Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 18⇝ PART 2
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 22⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 24⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 28⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 33⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 17⇝

826 22 16
By Yllianna

Author's Note: Walang edit-edit to kaya pagpasensyahan na ang mga mali.

                Pinihit ni Kiari ang susi sa ignition sa ikalimang pagkakataon. Lumikha ng ingay ang makina ngunit gaya nang unang subok niya, hindi iyon nabuhay.

                “Ano, Kiari, ayaw pa rin ba?” naiinip nang tanong ni Erika. Nagpunas ito ng pawis sa noo gamit ang likod ng kamay, habang nagpapaypay naman ang mga katabi gamit ang tinuping papel, sombrero o ano mang nahagilap nilang pwedeng ipang-paypay sa mga sarili.

                “Ayaw eh.”

                “Ano ba’ng problema?” tanong ni Maeda.

                “Hindi ko alam. Basta ayaw mag-start ng makina,” sagot ni Kiari saka sinubukan ulit buhayin ang makina.

                “Tingnan mo kaya,” suhestiyon ni Ren.

                “Sorry. Marunong akong magmaneho pero wala akong alam sa makina ng sasakyan,” sagot ulit ng dalaga. Nagbuga siya ng hangin at pabagsak na inilapat ang likod sa malambot sa sandalan ng driver’s seat. Maya-maya ay walang salitang binuksan ni Kenji ang pinto ng van at bumaba.

                “Kenji, saan ka pupunta?” tanong ni Maeda saka parang kinakabahang luminga sa likod.

                “Wala nang dahilan para manatili tayong lahat sa loob ng sasakyan. Ayaw gumana ng makina at wala sa ating marunong mag-ayos niyon.”

                “Pero delikado sa labas nito. Baka may mga zombie sa paligid,” nag-aalalang sabi ni Grace na halata pa ang trauma mula sa encounter nila sa mga zombie sa palengke. Halos mapatalon pa ito mula sa kinauupuan sa likod ng van nang may marinig silang kaluskos mula sa kakahuyan.

                “Hindi tayo pwedeng manatili na lang sa sasakyan, Grace. Sa tindi ng init ng araw at sa dami natin baka lahat tayo mahilo.”

                “P-pwede naman siguro nating buksan ang mga bintana. Kahit konti lang.”

                “Hindi iyon masyadong makakatulong. Isa pa, sooner or later, kailangan din nating lumabas para maghanap ng tubig at pagkain. Mauubos din ang mga supplies natin. At mas delikado kung may dumating na grupo ng mga zombie at mapaligiran tayo habang nasa loob. Mata-trap tayong lahat.”

                “P-pero…”

                “Tama si Kenji, Grace. Kailangan nating iwan ang sasakyan at maglakad. Kung totoong may mataas na bakod at gate ang bahay nina Kenji, mas magiging ligtas tayong lahat doon,” sabi ni Maeda.

                “Pero paano si Manang Lupe at ang mga bata?” tanong ni Shizu. “Siguradong mahihirapan sila.”

                “Wala tayong magagawa. Kailangan nating abandonahin ang sasakyan at kailangan nating magsimula kaagad. The sooner we get to our house, the sooner we’ll be safe.”

                “Sige. Magsalitan na lang tayo ng pag-alalay sa kanila,” suhestiyon ni Ren.

                “Sa gitna dapat ng grupo sina Manang Lupe. Para may proteksiyon sila sa likod at harap dahil wala silang laban sa mga biters,” sabi ni Erika.

                Tumango si Kenji bilang pagsang-ayon.

                  Maeda killed the biter with one swift stab on its forehead and let the undead fall to the ground lifeless. She unconsciously wiped her own forehead of sweat before she turned to face her companions.

                “Malayo pa ba, Kenji?”

                Luminga muna sa paligid si Kenji para tingnan kung mare-recognize niya ang paligid bago sumagot.

                “Mga ilang milya na lang. Tatlo siguro o apat.”

                “Kung ganoon baka kailangan nating maghanap muna ng matutulugan. Siguradong hindi tayo aabot sa bahay ninyo bago magdilim. Ilang oras na lang ang natitira bago lumubog ang araw.”

                Imbes na sumagot, saglit na nilingon ni Kenji ang mga bata at si Manang Lupe. Tapos ay wala sa loob niyang ibinaling ang tingin sa kakahuyang pumapaligid sa kanila bago niya ibinalik ang tingin kay Maeda.

        Tahimik na kumakain ang grupo na nakapalibot sa maliit na apoy. Tig-iisang lata lang dahil mahirap ang rasyon. Kailangan nilang tipirin ang mga de latang dala nila. Lalo na’t hindi nila nadala lahat dahil kinailangan nilang abandonahin ang van. Kenji swallowed the last of his share and painfully threw the empty can away. Kung hindi lang sila nagtitipid makakaubos pa siya ng isa. O kahit dalawang de lata. Minabuti niyang uminom na lang ng tubig para mapuno ang kaniyang sikmura.

        “Sigurado ka bang hindi tayo naliligaw, Kenji?” tanong ni Erika maya-maya. Inilibot niya ang paningin sa madilim na kapaligiran bago muling ibinalik ang pansin sa lalaki. “Mukhang nasa kagubatan pa rin tayo eh.”

                “Oo. Kahit matagal na ‘kong hindi nakakauwi sa amin tanda ko pa ang pauwi. Dito ako lumaki kaya alam ko ang lugar na ito.”

                “Pero di ba sabi mo mga tatlong milya pa ang layo ng bahay ninyo? Nakakagala ka hanggang dito?” alanganing tanong ni Ren.

                Tumango si Kenji.

                “Madalas ako noong isama ng papa ko sa pagha-hunting. Kahit bata pa lang ako tinuruan nya akong humawak ng hunting rifle and hunting knife. Iyon ang bonding namin ng papa,” sagot ni Kenji. May ngiti sa kaniyang mga labi habang naalala ang kaniyang papa. Pero wala sa mga ka-grupo ang kaniyang paningin kungdi sa sumasayaw na apoy.

                “Wag kang mag-alala. Magkikita din kayo ng papa mo,” sabi ni Shizu.

                Pagak na tumawa si Kenji.

                “Imposible. Patay na siya.”

                Natigilan sandali ang lahat sa kaniyang rebelasyon.

                “I’m sorry,” may lungkot na sabi ni Shizu.

                Hindi umimik si Kenji. Tahimik niyang ipinagpatuloy ang panonood ng naglalarong apoy ngunit halatang wala naman talaga doon ang kaniyang isip.

                Ibinaling ni Kenji ang tingin mula sa kawalan sa may-ari ng kamay na dumantay sa kaniyang balikat. Nakaupo siya noon sa nakausling ugat ng puno ilang dipa ang layo mula sa mga ka-grupo. Nakahiga na ang lahat sa paligid ng siga.

                “Ako naman ang magbabantay. Magpahinga ka muna,” sabi ni Shizu habang umuupo siya sa tabi ng lalaki.

                “Okay lang. Hindi pa naman ako inaantok,” sagot ni Kenji. Halos hindi niya sinalubong ang tingin ng kaibigan. Agad niyang ibinalik ang pansin sa madilim na liblib.

                “Iniisip mo pa rin ba ang papa mo?”

                Ipinikit ni Shizu ang mga mata at pinagsalikop ang mga kamay nang nanatiling tahimik si Kenji. Nang magmulat siya, nakatingin na ang binata sa kaniya.

                “Nagdasal ako. Hiniling ko sa Panginoon na sabihin sa tatay ko na hanapin ang papa mo. Para magkakilala sila. Para kahit paano mapanatag ang loob mo na may kasama ang papa mo. May nakakausap,” nakangiting sabi ni Shizu. “Nasa langit na rin kasi ang tatay ko eh. Nawala siya sa amin noong isang taon. Malungkot isipin na iniwan niya na kami. Pero nakakatuwa ding isipin na magiging magkaibigan ang mga tatay natin. Parang tayo.”

                Matipid na gumanti ng ngiti si Kenji.

                Shh. Shh.

                Sabay silang napatingin sa pinagmulan ng kaluskos. Naghabulan nag tibok ng kanilang mga puso hanggang sa lumipas ang ilang sandali at nanatiling tahimik ang paligid. Shizu sighed. Tapos ay sabay silang napatingin sa isa’t isa. Kiming ngumiti si Shizu. Halos sabay pa silang nagbaba ng tingin.

                “May…” sabi ni Kenji. Hindi niya itinuloy ang sasabihin ngunit itinuro niya ang sariling buhok habang nakatingin sa ulo ni Shizu. Agad namang naintindihan ng babae ang ibig niyang sabihin. Shizu consciously checked her hair and found a yellowing leaf. Inayos niya ang buhok na parang napapahiya.

                Kenji laughed lightly.

                “Pinagtatawanan mo ko,” kunwari ay nagtatampong sabi ni Shizu. Pero nakangiti din siya.

                “Hindi. Natutuwa lang ako sayo.”

                “Ewan ko sayo.”

                “Totoo. Nakakatuwa ka. Nagba-blush ka pa eh,” biro ni Kenji. Lalong namula ang pisngi ni Shizu. She playfully hit Kenji on his forearm which he barely tried to avoid. Sinubukan uling hampasin ni Shizu ang lalaki habang tahimik silang nagtatawanan, pero nahuli nito ang kaniyang kamay. Nagpatuloy sila sa masayang biruan hanggang unti-unting mamatay ang tawanan. They found themselves staring at each other in the dark. Kahit nahihiya, hindi umiwas ng tingin si Shizu. Kenji brought his hand on her cheek and gently caressed it. He lowered his head towards hers and kissed her lips gently.

                They were both enjoying the kiss when cold water brought them back to their senses.

                “Ay!”

                “Maeda!” bulaslas na sabi ni Kenji nang mag-angat siya ng mukha at makita ang nakasimangot na babae. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanila. Nakasukbit pa sa daliri ng dalaga ang hawakan ng baso.

                “Paano nyo malalaman kung may zombie kung naghahalikan kayo?” mataray na tanong ni Maeda.

                “Pwede ba hinaan mo ang boses mo? ‘Yan ang makaka-attract ng mga zombie dito eh.”

                “Wag mong ibahin ang usapan.”

                “Ano ba kasing pakialam mo, Maeda? Akala ko ba ayaw mo kay Kenji?” inis na ring sabi ni Shizu pero mahina ang boses nito.  

                “Oo. Ayoko sa kaniya. Ang punto ko ay ipapahamak nyo tayong lahat dahil sa paglalandian nyo.”

                “Iyon nga ba ang dahilan? O nagseselos ka?”

                “Aba’t…” Sinugod ni Maeda si Shizu ngunit maagap na nakaawat si Kenji. Pero hindi nagpapigil ang dalawang babae. Nagsuguran pa rin ang mga ito. Nakiawat na rin sina Ren at Erika na nagising na dahil sa ingay nila. Ang iba nilang kasama ay nag-aalalang nakatingin sa gulo.

                “Tama na. Tama na,” mariing sabi ni Ren habang pinipigil ang pinsan.

                “Tama na. Baka marinig kayo ng mga biters,” ninenerbiyos na sabi ni Kiari. Panay ang tingin niya sa paligid habang mahigpit na hawak ang stake.

                Pero walang tumigil hanggang marinig nila ang ingay ng latang ikinabit nila sa tali at ipinalibot sa kanilang tinutulugan.

                Klang. Klang.

                Lalong kinabahan ang lahat. Mahigpit na yumakap ang dalawang bata kay Grace. Ilang segundo ng nakabibinging katahimikan ang lumipas. Halos marinig nila ang tibok ng sariling mga puso. Pinatindi pa ng pag-ihip ng malamig na hangin ang tensyong nararamdaman ng grupo habang naghihintay ng lalabas mula sa dilim. Isa. Dalawa. Tatlong segundo pa ang lumipas bago…

                “Harrr!”

                Mula sa kakahuyan, lumabas ang isang biter. Pero bago pa may makakilos sa kanila, sumunod ang anim pa. At sampu. Hanggang sa hindi na nila magawang malaman kung ilan ang dumarating patungo sa kanilang grupo.

                “Kyaaaaaaaaaaaa!” tili ng mga bata.

                “Takbo!” sigaw ni Kenji.

                Nagmamadaling tumalikod sina Shizu, Maeda at Ren kasunod si Kenji pabalik sa camp fire at mabilis na dinampot ang ano mang mahagip na bag o supply. Inalalayan ni Kiari si Manang Lupe katulong si Grace habang tumatakbo sila palayo sa hindi nila malaman kung gaano karaming biters.

                “Wag kayong hihiwalay sa grupo,” paalala si Ren nang medyo lumihis ng takbo si Erika. Tumigil siya saglit nang mapansin niya tumigil si Kenji para patayin ang isang biter. Tinulungan niya ito. Sinaksak niya sa mata ang pinakamalapit na zombie saka sila tumakbo muli para sundan ang mga kasama.

                Tumulong din si Shizu sa pagtatanggol sa mga kasama habang siniguro naman ni Maeda na malapit siya kina Kiari para tulungan ang mga ito kung sakali. Mabagal ang kanilang pagtakas dahil sa matandang babae at sa mga bata. Kaya nagsilbing gwardiya sina Ren, Kenji at Shizu ng kanilang grupo na dapat mabuwal ng mga zombie bago mabiktima ng mga ito ang iba pa.

                “Ah!”

                “Tayo po, Manang Lupe,” natatarantang sabi ni Grace sa matanda nang madapa ito. Mabilis itong tinulungan ng mga bata at ni Grace bago nila ipinagpatuloy ang pagtakas. Inalalayan na ito nina Grace at Kiari dahil mukhang napilay ang matanda. Hanggang sa makarating sila sa kalsadang lupa.

                Kinakabahang naghintay sina Kiari nang hindi nila makitang kasunod ang grupo nina Kenji. Nakahinga sila nang maluwang nang lumitaw ang mga ito mula sa kakahuyan. Ngunit napunit ding bigla ang pagdiriwang na iyon nang makita nilang kasunod ng mga ito ang mga biters.

                “Takbo!” pasigaw n autos ni Kenji.

                Agad tumalima ang mga inutusan. Nagmamadali silang tumakas patungo sa kung saan papunta ang lupang daan. Doon nila namalayan kung gaano talaga karami ang mga humahabol sa kanila. Halos parang prusisyon ng mga buhay na patay ang nasa likod nila.

                “Ah!”

                Subsob ang grupo nina Kiari sa lupa nang matapilok siya. Dahil nakaakbay si Manang Lupe sa balikat niya at ni Grace, nadala ng bigat niya ang dalawa. Sinubukan nilang tumayo pero nakaramdam ng sakit sa paa si Kiari. Halos hindi makausad ang kanilang grupo dahil sa kanilang dalawa ni Manang Lupe.

                “Kenji! Ren!” natatarantang hingi ng saklolo ni Kiari sa mga kasama. Nakangiwi ang babae nang magtama ang mata niya’t ng mga tinawag. Ramdam niya, maaring ito na ang katapusan nila. Siguradong sa kalagayan niya at ni Manang Lupe hindi sila makakatakas. Maabutan sila ng mga biters.

                “I-iwan nyo na ‘ko. Itakas nyo na si Manang Lupe at ang mga bata. Sige na,” sabi niya sa mga kasama ng akmang tutulungan siya ng mga ito.

                “Hindi, Kiari. Hindi ka namin iiwan,” mariing sabi ni Kenji.

                “Pero, Kenji…” naiiyak nang tutol ni Kiari.

                “Walang maiiwan, Kiari,” sabi ni Kenji habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. Pero ang totoo alam niyang maaaring maging dahilan iyon para mamatay silang lahat.

                “Ren,” sabi niya sa pangalan ng kaibigan na alam na agad ang gagawin kahit hindi niya sabihin.

                Inihanda nito ang sarili sa paglaban sa mga biters. Tumayo si Maeda sa tabi ng pinsan hawak ang stake. Sumunod din si Kenji. Sagkit silang nagkatinginan saka napapalunok na naghintay ng pagdating ng mga patay. Habang pilit namang humakbang palayo sina Kiari at Manang Lupe katulong sina Grace at Erika.

                Halos mabingi sila sa tibok ng kanilang mga puso dahil sa inaasahan na nilang madugong laban sa pagitan nila at ng mga zombie.

                “Hah!” mahinang buga ng hininga ni Kenji nang ilang dipa na lang ang layo ng unang biter sa kanila. Alam niya, maaaring hanggang dito na lang siya.

                “Aaaahhhh!” Kenji screamed a cry of battle and charged towards the undead. Pero bago pa siya makarating sa napiling kalaban, biglang nagliwanag ang paligid. Natigilan siya sa pagsugod at lumingon sa pinanggagalingan ng liwanag. Kenji instinctively moved his arm in front of his eyes to protect them from the blinding light. He squinted his eyes until he was able to see the source of that light. Isang truck!

               

               

               

Continue Reading

You'll Also Like

Haunted By Ely

Mystery / Thriller

420K 15.8K 41
Zeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darati...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
1.7M 28.7K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
14M 390K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...