bansa pero kung titingnan ko si Clarke ngayon parang hindi naman sya ganun ka-showy sa pagiging mayaman nya.








"Clarke, dito ka rin pala nakatira? What a coincidence ha dahil magkatapat pa talaga tayo ng bahay." sabi ko habang naka-alalay pa rin kay mommy sa paglakad. Ang liit nga naman ng mundo hindi ko akalain na dito kami ulit magkikita.








"Look what I am seeing now. I can see two handsome faces, nak. Nasa langit na ba ako?" pabalik-balik ang tingin ni mommy kina Tristan at Clarke habang tumatawa. Nilapag ni Clarke yung dala nyang garbage bag sa tabi at mukhang lalapit pa yata sya para tulungan akong ipasok si mom sa loob ng bahay pero pinigilan ko na sya agad. Kay Tristan na lang ako nagpatulong tutal sya naman 'tong nang-istorbo kanina kaya kailangan ko rin syang istorbohin ngayon.








Pagdating namin sa living room nagsuka na naman si mommy saktong-sakto pa sa damit ni Tristan kaya umakyat ako agad sa kwarto ni kuya para ikuha sya ng pamalit na damit.








O.O








Look what I am seeing now. Mukhang pareho na yata kaming nasa langit ni mommy. Nasa hagdan pa lang ako pababa nakita ko nang nakatopless si Tristan so kunwari nagtakip ako ng mata ganon para hindi obvious. Pero in fairness ha grabe ang pandesal nya sis, kanin na lang talaga kulang. Medyo nagslowmo pa sa paningin ko yung pagpupunas nya ng pawis sa katawan jusq ang ineeet wait lang naman hindi ako makahinga. "Hoy sinong nagsabi sayo na magtopless?" bungad ko. Medyo nauutal pa ako sa pagsasalita hay buti na lang at pagbaba ko tulog na si mommy sa couch.








Nakatingin sya nang masama sa akin sabay hablot ng dala kong shirt. Problema nito? "Tumigil ka na sa pagpapanggap alam ko nakita mo akong nakatopless kanina pa."








Sa tagal ko nang nagpapanggap ngayon lang ako pumalpak. Sa pagiging laging okay lang kasi ako magaling magpanggap eh, sorry.






"Masaya ka na dahil dito rin nakatira yung Clarke na 'yon?"






"Ha?"








Bakit kay Clarke naman bigla napunta yung usapan? Parang pinapangunahan ako ni Tristan sa dapat kong maramdaman dahil sa nalaman ko, eh ano naman sa kanya kung masaya ako na kapitbahay ko si Clarke? This past few days parang pansin ko na ang sensitive ni Tristan pagdating sa akin lalo na nung may nagbigay sa akin ng flowers talagang inis na inis siguro sya. Nagseselos ba sya? Or talagang bitter lang dahil wala syang lovelife? Basta he's acting weird, kahit sila Andrea napansin nila 'yon.








"Inggit ka lang dyan dahil close na kami ni Clarke!" sinimangutan ko sya saka nilapitan si mommy at dahan-dahan ko syang tinanggalan ng sapatos at medyas.








*dinggggg dongggggg*








Kasabay ng tunog ng doorbell ang pagtunog din ng phone ko. May nag-chat sa akin sa messenger.








Huh? Si Clarke?






"I have something for you. Meet me outside."






May kasunod na picture yung chat nya. Parang soup? Sinigang ba 'to? Basta may sabaw sya.






Sumilip ako sa bintana, nakita kong nasa labas na ng gate si Clarke at kumakaway sa akin. "Oh sinong sinisilip mo?" tanong ni Tristan saka ko sya nilingon. "H-h-ha?"






Bumaling ulit ang tingin ko sa bintana, kainis hindi ako makalabas dahil baka sundan ako nitong si Tristan at magkita na naman sila ni Clarke.






"Sya na naman?!" pagtingin ko sa likuran ko nandoon na si Tristan at nakikisilip na rin.






Alam kong nakasilip pa rin si Tristan sa bintana hanggang sa makalabas ako ng bahay. Dinaig pa cctv sa bilis ng mata. "Busy ka ba tonight? If you're not, you can come over later, may ibibigay ako sayo." wearing a smile in his face, Clarke also offered me a pair of pot holder dahil medyo mainit pa raw yung soup so baka mapaso ako. Sakto dahil wala rin akong dalang pot holder pagkalabas ko sa bahay.






"Tonight? Uhm." naalala ko na tutulungan ko palang magluto si mom ng dinner mamaya dahil maaga siguro makakauwi si kuya dahil weekend. Wala naman talaga dapat syang work during weekends but it just so happened that kapag urgent talaga kailangan pa rin nyang pumasok para tapusin kung ano man yung dapat tapusin kaya ayun. Hay ewan ko ba bakit yung mga colleagues nya naman na kilala ko halos lahat may girlfriend na, sya na lang talaga yung wala eh. Ang tagal ko nang gustong magkaroon ng sister-in-law no!






Sorry, talagang poot na poot na ako sa kapatid ko dahil hanggang ngayon wala pa rin talaga syang girlfriend, ako yung mas affected eh hindi sya. Relate kasi ako ano ba kasi naman official member na naman po ako ng SNMMAP (SAMAHAN NG MGA MALALAMIG ANG PASKO)






Anyway, balik tayo dito kay Clarke.








"Is it okay if ngayon na lang? I have something to do later eh, sorry. Saka ano bang ibibigay mo? Pwede bang dito mo na lang ibigay?"






"Basta. Don't worry it won't take long. Shall we go now?"






Medyo nag-doubt ako sa sinabi ni Clarke. Isasama nya ako sa loob ng bahay nang kami lang dalawa? Eraseeee. Hindi naman siguro ganun si Clarke sa gaya ng iniisip ko.






"Natatakot ka? Don't worry wala akong gagawin sayo, matutuwa ka dahil meron din akong ipapakilala." nilapag ko muna yung pot ng soup sa table na malapit sa shoe rack saka na ako naglakad papunta ulit sa gate.






"I-------








Bigla akong hinawakan ni Tristan sa braso dahilan para mahinto ako sa paglakad palabas. When Clarke saw it, agad din naman syang lumapit at saka hinawakan naman ako sa kabilang braso. Para na naman akong pinag-aagawan.








"What do you think you're doing?" Tristan had his killer look again, ang serious ng face then may something na pagkamaangas yung aura nya. Si Clarke naman parang nakangisi lang pero serous din ang face pero nakatingin sya kay Tristan. "Ano bang problema mo?"












THE WORLD WAR 3 OFFICIALLY STARTS NOW.










CHAROT!












END OF SHAMINA'S POV














-----------






Happy new year, everyoneeee! I hope each of you enjoyed the holidays together with your loved ones ♥️ Cheers for a blessed 2021! :))) Praying that 2021's gonna be a year of hope and healing. Sana bumalik na lahat sa normal. Stay safe always! :)

Btw, sinipag na naman si author ngayon kaya may new chapter na naman tayo hahahaha. New year na kase ano ba at new year's resolution ko ang magsipag. Magsipag sa paglafang ng food hahahahahahahaha! Joke 'yon tumawa naman kayo XD


PS.

Already working on Chapter 8, see you on my next update! Probably this january ko sya balak i-publish so I'm asking again for your great patience guyseu 😅 Although hindi ko mapapangako pero gagawin ko talaga ang best ko para sipagin pa lalo sa pag-update. Happy new year again my beloved readers! Mwa 😘


Lovelots,

MaykiChn ^^










READ.














VOTE.














COMMENT.










RECOMMEND.


















BE A FAN.




















♥️

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...