My Gangster Girl

By TheRedOneechan

242 2 0

A nerd and a gangster... Are they compatible? More

Characters (part1)
Author's note
My Gangster Girl
Prologue
Chapter 1:My Savior
Chapter 2:First day
Chapter 3:Classmates
Characters (part2)
Chapter 4: The Enemies are back(part 1)
Chapter 5: The enemies are back(part 2)
Chapter 7: unexpected
Chapter 8: The new member

Chapter 6:annoying

18 0 0
By TheRedOneechan

(A/n:tingin po kayo sa taas makikita niyo si Kim ❤)

>>>>

Chapter 6 :annoying

Kim's P.O.V

Kararating ko lang ng school kaya ipinapark ko pa lamang ang motor ko sa may parking lot .

Pagkatapos kong i-park ang motor ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko.

Chineck ko yung oras sa phone ko at nakita kong maaga pa pala.Saan kaya pwedeng tumambay? I know Ash is not here pa, i knew her since we were kids kaya alam kong ayaw na ayaw niya pumupunta ng sobrang aga sa school, mas prefer niya minsan yung grand entrance tapos minsan naman early exit kaya ayun palagi tuloy napapagalitan haha. Bihira lang yan pumasok nang maaga.

Pero pinag-iisipan ko kung itetext ko ba siya to inform her na nandito na ako para magmadali na din siya o hindi nalang kaya? Baka kasi kakagising lang nun at ayoko ma-badtrip yun ngayon, umabsent na nga kami nung isang araw at kahapon para palamigin yung ulo niya at para na rin itago yung galos at pamumula nung kamao namin

Pero mas malala yung kamay niya. Pagkatapos kasi nung nangyaring gang war between our group and Madi's group eh dumiretso kami ng hideout para magpahinga at gamutin yung galos nung iba.

Pinagsusuntok ni Ash yung pader kaya ayun nagkasugat-sugat yung kamay niya, nasobrahan na nga sa kakasuntok niya kay Madisson nung isang araw pati pader pinagdiskitahan.

Ang sabi niya kasi nakulangan pa daw siya sa suntok niya kay Madi. Nakakapikon daw kasi yung kayabangan eh wala naman daw pala binatbat.

After ko ibalik yung phone sa bulsa nung skirt ko ay nagsimula na kong maglakad papunta sa building.

Hmm puntahan ko nalang kaya si Yumi? Baka andito na yun? Pero di ko kasi napansin kanina kung nandun na ba yung motor niya sa parking lot o wala pa kaya di ako sure kung andito na nga siya.

Hay bahala na..

Nasa second floor yung room ni Yumi, masyadong malaki 'tong school kaya mahihirapan ka talagang maglakad .

Umakyat ako ng hagdan at pagdating ko doon napansin kong wala pang mga tao . Bababa na sana ako nang may bigla akong narinig na ingay.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksyon nung ingay na narinig ko.

Nagmumula yun sa pinakadulong classroom doon sa second floor.

Sumilip ako at may nakita akong tatlong babae sa loob. Hawak nung dalawang babae yung wrist nung babaeng nakasalamin at nakitang kong nagpupumiglas ito .

"Hindi mo ba talaga ibibigay yang notebook mo? " sabi nung isa habang marahas na hinihigit yung babae.

"Hindi! Nakakasawa na kayo! Gumawa kayo ng sarili niyong homework hindi yung nangongopya pa kayo lagi! " narinig kong sigaw nung babaeng nakasalamin habang yakap-yakap sa isang braso niya yung notebook. Halatang natatakot siya sa mga babaeng kaharap pero nagagawa niya pa ring sagutin ang mga 'to.

"Aba matapang ka na ah! Hoy hindi porket kaibigan ka ng Papa Yuan namin eh it doesn't mean magiging mabait na din kami sa'yo no! " asik naman nung isa habang dinuduro siya.

"Oo nga.. Who do you think you are ba? At pwede ba wag kang mayabang dahil we all knew naman na naaawa lang naman sayo ang papa Yuan namin! Ang mga katulad dapat namin ang sinasamahan niya at hindi ang mga kagaya mo! Right sis?"maarteng Tanong naman nung isa sa kasama niya,yung kaninang humihigit sa babae. Sumang-ayon naman yung babaeng nanduro kanina.

"At sa tingin niyo ba dahil dito sa ginagawa niyong 'to eh mapapansin na kayo ni Yuan? " tanong nung babaeng nerd doon sa mga babae.

"Well of course! We're pretty and sexy kaya so mapapansin kami ng Papa Yuan namin, eh how about you girl? I mean... Ghad look at you! You're ugly,baduy and worst you're flat chested pa! at my gosh what's with that thick eyeglasses ba? Pinapanindigan mo talaga yang pagiging nerd mo eww! "

"Bakit naman ako mahihiya? Ano naman kung pangit ako ?ano naman kung baduy ako o kaya nerd? At ano naman kung flat chested ako? at least may laman 'tong utak ko at hindi ko na kelangan kumopya pa ng homework sa iba, hindi gaya niyo may utak nga napunta naman sa boobs!" sabi nung nerd. Natawa naman ako sa sinabi niya hahaha.. She has guts.

"You! How dare you! " nanggagalaiting sabi nung babaeng humihila sa kanya kanina.

Nakita kong sasabunutan na sana siya nung dalawang babae kaya umeksena na ko.

"Leave her alone" suway ko doon sa dalawang babae, lumingon naman sila sa'kin at Agad nagsalubong ang mga kilay nila. Kung makapagtaray naman 'tong mga 'to akala mo kung sinong mga dyosa mukhang espasol naman nga sa sobrang puti ng mukha dahil sa foundation.

"Oh? Sino ka naman? " mataray na tanong nung babaeng nanduro kanina.

"Ako? "Turo ko sa sarili ko. "Ako lang naman ang guardian angel ng mga taong naaapi" nakangiting sabi ko.

" hoy kung sino ka mang babae ka Wag kang pakialamera ah! kung ayaw mong masaktan at madamay! " asik naman saakin nung babaeng nanghigit kanina doon sa babae at dinuro-duro ako. Matapos niya kong duruin eh Tinalikuran niya ulit ako at saka hinarap ulit yung babaeng nerd, nakita kong hinila niya yung buhok nito. Nagpumiglas naman yung nerd.

Napailing ako, nakakatawa talaga 'tong mga 'to nagfifeeling high and mighty.

Naglakad ako papalapit sa kanila at walang anu-ano'y hinawakan ko yung wrist nung babaeng humihila doon sa buhok nung nerd at saka ito pinilipit. Napabitaw naman siya sa buhok nung nerd.

"O-ouch! What the hell are you doing?!y-you're hurting me, L-let go of My hand! " pagpupumiglas nito .

"Paano kung ayaw ko? " nakangiting tanong ko sa kanya sabay pinilipit pa lalo yung kamay niya. Nakita kong mangiyakngiyak na 'to sa sakit. Natawa ako sa itsura niya.

"S-stop! --- Awww! "Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya kasi everytime magsasalita siya eh mas lalo kong pinipilipit yung kamay niya.

"Ihihinto ko 'to kapag ipinangako niyong hinding-hindi niyo na siya guguluhin? " sabi ko habang nakangiti.

"No way! Kung hindi kami makakakopya sa kanya eh babagsak kami! " sigaw niya.

"Okay... Madali lang naman akong kausap" sabi ko at mas lalo kong nilawakan ang ngiti ko, after nun eh ni-twist ko pa lalo yung kamay niya. Isang pilipit nalang at mababalian na talaga siya ng kamay at hinding-hindi na ulit siya makakapagsulat kahit kelan.

"S-sis umoo ka nalang" nanginginig na sabat nung isa. Ngayon ko lang napansin bigla ata siyang nanahimik kanina? Kung hindi pa siya nagsalita eh baka nakalimutan ko ng may kasama pala 'tong feeling maganda na 'to na hawak-hawak ko ngayon Haha.

Nilingon naman siya nung kasama niya. "W-what the hell sis? Why should I?! "

"D-dahil K-kayang kaya niyang baliin yang kamay mo"

Narinig kong tumawa naman ng nakakaloko 'tong babaeng binabalian ko ngayon ng kamay"haha i don't believe you sis, nagpapasindak ka sa babaeng 'to? Bakit sino ba 'to ha? " sabi niya pa sabay dinuro ako.

"B-because that g-girl... T-that's Kim ng RedTails " nanginginig na sabi nung babae. Natawa ako, kilala pala ko ng babaeng yun kaya pala nanahimik bigla.

"Oh hi kilala mo pala ako" nakangiting bati ko sa kanya. Nakita kong nanginig lalo yung babae at napa-step back siya. Hala ba't natakot? Nag-hi lang naman ako ah ?haha.

"RedTails?Y-you mean---" tanong nung babaeng binabalian ko and this time nanginginig na siya. Oh nice.. Pati din pala 'to kilala ako? At kilala kami?.
Ano pa bang alam nila tungkol sa grupo namin??.

"Oo sis s-sila yung b-bumaldado sa mga friends ng kuya ko" sabi nung babae at namutla naman 'tong babaeng hawak ko.

Bumaldado? Hindi ko na sila maalala. Sa dami ba naman ng mga binugbog namin pano ko nga ba maaalala?.

Napabuntong-hininga ako. "Okay..I'm giving you another chance, tatantanan niyo na ba siya or lulumpuhin ko na din kayo? " seryosong tanong ko sa kanila pero medyo naka-smile pa din ako. "At isa pa pala.. Wala kayong pagsasabihan ng mga nalalaman niyo, nagkakaintindihan ba tayo? "

Takot na takot na tumango naman sila kaya binitawan ko na yung kamay nung babae. "Now go! " sigaw ko at kumaripas naman sila ng takbo papalabas . Natawa nalang ako.

Nagulat naman ako nang bigla akong kalabitin nung babaeng nerd. "T-thank you" sabi niya at medyo nangingilid na yung luha niya.

"No prob, sige na balik ka na sa room niyo at malapit na magsidatingan yung iba pang students" nakangiting sabi ko sa kanya. "Don't worry di ka na ulit nila guguluhin." Dagdag ko pa.

Nag-paalam na din ako sa kanya na pupunta na ko sa room namin.

Hindi ko man lang tuloy napuntahan si Yumi

>>>
CLASSROOM

Ethan's P.O.V

Tahimik lamang akong nakaupo sa desk ko habang nakadungaw sa labas ng bintana.

Mayamaya lang naramdaman kong gumalaw yung upuan sa may likuran kaya napalingon agad ako.

Nadismaya naman ako nung makita kung sino yun.

"Ikaw lang pala Kim" sabi ko .Pumasok na pala siya, si Ashleen kaya papasok din? .

Natawa naman siya"lang?grabe siya ni-la-lang ako, porket hindi ako yung crush niya. " nang-aasar na sabi niya. Nanlaki naman agad yung mga mata ko at agad na tumayo para matakpan yung bibig niya.

"Hey ! P-pakialis ng kamay mo di ako makahinga" sabi niya sabay inalis yung kamay ko sa bibig niya.

"S-sorry eh ikaw naman kasi eh! Baka may makarinig lagot na naman ako! "

Mas lalo siyang natawa "what did you do ba kasi? " takang-tanong niya. Nakikita kong pinipigilan niya lang ang sarili niya na wag matawa.

Napakamot naman ako ng ulo at naupo ulit sa upuan ko,ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Tawa siya ng tawa matapos kong magkwento.

"Well good luck nalang sayo megane boy" sabi niya sabay tapik sa'kin.

"M-Megane boy? "Takang-tanong ko sa kanya.

Natawa na naman siya pero nung makita niyang kumunot ang noo ko eh bigla siyang huminto at sumeryoso, pero syempre hindi nawawala sa kanya yung mga ngiti niya. "Megane boy... Yun ang tawag sayo ni Ash,di kasi yun matandain ng mga pangalan kaya kung anu-anong bansag nalang naiisip ng isang yun" . Sabi niya.

Magtatanong pa sana ako kaya lang biglang dumating si Ash. Umiwas agad ako ng tingin. Hindi ko siya kayang harapin.

Dalawang araw ko siyang hindi nakita.

*dugdug dugdug*

Ayan na naman yung puso ko, nagwawala na naman..

Kinakabahan ako. Paano ko kaya siya haharapin ngayon?. Mukhang galit pa rin siya at mukhang ayaw niya ko kausapin.

De bale, gagawin ko yung first step mamaya.

Nakita kong naupo na siya sa desk niya at gaya ng dati may nakasalpak na namang earphone sa tenga niya at mukhang wala na naman pakialam sa mundo. Blangko lang ang mukha niya habang nakadungaw na naman sa labas ng bintana.

Hay.. Buti pa yung bintana tinitingnan niya samantalang ako parang hangin lang di man lang tingnan.

"Magandang umaga class" nagulat ako nang biglang magsalita si Sir, andyan na pala siya hindi ko man lang namalayan, ang lalim ba naman kasi ng iniisip ko.

Nakita kong nagsitayuan na yung mga kaklase ko kaya dali-dali na din akong tumayo . "Magandang umaga din sir Aladin" bati namin sa kanya at sinenyasan naman niya kaming umupo na.

Napansin kong hindi tumayo si Ash.

"Oh Alcantara, pumasok ka pa pala, kamusta naman ang dalawang araw na katamaran ninyo ni Tuazon? " pilosopong sabi ni sir pagkaupo na pagkaupo namin. Nakatingin siya sa direksyon nila Ash.

Nilingon naman namin siya.

Hindi umimik si Ash kaya medyo napahiya si sir Aladin. Napahilamos siya ng kanyang mukha dahil sa inis.

Nakita kong kinalabit siya ni Kim kaya naman tinangal nito ang suot na earphone sa tenga niya. Tinuro naman ni Kim si sir kaya napatingin siya dito.

"May sinasabi ka? " inosenteng tanong niya kay sir.

Napatikhim nalang si sir dahil siguro napapahiya na siya. "Wala". Pagkatapos niyang sabihin yun eh tumalikod na siya at nag umpisang magsulat sa board ng ididiscuss niya.

Haha asan na yung sinabi niya kahapon na malilintikian yung dalawa?

Habang nagdidiscuss si sir eh pasimple akong lumilingon sa gawi ni Ash. Wala pa rin itong pake at busy pa rin sa pagdungaw sa labas ng bintana at hindi nakikinig ng discussions.

Pumunit ako ng piraso ng papel mula sa likod ng notebook ko.

1.write her a letter

Naalala ko yung nabasa ko kahapon.

Agad kong kinuha ang ballpen ko na nakapatong sa ibabaw ng desk ko at nagsimulang magsulat.

-sorry sa nangyari.Mali ang akala mo
I'm not a stalker , gusto ko lang naman sana magpasalamat-

Pagkatapos ko isulat ang mga yun eh tinupi ko na yung papel. Nilingon ko sina Ivan at Kim pero busy ang mga ito magkopya ng mga nakasulat sa board.

Pasimple kong inilagay yung papel sa ibabaw ng desk niya. Nakita kong kinuha niya naman 'to. Napalunok ako ,kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ako magrereact kapag natapos niya nang basahin yun.

Pero laking dismaya ko ng nilukot niya yung papel nang hindi man lang binabasa .Muli sa gilid ng mga mata ko nakita kong itinapon niya yun sa labas ng bintana.

Matapos niyang itapon yung papel eh bumalik na ulit siya sa ginagawa niyang pagdungaw sa labas ng bintana.

>>>Fast Forward<<<

Lunch Break

Ethan's P.O.V

"Hoy pre ano nangyari sayo? Daig mo pang binagsakan ng langit at lupa ah?! " nang-aasar na tanong ni Marco . Nandito kami ngayon sa loob ng cafeteria, nagkasabay-sabay na naman kaming maglunch ngayon.

"Baka nabasted? Hahaha! " pang-aasar din ni Brian at nagtawanan silang lahat. Para talaga 'tong mga sira.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Ay dedma mga teh" hirit naman ni Dave at nagbakla-baklaan pa . Nagtawanan na naman sila.

"Hoy hoy mga ugok tigilan niyo na nga yan ah ang gugulo niyo talaga kahit kelan tsk " suway naman ni Ivan sa kanila.

"Uyyy ang fafa Ivan pinagtatanggol ang jowa " sabay-sabay na sabi nila sa tunong pang bakla, tsk ang lalakas talaga mang-asar ng mga mokong na 'to, kung nasa mood lang ako sinipa ko na sila. Ang kukulit eh.

"Mga ulol! Kung gulpihin ko kaya kayo isa-isa??! " bulyaw ni Ivan sa kanila.

"Uy peace lang pre di ka na mabiro eh! " nakangusong saad ni Dave.

"Tsk! " bumaling siya sa'kin "oh ikaw naman? Anong drama yan? " tanong niya.

Napabuntong-hininga muna ako bago siya tinapunan ng tingin. Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari.

>>>UWIAN<<<

Ethan's P.O.V

"Bro una ka muna sa parking lot may dadaanan lang ako saglit" paalam ko kay Ivan.

"Sige bro antayin nalang kita doon" pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Naglakad na ko papuntang locker.

Pagdating ko doon agad kong tinungo yung locker niya. Alam kong locker niya yun kasi kanina nakita ko siyang naglagay ng gamit niya doon.

Kinuha ko yung lock picking kit ko na gawa sa paper clip na nasa loob ng bulsa ng pants ko at sinimulang buksan yung locker niya. Walang katao-tao kaya mas mapapadali ang pagbubukas ko.

Isa sa mga weird talents ko yung lock picking,paborito ko kasing anime yung detective conan tsaka yung the file of young kindaichi kaya inaral ko.Oo na tunog magnanakaw pero ginagamit ko lang yun sa mga emergency situation gaya ngayon. At wala akong kukunin ,may ilalagay lang ako.

Ilang saglit pa ay narinig ko na yung "click" senyales na nabuksan ko na yung lock.

Dali-dali kong kinuha yung box ng chocolate na may note sa loob ng bag ko.

Naalala ko yung second step

2.give her chocolate as a peace offering

Agad ko yun inilagay sa loob. Pagkalagay ko sa loob isasara ko na sana dapat kaya lang bigla kong napansin yung loob ng locker niya.

Maayos ang pagkakalagay ng mga gamit niya sa loob ,malinis at walang basura. Babaeng-babae.

Pagmamasdan ko pa sana kaya lang bigla namang nagsidatingin yung mga tao. Nataranta ako kaya dali-dali kong inilock yung locker niya.

Pagka-lock ko nagmadali akong umalis, baka kasi maabutan niya ko.
.
.
.

Ash's P.O.V

Naglalakad kami ni Kim ngayon papuntang locker.

Pagdating namin doon agad kong pinuntahan yung locker ko. bubuksan ko na sana yung locker ko nang may napansin ako.

Napakunot agad yung noo ko.

May kakaiba sa lock. Hindi 'to ganito kanina. May gumalaw nito.

Dahil doon agad kong binuksan yun. Mas lalong nangunot ang noo ko nang may makita akong box ng chocolate.

King ina sino naglagay nito dito?! At paano nabuksan?!

Pero mukhang may idea na ko.

"Kim mauna ka nalang sa parking lot, sabihan mo sila na medyo male-late tayo baka magsiuwian ang mga yun". Sabi ko sa kanya at medyo sinara ko yung pinto nung locker para hindi niya makita.

"Ha? Saan ka pupunta? " takang-tanong niya naman sabay sarado nung locker niya.

"Wala, basta"

"Oh sige basta dalian mo lang ha"sabi niya kaya napatango naman ako. Pagkaalis niya kinuha ko agad yung box. May note pero hindi ko na pinagkaabalahang basahin, nilukot ko yun note at inis na itinapon sa sahig.
.
.
.

Ethan's P.O.V

Naglalakad ako sa corridor at papunta na sana ng parking lot nang may biglang humila sa'kin.

Marahas niya kong itinulak sa pader. Nagulat ako nang makilala kung sino yun.

"Anong ibig sabihin nito?! Nanliligaw ka ba?! " galit na galit na tanong niya sa'kin habang pinagduduldulan yung box sa mukha ko.

Nanlilisik yung mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko. Napapalunok nalang ako.

Imbes magkabati kami eh mukhang lalo pa atang nagalit.

"H-hindi" nauutal sa sagot ko.

"Eh anong ibig sabihin nito ha!? At paano mo nabuksan yung locker ko ha?!" nangagalaiting tanong niya pa at pinagduldulan pa ulit yung box sa mukha ko.

"P-peace offering, hindi mo ba n-nabasa yung note? ---at nabuksan ko yung locker mo gamit yung p-paper clip"

"Tss" yun lang yung naging sagot niya . Dahil sa naging sagot niya na yun alam ko na agad na hindi na naman niya binasa.

"Oh! Kunin mo na! hindi ko kelangan yan! "Sabi niya sabay marahas na tinulak sa may dibdib yung yung box, mabuti nalang nasalo ko agad kung hindi eh natapon na yung laman nun sa sahig.

"Alam mo Hindi ko ugali ang paulit-ulit pero para maintindihan mo uulitin ko, tigilan mo na! "Naiinis na sabi nito at tinalikuran na ko. Naglakad na siya papalayo.

Hinabol ko na lamang siya ng tingin.

>>

PARKING LOT

Ivan's P.O.V

"Asan na ba yung mokong na yun? Kanina pa siya ah, Ang sabi niya saglit lang siya eh tsk" kausap ko ang sarili ko habang naghihintay sa may parking lot. Nakasandal ako sa may kotse ko habang nakapamulsa at nakatitig lang sa paanan ko.

"Hi"

Muntik na ko mapatalon sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Bigla bigla ba naman kasi may susulpot kung saan!tsk!.

"Ano ba! Nakakagulat ka naman! " asik ko dito habang nakahawak sa may bandang puso ko at pinapakalma ang sarili ko. Kainis nagulat talaga ko dun ha!.

"Haha hindi ko alam magugulatin ka pala" natatawang usal nito. Nagsalubong agad ang kilay ko.

"Nagulat lang bigla magugulatin na agad?! " pagsusungit ko. Makatawa kasi wagas eh. Hindi naman nga eskandalosa yung tawa niya in fact mahinhin nga siya tumawa ,babaeng babae ,pero yung fact na tinawanan niya ko ?eh nakakainit ng ulo -_-

Sa lahat ng babae sa kanya lang ako nairita ng ganito.

"Eh ano ba dapat ?" Natatawa pa ring tanong niya.

"Eh di nagulat! " sabi ko at mas lalo naman siyang natawa. Nakakainis na siya ha! Sa lahat ng babae siya lang yung pinagtawanan ako . Sanay kasi ako ng tinitilian at hindi ganito na pinagtatawanan .

"Eh di magugulatin ka nga hahaha"

" Ewan ko sayo gulo mo! Maghanap ka ng kausap mo! Tsk! " sabi ko at saka dumistansya sa kanya pero nakita kong sumunod naman siya. Sumandal din siya sa kotse ko. Makasandal 'tong babaeng 'to pag yan nagasgasan nakuuuu.

" ba't ba ang sungit mo? "Tanong niya habang nakatingin sakin at ngiting-ngiti.

"Pakialam mo ba? "

"Nagtatanong lang naman eh tsk, ganyan ka ba makipag-usap sa lahat? " nakangiti pa ring tanong nito. Bakit ba panay ang ngiti ng isang 'to?! Nagsisimula na ako mairita sa ngiti niyang yan.

"Hindi! Sa mga babae lang tsk! Tsaka Pwede ba lumayo-layo ka nga naiirita ako sayo eh " sabi ko sabay tinataboy-taboy siya.

Nakita kong humakbang siya papalapit sa'kin. Mataman niya kong Tinitigan sa mata . "Ang sungit mo, Siguro... " panimula niya sabay inilapit ang mukha niya sa mukha ko, medyo matangkad siya kaya abot niya ko.

Napalunok ako. Ang lapit ng mukha niya, hindi ako sanay.

Teka lang nagpapa-cute ba siya sa'kin? Is she trying to seduce me?.

"S-siguro ano?! " medyo nauutal na tanong ko. The fuck! Ba't ngayon pa ko nauutal?!. Baka akalain ng babaeng 'to na may gusto ako sa kanya! tsk hinding- hindi ako magkakagusto sa kanya.

Nakita kong mas inilapit niya pa lalo yung mukha niya sabay may ibinulong sa tenga ko"--- siguro bakla ka no? " nakangising sabi nito. Nanlaki naman agad yung mga mata ko.

WHAT THE FUCK?! SINONG BAKLA??!

"THE FUCK?! HOY! SINONG BAKLA HA?! " Asik ko sabay itinulak siya papalayo. Natawa na naman siya and this time mas malakas yung tawa niya.

Siraulong babae yan ah! Tawagin daw ba kong bakla!?

"Oh? Nagtatanong lang naman ako, wag ka magalit" nakangiting sabi niya.

"Pwes hindi ako natutuwa sa tanong mo na yan! Tsk Hindi ako bakla okay?! Halikan kita dyan nang makita mo hinahanap mo! " bulway ko sa kanya pero hininaan ko yung huling sinabi ko at tumingin sa ibang direksyon habang sinasabi ko yun.

Narinig kong tumawa na naman siya. "Sige nga" hamon niya sakin. aba narinig ata niya, tsk tuwang-tuwa naman ang isang 'to!manyak na babaeng 'to gusto pa ko pagsamantalahan!.

Mga babae nga naman! Kaya nga ba ayoko nang may mga lumalapit o di kaya nakikipag kaibigan sakin eh.

"Tsk wag na! Baka matuwa ka pa tsk! "Sabi ko sabay tinalikuran siya. "Kababaeng tao manyak! "Inis na bulong ko.

"Pfft" pagpipigil niya ng tawa kaya humarap ulit ako sa kanya.

"May gusto ka ba sa'kin kaya ka nagpapapansin dyan? Kasi kung oo sorry ha? pero hindi ko kayang ibalik yang nararamdaman mo,hindi kita type " pagsusungit ko sa kanya.

Lalong lumakas yung tawa niya kaya hindi niya na napigilan pa. "Nakalunok ka ba ng electric fan nung bata ka? "Nakangiting tanong nito. "--or pinaglihi ka ng nanay mo sa electric fan? "

"Ha? Pinagsasabi mo dyan? " takang-tanong ko, may sayad ata talaga 'tong babae na 'to.

"Kaya kita tinatanong kung nakalunok ka ba o pinaglihi ka eh kasi Ang hangin mo kasi haha" tatawa-tawang usal nito. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

ANO DAW? AKO? MAHANGIN?!

"Hoy! Hindi ako mahangin ah! "

"Eh di hindi haha, pero wala kang dapat ipag-alala hindi naman kita type eh" nakangiti na namang sabi niya. "--- at hindi tayo talo diba? " nakangising dagdag nito. Naghahanap ba talaga siya ng away!?.

"H-hoy! Sinabi ng ngang hindi ako bakla eh! Tsk!" Asik ko" Ano ba kasing kelangan mo sa'kin at nang makaalis ka na? " sabi ko pa at saka sumandal na ulit sa kotse ko.

"Wala naman, i'm just bored naghahanap ako ng kausap wala pa kasi si Ash eh" sagot niya sa tanong ko at nakisandal din sa kotse.

Tsk naghahanap lang pala ng kausap eh ba't sa'kin lumapit eh hindi naman nga kami close tsk

Hindi na ko sumagot.

Ilang minuto din ang lumipas pero hindi na siya umimik pa.

Oh?Akala ko ba naghahanap 'to ng makakausap?.

Nilingon ko naman siya. Nakatingin siya ngayon sa kalangitan habang ngiting-ngiti.

Tsk Ilang sako kaya ng bigas inaani nito araw-araw at parang parating masaya? .

Pero ngayon ko lang napansin, may dimple din pala siya sa pisnge kagaya ko?. Hindi ko kasi napansin nung pinakilala siya sa'kin ni Ethan.

"Alam mo ba... "Panimula niya sabay tingin saakin, nilingon ko naman siya.

"Sabi nila may dalawang rason daw kaya nagiging bakla or tomboy ang isang tao, una peer pressure,pangalawa na-brokenhearted ng todo sa opposite gender. So alin ka doon? " nakangiting tanong niya habang nakatingin sa'kin.

THE FUCK ANO DAW?!

"HOY HINDI SABI AKO BAKLA EH!!! "

Natawa na naman siya"joke lang "

"Tsk hindi nakakatawa yang joke mo! "

Magsasalita pa sana siya kaya lang bigla dumating na yung kaibigan niya.

Nakita naming salubong ang mga kilay nito habang naglalakad. Halatang bad mood.

Nagpaalam na saakin 'tong katabi ko at nagmadaling tumakbo papunta sa kaibigan niya.

Nakita kong sumakay na sila ng motor nila at pinaandar na yun. Bago pa man sila tuluyang nakaalis eh kumaway muna siya saakin.

Hindi ako kumaway o kahit ngumiti man lang sa kanya. Sinundan ko lamang sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

"Babaeng-babae kumilos pero nagmomotor? Ibang klase" napapailing na sabi ko.

>>>>

Continue Reading

You'll Also Like

282K 10.3K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...