My Gangster Girl

By TheRedOneechan

242 2 0

A nerd and a gangster... Are they compatible? More

Characters (part1)
Author's note
My Gangster Girl
Prologue
Chapter 1:My Savior
Chapter 2:First day
Characters (part2)
Chapter 4: The Enemies are back(part 1)
Chapter 5: The enemies are back(part 2)
Chapter 6:annoying
Chapter 7: unexpected
Chapter 8: The new member

Chapter 3:Classmates

15 0 0
By TheRedOneechan

Chapter 3 :Classmates

Ethan's P.O.V

"Anak ng--- hindi pa rin talaga kayo nag-babago ano?? Miss Alcantara at Miss Tuazon?? " narinig kong tanong ni Sir Aladin doon sa dalawang bagong pasok.

Bakas sa tono nito ang panenermon at pagiging sarkastiko.

Napaangat naman ang tingin ko upang tingnan ang tinutukoy niya at ganon nalang nanlaki bigla ang mga mata ko sa nakita.

T-teka----

Ano 'tong nakikita ko?

Pinaglalaruan lang ba ko ng imahinasyon ko?

Hindi lang ba ko namamalikmata?

Totoo ba talaga 'tong nakikita ko?

Nasa harapan ko sila ngayon?

Sila talaga?!

At k-kaklase ko pa??.

" jusmaryosep !kahit kelan talaga kayong dalawa oh oh! Kasasabi ko lang kanina na ayoko ng mga nale-late eh tsk!  --- " sabi nito sabay humalukipkip"At buti naman naisipan ninyong pumasok sa first day of school? Aba Baka naman sa umpisa lang yan ha?  at aabsent na naman kayo tulad ng ginagawa ninyo nung mga nakaraang taon ,papasok lang kung kelan ninyo gusto?! Aba usapan lagi yan sa faculty room! Oh hala Sige na !doon na kayo sa likod!  " singhal naman nito sa dalawa at aambanan sana ng palo pero nakailag ang mga ito.

"At least pumapasok pa rin sir! " nakangiting pamimilosopo naman nung may dimple. "--- at nakakapasa haha"

"Anak ng--- sumasagot ka pa Tuazon ha!  Hala dali na maupo na kayo doon sa likod naaabala ninyo ang klase ko! "

At gaya ng nakagawian nila nginitian at tinitigan lang nila si Sir Aladin. Napakamot nalang ng ulo niya si sir dahil sa kunsumisyon sa dalawa.

At walang sali-salitang naglakad yung dalawa papunta sa--- DIREKSYON NAMIN..

S-sa direksyon namin!  O_O

*Dugdug dugdug *

Bagama't hindi nila batid ang presensya ko dahil nakatuon lang sa iisang direksyon yung tingin nila ay Kinabahan pa rin ako.

Oo natutuwa ako dahil nagkita ulit kami pero meron dito sa loob ko na kinakabahan.

P-paano ko sila haharapan?  At paano ko sila kakausapin?.

Ano? 

Mag-Thank you?  Kasi niligtas nila ko at ayain silang lumabas bilang pasasalamat?  O simpleng thank you lang?  O di kaya tulungan din sila pag sila naman nangailangan?

Pero anong klaseng tulong naman? 

Makikipagbakbakan din ako?  Pero di ako marunong! baka nga imbes na makatulong eh lalo lang may mapahamak. 

Eh kung tulungan ko naman sila sa mga subjects?  Pero baka mainsulto naman sila pag ganon baka sabihin nila iniisip kong mga bobo sila kahit di naman.. At baka nga mas matalino pa sakin yung mga yun!  Tsk!.

Hays!  Hindi ko talaga alam!.

Muling tinitigan ko ulit sila.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Bahagyang Sinampal-sampal ko pa nga ang sarili ko, baka kasi nananaginip lang ako ?pero ---

MASAKIT!. Kaya ibig sabihin totoo!.

Hindi ko inalis sa KANYA yung tingin ko. Ang seryoso pa rin talaga ng mukha niya.Bahagyang naka-kunot pa ang noo nito,pero kahit na ganon...ANG GANDA NIYA PA RIN.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sila ng papalapit  sa gawi namin hanggang sa lampasan nila ang pwesto namin at nakarating na nga sila sa may likuran namin.

Nalalanghap  ko na naman yung mabangong amoy nya.

*Dugdug dugdug*
*Dugdug dugdug*
*Dugdug dugdug*
*Dugdug dug dug*
*Dudug dugdug*

Doon nalang pala ang bakanteng upuan. Laking pasasalamat ko talaga dahil hindi doon naupo yung mga babae kanina! Hays

Mabilis na hinila NIYA yung upuan sa may LIKURAN KO at doon naupo, ni hindi man lang ako nilingon. Pagkaupo niya kasi ay sa bintana agad siya tumingin.

Eh?  Weird..  Loner din ang trip nito.

P-pero...  Teka T-totoo ba 'to??  Sa likuran ko sya mauupo?  I-ibig sabihin buong school year ko siya makakasama??  O_O

"Oh Hey! It's you?! " gulat na napalingon ako doon sa kasama niya. Nakangiti ito saakin. Labas na labas na naman ang malalim nitong dimple sa pisnge.

Hindi ko namalayan nakalingon na pala ako sa may likuran ko at titig na titig doon sa kasama niya.

Nakita niya kaya ako??

Nakakahiya!

"Y-yeah it's M-me hehe"  napapahiyang sagot ko naman sa kanya.

Halos lumundag ang puso ko nang biglang lumingon sa gawi ko yung babaeng singkit.

*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*
*dugdug dugdug*

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Bagama't kinakabahan ay nagawa ko pa ring makipagtitigan sa kanya. Wala kong mabasang reaksyon sa mukha niya basta nakatitig lang siya sa mga mata ko.

Aaminin ko nakakatakot ang titig niya .Alam mo yung blanko ang ekspresyon pero pakiramdam mo ang sama ng tingin niya sayo at parang may mga naglalarong bagay o ideya sa isip nito habang tinitingnan ka niya?.

Mapanganib

'Yun ang tamang description.

Parang pinagpaplanuhan niya na kung paano ka niya papatayin. Ganon!.

Ganyan siya tumingin talaga.

"Hoy Ash!   Haha Hindi ba't siya yung lalakeng tinulungan natin? Naalala mo??" Kalabit naman ni Kim sa katabi habang nakaturo sakin na animo may nakakamanghang bagay sa harapan niya.

So Ash pala ang pangalan nya?  Sa wakas nalaman ko din ang pangalan mo!  <3

" I don't remember him" kunot-noong sagot naman nito sa kaibigan at tsaka itinuon na mula ang tingin sa labas ng bintana.

Nanlumo naman bigla ako doon.

So hindi niya pala ko naaalala?.

Samantalang ako ay halos araw-araw ko siyang naiisip.

Yung galit ngunit maganda niyang mukha, yung magandang niyang boses, yung maangas niyang tindig , ang nakakahanga niyang galaw at yung amoy niyang hinding-hindi ko makakalimutan.

"Wuy lampa Pagpasensyahan mo na yang isang yan ha?.. Ganyan lang talaga yan--- so, i'm Kim" nakangiting sabi naman nito sabay abot ng kamay niya saakin.

Hanggang ngayon pa rin pala lampa pa rin tawag nito sakin?  -__-

Tinanggap ko naman ang pakikipag-kamay nito at saka nagpakawala ng isang pilit na ngiti.."I-I'm Ethan"

Buti pa 'to natatandaan pa ko.

"Nice name Ethan.. "

"Y-you too" nahihiyang sabi ko"thank you nga pala "

Natawa naman sya. "Sus wala yun".

Hindi na ko sumagot at sa halip ay pasimple kong nilingon yung kaibigan niya. Nahuli niya naman ako

" ah that's Ash , My best friend" ani Kim sabay turo doon sa katabi noya.Napansin ko ang mapanukso niyang ngisi.

Nakakahiya

"N-narinig ko nga kanina hehe" napapahiyang tugon ko naman.

Bigla namang sinipa ni Ivan yung upuan ko dahilan upang lingunin ko ito.

"What? "

" Kilala mo ba yang mga yan!?" Kunot-noong bulong nito sakin sabay turo sa dalawang babae sa likuran namin.

Kinabahan naman ako doon, hindi ko alam paano ko ipapaliwanag.

"A-ah long story.. " nauutal na sagot ko.

Nagulat naman ako nang may biglang tumikhim mula sa tabi ni Ivan.

Si Sir!

Seryoso ang mukha nito at nakahalukipkip pa habang nakatingin saamin.

"Mr. Ruiz and friends.. Kung balak niyo lang naman magdaldalan sa klase ko eh aba sabihin nyo na agad nang makalabas na kaming lahat, nakakahiya naman sainyo diba?...  Anak ng---- maaga pa para magligawan may mamayang gabi pa! " sita naman ni sir Aladin saamin at nagtawanan naman yung mga kaklase namin pwera nalang saaming apat nila Ivan, Kim at Ash.

Napapahiyang nagbaba naman ako ng tingin at ganon din sina Ivan at Kim. Si Ash naman ay ibinaling nalang ulit ang tingin sa labas ng bintana.

Matapos nun ay nagpatuloy na ulit si Sir. Sinabihan niya kaming magpakilala isa-isa pero sabi niya okay na daw kahit hindi na sa harapan.

Dito nalang daw sa upuan.

Ang sasabihin lang naman daw ay Pangalan, edad at hobbies.

Ilang minuto ang lumipas at madami na ang mga nakapagpakilala.

Isang estudyante nalang at si Ivan na. From right to left kasi . Matapos magpakilala nung katabi ni Ivan ay naupo na ito at siya naman ang tumayo.

At ayun na naman ang tilian ng mga kababae-han.

Haha grabe talaga wala pa nga tilian na agad sila.

"I'm Ivan Aldrich Ruiz, seventeen..and i love sports especially soccer, alam kong alam na yun ng karamihan lalo na ni sir Alabin dahil member ako ng mga clubs at sumasali din ako sa mga  school fest----and oh i play the guitar too,member ako ng music club at ako din ang vocalist ng banda" tipid-ngiting pagpapakilala nito at naghiyawan na naman sila.

"Go fafa Ivan! " sigaw naman nung isa, akala mo hihimatayin na sa kilig

Naupo na si Ivan kaya ako naman ang tumayo.

Bigla akong nakaramdam ng hiya kasi nakatingin silang lahat sakin, tsaka idagdag niyo pa na nasa likuran ko lang sina Ash.

"E-Ethan Kurt Ramirez, seventeen .. At w-wala kong sports gaya ni Ivan P-pero i love reading B-books" nauutal na pagpapakilala ko habang nakayuko.

"Wuy Mr.Ramirez! Nasa sahig ba ang kausap mo at dyan ka nakatingin?? " tanong naman ni Sir kaya nagtawanan na naman ang mga kaklase namin. Narinig ko din ang mahinang tawa ni Kim mula sa likuran.

"S-sorry sir" paghinging paumanhin ko naman habang nakayuko pa rin.

"Humarap ka" utos pa nito.

Iniangat ko naman ang tingin ko at napapahiyang ngumiti sa kanila. "S-sorry po ulit"

"Sige na maupo ka na.. Next! " sabi nya sabay sumenyas na tumayo na ang susunod.

Nagsimula ulit sa right ang last row.  Ilang kaklase pa namin ang nagpakilala.

Bored na bored lang akong nakikinig sa mga sinasabi nila habang nakatingin lang sa harapan.

Nabuhay lang ang dugo ko nung si Kim na ang tumayo at nagpakilala. Nilingon ko siya.

"Hey Classmate, I'm Kirsten Mikelle Tuazon, M-I-K-E-L-L-E .......and Pronounce as 'Mikel' yan ha? not 'maykel' or 'mikeli' okay? I'm seventeen---at yung hobby ko?" nakangiting sambit naman nito at sinadyang bitinin ang sinasabi " secret!saakin nalang yun" saad niya sabay nakangiting kumindat. Labas na labas na naman ang malalim nitong dimple.

"Aba naman may pa-secret-secret ka pang nalalaman  Tuazon, eh kung pati  magiging grades mo kaya i'secret ko din?!--- Tsk panay ka pa-cute hindi ka naman nga cute!" Pabirong singhal ni sir Alabin dito at akmang babatuhin kunwari sana ito ng eraser. Nagtawanan na naman yung mga kaklase namin.

"Hala sir walang ganyanan!  At uy Hindi  ako cute Sir ah!  Maganda ako!mga aso lang ang cute! " depensa naman nito na may halong pagbibiro.

"Puro ka talaga kalokohan TuazonHala sige! upo! " sabi naman ni Sir at sinenyasan na itong maupo na. Natatawang napapailing naman si Sir.

Narinig kong napa-awww naman ang mga kalalakehan naming kaklase, tila ba bigla sila tinamaan ng pana ni kupido. Nagbulungan naman ang mga ito na animo kinikilig, panay papuri ang maririnig sa kanila. Natawa ako.

Kung si Ivan kasi ay sikat sa mga babae, itong si Kim naman ay sikat sa mga lalake.

Bagay hehe

"Grabe pare ang ganda ni Kirsten Mikelle"

"Oo nga eh.. Pero maganda naman sila pareho nung kasama niya kaso mukhang masungit ata yun kaya kay Kirsten nalang ako, mas friendly pa"

"Hanep nakakalusaw yung ngiti ni kirsten, bro"

"Nakaka-in-love yung dimple niya!"

"Mas nakaka-in-love yung pagiging jolly niya haha! "

"Sinabi mo pa! "

Natatawang napapailing nalang ako. Totoong maganda talaga itong si Kim, walang duda.. Artistahin ang mukha, makulit pero hindi isip-bata yung dating niya, mukhang friendly lang talaga pero ewan ko ba pero para saakin eh si Ash pa rin ang mas may dating saakin.

"Psst akala ko ba Kim pangalan mo? " takang-tanong ko naman sa kanya nung nakaupo na sya. Nilingon niya naman ako.

"Kirsten Mikelle talaga pangalan ko, nickname ko lang yung Kim.. Mas sanay kasi ako dun ,yun kasi tawag sakin ng mga kaibigan ko. " nakangiting sagot niya.

Panay ngiti naman ang isang 'to hindi ba 'to marunong malungkot o sumimangot man lang?

Kabaligtaran niya yung kaibigan niya. Kung siya ay pala-ngiti...yung isa naman ay akala mo pasan lagi ang problema ng mundo kung maka-kunot ng noo niya. Mainitin ang ulo.

"Oh eh saan nga galing yung Kim??" Inosente pa ring Tanong ko pa, nakita kong bahagyang natawa naman siya.

Ano nakakatawaNagtatanong lang naman eh tsk

"Kinuha yung KI sa Kirsten.. yung M naman eh sa Mikelle.. Ano? gets mo na?  Haha" pagpapaliwanag naman niya habang tumatawa pa rin.

Tsk makatawa naman 'to wagas. Abnormal!  .

"Ah okayyyy" nakangiwing sagot ko habang tatango-tango.

"Next! " sigaw naman ulit ni sir, doon ko lang ulit naalalang hindi pa nga pala tapos ang pagpapakilala   .

Bahagyang nagulat  ako nang maramdaman kong gumalaw yung upuan sa may likuran ko kaya napalingon ako sa kanya.

Siya na pala!.

Nakita kong tumingin muna siya saglit saakin bago hinarap si Sir.

*dugdug dugdug*

Napahawak naman ako sa dibdib ko.Kinakabahan na naman ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon...napapadalas na kasi ang kabang nararamdaman ko tuwing tinitingnan sya.

Wala naman ako sakit sa puso ah?.

"Oh look... Si Ms. Alcantara na pala----  oh  sige nga pakinggan nga natin...pakilala ka na " nakangising komento naman ni Sir. At sinenyasan na itong magsimula ng magsalita.

" I'm Ash"

Ayun lang ang sinabi nya at naupo na. Napanganga naman ako habang nakatitig sa kanya samantalang Natahimik naman ang iba.

Iyon na yun??!

"Yun na yun Alcantara?!  Anak ka ng--- ayusin mo! " singhal naman ni sir sa kanya.

"Tch" reklamo naman nito.

Narinig kong may ibinulong pa ito pero hindi ko naman naintindihan, at saka  siya muling tumayo.

"Ashleen Yuu Alcantara, yung edad ko?bakit ko naman sasabihinPara namang interesado kayo?  Lalo naman sa hobbies ko?. "

"Anak ng--- ayusin mo sabi Alcantara!  " asik naman ni sir sa kanya. Napahilamos na ito ng mukha sa sobrang pagkainis sa babaeng kaharap.

"Oh?  Bakit Sir ?  Totoo naman ah?  Hindi naman  talaga kayo interesado diba? so bakit ko pa sasabihin? Ano mapapala ko?magsasayang lang ako ng laway ko,pang palipas oras lang naman talaga 'tong ginagawa natin dibadahil kakasimula lang ng klase? tss"

"Isa! " pagbabanta na ni Sir.

"Hanep yan!hindi  naman ako na-inform na mag-aapply pala kami dahil sa dami ng mga tanong mo! eh sana pala sir Sinabihan mo nalang kami na gumawa nalang ng bio data or kaya resume namin tapos pasa-pasa nalang para di na kelangan magsalitaTss! "

Napanganga na naman ako.

Yun na ata yung pinakamahaba nyang sinabi pero sa galit na paraan naman.

"Watch your words Alcantara" suway naman ni sir sa kanya. "Ulitin mo" malumanay ngunit may diin ang pagkakasabi nun ni sir.

Nasisiguro kong nagpipigil lang ito ng inis. 

Naririnig ko naman ang bulungan ng mga kaklase namin. Napakunot-noo naman ako.

May kung anong inis akong naramdaman sa loob ko, hindi ako natuwa sa mga sinasabi nila. Masyado silang judgemental... Hindi nila alam na matulungin at mabuting tao ang sinisiraan nila.

Naniniwala akong mabuti siyang tao masungit lang talaga siya.

"She's doing it again sis tsk tsk"

"Sayang Pre, Ang gandang babae pa naman pero ganyan ang ugali"

"She's crazy"

"No,She's creepy kaya! I don't wanna get near her !"

"Me too.. She's so nakakatakot, nagagawa niyang sagot-sagutin ng ganyan si Sir,i can't believe it! "

"Who's that girl ba?!  Akala niya naman kung sino siya tsk! "

"Poor her... "

Napa-tsk nalang si Ash at saka umirap muna bago ulit nagsalita. " i'm Ashleen Yuu Alcantara, seventeen and hobby ko ang manakit... ng mga taong maiingay" sabi nya at sinadyang diin ang mga huling sinabi tsaka sinamaan ng tingin yung mga nagbubulungan kanina. Takot na takot na nagsiiwas naman ang mga ito ng tingin.

Mga duwag naman pala!

Hinarap nya ulit si Sir matapos yun"--Are you satisfied now sir?? Tsk! " blangko na ang mukha nito.

Pero bago pa man magawang makapagsalita ni sir ay bigla nalang nag-ring yung school bell, hudyat na tapos na ang unang subject at susunod na ang pangalawang subject ngayong araw.

Napabuntong-hininga na lamang si Sir tsaka tinitigan si Ash, na ngayon ay nakatingin din sa kanya. Nagtitigan sila pero si Sir din ang unang sumuko. Inayos na nito ang kanyang mga gamit.

"Bukas ulit.. Bye class" ani Sir at saka lumabas na ng classroom.

Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Ash. Palihim ko siyang nilingon. Nakita kong nakadungaw na naman siya sa bintana.

Parang wala siyang pakialam.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Mayamaya lang din ay dumating na ang susunod naming teacher. Gaya ng kanina ay sinabihan kami nito na magpakilala, pero this time pangalan na lamang ang sasabihin.

Ganoon din ang ginawa namin sa iba pang subjects. Paulit-ulit na nagpakilala lang at konting discuss tungkol sa kani-kanilang rules and regulations.

>>>fast Forward<<<

* Uwian*

Mabilis na natapos ang buong araw na ito.

Uwian na at nagsimula nang magsilabasan ang mga tao sa classroom. Pero bago ko pa man magawang lingunin sina Ash ay nakita kong naglalakad na ang mga ito papalabas ng pinto.

Hindi ko na sila hinabol at sa halip ay sinundan ko na lamang ito ng tingin.

"Hoy Ethan, ano pa itinatayo-tayo mo dyan?  Tara na... " tawag naman ni Ivan saakin.

"Ah oo oo.. Teka lang di pa ko tapos dito, mauna ka na susunod ako" sabi ko

"Bilisan mo ha! Aantayin nalang kita sa baba!" sabi pa nito ,hindi niya na hinintay pang makasagot ako at naglakad na ito papalabas.

Dinig na dinig ko na naman ang tilian ng mga kababae-han mula sa labas.

Natatawang napailing na lamang ako.

Nagmadali na ako sa pagligpit ng mga gamit ko. Nang matapos ako ay lumabas na ko. May mangilan-ngilan pang tao sa loob ng classroom nung lumabas ako.

"I can't believe this, girl!  Kaklase pa talaga natin yung mga yunLalong-lalo na yang Ashleen Yuu na yan" maarteng saad naman nung isang babae, kaklase ata namin.

"Oo nga girl eh, i'm scared... I heard kasi na she's dangerous" sabi naman nung kausap nito , malamang kaklase din naman ito.

"Trueee, laging napapa-trouble! balita ko lagi  daw yang napapatawag sa dean's office "

"Gosh!, of all people why her?  Bakit dito pa sa section natin?  "

"Wala tayo magagawa, let's just stay away from her"

"Ganoon na nga lang talaga ang magagawa natin, basta ako ayoko ma-involve sa kanya at sa grupo niya. "

"Me too sis, me too"

Anong grupo

Gusto ko sanang magtanong, gusto ko sanang mang usisa kaso nakita kong naglakad na papalayo ang mga ito. Inis na tinitigan ko na lamang sila habang naglalakad .

"Kung maka-panghugas naman akala mo naman kung sino" wala sa sariling sambit ko at saka naglakad na papuntang locker kung saan naghihintay si Ivan.

"Ang tagal mo naman? " takang-tanong nya pagkadating ko doon.

"Ah eh hinanap ko pa kasi yung ballpen ko kaya natagalan ako"pagsisinungaling ko" tara na"

Nagsimula na kaming maglakad.

"Bro, yung dalawang babae kanina..hindi ko alam na kilala mo pala sila? " biglang tanong niya. Alam kong nang-uusisa sya.

"Ah a-ano kasi, sila yung nagdala saakin sa hospital nung araw na napagtripan ako sa daan,sila din yung tumulong saakin"

"TinulunganSa paanong paraan? " nagtatakang tanong niya pa.

"Ah h-hehe basta tinulungan... Yun na yun, ano ka ba tapos na yun move on na" yun nalang nasabi ko.

"Tsk" yun nalang din nasabi nya.

Wala akong balak sabihin sa kanya na pinagbubugbug nila yung mga gangster, baka kasi hindi niya paniwalaan tapos mag-aalala na naman siya.

Sasabihin niya nahihibang na ako at kung anu-ano na sinasabi ko na imposible yun.

>>>

Continue Reading

You'll Also Like

282K 10.3K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...