Finding Queen Satana

By grasharap

164K 4.8K 264

TITLE: Finding Queen Satana GENRE: Action DATE STARTED: July.27,2017 DATE FINISHED: October.27,2017 OCT.27,20... More

PROLOGUE
[1] ENCOUNTER
[2] Eksena sa Cafeteria
[3] Hellminton
[4] Girl Gangster
[5] Confirmed
[6] Rooftop
[7] Sinok
[8] Of all People
[9] The Who?
[10] New Characters
[11] Stalker
AUTHOR'S NOTE
[12] Sino?
[13] Training
[14] WDM?
[15] In a relationship
[16] Masaya lang
[17] Tears
[18] Heartbreaks
[19] Realized
[20] Rescue
[21] Alaala
[22] Satana Is Back
[23] She's Really Back
[24] Seriously
[25] Nagbabalik
[26] Kilabot
[27] Angel
[28] The coldest season and the frozen water
[29] Hoodlum Bar
[30] Clow Smith
[31] Rocky Smith
[33] Out of Mind
[34] Traitor
[35] Her Plans
[36] Clara Johnson
[37] The Fallen Water and The Bad Weather
[38] Cries
[39] The Black Needles
[40] Picture Frame
[41] Brother?
[42] The Magic Word
[43] Second to the last chapter
[44] Last Chapter
EPILOGUE
A/N:
REQUEST
BOOK 2?

[32] Wild Dragons

2.7K 100 4
By grasharap

Chapter Thirty-Two: Wild Dragons

Third Person's PoV

Humahangos na tumatakbong paika-ika si Stone.

Kailangan niyang makatakas dahil nasisiguro niyang papatayin siya ni Hell oras na maabutan siya nito.

Dahil sa sobrang kapaguran ay bigla nalang siyang napahandusay sa lupa.

Pagod na pagod na siya.

Kailangan niyang matakasan ang mga ito para mailigtas ang kapatid na babae.

Nagulat si Stone nung may humintong itim na sasakyan sa harapan niya.

Paatras siyang gumapang.

Nilamon na siya ng takot.

May bumabang apat na naka-maskarang lalaki.

"Sino sila?"

"Stone." napakunot ang noo niya ng tawagin siya ng isa sa mga ito.

Pamilyar sakanya ang boses nito pero hindi niya mapagtanto kung sino ang may-ari nito.

"S-sino ka?" nauutal na tanong niya habang sapo ng isang kamay ang nagdurugong sugat.

Ngumisi ang lalaki tsaka tinanggal ang maskara nito.

Nanlalaki ang mata ni Stone ng makilala ang lalaking nasa harap niya.

"J-juno Yamamura???" bulalas niya.

"Ako nga." nakangiting kompirma nito. "Its seems, you badly needs my help? Don't you?" naupo pa ito sa harap niya. Yung pwestong nakatukod lang ang mga paa at hindi sumasayad ang pwet.

Napayuko si Stone. Tsaka huminga ng malalim at tumingin muli kay Juno na may galit sa mata. "Hawak ni Satana at Hell ang kapatid ko!" sabi niya dito.

"Alam ko." sabi nito na ikinalaki ng mata niya. "Matagal na kaming nagmamanman sakanila at nakita ko din ang nangyari kanina." lalong nanlaki ang mata ni Stone. "Gusto mo bang tulungan kita?" tanong nitong muli sakanya. Agad siyang tumango kaya napangisi ito. "Sa isang kondisyon." sabi nito.

"A-ano? K-kahit ano." sabi niya agad dito.

"Makikipagtulungan ka samin para sa ganon mapabagsak natin sina Satana, Four Muses at ang gang ni Hell. Para makuha din natin ang kapatid mo sakanila." paliwanag nito.

Napatiim-bagang si Stone at napakuyom ng kamao. "Pumapayag ako. Makikipagtulungan ako sayo." matapang na sabi niya.

Tumango-tango ito bago sumenyas sa mga kasamahan nito na alalayan si Stone pasakay sa kotse.

Dinala siya ni Juno Yamamura sa isang napakalaking mansion sa gitna ng gubat.

Nakakaramdam siya ng kaba pero pinilit niyang umakto ng normal.

Kasalukuyan silang nasa salas at ginagamot ng isang tauhan ni Juno ang tama ng bala sa kanyang hita.

"BOSS." sabi ni Juno pagkatayo nung makita ang kanyang Boss na pababa ng hagdan.

Nagtataka naman si Stone sa itinawag dito ni Juno.

Hindi pa niya nakikita ang mukha ng Boss dahil nakatalikod siya sa hagdan.

"Sinong kasama mo?" maawtoridad na tanong nito.

Huminto ang gumagamot kay Stone at tumayo tsaka yumuko. Maging ang ibang tauhan ay ganun din ang ginawa.

Naglakad papunta sa pang-isahang sofa na katapat ni Stone ang Boss at naupo.

Sa wakas, nakita niya din ang mukha ng Boss na sinasabi ni Juno.

"Siya si Rocky Smith also known as Stone ng Rainbow Hood na mahigpit na kalaban ng Hell's Hood at ngayon kalaban na din ng Four Muses dahil sa pagkidnap sa bunso niyang kapatid." pakilala ni Juno sakanya, napatangu-tango naman ang Boss.

"Ako si Rafael Martin." sabi nito sa kanya ng hindi ngumingiti.

"Siya ang leader ng Wild Dragon Mafia." dagdag pa ni Juno.

"Pagpahingahin niyo muna ang bisita." utos nito sa mga tauhan.

Agad na inalalayan si Stone ng dalawang nakamaskarang lalaki patungo sa ikalawang palapag.

Nang masiguro ni Rafael na wala na si Stone ay bumaling ito kay Juno.

"Bakiy dinala mo siya dito?" agad na usisa ni Rafael kay Juno.

"Matagal ng may galit si Stone sa gang ni Hell, kailan lang, kinidnap niya si Satana at bilang ganti nito sakanya kinidnap din nito ang kapatid niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Gaya ng galit sa mga mata natin." wika nito sa Boss.

"Nakakasiguro ka bang mapagkakatiwalaan ang isang yan?" paniniguro ni Rafael.

Kailangan niya masiguro na tapat ito sa kanila dahil ayaw niyang mabulilyaso ang mga plano niya.

"Opo, Boss. Sinisiguro ko yan." sagot ni Juno.

Tumayo na si Rafael at tinalikuran siya.

Napahinga ng malalim si Juno tsaka umakyat sa ikalawang palapag para makausap si Stone.

KINABUKASAN. Sabay-sabay na nag-almusal ang tatlo sa matataas na miyembro ng Wild Dragons.

"Balita ko, may bago kang recruit ah." sabi ni Clara pagkatapos uminom ng juice.

"Ah, oo. Makikilala mo siya mayamaya lang." sagot ni Juno tsaka kumagat sa tinapay na hawak.

Tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo si Rafael.

"G-good morning." naagaw ang atensyon nila ng bagong dating na si Stone.

"Stone. Maupo ka." utos ni Rafael dito. Gusto niyang makausap ito.

Agad namang sumunod si Stone sa utos at ika-ikang naglakad papunta sa tabing upuan ni Juno.

Napatingin siya sa babaeng nasa tapat ni Juno.

"May babae pala sa mafia na 'to?" Sa isip-isip niya.

"Clara, siya si Stone. Ang bago nating kasama. Stone this is my Girlfriend, Clara." pakilala ni Rafael sakanilang dalawa at hinawakan pa ang kamay ng dalaga.

"Girlfriend pala." sa isip-isip muli niya.

"Si Clara ang pinaka-magaling na assasin sa Wild dragons kaya wag mong mamaliitin yan." nagulat man ay hindi ipinahalata ni Stone sa mga ito.

Pagtingin niya kay Clara ay nginisihan siya nito.

"Nakakatakot din pala ang isang 'to. Pero parang nakita ko na siya noon." kausap niya sa sariling isip.

"Welcome to the family, Stone." bati sakanya ni Clara kaya nginitian niya ito.

"Stone, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Maaasahan ka ba namin sa mga misyon na ibibigay namin sayo?" diretsang tanong sakanya ni Rafael. Napahinto siya sa pagsimsim sa kapeng iniinom kaya inilapag niya itong muli.

"Makakaasa kayo. Gustung-gusto kong makaganti kay Hell at sa gang niya sa pag-agaw nila ng pwesto na dapat ay sa gang ko at kay Satana sa pagkidnap sa bunso kong kapatid." napapakuyom at napapatiim-bagang na sagot ni Stone kaya nagkatinginan ang tatlo.

Napangiti si Rafael sa sinabi nito. Kitang-kita niya ang poot at galit sa mata nito.

"Kung ganon. Bilang unang misyon mo. Gusto kong pasukin mo ang Hellminton University. Ipapasama ko sayo ang iba kong tauhan." utos ni Rafael kaya napangiti sina Clara at Juno.

"Sasamahan ko sila, Boss." prisinta ni Juno.

"Sige." sang-ayon nito kay Juno. "Pero sa ngayon, magpahinga ka muna, Stone. Ikondisyon mo ang sarili mo para bukas. Gusto kong dumanak ang dugo sa Hellminton University."

Napangiti silang apat.

Para kay Stone umpisa na ito nang magandang palabas.

GABI. Nagkayayaang uminom ng konti sina Juno at Stone sa gilid ng swimming pool nitong mansion.

"Wag mo sanang mamasamain, Juno, Pare, paano ka napasali sa Wild dragons?" usisa ni Stone kay Juno. Kakatapos lang niyang simutin ang laman ng beer na hawak niya.

"Mapagkakatiwalaan ka naman hindi ba, Stone?" paninigurado ni Juno sakanya. Tumango naman si Stone at kumuha pa ng isang bote. "Nagka-engkwentro kami noon ni Winter at natalo niya ako gamit ang itim niyang karayom." pagkukwento nito tsaka tumungga sa hawak niyang bote ng beer. Nakakatatlo na ito at medyo tinatamaan na din.

"Itim? Hindi ba't lason ang katumbas non?" gulat na usisa pa din ni Stone dito.

Tumango ito at lumagok uli ng beer. "Pero may nagligtas sakin. Si Boss Raf ang taong iyon. Bawat lason ay may katapat na lunas. Kaya utang ko ang pangalawa kong buhay kay Boss Raf." salaysay nito at napatangu-tango naman si Stone.

Hindi siya makapaniwala na sumablay ang black needles ni Winter.

"Teka, maalala ko, huling kita ko sayo ay noong 27th Gang war battle ah. At napatay mo si---" naputol ang sasabihin ni Stone nang magsalitang muli si Juno.

"Kung gusto mong manatiling buhay, Stone, wag mo na uli ipapaala ang pangyayaring iyan." sabi nito ng nakatayo at may hawak na baril na nakatutok kay Stone.

Napataas naman ang dalawang kamay ni Stone sa inakto ni Juno.

"Pasensiya na, Pare." sabi niya dito kaya isinuksok na nito ang baril sa tagiliran at naupong muli.

Nagtataka si Stone kung bakit ayaw pag-usapan ni Juno ang ginawa nito noon.

Ang pagpatay sa ikalawang pinaka-mataas at matinik na babaeng gangster sa buong asya na si Lucifer.

"Ubusin na natin ito, maaga pa tayong aalis bukas para sa misyon na ibinigay ni Boss. Kailangan nating magtagumpay." sabi nito tsaka tuluy-tuloy na nilaklak ang natitirang laman ng bote ng beer.

Nag-ring ang cellphone ni Stone kaya dali-dali niya itong kinuha sa bulsa.

"Juno, kakausapin ko lang si Blue, ipapaalam ko na din na ligtas ako." paalam nito kay Juno.

Tumango lamang ang isa.

Alam naman niyang hindi magkakamali sa sasabihin dito si Stone at siguradong kakampi din ang buong gang nito.


KINUBUKASAN. Naisaayos na ang lahat. Handa na ang higit sa tatlumpung Wild dragons sa kanilang pagsugod.

Pitong itim na Van ang gamit nila.

Nasa pinaka-dulong sasakyang nakasakay sina Juno at Stone.

"Isuot mo ito. Mahalagang hindi nila tayo makilala." sabi ni Juno habang iniaabot nito kay Stone ang itim na maskara na simbolo ng Wild Dragon Mafia.

Aad itong isinuot ni Stone.

Ilang sandali pa ay nasa byahe na sila patungong Hellminton University.

May isang oras at kalahati din ang tatahakin nila dahil malayo-layo at liblib ang pinanggalingan nila.

"Handa ka na ba?" tanong ni Juno sa katabing si Stone.

"Handang-handa na. Kagabi pa ako nangangati." matapang na sagot ni Stone dito.

Napangiti si Juno. Nakikita niyang galit na galit talaga ito kay Hell at Satana.

Hindi siya nagkamali sa pagtulong dito.

Ilang saglit pa ay bigla na lamang huminto ang van na sinasakyan nila sa hi-way kaya nagtaka sila.

"Anong nangyare!?" tanong ni Juno sa driver na tauhan.

"BOSS! TINAMBANGAN TAYO NG GRUPO NI ANDERSON!" sagot nito.

"ANO!?" gulat na tanong ni Juno at napatingin kay Stone. "WALANGHIYA KANG TRAYDOR KA!" hinablot niya ang kwelyo nito.

"TEKA! ANONG PINAGSASABI MO!?" nagtatakang tanong ni Stone sakanya.

"T4NG1N4 MO! IKAW ANG NAGSUMBONG SAKANILA NOH!" sabi nito na pinanggigigilan ang kwelyo no Stone.

Sinalag ito ni Stone kaya nabitawan siya ni Juno.

"ANONG PINAGSASABI MO!? MAS GUSTO KO PANG MAMATAY SA PAKIKIPAGLABAN KESA MAKIPAGKAMPIHAN SA MGA YAN!" sigaw niya kay Juno.

Parang natauhan naman si Juno sa sinabi ni Stone.

Lumabas si Stone kaya sumunod si Juno.

Kitang-kita nila mula dito sa dulo na nakikipagpalitan ng putok ng baril ang mga kasama ni Satana.

Agad na dinukot ni Stone ang baril nung akmang tatakbo na pero pinigilan ni Juno.

"ANO BA!? PABABAYAAN MO NALANG BANG MALAGASAN TAYO!?" galit na tanong ni Stone kay Juno.

"HINDI NATIN SILA KAYA." pailing-iling na sabi ni Juno.

"ANO? MARAMI TAYO KUMPARA SAKANILA! NADUDUWAG KA BA!?" napatulala si Juno sa sinabi sakanya ni Stone.

Oo. Naduduwag siya.

Aminado siya sa sarili niyang malakas talaga ang Four Muses lalo na nga't kasanib pwersa nito ang Hell's Hood.

Tinanggal ni Stone ang kamay niya sa balikat nito. "KUNG NADUDUWAG KA, PWES AKO HINDI!" pagkasabi noon ay tumakbo na ito palapit sa labanan.

Tanaw ni Juno mula sa kinatatayuan ang pagpapalitan ng putok ng baril ng mga tauhan niya at ni Stone laban saFour Muses at He's Hood.

"JUNO!" napalingon si Juno sa tumawag sakanya at nanlalaki ang mata ng makilala ito.

Si Rafael!

"BOBO! TAWAGIN MO ANG IBA AT UMATRAS NA!" utos nito na agad naman niyang sinunod.



WILD DRAGON'S HIDE OUT.


"HINDI KO AKALAING MADUDUWAG KA! IKAW PA NAMAN ANG INAASAHAN KONG MAGDADALA SA GRUPO NIYO!" galit na bulyaw ni Rafael kay Juno.

Nakatayo ito habang nakatayo a katabi si Stone.

"BOSS, PASENSIYA NA." paghingi ng patawad ni Juno.

"PASENSIYA!? MARAMI ANG NALAGAS NA WILD DRAGONS DAHIL SA KAPABAYAAN AT KADUWAGAN MO!" sigaw muli nito. "HINDI KO AKALAING MALALAMANGAN KA PA NG BAGUHAN SA GRUPO NA SI STONE." mahinahon ng sabi nito.

Lihim namang napangiti sa sarili si Stone.

"PATAWAD BOSS. HINDI NA MAUULIT." hingi pa din niya ng dispensa.

"SIGURADUHIN MO! DAHIL SA SUSUNOD AKO NG BUBUTAS DIYAN SA BUNGO MO!" banta nito kay Juno. "UMALIS KANA SA HARAPAN KO!" utos nito kaya agad tumalima at umakyat patungo sa ikalawang palapag.

Naiwan si Stone at ibang tauhan.

Nakaupo naman si Clara sa pang-isahang sofa habang nagbabasa ng magazine.

"Iwan niyo muna kami. Stone, maiwan ka." utos nito sa ibang tauhan.

Naupo naman si Rafael sa isa pang pang-isahang sofa samantalang nanatiling nakatayo lamang si Stone.

"Binabati kita, Stone. Napatunayan kong isa ka ngang tapat na tauhan." nakangiting sabi sakanya ni Rafael kaya napangiti na din si Stone.

"So? This calls for a celebration, right, Babe?" masiglang sabi ni Clara saka tumayo at nagtungo ng bar counter.

Kumuha ito ng isang bote ng imported wine at binuksan iyon saka nagsalin sa tatlong kopita at inabot ang tig-isa kina Rafael at Stone.

"Welcome to the Wild Dragons, Stone." nakangiting sabi ni Rafael at itinaas ang kopita.

"Welcome, Stone! Cheers!" sabi din ni Clara.

Ngumiti lamang si Stone tsaka nakipag-cheers sa dalawa.

From now on, Stone is officially one of the Wild Dragons.

***

















A/N:

5k+ reads. Salamat po sa mga nagbabasa ng aking kwento.

Tanong ko lang po, may magbabasa pa kaya kung Romance Genre na ang isusulat ko?

Anyways, keep on reading!

RECOMMEND

VOTE

COMMENT

©Grasharap❤

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 686 30
In the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so h...
79.3K 3.5K 73
For unknown reasons, Caitlyn Leighra Summervalle was transferred into another school, for the 9th TIME! Caitlyn has no idea why she was always being...
470K 8.9K 85
NCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan an...
13.4K 374 38
Eto na naman?! Andito na naman kami? Andito na naman sila? 13? Lucky? Maswerte ba yan? Lalo na nung tumapat yan sa Friday! Patayan? Lokohan? Laro? ...