IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)

By hoizned

60.4K 2.2K 243

Paano kung magising ka na lang isang umaga at may makitira sa inyong isang dayuhan ng ilang buwan. paano kung... More

Entry 001 THE ARRIVAL
Entry 002 POOR MAN'S CASTLE
Entry 003 'BALON'
Entry 004 BRUISES
Entry 005 FALLING
Entry 006 HIDDEN
Entry 007 SECRETS
Entry 008 COLDNESS
Entry 009 TRAGEDY
Entry 010 BROKEN
Entry 011 PARTED REASONS
Entry 012 A JOURNEY'S END
Entry 013 MISSING
Entry 015 FORGOTTEN
Entry 016 START OVER
Entry 017 STOW AWAY
Entry 018 CONFUSION OF HEARTS
Entry 019 WHERE ALL STARTED
Entry 020 REUNITED
Entry 021 EPILOGUE

Entry 014 ANOTHER MAN

2.1K 84 1
By hoizned

Isang linggo pa lang akong naninilbihan sa bath house ay kabisado ko na ang sistema ng trabahong napasukan ko.

Dumaan ang isang buwan,dalawa tatlo,apat...nakapagtyaga ako para kumita.

Serbidor ng beer at ng pulutan sa gabi,taglinis ng buong kabahayan pagwala ng parokyano.

Wala na akong panahon para sa sarili at tanging tulog o kain lang ang aking nagagawa.

Pagbubuhat ng barbel o di kaya ay manood ng dvd lang ang tanging libingan. Nakakapagpapadala ako ng kinita ko sa isang kamag-anak na inaabot naman kay itay, kaya isang kaluwagan na rin para sa kanila ang ginagawa ko.

Libre ang tulugan at pakain kaya di magastos. Puyatan lang ang kalaban.

Trabaho lang ang kailangan para kumita.

Iwas ako sa mga parokyanong nagpapalipad hangin at mga alok na pagbigyan sila sa gusto nilang mangyari. Inaabot na sila ng kalasingan minsan kaya siguro pati ako ay gustong makatabi. Sinasakyan ko na lang sila bilang pakikisama.

Bawal ang makipagrelasyon o makisiping sa mga customer sabi ni boss Tim.

Sasakit lang daw ang ulo ko kung gagawin ko iyon.

Madaming lalaking customer ang naririto na naghahanap ng kakaibang masahe mula rin sa kapwa customer. Halos sa mukha lang sila nagkakakilala.

Magtatabi sa isang upaan,manonood ng pelikulang lalaki sa lalaki nagtatalik,iinom at sa dilim na magtatalik.

Nagulat ako sa unang gabi ko na ganito pala ang kalakaran ng napasukan ko. Kahit saan ako lumingon ay may mga parokyanong naghahanap ng panandaliang aliw. Magbabayad  ka lang sa entrada pwede ka ng makipagtalik ng libre sa kahit sinong gustuhin mo.

May ganito pa lang lugar...

Wala akong magagawa kundi tanggapin kung ano ang kaligayahan nila. Mahalaga sa akin na lagi sana silang pumunta dito upang kumita ako.

Sa kanila nakabatay ang kabuhayan namin sa isla.

Nagkaroon na rin ako ng regular na kaibigang customer.

Kabiruan at kung minsan ay nalilibre nila ako ng beer. Mainam daw iyon dahil sila naman ang magbabayad.

Nanawa na rin sila sa panliligaw na pagbigyan ko sila kahit isang beses lang.

Kahit ayaw ng boss ko,maging ako ay tutol din.

Walong buwan ang nakalipas...

Nakakausap ko na sa telepono ang tatay gamit ang cellphone ng pinsan ko sa batanggas. Gusto na nila ako pauwiin subalit kaya ko pa naman magtiis para sa kanila.

Kahit paano ay may kominikasyon na kami ng tatay tuwing sabado ng umaga.

Nabawasan ng lungkot ang pagtigil ko dito sa maynila.

Isang big event ang gaganapin mamayang gabi. Anibersaryo ng pagkakatayo ng bath house. Maaga pa lang ay abala na kami sa paghahanda ng mga dekorasyon.

Madaming dadalo sabi ng boss ko dahil taon taon naman laging tayuan angaliit naming bar maging ang mga madidilim na bahagi ng bath house.

Alas tres pa lang ng hapon ay madami na ang naririto. Hapon pa lang simula na ng inuman at lahat ng dumalo ay nakatema ayon sa patakaran.

Lahat sila ay walang saplot.

Liban sa akin at sa kasama ko,kami lang ang naka swimming trunks bilang pakikiisa sa kasiyahan.

Asiwa man ay kailangan.

Trabaho lang.

Habang lumalakad ang bawat oras ay napuno na ang aming lugar.
Kantahan,sayawan,inuman,at pagtatalik na ang nagyayari.

Sanay na ako sa kanila.

Malapit na ang pagsasara at umunti na rin ang mga tao.

Nakakapagod sa paa ang mayat mayang pag-asiste sa mga bisita.

Nakaupo ako habang naghihintay sa oorder sa akin.

Isang lalaki ang umupo.

Isang bagong mukha.

Hindi regular dahil kilala ko na ang laging napunta dito.

Umorder ng isang beer.

Tahimik lang siyang nainom sa gilid ng bar.

Siya at ako na lang ang nasa bar.

Kayat kinausap ko siya.

"Sir mag-isa ka yata?"

"Hindi kasama ko ang pinsan ko,hindi ko na siya makita ang dami kasi gbtao sa taas."

Sa taas kasi ng bath house ang kaganapan ng kanilang hinahanap na aliw. Dito sa bar ang pangkondisyon at pilian dahil dito lang naman maliwanag. Sa taas kasi ay bawal ang ilaw.

"Jelo...ikaw?"

"Laurence po."

Tinanggap ko ang alok niyang pamikipagkamay bilang pagpapakilala.

Nagkwentuhan kami habang hinihintay niya ang kaniyang pinsan at pag-inom ng beer.

Inusisa niya kung paano ako napunta sa ganitong trabaho.

"Sir kahit ganito ho ang trabaho basta malinis ang intesyon wala hong masama."

Di naman lingid sa ibang kliyente ang buhay ko dahil bukas na aklat naman ang nakaraan ko sa tuwing hihilingan nila ako ng kwento.

Unang pasok lang niya sa bath house na ito kaya di pa niya ako kilala.

Dalawang oras kaming nag-usap at bumaba na rin sa wakas ang kaniyang hinihintay.

Oras na nilang umuwi at nagpaalam si Jelo sa akin habang nagliligpit ako ng kaniyang pinag-inuman.

Nakipagkamay siya.

"Babalik ako next week."

Sa kaniyang pakikipagkamay ay lihim pala niyang inabot sa akin ang isang papel.

Pera at halagang isang libo.

Pilit kong isinauli  sa kaniya.

"Sir hindi ko ho matatanggap ito."

"Tip ko yan sa iyo."

"Sobrang laki sir."

"Don't worry,walang kapalit yan. Masaya na akong nakipagkwentuhan sa iyo."

Pilit niyang ibinigay sa akin ang pera.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ito.

Alam ko na baka balang araw ay may hilingin siya sa akin kapalit ng tip na ito.

Inihatid ko sila sa locker room kasabay ng ilang mga bisitang nagbibihis na rin para umuwi.

Nagbibihis siya kahit kanina ay nag-uusap kami ay tahimik lang siya.

Nagpaalam na ako na babalik na sa kaing pwesto.

Ngumiti siya.

Sa liwanag ay kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Di ko ito napansin dahil sa patay-sindi naming pailaw sa bar.

Iba talaga magkubli ang dilim ng pagkatao ng isang indibiwal.

"Babalik ako..."

Dinig ko sa kaniya bago ako tumalikod.

Nagtungo ako sa aking silid at itinabi ang perang ibinigay niya.

Isang libo para sa isang kwento.

Para sa isang kausap at libangan na hinahanap ni Sir Jelo.

Kaedarin ko siya.

Mukhang mayaman at edukado.

Malakas ang hatak ng ng kaniyang hitsura dahil sa ilang lalaki na ba ang lumapit sa kaniya at nagpakilala kanina.

Ngunit tinanggihan niya iyon at nakipagkwentuhan lang sa akin.

Bukod pa ang hubad niyang katawan na maging ako ay naakit sulyapan ang ibabang bahagi niya.

Pero iba siya sa kanilang narito kanina dahil hindi ko siya nakita na sumama sa iba gaya ng pinsan niya na nakailang lalaki na yata ang nakapareha sa ikalawang palapag ng bath house.

Walang tao at nagtulong na kami ng kasama kong maglinis ng paligid. Nagbaldyo ng sahig sa bawat sulok kung saan nagkaroon ng pagtatalik ang mga bisita. Nagpulot ng mga nagkalat na ginamit na condom at sachet ng lubricant at titis ng sigarilyo,nagpatay ng mga bukas na shower faucet,nag ipon ng mga bote, naghugas mg mga plato at baso,nagkwenta ng kinita at nagreport kay biss Tim. Alas kawatro na kami natapos at binigyan kami ng panggastos ng kasama para kumain bago matulog.

Sa kabilang kalye ay may 24 hours na na fastfood at doon kami nagtungo.

Sa loob ng fast food ay naabutan pa namin ang ilang customer namin na kumakain din.

Nginitian ko sila.

Pagod na rin ako kaya pakay ko lang ay kumain ng mabilis upang makatulog na.

Naupo kami ng kasama ko sa isang lamesa.

Hindi pa kami tapos ay nagpaalam ang kasama ko ng may mabasa siyang text.

Halatang may nagbook sa kaniya dahil siya naman ang nag-aya sa akin na lumabas pa kami kahit pwede namang magpadeliver.

Kailangang sabay kaming pumasok dahil naka key card lock ang pinto ng  at isa lang ang key card na dala namin.

Pihadong tulog na rin ang nasa loob at hindi na kami mapagbubuksan.

Pinakiusapan niya akong hintayin ko siya ng trenta minutos at sasaglit lang siya upang samahan ang dati na naming customer na nangungulit daw sa kaniya kanina sa loob ng bath house.

Bawal sa amin ang makipagtalik o sumideline sa customer kapag oras ng trabaho kaya sa ganitong pagkakataon ito ginagawa ng kasama ko.

Sa kotse sa parking area sila nagparaos.

Sa loob na ako ng fasfood naghintay.

Ubos na ang kinain ko at kape na lang ang papalipas ko ng oras sa paghihintay sa pagbalik ng kasama ko.

Hanggang may umupo sa tapat na bahagi ng aking lamesa.

"Sir,akala ko umuwi na kayo?"

"Kasama ng pinsan ko yung kasama mo kanina."

Natawa ako dahil parang ang dami g reserbang lakas naman ng pinsan ni Sir Tim at pati kasama ko ay di pinalagpas.

Ngayon ay dalawa na kaming naghihintay sa aming mga kasama kayat nagpatuloy kami sa aming kwentuhan.

Kakauwi lang pala niya noong isang linggo. Sa Singapore ang kaniyang trabaho. Pinsan niya ang nakakaalam ng lugar na ito at sumama siya para makaexpirience ng lugar namin.

Iba siya sa kliyente namin. Hindi siya kagaya ng pinsan niya na sarap ng laman ang hanap.

Nababasa ko ang sinseridad niya na na tanging kausap lang daw ang hanap niya para malibang.

Kanya-kanya talaga sila ng ugali.

Kakaiba si Sir Jelo sa kanila....

*****

Ano ang pagbabagong magaganap sa buhay ni Lawrence sa bagong kakilala?

ABANGAN!!!













Continue Reading

You'll Also Like

41.4K 1.8K 21
"Pangako, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ng panahon. Sisiguraduhin ko, palagi na akong nasa tabi mo, kailangan mo man...
104K 3.2K 22
Isang fuccboi na halos walang pinipiling tao at lugar na papatusin. Llyod Villabilio ang kanyang pangalan. Isang Bitter na halos galit sa mga taong m...
120K 4K 29
House Bill #324 Save LGBT Act 2014 Batas na nagpaparusa sa mga taong inakusahang bakla ng lipunan. Batas na nagpapakulong sa sinumang mapatunayang n...
138K 6.3K 77
DISCLAIMER: This story was written back in 2014 or 2015 (i can't recall when I first started writing this) there are jokes that are funny back then b...