Siya at Ako (Siya Book 1)

Από peachxvision

2.2M 15.6K 1.9K

Naniniwala si Kyleen Ylkivia Tuazon, o Kai, na magulo na ang buhay niya gawa ng mga pangyayaring nakapagpawal... Περισσότερα

Preface
Epigraph
Prologue
Chapter 1: Ako
Chapter 2: Escort
Chapter 4: Air Ball
Chapter 5: Muse
Chapter 6: Pansin
Chapter 7: Soulmate
Chapter 8: Scenery

Chapter 3: Prinsesa

48.3K 1.3K 253
Από peachxvision

Normal lang naman ang mga araw ko . . . until they were not. Ang lakas magpapansin ng unggoy na 'to sa 'kin. And for what? Dahil di siya maka-move on na namali ako ng pasok sa CR? Maski noong maliit na handaan ni Nica para sa klase noong birthday niya, pinahiran ako ng cake sa mukha. Siyempre, pumalag ako. Binato ko ng samot-saring Boy Bawang, na ibinato rin niya sa 'kin pabalik. Kulang na nga lang e ibato niya sa 'kin ang buong cake.

A day after Nica's birthday naman ang birthday ni Aiden, pero may pa-party pa ang kumag noong Sabado ng linggong 'yon. Inimbita ako, pero di ako pumunta. Who you siya sa 'kin. Sa sobrang papansin niya, di ko na napigilan tawagin siyang unggoy. Paano, bigla-biglang tatalon para manggulat! 'Tapos guguluhin ang buhok ko.

Bakit kaya hindi na lang siya pagkalooban ng sarili niyang gubat? Unggoy talaga. Lagi na nga lang niya ko iniirita. Sinabihan ko na siyang deretso na ang papansin niya, pero tuloy pa rin ang pagpapansin at pang-aasar. Sinasabihan naman ako ni Jake na huwag na pansinin, pero di naman ako kasing pasensiyoso niya.

For some reason, dahil nga ang daming ganap, ang bilis din ng takbo ng mga araw. Sure akong sobrang busy ng August dahil intramurals month iyon. Nagpa-practice na ang cheering squads kung saan kasama rin ako. At dahil ako ang tagagawa ng cheer ng batch, nag-iisip ako ng puwedeng cheer.

"Ano'ng iniisip mo?" Sumulpot na naman ang unggoy sa tabi ko. Nakita niya akong gumagawa ng cheer. "Gusto 'yung katulad last year. Ikaw rin ba gumawa n'on?"

"Tumahimik ka nga. Kung manggugulo ka, do'n ka sa kabila. 'Wag ka rito. Busy ako, Aids."

Nagulat siya. "Aids? Naks, may nickname na sa 'kin ang prinsesa ko. Next time, love na 'yan."

May nakarinig, may nanukso. Umirap lang ako. "Tigil-tigilan mo ako sa prinsesa-prinsesa mo, ha. Shoo, go away!"

"Masusunod, mahal kong prinsesa."

"Di ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Jake, o!"

Lumapit si Jake sa 'min, seryoso, nakasimangot. "Aiden."

"Oo. Ito na nga, e. Aalis na."

Bakit kapag si Jake, sumusunod siya? Lord naman. What have I done to deserve this? isip-isip ko pa pagkaalis niya. Pero sige na nga. Lahat naman ay blessing. Pero si Aiden? Blessing? Next topic.

Sakto naman ang dating next teacher namin para sa subject naming Technology and Livelihood Education, o TLE, si Mrs. Ramirez. Pero hindi siya pumasok. Instead, ang sabi lang niya: "Gather at the covered court for group 3's activity."

Mahilig siyang magpa-groupings at magpa-competition. Fortunately, hindi ko kagrupo si Aiden. Hell no.

Ang group na pinakamataas for the activities kasi raw, may libreng quiz. E, kilalang mahirap magpa-quiz si Mrs. Ramirez. Like . . . quiz pa ba ang over thirty? Unit test na nga namin 'yon sa ibang subject. As a person na studies first ang motto at may goal maging honor, mapapalaban talaga ako.

Tapos na ang groups 1 and 2—kung saan ako kabilang. Group 3 na lang ang natitira. Nang tiningnan ko ang score board: group 1 ay 98, goup 2 ay 97, group 3 ay 190. Mataas na talaga ang score ng group 3 dahil combined na ang scores nila sa mga activities ng Groups 1 and 2.

Kung saka-sakali, kaya pa rin ng grupo namin na makuha ang free quiz kung makakuha kami ng grade na at least 94 para mataasan namin ang group 3. Pero dapat na mas mataas pa rin kami ng two points kaysa sa group 1. That means, group 1 na lang talaga ang kakompetensiya namin—ang grupo ni Aiden. Kagrupo ng ungas na 'yon sina Geanne at Jake. Kagrupo ko naman si Nica. Group 3 naman sina Migs. 'Buti nga at naka-PE uniform kami kasi grabe ang mga ideas ni Migs kapag dating sa mga activities.

"Ano na naman kayang balak ni Migs," tanong sa 'kin ni Nica habang naglalakad kami.

"Ewan. Basta 'wag niya lang tayo ipaghanap ng karayom sa covered court katulad ng ginawa niya last Christmas party."

Natawa si Nica. "At ang parusa ay kakain ng noodle con yelo na may gulaman at toyo. Eww talaga."

"Pati 'yung piso challenge na nakabalot sa uod. Palibhasa, tungkol sa uod ang research niya kaya ang daming stock ng uod sa bahay."

"Grabe, 'kala ko nga, friendship over na kayo ni Migs n'on."

"Muntikan na talaga. I wonder kung anong kalokohan na naman ang naisip niya." Tumingin kami ni Nica sa paligid ng covered court. Mukhang safe naman.

"Okay," umpisa ni Migs. Nakatayo siya sa harap namin, may hawak na isang cube. "Simple lang naman yung hinanda kong activity."

Nagbulungan kaming lahat. Paano, sinabi rin niya 'to sa mga weird niyang pakulo.

"Mas simple 'to kaysa maghanap ng piso sa uod," biro ni Migs. "Kita n'yo ba 'tong cube pati 'tong mga tanong tungkol sa lesson?"

Sa may likod ni Migs, may nakasulat na mga tanong tungkol sa lesson sa isang manila paper. Thirty questions lang. Alam ko naman ang sagot sa lahat. Kumuha pa nga ako ng ball pen, saka nagsususulat ng mga sagot sa palad ko.

"Merong five hundred cubes na nakakalat sa campus kung saan nakasulat ang mga sagot. 'Yung ibang cubes, paulit-ulit ang sagot kaya kayo mag-usap sa grupo kung sino sa one, two, etcetera."

Nagkaroon ng bulungan kasi nga nagdi-distribute na ng mga numbers ang leaders namin kung sino-sino ang maghahanap sa cube na nagko-contain ng sagot per number.

"Pero, sa ground floor lang 'to—mula sa quadrangle, dito, sa may corridor. Wala sa taas at sa mga kuwarto. Bahala na kayong dumiskarte. Forty minutes lang 'to," pagpapatuloy ni Migs.

"Kailan kami puwedeng mag-umpisa?" tanong ni unggoy.

"Pag natapos na akong magsalita."

'Tapos tumahimik si Migs. Go signal na ba 'yon?

Nagtakbuhan kami. Walang plano-plano kung saan kami ma-assign. Paano ba naman kasi, naunang tumakbo ang leader namin. Basta, kung makakita ng cube, kuha na lang.

Una akong naghanap sa may malapit na corridor. Nakakakita ako ng isa. Bigla kong naisip ang mga huling sinabi ni Migs: Pag natapos na akong magsalita . . .

"Tapos na nga bang magsalita 'yon?" tanong ko sa hangin. E, pa'no kung hindi pa pala siya tapos? Ni hindi nga niya in-explain kung ano'ng parusa. Ang sinabi lang niya, five hundred cubes. So what's with that? Sinabi lang niya kung saan namin makikita, na bahala kami sa diskarteng maghanap, at kung ilang oras ang game.

Oh yes, this is a game. Pero napa-oh no na lang ako dahil alam kong this is Migs's game.

Kabayong malupit. Kilala ko si Migs. Oo, 'yon lang ang sinabi niya. Hindi pa niya sinasabi ang totoong mechanics—well, sa pagkakakilala ko sa kanya. Pa'no kung may mga tanong sa likod ng manila paper? Paano kung may clue sa mga cubes at ang totoong hahanapin namin ay isang malaking cube? Ni hindi nga niya sinabi kung ano'ng totoong itsura ng mga cubes na 'yon. Paano kung may color-coding 'tapos minus points sa mga cubes na nakuha naming hindi namin kulay?

Tumalikod ako at tumakbo pabalik kay Migs. Kaso nang paliko na, may nakabangga ako. "Hinayupak—"

Speaking of hinayupak.

"Aiden, ano ba. Tumingin-tingin ka sa daraanan mo, ha."

"Aba, e di, ikaw rin! Ikaw na nga bumangga sa 'kin!"

"Diyan ka na. Wala akong panahon sa 'yo."

Tinuloy ko ang pagtakbo. But . . . damn. Something's wrong.

Ba't ako sinusundan ng gunggong na ito? "Hoy! Bakit mo 'ko sinusundan!?"

"Sino ba'ng nagsabing sinusundan kita?"

"Wala. Pero kasunod kita."

Doon ko lang na-realize na mukhang na-realize na rin niyang hindi 'yon ang last words ni Migs. At . . . papunta rin siya kay Migs. Nakita pa nga namin ang mga kagrupo ni Migs na pini-picture-an ang mga kaklase kong nag-aagawan sa cubes. Pagkarating ko sa covered court, nakita ko sina Migs, Mrs. Ramirez, at Geanne sa covered court—

Teka, ba't nandito si Geanne? Di naman siya group 3. "Hoy! Ikaw, San Miguel," banat ko kaagad. "Ba't nandito si Geanne?"

"Pasensiya na, Kai. Ayaw kasi ni babe na sumali ako sa game. Pinilit ko, pero ayaw talaga niya."

"Wow, Geanne. Ang katotohanan talaga, boyfriend over friends, e."

"'Yan ang nagagawa ng pag-ibig," dagdag naman ni Aiden. "Mang-spoil."

"May asthma si Geanne kaya hindi ko na siya pinaglaro," dahilan naman ni Migs. "Pero hindi na siya mae-exempt sa quiz."

"Asthma pala," bulong ko habang nakatingin kay Geanne, nakairap, at nakangiti. Alam ko naman kasing wala. Natawa naman si Geanne nang nakita niya ang ginawa ko.

"Hoy, Migs."

Tumingin si Migs sa 'kin na parang alam na kung ano'ng itatanong ko. "Bakit, Kai?"

"Tapos na ba ang sinasabi mo kanina?"

Nagulat si Aiden. "'Stig. Nandito ka rin dahil do'n? Sabi na, e. Nagtaka ako no'ng may dalawang kulay ng cube. Aba, malay ko kung may color-coding."

Sa sandaling 'yon? Nakadalawa na agad siya?

"Galing niyo namang dalawa," sabi ni Migs habang natatawa.

"Sabi na nga ba!" padabog kong sinabi. "'Buti na lang at natuto na 'ko."

"O sige. Sasabihin ko na talaga. Hindi talaga cubes ang hahanapin niyo. Marbles. Nakadikit dapat do'n ang mga sagot dito." Pinakita ni Migs ang tatlong tanong na nasa likod ng manila paper. I knew it!

"Daming pakulo. Kainis." Tinaasan ko ng kilay si Migs. "Ano pa? Ano'ng kulay? May parusa ba 'to."

Napakunot ng noo si Aiden. "Kai naman. Pati ba naman parusa, tinatanong mo pa?"

"Tumahimik ka nga, Aids. Hindi mo kilala si Migs. Tuso yan. Kaya nga kaibigan ko, e."

"Wala. Walang parusa, bukod sa mag-quiz," natatawang sabi ni Migs. "At kahit ano'ng kulay. Tatlo lang 'yon na nakakalat sa school. Same places."

"Sino'ng nanakit sa 'yo?" tanong ni Aiden nang pabiro. "Sa buong school? Ilang square meters ang school para hanapin ang tatlong marbles na tig-one square centimeter lang?"

"Alam kasi ng grupo namin na di namin makukuha ang free quiz. Pero nagbabakasakali lang kami na kung sakaling hirapan namin ang game, makuha pa rin namin. No comment naman si Mrs. Ramirez sa gusto naming gawin." Tapos umupo si Migs sa may sandalan sa covered court. "At ang lesson ng game na 'to ay ang patapusin muna ang nagsasalita bago gumawa ng trabaho. Hindi basta agaran. Ayaw lang namin sa lower order thinking skills. HOTS kami."

Higher order thinking skills, weh! Sobrang overused na sa loob ng classroom ang term na 'yon simula no'ng nagkaroon ng topic sa values education tungkol sa utak. "HOTS mo mukha mo. Naku, Migs! Kung di lang talaga kita kaibigan."

"Dalian niyo. Twenty-five minutes na lang ang natitira."

Twenty-five minutes na lang? Saan na napunta ang fifteen minutes? "Promise talaga, ha? Wala nang kung ano-anong dagdag."

"Promise."

"Sa harap ni Geanne?"

Tapos napangiti si Migs. "Alam mo talaga kahinaan ko, 'no?"

"Dalian mo na at nauubos na ang oras namin!"

"Oo. Pinapangako ko 'yan sa harap ni Geanne."

Aalis na sana kami ni Aiden nang biglang tinigil kami ni Mrs. Ramirez. "Smith, Tuazon."

Siyempre, napalingon kami ni Aiden. Binulong pa nga sa 'kin ng mokong, "Alin ka ro'n? 'Yung Smith o 'yung Tuazon?"

"'Yung wala akong pakialam sa 'yo," sagot ko nang pabulong.

"Alam ko naman ang plano nitong si Miguel," umpisa ni ma'am. "At dahil kayo lang ang bumalik, may extra akong bonus."

Extra na nga, bonus pa, sabi ko sa isip ko. Sobra-sobra na yata 'yon.

"Kung sino ang makakakuha ng pinakamaraming marbles sa inyo, bibigyan ko pa ng isa pang free quiz. Ibig sabihin, kung ang grupo n'yo ang pinakamataas at kayo pa ang makakakita ng mas maraming marbles, dalawa ang libreng quiz n'yo. Pero pag hindi naman mataas ang group n'yo pero nakakuha kayo ng mas maraming marbles, at least, may libreng isa pang quiz."

Nagulat kami ni Aiden. Almost tie ang mga grupo namin. Kung mananalo sina Migs, dapat makakita ako ng at least two marbles or kahit isa, 'tapos walang makukuha si Aiden. Better pag nakuha ko ang tatlo! It's two free quizzes or nothing!

"At," dagdag na ni Mrs. Ramirez, "kayong dalawa lang ang maghahanap sa marbles na 'yon. Bawal magpatulong sa kagrupo. Disqualified agad."

Tumingin ako sa score board. Challenge 'to. Dito sa activity na 'to—pati in real life—si Aiden pa rin ang kalaban ko.

Tumakbo na kami para hanapin ang marbles. Nag-panic ako kasi . . . where in this school ko makikita ang mga 'yon?

Nag-umpisa ako sa mga corridor. Maya-maya, kasama ko na si Aiden. Nakita ko siyang may hawak na marble.

"Hoy! Sa'n galing 'yan?" galit na tanong ko. "Napulot mo 'yan sa kung saan, 'no?"

"Hindi, a! Maangas nga ako, pero di ako mandaraya."

"Sa'n mo nga nakuha 'yan?"

"Sa covered court. Kung saan nakatayo si Migs."

"Ha?!"

"Nakatago sa may bakal-bakal. Nakita ko na sinasandalan ni Migs habang sinasabi niya ang instructions. Do'n pa lang, alam ko na."

Buwisit. Pag wala akong makita kahit isa lang, matatalo ako. No. Not with Aiden.

Tumakbo ako palayo sa kanya at papunta naman sa stage, hoping na may makita ako wala talaga. Eight minutes na lang ang natitira para sa akin.

"Isip, isip, isip, isip! Mag-isip ka, Kyleen!" sabi ko sa sarili. "Isipin mo ng sampung beses si Migs."

At nang naisip ko si Migs, si Geanne ang unang pumasok sa isip ko.

Tumakbo uli ako papunta sa covered court. Nakita ko si Geanne na nakaupo, nakangiti sa 'kin.

"Asan?" demanda ko kaagad.

"Galing mo talaga, Kai!"

"Wala akong inisip kundi ang pangalan ni Migs. 'Buti biglang sumipot yung pangalan mo."

Kinuha ni Geanne 'yung isang marble sa bulsa niya. Nag-thank you ako bago tumakbo. Naghanap naman ako sa may mga halamanan. Maya-maya, nakita ko rin si Aiden na naghahanap sa may side ko.

"Do'n ka sa kabila!"

"Naghanap na ko ro'n. Dito na lang ang di ko nahahanapan."

Ba't ang bilis niya maghanap? Kailangan ko rin galingan. Di na 'ko sumagot sa kanya at nagpatuloy na lang sa paghahanap. Sabay pa kaming napatayo, at sabay rin naming nakita ang isang marble sa tapat namin kung saan kami naghahanap.

Nagkatinginan kami ni Aiden. Sabay kaming kumilos.

Fight for your grade, Kyleen! sigaw ko sa utak ko. Nag-slow motion ang paligid habang binubuwis namin ang aming mga buhay para kunin ang marble. Kitang-kita ko nga kung paano tumalbog ang buhok niya at kung paano nag-flip ang palda kong plinantsa ng nanay ko no'ng Linggo.

Pero . . . nauna siya.

Huminga ako nang malalim. Nakita ko 'yung dalawang marble na hawak na niya ngayon. Bitter ako, kaya wala akong nagawa kundi tumalikod.

"Di mo ba aagawin?" tanong niya.

"Ayoko na. Pagod na 'ko. Mag-aaral na lang ako para sa mga quiz na 'yon."

Narinig na namin ang pagtawag pabalik ni Migs kaya bumalik na kaming lahat sa covered court. Nagsisikumpara na ng mga nakuhang cubes ang mga kaklase namin nang nag-interrupt si Migs.

"Naku, guys. Hindi n'yo kasi ako pinatapos. Di ba, sabi ko, magsisimula ang game pagtapos 'kong magsalita?"

Natural, nagsungit ang iba kong mga kaklase. Pero pinatahimik sila ni Mrs. Ramirez. "And the lesson here is? Let the speaker finish and make sure that the go signal is really a go signal."

Sabay insert kuno ng lesson. Pero Ang totoo wala talagang konek. Maikonek lang.

"'Wag kayong mag-alala," sabi naman ni Migs. "May dalawang matalino na bumalik dito—sina Aiden at Kyleen."

Sort of representative for each group pala ang nangyari. Nag-step forward kami ni Aiden. Nalungkot ako natural. Alam ko kung ano ang kinalabasan, e.

"May nakuha kay, Aiden?" tanong ni Migs. Tumango naman ang unggoy. "Ilan?"

"Isa."

Ha? Tama ba ang narinig ko? Isa? Hunghang ba siya?

"Si Kyleen ang nakakuha ng dalawa. Di na ako nakipag-agawan. Baka kailangan niya, e."

"Ha?" nagtataka kong sinabi. Siya naman, ngumuso sa may bulsa ko. Do'n ko nakita 'yung isa pang marble. Hindi ko alam kung pa'no napunta do'n, pero dahil gano'n ang nangyari, grupo ko ang biniyayaan ng free quiz at ako ang nakakuha ng double free quiz.

✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦

No'ng uwian na, nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin si Aiden sa may bike area. Siyempre, di ko maiwasang magtanong. "Paano mo nailagay 'yon sa bulsa ko?"

"No'ng di ka tumitingin," sagot lang niya.

"Bakit?"

Di siya kaagad sumagot. Akala ko nga, nabingi pa siya. Hahayaan ko na lang sana nang bigla niyang sinabing "Kasi . . . prinsesa kita." 'Tapos ngumiti ang unggoy. Do'n ko nakita na may dimples pala siya.

Pinigilan ko naman ang ngiti ko at umirap. Inayos ko na rin ang bike ko para makauwi na.

"May maghahatid sa 'yo pauwi?" tanong niya.

"Sarili ko."

"Si Jake?"

First time niya yatang mabanggit si Jake sa 'kin. "Hindi. Pinapauwi ko 'yon nang maaga."

"Pinapauwi mo?" tanong niya na may kasamang mahinang tawa. "Boyfriend mo ba?"

"Hindi," sagot ko. Saktong natanggal naman na ang kadena ng bike. "Best friend."

Tumango-tango lang si Aiden. Nang maalis ko na ang bike ko, saka naman niya ako inalok. "Sabayan na kita."

"Kung makakasabay ka, why not?"

Alam kong delikado, pero mukhang naging racing ang pag-bike namin. Pinapakitaan pa ako ng no-hands na pag-bike. Nagagalit ako kapag ginagawa niya 'yon kasi delikado nga.

Di ko nga ine-expect na hanggang bahay niya ako ihahatid. Ang kulit. Okay lang, I actually felt safe. Di rin naman siya nagtagal. As in paghatid niya, wumagayway na rin siya paalis. Do'n ko na-realize na kahit maangas, makulit, at mayabang ang unggoy na 'yon, kahit papaano, mabait naman pala si Aiden.

At ayoko mang aminin, na-realize kong cute din pala siya.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

46.1K 663 46
A Girlinlove Fan Fiction Story <3
Play The King: Act Two Από akosiibarra

Εφηβική Φαντασία

301K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
195K 12.9K 16
Harper Esmeralda Gazellian
153K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...