The Good Between Bad

By Celestine_Jade

790K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... More

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Princess
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 6

15.9K 623 49
By Celestine_Jade

Nagmamadali akong pumunta sa gym matapos magpalit ng damit. Kanina nagtry-out ako sa track and field at badminton. Opening na kasi para sa registration ng mga club.

Required sa mga scholar ang pumasok sa at least isang club. Sana nga lang makapasok ako. Ang dami kasing magagaling kanina. Sa track and field pangatlo lang ako pero sa tingin ko naman ay maganda ang ginawa ko at kung hindi naman ako makapasa, pwede naman sa volleyball magtry-out ulit. Kailangan ko lang malaman ung resulta bago ako sumubok ulit.

"Maro, How's everything? Did you do okay?" tanong ni Hyacinth habang nakatingin sa pocket mirror niya at nagreretouch. Katabi niya sa kabila si Mimi na nagtetext. Nakaupo kami sa bandang unahan.

Hinihingal akong umupo sa tabi niya. "Okay naman. Sana makapasa ako." Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao sa loob ng gym at try-out palang to para sa basketball team. Nakakagulat. "Nag-umpisa na ba?" tanong ko at binuksan ang bote ng tubig.

"Nope." Sumagot siya habang nilalagay ang make-up sa bag.

"Bakit ang daming tao? Try-out palang 'to ah." Tanong ko.

Humarap si Mimi. "Ganito talaga dito, gurl. Kala mo finals na lagi sa try-out. Mas lalo pang bumongga nung nagchampion sila last year sa intrams. Si Jax ang team captain pero karamihan ng points si Oliver ang nagbigay. He is really good at hindi ako magtataka kung karamihan dito siya ang hinihintay. Kaso lang kahit ga'no ka pa kagaling last year, kailangan parin nilang magtry-out."

Tumango ako at napatingin sa harap nang biglang napuno ng sigawan ang buong paligid. Dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa buong gym.

Isa isang pumasok ang mga player mula sa malaking pintuan sa gilid. Nauna si Jax na may hawak na bola kasunod si Renz. Nakangiti itong tumingin sa paligid. Kitang kita ang bilib nito sa sarili habang pinapatalbog ang bola kasabay ng hiyawan sa paligid. Tinapik ni Jeth ang balikat nito at lumapit sa coach.

Ang iba ang nagjo-jog din palapit pero ang mga mata ko ay may hinanap ng kusa. Ang alam ko magtry try-out din siya.

Limang araw na ang nakalipas simula nang tanungin niya 'ko. Kinakabahan parin ako pagnaiisip ko 'yon. Bumuntong hininga ako habang inaalala ang nangyari. Parang walang nangyari. Nakikita ko siya sa school pero hindi man lang niya ko tinatapunan ng tingin. Parang hindi niya ko kilala.

Humindi ako sa sagot niya. Hindi siya seryoso at nararamdaman ko 'yon. Halata naman. Isa pa, kung totoo man siya sa sinabi niya, tatanggi parin ako. Hindi ako naniniwala. Sino ba naman ang mahhulog agad sa kagaya ko ng ganong kabilis. Wala rin namang makikita sa'kin.

Hindi ako maganda. Plain lang ang itsura ko at ang tanging maganda lang sa'kin ay ang buhok kong itim, bagsak at mahaba. Hindi rin ako mayaman kagaya nila Hyacinth at Mimi.

Wala akong maipagmamalaki kaya bakit ako?

Ngumiti lang siya at tumango. Hindi nga ako sigurado kung ngiti 'yon dahil umangat lang ung gilid ng labi niya. Nailang ako pagkatapos non hanggang sunduin na siya ni Oliver pero bago siya umalis ay nagpasalamat siya at sinabing pag-isipan ko daw.

Sa tingin ko walang dapat pag-isipan.

Isa pa, nung oras na sinabi niyang isekreto ang lahat, may iba na talaga.

"Grabe ang gwapo ni Kuya."

"Sino dyan?"

"Yung number fourteen." Napatingin agad ako sa dalawang nag-uusap sa unahan namin. Ang numerong 'yon ang suot ni Seven.

Tumawa yung isa. "Yan kaya ung kanina ko pa tinitignan. Ano kayang pangalan niya?"

"They're freshmen." Bulong ni Hyacinth at umismid. "Mga bago lang ang hindi nakakakilala sa kanya."

Tumango ako at tumingin sa court. Bigla namang kumabog ang dibdib ko nang makita si Seven na nakatingin sa direksyon namin, specifically sakin. Nag-iwas ako ng tingin at kunwaring may hinahanap sa bag.

"Maro, Bes." Bulong ni Mimi na nilapit ang sarili sa'min. "Tumingin dito kanina si Seven."

Nag-cross leg si Hyacinth at naghawi ng buhok. "I know. Napatingin pa nga siya sa'kin."

Mabilis na nag-impit ng tili si Mimi. "Kinilig ka no, bes. Ayiiiee. Naku baka magkapart two ang confession of love sa pagitan niyo." Sumama ang tingin ni Hyacinth sa kanya at lihim namang napataas ang kilay ko.

"Ewww! Kilabutan ka nga, Mimi. Gusto mong sapatusin kita dyan?"

Ngumiwi ito. "Anong masama? Boto lang ako sa ship ng OTP niyo."

Walang nasabi pabalik si Hyacinth at tumingin nalang sa unahan. Ako rin ay napatingin sa unahan. Nag-uumpisa na ang laro at patuloy sa paghihiyawan ang mga tao pero ako ay nanatiling tahimik.

Parang nawalan ako ng ganang manood sa hindi malamang dahilan habang nakatuon lang ang mga mata ko sa iisang player.

Nagpunta kami sa cafeteria pagkatapos. Malapit na kami sa pinto nang may bumunggo sa balikat ko mula sa likod kaya nabunggo din ako kay Mimi. Ang isang pamilyar na likodlamang ang nakita ko na nagdire-diretsong naglakad hanggang makapasok sa pinto.

"How rude of him! Hindi man lang nagsorry. Bastos talaga." Naiinis na sabi ni Hyacinth.

"Okay ka lang ba, Maro." Tumango nalang ako sa tanong ni Mimi.

Dumating si Oliver na nakauniform pa gaya ni Seven. "Maro, pasensya na sa pagbunggo ni Seven. Medyo bad trip lang ngayon ang prinsipe. Chocolate lang ang katapat non." Nakangiti nitong sabi at tumawa.

Umikot ang paningin ni Hyacinth. "Oliver, he should be the one saying sorry and please...he may look like one in physical but he's definitely not a prince."

"Yeah, you're right. He doesn't have an official title but he's close to that. Buti nalang hindi siya mapagmataas."

Si Mimi naman ang tumawa. "Good one, Oliver. Muntik na kaming maniwala."

Nagkibit balikat ito at nagsorry ulit bago pumasok sa cafeteria. Sumunod kami at umorder bago humanap ng upuan. Medyo konti lang ang tao. Siguro nasa kabilang cafeteria o kaya nagtry-try out din.

Sa di kalayuan ay nakaupo si Oliver at Seven. Iniiwasan kong tumingin pero parang magnet siya sa paningin ko. Pasulyap sulyap ako habang tinatanggal sa tray ang spaghetti, iced tea at French fries. Nakakunot ang noo nito habang nagkatingin sa lamesa. Ang isang braso niya ay nakalapat sa lamesa habang pinapaikot sa kamay niya ang cellphone.

May sinasabi si Oliver pero nakayuko lang ito. Umiigting ang panga at matalim ang mga tingin sa lamesa. Napababa ako ng tingin nang tumayo si Oliver para pumila sa counter. Sina Hyacinth ay nag-umpisa na sa pagkain.

Napa-angat ulit ako ng tingin pero agad na nag-init ang mukha ko at tumindig ang balahibo ko dahil nakatingin na siya sa'kin. Pinipigilan ko ang sarili kong 'wag tumingin habang kumakain. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya at kinakabahan ako dahil baka pag tumingin ako ay magtagpo ang mga paningin namin.

"Bes, Seven keeps looking at our way." Bumubulong si Mimi habang patuloy na kumakain. Ayaw pahalata. Malakas ang loob ni Hyacinth na tumingin kay Seven. Napasinghap si Mimi at tumingin na rin ako.

Nakatingin siya kay Hyacinth tapos sa'kin. Ang bigat talaga ng mga tingin niya. Tumayo ito at lumabas. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib at napabuga ng hininga bago bumalik sa pagkain.

"Hi there, Hya." Pare pareho kaming napatingin sa nagsalita. Nakataas ang kilay ni Bianca na nakatingin kay Hyacinth.

Bumalik sa pagkain si Hyacinth. "What do you want, Bianca?" nagtaka ako dahil punung puno ng pandidiri ang pagbanggit nito sa pangalan niya.

"Tsk. Tsk. Tsk." Umiling iling si Bianca at tinukod ang palad sa lamesa. "Bakit ang taray mo sa'kin. Parang di naman tayo magkaibigan dati. Ikaw Mimi? Buti nakatagal ka sa babaeng ito." Sigurado akong may something sa pagitan nilang tatlo lalo na sa pagitian nila Hyacinth.

"Please lang Bianca. Huwag kang manggulo." Sabi ni Mimi.

"What? Bumabati lang ako. "Napangiti ito nang mag-igting ang panga ni Hyacinth. Tumingin ito isa isa samin bago huminto sa'kin. "Hello new girl. I see she hasn't stab you from the back yet."

Mabilis na tumayo si Hyacinth at umingay nang dumausdos ang upuan. Napatayo narin kami.

Matapang niyang hinarap si Bianca at tinaliman ng tingin. "Isn't it too early to bitch out. Baka kung san ka pulutin ng ugali mo, Bianca."

"Well.." humalukipkip ito. "At least I'm being myself and not a back stabbing plastic like you."

Lalong itong nagalit na ikinangisi naman ng isa. "Tama na'yan, bes. She's not worth it." Sabi ni Mimi habang hawak ang braso nito. Napansin kong marami nang tumitingin sa'min.

Pumagitna na 'ko sa kanila. "Ah eh. Pwede bang sa ibang lugar nalang kayo mag-usap ng maayos. Ang dami kasing nanonood eh."

Nawala ang ngiti nito nang tumingin sa'kin. "Ikaw yung nasa llibrary diba? With Seven?" tumango ako at ngumiti ng pilit.

"Tara na, Maro." Sabi ni Mimi. Paalis na kami nang magsalita ulit ito.

"Wait lang. I like to welcome Maro to this school first."

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap pagharap ko. Hindi ko alam kung san siya nakakuha non pero bigla ko nalang naramdaman ang sarili kong napaliguan ng malamig na inumin. May pumatak pa bibig ko mula sa buhok at lasang tsokolate. May narinig akong mga singhap at may nagtawanan.

"You know what they say. Your enemy's friend is your enemy. Good luck dito sa uni. Tata!" iwinagayway niya ang mga daliri at umalis.

"That bitch! Sumusobra na talaga 'yon." Nanggigigil na sabi ni Hyacinth. Mabilis naman akong dinaluhan ni Mimi at pinahiran ng tissue ang damit ko.

Ano ba'tong napasok ko? Ang akala kong magandang experience ko sa school nawawala. Hindi ko inaasahan 'to. Nawala lahat ng iniisip ko at nanatili akong nakatulala.

"Maro, don tayo sa CR." Nakayuko lang ako habang hinihila ni Mimi ang kamay ko. Gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan. Pinahiya ako kanina at tinawanan. First time kong makaramdam ng ganito.

Nag-angat ako ng paningin paglabas namin sa cafeteria. Agad ding nabalik ang tingin ko sa sahig nang makita si Seven na pabalik sa loob.

Pigil ang hininga ko at kinakabahan habang nagdarasal na sana 'wag niyang mapansin ang itsura ko. Laking ginhawa ko nang makita kong lumagpas ang mga paa niya sa'min.

"Wait." Para akong pinagpawisan ng malamig nang marinig ang matigas at mababang boses niya. Parang nagtrabaho ng doble ang puso ko sa pagtibok. Sa sobrang seryoso ng boses niya, nagwawala ang sistema ko.

Nagtago ako sa likod nilang dalawa at nanatiling nakayuko. Pero bakit iniisip ko ang sasabihin niya? Ano ba kung makita niya ko ng ganito.

Nilakasan ko ang loob ko at tumingin sa kanya pero agad na humarang si Hyacinth at humalukipkip. "What do you want, Seven? Pwede ba nagmamadali kami."

"Am I talking to you?" sinilip ko siya. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at nag-igting ang mga bagang. "Move." Hindi na nakapagsalita si Hyacinth dahil sa tigas ng boses nito. Yung tipong kailangan mong sundin lahat ng sasabihin niya.

Umalis si Mimi pero nagmatigas parin si Hyacinth. Alam kong natatakot din siya dahil ramdam ko ang paninigas niya sa kinatatayuan. Hinawi siya ni Seven.

Ano bang gusto niya?

Napasinghap ako naglikot ang mga mata ko nang hinawakan niya ang buhok ko at inamoy.

"B-bakit?"

"Smells like chocolate." Napalunok ako.

Napansin kong nawala ang pagkakunot ng noo niya habang nakatitig at iniikot ikot ang malagkit kong buhok. Ano bang ginagawa niya? Nakakahiya.

Mas lalong lumaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko nang amuyin niya ang leeg ko. Nakarinig ako ng pagsinghap. Gusto ko siyang itulak pero dahil sa sobrang pagkagulat ko, hindi na ko makagalaw at nablangko ang isip ko.

Syete!

Agad ko siyang tinulak at umatras ako. Mabilis kong hinawakan ang gilid ng leeg ko.

"Seven! Walang chocolate bar kaya lollipop nalang ulit." Hindi niya nilingon si Oliver at nanatili ang tingin sakin habang nakapamulsa ang parehong kamay. Hindi rin naalis ang tingin niya sa'kin at ganun din ako sa kanya. Umangat ang gilid ng mga labi niya at nag-iwas ako ng tingin. Lumapit na si Oliver. "Oh, ito na."

"Nah, I'm good." Wala na ang bakas ng pagkainis sa boses niya.

Tinignan ko lang siya ulit nang makasigurado akong paalis na siya. Napakagat ako ng labi dahil sa ginawa niya. Hinaplos ko ang gilid ng leeg ko. Ramdam ko parin ang ginawa niya at hanggang ngayon parang makati at nakakakiliti.

Syete siya! Di-dinilaan niya ang leeg ko?

Continue Reading

You'll Also Like

936K 22.4K 92
Seven rebels with their different stories changed by one broken girl, C who was given a task to ruin the success of others to achieve her own dream...
112K 4.2K 73
COMPLETED The Seven deadly sins Pride, Envy, Wrath, Gluttony, Lust, Sloth and Greed. Salita pa lang nakakatakot na, paano pa kaya in human form? I'...
94.1M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...