Sa isang Sulok ng Mundo ✔

By MjCokefloat

105K 1.5K 105

Iba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. M... More

Preface
Introduction
Dedication
Enzo Magic
Terrence
LoveWins
Aftermath of Na-KKK
Loving yourself is loving safe
LYLS: GIO
LYLS: IVO
LYLS: LANCER
LYLS Final Chapter
Bestfriend
Kahati: Second part
Van
Catastrophe of being a Unico Hijo
Not an update
Ang tamis ng unang pag ibig
Ang tamis ng unang pag ibig
Ang tamis ng unang pag ibig
Ang tamis ng unang pag ibig
Man of my dreams
Man of my dreams
Man of my dreams
Man of my dreams
Author's note

Kahati

1.7K 35 5
By MjCokefloat

Nakapagtrabaho ako bilang isang service staff sa isang restaurant dito sa Morato at nangupahan. Sa pagtatrabaho ko doon sa nasabing restaurant ay nakilala ko si gino na natapunan ko pa ng dala dala kong baso ng juice. Hiyang hiya ako sa nangyare at sobrang kinakabahan kaya naman agad kong kinuha ang towel sa bulsa ko at pinunas ko sa damit niyang natapunan ko.

"Okay lang." Pagpupumigil niya sa kamay ko habang pinupunasan ko ang kanyang polo.

"Pasensya na kayo sir. Hindi ko po sinasadya. Pasensya na po talaga." Abot abot langit kong paghinge ng dispensya.

Ngumiti siya at sinabihan akong huwag na daw akong mag alala.

Sa ngiting yun ay napagtanto ko kung bakit masarap mabuhay.

Ilang araw ko ding hinintay ang kanyang pagbabalik pero hindi ko na siya nakita ulit kaya hindi na ko umasa pa.

Lumipas ang isang linggo, sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon. Umuulan ng gabing iyon, pauwi na ko ng bahay ay sumilong muna ako dahil sa paglakas ng buhos ng ulan. Nagulat ako sa lalaking sumunod na sumilong, basang basa na siya, natulala ako sa nakikita ko. Iniisip na baka hindi ito totoo. Kaya naman ay kinusot kusot ko pa ang mga mata ko.

"Uyy! Ikaw pala." Nakangiting bati niya.

Hindi ako nakasagot agad. Ewan ko kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sabay lakas ng kabog nito.

"Okay ka lang?" Pinatong pa niya ang kamay niya sa balikat ko.

Nailang ako kaya umatras ako ng konte kaya nahulog ang kamay niya.

"Ahm .. Sorry."

"Hindi. Hindi! Okay lang."

"Gino!" Sabay lahad niya ng palad niya.

Inabot ko ito. "Gideon."

"Ahm .. Taga rito ka lang din?"

"Ah, oo. Nangungupahan ako jan sa kabilang kanto." Turo ko pa sa kanya ng way na dapat kong daanan pauwi.

"Ah, talaga. Pwede ba kong makitulog? Di kase kase kami nagkaintindihan ng papa ko kaya ayaw kong umuwi dun."

Nabigla ako sa sinabi niya at pinag aralan yung mukha niya. Hindi kasi ako masyadong nagtitiwala. It's better to be safe than sorry! Ika nga nila. Pero base naman sa appearance ni gino, branded ang damit, ang jeans, shoes pati itsura mukhang imported.

"Oh, sige. Pero uunahan na kita, hindi kagandahan yung place ko."

Umaliwalas naman yung mukha ni gino halatang nabunutan ng tinik kaya napangiti nalang din ako.

"Babayaran nalang kita sa sahod ko. Nga pala nagta trabaho ako dun bilang accounting staff." Turo niya sa mataas na building na tingin ko ay mga isang kilometro ang layo.

Nang tumila ang ulan ay tumuloy na kami sa place ko. Pagbukas ko palang ng pinto ay nailang na ko sa bisita ko, ngayon ko lang narealize na napakakalat ko pala.

"Hehe. Pasensya kana ha." Pagngiti ko nalang sa kanya.

"Okay lang, ikaw lang siguro mag isa dito tapos nagtatrabaho kapa, naiintindihan ko. Syempre lalaki ka eh." Parang bigla naman akong nahiya dun.

Naglinis muna ko ng slight at nagluto ng makakain ng hapunan at pinaupo siya sa kama ko kase maliit lang naman yung room ko kaya pagpasok mo, kama agad; napansin ko si gino dun nakatulog na pala siya kaya naman nung natapos akong magluto ay ginising ko na siya para kumaen, tumayo naman siya at naupo sa dining area.

"Pasensya kana gid, napagod kase ko. Kanina pa kase ko nagtatanong tanong sa mga kaibigan ko pero ikaw lang yung nagpatuloy sakin sa bahay. Salamat ha." Natouch naman ako.

"Iiyak na ba ko? Haha." Pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman siya.

Pagkatapos naming kumaen ay natulog na kaagad kami. Naglatag ako sa sahig at siya nalang yung sa kama para hindi nakakahiya.

"Anong ginagawa mo?" Usisa niya sa paglalatag ko.

"Ah, dito na lang ako at ikaw na lang jan sa kama." Sagot ko.

"Tabi na tayo dito, kasya naman tayong dalawa dito eh. Pag anjan ka sa lapag hindi ako makakatulog ng maayus, mahihiya ako niyan. Sige na!" Pagpipilit niya at pumayag naman na ko.

Natulog na kami ng magkatabi ngunit sa paglalim ng gabi ay nakadantay na sakin si gino at nararamdaman ko na ang paghinga niya at ang init ng katawan niya. Nung una ay akala ko ay normal lang pero ng hinawakan ko ang sarili ko ay sobrang mainit si gino, nilalagnat siya at ginaw na ginaw, humihigpit ang pagkakayakap niya sakin. Bigla akong nakaramdam ng kung ano pero nangibabaw saken ang awa, naulanan nga pala siya habang naghahanap siya masisilungan kanina. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Tiningnan ko ang mukha niya, may dumaloy na luha sa gilid ng mata niya. Umiiyak siya! Malalim siguro ang pinag ugatan ng hindi nila pagkakaintindihan ng papa niya. Nagulat ako ng biglang dumampi ang labi niya sa labi ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko, nagpatangay ako. Kung kailangan niya kong gamitin para mabawasan ang init ng katawan at lungkot na nararamdaman niya ay willing akong magpagamit.

Magkaharap ang aming mukha ng bigla siyang dumilat. Nagulat siya ng makita ako. "Sorry gid, hindi ko sinasadya."

"Walang kaso. Sige, magpahi -- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinagkan niya ko muli sa labi.

Mula ng araw na yun ay naging madalas na si gino sa place ko at kahit nagkasundo na sila ng papa niya ay mas pinipili niyang makasama ako, kaya kalaunan ay nagsama narin kame.

Isang linggo, isang buwan hanggang sa isang taon ay wala naman kaming hindi pinagkasunduan ni gino kung meron man ay agad din kaming nagkakaayus.

Nung mga panahong yun ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ni gino at ganun din naman ako sa kanya ngunit nagbago yun ng minsang may tumawag sa kanya at ako ang nakasagot sapagkat kasalukuyan siyang naliligo ng mga oras na yun. Boses ng babae at nagngangalang Kaye ang ngayon ay humahanap sa partner ko at sinabing "girlfriend niya ako." Parang nanghina ang tuhod ko at napakapit ako sa aparador at naihulog ko pa ang telepono ni gino.

Kalalabas niya lang ng banyo noon at nagulat siya sa agad na tanong kong "Sino si kaye? Girlfriend mo daw siya. Kelan mo pa ko niloloko? Ginoooo! Nagkulang ba ko? Dapat sinabi mo, para napunan ko." Pero para lang siyang istatwang nakatanga lang doon kaya hindi na ko nakapagpigil at sinunggaban ko siya ng suntok sa mukha niya at napaupo siya sa sahig.

"Sino siya?! Ginoooo! Ano ba?!" Sabay sapak ko ulit sa kanya ng paulit ulit dahil sa sobrang galit ko kasabay ng pag agos ng luha ko.

"May kulang ba gino?! Lahat naman ginawa ko para sayo. Sana kung hindi mo na ko mahal sinabi mo para alam ko, para ako na mismo ang lumayo sayo! Gino, bakit mo nagawa sakin to?!" Muli kong pagsapok sa kanya pero hindi niya ko pinapigilan sa pananakit ko sa kanya.

"Bakit hindi ka lumalaban? Sige, saktan mo na ko. Sinaktan mo na ko eh!" Umiiyak na niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"Sorry gid. Mahal na mahal na mahal kita!" Lumanding ulit ang isang sapak ko sa mukha niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Kelan mo pa ko niloloko?"

"Nung isang buwan." Nakayukong sagot niya. "Pero maniwala ka sakin gid, mahal kita."

"Ha ha! Talaga lang huh?" Sarkastikong sagot ko sabay punas sa basa kong pisngi.

"Lalaki ako gid at kailangan ko ng girlfriend na maiihaharap ko sa tao."

"Fuck you! Nababaliw kana."

Niyakap niya ko ulit ng mahigpit na mahigpit. "Mahal na mahal kita gid. Hindi mo na ba ko mahal?" Natigilan ako sa tanong niyang iyon.

"Alam mo naman siguro ang sagot, magagalit ba ko ng ganito kung hindi kita mahal gino? Mahal na mahal kita eh at sobrang nasasaktan ako kase hindi ko naisip na gagawin mo ito sakin."

Hinalikan niya ko sa labi, ang mga halik na yun ang nagpaparamdam kung gaano niya ko kamahal. Alam kong mahal ako ni gino. Kaya hinayaan ko ang set up naming ito! Nakikihati ako sa sarili kong relasyon. Marahil ang iba sa inyo ay sasabihing 'ang tanga tanga ko.' Pero nagmamahal lang ako.

Hati ang atensyon, limitado ang panahon at mas konte ang pagkakataon para sa aming dalawa. Minsan naiiyak nalang ako pero wala eh. Taliwas ang relasyon meron kami na dapat makita ng mundo. Oo, kase bakla lang ako at sa tulad ni gino na lalaki ay dapat may girlfriend.

Nagbulag bulagan lang ako sa katotohanang sobrang mali na ang relasyon naming ito.

Nagbibingi bingihan sa tuwing kausap niya si kaye pag magkasama kami. Masakit. Sobrang sakit! Pero mahal ko si gino. Mas masakit pag nawala siya sakin. Si gino na ang buhay ko. Sa kanya na umiikot ang mundo ko. Siya nalang ang pamilya ko.

Sa paglipas ng panahon parang nagiging immune narin ako sa sakit. Parang nasanay nalang ako. Parang normal nalang sakin. Tuluyan na kong namanhid at hindi na nagreklamo sa set up naming ito.

"Gino, buntis ako." Sabi ng babae sa kabilang linya magkatabi kami noon sa kama at kagigising lang namin; bigla siyang tumayo at tumingin sakin. Akala niya siguro hindi ko narinig, pero rinig na rinig ko pati ang pagdurog ng kokonte kong puso.

Dumiretso ako ng banyo at binuksan ang gripo. Ayokong marinig niyang umiiyak ako. Ayoko ng kinakaawaan niya ko kaya nagpasiya na ko dahil ako na mismo ang naaawa sa sarili ko.

Inayus ko muna ang sarili ko bago lumabas ng banyo. Naghilamos ako para hindi niya mahalatang umiyak ako.

"Sa labas nalang tayo magbreakfast." Sabi ko pagkalabas ko at nag ayus na kami at dumiretso sa pinaka malapit na fast food para kumaen.

"Okay ka lang?" Tanong niya habang magkaharap kaming kumakaen.

"Ah, oo naman." Ngumiti pa ko at ngumiti lang din siya. "Ahm .. Gino, lagi mong iingatan yung sarili mo huh? Huwag kang magpapagutom at magpapaulan." Pagsimula ko ng desisyong nabuo ko.

Natigilan siya sa mga sinabi ko. "Ano to?! Nakikipaghiwalay kaba sakin? Hindi. Hindi ako papayag!" Galit na tugon niya, nakuha niya agad ang gusto kong ipunto. Pinagtinginan kame ng mga taong malapit sa pwesto namin.

Hindi na ko sumagot dahil ayaw ko ng gumawa pa siya ng eksena kaya agad agad akong lumabas pauwi ng bahay habang nakasunod lang siya.

Pagkapasok namin ng bahay ay agad niya kong hinawakan sa braso. "Aray ko! Ano ba?! Nasasaktan ako gino!!!" Reklamo ko.

"Ako? hindi ba ko nasasaktan?" Umiiyak na si gino.

Naawa ako sa kanya at ayokong nakikita siyang nasasaktan dahil mas nasasaktan ako. Niyakap ko siya, mahigpit na mahigpit. "Huwag mong sasaktan si kaye huh kasi babae siya. Ako, okay lang na masaktan kase bakla ako. Kase mas kaya ko. Alagaan mo sila huh? Panagutan mo yung bata. Ayokong lumaki siya ng walang ama. Kaya gino, pinapalaya na kita."

Itutuloy ...

Continue Reading

You'll Also Like

52K 2.2K 43
Second Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020
1.3M 38.8K 53
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
121K 3.7K 53
Maraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason w...
1M 32.3K 85
Aminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugu...