Rise of the Warriors

By rhiiicamae

276K 8.2K 251

Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapang... More

Prologue
(1) The Enchanted
(2) Exceptional Learners
(3) He's Accelerate
(4) Too Poisonous
(5) A Man with a Soft Side
(6) Jolly Bolt Maker
(7) Truth Behind Her Mess
(8) Sealed Heart
(9) Hidden Feelings
(10) The Top Learner
(11) Who Knows?
(12) Painful Acceptance
(13) Unknown Savior
(14) Isabel Rickman
(15) The Hidden Agenda
(16) Back-out
(17) Her Dark Side
(18) Raxelle Clarkson
(19) The Training Ground
(20) Pandan Berry
(21) Tie The Knot
(22) No Matter What Happen
(23) Love
(24) Protector in Disguise
(25) Fire coming from the <3
(26) Care
(27) The Second Task
(28) The Beginning
(29) Letting Go
(30) Crazy
(31) Rest Day
(32) Goodbye?
(33) Missing Her
(34) Ghost?
(35) Catnap
(36) Larvien
(37) The Living Dead 1
(38) The Living Dead 2
(39) Mystery
(40) Game Over
(41) Confession and Return
(42) Mystery Unclosed
(43) The Moves
(44) The Duel
(45) Memories
(46) Outside Look
(47) Unconditional Love
(48) Smile
(49) She Fell
(50) Return
(51) Off Limits
(52) Forgiveness
(53) Heart Breaks
(54) Diadem
(55) Team Work
(56) First Quarrel
(57) Her Inner Bitch
(58) Reconciliation
(59) Actions vs Words
(60) His Dimension
(61) Revelation
(62) Killer of her Lover - Part I
(63) Killer of her Lover - Part II
(64) Killer of her Lover - Part III
(65) Falls Party
(66) Traitor?
(67) Bliss over Chaos
(68) Strategic Plan
(69) Plead
(70) Bloodshed
(71) Empress
(73) The First Goodbye
(74) Awakened
(75) Freed
Survey (Not an Update)
(76) Good in Goodbyes
Epilogue
Special Chapter

(72) Revealed

1.5K 50 6
By rhiiicamae

Maddison's P.O.V

Ang gulo-gulo. Aist. Bakit ba kasi nangyayari ito kay Raxelle? Abot hanggang sukdulan talaga ang kasamahan nitong si Guido. Sinong matinong nilalang ang maglalagay ng dalawang katauhan sa isang katawan? Baliw talaga. Ano ng mangyayari sa amin ngayon? Wala na si Raxelle. Wala na ang Superior namin. Aist talaga. Ang sakit sa bangs. - -

"Wala ba talaga tayong magagawa? Hindi ko kasi kayang nakikita na nagkakaganyan si Jed."- Renz
"Kahit ako. Ngayon ko lang rin siya nakitang ganyan. Kilala natin siya. Wala siyang inuurungan. Wala siyang kinatatakutan. Pero iba ngayon. Ngayon lang siya nagpakita ng kahinaan."- August
"Wala namang nakakapagtaka duon ee. Pagdating kay Raxelle, nag-iiba siya. Siguro...ganun lang talaga niya kamahal si Raxelle. At mukhang hindi ko talaga mapapantayan yun."- Mackie
"Gusto ko ring pagaanin ang loob ni Jed pero kahit anong gawin ko...wala akong maisip na paraan para maibalik natin si Raxelle."- Casie
"Ano ng mangyayari sa atin? Wala na si Raxelle tapos nagkakaganyan pa si Jed. Malaking kabawasan sila sa atin."

Magkaka-wrinkles ako nito sa kaiisip ee. Kung makikita nyo kasi ngayon si Jed talagang maaawa kayo sa itsura niya. Kanina pa siya umiiyak habang pinagmamasdan si Empress. Parang gustong-gusto na niyang hilahin ito papunta sa amin. Ibang-iba siya sa Jed na kilala namin. Kakaiba talagang magmahal ang isang Top Learner. Pagdating sa taong mahal niya yung kalakasan niya, nawawala.

Dahil sa nangyari kay Raxelle tila nabawasan na rin ang kumpyansa naming manalo sa laban na ito. Wala na ang aming Superior. Pano pa kami kikilos bilang isa kung ang pinuno namin ay nakuwa na? Ayokong mawalan ng pag-asa pero mukhang...dehado kami sa labanan na magaganap.

"Lei..." Hinawakan ko ang kamay ni Lei na kanina pang nakatingin kay Guido at Empress. Napansin ko rin kasi na buhat ng magsimula ang labanan, hindi siya nagsasalita. Ni isang salita, walang lumalabas sa kanya. "May problema ba?" Hindi ko maiwasang itanong dala na rin ng pag-aalala.
"W-Wala naman."
"Sigurado ka?"
"Aa. Oo."

Bakit ganun? Parang ang lalim talaga ng iniisip niya. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Hindi ako kumbinsido na wala syang problema.

Sinubukan kong sundan ang mga tingin niya kina Guido at ikinagulat ko ng biglang ngumiti si Guido habang nakatingin kay Lei. Hindi ko tuloy maiwasan na mapakunot dahil sa nangyari. May kung anong hindi tama dito.

"Ano na Warriors? Lalaban pa ba kayo?" Mapanglokong sabi sa amin ni Guido.

Nakakaasar talaga yung pagmumukha niya. Ang sarap sapatusin. Mukha kasing paa. Ang sakit sa mata. Tsssk.

"Wag kang mayabang Guido."- August
"Lalabanan ka namin."- Renz
"At sinong may sabi na ako ang kakalabanin nyo?"- Guido
"Anong ibig mong sabihin?"- Mackie
"Kaya nga nandito si Empress. Hindi ko siya binuo para maging pang-display lamang."- Guido

Sinasabi na nga ba. Parang mauulit lang ang nangyari nuon dito rin sa T.G. Yung nakaharap namin ang impostor ni Raxelle. Ang kaibahan lang...hindi na siya basta basta impostor dahil siya na mismo ang makakalaban namin.

"Empress...pakitaan mo nga sila na mga nagagawa mo."

Matapos yung sabihin ni Guido, dahan-dahang lumakad papunta sa harapan namin si Raxe- este Empress. Nakakadistract yung abs niya. Bakit ba kasi meron siya nun? Tsss. Kainggit.

Nagulat ako ng biglang umatake si Empress at ako agad ang pinuntirya. Mabuti na lang nakailag ako agad at nakalapit sa iba pang Warrior.

"Sheeez. Kamuntik na ako." Habol hininga kong sabi. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.
"Tutunga-tunganga ka kasi ee."- Renz
"Kinamalayan ko ba. Nadistract ako sa abs niya ee."
"Oo nga no. Ako rin ee."- Renz

Abnoy. Napakamanyakol nitong isang to - -

"Warriors...humanda na kayo. Kailangan nating labanan si Empress."- Ro
"Pero..."- Mackie
"Tanda nyo ba nuon ang sinabi ni Ma'am na kahit na kakilala, kaibigan o kung sino pang mahalaga sa atin ang makakalaban natin as long as under Black Magic siya, kailangan natin siyang labanan. Nagawa itong lampasan ni Casie kaya alam ko na kaya rin natin. Kailangan nating magtulungan. Kailangan natin na maging matatag para sa Enchanted at sa buong mundo. Para na rin kay Raxelle."- Ro
"Tama si Ro. Kailangan nating lumaban."- Casie

Napaisip kami sa sinabi nilang dalawa. Mukhang wala na talaga kaming pagpipilian. Ayaw na rin namin maulit ang nangyari nuon na nagawa kaming lampasuhin nung impostorang Raxelle dahil hindi namin nagawang lumaban.

Nagkasundo kaming lahat na kada titingin kami kay Empress hindi namin iisipin si Raxelle. Hindi namin iisipin na siya si Raxelle. Kailangan naming iwasan na bagabagin ang loob namin. Kailangan naming umiwas sa palaisipan na makapagpapahina ng loob namin.

"Jed..." Nilapitan ni Casie si Jed at masinsinang kinausap para sa plano naming paglaban. Sa pagtango ni Jed, duon kami naghanda para sa panimula.

Kagaya ng inaasahan, agad kaming sinugod ni Empress at sa pagkakataong yun, nagsimula na rin ang plano. Si August, Mackie, Ro at si Lei ang lalaban kay Guido habang si Renz, Casie, ako at si Jed ang lalaban kay Empress.1 vs 4...hindi na rin masama.

---

Jed's P.O.V

Ito na ang pagkakataon ko para tulungan si Raxelle. Kailangan ko siyang makumbinsi na hindi siya si Empress, na siya si Raxelle. Kailangan kong gisingin ang katauhan niya.

Kagaya ng nakaplano, hinati ang Warriors sa dalawang grupo at dito magsisimula ang hiwalay na pakikipaglaban kay Empress at Guido.

"Warriors...gawin nyo ang lahat para makalapit ako kay Raxelle. Kailangan kong magawa ang plinano natin."
"Sige Jed. Baback-upan ka namin."- Maddison
"Kami ng bahala para mawala ang atensyon ni Empress sayo."- Casie
"Tayo na Guys. Nagsimula na ang kabilang grupo."- Renz

Nabalik ang atensyon namin kay Guido na kasalukuyang pinagtutulungan nila Mackie habang si Empress ay tumatakbo papalapit sa amin.

"Sumusugod na si Empress."- Renz
"Lets go Warriors."- Maddison

Nanatili akong nasa likod nilang tatlo habang pasalubong kaming tumatakbo papunta kay Raxelle.

At ng magpang-abot...agad naman na umatake si Raxelle at una nitong pinuntirya si Casie pero dahil mabilis kumilos si Renz at Maddison, nagawa nilang hawakan sa magkabilang braso si Raxelle at sinubukang i-lock ito. Ginamit ko ang pagkakataon at mataas na tumalon papunta sa likod ni Raxelle habang kinokontrol ni Casie ang mga ugat sa mismong pwesto ni Raxelle at iginapos ang mga paa nito.

"Bitawan nyo ako." Nakakatakot na sabi ni Raxelle. Yung boses niya ibang-iba sa maamong boses ni Raxelle. Napakalaki at malagong.
"Raxelle...makinig ka sa akin." Panimula ko.
"Hindi ako si Raxelle."- Empress
"Ikaw si Raxelle. Hindi ako naniniwala na wala na si Raxelle sa katawan na ito. Alam kong nandito siya kaya makinig kang mabuti. Ikaw si Raxelle San Clarkson. Anak ng magiting na si Domino at ng isang mabuting tao na nagngangalang Jerelle. Ikaw ang pinakamalakas na Holder at Warrior. Ikaw ang aming Superior. Ikaw ang aming kaibigan. Hindi ka masama. Hindi ito ang gawain mo. Raxelle...gumising ka. Lumabas ka mula sa pinagtataguan mo. Angkinin mong muli ang katawan mo. Huwag mong hayaan na gamitin ito sa kasamaan. Raxelle...bumalik ka na sa amin. Bumalik ka na sa akin. Huwag ko akong iiwan. Raxelle..."
"AAAAA. TUMIGIL KA. LAPASTANGAN."
"Jed bilisan mo. Nahihirapan na kami."- Maddison
"AAAAAA. BITAWAN NYO AKO. MGA LAPASTANGAN KAYO."- Empress
"Raxelle makinig ka sa akin. Gumising ka na pakiusap. Kailangan ka namin. Hindi namin ito kaya ng wala ka. Bumalik ka na sa amin. Bumalik ka na, pakiusap. Raxelle...isipin mo kami. Isipin mo lahat ng pinagsamahan natin. Isipin mo kaming mga kaibigan mo. Isipin mo ang pagmamahal ko sayo. Raxelle..."
"AAAA. MANAHIMIK KA. AAAAA."
"Mahal na Mahal Kita. Tandaan mo yan. Mahal na Mahal na Mahal Kita kaya please...bumalik ka na."

Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun ay sakto namang ang pagbitaw ni Maddison at Renz sa mga braso nito. Hindi na nila kinaya pang pigilan ang pagwawala ni Raxelle.

"Jed...Renz...tulungan nyo ang iba. Kami ng bahala ni Maddison dito. Mas kailangan nila kayo." Nagtaka ako sa sinabi ni Casie kaya agad kong binalingan ng tingin sina Lei.
"Sheeez. Dehado."-Renz

Tama si Renz. Dehado sa labanan ang apat. Nakahiga ngayon si Ro sa lupa habang si Lei, inaalalayang tumayo si August. Si Mackie naman...sinusubukang labanang mag-isa si Guido pero isang hawi lang ng kamay ni Guido sa mga malalaking tipak ng bato na ipinang-aatake ni Mackie dito, sa ibang direksyon na agad ito tumatama.

"MACKIE..." Hindi namin maiwasang mapasigaw ng bigla na lang tumalsik papalayo si Mackie.
"Puntahan nyo na sila. Kami ng bahala dito."- Maddison

Kagaya ng sinabi ni Maddison, agad kaming tumakbo papunta sa kanila at habang tumatakbo kami ay inaatake na rin namin si Guido.

Isang malaking bolang lason ang inihagis ni Renz sa posisyon ni Guido na siyang tumama sa kaliwang braso nito. Nakita kong nalusaw ang kasuotang pandigma niya pero hindi naging sapat ang atake na yun ni Renz. Agad ko namang itinapat ang kanang kamay ko kay Guido at sa isang iglap...isang nagliliyab at napakalakas na apoy ang kumawala sa akin.

Nilapitan muna namin ang iba para alalayan sa pagtayo at ng maging maayos na ang lahat...humanda na ulit kami dahil alam namin na hindi sapat ang naging pag-atake ko. Hinintay namin na mawala ang apoy na nakabalot kay Guido at ng tuluyan na itong naglaho...sabay-sabay kaming umatake sa kanya.

Akala namin okay na pero hindi pa man lumalapat ang bawat atake namin sa balat niya...agad kaming nagtalsikan papalayo sa kanya.

"AAAAAAAAAAA."

Ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa likod ko ng tuluyan akong bumagsak sa lupa. Pakiramdam ko, nabalian ako ng buto sa tindi ng sakit.

"W-Warriors..."

Hirap man...pinilit ko pa ring makatayo para tulungan ang iba na makabawi sa pagkakabagsak nila.

"AAAAAAAAAAAAA." Nagulat kaming lahat maski si Guido ng bigla na lang sumigaw si Raxelle at nang balingan namin ito ng tingin...nakaluhod ito sa lupa habang hawak-hawak ang ulo niya.

Mabilis siyang nilapitan ni Guido kaya automatic din kaming sumunod at lumapit sa kanila.

"Anong nangyayari?" Salubong ko kay Casie at Maddison.
"Jed...mukhang umepekto ang ginawa mo."- Casie
"Talaga?"
"Oo. Kanina habang nakikipaglaban kayo...nanatili lang ako sa pagkontrol ang mga ugat para mapigilan siya kung sakaling may gawin siyang pag-atake pero wala naman siyang ginawa. Bigla na lang siyang lumuhod at hinawakan ang ulo niya. Jed...nagawa mong gisingin ang natutulog na katauhan ni Raxelle sa loob niya."- Casie

Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabing iyon ni Casie. Ibig sabihin...tama ang paniniwala ko na hindi nawala si Raxelle. Maaaring natalo lang ng kautahan ni Empress ang katauhan ni Raxelle kaya siya ang may kontrol sa katawan nito ngayon. Pero kung tuluyang magigising ang katauhan ni Raxelle at magagawa nitong labanan si Empress...maaaring...bumalik siya.

"Anong ginawa nyo sa kanya?" Matalim kaming tinitigan ni Guido at walang anu-anong bigla na lang may lumabas na itim na apoy sa kanya. Mabuti na lang at naging alisto ako kaya nagawa ko itong malabanan gamit ang sarili kong apoy. It's Fire vs. Fire.
"Sabi na nga ba. Tama ako. Hindi nawala si Raxelle. Nasa katawan na yan pa rin si Raxelle. Napakasinungaling mo Guido."
"Tumigil ka." Pagkatapos niyang sabihin yun ay mas lumakas ang apoy na lumalabas mula sa kamay niya. Hindi ako makakapayag na matalo dito. Wala pang nakakatalo sa apoy ko.
"RAXELLE ALAM KONG NARIRINIG MO AKO. GUMISING KA NA. KAILANGAN KA NAMIN. PAANO NA LANG KAMI KUNG MAWAWALA KA. KAYA PAKIUSAP...BUMALIK KA NA."
"MANAHIMIK KA."

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kinaya pa ang tindi ng lakas ng apoy na lumalabas sa kanya kaya wala akong nagawa kundi ang umilag na lang.

"AAAAAAAAAAAAAAA." Mas lalong lumakas ang pagsigaw ni Raxelle kaya mabilis siyang inilayo sa amin ni Guido. Siguro para na rin maiwasan na tuluyang namin magising ang katauhan ni Raxelle.

Kailangan naming gamitin ang pagkakataon na ito para mapabagsak si Guido. Mag-isa na lang siya at kung ipagpapatuloy ko lang ang ginagawa kong pagpapaalala ng lahat kay Raxelle, maaaring tuluyan na siyang mawalan ng kasama. Magagawa na namin siyang talunin.

"Warriors...kailangan nating ipagpatuloy ang pag-atake. Gawin nyo ang lahat para mawala ang atensyon ni Guido kay Raxelle. Kailangan kong ituloy ang nasimulan ko."
"Kung ganun, tayo na." Matapos sabihin yun ni Casie ay naghanda na rin ang iba sa sabayang pag-atake. Humanda ka Guido. Sa amin pa rin ang tagumpay.

Sabay-sabay naming sinugod si Guido at ng ilang metro na lang ang layo namin sa kanya ay duon ko na inilabas ang apoy na siyang susunog sa buong pagkatao niya.

"MAMATAY KA NA GUIDO." Malakas ko itong isinigaw at kasunod nuon ay ang pagsigaw rin ng mga kasamahan ko.

Ilang pulgada na lang ang layo ng bawat atake namin sa kanya ng bigla na lang may bumalot na isang transparent na bagay kay Guido at dito tumama ang mga pag-atake namin.

---

Maddison's P.O V

Akala namin magiging maayos ang kalalabasan ng sabayang pag-atake pero may mga bagay talagang hindi mo inaasahang darating.

Isang trasparent na bagay ang bumalot kay Guido kung saan nagawa nitong protektahan si Guido mula sa mga atake namin at mabilis rin nitong nalusaw ang apoy ni Jed compare to other elemental being na lumabas mula sa amin.

"Ano yun?"- Renz
"Barrier." - Ro
"Saan nanggaling ang Barrier na yun? Atsaka...anong klaseng Barrier yun? Bakit parang ambilis naman nung nagawang patayin ang apoy mo?"- August
"Isa lang naman ang maaaring makagawa nun sa apoy ko..."- Jed
"Ano?"- August

Matapos sabihin yun ni Jed...biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang ayoko na...ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya. Para kasing...alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

"Water Barrier." Boooom. Sabi na nga ba. T-Tama ako. Isa lang ang ibig sabihin nito...
"HAHAHAHA Nagulat ba kayo Warriors? Akala nyo ba mag-isa na lang ako. Nagkakamali kayo."- Guido
"Guido..."- Jed
"Ipinapakilala ko nga pala ang kanang kamay ko si Mr..." Hindi. Hindi to totoo. Hindi. "Lei Davids." Hindi. Lei...bakit? Bakit mo nagawa sa amin to?

Dahan-dahang lumapit si Lei sa tabi ni Guido at nang humarap ito sa amin, kitang-kita ko ang pag-iwas niya sa mga tingin ko.

"Lei? Ikaw? Pano mo nagawa sa amin to?"- Casie
"Ikaw ang traydor?"- August
"Napagbintangan ako nuon na siyang nagtatraydor sa atin pero hindi ko akalain na ikaw pala yun. Na ikaw ang tunay na espiya at traydor sa Warriors."- Ro
"Lei isa kang Warrior. Paano mo nagawa ito sa amin? Paano mo nagawa ito sa Enchanted?"- Renz
"Pasensiya na kayo pero simula pa lang hindi ko itinuring ang sarili ko na isa sa inyo. Pumasok ako ng Enchanted hindi para maging isa sa pinaka malakas na holder o maging isang Warrior. Pumasok ako sa Enchanted para mag-espiya at para bantayan si Raxelle dahil alam ko na darating ang pagkakataon na lalabas mula sa kanya si Empress. Hindi ko naman akalain na mapapasama ako sa inyo. Hindi ko akalain na ganung kababa ang standard ng pagiging Warrior. Siguro...ganun lang talaga ako kalakas. Oo, maaaring pangalawa lang ako pero wag nyong kakalimutan na ako ang kahinaan ng Top Learner nyo."

L-Lei...hindi ikaw yan. Pano mo nasasabi yan sa amin?

"Maddison..." Mababakas ang pag-aalala nila sa akin dahil hanggang ngayon...hindi ko pa rin magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko.
"Ang bilis nyong paikutin no. Ang taas-taas ng tingin sa inyo ng iba pero hindi nila alam na mga mangmang kayong mga Warrior. Hahahaha Nakakatawa na sa tinagal-tagal nating magkakasama, hindi nyo man lang nahalata na kalaban ako."- Lei

Una si Raxelle...ngayon naman si Lei. Sino pa ba sa amin ang kalaban? Ano bang nangyayari sa Warriors ngayon?

"Ikaw..." Sabay-sabay na humarap sa akin ang Warriors pati na rin si Lei pero mababakas mo pa rin ang pag-iwas niya sa mga tingin ko. "Ikaw ang traydor?!" Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang tumango. "Pano mo nagawa sa amin to?"
"Kailangan ko pa bang ulitin lahat ng sinabi ko kanina? Hindi mo ba naintindihan?"- Lei
"So ikaw nga."
"Ano naman sayo?"- Lei
"Ano pa ba sa mga sinabi at ginawa mo ang hindi totoo? Ha? Lei?"
"Lahat."- Lei
"Ano? Lahat?"
"Oo. Kasama na rin ang sinabi ko na mahal kita."- Lei
"Ibig sabihin..."
"Hindi totoo lahat ng yun Maddison. Pinaikot at pinasakay lang kita. Ni minsan, hindi ko ginusto na mahalin ang isang katulad mo. Niloko lang kita."- Lei
"LEI TUMIGIL KA."- Mackie
"Bakit? Totoo naman lahat ng sinasabi ko. Hindi ko mahal si Maddison. Kahit kailan...hinding-hindi ko siya minahal."- Lei

L-Lei...Pano mo nagawa sa akin ito? Sinungaling ka pala. Kagaya ka rin pala ng iba. Lolokohin at sasaktan mo lang rin pala ako. Ginamit mo pa ako sa mga plano mo. Pati ako dinamay mo sa pagtatraydor mo.

"Sino bang may sabi sayo na minahal din kita?"

Alam kong.iginagulat nilang lahat ang sinabi ko. Mababakas mo kasi sa kanila ang pagkabigla at pagtataka. Well...gaguhan na lang rin naman ito edi ipagpapatuloy ko na ang sinimulan niya.

"Sinabayan ko lang ang ginagawa mo Lei. Ikaw ang unang nagbigay ng motibo kaya sumunod lang ako. Hindi totoo na minahal din kita. Naawa lang ako sayo dahil ayoko na paasahin ka. Sinabayan ko ang kasinungalingan mo."
"Maddison..."- Renz
"Lahat ng ginawa natin...lahat ng yakap at mga halik na pinagsaluhan natin...lahat yun pinandirihan ko. Gustong-gusto kong sumuka sa harapan mo pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayoko na mapahiya ka. Ngayong lumabas na ang totoo mong pagkatao at nalaman ko na kalaban ka pala...hindi na ako magdadalawang isip pa na sabihin sayo lahat ng pandidiri na naramdaman ko. Alam mo ba na nakakasuka ka, nakakadiri ka."

Ang sakit. Ang sakit-sakit sabihin lahat ng yan dahil HINDI YAN TOTOO. Kahit kailan hindi ko pinagsisihan ang mga nangyari sa pagitan namin ni Lei. Kahit kailan hindi ko pinadirihan ang mga yan. Pinagkakaingatan ko ang mga alaala na yan dahil diyan ko naramdaman ang pagmamahal niya at diyan ko pinaramdam ang pagmamahal ko sa kanya. MAHAL NA MAHAL KO SIYA pero wala akong magawa ngayon dahil ayokong isipin niya na naapektuhan ako sa mga nangyayari. Ayokong isipin niya na magagawa niyang pahinain ang loob ko. Oo, nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero isa akong Warrior, labas ang personal na buhay ko dito sa misyon. Patawarin nyo ako sa mga kasinungalingan na sinabi ko. Kailangan kong gawin ito. Ito ang dapat. Ito ang tama.

***

Continue Reading

You'll Also Like

40.2K 1.5K 65
Sa pakikipaglaban siya ay bihasa. Hinasa mula pagkabata hanggang sa maging dalubhasa. Espada ang kanyang pangunahing sandata, subalit may karagdagang...
57.8K 4.5K 42
(COMPLETED) "If the whole world turn its back and betray you. I'll stay right beside you and turn my back to betray the world." .. Sa mundo na kung...
27.6K 729 35
(EDITED) Freiya Vermillion is known as one of the powerful Goddess not only because of her Forbidden Spiritual Magic but also her ability to see a De...
11K 554 63
"It is well-known for its fairy mystery." Si Faye ay bagong lipat sa bayan ng Fourchesea, at iisa lang ang naririnig niyang kumakalat dito. Bukod sa...