My Sweet Blackmailer

Από TuronTuwingTrigo

49K 680 236

Falling in love with someone isn't always going to be easy... Anger... tears... laughter.. It's when you want... Περισσότερα

Ch. 1: Sizzling Summer
Ch. 2: The Unexpected School Year
Ch. 3: Iris
Ch. 4: CHEEKY CHEATER & The TALENTED MONKEY
Ch. 5: You're the Thing that's Right
Ch. 6: An Underwater ____
Ch. 7: Picnic
Ch. 8: Last Friday Night!
Ch. 9: The Limit
Ch. 10: "I've been inlove with her for the past 18 yrs."
Ch. 11: Jrissy <3
CH. 12: Because tomorrow might be good for something
Ch. 13.1: LIKES
Ch. 13.2: LIKES
Ch. 14: **
Ch. 15: Still & Always
Bonus Chapter: A Christmas Special :*
Ch. 16: LOVE ME or MISS ME?
Ch. 17.1: MISSING
Ch. 17.2: MISSING
Ch. 18.1: Cupid is Blind!
Ch. 18.2: Cupid is Blind
Ch. 19 - Heartbreaks & Heartaches
Ch. 20: Hell Week T_T
Ch. 21: SUPERMAN
Ch. 22: The Most Precious Thing
Ch. 23: My Perfect MATCH!
Ch. 24.1: Twists and Turns
Ch. 24.2: Twist and Turns
Ch. 25: Gate 13
Ch. 26: Two Years Later </3
Ch. 27: Enchanted Kingdom
Ch. 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part
Ch. 29.1: Salisi
Ch. 29.2: Salisi
Ch. 30: Simsimi
Ch. 31: Ang Bagong Buhay... Ysabel's Part
Ch. 32.1 - Boarding
Ch. 32.2 - BE
CH. 32.3 - A
Ch. 33: The Social Climber and The Pianist
Ch. 34 - Charm
Ch. 35: Bestfriends <3
Ch. 36 - Why did you have to go?
Ch. 37: "Di mo man lang ako inintay!"
Ch. 38 - I'd Lie
Ch. 39: Mga Nakaw na Sandali
Ch. 40 - You're My Idea of Perfect
Ch. 41 - Marshmallow
Ch. 42: I Love You.
Ch. 43 - Don't Change
Ch. 44: L I A R
Ch. 45: OCTOBER 13th ♥
Ch. 46 - After Everything

Ch. 32.4 - CH

642 9 1
Από TuronTuwingTrigo

[JELO'S POV]

Umaga na. Bumalik na ko sa room. Doon na kasi ako nagpa-umaga sa shore eh. Hay. Ano ba 'to. Panaginip lang pala na nakita ko si Ysabel. Ganon na kaya talaga ang itsura nya? Ang ikli na ng buhok nya eh. Ang ganda pa din nya. Pero bakit ganon? Bakit sya tumakbo paalis? At bakit, wala na kong shorts paggising ko. HAHAHA.

Ganon ko na ba syang ka-miss at akala ko ay nam-make love kami. HAHAHA! ^^

"San ka natulog?" - tanong sakin ni Geoff pagpasok ko ng room

"Dun sa shore. Hindi ko nga alam kung pano ko napunta don eh. Pagkatanda ko dito ko natulog eh." - napakamot ako sa ulo

"So hindi mo pa alam?" - tanong ulit ni Geoff

"Ha? Ang alin?" - naguguluhan ako

"Nananaginip ka kaya kagabi. Bangungot nga ata yon eh." - sagot ni Mark

"HA?"

"Kasi kagabi mabilis kang nakatulog nung humiga ka. Tapos mamaya maya sinisigaw mo yung 'di pangalan ni Ysabel. Eh 'di pinabayaan lang namin. Tapos sumigaw ka ulit. Paulit ulit ng Ysabel. Ginigising ka na nga namin eh. Pero imbis na gumising ka eh tumakbo ka palabas." - paliwanag ni Geoff

"Ganon. Eh bakit hindi nyo ko hinabol?" 

"Antok na antok kami eh." 

"Ngek. Anong oras ba tayo uuwi?" - tanong ko. Oo nga pala, pauwi na rin kami ngayong araw.

"After lunch. Mag-breakfast muna tayo bago pumunta sa souvenir shop. Tapos prepare na tayo umalis." - Geoff

"Ah osige sige."

Naligo na ko, at nag-ayos na ng ibang gamit ko. Mamaya maya ay lumabas na kami para mag-breakfast.

[ALYSSA'S POV]

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Iniisip ko kasi yung mga sinabi ni Jelo eh. Si Ysabel. Sya pala si Cheeky. Ang masakit pa non, mahal pa nya. Mahal na mahal pa nya. T___T

Tumayo na ko sa kama at nag-prepare na. Magb-breakfast na kasi kami tapos diretsong souvenir shop.

"Okay ka lang?" - tanong saken ni Yanx, napansin nya atang ang laki ng eyebags ko at ang tamlay ko

"Ha. Ah oo naman. Bakit?"

"Eh ang laki ng eyebags mo oh. Nakatulog ka ba?"

"Hehe. Oo. Konti nga lang."

"Ah kaya pala. Tara na. Breakfast na tayo."

Lumabas na kaming girls para mag-breakfast. Syempre kasama namin yung mga boys. Pero hindi pa din ako nilapitan ni Jelo. Alam kaya nya yung nangyari kagabi? Eh, imposible naman. Si Ysabel ang hinahanap nya eh. Siguro galit pa sya saken. 

[JELO'S POV]

Nagb-breakfast na, pero hindi ko pa din pinapansin si Alyssa. Naaasar pa din kasi ako sa kanya sa pangungulit nya saken kagabi tungkol kay Ysabel. Bahala talaga sya.

"Alam nyo ba, etong si Jelo. Nananaginip kagabi. HAHAHA." - simula ni Jiyo

"Talaga? Haha. Ano namang panaginip?" - Irene

"Si Ys-ssdfghjk-ertyuiop" - hindi na natuloy ni Jiyo yung sasabihin nya dahil tinakpan ni Rob ang bibig nito

"Si Jelo, nanaginip. Nagm-marathon, ayon nagtatakbo sa shore palabas." - depensa ni Rob, habang hawak pa din ang bibig ni Jiyo

"HAHAHA! Talaga. Ano yon, sleep running?" - tawa ng tawa si Irene

"Nagulat nga ako paggising ko, hindi ko na suot yung shorts ko eh. HAHAHA" - sumakay nalang ako sa pagj-joke nila

"HAHAHA! Pinawisan ba yung ano?" - asar ni Kiel

"Oo. Hahahaha. Nagulat nga din ako kung ba't basa eh." - biro ko ulit, pero totoo, parang basa nga ^____^ V

"HAHAHAHAHAHAHA!" - nagtawanan kaming mga lalaki

Habang ang saya naming nagbibiruan, biglang nalaglag yung kutsara ni Alyssa.

Napatigil tuloy kami kakatawa.

"Oh, ayos ka lang?" - tanong sa kanya ni Jasper

"Ha, ah oo. Excuse me." - tumayo sya at nagpunta sa rest room

"Kayo kasi, ang babastos nyo eh nakain tayo. Haha." - saway ni Mey

May alam kaya si Alyssa sa nangyari kagabi? 

Eh imposible naman yon, tulog na yun non panigurado. Tsaka hindi ko gagawin sa kanya yon noh. Kay Ysabel lang. Sa totoong mahal ko lang.

Pagkatapos naming mag-breakfast ay dumiretso na kami sa souvenir shop. Malapit lang naman 'to sa pinags-stay-an namin kaya nilakad nalang.

Humanap ako ng pwedeng pasalubong sa bahay.

Binili ko si mama ng lamp shade. Mahilig kasi yon sa mga antique at native na bagay, kaya eto yung naisip kong bilihin. Si ate Gela naman ay bag na wooven, kay papa at para saken naman ay t-shirt, souvenir nung place. at kay Danna naman ay bracelets.

"Nga pala, hindi ako sa condo uuwi mamaya." - nagulat ako ng biglang nagsalita si Alyssa sa likod ko

"Bakit?" 

"Wala. Ayoko lang."

"Okay." - tapos pumunta na ko dun sa cashier para bayaran yung mga pinamili ko

"Jelo, may binili ako para sayo." - lumapit saken si Mark

"Oh ano yon?"

"Dream catcher, para 'di mo na ulit mapanaginipan si Ysabel. Hahahaha!" - inabot nya saken ang isang maliit na dream catcher

Lumingon ako palikod dahil alam kong narinig ni Alyysa. Pero at that point, wala akong pakeelam kung narinig man nya. Pagkalingon ko, lumakad na kami ni Mark palabas ng souvenir shop habang nakaakbay ako sa kanya.

"HAHAHA! Ikaw talaga. Pati ba naman sa panaginip, ipagkakait mo saken si Ysabel?" 

"Eh kesa naman nananakbo ka palabas. HAHA. Ano ba kasing nangyari dun sa panaginip mo?" - tanong saken ni Mark

"Basta nakita ko sya. Ang ikli nga ng buhok nya eh. Tapos nagkausap kami, tapos bigla syang tumako paalis. Hinahabol ko pa nga sya eh, pero hindi ko sya maabutan. Grabe. Ang ikli ng buhok nya."

"Maikli?'

"Oo. Bakit?"

"Kasi tanda ko nung nagpa-book ako sa isang condo-tel building para sa monthsary namen ni Minji, may nakita akong kamukang kamuka talaga ni Ysabel, at maikli yung buhok. Napa-second look nga ako eh, kasi akala ko talaga sya. Hindi kaya, bumalik na sya, Jelo?"

"BAKIT NAMAN HINDI MO SINABI SAKEN?" - hinawakan ko ang dalawang balikat nya

"RELAX. Eh hindi nga ako sigurado kung sya yon Jelo. Malay mo kamuka lang talaga nya. Tapos maikli yung buhok. Pero grabe naman ang fate, pati sa panaginip mo maikli na din yung buhok nya."

"BAKA NGA SYA YON." - nakahawak pa din ako sa dalawang balikat nya

"Oh, ano na namang meron?" - lumapit samen si Andrew habang inaayos ang pera nya sa wallet

"Kinukwento ko sa kanya. Yung sinabi ko sayo. Yung kamuka ni Ysabel na nakita ko sa condo-tel."

"Ah oo nga, Jelo. Hindi ko pala nakwento ko Mark, na parang nakita ko din sya."

"EH MGA GAGO PALA KAYO EH. BAKIT HINDI NYO MAN LANG AKO TINAWAGAN NA NAKIKITA NYO SI YSABEL, EH 'DI SANA NAGKITA NA DIN KAMI NGAYON."

"Eh hindi nga kami sigurado kung sya yon. Pero Jelo, kamuka nya talaga. Maikli lang yung buhok." - Andrew

"Hindi kaya sya na talaga yon?" - tanong ko sa kanila

"Eh bakit naman hindi man lang sya nagsasabi?" - Mark

"Baka hindi pa ready na harapin si Jelo, pati na tayo. Ang drama! Tara na. Layo pa ng byahe naten." - naglakad na si Andrew pabalik, sumunod na din kami ni Mark

Naging palaisipan tuloy saken kung talagang bumalik na si Ysabel dito. Kasi nakita na sya ni Mark, ni Andrew. Maikili din yung buhok, tulad ng nasa panaginip ko...

Hindi natuloy ang after lunch naming pag-uwi kundi mga 11am ay umalis na kami. Napagdesisyunang sa madadaan nalang na gasoline station magl-lunch. At syempre dating pwesto pa din sa van, kaya no choice ako at katabi ko si Alyssa.

Sa buong byahe ay tahimik lang. Halos lahat ay tulog. Pero ako, sa bintana lang ako nakatingin. At himala, si Alyssa, hindi nangungulit at natutulog lang. Hindi kasi ako makatulog eh.Iniisip ko pa din yung panaginip ko, yung mga sinasabi nila Andrew at Mark na nakita daw si Ysabel, at yung pagkahubad ng shorts ko. Tae. Iniisip ko talaga kung bakit wala akong shorts non, at boxers lang ang suot ko. Eto pa. BASA. Shet. Bakit basa yon? Nag-flag ceremony ba?

Ugh. Nagugulo na naman utak ko. Gusto kong maalala. Gusto kong maalala lahat ng nangyari nung gabing yon, pero ang naiisip ko lang ay yung muka ni Ysabel. Ang ganda pa din nya. Napangiti ako. Bagay din pala sa kanya ang maikling buhok. Kinuha ko sa bulsa ng pants ko yung bag tag nya. 

"Miss na kita." - bulong ko, at hinalikan ko yung bag tag.

Isinandal ko lang yung ulo ko sa bintana. Hindi talaga ko makatulog. 

>>>>>>>MANILA<<<<<<<<

3pm ay nakadating na ulit kaming Manila. At hindi pa din ako nakatulog sa byahe. Dun din ang drop off namin sa tambayan. At gaya nga ng sabi ni Alyssa, hindi sya uuwi sa condo. Pagkababa kasi naming lahat sa tambayan, eh umalis na agad sya. Uuwi ata sa kanila. Ni hindi nga nagpaalam saken eh. Sa barkada lang. Alam naman kasi nilang hindi kami okay eh, kaya hindi na din nagtanong ang barkada.

Nagpaalam na din si Zeke samin dahil kailangan na nyang umuwi kasi daw dumating ang papa nya, galing Macau. May business kasi sila Zeke sa Asia, pero wala dito sa Pilipinas. Business partners ang parents nila Rob at Kiel. Papa nya ang nagaasikaso nito, kasi ang mama nya naman ay busy sa pagiging head ng isang magazine sa ibang bansa din. Kaya si Zeke lang at ang kuya nya dito sa Pilipinas.

"May mags-stay ba dito?" - tinutukoy ni Rob kung merong matutulog ngayon sa tambayan

"Ako, dito ko." - Kiel

"Nakauwi na ang papa ni Zeke ah. Hindi ba uuwi parents mo?" - tanong ni Rob kay Kiel

"Ay oo nga pala noh. Uuwi pala ko. Haha. Nagpabili akong pasalubong eh." - smile na smile na naman si Kiel

"Oh, wala atang mags-stay dito ngayon ah. Umuwi rin kasi sila papa eh. Kaya kailangan present kami don ni Krissy. Ikaw Jelo?"

"Ah, uuwi ako sa bahay. Hanggang ngayon nalang kasi sila mama sa bahay eh. Bukas, pupunta sila ni papa ng Cebu eh. Magbabakasyon daw" - sagot ko

"Ah. Oh tara na! Let's head out. Pagod na tayong lahat." - lumabas na lahat kami ng tambayan

Pagbaba namin ay kanya kanya ng daan, at nagpaalam na. Dun naman lahat kami nag-iwan ng sasakyan sa building eh.

Inayos ko ang mga dala ko sa compartment ng sasakyan at sumakay na. Nung inaayos ko yung compartment ay nakita ko yung charm bracelet ni Ysabel. Dito ko kasi yun tinago para hindi makita ni Alyssa eh. Kinuha ko yung bracelet at sumakay ng sasakyan.

"Oh hindi mo pa nakukumpleto yung letters, cheeky." - sabi ko habang kinakabit ulit to sa rear mirror ko.

Then, I headed home....

Συνέχεια Ανάγνωσης