That Possesive Jerk (BoyxBoy)

By xXxMalexXxDamselxXx

299K 8.7K 802

Isang kilalang playboy si Lance sa kanilang university pati na rin sa iba pang schools. Gwapo, mayaman, matin... More

That Possesive Jerk -boyxboy
Chapter 1 - [Firstday First Friend]
Chapter 2 - [Jusko!]
Chapter 3 - [Bad Day]
Attention!
Chapter 4 - [Filler]
Chpater 5 - [kiss and Dare]
Chapter 6 - [That Tweet Tho]
Chapter 7 - [Bad mood]
Chapter 8 - [Unexpected]
Chapter 9 - [All the Bright Places]
Chapter 10 - [Adventurous]
Chapter 11 - [The Answer]
Chapter 12 - [Pleasure]
Chapter 14 - [Guest]
Chapter 15 - [Ugh!]
Chapter 16
Henlo
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter - 20
Chapter 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29 (Special Chapter)

Chapter 13 - [Secrets]

9K 275 22
By xXxMalexXxDamselxXx

Nagising ako ng dahil sa tunog ng aking alarm clock. Tinignan ko ung kabilang side ng kama at nakita kong wala na siya. Naligo muna ako at nag bihis bago lumabas ng kwarto patungo sa breakfast buffet ng hotel.

Habang kumakain ay na alala ko ung mga pangyayari kagabi na siya namang ikinapula ng mukha ko. After kong kumain ay mag pa baba na muna ako ng kinain. Minabuti ko na ring mag libot dito sa hotel na pintuntahan namin. May mga infinity pool na tanaw na ang taal volcano at magagandang garden ang nakapalibot dito.

Sa aking pag mu muni-muni ay hindi maiwasang pumasok sa isip ko kung bakit ang dalawa sa pinaka gwapo at habulin ng chiks sa university ay binibigyan ako ng pansin. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka nantri-trip lang yung mga yun pero hindi ko rin naman maikakaila na gusto ko ang atensyon ma binibigay nila para sa akin. Simula kasi nung elementary ako ay may pagkamahiyain ako. Hindi din ako masyadong nakikipagkaibigan kumbaga pili lang ang circle of friends ko kaya bago lang sa akin ang lahat ng pinapakita nilang dalawa sa akin.

Napakasarap ng simoy ng hangin dito sa tagaytay pero nag pabalik sa ulirat ko ang tunog ng aking relo na hudyat na 12 na. Bumalik muna ako sa kwarto namin dahil di ko alam kung hanggang kailan kami dito at para na rin tingan kung nandun na si Lance sa kwarto. Pero pag dating ko dun ay wala pa siya kaya nag pasya muna akaong amag ayos ng gamit ko. Mga 20 minutes ang nakalipas ay bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang napaka gwapomg nilalang. Sino pa ba kundi si Lance na naka ngiti. Naka puti siyang t-shirt, red na boardshorts at flip-flops. Kahit simple ang ayos niya ay napaka kisig niyang tignan.

"Mukhang maganda yata gising mo ah?" Pag tatanong ko sa kanya habang nag aayos ako ng gamit ko sa kama.

"Ah, wala to. Wag mo tong pansinin" sagot niya habang nilalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa. "Tara mag swimming!" Yaya niya sa akin habang nakangiti at papalapit sa kama.

"Ayoko" pag tanggi ko sa alok niya."di ako marunong lumangoy." Pahabol ko pa.

"Walang problema, turuan nalang kita. Madali lang naman." Pag pupumilit niya.

"Eh? Ayoko talaga. Pwedeng iba nalang?" Suhestyon ko sa kanya.

"Halika na. Inuutusan kita bilang master mo na sumama sa akin mag swimming"

Hays. Eto nanaman tayo sa pagiging master-and-slave contract. Wala na akong nagawa kundi sundin nalang siya baka kasi kung ano nanaman ang gawin niya sa akin. Nag balik namaman ang mga tagpong nangyari kagabi na siya namang ikinapula ng mukha ko.

"Oh bat ka numumula jan? May naalala ka ba?" Pag tatanong ni Lance ng naka ngisi. Parang alam niya na kung ano yung nasa isip ko.

Tinignan ko siya sabay hablot sa isang unanan na malapit sa akin tapos hinagis ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko ngunit mabilis niyang nasalo ang unan at tumawa ng malakas.

"Halika na. Hintayin kita sa lobby." Utos niya sabay lagay ng unan sa upuan na malapit sa kanya pag katapos ay lumabas na ng kwarto namin.

Wala na din along nagawa at nag palit nalang ako ng aking shorts kasabay nun ay kumuha na rin ako ng tuwalya at sunblock na galing sa hotel at pumunta na sa lobby kung saan nag hihintay ang master ko.

Pag ka baba ko ay nakita ko siyang nag aabang. Nung nag tama ang mga mata namin ay ngumiti nalang siya ng napaka tamis. Ewan ko kung bakit pero kinilig ako dun.

"Ano tara na?" Tanong niya habang papalakad papunta sa isa sa mga pool.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Sarkastikong sagot ko sa kanya. Ngumiti nalang siya pabalik sa akin at dina nag salita pa.

Nung nandun na kami ay inilapag ko muna yung gamit namin sa isang table na may dalawang reclining seat. Umupo sa isa at tsaka nag pahid ng sunblock sa kamay at paa ko. Umupo naman si Lance sa kaharap kong upuan at bigla nalang siyang nag hubad ng damit. Hindi ko inaakala na ganun pala kaganda ang katawan niya. Maputi at may anim na pandesal na namumutok sa tigas. Napalunok ako sa nakita ko at para bang nawala ako sa mundo.

"Kunan mo ng picture para mas matagal mong matitigan."

Napatingin nalang ako sa naka ngisi niyang mukha at medyo namula ang mukha ko. Nahuli niya akong makatitig sa katawan niya. Omg. Isa tong malaking kahihiyan. Kaya naman ibinaling ko nalang yung paningin ko sa iba pang taong nag swi-swimming.

"Pahiran mo ko ng lotion sa likod." Utos niya sabay dapa sa may upuan. Para nanamang tumigil ang mundo ko. Di ko rin alam kung anong dapat mararamdaman ko. Saya ba o kabwisitan? Para kasi siyang nananadya.

"Nag hihintay ako alipin." Matigas niya sabi habang nakadapa pa rin.

Ginawa ko nalang ung pinaguutos niya at nilagyan ko siya ng lotion. Para akong mahihimatay sa ginagawa ko. Nahahawakan ko ang katawan niya kahit likod lang. buti nalang at naka dapa siya at hindi niya makita ang mukha kong mas mapula pa sa kamatis. Ligyan ko na rin ang kamaey niya. Nahawakan ko pa ang palad niyang malalambot. Pati na rin sa mga binti niya. Nung patapos na ako ay bigla siya nag iba ng pwesto. Kaya naman ngayon ay nakatingala na siya. Di ako mapakali dahil mas lalo ko pang nakita ang matitigas niyang six pack abs, isama mo na rin ang pinkish niyang utong.

"Lagyan mo din dito." Utos niya.

"Si-sigurado ka ba?!" Alinlangan kong tanong sa kanya. Eh kasi naman. Abs na yung mahahawakan ko. Nakakahiya kaya. [Enebeyern >.<]

"Oo nga." Sagot niya habang naka ngisi sa akin. "Pasalamat ka mahahawakan mo abs ko." At pumikit siya.

Di nalang ako nag salita at ginawa ko nga ang ipinaguutos niya sa akin. Kahit labag sa loob ko (pero deep inside gusto ko din naman). Inuna kong pahiran ang dibdib niyang matikas pababa sa abs niyang sobrang defined.

"Nag enjoy ka ba alipin?" Pagtatanong niya na may bakas na ngiti sa labi niya.

"Ewan ko sayo. Nantri-trip ka namaman!" Pag susungit ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Aba-aba! Ganyan ba dapat sumagot ang isang alipin sa master niya?" Ngayon ay nakangiti na siya.

Sabi ko na nga ba pinagtritripan nanaman ako nito.

"Hoy Lance. Namumuro ka na sa akin ah. Onting-onti nalang talaga masasapok kita!" Pag babanta ko sa kanya. Naka tayo na ako nun habang dinuduro ko pa siya.

Tumayo na rin siya at naglakad papalapit sa akin."Ikaw na alpin ka" panduduro niya sa akin "Hindi mo alam kung san ka dapat lumugar no?" Yung mga mata niya nanlilisik na nakatingin sa akin. "Kaya ikaw dapat bigyan ng leksyon!"

Masyadong mabilis ang pangyayari, naramdaman ko nalang na nakakapit ako ng mahigpit sa bisig niya habang napapalibutan ng tubig. Pag ka ahon namin ay tumatawa siya sa ginawa niya. Dapat nagagalit ako sa kanya ngayon pero masyadong nakaka hawa yung tawa niya kaya napatawa na din ako. Para kaming mga baliw nung mga oras na yun. Andito kami ngayon sa pool kung saan hindi masyadong mababaw at hindi masyadong malalim. Tama lang sa akin. Pero kay lance ay parang sobrang babaw lang sa kanya. Nag hahabulan lang kami at kung minsan ay nag babasaan. Minsan aahon dahil nagugutom kami pareho pag katapos lalangoy ulit. Para kaming mga batang ngayon lang nakapag swimming. Masaya din naman pala siya kasama. Yun nga lang mejo mayabang sa una pero masiyahin siya. Pero sa likod ng masayahin niyang aura ay bakas sa mga mata neto ang sobrang kalungkutan.

Nang minsan mag pahinga kami saglit sa upuan ay napaisip ako na paano nalang kung hindi ko siya nakilala? Paano kung hindi ko sila nabunggo nung araw na yun? Mag kru-krus ba ang landas namin ngayon? Makikilala ko rin ba si Yuri? Siguro angel in disguise ang pagtatagpo namin dahil kung hindi ay hindi ko mararamdaman ang ganitong kasiyahan ngayon.

Nung medjo mga hapon na ay sabay na kaming umahon at nag patuyo sa upuan namin. Parehas kaming pagod pero parehas din kaming masaya.

"Akalain mo yun nagsaya ako kasama ka? Hahaha!" Pag bibiro ko kay Lance habang nakahiga sa recliner seat. Kakatapos ko pang mag punas ng buhok at mukha.

Tinignan ko siya sa upuan niya at nakitang nakangiti lang ito habang nag pupunas ng buhok niya.

"Oo nga. Di ko akalain na magsasaya ako ng ganito." Sagot niya habang ngumingiti sa sarili niya. "Pero sa totoo lang, isa to sa pinaka masayang araw ko." Pahabol niya sabay ngiti sa akin.

Di ko alam kung kikiligin ba ako or nang tri-trip nanaman siya. Pero iisa lang ang nararamdaman ko ngayon, masaya ako dahil kasama ko siya.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa pool side. Nagkwe-kwentuhan, nag tatawanan hanggang sa napunta nalang ang usapan namin sa sarili naming buhay.

"Ikaw ba? Anong storya mo?" Pag tatanong niya. Habang naka tingala sa malawak na kahel na kaulapan. Naka ngiti ito at parang walang iniindang problema.

"Bakit ko naman ikwe-kwento sayo? Edi pag nalaman mo na may pang asar kana sa akin?" Sagot ko sa kanya na may halong biro.

"Sige na. Diba nga I want to start over and know you more?"

"Lumaki ako sa Isabela," panimula ko. "Bank teller si mama at engineer naman si papa sa japan." Hindi siya nag komento kaya itinuloy ko nalang." Lumaki ako sa lola ko sa father side. Simula pa nung ipinanganak ako ay hindi pa umuuwi sa papa kahit minsan. Yes may communication kami pero iba pa rin pag kasama mo ng buo ang pamilya mo."

"Bat hindi mo kasama sila mama at kuya mo?" Pag tatanong niya sa akin.

"Seperated sila mama at papa. May sariling pamilya na rin si kuya. Gusto ni papa na kila lola ako dahil ayaw nila kay mama. Minsan nga patakas kaming mag kita nila mama at kuya." At napapangiti nalang ako sa mga ala-alang yon. "Kung ako din naman ang papipiliin, mas gusto ko kasama si mama. Kaso hindi sapat ang kinikita niya ngayon sa pag papa-aral sa akin." Tinignan ko siya ay nag katitigan kami. May something sa mata niya na hindi ko mawari kaya umiqas ako mg tingin at itinuon sa iba ang aking mata. "Lumaki ako sa broken family. Kahit minsan hindi ko pa naranasan na makita kaming pamilya na buo. May sariling mundo ng ginagalawan sila mama at papa pati na rin si kuya. Pero instead of being sad, I stayed opptimistic and happy. Ano bang magagawa ng pagiging malungkutin ko kung hindi niya naman kayang mabuo ang pamilya ko?" Pagtatapos ko. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ako kadaling mag kwento sa kanya tungkol sa buhay ko. Hindi ko din mapigilan ang sarili ko dahil first time kong mag karoon ng ganitong atensyon maliban nalang kay Earl. "Ikaw? Anong kwento mo?" Pagbabalik tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa tapos ngumiti at itinuon niya ang kanyang mata sa tanawin na nasa harap namin.

"Ipinanganak ako sa isang mayaman na pamilya dito sa Manila. Dito na rin ako nag kaisip at lumaki. Pero bilang anak na lumaki sa isang mayaman na pamilya ay kailangan mong tanggapin ang mga nangyayari sa buhay mo. Laging wala sila mama at papa dahil busy sa work. Naiintindihan ko naman yun dahil kasama ko naman kuya at manang Janette. Tatlong beses sa isang taon kami kung mag outing na mag papamilya, one a week na dinner na magkakasama kami. Hindi naman sila nag kulang sa pagbibigay ng atensyon sa aming magkapatid pero isang araw nagbago ang lahat ng iyon." Pag hinto niya sabay bigay ng isang pilit na ngiti sa akin. Para bang pinag iisipan kung itutuloy ba o hindi. "Pag dating ko ng highschool, dun lahat nangyari. Apat talaga kaming mag kakaibigan nila Mav at Hiro, yung pang apat ay si Alex." Huminto siya saglit tapos ngumiti. Para bang may ala-ala siyang kasama si Alex na masaya. "Siya ang pinaka bestfriend ko sa kanilang tatlo. Pinakmalapit, pinakapinag kakatiwalaan at higit sa lahat siya ang first love ko." Huminto siya at tinignan ako na para bang nahihiya siya sa mga nasabi niya. Hindi nalang ako umimik at nakinig nalang sa kanya. Pero hindi ko din na maipagkakaila sa aking sarili ay ang first love niya ay isang lalaki. "Hindi ganon kahirap at kayaman sila Alex. Napakamasiyahin niya. Yung tipong nakakahawa yung pag tawa niya. Kahit na malungkot siya ay pipilitin niya paring ngumiti at mag patawa."

"The happiest people are the ones who are broken the most." Pag commento ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at nginitian. Ginantihan ko din siya ng ngiti at ipinag patuloy na ang kwento niya.

"Ayaw ng Magulang ko kay Alex. Kaya ginawa nila lahat para mapag hiwalay kami pero we stayed strong, we become each other's strength pero hindi ko akalain na makakayang gawin yun ng magulang ko. They hired someone to seduce me. I was drunk that time. Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Nung gabing yun, dun na pala masisira ang lahat. Nakita ni Alex na nakapatong ang isang babae na sa akin. Wala na ang pang ibaba ko at siya naman hubad na. I prayed to God na bigyan ako ng lakas upang mahabol siya and I did, nahabol ko nga siya pero mas mabilis siya kesa sa akin pero sa hindi inaasahang tagpo ay nabunggo siya ng isang humaharurot na sasakyan." Napatigil ulit siya at makikita mo sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan. "Naitakbo pa siya sa ospital pero hindi na niya nakayanan. I was angry at my parents and I aslo hate myself that I was drunk. Kung hindi lang ako lasing nun ay mas nahabol ko pa siya at maililigtas."

Pero kung nahabol mo kaya siya magkakakilala pa ba tayo? Mag kakaroon ba tayo ng ganito moment?

"Sa mga huling sandali niya inaalala niya parin ang kasiyahan ng iba. Ang mga huling kataga niya ay 'find someone who can make you smile and laugh. Find someone who inspires you to be the best.' Kaya naman mag mula nung araw na yun ay hindi ko na sila kinausap pa. They tried talking to me but it was futile. The love of my life was taken away from me."

Di ko alam kung bakit pero sa huling kataga niya ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Sa awa ba o sa pagseselos. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nag kakaganito. Isang araw ko palang siya nakikilala pero bat ganito?

Nag tagal pa kami ng kaunti hanggang nag aya na siyang bumalik sa kwarto. Pag dating dun ay pinauna na niya akong maligo dahil may kakausapin lang daw siya. Di na ako nag usisa at ayaw ko namang lumabas na chismoso at pumasok na ako sa cr.

Sa aking pag sho-shower ay hindi ko maiwasang isipin ang mga pinag kwentuhan namin. Bakit ang bilis kong maikwento ang buhay ko sa kanya. Iwinaglit ko nalang ang mga iyon at tuluyan ng tinapos ang pagligo. Pag ka labas ko ng kwarto ay hindi pa siya bumabalik kaya naman na pag pasiyahan kong mag bihis at hanapin siya para na rin ayain siyang kumain at kumakalam nanaman ang tiyan ko.

Pag ka baba ko ay nakita ko siyang nakatanaw sa labas ng lobby window at mukhang may kausap. Alam ko bawal makinig sa usapan ng iba pero di ko mapigilan na makinig sa usapan nila. Dun ako mag nag tago sa isa sa mga wall bago papasok sa lobby mag mula sa mga elevator at sakto naman na medyo malapit sa akin si Lance. Di ko masyadong naririnig yung pinag uusapan nila pero parang tumigil ang puso sa mga narinig ko.

"Yeah, the bet is still on and i'll make sure na ako ang mananalo. By the end of the semester i'll make him say that he loves me." And with that binaba niya na ang tawag habang ako ay tahimik na bumalik sa kwarto. Feeling depressed with what I heard. Pinag lalaruan lang pala nila ako.

~[A/N]
Sorry po :D

Continue Reading

You'll Also Like

52.8K 2.3K 31
BL story. Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2
372K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]
4.5M 114K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
107K 4.6K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...